Share

Chapter 7

Author: SenyoritaAnji
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56
“Mommy, I told you I am fine. Hindi naman malala itong nararamdaman ko,” I said.

Umiling ito. “Hindi, Ivy. I’m getting worried. We need to know why exactly you’re feeling like that.”

Napasimangot ako. Hindi ko alam kung iba ang kutob ko. Humugot na lang ako ng malalim na hininga at umakyat sa ‘king silid. She’s been calling her doctor friend times in a row. Kahit gabing-gabi na ay hindi ‘yon inisip ni Mommy.

As soon as I entered my room, I dropped my body on the bed. Hindi ko alam ngunit wala akong gana ngayon. Ewan ko ba ngunit mas lalo akong nawala sa mood dahil sa pamimilit ni Mommy na kumunsulta ako ng doctor dahil sa ‘king pagsusuka.

Bakit nga ba ako nagsusuka in the first place? Wala naman akong nakaing masama? At kung meron meron man… ano ‘yun? I can’t recall a thing.

“Tinolang pakbet!” gulat akong napabangon nang biglang mag-ring ang phone ko.

Sinapo ko ang aking dibdib at masamang tinignan ang aking phone. Pinulot ko ito at muling humiga sa kama nang nakatihaya at nakati
SenyoritaAnji

Subukan ko mag long chapters bukas. Medyo lutang po ako ngayon e hehe

| 8
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (16)
goodnovel comment avatar
Nan
Nice story
goodnovel comment avatar
Jing Liden
magkano full story
goodnovel comment avatar
Rose Aboyo
but ganun ang mahal naman mag unlock
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • His Wedding Intruder    Chapter 8

    Pagdating naming ng ospital ay dumiretso kami sa opisina ng doctor na kakilala ni Mommy. Hindi ko alam kung bakit ang daming koneksyon ni Mommy e hindi naman kami mayaman. But well, it’s not my business anyway.“Good morning, Dr. Feliz,” nakangiting sambit ni Mommy nang makapasok kami sa silid nito.Inilibot ko ang aking tingin at bahagyang napangiwi nang mapansing puro certificate ang nakadikit dito. Meron ding mga photo frames ng mga grupo ng doctor.“Good morning, Mrs. Bartolome. It’s so nice to see you again,” pagbati pabalik ng doktora na nakaupo sa swivel chair. Tumayo ito at umikot sa mesa para makipagbesohan kay Mommy.“It’s nice to see you too, Dr. Feliz. I’m really sorry for knocking on your schedule. I’m just really concerned about my daughter.” Nilingon ako ni Mommy kaya agad akong humakbang palapit. “Anyway, Dr. Feliz. This is my daughter, Ivy Shane Bartolome.”Tumingin sa ‘kin ang doctor at ngumiti. “Hello, Ivy. You’re pretty.”Awkward akong ngumiti at tumango. “T-thank

  • His Wedding Intruder    Chapter 9

    The day has come. Ang araw na bukas ay dapat wala na ako sa bahay na ito. Mommy is not talking anything to my Dad about my pregnancy. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin para mapilit si Mommy na h’wag akong palayasin.Kasi paano na ako? Saan ako mananatili?Isa sa rason kung bakit iniisip kong ipakuha na lang ang bata. For my parents to accept me again. Hindi naman ako pwedeng maghabol kay Fox dahil hindi niya nga siguro ako naaalala dahil sa dami ng naging babae niya. At isa pa roon ang rason na ikakasal na siya. Hindi ako pwedeng maging kabit. Ayoko. Hindi ako bababa sa label na ‘yon.“Ayos ka lang ba anak?”Napatingin ako sa nagsalita at pilit na ngumiti. “Hey, Dad.”“What happened? Kanina ka pa tulala,” he said.I bit my lower lip and shook my head. “Wala naman po, Dad. I’m fine. Don’t worry about me po.”Hindi ko magawang sabihin kay Daddy ang totoong nangyayari. Ayokong makakita ng disappointment sa kanyang mukha dahil alam kong mataas ang tingin sa ‘kin ni Daddy. He ado

