"I"ll give you five minutes, bye."
Mariing napapikit si Sylvia nang busy tone na lang ang narinig sa kabilang linya.
"Bwisit talaga," nayayamot niyang sambit kasabay nang pagbaba ng cellphone.
"No, it's on me!" boluntaryong pagbabayad ng ka-date n Troye.
"Okay lang. Ako na!"
Nakangiwing pinagmamasdan ng binata ang paglabas nang pera ng dalaga sa wallet para magbayad. Gusto na lang niyang magpakain ngayon sa lupa dahil sa sobrang hiya.
First time niyang babae pa mismo ang nagbayad ng order nila. God, he is a well-known CEO on this generation and yet, he can't pay for simple bills!
"It's alright. You can treat me next time," makuhulugang saad ni Chin at hinagod ng makalagkit na tingin ang binata.
Halos magkandarapa si Sylvia palapit sa restaurant. Tagaktak din ang pawis sa lahat ng parte ng katawan ng dalaga.
"Impakto talaga iyang boss ko! Hindi na naawa. Ang init kaya sa Pilipinas, tapos tatawagan niya ako ng ala-una para lang ipadala 'tong letseng wallet niya?" namumula at galit na pahayag niya.
May pagkakataon pang na out of balance siya at lumubog ang manipis na takong ng kaniyang plum shoes.
Napahinto si Sylvia nang sa wakas ay matanaw niya ang kaniyang boss, palabas ng restaurant. At may nakapalupot na magandang babae.
At nang magtama ang mga mata nila ay nakita niya ang matalim na tingin ni Troye. At nang makalapit sa kaniya ay pasimple siya nitong binulungan.
"Why did you took so long?" pigil na singhal nito.
Kung gaano katalim ang tingin nito sa kaniya ay dinoblehan ito ni Sylvia. Tinabihan niya ang binata habang naka-plaster ang pekeng ngiti sa labi.
"Bakit kasi sa dinami-dami ng pwede mong makalimutan, talagang 'yong walllet mo pa po?" magalang pero palaban na niyang katwiran.
Bumaling sa kaniya ang amo na matapang niyang sinalubong. Halos malukot ang noo nito sa pagkakunotnoo. Hindi niya alam kung dahil ba na nasa ilalim sila ng tirik na tirik na araw o dahil na-bwisit sa isinagot niya.
"Auntie mo?" tanong naman ng ka-date ni Troye na ang tinutukoy ang kaniyang secretary.
Napangisi dahil sa inis si Sylvia at tinapunan ng tingin ang babae. Habang pinagmamasdan niya ay napagtatanto niyang hindi naman pala ito maganda.
Maputi lang at makapal ang make-up.
"Tita?" Tawang-tawang sambit naman ni Troye.
"No, Ma'am. I am Mr. Ledesma's secretary," kahit napipikon na ay magalang niyang ipinakilala ang sarili.
Hinagod siya nito ng mapang-uring tingin mula ulo hanggang paa. Nakasungaw ang ngiti sa labi ng dalaga.
"Secretary? Is she too old for that?" Nakataas pa ang sulok ng labi nito nang batuhin ng tingin si Troye.
Napalinga si Sylvia nang malutong na tumawa ang ang kaniyang boss. Lumapit pa ito sa ka-date na babae at umakbay.
"Isn't she?" ulit pa ng babaeng impakta.
"Babe, that's why I called her my old maid secretary."
Nagatawanan ang mga ito na para bang wala siya sa harapan ng dalawa. Kunyaring nakisali siya sa tawanan.
Kahit na alam niyang biro iyon ay mayroon pa rin parte sa puso niya ang nasasaktan.
Lumunok muna si Sylvia para bigyang daan ang nagbabara niyang lalamunan. Pumormal siya at tinitingnan ang binatang amo.
"Heto na po ang wallet ninyo, Sir."
Tiningan ni Troye ang wallet at marahang tumaas ang tingin sa seryosong mukha ng sekretarya.
"I don't need that. You're too late."
"Ano?"
"Bye, babe. See you tonight, okay?"
Humalik pa ang babae sa pisngi ng kaniyang boss bago nagtungo sa sariling sasakyan at sumakay sa magarang kotse.
