"Sir," magalang na bati ni Sylvia nang makapasok sa malamig na opisina ng amo.
"Coffee," seryosong utos nito habang iniikot-ikot ang swivel chair at may hawak na papel na tila binabasa.
"Iyong Starbucks po ba?"
Binato lamang siya nito ng tingin agad naman siyang ngumiti. Alam naman niyang Starbucks ang lagi nitong iniinom. Gusto niya lang umasang magpapatimpla na lang ito sa kaniya, kasi naman napakalayo pa ng bilihan ng sosyal na kapeng paborito nito.
"Faster," maawtoridad nitong ulit.
Napapikit si Sylvia dahil sa inis. Kailan ba ito makakadama ng awa o kahit pakisama man lang sa kaniya?
Napatingin si Troye nang ibagsak ng sekretarya niya ang pinto. Dahil nakalabas na ito ay wala siyang nagawa kung 'di kagatin ang ibabang bahagi ng labi.
"Bwisit talaga," kausap niya sa sarili habang patamad na naglalakad palabas ng office.
"Kung alam niya lang kung gaano kalayo ang lintek na bilihan ng kape niya na iyon," reklamo niya.
"Good morning!" bati ni Patrick.
Matuling napadako ang mga mata ni Sylvia sa hawak nitong Starbucks. Napangiti siya ng maluwag bago sinalubong ang tingin nito.
"Nainuman mo na ito?" tanong niya.
"Kaunti pa lang," nagtatakang sagot ni Patrick.
Walang sinayang na oras si Sylvia agad niyang kinuha ang hawak nito.
"Hoy!" bayolenteng reaksyon ng kaniyang workmate.
"Babayaran ko na lang! Mamili ka na lang ng bago!" Agad siyang kumuha sa bulsa ng pera at pilit na inilagay sa kamay ni Patrick.
Tumalikod na si Sylvia habang dala ang 'second hand' na kape. Kung noon, nakikipagsiksikan pa siya sa mga tao sa coffee shop para lang mauna. Ngayon ay easy na lang para sa kaniya.
Wala namang makaaalam na kinuha niya iyon kay Patrick.
"You're early," halatang nagulat si Troye sa mabilis na pagbalik ng kaniyang sekretarya.
Mayabang na nakangiti si Sylvia habang marahang ibinaba sa mesa nito ang kape.
Sinilip pa ng boss niya ang kape, tila naniniguro kung tama ba ang binili niya.
"Anything, Sir?" buong kumpiyansang tanong niya.
"You're 30 minutes early, huh?" Nakangiting bigkas nito at sandaling sinulyapan ang branded na wrist watch.
Mayabang na nagkibit-balikat si Sylvia. Lihim na nagdiwang ang isip niya dahil naisahan niya kahit papaano ang gwapo niyang boss.
"Mukhang sa lahat ng tumatanda, ikaw ang malakas!"
"May iuutos pa po ba kayo?" pag-iiba niya dahil alam niya kung saan tutungo ang usapang ito.
"Yeah. Can you do some push-ups?" nakalolokong request ni Troye habang prenteng nakasandal sa upuan.
Awtomatikong tumaas ang kilay ni Sylvia na nagpangiti sa binata.
"What?" pigil na tawang dagdag pa ni Troye.
"You have a strong body despite of your age."
"Pwede ba, Sir?" napipikon niyang sagot.
Agad na tumalikod si Sylvia, alam na niya ang kailangan pa nito. Ang bwisitin at sirain na agad ang umaga niya sa panlalait sa edad niya.
Habang nakasimangot at nakaupo, muli niyang tinanaw si Troye. Busy na ito at nagbabasa ng kung anu-anong papel. Itinaas niya ang ballpen at akmang ibabato rito.
Kahit makakapal ang kilay nito, kahit na matangos ang ilong, manipis at mapulang labi ay hindi niya magawang humanga sa batang ito.
Ubod kasi ito ng yabang at malakas mang-asar. Palibhasa na sa 20's pa, kaya hindi pa masyadong nagseseryoso sa buhay. Hindi katulad ng kuya nito na si Trevor, ang dating nakaupong CEO
Ang original niyang boss!
