Sinukbit ko ang bag sa ‘king balikat at tumingin sa salamin. I’m wearing my school uniform. Hapit na hapit nito ang aking beywang at ang kaikliang palda na kulay maroon ay lalong nagpatingkad sa ‘king balat. Ito ang uniform ng mga Hotel and Restaurant Management course. Hindi ko alam kung bakit ito ang pinili kong kurso ngunit huling taon ko na ito. Next year ay graduate na ako.
Napatingin ako sa pinto nang marinig kong may kumatok dito. Hindi ako sumagot at hinintay na lang na pumasok ang taong kumakatok. At hindi na ako nagulat nang masilayan ko si Daddy na pumasok sa loob.
He’s wearing his corporate attire with the company’s logo on his left chest. Nagtataka nga ako kung bakit isang fox logo ang meron sa kanilang uniform. Hunter ba may-ari ng company nila Daddy? Hindi ko alam. At wala rin naman akong planong alamin.
“Bakit po, Dad?” I asked.
Lumapit ito sa ‘kin at nagulat ako nang yakapin niya ako. “Can you make it to school? Shall Dad take you to school.”
Bumuntong hininga ako at tinapik ang balikat ni Daddy. Nauna akong kumalas sa yakap at ngumiti sa kanya. “I’m fine, Dad. You don’t have to worry about me. I’m totally fine.”
He sighed. “Sigurado ka ba riyan, Ivyne?”
I nodded my head. “Yes, Dad. Bakit nandito ka pa po? Hindi ka po ba ma-li-late sa work mo?”
Ngumiti ito sa ‘kin. “No, sweetie. It’s fine. My office starts at nine.”
Tipid akong tumango. “Sige po.”
“I’ll take you to school.”
Hindi na ako umangal pa. Pinasadahan ko sa huling pagkakataon ang aking hitsura sa salamin bago ako sumunod kay Daddy sa paglabas. Nauuna itong maglakad sa hagdanan at nang makababa kami ay bumungad sa ‘min si Mommy na masama ang tingin sa ‘kin.
“Aalis na po ako, Mom.” Mahina ang aking boses.
Lumapit ako sa kanya at b****o. Hindi rin naman siya nagsalita. Pilit akong ngumiti sa kanya bago ako nauunang lumabas ng bahay. Inaamin kong nahihiya ako sa kanya. Dahil kahit hindi ko sabihing naiwala ko ang aking bataan, ‘yung konsensya ko ay paulit-ulit akong pinapaalala.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa ‘king isipan ang mga naging usapan namin ni April. Sa article at ang pag-trending ng balitang ‘yon sa tw!tter. Natatakot ako na baka pagpasok ko sa school ay may makakilala sa ‘kin at balatan nila ako ng buhay. That’s kinda scary. It’s terrifying.
“Let’s go?” wika ni Daddy nang makalabas siya mula sa bahay.
Tipid akong tumango at pumasok na sa loob ng sasakyan niya. Sa totoo lang ay kahit gaano kalaki ang kasalanan ko, mas nakakahinga ako nang maluwang kapag si Daddy lang kasama ko. Because if Mom is around, I’d be suffocated as hell.
“Hayaan mo na ang Mommy mong magpalamig ng kanyang ulo. Alam mo naamn ‘yon, mainitin ng ulo. Pikon din ‘yon, e.” He chuckled as he started the engine of the car.
“Daddy, can I ask you a question?” sambit ko na ikinatango niya. “Paano niyo natitiis ang pag-uugali ni Mommy? Pikonin si Mommy, mahilig mamuna, at saka maarte. Bakit, Dad?”
He hummed and drove the car. “It’s all because of love, anak.”
Nangunot ang aking noo. “Hindi ka po ba nagsasawa sa ugali niya? Hindi ka po ba nagsasawang intindihin siya? Hindi ka po ba nagsasawa sa pag-uugali niya?”
“Hindi.” Mahina itong natawa. “Alam mo, Ivy, nang tanungin ko ang Mommy mo kung gusto niya ba akong pakasalan ay tinapos ko muna ang pagninilay-nilay ko. At nang iharap ko siya altar, alam ko na kung anong klaseng babae at pag-uugali ang sakaling iintindihin ko at aalagaan ko hanggang sa mamatay ako.”
Natahimik ako. I looked at him and saw the emotion I used to see at my ex’s eyes before. Love. Ramdam ko ang pagmamahal ni Daddy kay Mommy.