  • His Wedding Intruder    Chapter 10

    My whole body trembled as I watch the man walk up on stage. Hindi ko maialis ang aking tingin sa kanya. I can’t believe what I am seeing right now. Kinakailangan ko pang kurutin ang aking sarili para masabi kong totoo itong nakikita ko.The host handed him the mic. Nang matanggap niya ang mic ay tumingin siya sa mga guests. Nakatutok sa kanya ngayon ang spotlight, ganoon din ang atensyon ng mga tao. Natahimik ang lahat nang makitang na sa entablado na siya.“Good evening, please enjoy the night.”Napaangat ang aking kilay nang wala ng sumunod na kataga pang lumabas sa kanyang bibig. Mas lalo akong naguluhan. Ganoon ba talaga katipid siya magsalita?“Ivy?” A flick of finger in front of my face wakes me up from my deep monologue. Nilingon ko ang may gawa nu’n at nabungaran ko si Daddy na kunot-noong nakatingin sa ‘kin. “What happened? You looked like you’ve seen a ghost. Are you alright?”Napalunok ako at sunod-sunod na tumango. “O-opo. I-I’m fine, Dad.”Rinig ko ang pag-ismid ni Mommy.

  • His Wedding Intruder    Chapter 11

    “Ivy?”Hindi ako nagsalita. Nanatili lamang akong nakatitig sa puntod ni Mommy at Daddy. Hindi pa rin ako makapaniwala. I still can’t believe this is actually happening to me. Parang kahapon lang…“Hija, kailangan mo ng umuwi. Tayo na lang ang naririto. Mukhang bubuhos ang malakas na ulan ngayon,” sambit ni Manang Mary.I smiled bitterly. “Hayaan niyo po muna ako rito, Manang. Uuwi rin po ako.”“Pero uulang, hija.”“Sisilong po ako,” I shortly replied.I heard her sighed. Mukhang alam na niyang hindi na niya ako mapipilit pa kung kayat nagpaalam na itong umalis. I took a very deep breath and closed my eyes.Saktong pag-alis ni Manang Mary ay siyang pagbuhos ng malakas na ulan ngunit hindi ko ito inalintana. Mas lalo pa akong maiyak nang umihip ang malamig na hangin na parang niyayakap ako.“Mommy… bakit niyo ako iniwan agad?”That night… I lost both of my strength. Parang gumuho ang mundo ko noong narinig ko ang balitang dead on arrival sila Mommy at Daddy.Since then, I keep blaming

  • His Wedding Intruder    Chapter 12

    Tinitigan ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Wala akong matinog kain simula nang mamatay sila Mommy ngunit pansin pa rin ang pagsisimula ng aking pananaba sa pagbubuntis. Hinawakan ko ang aking tiyan at bumuntong hininga. Ngayon ay nagdadalawang isip na akong ipalaglag ang bata. Wala na akong pamilya. Mommy and Daddy left me alone in this cruel world and didn’t have the chance to teach me how to survive. Wala na akong ibang pamilya. Hindi ko kilala ang mga relatives ni Mommy o kahit ni Daddy. Wala akong ibang makapitan. Hindi ko alam kung sino angg lalapitan ko ngayon. Pagod na pagod na ako. I am mentally, physically, and emotionally tired. Parang gusto ko na ring magpahinga. Gusto kong matulog na hindi nagigising. But then now that I am alone, I have to face this reality. Hindi pwedeng palagi akong magmummukmok dito sa bahay. I need to continue my life. I have to. Tumingin ako sa perang nakalatag sa kama. Ito ang lahat ng perang ibinigay sa ‘kin galing sa kompanya na pinagt

  • His Wedding Intruder    Chapter 13

    “Darating pa ba siya?” I asked her anxiously.Ito na lang ang tanging chance ko. I need to take this or else I’ll end up homeless. Hindi pwede. Kahit anong trabaho pa ‘yan ay gagawin ko basta lang makabayad ako sa utang na pinamana sa ‘kin ni Mommy at Daddy.Oo, pinapamana na ang utang sa panahon ngayon. Ano pa ba kasi ang iniwan sa ‘kin nila Mommy na sobrang sakit sa ulo, ‘di ba? But well, in the first place, this is all my fault. Ako naman ang puno’t dulo ng lahat ng mga ito. Kung hindi ako nagpumilit, e ‘di sana kumpleto pa pamilya ko. E ‘di sana ang tanging problema ko na lang ngayon ay kung paano ko ipapalaglag ang bata.“Don’t worry, darating siya. Ganyan lang talaga si Amanda, mahilig magpa-late. Darating din ‘yon,” April assured me.To be honest, I’m still kind of wondering what kind should I destroy. Kung buhay ba ng tao… o pamilya. I’m scared to do the latter. Hindi ako pwedeng manira ng pamilya. Pero anong magagawa ko? I need money. Isasantabi ko muna ang mga principles ko