Kaso nag-asawa na at namuhay na sa America. Kaya ang sumunod na tagapagmana ng Ledesma Company na si Troye ang namamahala.
Isang tawag ang nagpabalik sa wisyo ni Sylvia.
"Yes, hello?"
"Oh, yes, Ma'am!"
"Alright, I'll get back to you. Thank you and bye!"
Binaba niya agad ang tawag at mabilis na lumapit sa pinto at kumatok.
"Come in!"
"Sir, nagpapa-set po ng meeting si Miss Bianca Danilo. Lunch po sa restaurant niya."
"Tell her, I can't."
Hindi man lang nag-angat ng mukha si Troye nang sagutin si Sylvia at patuloy lang sa tila pagpirma ng hawak na folder.
"Ala'y, bakit po? Last week pa po nanghihingi ng meeting si Miss Danilo sa inyo para mag-invest sa company."
"Just follow me, can you?" iritableng sagot nito habang lukot na lukot ang noo.
"Hindi n'yo ba naisip na malaki siyang investor sa kumpanya? Isa siyang kilalang businesswoman up to this day," katwiran ni Sylvia.
Malakas na isinarado ni Troye ang folder at matalim na tingin ang lumipad sa kaniya.
"Miss Dimaculangan, your job is to take care of my schedule. Thats it, don't try to ask my decision. You don't have any right to do that, understand?" masungit nitong litanya.
"Understand?" pangagaya ni Sylvia habang nakatirik ang mga mata.
"Now, get out. And tell to your co-old maid to get lost."
Padabog niyang ibinaba ang mga kubyertos matapos kumain ng lunch. Makahulugang nagkatinginan sina Gabe, Patrick at Lorie na kaharap niya.
"Ikaw na magtanong," Siniko ni Gabe si Lorie.
"Sis, anyare? Bakit beast mode ka na naman?" may takot na tanong ng bestfriend niya.
"Alam na namin kung sino ha? Ang gusto naming malaman, kung ano na naman ang ginawa niya para bwisitin ka ng ganiyan?" singit naman ni Gabe.
Halos mapatingin ang lahat ng mga ka-trabaho nila nang ubod na lakas niyang sinarado ang takip ng plastic tupperware niyang baunan.
"Iyong boss natin, nire-reject si Miss Danilo?" asik niya.
"Nag-offer na naman ba?" tanong ni Patrick habang ngumunguya.
"Hindi ba't no'ng isang araw ay nagsadya pa 'yong matanda para lang makapag-set ng meeting kay boss?" sambit naman ni Gabe na kaakbay si Patrick.
"Kaya nga umiiwas si Boss at nire-reject 'yong offer. Feel niyang type siya no'ng matanda," Humalakhak na saad ni Lorie at nakipag-apir pa sa katabing si Gabe.
Napakurap si Sylvia, noong una pa lang na nagpunta ang matandang business woman ay mukhang natipuhan agad ang boss niya. Kahit na nasa edad na 50's, ay mukhang magaling pa rin mamili ng jojowain.
Kaya naman si Troye ay todo iwas sa matanda. Dahil na sense siguro nito ang paghanga ng matanda sa kaniya.
"Napaka-arte naman niya! Bakit hindi na lang niya sakyan o kaya pagpasensiyahan? Pati tuloy opportunities para sa kumpanya, nadadamay!" galit na pahayag ni Sylvia.
"Don't worry, Miss Dimaculangan. if you are worried about investors, I've talked a lot. Huwag kang manghinayang sa isang matandang dalagang kagaya mo."
Pigil ang hiningang sabay-sabay silang napalingon sa binata na nakatayo at magka-krus ang braso sa dibdib.
"Sir, kanina pa ba kayo riyan?"