“Your mom was the most prettiest girl in our university that time. Maraming kumakalat na balitang masama ang pag-uugali nito.” He chuckled as if he remembered something amusing. “Isa ako sa mga ayaw sa kanya noon, e. Pero alam mo na, basta si Kupido na ang pumana, mahirap na ‘yon iwasan. And when your mom chooses me above all the better choices, I promised to myself I’ll be good to her and won’t waste any chance. Nang tanungin ko ang Mommy mo kung papayag ba siyang makasama ako habang buhay ay marami muna akong kinonsedira. Isa na roon ang pag-uugali niya.
“Ngunit kahit na gaano pa kasama ang pag-uugali ng Mommy mo, tanggap ko ‘yon. Kaya’t nang iharap ko siya sa altar at pakasalan, kasama na rin sa pinakasalan ko ang pag-uugali niya, ang kaartehan niya, at marami pa niyang katangian. Minsan napapagod ako pero kahit kailan ay hindi ako magsasawa sa pag-intindi sa Mommy mo.”
My heart melted. Kaagad na nunubig ang gilid ng aking mga mata.
“Mom is very lucky she chose you,” I said.
“No.” Umiling ito. “I am lucky she choses me. Katulad niya, I also have my flaws, but she accepted it all. And that is love, Ivyne. Love makes everything about a person perfect. Kaya hindi natin pwedeng i-judge ang mga taong nagmamahal. Alam mo namang hindi kami boto ng Mommy mo kay Joshua ngunit dahil nakikita naming mahal mo talaga siya, hinayaan ka na lang namin. You’re our only baby, anak. Kung saan ka sasaya, doon din kami.”
I bit my lower lip. “I wish I could marry a guy like you, Daddy.”
Hindi ko alam pero iyan agad ang pumasok sa ‘king isipan. Na sana ay may lalaki ring tatanggap sa kung ano ako. Na tatanggap sa mga kamalian ko. Na tatanggap sa mga flaws ko. ‘Yung tatanggapin ako ng buong-buo.
“You will find someone one day, anak.” He smiled. “Oh, nandito na tayo. Take care to school, okay? Umuwi ka kaagad ng maaga dahil baka alas siete ng gabi pa ako makakauwi.”
I nodded my head. Hinalikan muna niya ako sa noo bago ako bumaba ng sasakyan. Ngumiti naman ako sa kanya bago ako tumalikod at pumasok na sa gate ng university na pinag-aaralan ko.
The guard asked for my ID first. Agad ko naman itong pinakita bago niya ako pinapasok. Nakasalubong ko ang mga estudyanteng iba-iba ang klase ng uniform. Bawat kurso ay may ibang uniform kaya makikilala agad kung saang kurso sila galing. Tulad na lang sa ‘ming mga Hotel and Restaurant Management course: isang kulay maroon na skirt na three inches above the knee, isang putting long sleeve na pinatungan ng kulay maroon din na blazer, at medyas na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba. In other words, para kaming highschool sa unipormeng ito.
“Ivy!”
I halted on my spot. Kahit hindi ako lumingon ay alam ko na kaagad kung sino ang babaeng tumatawag sa ‘kin ng ganoon. Hindi pa man lumilipas ang ilang minuto nang may kumawit sa ‘king braso.
“Oh, my pretty friend,” she said and laughed. “Buti nakakalakad ka na ng maayos.”
Inirapan ko ito sa kanyang sinabi. “Manahimik ka nga.”
Humagikhik ito sa ‘king tabi at nagsimula na kami sa paglalakad. Maraming napapatingin sa ‘min na alam kong normal lang pero ngayong may kumakalat na bali-balita tungkol doon sa mayamang naka-one night stand ko ay bigla akong nakakaramdam ng conscious. Feeling ko kasi nakikilala nila ako.
“Alam mo, ang dami mong dapat i-kwento sa ‘kin,” she said while we’re walking. “Ang unfair mo, ah. Kaya ka pala nawala sa dancefloor dahil nakahila ka na ng lalaking pwedeng gawing sugar daddy.”
My eyes widened. “April, tumahimik ka nga. Baka may makarinig.”
She rolled her eyes at me. “Ano ka ba. Hindi ka naman nakilala sa mga stolen shots na pinost ng article, e. At saka, ang mahila si Fox Madrid ay isang bagay na pwedeng ipagmalaki. ‘no.”
