"Goodnight, baby. I'll call," he said and went back inside his car. Hindi ko na siya hinintay na makaalis at tumalikod na para pumasok sa loob ngunit halos mapatalon ako sa gulat nang maabutang nakatayo si Safrianna sa labas ng gate. "Hmm, is that your boyfriend?" she raised a brow and crossed her arms over her chest. I sighed boredly. "Alam ba 'to ni tita at dad? I'm sure not. Didn't know you are secretive." "What happens with my life is totally out of your concerns, Safrianna," mariin kong sabi. Humalakhak siya ng marahan na tila naaaliw sa mga sinasabi ko. Nanatiling seryoso ang aking tingin sa kaniya. "Yeah but we're sisters. So definitely, I have a say on your life too--" "Can you stop?" irita kong saad. She gasped dramatically. "Why are you so irate? Ah. Are you still bitter that your parents favor me than you, Ate?" "What?" halos isigaw ko iyon. "...well, I can't really do something about that. Hindi ko na kasalanang iniitsapwera ka nila para sa'kin kahit anak ka rin nil
Handa na ang pagkain nang makapasok kami. I sat down on a chair across my parents'. KForth is beside me. The uncomfortable silence lingered on the dining hall as we eat. Kada subo'y para akong mabibilaukan sa kaba kahit wala pa namang nangyayari. Ngunit base sa ekspresyong ipinapakita nila, mukhang hindi na kailangang hulaan. Tunog ng papalapit na yabag ang bumasag sa nakakabinging katahimikan. Safrianna on her fitted dress and killer heels showed up with a smile on her face, agad na tumama ang tingin sa katabi ko. For a while, I saw a glint of adoration and amazement in her innocent eyes as she stared at Forth. Mataman ko siyang tinitigan.I am aware of that kind of stare. It's the kind of look that girls give when they find someone attractive. Sa dami ba naman ng nahuhuli kong ganoon makatingin sa boyfriend ko. Does she...like him, though? I hope not. I don't know how far can I go if she happens to like him. Hindi ko hahayaang pati si Forth.... Unti-unting napalitan ng panunuya
Naging malamig ang trato ng mga magulang ko sa akin. They barely talk to me. Ni hindi nga ako matingnan sa mga mata dahil sa galit at pagkadismaya nila sa akin. Masakit ma'y naiintindihan ko naman. Iniisip kong lilipas rin iyon at isang araw, magkakaroon ako ng pagkakataong humingi ng tawad sa pagsuway sa kanila at makausap sila ng maayos. Napabuga ako ng hangin at tiningala ang malaking bahay na nasa harapan ko. The three-storey house looks ancient and classical with its Spanish style design. Mukhang pinanatili ang pagiging antigo sa kabila ng paglipas ng mga taon. Sa kremang dingding, mga halaman at baging na nakapalibot sa puti at matayog na gate ay nagmukha itong palasyo. Despite the row I had with my parents, I chose to meet Forth's grandma sa araw at oras na napag-usapan. Pwede naman daw na ikansela muna namin ngunit hindi ako pumayag. I don't want to dissapoint her grandmother. "Kinakabahan ka?" Forth asked worriedly as he slid his hand on mine and intertwined our fingers. "
I don't know what Safrianna is up to. Kung bakit siya nagmi-message kay Forth at kung bakit niya ito ina-approach sa personal nang lingid sa kaalaman ko. Ang nagpipigil na lamang sa akin na paghinalaan siya ay ang katotohanang magkapatid kami. Naniniwala ako kahit papaano na hindi niya magagawang manira ng relasyon. Lalo pa't magkapatid kami. Nawala rin iyon sa isipan ko nang sumapit ang summer. Dahil wala namang plano si Mom at Dad, at ayaw ko ring laging makita ang mukha ni Safrianna sa bahay ay nagpasya akong manatili muna sa bahay ng aking grandparents sa Batangas kasama ang mga pinsan ko. "Hindi gan'yan!" pagalit na sinabi ni Kara kay Desmond na tinuturuan niyang gumawa ng cordon bleu. "Tignan mo 'yang hitsura ng rolls mo? Mukhang gawa ng kinder, Mon!" "Okay naman, ah? Kailangan ba artsy ang pagkakaroll?" Napangiwi ako nang makita ang hitsura no'n. Ibinaling ko na lang ang atensyon sa ginagawang graham cake kaysa pakinggan ang pagtatalo ng dalawa. Nang matapos ay inilagay ko a