Tumango-tango si Troye habang nakataas ang sulok ng labi. Sa sobrang seryoso ng pag-uusap ng mga empleyado niya ay hindi na namalayan ng mga ito ang pagdating niya.At dinig na dinig niya ang mga sinasabi ng kaniyang butihing sekretarya. Naalarmang tumayo si Sylvia, sandaling siniglayan niya ang mga kaibigan. Yukong-yuko ang mga ito at kunyaring atubiling-atubili sa pagkain. Muli niyang binalikan ng tingin ang kaniyang boss."Narinig ninyo po ba ang sinabi ko?" "Yep. Hindi mo naman ako kasing-tanda para mabingi," kaswal na tugon nito.Peke siyang tumawa at hinampas sa balikat ang amo. Nakita niya ang paglipad ng masamang tingin ng binata sa parteng hinamapas niya kaya agad siyang pumormal."Anyway, Sir. Ano po ba'ng ginagawa ninyo rito? Do you need anything?""Maglu-lunch ako sa labas. Don't ever try to call me or bother me, a'ight?""If you need anything or you need to tell me something. Hintayin mo na lang ako sa office. Got it?" pormal nitong bilin at bahagya pang ibinaba ang muk
"I"ll give you five minutes, bye."Mariing napapikit si Sylvia nang busy tone na lang ang narinig sa kabilang linya."Bwisit talaga," nayayamot niyang sambit kasabay nang pagbaba ng cellphone."No, it's on me!" boluntaryong pagbabayad ng ka-date n Troye."Okay lang. Ako na!"Nakangiwing pinagmamasdan ng binata ang paglabas nang pera ng dalaga sa wallet para magbayad. Gusto na lang niyang magpakain ngayon sa lupa dahil sa sobrang hiya.First time niyang babae pa mismo ang nagbayad ng order nila. God, he is a well-known CEO on this generation and yet, he can't pay for simple bills!"It's alright. You can treat me next time," makuhulugang saad ni Chin at hinagod ng makalagkit na tingin ang binata.Halos magkandarapa si Sylvia palapit sa restaurant. Tagaktak din ang pawis sa lahat ng parte ng katawan ng dalaga."Impakto talaga iyang boss ko! Hindi na naawa. Ang init kaya sa Pilipinas, tapos tatawagan niya ako ng ala-una para lang ipadala 'tong letseng wallet niya?" namumula at galit na pa
Bagsak ang mga balikat na umuwi si Sylvia sa bahay. May iilang tao at kumakain at namimili."Ala'y ang aga mo!" bati ni Sol sa kaniya."Nariyan na ba si Sylvia?" narinig niyang tanong ng kaniyang ina mula sa itaas."Ere na inang!" sagot naman ng kaniyang kuya.Matamlay na tinapik ni Sylvia ang balikat ni Sol bago tuluyang umakyat sa hagdan."Bakit ang aga mo?" usisa ng kaniyang inang makasalubong niya sa hagdan."Wala lang po."Nasundan na lang ng tingin ni Sonia ang pangalawang anak. Naabutan ni Sylvia ang hipag sa sala. Karga-karga ang isang taong gulang niyang pamangkin na si Sophia."Ate," bati niya at napangiti nang makita ang magandang mukha ng bata."Himala! Hindi ka yata gabi na umuwi!"Lumapit siya rito at sinilip ang tulog na pamangkin. Bago itinuon ang mga mata sa asawa ng kapatid na si Jellie."Nabwisit ako sa bagito kong boss," kahit gustong sumigaw ni Sylvia ay pinigilan niya baka magising ang pamangkin.Inabot sa kaniya ni Jellie ang bata na agad naman niyang kinarga.
