Share

Chapter 4

Author: Miss fuxxie
last update Last Updated: 2023-08-09 06:59:27

"Bess! Musta apply na'tin kanina?" Tanong sa'kin ni Kelly ng mag kita kami sa class room.

Pag tapos ko kasing kumain sa karenderya ay nag tuloy na din ako sa eskwelahan at may pasok pa ako ng alas dose y medya.

"Medyo okay na hindi." Tipid na sagot ko dito ng makaupo na ako sa puwesto ko.

Kunot noo naman itong tumitig sa'kin.

"Ha? Bakit anong ganap?"

"May nakaingkwentro lang ako na nag pa banas sa araw ko." Saad ko dito.

"Ano? NPA? Isis? Maute? Saan?" Sunod sunod na tanong nito sa'kin.

Agad namang nag salubong ang mga kilay ko at tinapunan sya ng masamang tingin.

"OA sa mga tanong bess? Edi, sana wala ako dito ngayon kung 'yon man ang nakaingkwentro ko kanina." Kunwari ay naiinis na saad ko dito. "Where is your common sense Ms. Maria Kelly De Asis?" Tanong ko pa dito.

"Hehe.. naiwan kasi sa bahay bess, kaya sorry agad." Aniya na pag sakay pa sa tanong ko. "Pero, seryoso nga bess, anong nangyari sa lakad mo?" Tanong nito.

"Hay na'ko. May dalawang pulis lang naman na hambog... na naka sabay kong kumain sa karenderya. Hindi naman kami mag kakilala pero kung makalait sa'kin.." Naiinis parin na saad ko dito.

Muling lumitaw sa isipan ko ang itsura ng pulis na lumapit sa'kin.

Tss!

Gwapo sana eh! Mayabang lang.

"Nako. Hayaan mo nalang 'yon. Wag kang mag alala, tutulong kita. Nabanggit ko kasi kay mama kagabi na mag aapply ka ng trabaho... sabi nya hingiin ko daw sa'yo ang resume mo at ibibigay nya sa kaibigan nya para ipasok ka nya doon. Mas madali lang tuloy ang trabaho bess. Sa flower shop lang 'yon. Hindi masyadong matrabaho." Pagbabalita sa'kin ni Kelly.

Agad naman akong nabuhayan ng loob dahil doon.

Mabilis na lumitaw ang malapad kong ngiti sa mga labi.

"Talaga?" Paninigurado ko pang tanong dito.

"Oo. Mamaya bigay mo sa'kin resume mo." Aniya.

"Hay na'ko. Sana nga tanggapin ako bess. Parang pakiramdam ko kasi walang mapapala 'yong lakad ko kanina." Medyo nalungkot pang saad ko dito.

"Teka lang, ngayon ko nalang ibibigay ang resume ko." Saad ko dito t'saka mabilis na tumalima para kunin 'yon sa bag ko.

Pero mayamaya ay agad akong natigilan ng hindi ko makita ang envelope na daladala ko kanina.

Tumingin pa ako sa ilalim ng upuan ko baka nahulog lang.. pero wala doon.

"Hanap mo bess?" Nag tatakang tanong sa'kin ni Kelly.

"Yong envelope ko."

"Wala ka naman dala kanina." Aniya.

Kunot noo akong napabaling sa kanya.

"May dala ako kanina bess. Hawak ko 'yon---" Agad akong natigilan sa pag sasalita ng maalala kong inilapag ko pala 'yon sa upuan doon sa karenderya.

'May naiwan ka'

"Patay! Naiwanan ko sa karenderya." Sambit ko ng maalala ko 'yong sinabi ng pulis kanina na 'di ko naman pinansin.

"Sign of aging." Anang Kelly.

"Ano ba 'yan. Nandon pa naman lahat ng requirements ko bess. Pati 'yong NSO ko. 'Yong mga valid ID ko." Nag aalalang saad ko sa kaibigan ko.

Napangalumbaba nalang ako bigla na sumandal sa likod ng upuan ko.

"Hay na'ko bess.. Problema na naman 'yan." Aniya.

Kasabay ng pag papakawala ko ng malalim na buntong hininga ay napapakamot nalang din ako sa ulo ko.

Kasalanan nong Kevin eh.

Kung sana 'di nya ako nilapitan kanina... hindi ako mag mamadaling umalis doon, at sana hindi ko nalimutan ang gamit ko.

"Babalikan ko mamaya. Baka naitabi lang nong mga nag babantay sa karenderya." Umaasang saad ko sa kanya.

Hanggang sa mag simula ang klase namin.. natapos na lang lahat ng subjects ko sa hapon pero hindi ako makapag concentrate ng maayos.