  • His Wedding Intruder    Chapter 14

    Tumitig ako sa tv at ngumiwi. Medyo nakakahinga na ako ng maluwang ngayon matapos kong mabayaran ang bangko sa utang ni Mommy at Daddy. I’m sure they’re wondering where the hell did I get that huge amount of money.But then again, why would they care anyway? Ang importante ay nabayaran ko na ang utang ko sa kanila. Hindi na ako mag-aalala pa na magpapalaboy-laboy na ako sa kalsada.Sumagi sa ‘king isipan si Amanda. Sa totoo lang ay curious ako kung ano ang tunay na rason kung bakit niya gustong manira ng kasal. Kung bakit handa siyang magwaldas ng malaking halaga ng pera para lang manira ng kasal.I heaved a very deep breath and rubbed my tummy in a circular motion. Medyo nababawasan na ang iisipin ko. Ang poproblemahin ko na lang ay ang aking pagkain sa araw-araw, ang panganganak ko, at kung paano ko siya itataguyod.Napaangat ang aking kilay nang aking makita ang lalaking iniiwasan ko sa tv. It was just a stolen of him walking on a… parking lot? I don’t know. It’s kinda blurry. But

  • His Wedding Intruder    Chapter 15

    “Sigurado ka bang gagawin mo ‘to?” tanong sa ‘kin ni April sa pang-ilang beses at sa katunayan ay hindi ko na mabilang-bilang. I looked at her. “Stop being so anxious. I am doing this for the sake of my child, April. At saka, may nakuha na akong pera kay Amanda. Ayoko namang makasuhan ng staffa dahil lang sa tinakbuhan ko ang ilang milyong binigay sa ‘kin ni Amanda.” She sighed and nodded her head. Nagpatuloy ito sa paglalagay ng make up sa ‘kin. Sa totoo lang ay hindi ko na kailangan pa ang maglagay ng kalorete sa mukha. But I have to. Para paniwalaan nilang papatulan ako ng groom at para matagumpay kong masira ang kasal. “Ayan na, tapos na. Light make up lang. Medyo kinapalan ko ‘yung mascara mo dahil alam kong aacting ka mamaya. This will be more effective once you cry,” she said. Mahina akong natawa at tumango. Hindi ko alam kung ano ang tamang ginawa ko at kahit papano ay biniyayaan ako ng isang kaibigan na tulad ni April. Because to be honest, I treated her badly. Palagi akon

Pinakabagong kabanata

  • His Wedding Intruder    Epilogue

    The Sequel: Epilogue IVY SHANE BARTOLOME’s point of view “Do you want me to sing a song for you? I will gladly do that, baby.” Then next thing I heard was a strumming of a guitar. “We were as one, baby. For a moment in time. And it seemed everlasting that you will always be mine. Now you wanna be free, so I’m letting you fly. Cause you know in my heart, girl. Our love will never die, no.” His voice suddenly cracked in the middle of singing and it’s kinda weird because… because I like his voice. Bumibilis ang tibok ng dibdib ko sa naririnig ko. “You’ll always be a part of me, and I’m part of you indefinitely. Girl, don’t you know you can’t shake me. Oh, Darling, cause you’ll always be my baby.” Narinig ko ang paghagugol nito kaya naman kusang tumulo ang luha sa ‘king mga mata. I looked at my parents confusedly. I don’t understand what exactly is happening right now. “Why am I crying?” Ngunit hindi sumagot si Mommy. Hanggang sa isang tinig na naman ang aking narinig ko. “Mommy, w

  • His Wedding Intruder    Chapter 25

    The Sequel: Chapter 25FOX MADRID’s point of viewPeople used to say that you can’t give up on someone because the situation’s not ideal. Great relationships aren’t great because they have no problems. They’re great because both people care enough about the other person to find a way to make it work. And that’s how our love is. We’re trying to make it work no matter how hard it is.Not because we have our children, but because both of us can’t imagine surviving the future without one another. Both of us wanted to spend each other’s lifetime. We are each other’s strength. And as I watched how the burning car fell into the cliff, I lost all my strength.“Fox, no!”Mabilis akong hinawakan ni Stone sa balikat para hindi ko takbuhin ang distansya ng bangin. Napuno ng luha ang aking mga mata at nandidilim ang aking paningin. The anger inside me flamed up and now I can feel myself moving into their own, it’s as if they have their own mind to control.I pushed Stone hard and walked towards Li