Walang kakurap-kurap ang mga mata ni Sylvia habang nakatitig sa kisame. Kasalukuyan pa rin siyang nakahiga sa kama, balot na balot ng kumot. Nang tumunog ang alarm clock ay wala pa rin sa sariling kinapa niya iyon sa side table.Nang mahawakan ay pinagmasdan niya ang bilog na alarm clock, patuloy ito sa pagtunog. Kumilos siya, at inilagay iyon sa ilalim ng unan. Bago muling ipinagpatuloy ang pagtulala sa kisame.Nagdadalawang-isip na siyang pumasok sa trabaho. Lalo na't sa tuwing sumasagi sa isip ang nagpag-usapan nila ng hipag na si Jellie."Ate!" Malakas at may bahid na inis ang boses ni Spike sa pagkatok ng pinto ni Sylvia.Isang masamang tingin ang ipinukol niya roon. Wala sana siyang balak sumagot, napilitan siya nang halos masira ang pinto ng kwarto niya dahil sa lakas ng kalampag doon ng bunsong kapatid."Bakit ba?!" asik niya."Hindi ka raw ba papasok, sabi ni Mama!" balik-sigaw nito.Napairap si Slyvia, at muli na namang nag-isip tungkol sa trabahong naghihintay sa kaniya.Pa
Umuusok ang ilong ni Sylvia dahil sa umaapaw na galit. Mukhang nanadya talaga ang boss niyang iyon. Isang matalim na tingin ang itinitig niya sa lamesa."Lorie, sinong nagdala nito?" seryosong-seryoso niyang aniya nang luminga sa kaibigan na agad nang nakabalik sa sariling lamesa na malapit lang sa kaniya."Ang alam ko, dinala ni Patrick 'yan," patay-malisyang sagot naman ni Lorie habang nagsasalamin, at naglalagay ng lipstick.Nanlilisik na mga mata ang binato ni Sylvia sa nakasaradong opisina ni Troye. Dinadagdagan talaga nito ang bwisit niya sa buhay trabahong mayroon siya.Tanggap naman niya ang maraming trabaho. Pero hindi ganitong, sandamakmak. Muli niyang pinagtuunan ng pansin ang mga folder.Walang ingat niya itong pinagbubuksan isa-isa, at walang ano-anong ibinabato niya ito sa gilid. May pagkakataon pa na napangingiti siya sa inis, lalo na sa tuwing nababasa ang laman ng folder.Dahil kahit hindi na sakop ng kaniyang trabaho ay naroon. Hindi magkamali si Lorie, lahat ng dapa
Hindi kumukurap ang mga mata ni Sylvia habang nakadako ang tingin sa wall clock na nakasabit sa isang gilid. Bawat paghinga niya ay katumbas ng pag-ikot ng kamay ng orasan.Hinampas niya ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa kasabay nang pagtayo nang tumapat ito sa orasan ng kanilang uwian. Parang mga tangang nakatulala sa kaniya ang mga nakapaligid na kasamahan.Buong kumpiyansang bumuga siya ng hangin. Hinawi ang likod patalikod, at lumipad ang matalas na mga mata sa nakasaradong pinto ng amo.Napatingala si Troye nang may kumatok. Katatayo lamang niya habang kinukuha ang cellphone. Oras na ng uwian, at kadalasan ay parang mga batang nagtatakbuhan ang mga empleyado niya para lang maunang makauwi.Kaya't sino kaya ang kumakatok?Nang muling tumunog ang pinto ay sandali niyang sinulyapan ang suot na wrist watch. Naiinis siyang kumamot sa maputing leeg."Come in," bahagyang nilagyan ng pagkairita ang himig.Tumikwas ang isang kilay ng binata nang iluwa ng nagbukas na pinto ay ang sekretary