"You're 5 minutes late, Miss Dimaculangan."
Sinalubong ni Sylvia ang nakamamatay nitong tingin. Talagang galit pa ito, samantalang ka'y layo-layo ng napili nitong restaurant para lang kumain.
"Bakit kasi sa dinami-dami ng restaurant na pwede ninyong kainan, dito pa talaga sa dulo ng-"
"Wala kang karapatang magreklamo," putol agad nito sa kaniya, itinaas ang hintuturo at itinapat sa mukha niya.
"Bakit, wala?" Natatawa ngunit mangiyak-iyak niyang tanong.
"Cause I'm the boss!" buong kumpiyansang tugon ni Troye.
Muling napangiti dahil sa inis si Sylvia. Binasa niya ang ibabang bahagi ng labi na kasalukuyang nanginginig dahil sa galit.
"It's just that your reason?" mapait niyang tanong at tinitigan ito diretso sa mga nata.
Natigilan naman si Troye nang mabasa ang tila pagseryoso ng kaharap niyang secretary.
Namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Kahit na may iilang tunog na sasakyan maririnig.
Mukhang naapektuhan ito sa isinagot niya. Though she misunderstood what he said, he didn't meant it that way. Alam niya sa sarili ang tulong ng mga empleyado ng kumpanya nila sa pagiging successful ng Ledesma Company. Lalo na ang kaniyang sekretarya.
Malakas na idinikit ni Sylvia ang wallet sa dibdib ng binata.
"O, iyan na po ang wallet ninyo!" galit niyang bigkas at agad na tinalikuran si Troye.
"Miss Dimaculangan!"
Narinig pa niya ang tawag nito sa kaniya. Pero nagbingi-bingihan siya at nagpatuloy sa paglakakad.
Halos alas-tres na ng hapon nang bumalik si Troye sa kumpanya. Pasimple niyang sinulyapan ang lamesa ng sekretarya ngunit blanko iyon. Lihim niyang inilibot ang mga mata sa paligid, bukod sa mga ilang empleyadong nakaupo at nagsisimula ng magtrabaho ay wala ng ibang tao.
Kahit nagtataka ang binata ay kaswal siyang naglakad at nagtungo sa opisina. Mabigat ang katawan nang umupo siya sa swivel chair at muling tinanaw mula sa kinauupuan ang pwesto ni Sylvia.
"Where the hell is she?" usal niya.
Habang lumilipas ang minuto ay segu-segundo niyang sinusulyapan ang lamesa ng sekretarya at nang tingnan ang suot na wrist watch ay napakunotnoo siya.
"Sir," Katok ni Lorie sa pinto.
"Come in!" tugon ni Troye, sumandal, inayos ang pagkakaupo at ganoon na rin ang suit.
"Hi, Sir!"
Hindi siya umimik at hinintay lang na makalapit ang empleyado.
"Need ninyo raw pong i-sign ito," Inilagay nito ang isang folder sa tapat niya.
Sandaling tiningan ni Troye ang folder. Nangangati na siyang magtanong kung bakit si Lorie ang nagbigay sa kaniya nito at hindi ang kaniyang sekretarya.
"Thank you, Sir!"
Akmang tatalikod na si Lorie nang mabilis siyang muling umupo ng diretso.
"Nasaan si Miss Dimaculangan?" pinakaswal na tanong ni Troye.
Marahang humarap si Lorie habang naglalaro ang mapanuksong ngiti sa labi.
"Yihee, si Sir! Hinahanap si Sylvia!" panunukso nito.
