"Oh! Naka simangot ka na naman bess.." bungad sa'kin ni Kelly ng makapasok na ako sa classroom namin.
Tamad akong napaupo sa puwesto ko. Pakiramdam ko ay pasan ko ang buong daigdig dahil sa dami ng problema ko ngayon.Well, kilan pa ba ako 'di naubusan ng problema. Lagi naman."May problema ba bess?" tanong nito at humalukipkip sa arm chair ko.
"Wala naman." tipid na sagot ko dito.
Kunot noo naman ako nitong tinitigan na animo'y binabasa ang nasa utak ko.
"I don't think so." Aniya. "I know you bess."
"Wala nga." saad ko dito t'saka kinuha ang bag ko at nagkunwaring may gagawin ako.
Ayuko na munang mag open up sa kanya tungkol sa problema ko. Besides, di naman na kailangan... I mean. Ayuko lang na pati ang problema ko ay proproblemahin din ni Kelly. Kilala ko din ito eh. Makulit ito at paniguradong hindi ako nito tatantanan."Come on bess. Speak."
"Dadating na ang prof. na'tin kaya---"
"Actually mamayang hapon pa ang klase natin. Wala tayong klase sa morning subjects. Don't worry. Or maybe, halika at sa canteen tayo." ani Kelly at mabilis akong hinawakan sa kamay kaya napatayo akong bigla.
"H-ha? Teka bat 'di mo ako tinext na wala pala tayong pasok ngayon... 'Di sana nag hanap na muna ako ng trabahong mapapasukan ko." saad ko dito.
"Kanina ko lang din nalaman kaya sorry. T'saka don't worry na about your work. Nakausap ko na si Tita Yhanie, my mom's older sister. Nag hahanap kasi siya ng bagong secretary sa boutique niya. Manganganak na kasi ang secretary niya kaya nag resign na. I ask her kung p'wede kitang ipasok doon. Pumayag siya." anito. Agad naman akong napatigil sa pag lalakad kung kaya't pati siya ay tumigil din dahil hawak nito ang kamay ko.
"S-seryuso?"
"Mukha ba akong nag bibiro?" balik na tanong nito sa'kin.
I know Kelly.
Alam ko kung kilan ito nag bibiro at seryuso.And it seems that she's serious this time."Salamat bess." nasambit ko nalang sa kanya pag kuwa'y agad ko siyang niyakap ng mahigpit. "Ang dami mo ng tulong sa'kin." bulong ko sa kanya. Naramdaman ko naman ang pag himas nito sa likod ko bago humiwalay sa'kin.
"What friends are for?" Aniya na naka ngiti sa'kin. "Ayuko lang na nahihirapan ka. And besides, malaki ang utang mo sa'kin kaya kailangan mo talagang mag hanap ng trabaho para makabayad ka na." anito na pareho naming ikinatawa ng malakas.
I know she's just joking.
Trying to make me happy."Oo nga. Mahaba na ang listahan ko sa utang ko sa'yo. Idagdag pa ang ipangbabayad mo ngayon sa kakainin ko sa canteen." tumatawang saad ko sa kanya.
"Teka nga pala... 'di ba 'yong tita Yhanie mo, 'yon ang sinasabi mong may ari nong tindahan ng mga bag sa mall?" tanong ko habang nag lalakad na kami sa hallway."Yup. And wag kang mag alala mabait si Tita. Mamaya isasama kita sa boutique niya para makilala ka niya."
"Eh! Paano pala 'yan... Wala akong requirements---"
"Sinabi ko na kay tita na nawala ang mga requirements mo and okay lang naman daw sa kanya kahit dika na mag bigay as long as kilala kita at nila mama. She trusted me." aniya.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa tinuran nito.Pag tapos nga namin kumain ay sumaglit kami sa mall para puntahan ang kanyang tita. Tutal at mamayang hapon pa naman ang klase namin.
Sana nga at tanggapin ako ng tita ni Kelly. Ito nalang kasi ang chance ko sa ngayon dahil hindi naman ako makakapag apply ng trabaho hanggat wala akong requirements.Pag pasok namin sa isang mamahaling boutique ng mga bag ay agad na sinalubong kami ng isang maganda at sexy na babae.
Tingin ko ay nasa late 40's na ito... pero kung babasihan ang porma at tindig nito. Hindi mo aakalaing may edad na din ito.Iba kasi talaga pag mayaman eh."Kelly iha..."