Ang utak ko'y lumilipad sa kabilang mundo.

Hindi maalis alis sa isip ko ang mga importanteng papeles ko.

Pag tuluyan 'yong nawala... mas mahihirapan akong kumuha ng panibagong kopya non sa NSO.

Maging ang mga valid ID ko na pinag kagastosan ko din dati para lang ma process ko.

"Saan ka?" Tanong sa'kin ni Kelly ng magpatiuna akong lumabas sa class room.

"Babalikan ko lang doon baka nandon pa." Saad ko dito.

"Sama ako." Aniya at nag mamadali namang sumunod sa'kin.

"Ate... may nakita ba ka'yong brown envelope na naiwanan dito kanina?" Tanong ko sa isang ali ng makarating kami sa pinag kainan ko kanina.

"Doon banda." Itinuro ko pa ang naging puwesto ko kanina.

"Wala po ma'am eh." Aniya.

"Hindi po kami nakakapag monitor ng mga naiiwanan na gamit dito ma'am, sa dami ba naman kasi nong mga kumakain dito eh." Saad ng isang lalaki na mas matanda pa sa'kin.

"Ganon po ba? Salamat po." Dismayadong saad ko t'saka napapabuntong hininga na lamang na nag lakad palabas ng kainan.

"Saan mo hahanapin 'yon ngayon?" Tanong sa'kin ni Kelly.

"Malamang at nakuha na 'yon ng iba." Ani nito.

"Hay na'ko. Ang makakalimutin ko na talaga." Saad ko nalang.

"Tara na nga. Uwi na tayo." Aya ko dito ng sipatin ko ang orasang pambisig ko.

Pasado alas sais y medya na din.

Agad namang kumapit sa braso ko si Kelly habang nag lalakad kami pabalik sa sasakyan nya.

"Ma'am Kelly, hinahanap ka na po ng mama nyo." Salubong samin ni kuya Wancho. Ang driver ni Kelly.

May sariling sasakyan at driver kasi ito.

"Sige na bess, mauna ka na. Commute na ako." Saad ko dito.

"Hatid ka na namin." Giit nito sa'kin.

"Hindi na. Baka mapagalitan ka pa ni mama mo. Malapit lang naman 'to sa bahay eh. Sige na." 

"Sure ka?" 

"Oo naman. Sige na bess. Ingat pauwi." Saad ko dito.

"Sige. Ikaw ang mag iingat. Text mo ako pag nakauwi ka na ha." Aniya at hinalikan pa ako sa pisngi bago ito sumakay sa back seat ng sasakyan nya.

"Ingat bess." Pahabol pa nito.

Pag tapos kung sundan ng tanaw ang papalayong sasakyan nito ay nag abang na rin ako ng jeep na sasakyan ko.

Saktong papara na sana ako sa isang jeep, ng biglang mahagip ng mata ko ang mayabang na pulis na lumapit sa'kin kanina.

Nakasakay ito sa isang mobil.. nag mamadali naman akong nag lakad ng makita kong pumarada sa tabi ng kalsada ang sasakyang 'yon.

Mabilis kong kinatok ang salamin ng sasakyan na 'yon.

"Oh! Ms sungit? What a beautiful night to see you again." Aniya na naka ngiti pa sa'kin ng dumungaw ito sa bintana.

"Nasaan na 'yong envelope ko?" Mataray na tanong ko dito.

"What envelope?" Balik na tanong nito sa'kin.

Kunot noo ko pa itong tinapunan ng matalim na tingin.

"Yong naiwan ko kanina sa loob ng karenderyang 'yon." Saad ko dito na itinuro pa ang kainan.

"Ahh! I remembered." Aniya. "Ano ba laman non? Itinapon ko na kasi kanina." Ani nito.

Laglag ang panga na nanlalaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nito.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon sa lalaking 'to.

Gusto kong hilahin ang ulo nya palabas ng bintana at pilipitin 'yon.

O 'di kaya'y karatehin ito habang prente pang nakaupo sa driver seat ng sasakyan.

"Walanghiya!" Tanging na sambit ko habang nag pipigil ako sa galit ko.

"Is there any important thing inside of that envelope?" Inosente pang tanong nito sa'kin na lalong nag pakulo ng dugo ko sa mokong na 'to.

"Oo. Mas importante pa kesa sa buhay mo." Anghil ko dito at nag dadabog nang nag martsa paalis sa tapat ng mobil nito.

Dinig ko pa ang nangaasar na tawa nito na lalong nag painis sa'kin.

Mabilaukan ka sana kakatawa.