Bagsak ang mga balikat na umuwi si Sylvia sa bahay. May iilang tao at kumakain at namimili."Ala'y ang aga mo!" bati ni Sol sa kaniya."Nariyan na ba si Sylvia?" narinig niyang tanong ng kaniyang ina mula sa itaas."Ere na inang!" sagot naman ng kaniyang kuya.Matamlay na tinapik ni Sylvia ang balikat ni Sol bago tuluyang umakyat sa hagdan."Bakit ang aga mo?" usisa ng kaniyang inang makasalubong niya sa hagdan."Wala lang po."Nasundan na lang ng tingin ni Sonia ang pangalawang anak. Naabutan ni Sylvia ang hipag sa sala. Karga-karga ang isang taong gulang niyang pamangkin na si Sophia."Ate," bati niya at napangiti nang makita ang magandang mukha ng bata."Himala! Hindi ka yata gabi na umuwi!"Lumapit siya rito at sinilip ang tulog na pamangkin. Bago itinuon ang mga mata sa asawa ng kapatid na si Jellie."Nabwisit ako sa bagito kong boss," kahit gustong sumigaw ni Sylvia ay pinigilan niya baka magising ang pamangkin.Inabot sa kaniya ni Jellie ang bata na agad naman niyang kinarga.
Walang kakurap-kurap ang mga mata ni Sylvia habang nakatitig sa kisame. Kasalukuyan pa rin siyang nakahiga sa kama, balot na balot ng kumot. Nang tumunog ang alarm clock ay wala pa rin sa sariling kinapa niya iyon sa side table.Nang mahawakan ay pinagmasdan niya ang bilog na alarm clock, patuloy ito sa pagtunog. Kumilos siya, at inilagay iyon sa ilalim ng unan. Bago muling ipinagpatuloy ang pagtulala sa kisame.Nagdadalawang-isip na siyang pumasok sa trabaho. Lalo na't sa tuwing sumasagi sa isip ang nagpag-usapan nila ng hipag na si Jellie."Ate!" Malakas at may bahid na inis ang boses ni Spike sa pagkatok ng pinto ni Sylvia.Isang masamang tingin ang ipinukol niya roon. Wala sana siyang balak sumagot, napilitan siya nang halos masira ang pinto ng kwarto niya dahil sa lakas ng kalampag doon ng bunsong kapatid."Bakit ba?!" asik niya."Hindi ka raw ba papasok, sabi ni Mama!" balik-sigaw nito.Napairap si Slyvia, at muli na namang nag-isip tungkol sa trabahong naghihintay sa kaniya.Pa
Umuusok ang ilong ni Sylvia dahil sa umaapaw na galit. Mukhang nanadya talaga ang boss niyang iyon. Isang matalim na tingin ang itinitig niya sa lamesa."Lorie, sinong nagdala nito?" seryosong-seryoso niyang aniya nang luminga sa kaibigan na agad nang nakabalik sa sariling lamesa na malapit lang sa kaniya."Ang alam ko, dinala ni Patrick 'yan," patay-malisyang sagot naman ni Lorie habang nagsasalamin, at naglalagay ng lipstick.Nanlilisik na mga mata ang binato ni Sylvia sa nakasaradong opisina ni Troye. Dinadagdagan talaga nito ang bwisit niya sa buhay trabahong mayroon siya.Tanggap naman niya ang maraming trabaho. Pero hindi ganitong, sandamakmak. Muli niyang pinagtuunan ng pansin ang mga folder.Walang ingat niya itong pinagbubuksan isa-isa, at walang ano-anong ibinabato niya ito sa gilid. May pagkakataon pa na napangingiti siya sa inis, lalo na sa tuwing nababasa ang laman ng folder.Dahil kahit hindi na sakop ng kaniyang trabaho ay naroon. Hindi magkamali si Lorie, lahat ng dapa