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. “Pwes, hindi ako proud. It was a very very shameful act, April. Sa tingin ko ba kahit gaano kagwapo ‘yan kung hindi ako lasing ay papatusin ko?”
“Hindi.” Umismid ito. “Kasi patay na patay ka sa taong medium size.”
Mas lalong namilog ang aking mga mata. “A-anong sinabi mo? S-sinong medium size?”
Napapantastikuhan akong tinignan ni April. “Girl? Na sa reality ka pa ba? Nakita mo ‘yung video ni Joshua, ‘di ba? Girl, ang liit nu’n. Hindi naman sa ano, ha, pero you deserve better than that.”
I mentally facepalm to myself. Napailing ako sa kanya at ngumiwi. “Shut up. At saka, hayaan mo na ‘yon. Bahala na siya sa buhay niya.”
“Weh? Bahala siya sa buhay niya? E paano ‘yan?” tanong nito sabay nguso sa ‘king likuran.
Wala sa sarili kong nilingon ang kanyang nginuso at agad na sumikip ang aking dibdib nang bumungad sa ‘king paningin si Joshua… kasama ang babaeng kasama niya sa video. They’re laughing with their friends. It’s as if we never happened.
“Cheated na medium sized,” rinig kong usal ni April. “Grabe, ang kapal ng mukha. Parang kung sinong proud, ah.”
Nang mapatingin sa ‘king pwesto si Joshua ay agad akong umiwas ng tingin. I continue walking just to avoid his gaze. Hindi ko kayang tanggapin ang harap-harapan niyang panggagago sa ‘kin. He is terribly pathetic.
“Ivy! Hintayin mo naman ako!”
Hindi ko na pinakinggan si April. Dire-diretso ang lakad ko patungo sa building ng aking first period. Masyadong ukupado ang aking isipan na lahat ng nakakabangga ko ay hindi ko na hinihingian ng sorry.
“Ivy, ano ba?!” I heard her from the crowd.
Nang makarating ako sa ‘king silid ay nagtaka ako na walang professor doon. Sinuri ko pa ang orasan.
“Ivy, bingi ka ba?!”
Napatingin naman ako kay April nang dumating ito sa ‘king tabi. Pansin ko pa ang mga malalalim niyang hininga dahil siguro sa paghabol sa ‘kin. Agad naman akong bumaling sa kanya.
“Nasaan ang professor?”
She heaved a deep breath and looked at me sharply. “Alam mo ikaw, ang atat mo. Hindi mo man lang ako hinintay. At saka, ano namang alam ko kung nasaan ang prof? Halika na nga. Antayin na lang natin ang prof.”
--
“He’s not worth it, girl.” Inabutan ako ni Hanna ng isang soda.
Tinanggap ko ito. It was Hanna who sent me the video. Nagpapasalamat ako sa kanyang ginawa at ayon sa kanya, nakita niya raw ‘yon sa group chat ng kanyang pinsan. And seriously, I feel so embarrassed. Hindi ko lang alam kay Joshua kung nahihiya ba siya.
“Hindi ba kayo nakahanap ng chupapi sa bar nung Friday night?” sa tanong ni Almera, bigla akong nabilaukan. “Ayos ka lang?”
Umubo naman ako at tumango. “Yeah, I’m fine.”
“Nga pala, guys, nabasa niyo ba ‘yung chismis online?” biglang pag-iiba ni Hanna sa usapan. “Tungkol kay Fox Madrid? Hindi niyo ba siya nakita nung gabing ‘yon? ‘Di ba roon din kayo nagpunta, April?”
Napayuko ako at ramdam ko ang pamumula ng aking mga pisngi. Kita ko naman ang palihim na pagsulyap sa ‘kin ni April na may ngisi sa labi. Pinandilatan ko ito ng mga mata.
“Well, hindi, e. Bakit?”
“Wala naman. Sayang lang. Gusto ko pa naman siya makita in person. Because let’s admit it, he’s handsome as hell. Ang swerte ng babaeng naka-hook up niya,” ani ni Hanna.
“Paanong swerte? E, nakakatakot nga, e. Baka mabalatan siya ng buhay ng mga fans ng Fox Madrid na ‘yon. Marami pa naman siyang mga fans na obsessed,” dire-diretso kong saad.