"Hey! Ms Sungit..." sigaw nito na hindi ko na pinag kaabalahan pang pakinggan. Nag tuloy tuloy na akong umalis at sumakay sa jeep.

Related chapters

  • His Substitute Bride   Chapter 5

    "Oh! Naka simangot ka na naman bess.." bungad sa'kin ni Kelly ng makapasok na ako sa classroom namin.Tamad akong napaupo sa puwesto ko. Pakiramdam ko ay pasan ko ang buong daigdig dahil sa dami ng problema ko ngayon.Well, kilan pa ba ako 'di naubusan ng problema. Lagi naman."May problema ba bess?" tanong nito at humalukipkip sa arm chair ko."Wala naman." tipid na sagot ko dito.Kunot noo naman ako nitong tinitigan na animo'y binabasa ang nasa utak ko."I don't think so." Aniya. "I know you bess.""Wala nga." saad ko dito t'saka kinuha ang bag ko at nagkunwaring may gagawin ako.Ayuko na munang mag open up sa kanya tungkol sa problema ko. Besides, di naman na kailangan... I mean. Ayuko lang na pati ang problema ko ay proproblemahin din ni Kelly. Kilala ko din ito eh. Makulit ito at paniguradong hindi ako nito tatantanan."Come on bess. Speak.""Dadating na ang prof. na'tin kaya---""Actually mamayang hapon pa ang klase natin. Wala tayong klase sa morning subjects. Don't worry. Or m

    Last Updated : 2023-08-11
  • His Substitute Bride   Chapter 6

    "Anong nangyari sa'yo bess?" Takang tanong sakin ni Kelly ng makita ako nitong tumatakbo papalapit sa kanya. "May humahabol ba sa'yo?" dagdag na tanong nito.Agad akong umupo sa katabing silya na inuupuan niya.Sunod sunod na pag iling pa ang ginawa ko at mabilis na kinuha ang baso ng pinneapple juice at ininom ko iyon."Wa-wala.""Wala? Eh parang hinabol ka ng aso sa sobrang bilis ng takbo mo. Anong nangyari? Nakakita ka ba ng multo sa banyo?" kunot noo pa ring tanong nito sa'kin.Jusko... Hindi multo ang nakita ko sa banyo kung alam mo lang Kelly. Gusto kong sabihin sa kanya 'yon pero pinigilan ko ang sarili ko dahil panigurado matatalakan ako nito."Huminga ka nga muna." aniya.Agad din naman akong nag palinga linga sa paligid at nag aalala na baka nasundan ako ng lalaki kanina sa banyo. Panigurado lagot ako non sa kanya."Okay ka lang ba talaga bess?" Dinig kong tanong sa'kin ni Kelly habang gumagala pa rin ang paningin ko sa loob ng foodcourt.Pag baling ko ng tingin sa banda

    Last Updated : 2023-08-11
  • His Substitute Bride   Chapter 7

    "Are you sure na gagawin mo talaga 'to bro?" Tanong ng isang lalaki sa kaibigan niya."I don't have any choice. Unless gusto kong mapahiya ang parents ko sa mga amigos amigas nila. Alam mo naman na sa sobrang excitement ng mommy, hindi ko pa man naipapakilala sa kanila si Ingrid ay ipinag malaki agad ng mommy na ikakasal na ako. I didn't expected this to happen..." Aniya sa kaibigan. Tumayo ito sa kinauupuan niya at nag lakad palapit sa mini bar niya at kumuha ng alak.Nag salin ito sa dalawang baso."You sure about it?" tanong nitong muli.Isang masamang tingin naman ang ipinukol nong una sa kausap pag kuwa'y lumagok sa kopitang hawak nito."Okay. Okay. You're a hundred percent sure." anito. "So sino naman ang kukunin mong papalit sa puwesto ni Ingrid, para ipakilala sa parents mo?" Muli itong nag lakad palapit sa center table at may dinampot itong brown envelope 'tsaka ito muling lumapit sa kaibigan at iniabot iyon dito.Kunot noo naman itong napatitig doon."Wait. I thought tinap