"Tita Yhanie hello po." bati ni Kelly at humalik pa sa pisngi nito.
Ito na pala ang tita niya.
Kinakabahan tuloy ako."How are you iha? Who's with you? Siya na ba si Devee ang kaibigan mo?" tanong nito. Naka ngiti pa itong bumaling sa'kin.
"Yes po Tita. Si Devee po. Siya po 'yong sinasabi ko sa'yo."
"Oh! Pretty. How are you iha?" Matamis ang ngiting tanong nito sa'kin.
"Goodmorning po ma'am. Okay naman po. Kayo po?" Nahihiya pang sagot ko dito.
"Nah! Drop the ma'am thingy... just call me tita Yhanie since your Kelly's friend. Halika at sa office tayo mag usap." aniya.
"Go bess. Dito lang ako mag aantay." Saad ni Kelly ng lumingon ako sa kanya.
Kinakabahan pa akong napasunod sa tita niya.Hindi ko alam na for interview pala agad ako.
Since I don't have any requirements to present to her... kundi ang ID ko lang sa school. Kinuha din nito ang background ko sa pamamagitan ng pag tatanong ng kung anu-ano.Wala din akong resume na ibinigay."I know I can trust you Devee." naka ngiting saad nito sa'kin ng mayamaya ay tumayo ito sa swivel chair niya.
"You can start your job tomorrow.""P-po? Tanggap po ako?"
"Yes. And don't worry about your sched, p'wede kang pumasok any time you want. Pag tapos na ang klase mo. I know how important your studies kasi may anak din ako. Just let me know kung dadating ka na dito." Masiglang saad nito sa'kin.
Kung hindi ko lang pinipigilan ang kaligayahan sa puso ko ngayon malamang na kanina ko pa siya nasugod ng yakap at halik.
Ang bait naman ng Diyos."Thank you po ma'---"
"It's tita Yhanie."
"Thank you po ti-tita Yhanie." kahit nakakailang na tawagin siya ng ganon.
Hanggang sa makaalis kami ni Kelly sa boutique niya ay hindi pa rin mawala wala ang ngiti sa mga labi ko.
Nag uumapaw ang saya sa puso ko.Wala na kasi akong aalalahanin sa ngayon kundi ang pangbayad na lamang sa upa ng bahay ko.At least may trabaho na ako."Teka lang bess. Iihi lang ako. Sasabog na pantog ko hehe." saad ko dito ng nag lalakad kami sa mall.
"Sige. Sa foodcourt ako mag aantay. Bilisan mo bess ha."
Isang tango ang isinagot ko at nag mamadali ng lumayo sa kanya para mag tungo sa cr."Sht..." sambit ko ng pag dating ko sa banyo ng mall ay madami ang gumagamit.Hindi ko na mapipigilan ang pantog ko. Ihing ihi na talaga ako.
"Miss p'wede bang makisi---"
"Sasabog na din pantog ko miss kaya mag antay ka." mataray na saad ng babae.
Tss.
Ayukong mag kalat dito. Kakahiya.Agad naman akong napalingon sa banyo ng mga lalaki.Parang walang tao.Napalingalinga muna ako sa gilid bago patakbong pumasok sa loob non. Bahala na. Kesa naman umihi ako sa pants ko. Mas nakakahiya 'yon.
Agad akong pumasok sa isang cubicle doon.
Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng mailabas ko na lahat ng baha sa pantog ko.Nang maayos ko na ang sarili ko ay pinakiramdam ko muna ang paligid kung may tao ba sa labas. Nakakahiya kasi pag may nakakita sa'kin dito.Parang wala naman at tahimik sa labas kaya dahan dahan kong binuksan ang pinto.Pero mayamaya ay ganon na lamang ang pagkagulat ko ng makita kong may tao pala. Agad kong natabig ang map floor na nasa gilid na siyang naging dahilan upang mag likha ng ingay at mapalingon sa gawi ko ang lalaking umiihi.
"Holy sht. Fvck. What are you doing here?" pag mumura ng lalaki at nag mamadali pang tumalikod sa'kin at inayos ang sarili.
Pakiramdam ko ay agad akong natuod sa kinatatayuan ko dahil sa nakita ko.
Jesus.Bakit? My poor eyes."God. This is not women's comport room." anang inis na boses ng lalaki na siyang nagpabalik sa sarili ko.