Napansin ko ang pagtahimik ng aming mesa. Tinignan ko silang tatlo at napansing nakatingin din sila sa ‘kin. Saka ko lang na-realized ang aking mga sinabi.
“A-ano…”
“Umamin ka nga, Ivy.” Pinanliitan ako ng mga mata ni Almera na siyang aking ikinakaba. “Ikaw ba ‘yung babaeng na sa article?”
Wala sa sarili akong napalunok. Umiling ako. “H-hindi… hindi ako ‘yon. B-bakit niyo naman naisip na ako ‘yon?”
Tumayo si Hanna at hinawakan ako sa braso. “Tayo ka nga tapos talikod ka, dali!”
Kung kanina ay namumula ang aking pisngi, ngayon naman ay para akong tinakasan ng aking dugo sa mukha. I bet I looked like someone who’ve seen a ghost right now.
Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi at hinawakan ang kamay ni Hanna sa ‘king braso. “Fine, fine. A-ako nga ang babaeng ‘yon. Bitiwan moa ko.”
Sa aking naging sagot, malakas na tumili is Hanna at Almera habang si April ay may ngisi sa labi. Lahat ng taong na sa canteen ay napatingin sa ‘ming mesa. Sabay na nag-peace sign si Hanna at Almera.
Hanna sat beside me and shook my arm. “Oh my gosh, oh my gosh! Ivy, you’re so lucky!”
Para na akong nahihilo sa paulit-ulit nilang pag-uga sa ‘king braso. Ngumiwi ako at masamang tinignan si Hanna. “Stop it.”
“Akala ko ba hindi niyo siya nakita?” tanong ni Almera. “Kayong dalawa, ha. Ang hilig niyong maglihim. Parang hindi kami part ng circle, ha.”
Apat lamang kaming magkakaibigan. We’ve been friends since highschool. Si Almera ay isang architecture student habang si Hanna naman ay isang tourism student. Kami lang dalawa ni April ang HRM kaya halos kami araw-araw ang magkasama.
“Actually, hindi ko nakita si Fox nakita that night. Pero si Ivy, nawala sa tabi ko. So, alam niyo na ang kasunod.”
“I was drunk, okay?” I convinced them. “Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko that night. So please, let’s shut this topic. Ayoko nang pag-usapan ‘yon. That’s my biggest mistake that I would never ever do again. Did you get me?”
Nagkatinginan silang tatlo at sabay na nagkibit-balikat. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at dumukdok sa mesa.
Hanggang kailan ba ako tatantanan ng kamalasan?
To my single readers out there, I hope you marry a man like Ivy's father :>
Lumipas ang buong dalawang linggo at pilit kong binabaon sa limot ang mga nangyari. Masaya si Mommy na malamang hiwalay na kami ni Joshua. And then she started talking about that childhood sweetheart of mine that she wants me to marry. Napahilot ako sa ‘king sintido at bumaling sa labas ng bintana ng aking silid. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin ngayon. Today’s Friday, just the same as the day where I decided to go club and drank myself, creating another stupid mistake. Bahagya ng humuhupa ang issue tungkol doon sa lalaking naka-one night stand ko. And thankfully, God didn’t let our paths cross once again. Well, the world is too big. Hindi ko lang mawari sa iba kung bakit lagi nilang linya ang salitang ‘the world is too small’. E ang laki nga ng mundo, e. Humugot ako ng malalim na hininga at nag-decide na lumabas muna ngayon at aliwin ang aking sarili sa shopping. Bumangon ako sa kama at nagtungo sa ‘king closet para mamili ng aking damit. Napili ko ang isang kulay maroo
“Inumin mo muna ito para mainitan tiyan mo,” saad ni Manang Mary sabay abot sa ‘kin ng isang tasa ng paborito kong coffee.Tinanggap ko naman ito. Ngunit nang malanghap ko ang amoy nito ay nakaramdam na naman ako ng pagkaduwal kung kaya’y muli kong binigay kay Manang ang tasa.“Bakit? Ayaw mo ba nito?” takang tanong niya. I gulped and massaged my temple. “A-ayos lang po ako, Manang. May nakain lang pong masama.”Tinitigan muna ako nito bago siya sumagot. “Oh siya, sige. Maiwan muna kita rito at nang makapagpahinga ka. Gusto mo bang lutuan kita ng sopas?”Kahit na hindi ako mahilig sa sopas ay agad itong nagpaalam para makapagluto siya. Habang ako naman ay humiga na sa kama at pinikit ang aking mga mata. Abala pa rin ang isip ko sa kakaisip kung bakit ako nasusuka nang maamoy ko ang aking paboritong kape.Muli akong napatingin sa aking phone nang bigla itong mag-ring. Kaagad akong napairap sa isiping si April na naman ito dahil pinatayan ko siya kanina ng tawag.Bagot kong inabot ang