Hindi kumukurap ang mga mata ni Sylvia habang nakadako ang tingin sa wall clock na nakasabit sa isang gilid. Bawat paghinga niya ay katumbas ng pag-ikot ng kamay ng orasan.Hinampas niya ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa kasabay nang pagtayo nang tumapat ito sa orasan ng kanilang uwian. Parang mga tangang nakatulala sa kaniya ang mga nakapaligid na kasamahan.Buong kumpiyansang bumuga siya ng hangin. Hinawi ang likod patalikod, at lumipad ang matalas na mga mata sa nakasaradong pinto ng amo.Napatingala si Troye nang may kumatok. Katatayo lamang niya habang kinukuha ang cellphone. Oras na ng uwian, at kadalasan ay parang mga batang nagtatakbuhan ang mga empleyado niya para lang maunang makauwi.Kaya't sino kaya ang kumakatok?Nang muling tumunog ang pinto ay sandali niyang sinulyapan ang suot na wrist watch. Naiinis siyang kumamot sa maputing leeg."Come in," bahagyang nilagyan ng pagkairita ang himig.Tumikwas ang isang kilay ng binata nang iluwa ng nagbukas na pinto ay ang sekretary
Tiningan ni Troye si Sylvia tuwid sa mga mata.Hanggang sa unti-unti niyang nilukot gamit ang isang palad ang papel. Halata naman sa hitsura ng kaniyang sekretarya ang pagkabigla sa ginawa niya."You're kidding," matatag niyang paniniwala na nakapagkunotnoo rito.Buong lakas niyang ibinato ang bumilog na papel. At tumalsik iyon sa kung saan na agad na sinundan ng tingin ng sekretarya."Anong-" halos hindi alam ni Sylvia ang sasabihin sa ginawa ng amo.Nanlalaki ang 'di lang mga mata, lahat ng may butas na parte ng katawan niya dahil sa sobra-sobrang inis."I will not accept it."Pagkatapos ng mga salitang iyon ay basta na lamang lumayas ang binata. At naiwan siya sa loob, kulang na lamang gumuho ang pinto nang isara nito ng ubod ng lakas."Ang laki mo talagang tinik sa buhay ko," naiiyak niyang usal habang salat-salat ang noo.Nagpalipas si Sylvia nang ilang segundo sa loob. Inayos niya muna ang sarili bago lumabas. Nang mapihit ang seradura, at makaharap ay nakatayo ang mga kasamahan
Parang binabarena ang ulo ni Sylvia habang nakapikit. Kahit gustuhin niyang matulog ay gising na ang diwa niya. Pakiramdam niya ay may nakadagang kung anong mabigat sa magkabilang talukap ng mga mata niya nang buksan iyon.Malabo man ay alam niyang nasa loob siya ng silid. Wala sa sariling napatingin siya alarm clock, daig pa niya ang nakakita ng multo nang makita ang oras."Naku po," tanging saad niya, at halos lumipad ang kumot nang hawiin niya.Natatarantang tumayo si Sylvia, nang isuot ang pares ng tsinelas ay na out of balance pa siya dahil sa pagmamadali. Nang tuluyang maisuot ay nagmamadali pa rin siyang naglalakad.Hanggang sa matigilan siya ng kusa.Naging malikot ang mga mata niya habang may kung anong pilit na iniisip.Bakit ba siya nagkakandarapa sa pagmamadali?Saan ba siya pupunta?Saan ba siya papasok?Bilog na bilog ang itim niyang mga mata habang paatras pabalik sa kama. Dahan-dahan siyang umupo, at kumapit sa bed sheet.Natulala siya sa isang dako ng silid. Napahag
"Aba, ngayon ko lang yata nakita ang anak mo, Sonia!' bulalas ng suki nila sa kanilang tindahan.Ngumiti si Sylvia, at ipinagpatuloy ang paglalagay sa plastic ng mga binili nitong sinaing na tulingan. Inabot niya rito habang may matamis pa rin ngiting sa labi."Oo, huwag kang mag-alala. Madalas mo na 'yang makikita rito sa tindahan."Lumapit ang kaniyang ina sa tindahan. At sinuklian ang kaibigan nitong costumer. Pinagmamasdan pa rin siya ng ginang, tila ba pinag-aaralan ang mukha niya."May asawa na ba siya?" mahinang usisa nito kay Sonia, at lumapit pa sa kaniyang ina para siguro hindi niya marining ang tinatanong."Wala pa.""Bakit? Hindi ba, pangalawa sa panganay 'yan.""E, 'di may edad na 'yan. At pwedeng-pwede na mag-asawa," patuloy na sundot nito habang parang hahalikan na ang kaniyang ina sa sobrang lapit nito.Nagkatinginan si Slyvia, at Sonia. May kahulugan ang tingin nito dahilan para iiwas niya ang mga mata."Sige na, Sonia. Mauna na ako, at kakain pa nang pananghalian 'yo