Tulala ako habang nakaupo sa aking kama kinabukasan. Saka lang ako natauhan nang maalala ang kailangan kong gawin sa araw na ito. Hinilamos ko ang palad sa akin mukha at napasinghap para kalmahin ang sarili. Nang makabawi ay agad akong nag-ayos. Wearing a red fitted silk dress and beige killer heels with my hair on loose curls, I sauntered on the lobby of the condominium building where Forth resides with a box of cake and a bottle of wine on hand. Pinagtitinginan pa ako ng ilang mga taong naroon ngunit diretso lamang ang lakad ko. When the elevator brought me to the right floor, my heart started to pound like crazy. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ako ka-kabado. I breathed in and out to calm myself. Relax, Cary! Walang mangyayari, okay?! Isu-surprise mo lang naman siya kaya bakit ganiyan ang reaksiyon mo? Kung kabahan ka ay parang honeymoon niyo na, you ingrata! I pressed the doorbell twice before the door opened. Ang nakaabang kong ngiti ay nabitin nang maabutan kung si
Silence engulfed us when Melizza left. Kinalas ko ang pagkakapulupot ng braso ni Forth sa baywang ko at nagtungo sa mesa kung nasaan ang cake at wine. I felt his warmth behind me. Napairap ako dahil para siyang buntot na nakasunod. "Umuwi ka pala. I thought it's still next week?" he asked softly. Hindi ako sumagot at kumuha na lamang ng kutsilyo, platito at mga wineglass. Ramdam kong nakasunod pa rin siya sa likod ko. Iniwan ko siya roon at nagtungo ulit sa dining table pero ilang segundo lang, naroon na ulit siya. I gritted my teeth. Medyo padabog ang paglapag ko sa mga kinuha kong gamit. Rinig ko ang mahina niyang singhap sa aking gilid. "Hey, what's wrong?" malambing niyang tanong. "May problema ba?" Hindi ulit ako nagsalita. "Cary," tawag niyang muli. "What's our problem? Can you please talk to me?" Hindi ko siya pinansin at nag-focus na lamang sa hinihiwang cake. Ilang sandali lang ay naramdaman ko siya sa likod ko. When he embraced me from behind, that's when I snapped
White sheets covered our naked bodies as we layed down the soft matress of his bedroom. Nakahilig ako sa dibdib ni Forth habang nakapikit. We did it two times kaya ganito na lamang ako kapagod. I am not complaining, though. I liked every bit of what happened to us. "You sleepy?" he asked softly. "Yes," I answered. "My body hurts like hell." He chuckled and hugged me tighter. His lips are brushing against my hair whilr his hands are all over my stomach. I leaned my full weight on him. Wala naman akong narinig na reklamo sa kaniya ngayong inasa ko na sa kaniya ang buong bigat ko. What I did was out of my principle. Naniniwala kasi akong hindi iyon dapat ginagawa basta basta kung hindi kasal. Ngunit heto ako ngayon at bumigay na agad. Wala naman akong pinagsisisihan dahil ibinigay ko ang sarili ko sa taong mahal ko. Ginusto ko rin naman ang nangyari. Akala ko nga'y magiging awkward ang hangin sa pagitan namin pagkatapos ng nangyari ngunit lalo yata kaming nagkalapit. We feel more co
I went inside our home with a light heart. I spent the whole night texting him. Mabuti na lang at wala pa sina Mommy nang dumating ako sa bahay kaya hindi rin ako nahuling umuwi ng ganoong oras. It was eleven in the evening when I decided to go downstairs for a drink. Dim na ang ilaw sa pasilyo ng second floor at tahimik na. Kaya naman agad na naalerto ang katawan ko nang marinig kong bumukas ang pintuan ng master's bedroom, ang kwarto nina Mommy at Daddy. "Are you feeling better now?" a familiar voice croaked. Kahit medyo madilim, kilala ko ang bultong nakatayo sa pintuan ng kuwarto nina Mommy. Namilog ang mga mata ko at wala sa sariling napahakbang paatras. Faustino Estrillo, Mommy's so-called friend, was inside of my parents' room. Anong ginagawa niya riyan? And where is Daddy? Bakit si Mr. Estrillo ang kasama ni Mommy sa ganitong oras? I remembered what Tito Gerald said on my birthday about Mommy's rumored affair with another man. Is that...true? Nagkamali ba ako sa pag-iis
Trigger Warning: ViolenceWakas"So...are you coming home tonight?" my brother, Frand, asked and sat on the couch in front of me with a glass of liquor on his hand.I leaned on my swivel chair. Ibinaba ko ang dokumentong binabasa at sinulyapan ang nakakatandang kapatid. Ilang beses na itong pabalik-balik sa aking opisina ngayong araw para kulitin akong umuwi ngayon. It's lola's 85th birthday and we are having a family dinner. Ayos lang naman na hindi ako pumunta dahil binisita ko na si lola kahapon. We had an early celebration on her favorite restaurant yesterday so I think she'll understand if I won't come.Kaso ang mga kapatid ko, ayaw tumigil. Palagi na lang, tuwing may okasyon ay pinagtutulungan nila akong pauwiin. They've been teaming up against me for the past years just to make me come home. Hindi na rin kasi ako umuwi simula no'ng naging abala na sa mga hawak na negosyo."I'm busy," sagot ko.Matalim niya akong tiningnan ngunit sa huli ay bumuntong-hininga. "Kinukulit ako ni M
