"Hooh! Tapos na rin sa wakas!" Napangiti ako sa masayang mukha ni Jayle nang makalabas kami ng classroom. Katatapos lang naming mag-take ng final exams kaya heto't tuwang-tuwa siya dahil makakapagpahinga na raw ang kaniyang brain cells. "Sobrang hirap ng mga exams and hindi lumabas yong mga ni-review ko! Like where the hell did those questions came from?" she whined. "But at least it's over. We can have our beauty rest na. Let's go out with the others. It's been a while." Napatingin ako sa aking wrist watch. It's one pm. May usapan kami ni Forth na magkikita kami after ng exams kaya hindi ako sigurado kung mapagbibigyan ko ang aking kaibigan. Napalinga ako sa paligid at nang mamataan ang pamilyar na bulto ng aking boyfriend ay unti-unting gumapang ang ngisi sa aking labi. He's laughing with his friends. Nang magkatinginan kami ay agad na umaliwalas ang kaniyang mukha. Tumaas ang kilay ko nang iwan niya ang kaniyang mga kaibigan para puntahan ako. Rinig ko pang tinatawag siya ng
"Goodnight, baby. I'll call," he said and went back inside his car. Hindi ko na siya hinintay na makaalis at tumalikod na para pumasok sa loob ngunit halos mapatalon ako sa gulat nang maabutang nakatayo si Safrianna sa labas ng gate. "Hmm, is that your boyfriend?" she raised a brow and crossed her arms over her chest. I sighed boredly. "Alam ba 'to ni tita at dad? I'm sure not. Didn't know you are secretive." "What happens with my life is totally out of your concerns, Safrianna," mariin kong sabi. Humalakhak siya ng marahan na tila naaaliw sa mga sinasabi ko. Nanatiling seryoso ang aking tingin sa kaniya. "Yeah but we're sisters. So definitely, I have a say on your life too--" "Can you stop?" irita kong saad. She gasped dramatically. "Why are you so irate? Ah. Are you still bitter that your parents favor me than you, Ate?" "What?" halos isigaw ko iyon. "...well, I can't really do something about that. Hindi ko na kasalanang iniitsapwera ka nila para sa'kin kahit anak ka rin nil
Handa na ang pagkain nang makapasok kami. I sat down on a chair across my parents'. KForth is beside me. The uncomfortable silence lingered on the dining hall as we eat. Kada subo'y para akong mabibilaukan sa kaba kahit wala pa namang nangyayari. Ngunit base sa ekspresyong ipinapakita nila, mukhang hindi na kailangang hulaan. Tunog ng papalapit na yabag ang bumasag sa nakakabinging katahimikan. Safrianna on her fitted dress and killer heels showed up with a smile on her face, agad na tumama ang tingin sa katabi ko. For a while, I saw a glint of adoration and amazement in her innocent eyes as she stared at Forth. Mataman ko siyang tinitigan.I am aware of that kind of stare. It's the kind of look that girls give when they find someone attractive. Sa dami ba naman ng nahuhuli kong ganoon makatingin sa boyfriend ko. Does she...like him, though? I hope not. I don't know how far can I go if she happens to like him. Hindi ko hahayaang pati si Forth.... Unti-unting napalitan ng panunuya
Naging malamig ang trato ng mga magulang ko sa akin. They barely talk to me. Ni hindi nga ako matingnan sa mga mata dahil sa galit at pagkadismaya nila sa akin. Masakit ma'y naiintindihan ko naman. Iniisip kong lilipas rin iyon at isang araw, magkakaroon ako ng pagkakataong humingi ng tawad sa pagsuway sa kanila at makausap sila ng maayos. Napabuga ako ng hangin at tiningala ang malaking bahay na nasa harapan ko. The three-storey house looks ancient and classical with its Spanish style design. Mukhang pinanatili ang pagiging antigo sa kabila ng paglipas ng mga taon. Sa kremang dingding, mga halaman at baging na nakapalibot sa puti at matayog na gate ay nagmukha itong palasyo. Despite the row I had with my parents, I chose to meet Forth's grandma sa araw at oras na napag-usapan. Pwede naman daw na ikansela muna namin ngunit hindi ako pumayag. I don't want to dissapoint her grandmother. "Kinakabahan ka?" Forth asked worriedly as he slid his hand on mine and intertwined our fingers. "