Hilot-hilot ni Troye ang magkabilang sintido. Kahapon pa sumasakit ang ulo niya, hanggang ngayon na nasa loob na siya ng opisina.Hindi napigilan ng binata ang paglipad ng tingin sa isang pwesto ng lamesa. Lamesa, kung saan kahapon lamang ay nakaupo ang sekretarya, dating sekretarya.May naramdaman siyang bigat sa puso, ganoon na rin ang kakaibang lungkot na unti-unting nabubuhay sa kaniyang pagkatao.Ganito rin ang naramdaman niya nang pauwiin ng nakatatandang kapatid para umupo, at manahin ang kumpanya.Noon ayaw niyang tanggapin ang responsibilidad, umupo bilang CEO pero wala rin siyang nagawa.Masasabi niyang nabawasan ang lungkot, at ang bigat ng kaniyang pakiramdam nang makilala si Sylvia.Ayaw niya sa sekretarya ni Trevor noong una. May pagkakataon na pinagtalunan pa nila ito magkapatid. May balak sana siyang mag-hire ng iba kaso matigas ang hindi pagpayag nito.Hindi naman niya pinagsisihan ang pinili.Natauhan lamang si Troye nang makitang lihim na sumisilip doon sina Lorie,
"Sir?" ulit ng boses.Umatras yata ang luha ni Troye nang mas malinaw na marinig ang pamilyar na boses. Marahan siyang nagtaas ng mukha, at kulang na lamang ay mahulog ang puso niya nang makita ang sekretarya."Kape niyo po. May iuutos pa po ba kayo?"Ilang beses niyang kinurap ang mga hindi naniniwalang mga mata. Baka dahil sa pangungulila ay namamalik-mata lamang siya, at nakikita ito ngayon sa kaniyang harapan.Sa loob mismo ng kaniyang opisina!Gumuhit ang ngiti sa labi ni Sylvia habang may luhang hindi napigilang bumagsak habang nakatitig sa nabiglang si Troye."Mag-pu-push up pa po ba ako?" biro niya habang naiiyak.Nang mapagtanto, at masiguradong nasa harapan nga niya ang sekretarya ay matulin siyang tumayo sa kinauupuan. At nang makalapit sa harapan nito ay nag-usap muna ang kanilang mga mata."Sylvia Dimaculangan, reporting as your Executive secretary. Hindi niyo pa naman po tinatanggap ang resignation letter ko, 'di ba?"Maagap na hinawakan ni Troye ang kanang braso niya, h
"I'm sorry."Nagising si Troye nang mapagtantong nakapikit na dahil sa gulat ang kaharap na sekretarya. Hinawakan niya iyon sa braso habang nahihiya ang hitsura.Marahang binuksna ni Sylvia ang mga mata. Naroon ang binata, at hinahaplos ang kaniyang balat."I'm sorry, hindi ko gustong sigawan ka," kalmado nitong aniya."Wala na akong nararamdaman kay Trevor, maniwala ka."Nag-angat ng tingin si Troye, ngumiti siya rito ng tipid para mapanatag na tungkol sa isyu nito sa kapatid."At huwag mong ikumpara ang sarili mo sa kaniya. Magkaiba kayo, at para sa akin, mas espesyal ka.""If you say so, then be with me.""Hindi sapat na dahilan 'yon para makasama ka," naging masakit na naman ang tono ni Sylvia."Tell me, ano ba'ng puwedeng maging sapat na rason para magpakatotoo ka rin, katulad ko," determinadong tanong nito.Umiling si Sylvia, at ibinaba ang mukha.Natatakot siya, iyon ang totoo.Natatakot siya sa puwedeng kahinatnan ng kanilang pagtitinginan. Mapanghusga ang mundo, lalo na ang m
