"Sylvia!" Paiyak na tumakbo si Lorie sa kaniya nang salubungin niya ang mga ito sa labas ng kanilang gate."O, bakit?" takang tanong niya sa kaibigan habang yapos-yapos ito.Dahil hindi nasagot si Lorie kay Sylvia ay ibinato niya ang tingin sa iba pang kasamahan. Nagtatatanong ang anyo niya nang titigan si Gabe na nakaabrisyete pa kay Patrick."Naku, talo 'yan sa pustahan!""Pustahan?" ulit niya habang magkadikit ang mga kilay."Bilang mabubuti mong kaibigan at kasamahan, pinagpustahan ka namin," pagmamayabang pa ni Patrick sa kaniya, at lumapit."Wow, thank you naman. Appreciate it," sarkastiko namang anang ni Sylvia habang nakangiti nang nanggigilgil."Hindi lang ikaw, Syl!" singit ni Patrick."Sobrang proud talaga ako sa inyo. Lalo na sa iyo, Gabe. Napakabuti mong kabigan," pagkatapos ng mga litanyang iyon ay isang nakamamatay na tingin ang ipinukol ni Sylvia sa kaibigang binabae."What?!" halos naibuga niya ang alak na nasa loob ng bibig matapos ikwento ni Lorie ang naging pustaha
"Ate Jellie," mahinang tawag ni Sylvia sa hipag na kasalukuyang nasa lamesa, at nakikipagkwentuhan sa ilang customer.Nagtataka naman ang anyo nitong lumapit sa kaniya.Dahil kailangan pa na umikot para tuluyang makalapit sa kaniya ay sinenyasan niya ito."Bakit?"curious na tanong ni Jellie sa kaniya.Hinawakan ni Sylvia ito sa braso para mas ilapit pa. Pasimpleng niya rin iginala ang mga mata, sinisiguradong walang makakikita o makaririnig sa kanilang magiging usapan."Saan ba pwedeng humanap ng ka-date?" lakas loob niyang tanong.Nakalolokong ngiti ang nabungaran niya sa hipag nang magkatinginan sila. Siya naman ay nag-aabang ng magiging suhestiyon nito."Diyos ko! Akala ko naman kung ano 'yang itatanong mo!" natatawang sambit ni Jellie."Shhh…, huwag kang maingay," saway niya sa hipag. Hinila niya ito sa braso para ilapit pa ng husto.May alinlangan na luminga si Sylvia kay Jellie. Ngiting-ngiti naman ito sa kaniya, lihim siyang nagmasid sa paligid para siguruhin muling walang maka
"Next!" sigaw ni Troye."Yes, Sir!" agad na balik-sigaw ni Gabe mula sa labas.Nagkasalubong ang unang aplikante, at ang sumunod na pumasok. Nag-ismiran pa ang mga ito, napailing na lamang ang binata. May konting irita niyang kinuha ang folder na sumunod."Good morning, Mr. Troye Matthew Ledesma."Dahil sa seryosong pagbabasa niya ay hindi siya sumagot sa babae. Binabasa niya nang husto ang nasa resume nito."Do you think this it's a good day, for me and for you, Sir?"Nagtaas sandali ng tingin si Troye dahil sa narinig. Sinipat niya ito ng tingin, maikli lamang ang buhok nito, hindi aabot sa balikat. Simpleng itim lang, may make up naman pero hindi parang a-attend ng night party.Sakto lamang para sa ka-pormalan.Ibinaba ng binata ang mga mata sa suot nito. Kahit papaano ay may nasilayan siyang konting-konting liwanag.Maayos ang suot nitong puting sweater, at slacks na kulay pula. Though, medyo inappropriate ang kulay ng ibaba nitong suot. Ang mahalaga ay wala siyang nakikitang kahi