Guwapo! Adonis!
Ay teka nga... Saway ko sa sarili ng maramdaman ko ang pagiinit ng mukha ko dahil sa hiya."Tss. Ang arte. Maliit naman 'yang sa'yo."
Hindi ko alam kung bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko. Basta ang alam ko lang gusto kong makalabas ng banyong iyon at para pag takpan ang kahihiyan ko.Jusko Devee hindi na Virgin ang mga mata mo.
Ang laki...
Ha? Juskong mahabangin.Nakikita ko pa rin sa isip ko."what?" gulat at hindi makapaniwala ang lalaki dahil sa sinabi ko.
Nag lakad ito para sundan ako... sa takot ko ay agad akong napatakbo palabas."You little witch. Come back here." nanggagalaiting sigaw ng lalaki."Anong nangyari sa'yo bess?" Takang tanong sakin ni Kelly ng makita ako nitong tumatakbo papalapit sa kanya. "May humahabol ba sa'yo?" dagdag na tanong nito.Agad akong umupo sa katabing silya na inuupuan niya.Sunod sunod na pag iling pa ang ginawa ko at mabilis na kinuha ang baso ng pinneapple juice at ininom ko iyon."Wa-wala.""Wala? Eh parang hinabol ka ng aso sa sobrang bilis ng takbo mo. Anong nangyari? Nakakita ka ba ng multo sa banyo?" kunot noo pa ring tanong nito sa'kin.Jusko... Hindi multo ang nakita ko sa banyo kung alam mo lang Kelly. Gusto kong sabihin sa kanya 'yon pero pinigilan ko ang sarili ko dahil panigurado matatalakan ako nito."Huminga ka nga muna." aniya.Agad din naman akong nag palinga linga sa paligid at nag aalala na baka nasundan ako ng lalaki kanina sa banyo. Panigurado lagot ako non sa kanya."Okay ka lang ba talaga bess?" Dinig kong tanong sa'kin ni Kelly habang gumagala pa rin ang paningin ko sa loob ng foodcourt.Pag baling ko ng tingin sa banda
"Are you sure na gagawin mo talaga 'to bro?" Tanong ng isang lalaki sa kaibigan niya."I don't have any choice. Unless gusto kong mapahiya ang parents ko sa mga amigos amigas nila. Alam mo naman na sa sobrang excitement ng mommy, hindi ko pa man naipapakilala sa kanila si Ingrid ay ipinag malaki agad ng mommy na ikakasal na ako. I didn't expected this to happen..." Aniya sa kaibigan. Tumayo ito sa kinauupuan niya at nag lakad palapit sa mini bar niya at kumuha ng alak.Nag salin ito sa dalawang baso."You sure about it?" tanong nitong muli.Isang masamang tingin naman ang ipinukol nong una sa kausap pag kuwa'y lumagok sa kopitang hawak nito."Okay. Okay. You're a hundred percent sure." anito. "So sino naman ang kukunin mong papalit sa puwesto ni Ingrid, para ipakilala sa parents mo?" Muli itong nag lakad palapit sa center table at may dinampot itong brown envelope 'tsaka ito muling lumapit sa kaibigan at iniabot iyon dito.Kunot noo naman itong napatitig doon."Wait. I thought tinap
"Mare... Mare..." Ang boses ni Awra ang nadinig ko mula sa labas ng apartment na tinitirhan ko.Kinuha ko ang bag kong nakapatong sa sofa bago tinungo ang pintuan at lumabas."Bakit ba bakla? Umagang umaga makahiyaw ka diyan." Kunwari ay inis na saad ko dito ng makalabas na ako."Sorry. Hoy! Kaloka ang ganda ganda mo talaga. May mamang pogi na nag aantay sa'yo kanina pa." Anang Awra na hinampas pa ako sa balikat ng makalapit na ako sa kanya."Ha? Ano bang pinag sasasabi mo diyan?" kunot noong tanong ko sa kanya."Lokaret ka. May Keiedrian ka na lumalandi ka pa haha. Ayon oh. Sundo mo." aniya na ngumuso pa kaya napasunod ang tingin ko roon.Halos mapamulagat pa ako ng makita ko ang mayabang na pulis na 'yon habang naka sandal sa gilid ng mamahaling sasakyan niya. Nakapaloob sa bulsa ng pantalon niya ang dalawang kamay nito habang may suot ding shades. Oo na. Dahil sa suot nitong white long slevee na nakatupi pa ang dulo nito hanggang sa siko niya... naka bukas ang dalawang butones sa