Naalimpungatan ako sa pagtama ng nakakasilaw na liwanag mula sa bintana. I opened my eyes slowly. Mula sa puting kurtinang hinihipan ng hangin ay inilipat ko ang paningin sa aking tabi.No one was there. Siguro'y nasa labas na ang mag-ama ko. Ngumuso ako at dahan-dahang bumangon. Forth slept here with us last night. It was a long day for us kaya't agad kaming nakatulog. Ngunit himalang nauna pa siyang magising sa akin.Inayos ko ang sarili saka bumaba. Naabutan ko si Carson na nakatungtong sa monoblock chair habang abala sa pagbabati ng itlog. While Forth is topless while cooking something.Saglit akong napatulala. His hair is messy but he still look hot as hell. His thin stubble made him look rough and more intimidating. Ang mga labi'y pula at medyo nakaawang habang nakikinig sa sinasabi ng anak. He laughed a bit at what our son said, revealing his set of perfect whites.Even with the way he laughs, hindi ka mapapanatag. Akala mo'y isang guwapong diablong natutuwa sa kung ano. His sm
"How did you know?" kinakabahan kong tanong habang siya'y nagmamaneho papunta sa aming bahay. "I had you investigated before I come here," tipid niyang sagot.I almost forgot that he's damn rich now. Kaya marami na rin siyang koneksyon at hindi malabong napaimbestigahan na ako nito!"God knows how I wanted to drag you both with me the moment I found out we have a son," aniya. "Ang nagpipigil lang sa akin ay ang kaalamang galit ka sa akin. That's why I gave you time first."I looked at him guiltily. No traces of anger can be seen on his face. In fact, he looked...peaceful. But then, hindi ba siya galit na itinago ko ang totoo?"Hindi ka...uhm, galit?" nag-aalangan kong tanong."Why would I be? You struggled to raise him alone when I should've been there for you both. Dapat kayo ang galit sa akin, Selene."Parang may humawak sa aking puso sa sinabi niya. I smiled weakly at him."Stop blaming yourself on things you have no control of," I said. "At hindi kami galit sayo. Ang totoo, gusto
I was very devasted when everything I have fell apart back then. I used to think that nothing hurts more than what I went through in the past.It was nightmare. But knowing that someone laid his life on the line just to save me from a bigger and more miserable nightmare is a different kind of pain. He didn't have to do it. Hindi niya kailangang makialam. I refuse to accept how his love for me lead him to do stupid things.His father is a leader of a syndicate. It was given that he is dangerous. But he played his father's dirty game and betrayed him just so he can save me. Ganoon niya ba ako kamahal...para isugal ang buhay niya maprotektahan lamang ako? I couldn't accept it. It was too painful. Paano kung hindi siya nakaligtas sa pagkaka-coma? Paniguradong habang-buhay akong lulubog sa pagsisisi at sakit!Tulala ako habang nakaupo sa gutter sa labas ng restaurant. Nasa loob pa ng restaurant ang tatlo at ako lamang ang lumabas para magpahangin. At sa totoo lang, wala akong mukhang mai
Siya rin ang naghatid sa akin pauwi noong gabing iyon. Hindi ko na mahanap sina Kelmer sa bar kaya nauna na ako. I just texted them that I already went home, and that I couldn't find them anywhere."Blooming, ah!" salubong sa akin ni Daisy nang makapasok ako ng restaurant kinabukasan. "Baka naman nakahanap ka ng lalaki do'n sa bar kaya ganyan ha," ngumisi siya. Napairap ako. "Hindi ba pwedeng maganda lang ang gising?" balik ko. "Sus!" dinunggol niya ang balikat ko. "Sige, kunwari hindi ko alam na nagkakamabutihan kayo ni Sir pogi. Ang sweet at may paghatid-sundo pa plus bantay na bantay all day! Nabawasan na nga ang customer nating mga babae simula nong nagkalapit kayo niyan. Baka siya ang kasama mo kagabi. Naku ha!"Ngumiwi ako. Hindi na lamang ako nagsalita at dumiretso na sa staff room para magbihis ng uniform. Paglabas ko'y natanaw ko si Forth sa palagi niyang pwesto. He is looking on his laptop while he is holding a phone on his ear, seryosong nakikipag-usap sa kung sino. Lum