  • His Wedding Intruder    Chapter 24

    The Sequel: Chapter 24“Grabe!” April exclaimed with a teary eyes. “Hindi ako makapaniwalang ikakasal ka na. I mean, is this real? Are you for real?”I looked at her and smiled. Gustuhin ko mang umiyak ay hindi pwede dahil kasalukuyan pa akong nilalagyan ng make up habang ang iba naman ay inaayos ang aking buhok para sa paglalagyang ng veil.“Stop being so dramatic, April. Ikakasal lang ako, hindi ako mamamatay,” natatawang tugon ko.Paano ba naman kasi? Kung umiyak siya ay parang ano mang oras ay kukunin na ako ni Lord. Kaya naman ay nginingitian ko na lang siya.“But seriously, Ivy. I’m really happy for you. Finally, hindi na jinx ang kasal mo ngayon. Paglabas mo ng simbahan mamaya, hindi ka na si Ms. Bartolome. You will be Mrs. Madrid and that is making me cry. I am so happy for you.”Hinawakan nito ang kamay ko kaya naman pinisil ko lang ito para pakalamahin siya. She’s getting emotional kahit may make up na ito.“Don’t cry or you’ll ruin your make up.”The day has finally come, a

  • His Wedding Intruder    Chapter 23

    The Sequel: Chapter 23FOX MADRID’S Point of viewI knocked on my son’s room but no one answered. Kaya naman ang ginawa ko ay tinulak ko pabukas ang pinto at doon ko nasilayan si Finn, nakahiga sa kama at mayroon suot na headset. Nakapikit ang mga mat anito na tila ba natutulog. But I am not dumb not to know he’s just acting.Humugot ako ng malalim na hininga at umupo sa kama. I looked at his walls full of anime strips. He designed his room. Mayroon din siyang personal computer sa gilid na sinadya ko para sa kanya. I want to spoil him so much. Baka sa ganitong paraan ay malaman niyang mahal na mahal ko siya.“I know you can hear me,” I said. “Can we talk?”Doon ko lang naramdaman ang pagbangon ng anak ko. Nilingon ko ito at nakita ko ang pagtangal nito ng headphones. Finn looked at me. Walang emosyon sa mga mat anito at parang hindi siya interesado. O sadyang pinapakita niya lang sa ‘kin na hindi ako interesanteng kausap.“Are you still mad at me?” tanong ko sa kanya.“No,” diretsong

  • His Wedding Intruder    Chapter 22

    The Sequel: Chapter 22 Hindi maalis ni Fox ang titig niya sa ‘min ni Heather. Parang hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita niya. Hindi yata siya makapaniwalang nandito kami at hindi kami umalis nang tuluyan. Kahit naman ako. Lalo na’t desidong- desidido ang hitsura ko nang magtalo kami ni Fox tungkol dito kaya naman hindi na ako nagtataka sa klase ng patingin niya sa ‘kin ngayon.“Kain ka ng marami,” I said. “Nasabi sa ‘kin ni Lucifer na hindi ka kumain buong araw kahapon at puro alak lang iniinom mo. Are you trying to end your life, Fox. Dapat sinabi mo at nang makahanap ako ng hitman na titira sa ‘yo.”Hindi ito umimik. Nang nanahimik na si Heather ay maingat ko itong nilagay sa kanyang baby crib na pwedeng dalhin kahit saan. Sinadya ko kasi na mayroong gulong ang crib nito para matutulak ko lang sa kung saan ko man gusto. At nang matapos ay napatingin ako kay Fox saka ko ito nilapitan.Ako na mismo ang naglagay ng pagkain sa kanyang plato dahil mukhang wala siyang planong gaw