"Psst! Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko sa'yo kung paano kayo nagkakilala ni Kevin?" tanong sa'kin ni Kelly habang papalabas na kami ng mall."Hindi nga kami magkakilala bess. Nataon lang na siya 'yong buwesit na nakakuha ng envelope ko at sa kabaitan niya, ayon... itinapon niya lang naman ang envelope ko." naiinis na sagot ko sa kanya. Pero lumaki lang ang ngiti nito sa labi na parang nanunudyo pa."Oy! Baka ito na 'yong sinasabi nilang 'Destiny' haha." "Kelly! Nadidinig mo ba 'yang sinasabi mo? My god. Hindi siya ang tipo ko. 'Tsaka ang mga pulis na 'yan ay hindi loyal, kaya ayukong magkaroon ng karelasyon na pulis kung maaari lang. Puro mga babaero ang mga 'yan." naiinis na saad ko sa kanya, sinabayan ko pa ng irap.Pero mas lalo lang ako nitong pinag tawanan."Haha grabe ka naman bess. And FYI, may kakilala akong pulis. Pero loyal 'yon. And besides, hindi naman lahat ng pulis ay parepareho. May iba lang na babaero talaga, pero may iba din naman na hindi." aniya na ipinag t
"Kuya--kuya ano pong ginagawa niyo sa mga gamit ko? Teka lang. Saan niyo dadalhin ang mga gamit ko?" Nag tatakang tanong ko sa dalawang lalake na nag bubuhat ng mga gamit ko para ilabas ito sa bahay na tinitirhan ko."Buti naman at nandito kana Devee." Agad akong napalingon sa pintuan ng aking apartment ng marinig ko ang boses ng aking landlady.Kinakabahan pa akong nag lakad palapit sa pandak at matabang babae na ito."Aling Barbara! Ehh ano po---""Nasaan na ang bayad mo sa bahay ko? kanina pa kita inaantay. Tinatakasan mo na naman ba ako Devee?" Masungit na tanong nito sa'kin."Eh aling Barbara wala pa po akong pera ngayon. Puwede po bang bukas--""Bukas uli ulit Devee? Aba! Anim na buwan ka ng hindi nag babayad sa'kin. Paano naman ako kikita dito sa negosyo ko? Kung tutuusin nga sana kinakaladkad na kita palabas ng apartment ko. Aba! Mahiya ka naman sa'kin Devee, marami ang nag hahanap nga'yon ng mauupahan. Mamumulubi na ako dahil sa'yo." Anang pandak at matabang babae. Talent nya
"Bakit late ka na naman bess?" Bungad na tanong sa'kin ni Kelly pagkapasok ko pa lang sa room. Sakto kasi pag dating ko sa school, naka break time sila kaya makakahabol pa ako sa klase namin."Siya nga pala, dala ko na 'yung pera na hinihiram mo kay mommy." Aniya."Salamat bess, pero 'wag na lang pala. Pasabi kay tita na, salamat." Saad ko dito nang pigilan ko siya para kunin ang pera sa bag niya.Nag tataka naman itong napatingin sa'kin."Bakit, nakapagbayad ka na ba kay Aling Barbara?" Tanong nito.Tumango naman ako bilang sagot rito."Oo. Kagabi pagkauwi ko.""Saan ka naman nakahiram?" "Sa ano---" Bigla akong natigilan at napa-isip. Dapat ko bang sabihin kay Kelly ang tungkol sa kabaliwang ginawa ko?Panigurado ako, kapag sinabi ko 'yun sa kanya... sandamakmak na sermon na naman ang makukuha ko mula sa kanya.Kilala ko pa naman na ang bibig nito.'Wag na lang kaya."Saan bess?" Tanong nitong muli sa'kin."Ahhh... Kay---""Kanino? Bakit nauutal ka diyan?""Basta. Basta. Pakisabi na