"Sylvia!"Matapang ang mukha ni Sylvia nang humarap sa patayong si Jarell. Kung puwede niya lamang ito lapitan at saktan, gagawin na niya.Pero alam niyang magsasayang lamang siya ng oras, at lakas. Wala na rin siyang pinagkaiba kay Jarell.Binalingan niya ang asawa nitong masama pa rin ang tingin sa kaniya."I'm sorry, hindi ko alam na may asawa na siya. Maniwala ka man o hindi, kung alam kung mayroon, hindi ako magkakaroon ng relasyon sa gagong iyan!""Patawarin mo ako. Hindi ko alam," pagpapakumbaba ni Sylvia.Nabanaag naman niya ang pagkalma ng babae, na tingin niya ay na kumbinsi niya dahil sa totoong paliwanag.Itinuon niya ang mga mata kay Jarell."Hindi ako nagpakantanda para lamang paglaruan, at gaguhin mo. Jarrel, mas pipiliin kong mag-isa habang buhay kaysa maging kabit.""Sylvia-""Stop it, Jarell. Hindi na gagana 'yang rason mo. Kung tingin mo, tanga ako na basta na lamang maniniwala sa iyo.""Pwes, mali ka.""Let's go," naramdaman niya ang paghila ni Troye sa kaniyang mg
"Dude?"Nagtungo sa kalayuan si Troye, at saglit na iniwan ang mga kaharap na negosyante."Bakit, Benzon?""Sasabihin ko ng personal sa iyo ang nalaman ko tungkol kay Jarell."Sinakmal agad siya ng kaba. Lumingon siya sa mga kasama bago inisip kung ano'ng dapat unahin."Sorry, late ako."Pinagmasdan ni Sylvia ang pakamot-kamot na si Jarell. Hinihingal ito dahil palagay niya tumakbo ang binata."Kanina ka pa?" tanong nito kasabay nang paghaplos sa kaniyang braso."Hindi naman. Pero, saan ka ba galing?" pasimpleng niyang usisa nang magsimula silang maglakad sa loob ng mall."A, meeting.""Meeting?" Bahagya pa siyang lumingon kay Jarell."Oo.""Akala ko ba sa kaibigan mo?"Pagkakatanda ni Sylvia ay ang paalam ni Jarell sa kaibigan nitong kauuwi lang daw ng bansa. Kaya ano'ng sinasabi nitong galing sa meeting?"Oo, pagkagaling ko sa meeting doon na ako dumiretso," patuloy na palusot ng binata."Talaga?" kailangan niyang sabihin iyon na para bang naniniwala siya kahit hindi.Habang naglala
Narating nila ang labas ng gate. Humarap si Troye sa kaniya habang hawak pa rin ang kaniyang kamay."May problema ba?" usisa ni Sylvia dahil balisa ang binata.Sinalubong nito ang mga mata niya. Matiyaga niyang hinintay ang lalabas sa bibig nito."A-about your date," panimula ng binata."Date? Sino? Si Jarell ba?" nalilito anang niya."Yes, that damn shit!" singhal ni Troye kasabay nang pagbitaw sa kamay niya.Mukhang alam na ni Sylvia kung saan tutungo ang usapang ito. Huminga siya nang malalim."Mr. Ledesma-""No, hear me first, Miss Dimaculangan!"Napaamang siya sa bulyaw nito, at nang lumapit. Hinawakan siya sa magkabilang braso, at tinapatan sa mukha."Makipag-break ka na sa kaniya.""H-ha?" utal niyang bigkas habang kumurap-kurap ang mga mata nilang magkahinang."End your relationship with him, hangga't maaga pa.""Te-teka nga," pwersahang iwanagwag ni Sylvia ang magkabilang braso.Nang magtagumpay ay nagbigay siya ng espasyo sa pagitan nilang dalawa."Ano ba 'yang pinagsasabi m
"Sagutin mo na 'yan, kanina pa natunog ang cellphone mo."Sinilip pa ni Sylvia ang phone ni Jarell pero maagap iyong kinuha nito na nakapagpa-arko ng kaniyang mga kilay."Si, si mama lang 'to. Nangungulit."Napahilig ang mukha niya, habang pinagmamasdan ito na animo'y kinakabahan, at may itinatago.Ilang beses na niyang napapansin ang laging pagtunog ng cellphone ni Jarell sa tuwing magkasama silang dalawa.Kapag naman tinatanong niya kung sino 'yon ay kung sino-sino ang dinadahilan nito.Mama niya, kapatid, pinsan, kaibigan at kung anu-ano pa.May umuusbong na kutob sa kaniya.O mas dapat sabihing isang hinala!"Kumain ka na," untag ni Jarell kay Sylvia."Sige. Nga pala, birthday ni Spike bukas, punta ka?" alok niya para na rin mapakilala niya ito ng pormal sa pamilya."Bukas?" tila nag-isip ito sa gagawin."Oo, bukas. May lakad ka ba?""Sorry, Syl."Hinawakan siya nito sa kamay na nasa ibabaw ng mesa. Napatingin siya roon bago sa mukha nitong sumisigaw ng pakiusap."Can't make it."