Tiningan ni Troye si Sylvia tuwid sa mga mata.Hanggang sa unti-unti niyang nilukot gamit ang isang palad ang papel. Halata naman sa hitsura ng kaniyang sekretarya ang pagkabigla sa ginawa niya."You're kidding," matatag niyang paniniwala na nakapagkunotnoo rito.Buong lakas niyang ibinato ang bumilog na papel. At tumalsik iyon sa kung saan na agad na sinundan ng tingin ng sekretarya."Anong-" halos hindi alam ni Sylvia ang sasabihin sa ginawa ng amo.Nanlalaki ang 'di lang mga mata, lahat ng may butas na parte ng katawan niya dahil sa sobra-sobrang inis."I will not accept it."Pagkatapos ng mga salitang iyon ay basta na lamang lumayas ang binata. At naiwan siya sa loob, kulang na lamang gumuho ang pinto nang isara nito ng ubod ng lakas."Ang laki mo talagang tinik sa buhay ko," naiiyak niyang usal habang salat-salat ang noo.Nagpalipas si Sylvia nang ilang segundo sa loob. Inayos niya muna ang sarili bago lumabas. Nang mapihit ang seradura, at makaharap ay nakatayo ang mga kasamahan
Parang binabarena ang ulo ni Sylvia habang nakapikit. Kahit gustuhin niyang matulog ay gising na ang diwa niya. Pakiramdam niya ay may nakadagang kung anong mabigat sa magkabilang talukap ng mga mata niya nang buksan iyon.Malabo man ay alam niyang nasa loob siya ng silid. Wala sa sariling napatingin siya alarm clock, daig pa niya ang nakakita ng multo nang makita ang oras."Naku po," tanging saad niya, at halos lumipad ang kumot nang hawiin niya.Natatarantang tumayo si Sylvia, nang isuot ang pares ng tsinelas ay na out of balance pa siya dahil sa pagmamadali. Nang tuluyang maisuot ay nagmamadali pa rin siyang naglalakad.Hanggang sa matigilan siya ng kusa.Naging malikot ang mga mata niya habang may kung anong pilit na iniisip.Bakit ba siya nagkakandarapa sa pagmamadali?Saan ba siya pupunta?Saan ba siya papasok?Bilog na bilog ang itim niyang mga mata habang paatras pabalik sa kama. Dahan-dahan siyang umupo, at kumapit sa bed sheet.Natulala siya sa isang dako ng silid. Napahag
"Paano mo nalaman na may date ako rito?""At bakit-" hindi niya matapos-tapos ang sasabihin dahil nahihiya siyang bitawan ang mga kataga."Pati 'yong pag-yo-yow niya, alam mo ha?' napipilitan niyang asik habang nakatingkayad, at nakatingala sa mukha ni Troye.Napatingin ang binata sa labi ng dating sekretarya habang kinokontrol ang galit. Matapos naman ay sinusundan niya ang bawat galaw ng mga nag-aapoy na mata nito.Agad siyang lumayo rito, at tumalikod. Kailangan niyang pigilan ang sarili bago tuluyang pahintuin sa paraan na alam niya ang kaharap."Ano?""Bakit?!'"Wala kang maisagot?!""You are keeping your eyes on me!""Sa lahat ng ginagawa ko!""Ganoon na rin ang mga dates ko!""Bakit?""Remember, hindi na ako nagtatrabaho sa iyo.""Wala kang pakialam sa buhay ko!"Maliksing lumapit si Troye sa kaniya habang nagdidiim ang mukha, at nag-iigtingan ang mga panga.Amang na napaatras si Sylvia dahil kung 'di niya gagawin iyon ay baka magkahalikan sila sa paglapit nito. Sunod-sunod siy
Sandaling inayos ni Sylvia ang pagkakahati ng buhok. Pagkatapos ay sumisim siya ng tubig. Iginala niya ang mga mata sa loob ng isang restaurant.Tonight, she will meet Dustin Geria. An aspirant artist. Katulad ni Diego, ay naka-matched niya ito. Along the way, nagkaka-message na sila sa isa't-isa. At masasabi niyang may pangarap ito sa buhay.At passionate.Dahilan para makapukaw ang atensyon niya.Dumako ang mga mata niya ng bumukas ang pinto. Isang lalakeng nakasuot ng varsity jacket na kulay blue. Nakasuot ng baseball cap at nakamaluwag na pants.Parang mga Rnb singer sa America.Mabilis niyang kinuha ang cellphone. Tiningnan niya ang profile ng naka-matched.Matigas na naihilig ang kaniyang ulo nang makumpirma na ito nga si Dustin.Dahil nagpalinga-linga ito, at tila hinahanap siya ay napilitan siyang itaas ang kamay para senyasan ang binata.Nahagip naman iyon ni Dustin, at agad na ngumiti. Nagtungo ito sa kaniyang lamesa."Hi, Miss Sylvia?" magalang nitong tanong, at inabot ang