"Ano na?" mahinang tanong ni Sylvia habang tensyonadong kaharap ang hipag na si Jellie.May pagkakataon na silang mag-usap. Wala ng tao sa paligid, ganoon na rin ang pamilya nila, may kalaliman na kasi ang gabi. Doon lamang sila nakakuha ng oras para masinsinang magplano."Okay, may offer ako sa iyo."Tumango si Sylvia habang nakadukwang sa lamesa. Magkadaupan ang mga palad niyang nasa ibabaw ng mesa. Intense siyang naghihintay sa pahayag ng hipag."Heto," isang sketch book ang inilatag nito sa harapan niya. Curious siyang sumilip doon."Ito ay ang blind dates."Nilagyan ni Jellie ng bilog ang unang salita. Tumango naman siyang bahagya habang nakatitig lamang doon."Puwede kang magpareto sa mga kaibigan mo, o sa amin na puwede mong i-date. Mas exciting kung wala kang idea sa hitsura nila para may thrill ng konti," sabik na agad nitong paliwanag."Next, try mong mag-reach out sa mga dating crush mo-""No way!" angil ni Sylvia, at dumiretso nang pagkakaupo."Relax. Ito naman, i-che-chec
Napangiti sa inis si Sylvia, at tumikhim pagkatapos. Tumikwas ang kilay niya habang kulang na lamang ay malusaw ang tinititigan niyang dako."Ano?""Hindi ka ba sasagot?!""Excuse me?" yamot niyang saad."What?" palaban pa rin sagot nito sa kabilang linya na lalo niyang ikinapika."Puwede ho ba, huwag ninyo akong ma-what, what diyan."Naging mahigpit ang kapit ni Troye sa cellphone. Kasalukuyang siyang nasa second floor ng bar ng kaibigang si Benzon. Nakaupo siya sa sala nito habang may kaharap na beer."Hey, you-"Hindi na pinatapos ni Sylvia ang gigil na tono ng kaniyang dating boss."Mr. Ledesma, mukhang mali po kayo ng na-dialed na numero," nagtitimpi niyang bigkas."Nah. I didn't."Nagdikit agad ang kilay niya sa isinagot nito. Sinilip pa niya sandali ang screen ng cellphone."You listen, Sylvia Dimaculangan."Tumindig si Troye, hinawi ang suot na suit sa parteng balakang bago pumeywang ang isang kamay. Hindi niya alam kung bakit pumasok sa isip niyang tawagan ang sekretarya ngay
"Inang!" Sinipat ng tingin ni Sylvia si Sonia.May hawak itong planggana ng tubig, at bimpo. Napakunotnoo siya, tinitigan niya ang mga mata ng ina habang nagtatanong ang histura."Para saan 'yan?""Sino'ng maysakit?" sunod-sunod niyang usisa."Si Spike, nilalagnat.""Areng bata!" nababahala niyang bulalas kasabay nang pagbaling ng tingin sa nakasaradong pinto ng bunso."Bumaba ka muna roon, at magtinda. Tulungan mo si Kuya Sol mo sa pagtitinda," utos ng kaniyang ina."Sige po."Nang pumasok na si Sonia ay saglit niyang sinilip si Spike, tulog ito kaya minabuti niya na lamang lumabas. Tumulong sa kapatid at asawa nito."Kuya!""Nasaan si Ate Jellie, atsaka si Sophia?"Nilibot niya ng tingin ang paligid. May mga customer pero wala ang hipag, at pamangkin."Dinala saglit ni Jellie roon sa kaibigan niya. Ninang kasi iyon ni Sophia," paliwanag nito habang busy sa pag-aayos ng tindahan."Eto nga pala!"Napilitan si Sylvia na abutin ang inabot nitong isang plastic na may mga kape. Umangat an
Naasiwa naman si Sylvia sa pagkatitig ni Troye. Para na siyang ice cream na nalulusaw. Nang mapansin na pinagmamasdan sila nila Gabe habang pangisi-ngisi ay napilitan na siyang basagin ang katahimikan."Hi, Mr. Ledesma," alangang bati niya habang nahihiya pa rin salubungin ang tingin nito."That is inappropriate outfit," weird na sagot nito, at pinasadahan pa siya ng tingin.Na-conscious naman si Sylvia, at inayos ang pagkakatindig. Muli niyang pinagtagpo ang mga mata nila."Siguro naman po, ayos lamang ito. Nag-deliver lang naman ako ng kapeng barako sa mga customer."Tumaas ang sulok ng labi ng binata. Na- disappoint siya sa narinig. Napahiya rin siya sa sarili dahil sa iniisip na bumalik na ito.Kinontrol niya ang sarili nang pumamulsa. Huminga rin siya ng malalim, inalis niya muna rito ang tingin. Binalik niya rin habang walang emosyon ang hitsura."Mauna na po ako," paalam ni Sylvia, at naglakad na."Really, you chose to deliver that coffee rather than to work for me?"Nag-reac