    Last Updated : 2023-08-11
  • His Substitute Bride   Chapter 8

    "Mare... Mare..." Ang boses ni Awra ang nadinig ko mula sa labas ng apartment na tinitirhan ko.Kinuha ko ang bag kong nakapatong sa sofa bago tinungo ang pintuan at lumabas."Bakit ba bakla? Umagang umaga makahiyaw ka diyan." Kunwari ay inis na saad ko dito ng makalabas na ako."Sorry. Hoy! Kaloka ang ganda ganda mo talaga. May mamang pogi na nag aantay sa'yo kanina pa." Anang Awra na hinampas pa ako sa balikat ng makalapit na ako sa kanya."Ha? Ano bang pinag sasasabi mo diyan?" kunot noong tanong ko sa kanya."Lokaret ka. May Keiedrian ka na lumalandi ka pa haha. Ayon oh. Sundo mo." aniya na ngumuso pa kaya napasunod ang tingin ko roon.Halos mapamulagat pa ako ng makita ko ang mayabang na pulis na 'yon habang naka sandal sa gilid ng mamahaling sasakyan niya. Nakapaloob sa bulsa ng pantalon niya ang dalawang kamay nito habang may suot ding shades. Oo na. Dahil sa suot nitong white long slevee na nakatupi pa ang dulo nito hanggang sa siko niya... naka bukas ang dalawang butones sa

    Last Updated : 2023-08-11
  • His Substitute Bride   Chapter 9

    "Psst! Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko sa'yo kung paano kayo nagkakilala ni Kevin?" tanong sa'kin ni Kelly habang papalabas na kami ng mall."Hindi nga kami magkakilala bess. Nataon lang na siya 'yong buwesit na nakakuha ng envelope ko at sa kabaitan niya, ayon... itinapon niya lang naman ang envelope ko." naiinis na sagot ko sa kanya. Pero lumaki lang ang ngiti nito sa labi na parang nanunudyo pa."Oy! Baka ito na 'yong sinasabi nilang 'Destiny' haha." "Kelly! Nadidinig mo ba 'yang sinasabi mo? My god. Hindi siya ang tipo ko. 'Tsaka ang mga pulis na 'yan ay hindi loyal, kaya ayukong magkaroon ng karelasyon na pulis kung maaari lang. Puro mga babaero ang mga 'yan." naiinis na saad ko sa kanya, sinabayan ko pa ng irap.Pero mas lalo lang ako nitong pinag tawanan."Haha grabe ka naman bess. And FYI, may kakilala akong pulis. Pero loyal 'yon. And besides, hindi naman lahat ng pulis ay parepareho. May iba lang na babaero talaga, pero may iba din naman na hindi." aniya na ipinag t

    Last Updated : 2023-08-11
  • His Substitute Bride   Chapter 10

    "Kuya--kuya ano pong ginagawa niyo sa mga gamit ko? Teka lang. Saan niyo dadalhin ang mga gamit ko?" Nag tatakang tanong ko sa dalawang lalake na nag bubuhat ng mga gamit ko para ilabas ito sa bahay na tinitirhan ko."Buti naman at nandito kana Devee." Agad akong napalingon sa pintuan ng aking apartment ng marinig ko ang boses ng aking landlady.Kinakabahan pa akong nag lakad palapit sa pandak at matabang babae na ito."Aling Barbara! Ehh ano po---""Nasaan na ang bayad mo sa bahay ko? kanina pa kita inaantay. Tinatakasan mo na naman ba ako Devee?" Masungit na tanong nito sa'kin."Eh aling Barbara wala pa po akong pera ngayon. Puwede po bang bukas--""Bukas uli ulit Devee? Aba! Anim na buwan ka ng hindi nag babayad sa'kin. Paano naman ako kikita dito sa negosyo ko? Kung tutuusin nga sana kinakaladkad na kita palabas ng apartment ko. Aba! Mahiya ka naman sa'kin Devee, marami ang nag hahanap nga'yon ng mauupahan. Mamumulubi na ako dahil sa'yo." Anang pandak at matabang babae. Talent nya

    Last Updated : 2023-08-20
  • His Substitute Bride   Chapter 11

    "Bakit late ka na naman bess?" Bungad na tanong sa'kin ni Kelly pagkapasok ko pa lang sa room. Sakto kasi pag dating ko sa school, naka break time sila kaya makakahabol pa ako sa klase namin."Siya nga pala, dala ko na 'yung pera na hinihiram mo kay mommy." Aniya."Salamat bess, pero 'wag na lang pala. Pasabi kay tita na, salamat." Saad ko dito nang pigilan ko siya para kunin ang pera sa bag niya.Nag tataka naman itong napatingin sa'kin."Bakit, nakapagbayad ka na ba kay Aling Barbara?" Tanong nito.Tumango naman ako bilang sagot rito."Oo. Kagabi pagkauwi ko.""Saan ka naman nakahiram?" "Sa ano---" Bigla akong natigilan at napa-isip. Dapat ko bang sabihin kay Kelly ang tungkol sa kabaliwang ginawa ko?Panigurado ako, kapag sinabi ko 'yun sa kanya... sandamakmak na sermon na naman ang makukuha ko mula sa kanya.Kilala ko pa naman na ang bibig nito.'Wag na lang kaya."Saan bess?" Tanong nitong muli sa'kin."Ahhh... Kay---""Kanino? Bakit nauutal ka diyan?""Basta. Basta. Pakisabi na