"When is your graduation?" Forth asked while he's still driving. Mula sa bintana ay inilipat ko ang tingin sa kaniya.His side profile welcomed my sight. Saglit akong napatulala roon. I already knew that he's handsome when we were still young but I never thought he could be this hot now. "Next week. Why?"His jaw moved slightly. "I was thinking if I could attend. If that's fine with you, of course."Natigilan ako roon.Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko masabing hindi pwede dahil siguradong magkikita sila ni Carson roon. "Uh... I'll see," nag-aalangan kong sagot.Tumango siya. We stayed silent until we reached the restaurant. Tahimik siyang bumaba at umikot para pagbuksan ako. I bit my lower lip and got out of the car. Hindi pa rin siya nagsasalita.I held his arm to stop him from walking. His lips parted as he stared at me."Uhm, galit k-ka?" nag-aalangan kong tanong.Kumunot ang noo niya, nagtataka. "Why would I be mad?""Kasi...uh...hindi ako pumayag agad na sumama ka sa gr
It was as if I was dreaming. Sobrang gaan ng pakiramdam ko matapos kong umiyak. It's like all the burden was lifted out of my chest.I sighed and leaned on Forth's chest more. Nasa loob na kami ng kotse niya, parehong tahimik na pinapakiramdaman ang isa't isa habang nakaupo ako sa kaniyang kandungan at nakahilig sa kaniyang dibdib. He was caressing my hair.Everything is still fresh to me. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Marami rin akong tanong na ilang taon nang hindi nabibigyan ng kasagutan kaya nag-uunahan sa aking utak ngayon."Forth," I called softly."Hmm?""Nung gabing lasing na lasing ka," panimula ko. "Kent called me and asked for help para pauwiin ka. Kaso noong nasa bar na ako, sinabi niyang nakauwi ka na kaya dumiretso ako sa condo mo..." I stopped for a while. I still remember what I felt that day. I was so broken when I saw him being kissed by a random girl on his bedroom. That was one of the most painful memories of the past. Until now, I am still bothered.Ramda
Umihip ang malamig na hangin ng makalabas ako sa restaurant. Kakatapos lang ng shift ko at pauwi na sa bahay. Dala ko pa ang paperbag ng pagkain na binili ni Forth para sa akin kanina. I rolled my eyes. Kahit bitter ako, hindi ako magsasayang ng pagkain. I'm tired giving it to my workmates, too. Kaya tinatanggap ko na lang at pinapakain kay Carson. I stopped on my tracks when I saw Forth's familiar car again. He was leaning on it as if he's waiting for someone. Nang makita ako ay umayos siya ng tayo. Nagpatuloy ako sa paglalakad, halos tumakbo na. Ramdam kong nakasunod siya sa likuran ko kaya mas lalo kong binilisan ang lakad ko. "Cary," he called. I didn't stop walking. Hindi ko rin siya nilingon. Tuloy tuloy ang lakad ko. "Cary, please. Slow down. I want to talk to you--" "I don't. Stop following me," I cut him off. I don't even know why I'm acting this way. Hindi ko maintindihan ang sarili sa biglang pagbuso ng galit sa sistema ko. It's like something is triggering me, push
Inilapag ko ang tray ng order ni Forth sa kaniyang mesa. I can feel his eyes on me but I refused to give him a single glance. Patuloy lamang ako tahimik na paglagay ng mga order niya. Ilalapag ko na sana ang paper bag na naglalaman ng kaniyang take out nang magsalita siya. "That's yours." Tinaasan ko siya ng kilay. "I said I already ate." "Then eat it on your break, or when you're hungry again," he shrugged like it was not a big deal and started eating his food. "Masasayang lang 'to. Hindi naman ako gutom." "Then bring it at home." Napairap ako at padabog na kinuha ang tray at paperbag saka umalis roon. Nakasalubong ko pa si Lorie na mukhang kakatapos lang mag-serve sa kabilang mesa. She smiled when she saw me. An idea lit on my mind. I glanced at the paperbag I'm holding. "Naglunch ka na?" tanong ko. "Magla-lunch pa lang. Busy eh. Bakit?" "Sa'yo na lang, oh," inabot ko ang supot sa kaniya. "May customer na nakalimutan iyong take out niya. Sayang naman." "Sure ka?" Tumango