  • His Wedding Intruder    Chapter 21

    The Sequel: Chapter 21 Inilibot ko ang aking panigin sa buong paligid at hindi ko maiwasang ngumiwi sa sobrang gulo ng paligid. Ang mga flower vase ay basag. Napaawang naman ang labi ko nang makita ko ang basag na malaking tv flatscreen. Then my eyes landed on Fox. Nakaupo ito sa sahig at nakapatong ang siko nito sa kanyang tuhod, takip takip ang mukha. He was leaning against the sofa. Ang sofa na bumaliktad din. “Fox…” I chanted. Agad itong napatingin sa ‘kin. At ang mapula nitong mga mata ang sumalubong sa ‘kn. His red and swollen eyes are looking at me and telling me how tired he is right now. Nakaramdam ako ng guilt habang nakatitig sa mga mata niya. Lucy called me, nagbabakasakali raw siya na baka hindi ako umalis. And I didn’t leave. Hindi ko kayang umalis dahil ayokong lisanin si Fox. Kaya naman nang tinawagan ako ni Lucy ay agad kong sinagot ang tawag. And when he told me that Fox was driving drunk, I was damn worried. Nalaman ko rin kay Lucy na hindi pumasok sa trabaho si

  • His Wedding Intruder    Chapter 20

    The Sequel: Chapter 20 Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi at bumuntong hininga. Hinilot ko ang aking sintido at tinitigan si Fox na ngayon ay tulog sa aking kandungan. Paulit- ulit na bumabalik sa ‘king alaala ang nangyari kani- kanina lang. Kung hindi pa siya nawalan ng malay ay hindi ito titigil. Mabuti na lang din at nagising ang yaya ni Finn kaya naman ito muna ang tinugon kong bantayan si Heather. I run my fingers through his hair while looking at his face. Sobrang himbing ng tulog nito. Hindi maalis sa isip ko kung paano nabasag ang tinig niya kanina. And I was totally lost for words. Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Fox tungkol dito dahil mukhang may nakapagsabi sa kanya ang plano ko. Pinikit ko ang aking mga mata. And I’m starting to think my decisions all over again. Ngayon ay naiisip ko na naman kung tama ba itong pinaggagawa ko sa buhay? Kung tamang desisyon ba ang umalis na lang kaysa ang ayusin ang lahat ng ito ngayon. His phone suddenly rang, creating

  • His Wedding Intruder    Chapter 19

    The Sequel: Chapter 19Nang sabihin ng doctor na pwede na akong umalis ay sinamahan ako ni Fox na umalis maghanda na para sa aming pag-alis. Ang crib at ibang gamit ni Heather ay pinadala na namin sa bahay. Ang natitira na lang dito sa loob ng silid ay ako at si Fox na karga ang baby namin. Ngumingiti lamang ito sa ‘kin dahil busy ako sa pagtutupi ng mga sheets.“Are you sure you’re fine now?”Napatingin ako rito at tipid na ngumiti. “Yes, I am.”“What if ipa-check up natin ang─”“Fox, I said I’m fine,” pagpuputol ko rito. “Don’t worry about me. Kaya ko na ang sarili ko.”“Why are you talking as if you’re fine without me and you don’t want to be dependent to me?” mahinang tanong nito.Bahagya akong natigilan sa pagtutupi ngunit hindi ko siya nilingon. Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi saka ako muling nagpatuloy sa pagtutupi ng aking mga gamit. Wala rin naman akong mapapala kung sasagutin ko ang tanong niya. Baka mauwi lamang kami sa pagtatalo.Isang kumot na lang sana ang tut

  • His Wedding Intruder    Chapter 18

    The Sequel: Chapter 18 Kusang dumilat ang aking mga mata at inilibot ito sa buong paligid. Dumapo ang aking paningin sa ‘king tiyan. Namilog ang aking mga mata nang hindi ko na makita ang umbok nito kaya naman wala sa sarili akong bumangon. Nakaramdam naman ako ng paninibago dahil sa sobrang gaan ng katawan ko. “Ma’am, dahan- dahan po sa paggalaw.” I looked to my side and frowned. “Nasaan ang anak ko? Anong nangyayari?” “Ma’am─” “Kakagising mo pa lang,natataranta ka na agad.” Wala sa sarili akong napatingin sa nagsalita at nangunot ang aking noo nang makita kung sino ito. “Lia?” wala sa sarili kong tanong. Ngumisi siya sa ‘kin at tumayo sa gilid ng aking kama. Nakaramdam ako ng kaba lalo na’t nang umalis ang nurse para siguro ay bigyan kami ng pribadong sandali. And this is not what I wanted. “Relax,” she said. “I won’t harm you. Not now.” My forehead knotted and she smirked at me. “What do you mean?” Umupo ito sa isang stool at tumingin sa ‘kin. Nagtaka ako nang bigla itong

DMCA.com Protection Status