"Oh, I see. What about her?""Bumalik na siya sa company?""Bumalik na ba siya sa iyo?" sunod-sunod nitong tanong.Naroon pa rin ang ngiti sa labi ni Troye nang umiling. Inilagay ang baso sa mesa bago relax na sumandal sa kinauupuan."E, bakit?""Ano'ng ginawa niya para maging ganiyan ka kasaya?" naguguluhang anyong saad ni Benzon."I ruined her date," mayabang niyang bato."Date?""Date," kumpirma niya sa pag-uulit ng kaibigan na parang hindi makapaniwala sa narinig."Wait, naguguluhan ako!"Sumandal rin ito na para bang napapagod sa pag-intindi sa mga pasabog niya ngayon."May date 'yong dating mong secretary. Now, you're happy kasi sinira mo 'yong date niya?""Exactly! You are brilliant!" muling itinuro ni Troye ang kaibigan na natumbok ang gusto niyang ibalita."Bakit?""Anong bakit?" balik tanong niya sa kaibigang nahimasmasan ang hitsura.Sumeryoso ito habang may kahulugan ang tingin."Why do you have to that?"Doon siya natigilan. Handa na ang bibig niyang sumagot pero hindi n
"Tumigil na nga kayong dalawa!"Binato ni Sylvia ng anong hawak sina Sol, at Spike na mamatay-matay sa pagtawa. Matapos malaman kung anong nangyari sa date nila."Ate, bakit naman kasi, sa dinami-dami ng makaka-date mo ay 'yong pinaglihi pa sa libro?" natatawa pa rin na tugon ni Spike."Hoy, Spike. Tumigil ka, Proffesor ng history iyang binabastos mo ha?!"Hindi na siya nakatiis, at nilapitan ito. Bago mahinang hinampas ng basahan sa ulo."Kung ako sa iyo, titigilan ko na 'yang app na 'yan. Baka scam lang 'yan," payo ni Sol pero hindi naman seryoso ang himig, at halatang nagpipigil pa rin sa paghalakhak."Ikaw kaya ang tumigil!" matapang na singit ni Jellie sa asawa.Humarap pa ito kay Sol, at pinameywangan.Napangiti naman si Sylvia, alam niyang lagot ang kuya niya sa asawa."Hindi naman magic 'yong app.""Lalong hindi 'yon parang si Kupido na 'pag pumana parehong tatamaan. Para iyong test, 'pag nakapasa kayo sa first question, or nag-matched kayo online. Puwedeng ninyo nang harapin
"Ano'ng sabi mo?" ulit ni Sylvia nang luminga dito, at inihilig ang ulo.Nag-umpisang maglakad si Troye sa kaswal na paraan. May ibang ibig sabihin pa rin ang ngiting naka-plaster sa mapula, at manipis nitong labi."Ano'ng natutunan mo sa ka-date mo?""I mean, what score did you get from your Historian date?""Are you stalking me?" mabagal niyang isa-isang bigkas habang nakatitig ng seryoso rito."W-what?!""Why would I?" malakas na sambit naman ni Troye na may kasama pang malutong na tawa.Pinag-aralan niya nang husto ang anyo ng dating boss. Tumindig siya nang tuwid, at pinanood lamang ito.Natigilan naman ang binata, at nang makaramdam ng pagkaasiwa sa tingin ng sekretarya ay pilit siyang pumormal. Nilinis iya rin ang lalamunan bago inayos ang suit."Then, why are you here?""At alam mo ang lahat ng pinag-uusapan namin?"Ibinuka ni Troye ang bibig ngunit naging malikot ang mga mata niya dahil wala siyang mahagilap na ikakatwiran sa kaharap."And, hindi ba, ayaw mo sa shop na 'to ka