Umupo ako sa couch habang laman pa rin ng aking isip ang nangyari kanina, lalo na ang naging usapan namin ni April kanina sa pool. Hindi ko matanggap ang impormasyong narinig ko. Kung siguro ay sinabi ni April na may ka-fling siya ay baka hindi ako mag-o-overthink ng ganito. Ngunit fiancée niya ‘yon. Ibig sabihin ay malapit na niya maging asawa. Tapos naka-one night stand ko pa! “Hija, ayos ka lang?” Wala sa sarili akong napatingin sa nagsalita. I nodded my head and forced a smile. “O-opo, Manang Mary. Ayos lang po ako.” “Anong gusto mong ulam? Magluluto na ako dahil pauwi na ang Mommy mo,” she said. I touched my lower lip and played with it. “Siguro po… chicken?” Agad naman itong tumango. “Sige. Magluluto na ako.” Tipid akong tumango sa kanya at nang iwan niya ako sa sala ay muli na naman akong tumulala. I feel so awful about myself. Kung sana lang ay isa ako sa mga taong kapag nalalasing ay nakakaya pa ring alalayan ang sarili. Pero hindi, e. Dahil sa katangahan ko ay mas lalo
“Mommy, I told you I am fine. Hindi naman malala itong nararamdaman ko,” I said. Umiling ito. “Hindi, Ivy. I’m getting worried. We need to know why exactly you’re feeling like that.” Napasimangot ako. Hindi ko alam kung iba ang kutob ko. Humugot na lang ako ng malalim na hininga at umakyat sa ‘king silid. She’s been calling her doctor friend times in a row. Kahit gabing-gabi na ay hindi ‘yon inisip ni Mommy. As soon as I entered my room, I dropped my body on the bed. Hindi ko alam ngunit wala akong gana ngayon. Ewan ko ba ngunit mas lalo akong nawala sa mood dahil sa pamimilit ni Mommy na kumunsulta ako ng doctor dahil sa ‘king pagsusuka. Bakit nga ba ako nagsusuka in the first place? Wala naman akong nakaing masama? At kung meron meron man… ano ‘yun? I can’t recall a thing. “Tinolang pakbet!” gulat akong napabangon nang biglang mag-ring ang phone ko. Sinapo ko ang aking dibdib at masamang tinignan ang aking phone. Pinulot ko ito at muling humiga sa kama nang nakatihaya at nakati
Pagdating naming ng ospital ay dumiretso kami sa opisina ng doctor na kakilala ni Mommy. Hindi ko alam kung bakit ang daming koneksyon ni Mommy e hindi naman kami mayaman. But well, it’s not my business anyway.“Good morning, Dr. Feliz,” nakangiting sambit ni Mommy nang makapasok kami sa silid nito.Inilibot ko ang aking tingin at bahagyang napangiwi nang mapansing puro certificate ang nakadikit dito. Meron ding mga photo frames ng mga grupo ng doctor.“Good morning, Mrs. Bartolome. It’s so nice to see you again,” pagbati pabalik ng doktora na nakaupo sa swivel chair. Tumayo ito at umikot sa mesa para makipagbesohan kay Mommy.“It’s nice to see you too, Dr. Feliz. I’m really sorry for knocking on your schedule. I’m just really concerned about my daughter.” Nilingon ako ni Mommy kaya agad akong humakbang palapit. “Anyway, Dr. Feliz. This is my daughter, Ivy Shane Bartolome.”Tumingin sa ‘kin ang doctor at ngumiti. “Hello, Ivy. You’re pretty.”Awkward akong ngumiti at tumango. “T-thank