"So, ano na? Are you gonna tell me?" Nagulat pa ako ng biglang sumulpot sa harapan ko si Kelly. Abala kasi ako sa pag kukuwenta sa buong araw na kita sa boutique ni Tita Yhanie, kung kaya't hindi ko siya napansin na lumapit sa'kin.Kunwari ay napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa pagkagulat sa kanya."Ano ba naman 'yan bess. Aatakihin ako nito sa puso dahil sa'yo eh!" Saad ko dito."Sige na kasi. Alam kong may---""Oo na. Ito na po." Putol ko sa iba pa niyang nais sabihin sa'kin. Aandar na naman kasi ang bunganga ni Kelly De Asis... Iniligpit ko muna ang perang natapos ko na e compute at para e finalize na lang ni Tita Yhanie mamaya."Ganito kasi siya bess..." Panimula ko sa kanya na medyo kinakabahan pa. Nag aalala kasi ako sa maaaring maging reaction nito sa'kin eh."May nag offer sa'kin ng trabaho. Kagabi. Tapos---ano, malaki ang sahod. Kaya... kaya pumayag na ako. Kaysa naman mabaon ako ng utang sa'yo at sa pamilya mo... lalo na kay Aling Barbara." Pag papaliwanag ko sa kanya.Ku
"What took you so long?" Ang seryoso at halatang naiinis na boses nito ang agad na sumalubong sa'kin pagkapasok palang namin ni sir Joseph sa loob ng bahay niya.Pakiramdam ko kumulo na naman ang dugo ko, nang makita ko siya. Hindi ko alam kung bakit, basta naiinis ako sa pag mumukha niya."Sige po sir Joseph, salamat po ulit sa pag hatid." Imbes ay saad ko sa medyo may edad ng lalaki.Tumango naman ito sa boss niya pati sa'kin."Good night Ms. Oliveros." Aniya at umalis na rin.Isang nakakapasong titig naman ang sumalubong sa'kin nang balingan ko ito. Prenteng naka upo sa kanyang sofa habang may hawak itong isang red wine glass.Lumagok ito mula roon habang nananatili pa rin ang paningin nito sa'kin. Pakiramdam ko, nag tatayuan ang mga balahibo sa katawan ko dahil sa ginagawa nitong pag titig sa'kin."Tigilan mo nga ako." Pag tataray na saad ko sa kanya at nag lakad na palapit sa dulo ng sofa na inuupuan niya."What?" "What, what-in ko 'yang mukha mo." Anas ko dito at inirapan ko pa
PABABA NG HAGDAN si Devee ng makita niya ang binata na nakaupo sa mahabang sofa sa sala ng bahay nito. Kunot noo niyang inirapan ito ng makita niya ang kakaibang ngiti sa kanya ng binata pag kuwa'y kumindat ito. Sumipol pa ito ng mapadaan siya sa tapat nito bago siya tuluyang makapasok sa kusina."Ma'am Devee may ipag uutos po kayo?" Anang kasambahay ni Ericjan na agad lumapit sa dalaga nang makita nitong nag bubukas siya ng ref."Wala. Ako na ang gagawa. Okay lang." Aniya."Pero ma'am... baka po magalit si sir Eric." "Sige na Aning, hayaan mo na kami rito." Anang binata na sumumod din pala sa kanya sa kusina."P-po sir?""Kausapin mo si Marie, at mag day off kayo ngayon. Wala naman kayong gagawin at aalis kami mamaya ng ma'am Devee niyo. Go on." Saad pa nito at mabilis na tinapunan ng tingin ang dalaga na nakatingin na rin sa kanya. Agad namang sumilay ang matamis na ngiti nito sa mga labi at nag lakad palapit sa kanya. "Can I help you, babe?" Tanong nito. Sa halip na sagutin ni D
"E-ericjan. Anong---anong." Hindi magawang makapag salita ni Devee ng maayos dahil sa mga rebelisasyong nalaman mula sa binata. Halos dumoble ang kabang kanyang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Halos panghinaan ng lakas sa kanyang mga tuhod habang mataman na sinasalubong ang mga titig ng binata sa kanya. Pakiramdam ng dalaga, kung hindi lamang siya hawak ni Ericjan sa kanyang mga braso, panigurado siyang kanina pa siya natumba sa harap ng simabahang iyon.Mayamaya ay muli niyang naramdaman ang masuyong pag pisil nito sa balat niya. Ramdam niya ang mainit na palad nito na naroon sa mga braso niya."I love you Devee. Please. Please say you loved me too." May pag mamakaawang saad nito sa dalaga."A---""Ericjan." Ang matinis na sigaw ng babae ang muling umagaw sa atensyon ng dalawa. Pareho pang napalingon sina Devee at Ericjan sa may pinto ng simbahan kung saan nakatayo ang babaing ngayon lamang nakita ni Devee sa personal. Tama. Ito nga si Ingrid. Ang babaing nakita niyang kasama ni