Pabagsak na isinarado ni Troye ang pinto ng opisina. Inalis niya rin ang pagkakabutones ng itim na suit bago hinubad. Agad niya iyong ibinato nang ubod ng lakas sa sahig habang hingal na hingal dahil sa galit.Nagtungo siya sa glass wall, umaasang maiibasan ng magandang tanawin ang hindi niya kayang dalhin na emosyon.Bakit wala siyang makitang pagsisisi sa mukha ng dating sekretarya?Kahit konti, o lungkot man lang.Ganoon ba siya kasamang amo para hindi ma-appreciate nito ang samahan nila sa mga nakalipas na taon?"That old maid is unfair," gigil niyang bigkas."Sir!"Lumingon ang binata nang bumukas ang pinto. Pumasok si Amari sa loob habang may dalang folders."Don't you know how to knock on the door?" anas niya habang may patong-patong ang mga linya sa noo."I did, Sir. Before I went inside," kalmado nitong rason."You should wait for my response, if I will you let you in or not," pagtuturo niya rito bago inirapan.Dahil pakiramdam ng binata ay nanghihina siya ay nagtungo ito sa
"Sir?" ulit ng boses.Umatras yata ang luha ni Troye nang mas malinaw na marinig ang pamilyar na boses. Marahan siyang nagtaas ng mukha, at kulang na lamang ay mahulog ang puso niya nang makita ang sekretarya."Kape niyo po. May iuutos pa po ba kayo?"Ilang beses niyang kinurap ang mga hindi naniniwalang mga mata. Baka dahil sa pangungulila ay namamalik-mata lamang siya, at nakikita ito ngayon sa kaniyang harapan.Sa loob mismo ng kaniyang opisina!Gumuhit ang ngiti sa labi ni Sylvia habang may luhang hindi napigilang bumagsak habang nakatitig sa nabiglang si Troye."Mag-pu-push up pa po ba ako?" biro niya habang naiiyak.Nang mapagtanto, at masiguradong nasa harapan nga niya ang sekretarya ay matulin siyang tumayo sa kinauupuan. At nang makalapit sa harapan nito ay nag-usap muna ang kanilang mga mata."Sylvia Dimaculangan, reporting as your Executive secretary. Hindi niyo pa naman po tinatanggap ang resignation letter ko, 'di ba?"Maagap na hinawakan ni Troye ang kanang braso niya, h
"I'm sorry."Nagising si Troye nang mapagtantong nakapikit na dahil sa gulat ang kaharap na sekretarya. Hinawakan niya iyon sa braso habang nahihiya ang hitsura.Marahang binuksna ni Sylvia ang mga mata. Naroon ang binata, at hinahaplos ang kaniyang balat."I'm sorry, hindi ko gustong sigawan ka," kalmado nitong aniya."Wala na akong nararamdaman kay Trevor, maniwala ka."Nag-angat ng tingin si Troye, ngumiti siya rito ng tipid para mapanatag na tungkol sa isyu nito sa kapatid."At huwag mong ikumpara ang sarili mo sa kaniya. Magkaiba kayo, at para sa akin, mas espesyal ka.""If you say so, then be with me.""Hindi sapat na dahilan 'yon para makasama ka," naging masakit na naman ang tono ni Sylvia."Tell me, ano ba'ng puwedeng maging sapat na rason para magpakatotoo ka rin, katulad ko," determinadong tanong nito.Umiling si Sylvia, at ibinaba ang mukha.Natatakot siya, iyon ang totoo.Natatakot siya sa puwedeng kahinatnan ng kanilang pagtitinginan. Mapanghusga ang mundo, lalo na ang m