The day has come. Ang araw na bukas ay dapat wala na ako sa bahay na ito. Mommy is not talking anything to my Dad about my pregnancy. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin para mapilit si Mommy na h’wag akong palayasin.Kasi paano na ako? Saan ako mananatili?Isa sa rason kung bakit iniisip kong ipakuha na lang ang bata. For my parents to accept me again. Hindi naman ako pwedeng maghabol kay Fox dahil hindi niya nga siguro ako naaalala dahil sa dami ng naging babae niya. At isa pa roon ang rason na ikakasal na siya. Hindi ako pwedeng maging kabit. Ayoko. Hindi ako bababa sa label na ‘yon.“Ayos ka lang ba anak?”Napatingin ako sa nagsalita at pilit na ngumiti. “Hey, Dad.”“What happened? Kanina ka pa tulala,” he said.I bit my lower lip and shook my head. “Wala naman po, Dad. I’m fine. Don’t worry about me po.”Hindi ko magawang sabihin kay Daddy ang totoong nangyayari. Ayokong makakita ng disappointment sa kanyang mukha dahil alam kong mataas ang tingin sa ‘kin ni Daddy. He ado
My whole body trembled as I watch the man walk up on stage. Hindi ko maialis ang aking tingin sa kanya. I can’t believe what I am seeing right now. Kinakailangan ko pang kurutin ang aking sarili para masabi kong totoo itong nakikita ko.The host handed him the mic. Nang matanggap niya ang mic ay tumingin siya sa mga guests. Nakatutok sa kanya ngayon ang spotlight, ganoon din ang atensyon ng mga tao. Natahimik ang lahat nang makitang na sa entablado na siya.“Good evening, please enjoy the night.”Napaangat ang aking kilay nang wala ng sumunod na kataga pang lumabas sa kanyang bibig. Mas lalo akong naguluhan. Ganoon ba talaga katipid siya magsalita?“Ivy?” A flick of finger in front of my face wakes me up from my deep monologue. Nilingon ko ang may gawa nu’n at nabungaran ko si Daddy na kunot-noong nakatingin sa ‘kin. “What happened? You looked like you’ve seen a ghost. Are you alright?”Napalunok ako at sunod-sunod na tumango. “O-opo. I-I’m fine, Dad.”Rinig ko ang pag-ismid ni Mommy.
“Ivy?”Hindi ako nagsalita. Nanatili lamang akong nakatitig sa puntod ni Mommy at Daddy. Hindi pa rin ako makapaniwala. I still can’t believe this is actually happening to me. Parang kahapon lang…“Hija, kailangan mo ng umuwi. Tayo na lang ang naririto. Mukhang bubuhos ang malakas na ulan ngayon,” sambit ni Manang Mary.I smiled bitterly. “Hayaan niyo po muna ako rito, Manang. Uuwi rin po ako.”“Pero uulang, hija.”“Sisilong po ako,” I shortly replied.I heard her sighed. Mukhang alam na niyang hindi na niya ako mapipilit pa kung kayat nagpaalam na itong umalis. I took a very deep breath and closed my eyes.Saktong pag-alis ni Manang Mary ay siyang pagbuhos ng malakas na ulan ngunit hindi ko ito inalintana. Mas lalo pa akong maiyak nang umihip ang malamig na hangin na parang niyayakap ako.“Mommy… bakit niyo ako iniwan agad?”That night… I lost both of my strength. Parang gumuho ang mundo ko noong narinig ko ang balitang dead on arrival sila Mommy at Daddy.Since then, I keep blaming
The Sequel: Epilogue IVY SHANE BARTOLOME’s point of view “Do you want me to sing a song for you? I will gladly do that, baby.” Then next thing I heard was a strumming of a guitar. “We were as one, baby. For a moment in time. And it seemed everlasting that you will always be mine. Now you wanna be free, so I’m letting you fly. Cause you know in my heart, girl. Our love will never die, no.” His voice suddenly cracked in the middle of singing and it’s kinda weird because… because I like his voice. Bumibilis ang tibok ng dibdib ko sa naririnig ko. “You’ll always be a part of me, and I’m part of you indefinitely. Girl, don’t you know you can’t shake me. Oh, Darling, cause you’ll always be my baby.” Narinig ko ang paghagugol nito kaya naman kusang tumulo ang luha sa ‘king mga mata. I looked at my parents confusedly. I don’t understand what exactly is happening right now. “Why am I crying?” Ngunit hindi sumagot si Mommy. Hanggang sa isang tinig na naman ang aking narinig ko. “Mommy, w