NAKAUPO SA isang silya si Devee habang tinititigan ang repleksyon niya mula sa malaking salamin. Hanggang ngayon ay hindi niya parin mawari ang sari-saring emosyon na nararamdaman. Ilang minuto na lang ay ikakasal na siya kay Ericjan. Sa lalaking lihim niyang minamahal. Ang lalaking, malabo pa ata sa tubig kanal na mag ka-gusto sa kanya.Muling nag pakawala ng malalim na buntong hininga ang dalaga nang muli na namang sumagi sa utak niya ang mga sinabi sa kanya ni Ericjan sa nag daang gabi.'Are you excited?' Tanong nito mula sa kabilang linya nang telepono. Dahil nga sa mga pamahiin na pinaniniwalaan ng mga pinoy. Isang araw bago ang kasal nila ay pumunta ang mommy ni Ericjan sa bahay ng binata upang sunduin siya at sa mansyon ng mga Esparagoza siya na muna tutuloy ng isang gabi.'B-bakit naman ako magiging excited?' Sa halip ay balik na tanong ng dalaga sa kausap. Narinig niya pa ang pag buntong hininga nito mula sa kabila. Parang nakikinita na ni Devee sa kanyang utak ang hitsura n
"BES, BAKIT ka ba umiiyak diyan?" Nag aalalang tanong ni Kelly sa kanyang kaibigan habang nasa labas ito ng pinto nang banyo. Mayamaya ay bumukas iyon at iniluwa roon si Devee na namamaga ang mga mata at humihikbi pa. Mabilis siyang nilapitan ni Kelly at inalalayan sa braso upang dalhin sa kama. "Ano bang problema? Nag away ba kayo ni Kuya?" Tanong pa nitong muli."H-hindi." Aniya."Hindi? Eh! Bakit ka umiiyak? Tapos nakasalubong ko pa si kuya kanina, parang mananapak ng tao. Galit ang hitsura niya." Anang Kelly pag kuwa'y tumabi sa kanya sa pag-upo sa gilid ng kama. "You can tell me. Nag away ba kayo?" Wala sa sariling muling nag pakawala ng malalim na buntong hininga niya si Devee pag kuwa'y niyakap ang mga tuhod nitong nakaangat sa kama."Magagalit ka ba sa'kin kapag sinabi kong...hindi kami totoong mag Fiancee?" Sa halip ay balik tanong nito sa kaibigan. Mabilis namang nag salubong ang mga kilay ni Kelly. Kunot noong tumitig sa kanya na tila ay tinatantya siya nito."What do you
KANINA pa nag lalakad sa beach si Ericjan para hanapin si Devee. Pero hindi niya naman ito mahagilap. Pagkatapos nilang bumili ng mga damit sa Department Store ay nag paalam itong babalik lang daw sa kuwarto niya para mag bihis, pero hindi naman ito sumipot sa puwesto dapat nila."Tss. Where are you, Devee?" Naiinip na tanong nito sa sarili pag kuwa'y tumigil sa pag lalakad at muling inilibot ang paningin sa buong paligid. Mula sa 'di kalayoan ay natanaw niya ang isang bulto ng babae na pamilyar sa kanya. Kunot noo niya itong tinitigan bago nag mamadaling lumapit roon."Kelly---?" Nag tatakang sambit nito sa pangalan ng kanyang pinsan."Kuya... hey! How are you?" Nakangiting tanong nito nag mag baling sa kanya ng tingin. Agad din naman itong lumapit sa binata at yumapos. "Bakit hindi mo manlang ako sinabihan na pupunta pala kayo dito ni Devee?" May pag tatampo pang saad nito."Tss. Where is she?" Sa halip ay tanong nito."Ayaw mo na ba ako kasama sa outing?" Muling tanong nito sa pins
BIG BOSS is in LOVE"DEVEE---hey! Huwag kang malikot kundi mabibitawan kita." Anang Ericjan ng biglang kumawag ang dalaga. Muntikan niya pa itong mabitawan pagkapasok niya pa lamang sa lobby nang hotel."Ibaba mo ako." Anito at muling nag kakawag sa ere. Walang nagawa ang binata kundi ibaba ito at alalayan na lamang sa braso upang mag lakad."Let's go. You need to take a rest, Devee." Anito. "Gusto ko pa ng alak. Please. Isa na lang." Hirit pa nito sa kanya na parang bata."You're drunk, wifey. Matutulog na tayo." Aniya habang nakayakap sa baywang ng dalaga ang braso niya at hawak niya naman ang isang kamay nito. Mayamaya ay agad na napaatras ng lakad ang binata ng biglang lumihis ng lakad si Devee. Lumapit ito sa front desk at kinausap ang dalawang lalaki na nakatayo roon."Hi..." Nakangiting bati ni Devee sa mga ito."Good evening, ma'am... sir." "May alak ba kayo rito? Puwede ako pahingi?" Anang Devee. Agad na nagkatingin ang dalawang lalaki pag kuwa'y tinapunan ng tingin si Eric