"Sylvia!"Matapang ang mukha ni Sylvia nang humarap sa patayong si Jarell. Kung puwede niya lamang ito lapitan at saktan, gagawin na niya.Pero alam niyang magsasayang lamang siya ng oras, at lakas. Wala na rin siyang pinagkaiba kay Jarell.Binalingan niya ang asawa nitong masama pa rin ang tingin sa kaniya."I'm sorry, hindi ko alam na may asawa na siya. Maniwala ka man o hindi, kung alam kung mayroon, hindi ako magkakaroon ng relasyon sa gagong iyan!""Patawarin mo ako. Hindi ko alam," pagpapakumbaba ni Sylvia.Nabanaag naman niya ang pagkalma ng babae, na tingin niya ay na kumbinsi niya dahil sa totoong paliwanag.Itinuon niya ang mga mata kay Jarell."Hindi ako nagpakantanda para lamang paglaruan, at gaguhin mo. Jarrel, mas pipiliin kong mag-isa habang buhay kaysa maging kabit.""Sylvia-""Stop it, Jarell. Hindi na gagana 'yang rason mo. Kung tingin mo, tanga ako na basta na lamang maniniwala sa iyo.""Pwes, mali ka.""Let's go," naramdaman niya ang paghila ni Troye sa kaniyang mg
"Dude?"Nagtungo sa kalayuan si Troye, at saglit na iniwan ang mga kaharap na negosyante."Bakit, Benzon?""Sasabihin ko ng personal sa iyo ang nalaman ko tungkol kay Jarell."Sinakmal agad siya ng kaba. Lumingon siya sa mga kasama bago inisip kung ano'ng dapat unahin."Sorry, late ako."Pinagmasdan ni Sylvia ang pakamot-kamot na si Jarell. Hinihingal ito dahil palagay niya tumakbo ang binata."Kanina ka pa?" tanong nito kasabay nang paghaplos sa kaniyang braso."Hindi naman. Pero, saan ka ba galing?" pasimpleng niyang usisa nang magsimula silang maglakad sa loob ng mall."A, meeting.""Meeting?" Bahagya pa siyang lumingon kay Jarell."Oo.""Akala ko ba sa kaibigan mo?"Pagkakatanda ni Sylvia ay ang paalam ni Jarell sa kaibigan nitong kauuwi lang daw ng bansa. Kaya ano'ng sinasabi nitong galing sa meeting?"Oo, pagkagaling ko sa meeting doon na ako dumiretso," patuloy na palusot ng binata."Talaga?" kailangan niyang sabihin iyon na para bang naniniwala siya kahit hindi.Habang naglala
Narating nila ang labas ng gate. Humarap si Troye sa kaniya habang hawak pa rin ang kaniyang kamay."May problema ba?" usisa ni Sylvia dahil balisa ang binata.Sinalubong nito ang mga mata niya. Matiyaga niyang hinintay ang lalabas sa bibig nito."A-about your date," panimula ng binata."Date? Sino? Si Jarell ba?" nalilito anang niya."Yes, that damn shit!" singhal ni Troye kasabay nang pagbitaw sa kamay niya.Mukhang alam na ni Sylvia kung saan tutungo ang usapang ito. Huminga siya nang malalim."Mr. Ledesma-""No, hear me first, Miss Dimaculangan!"Napaamang siya sa bulyaw nito, at nang lumapit. Hinawakan siya sa magkabilang braso, at tinapatan sa mukha."Makipag-break ka na sa kaniya.""H-ha?" utal niyang bigkas habang kumurap-kurap ang mga mata nilang magkahinang."End your relationship with him, hangga't maaga pa.""Te-teka nga," pwersahang iwanagwag ni Sylvia ang magkabilang braso.Nang magtagumpay ay nagbigay siya ng espasyo sa pagitan nilang dalawa."Ano ba 'yang pinagsasabi m
"Sagutin mo na 'yan, kanina pa natunog ang cellphone mo."Sinilip pa ni Sylvia ang phone ni Jarell pero maagap iyong kinuha nito na nakapagpa-arko ng kaniyang mga kilay."Si, si mama lang 'to. Nangungulit."Napahilig ang mukha niya, habang pinagmamasdan ito na animo'y kinakabahan, at may itinatago.Ilang beses na niyang napapansin ang laging pagtunog ng cellphone ni Jarell sa tuwing magkasama silang dalawa.Kapag naman tinatanong niya kung sino 'yon ay kung sino-sino ang dinadahilan nito.Mama niya, kapatid, pinsan, kaibigan at kung anu-ano pa.May umuusbong na kutob sa kaniya.O mas dapat sabihing isang hinala!"Kumain ka na," untag ni Jarell kay Sylvia."Sige. Nga pala, birthday ni Spike bukas, punta ka?" alok niya para na rin mapakilala niya ito ng pormal sa pamilya."Bukas?" tila nag-isip ito sa gagawin."Oo, bukas. May lakad ka ba?""Sorry, Syl."Hinawakan siya nito sa kamay na nasa ibabaw ng mesa. Napatingin siya roon bago sa mukha nitong sumisigaw ng pakiusap."Can't make it."