I don't know what Safrianna is up to. Kung bakit siya nagmi-message kay Forth at kung bakit niya ito ina-approach sa personal nang lingid sa kaalaman ko. Ang nagpipigil na lamang sa akin na paghinalaan siya ay ang katotohanang magkapatid kami. Naniniwala ako kahit papaano na hindi niya magagawang manira ng relasyon. Lalo pa't magkapatid kami. Nawala rin iyon sa isipan ko nang sumapit ang summer. Dahil wala namang plano si Mom at Dad, at ayaw ko ring laging makita ang mukha ni Safrianna sa bahay ay nagpasya akong manatili muna sa bahay ng aking grandparents sa Batangas kasama ang mga pinsan ko. "Hindi gan'yan!" pagalit na sinabi ni Kara kay Desmond na tinuturuan niyang gumawa ng cordon bleu. "Tignan mo 'yang hitsura ng rolls mo? Mukhang gawa ng kinder, Mon!" "Okay naman, ah? Kailangan ba artsy ang pagkakaroll?" Napangiwi ako nang makita ang hitsura no'n. Ibinaling ko na lang ang atensyon sa ginagawang graham cake kaysa pakinggan ang pagtatalo ng dalawa. Nang matapos ay inilagay ko a
Tulala ako habang nakaupo sa aking kama kinabukasan. Saka lang ako natauhan nang maalala ang kailangan kong gawin sa araw na ito. Hinilamos ko ang palad sa akin mukha at napasinghap para kalmahin ang sarili. Nang makabawi ay agad akong nag-ayos. Wearing a red fitted silk dress and beige killer heels with my hair on loose curls, I sauntered on the lobby of the condominium building where Forth resides with a box of cake and a bottle of wine on hand. Pinagtitinginan pa ako ng ilang mga taong naroon ngunit diretso lamang ang lakad ko. When the elevator brought me to the right floor, my heart started to pound like crazy. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ako ka-kabado. I breathed in and out to calm myself. Relax, Cary! Walang mangyayari, okay?! Isu-surprise mo lang naman siya kaya bakit ganiyan ang reaksiyon mo? Kung kabahan ka ay parang honeymoon niyo na, you ingrata! I pressed the doorbell twice before the door opened. Ang nakaabang kong ngiti ay nabitin nang maabutan kung si
Silence engulfed us when Melizza left. Kinalas ko ang pagkakapulupot ng braso ni Forth sa baywang ko at nagtungo sa mesa kung nasaan ang cake at wine. I felt his warmth behind me. Napairap ako dahil para siyang buntot na nakasunod. "Umuwi ka pala. I thought it's still next week?" he asked softly. Hindi ako sumagot at kumuha na lamang ng kutsilyo, platito at mga wineglass. Ramdam kong nakasunod pa rin siya sa likod ko. Iniwan ko siya roon at nagtungo ulit sa dining table pero ilang segundo lang, naroon na ulit siya. I gritted my teeth. Medyo padabog ang paglapag ko sa mga kinuha kong gamit. Rinig ko ang mahina niyang singhap sa aking gilid. "Hey, what's wrong?" malambing niyang tanong. "May problema ba?" Hindi ulit ako nagsalita. "Cary," tawag niyang muli. "What's our problem? Can you please talk to me?" Hindi ko siya pinansin at nag-focus na lamang sa hinihiwang cake. Ilang sandali lang ay naramdaman ko siya sa likod ko. When he embraced me from behind, that's when I snapped
White sheets covered our naked bodies as we layed down the soft matress of his bedroom. Nakahilig ako sa dibdib ni Forth habang nakapikit. We did it two times kaya ganito na lamang ako kapagod. I am not complaining, though. I liked every bit of what happened to us. "You sleepy?" he asked softly. "Yes," I answered. "My body hurts like hell." He chuckled and hugged me tighter. His lips are brushing against my hair whilr his hands are all over my stomach. I leaned my full weight on him. Wala naman akong narinig na reklamo sa kaniya ngayong inasa ko na sa kaniya ang buong bigat ko. What I did was out of my principle. Naniniwala kasi akong hindi iyon dapat ginagawa basta basta kung hindi kasal. Ngunit heto ako ngayon at bumigay na agad. Wala naman akong pinagsisisihan dahil ibinigay ko ang sarili ko sa taong mahal ko. Ginusto ko rin naman ang nangyari. Akala ko nga'y magiging awkward ang hangin sa pagitan namin pagkatapos ng nangyari ngunit lalo yata kaming nagkalapit. We feel more co