The Sequel: Chapter 25FOX MADRID’s point of viewPeople used to say that you can’t give up on someone because the situation’s not ideal. Great relationships aren’t great because they have no problems. They’re great because both people care enough about the other person to find a way to make it work. And that’s how our love is. We’re trying to make it work no matter how hard it is.Not because we have our children, but because both of us can’t imagine surviving the future without one another. Both of us wanted to spend each other’s lifetime. We are each other’s strength. And as I watched how the burning car fell into the cliff, I lost all my strength.“Fox, no!”Mabilis akong hinawakan ni Stone sa balikat para hindi ko takbuhin ang distansya ng bangin. Napuno ng luha ang aking mga mata at nandidilim ang aking paningin. The anger inside me flamed up and now I can feel myself moving into their own, it’s as if they have their own mind to control.I pushed Stone hard and walked towards Li
The Sequel: Chapter 24“Grabe!” April exclaimed with a teary eyes. “Hindi ako makapaniwalang ikakasal ka na. I mean, is this real? Are you for real?”I looked at her and smiled. Gustuhin ko mang umiyak ay hindi pwede dahil kasalukuyan pa akong nilalagyan ng make up habang ang iba naman ay inaayos ang aking buhok para sa paglalagyang ng veil.“Stop being so dramatic, April. Ikakasal lang ako, hindi ako mamamatay,” natatawang tugon ko.Paano ba naman kasi? Kung umiyak siya ay parang ano mang oras ay kukunin na ako ni Lord. Kaya naman ay nginingitian ko na lang siya.“But seriously, Ivy. I’m really happy for you. Finally, hindi na jinx ang kasal mo ngayon. Paglabas mo ng simbahan mamaya, hindi ka na si Ms. Bartolome. You will be Mrs. Madrid and that is making me cry. I am so happy for you.”Hinawakan nito ang kamay ko kaya naman pinisil ko lang ito para pakalamahin siya. She’s getting emotional kahit may make up na ito.“Don’t cry or you’ll ruin your make up.”The day has finally come, a
The Sequel: Chapter 23FOX MADRID’S Point of viewI knocked on my son’s room but no one answered. Kaya naman ang ginawa ko ay tinulak ko pabukas ang pinto at doon ko nasilayan si Finn, nakahiga sa kama at mayroon suot na headset. Nakapikit ang mga mat anito na tila ba natutulog. But I am not dumb not to know he’s just acting.Humugot ako ng malalim na hininga at umupo sa kama. I looked at his walls full of anime strips. He designed his room. Mayroon din siyang personal computer sa gilid na sinadya ko para sa kanya. I want to spoil him so much. Baka sa ganitong paraan ay malaman niyang mahal na mahal ko siya.“I know you can hear me,” I said. “Can we talk?”Doon ko lang naramdaman ang pagbangon ng anak ko. Nilingon ko ito at nakita ko ang pagtangal nito ng headphones. Finn looked at me. Walang emosyon sa mga mat anito at parang hindi siya interesado. O sadyang pinapakita niya lang sa ‘kin na hindi ako interesanteng kausap.“Are you still mad at me?” tanong ko sa kanya.“No,” diretsong
The Sequel: Chapter 22 Hindi maalis ni Fox ang titig niya sa ‘min ni Heather. Parang hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita niya. Hindi yata siya makapaniwalang nandito kami at hindi kami umalis nang tuluyan. Kahit naman ako. Lalo na’t desidong- desidido ang hitsura ko nang magtalo kami ni Fox tungkol dito kaya naman hindi na ako nagtataka sa klase ng patingin niya sa ‘kin ngayon.“Kain ka ng marami,” I said. “Nasabi sa ‘kin ni Lucifer na hindi ka kumain buong araw kahapon at puro alak lang iniinom mo. Are you trying to end your life, Fox. Dapat sinabi mo at nang makahanap ako ng hitman na titira sa ‘yo.”Hindi ito umimik. Nang nanahimik na si Heather ay maingat ko itong nilagay sa kanyang baby crib na pwedeng dalhin kahit saan. Sinadya ko kasi na mayroong gulong ang crib nito para matutulak ko lang sa kung saan ko man gusto. At nang matapos ay napatingin ako kay Fox saka ko ito nilapitan.Ako na mismo ang naglagay ng pagkain sa kanyang plato dahil mukhang wala siyang planong gaw