"Saan?""Sa lahat ng aspeto, sa estado sa buhay, sa hitsura at lalo na sa edad," mangiyak-iyak niyang paliwanag."Hindi ganiyang kababaw ang kilala kong Sylvia Dimaculangan. You are better than this, hindi mo ganiyan tingnan kung ano ang pag-ibig," mahabang giit ni Trevor habang kaswal na nakangiti sa kaniya."Isn't it too late?""Why? Dahil may Jarell ka na?"Nag-arko ang mga kilay ni Sylvia nang pagtagpuin ang mga mata nila nito. Hindi niya inaasahang alam ni Trevor ang tungkol sa nangyayari sa lovelife niya."You know in yourself and in your heart who is really in there. Don't let fear and hesitation win over you, and who your heart really wants."Huminto ang mga paa ni Troye mula sa kinatatayuan ay natatanaw niyang nakaupo ang kaniyang kuya, at dating sekretarya.Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito. At nang ibaling ang mga mata sa mukha ni Sylvia ay naroon na naman ang kakaiba, at pamilyar niyang pakiramdam ng puso."Troye!"Doon lamang napatingin si Sylvia. Kumibot ang p
"E, paano si Troye?""Ano? Anong paano si Troye?" ulit ni Sylvia sa naguguluhang tinig."Si Troye. Hindi ba iyong bagito naman na iyon ang type mo-""Naku, ate!" awat niya agad dahil pakiramdam niya sa simpleng pangalan lamang ng binata ay nagwawala na ang kaniyang puso."O, bakit?"Nanghahamon na humarap si Jellie sa kaniya. Ipinaling niya agad ang mukha sa kabilang banda."Aminin mo't hindi, apektado ka kay Sir Troye mo.""Noon pa man, lalo na nang mag-resign ka sa kaniya bilang sekretarya. At tingin ko, ganoon din naman siya sa iyo.""Kaya bakit mo sinagot si Jarell?""Ate, bata pa si Troye," pagpapaalala niya sa hipag."So?" pambabalewala naman ni Jellie.Napailing si Sylvia, hamak na malaki ang age gap nilang dalawa. Kaya kung totoo man na type niya ang binata ay hindi niya hahayaan ang sarili na magkaroon ng ugnayan dito."Ten years ang tanda ko sa kaniya. Maalibadbaran ka kaya," sambit niya kasabay nang kunyaring pagpupunas niya sa magkabilang braso."Lumang mindset na 'yan, Sy
Kasasalo pa lamang ng pwetan ni Troye ay agad na niyang tinipa ang numero ni Sylvia.Ang totoo nga niyan ay kanina pa dapat kaso ay naging busy siya sa maghapon. Napapagod siya kaya tinawagan niya ang sekretarya kahit para papaano ay mabawasan ang pagod na nararamdaman.Napakunotnoo ang binata nang ilang ring ay pulos busy tone ang kaniyang naririnig. Sandaling ibinaba niya ang cellphone bago muling itinapat sa tainga."Hindi mo ba sasagutin?" tanong ni Jellie nang mapansin ang walng hintong pagtunog ng cellphone ni Sylvia.Siniglayan niya iyon, at nang mabasa ang numero ng dating boss ay umirap siya bago ipinagpatuloy ang ginagawang pagkain."Hayaan mo na 'yan.""Magtapat ka nga, ano ba'ng nangyari sa inyo kahapon?" malisyosong usisa ng hipag na para bang may alam sa naganap sa kanilang dalawa.Nasamid siya dahil sa sinabi nito. Agad naman siyang inabutan ni Jellie ng baso habang natawa."Hoy, alam ko na 'yan!'"Kapag ganiyan ang reaksyon mo, talagang may nangyari! ""Ano 'yon ha?""