"Saan?""Sa lahat ng aspeto, sa estado sa buhay, sa hitsura at lalo na sa edad," mangiyak-iyak niyang paliwanag."Hindi ganiyang kababaw ang kilala kong Sylvia Dimaculangan. You are better than this, hindi mo ganiyan tingnan kung ano ang pag-ibig," mahabang giit ni Trevor habang kaswal na nakangiti sa kaniya."Isn't it too late?""Why? Dahil may Jarell ka na?"Nag-arko ang mga kilay ni Sylvia nang pagtagpuin ang mga mata nila nito. Hindi niya inaasahang alam ni Trevor ang tungkol sa nangyayari sa lovelife niya."You know in yourself and in your heart who is really in there. Don't let fear and hesitation win over you, and who your heart really wants."Huminto ang mga paa ni Troye mula sa kinatatayuan ay natatanaw niyang nakaupo ang kaniyang kuya, at dating sekretarya.Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito. At nang ibaling ang mga mata sa mukha ni Sylvia ay naroon na naman ang kakaiba, at pamilyar niyang pakiramdam ng puso."Troye!"Doon lamang napatingin si Sylvia. Kumibot ang p
"E, paano si Troye?""Ano? Anong paano si Troye?" ulit ni Sylvia sa naguguluhang tinig."Si Troye. Hindi ba iyong bagito naman na iyon ang type mo-""Naku, ate!" awat niya agad dahil pakiramdam niya sa simpleng pangalan lamang ng binata ay nagwawala na ang kaniyang puso."O, bakit?"Nanghahamon na humarap si Jellie sa kaniya. Ipinaling niya agad ang mukha sa kabilang banda."Aminin mo't hindi, apektado ka kay Sir Troye mo.""Noon pa man, lalo na nang mag-resign ka sa kaniya bilang sekretarya. At tingin ko, ganoon din naman siya sa iyo.""Kaya bakit mo sinagot si Jarell?""Ate, bata pa si Troye," pagpapaalala niya sa hipag."So?" pambabalewala naman ni Jellie.Napailing si Sylvia, hamak na malaki ang age gap nilang dalawa. Kaya kung totoo man na type niya ang binata ay hindi niya hahayaan ang sarili na magkaroon ng ugnayan dito."Ten years ang tanda ko sa kaniya. Maalibadbaran ka kaya," sambit niya kasabay nang kunyaring pagpupunas niya sa magkabilang braso."Lumang mindset na 'yan, Sy
Kasasalo pa lamang ng pwetan ni Troye ay agad na niyang tinipa ang numero ni Sylvia.Ang totoo nga niyan ay kanina pa dapat kaso ay naging busy siya sa maghapon. Napapagod siya kaya tinawagan niya ang sekretarya kahit para papaano ay mabawasan ang pagod na nararamdaman.Napakunotnoo ang binata nang ilang ring ay pulos busy tone ang kaniyang naririnig. Sandaling ibinaba niya ang cellphone bago muling itinapat sa tainga."Hindi mo ba sasagutin?" tanong ni Jellie nang mapansin ang walng hintong pagtunog ng cellphone ni Sylvia.Siniglayan niya iyon, at nang mabasa ang numero ng dating boss ay umirap siya bago ipinagpatuloy ang ginagawang pagkain."Hayaan mo na 'yan.""Magtapat ka nga, ano ba'ng nangyari sa inyo kahapon?" malisyosong usisa ng hipag na para bang may alam sa naganap sa kanilang dalawa.Nasamid siya dahil sa sinabi nito. Agad naman siyang inabutan ni Jellie ng baso habang natawa."Hoy, alam ko na 'yan!'"Kapag ganiyan ang reaksyon mo, talagang may nangyari! ""Ano 'yon ha?""