The Sequel: Chapter 21 Inilibot ko ang aking panigin sa buong paligid at hindi ko maiwasang ngumiwi sa sobrang gulo ng paligid. Ang mga flower vase ay basag. Napaawang naman ang labi ko nang makita ko ang basag na malaking tv flatscreen. Then my eyes landed on Fox. Nakaupo ito sa sahig at nakapatong ang siko nito sa kanyang tuhod, takip takip ang mukha. He was leaning against the sofa. Ang sofa na bumaliktad din. “Fox…” I chanted. Agad itong napatingin sa ‘kin. At ang mapula nitong mga mata ang sumalubong sa ‘kn. His red and swollen eyes are looking at me and telling me how tired he is right now. Nakaramdam ako ng guilt habang nakatitig sa mga mata niya. Lucy called me, nagbabakasakali raw siya na baka hindi ako umalis. And I didn’t leave. Hindi ko kayang umalis dahil ayokong lisanin si Fox. Kaya naman nang tinawagan ako ni Lucy ay agad kong sinagot ang tawag. And when he told me that Fox was driving drunk, I was damn worried. Nalaman ko rin kay Lucy na hindi pumasok sa trabaho si
The Sequel: Chapter 20 Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi at bumuntong hininga. Hinilot ko ang aking sintido at tinitigan si Fox na ngayon ay tulog sa aking kandungan. Paulit- ulit na bumabalik sa ‘king alaala ang nangyari kani- kanina lang. Kung hindi pa siya nawalan ng malay ay hindi ito titigil. Mabuti na lang din at nagising ang yaya ni Finn kaya naman ito muna ang tinugon kong bantayan si Heather. I run my fingers through his hair while looking at his face. Sobrang himbing ng tulog nito. Hindi maalis sa isip ko kung paano nabasag ang tinig niya kanina. And I was totally lost for words. Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Fox tungkol dito dahil mukhang may nakapagsabi sa kanya ang plano ko. Pinikit ko ang aking mga mata. And I’m starting to think my decisions all over again. Ngayon ay naiisip ko na naman kung tama ba itong pinaggagawa ko sa buhay? Kung tamang desisyon ba ang umalis na lang kaysa ang ayusin ang lahat ng ito ngayon. His phone suddenly rang, creating
The Sequel: Chapter 19Nang sabihin ng doctor na pwede na akong umalis ay sinamahan ako ni Fox na umalis maghanda na para sa aming pag-alis. Ang crib at ibang gamit ni Heather ay pinadala na namin sa bahay. Ang natitira na lang dito sa loob ng silid ay ako at si Fox na karga ang baby namin. Ngumingiti lamang ito sa ‘kin dahil busy ako sa pagtutupi ng mga sheets.“Are you sure you’re fine now?”Napatingin ako rito at tipid na ngumiti. “Yes, I am.”“What if ipa-check up natin ang─”“Fox, I said I’m fine,” pagpuputol ko rito. “Don’t worry about me. Kaya ko na ang sarili ko.”“Why are you talking as if you’re fine without me and you don’t want to be dependent to me?” mahinang tanong nito.Bahagya akong natigilan sa pagtutupi ngunit hindi ko siya nilingon. Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi saka ako muling nagpatuloy sa pagtutupi ng aking mga gamit. Wala rin naman akong mapapala kung sasagutin ko ang tanong niya. Baka mauwi lamang kami sa pagtatalo.Isang kumot na lang sana ang tut
The Sequel: Chapter 18 Kusang dumilat ang aking mga mata at inilibot ito sa buong paligid. Dumapo ang aking paningin sa ‘king tiyan. Namilog ang aking mga mata nang hindi ko na makita ang umbok nito kaya naman wala sa sarili akong bumangon. Nakaramdam naman ako ng paninibago dahil sa sobrang gaan ng katawan ko. “Ma’am, dahan- dahan po sa paggalaw.” I looked to my side and frowned. “Nasaan ang anak ko? Anong nangyayari?” “Ma’am─” “Kakagising mo pa lang,natataranta ka na agad.” Wala sa sarili akong napatingin sa nagsalita at nangunot ang aking noo nang makita kung sino ito. “Lia?” wala sa sarili kong tanong. Ngumisi siya sa ‘kin at tumayo sa gilid ng aking kama. Nakaramdam ako ng kaba lalo na’t nang umalis ang nurse para siguro ay bigyan kami ng pribadong sandali. And this is not what I wanted. “Relax,” she said. “I won’t harm you. Not now.” My forehead knotted and she smirked at me. “What do you mean?” Umupo ito sa isang stool at tumingin sa ‘kin. Nagtaka ako nang bigla itong