"HEY! Are you okay?" Untag na tanong ni Ericjan kay Devee ng lapitan niya ito habang nakatayo sa gilid ng dalampasigan at nakatanaw sa malayo. Mabilis naman na napalingon sa kanya ang dalaga."Ah---""Kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik mo. May problema ba?" Puno ng kuryusidad na tanong nito sa kanya. Mabilis na humugot ng malalim na paghinga ang dalaga saka iyon pinakawalan sa ere."Iniisip ko lang kung---kung dapat pa ba tayong mag sinungaling sa mga magulang mo. I mean, mabait sila. Mabait ang mommy mo. Parang kinakain ako ng konsensya ko dahil sa pag sisinungaling ko sa kanya." Malungkot na pag tatapat nito."You know what... You don't need to feel that way. Kasi unang-una, hindi naman ikaw ang may pakana nang lahat ng ito. You're just my employee. Kagaya nang usapan natin, ibibigay ko ang bayad ko sa'yo once na matapos na ang kontrata mo sa'kin. I knew my mom... ako na ang bahalang mag paliwanag sa kanya kapag nabuko niya tayo. So, don't feel guilty. It's okay." Anang bi
DALAWANG ARAW ding nag kulong sa kuwarto niya si Devee habang hindi parin nawawala ang pamamaga ng kanyang paa. Wala siyang ibang ginawa kundi ang kumain, mag cellphone at matulog kung kailan niya gusto. Ang totoo niyan ay bagot na bagot na rin siya. Gusto na niyang tumayo para naman gumalaw-galaw siya. Nananakit na ang likuran niya kakahiga at kakaupo mag hapon.Kahit kaya niya naman mag lakad pababa sa kusina para doon na kumain, hindi naman pumapayag si Ericjan. Lagi nitong hinahatid sa kuwarto niya ang kanyang pagkain."Haist! Gusto ko ng maligo. Nababanasan na ako." Pag rereklamo nito sa sarili habang nakatingin sa pinto ng kanyang banyo. Mayamaya ay naagaw ang kanyang atensyon sa katok na nag mumula sa labas ng kanyang kuwarto. Bumukas iyon at iniluwa roon ang maliit na babae na kasambahay ni Ericjan."Ma'am Devee, tumawag po si sir Eric. Mag bihis daw po kayo at aalis kayo mamaya pagkadating niya." Anito. Agad na gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi ni Devee pag kuwa'y nag
PAIKA-IKANG nag lalakad si Devee sa hallway ng kanilang eskuwelahan dahil sa paa niyang medyo namamaga na naman. Wala kasi si Kelly at absent ito dahil may pinuntahan daw na importante kung kaya't mag-isa lamang siya ngayon. Kung alam niya lang sana na hindi pala ito papasok, sana hindi na rin siya pumasok kanina tutal at wala naman maayos na klase dahil busy na rin ang lahat para sa nalalapit nilang graduation.Gusto niya ng umupo at mag pahinga dahil ramdam niya talaga ang pag kirot ng paa niya. Pero wala naman siyang magagawa kundi ang mag lakad para makauwi na. Pinilit niyang mag lakad hanggang sa makarating na siya sa first floor ng building nila. Muntikan pa siyang mabangga nang mga kababaihan na nag titilian sa may hagdan na akala mo naman nakakita ng artista kung makatili ang mga ito. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga at saglit na tumayo sa gilid ng hagdan para ipahinga ang paa niya."Ahhhh. God! Bes, ang guwapo niya." Tili nong isang babae habang nakikipag siksikan it