"Dati kang nagtatrabaho sa isang tanyag na kumpanya, sa Ledesma Company.""Yeah. I've worked for them for several years," tantiya ni Sylvia."Kahanga-hanga."Itinaas niya ang tingin kay Diego. Mukhang na impress ang binata sa work background niya.Pasimple niya itong hinagod ng tingin."You're a professor?" kunyaring walang ideya niyang usisa."Yes, a Historian Proffesor.""Great. Can we-""You know history is very important. Nowadays na marami ng tao ang nakalilimutan kung ano ang ating nakaraan," umpisa ni Diego.Tumango naman si Sylvia kahit hindi pa man nakatatapos sa itatanong dito. May punto naman ito. Nakadama siya nang panunuyo ang lalamunan kayat inabot niya ang baso ng tubig na nasa tabi ng kape."Marami na ngayon ang sa kung saan-saang bansa humahanga. At ang bansang gusto nila ang inaalam kung ano ang history.""Habang ang nakaraan ng sarili nating bansang Pilipinas ay nagpag-uusapan lamang dahil kailangan sa paraalan. Pero sa tingin ko ay walang tao ngayong magkukusa na a
Tumiim ang bagang ni Troye habang nabibingi sa mga sinasabi ni Gabe. Sa bawat paglabas ng usok sa kaniyang ilong ay humuhugot siya ng hininga.So, kaya nag-resigned ang magaling niyang secretary para lamang makipag-date?Naninibugho siya dahil sa mababaw na dahilan na iyon!Nanginginig ang bawat sulok ng kaniyang kalamnan. At parang may kildlat ang tingin habang nakatitig sa kawalan."Hi, Sir!"Matigas pa rin ang anyo ni Troye nang tumapat sa lamesa ng empleyado. Nakita niya ang alangan, at takot sa mukha ni Gabe. Pero kahit pigilan ang sariling huwag ipakita kung gaano siya namamatay sa galit ngayon ay hindi niya magawa."Ma-may problema po ba kayo, Sir?"Kung tanungin siya ni Gabe ay parang si kamatayan ang kaharap. Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya."Can you share a secret?""S-secret?" ulit nito habang nananagpo ang mga kilay."Everyone!" tawag atensyon ni Troye sa lahat ng empleyadong naghahanda nang umuwi.Tumigil ang mga ito sa kani-kanilang ginagawa, at binigyang s
"Hello?""O, bakit?" asik niyang tugon sa pagtawag ni Gabe sa kaniya."Highblood naman agad 'to," nagtatampong himig ng kaibigan sa kabilang linya."Bakit ka napatawag?""Ala'y kung magmamaganda ka na naman para mag-deliver ako riyan. Hay, naku, ngayon pa lang, sorry na agad!"Patuloy lamang si Sylvia sa paglilinis ng lamesa. Maaga siyang nagising para agad na makatulong sa kanilang business. Sa hapon kasi ay kailangan na niyang magpunta sa date nila ng naka-matched."Ito naman. Napakasungit!""Nag-me-menopouse ka na ba ha?"Malamlam ang mga mata niyang ibinato ang hawak na basahang kasalukuyan niyang ipunupunas sa ibabaw no'n. Tumikwas ang kilay niya habang nakapameywang."Alam mo, ikaw, Gabe!""Lumayo-layo ka sa CEO ng Ledesma Company, kasi namamana mo na 'yong ugali niya," pikon niyang wika."Joke lang!""Bakit ba ang init-init ng ulo mo?!""Minsan na nga lang maglambing sa iyo, na dalhan mo kami rito ng kape, e.""Para naman makita ka namin, miss ko na rin kasi ang chikahan natin
"Ano 'yan, ha?"Awtomatikong ibinaba, at itinago ni Sylvia ang hawak na cellphone. Bago tiningala si Sol na galing sa likuran. Itinago niya ang pagkabigla, at pilit na sumeryoso."Wa-wala," nagkakandautal niyang sagot, at inilagay sa likod ang kamay na may hawak-hawak."Wala raw?" singit ni Spike na nasa harapan nila at nakain."Ilang araw ka ng tutok na tutok diyan sa cellphone mo. Baka kung ano na 'yan, ha?" panimulang pang-aasar ng nakatatandang kapatid."Wa-wala ito, nagbabasa lang ako ng-"Napatili si Sylvia nang basta na lamang may humablot ng cellphone niya mula sa likuran. Nang tingnan niya iyon ay si Spike ang may hawak, at kinukutkut na ito."Ano ka ba?!""Akin na nga 'yan!" agaw niya.Para silang mga batang nagkakasatan sa harap ng kanilang tindahan. Binabawi niya ang gamit pero dahil mas matangkad ang bunsong kapatid ay hindi niya iyon makuha."Spike, akin na 'yan!""Make me yours, and I'll make you mine app!" malakas, at nagsasalpukang mga kilay na pagbabasa nito."Ano?"