    Last Updated : 2023-08-20
  • His Substitute Bride   Chapter 12

    "So, ano na? Are you gonna tell me?" Nagulat pa ako ng biglang sumulpot sa harapan ko si Kelly. Abala kasi ako sa pag kukuwenta sa buong araw na kita sa boutique ni Tita Yhanie, kung kaya't hindi ko siya napansin na lumapit sa'kin.Kunwari ay napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa pagkagulat sa kanya."Ano ba naman 'yan bess. Aatakihin ako nito sa puso dahil sa'yo eh!" Saad ko dito."Sige na kasi. Alam kong may---""Oo na. Ito na po." Putol ko sa iba pa niyang nais sabihin sa'kin. Aandar na naman kasi ang bunganga ni Kelly De Asis... Iniligpit ko muna ang perang natapos ko na e compute at para e finalize na lang ni Tita Yhanie mamaya."Ganito kasi siya bess..." Panimula ko sa kanya na medyo kinakabahan pa. Nag aalala kasi ako sa maaaring maging reaction nito sa'kin eh."May nag offer sa'kin ng trabaho. Kagabi. Tapos---ano, malaki ang sahod. Kaya... kaya pumayag na ako. Kaysa naman mabaon ako ng utang sa'yo at sa pamilya mo... lalo na kay Aling Barbara." Pag papaliwanag ko sa kanya.Ku

    Last Updated : 2023-08-20

Latest chapter

  • His Substitute Bride   Chapter 40

    PABABA NG HAGDAN si Devee ng makita niya ang binata na nakaupo sa mahabang sofa sa sala ng bahay nito. Kunot noo niyang inirapan ito ng makita niya ang kakaibang ngiti sa kanya ng binata pag kuwa'y kumindat ito. Sumipol pa ito ng mapadaan siya sa tapat nito bago siya tuluyang makapasok sa kusina."Ma'am Devee may ipag uutos po kayo?" Anang kasambahay ni Ericjan na agad lumapit sa dalaga nang makita nitong nag bubukas siya ng ref."Wala. Ako na ang gagawa. Okay lang." Aniya."Pero ma'am... baka po magalit si sir Eric." "Sige na Aning, hayaan mo na kami rito." Anang binata na sumumod din pala sa kanya sa kusina."P-po sir?""Kausapin mo si Marie, at mag day off kayo ngayon. Wala naman kayong gagawin at aalis kami mamaya ng ma'am Devee niyo. Go on." Saad pa nito at mabilis na tinapunan ng tingin ang dalaga na nakatingin na rin sa kanya. Agad namang sumilay ang matamis na ngiti nito sa mga labi at nag lakad palapit sa kanya. "Can I help you, babe?" Tanong nito. Sa halip na sagutin ni D

  • His Substitute Bride   Chapter 39

    "E-ericjan. Anong---anong." Hindi magawang makapag salita ni Devee ng maayos dahil sa mga rebelisasyong nalaman mula sa binata. Halos dumoble ang kabang kanyang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Halos panghinaan ng lakas sa kanyang mga tuhod habang mataman na sinasalubong ang mga titig ng binata sa kanya. Pakiramdam ng dalaga, kung hindi lamang siya hawak ni Ericjan sa kanyang mga braso, panigurado siyang kanina pa siya natumba sa harap ng simabahang iyon.Mayamaya ay muli niyang naramdaman ang masuyong pag pisil nito sa balat niya. Ramdam niya ang mainit na palad nito na naroon sa mga braso niya."I love you Devee. Please. Please say you loved me too." May pag mamakaawang saad nito sa dalaga."A---""Ericjan." Ang matinis na sigaw ng babae ang muling umagaw sa atensyon ng dalawa. Pareho pang napalingon sina Devee at Ericjan sa may pinto ng simbahan kung saan nakatayo ang babaing ngayon lamang nakita ni Devee sa personal. Tama. Ito nga si Ingrid. Ang babaing nakita niyang kasama ni

  • His Substitute Bride   Chapter 38

    NAKAUPO SA isang silya si Devee habang tinititigan ang repleksyon niya mula sa malaking salamin. Hanggang ngayon ay hindi niya parin mawari ang sari-saring emosyon na nararamdaman. Ilang minuto na lang ay ikakasal na siya kay Ericjan. Sa lalaking lihim niyang minamahal. Ang lalaking, malabo pa ata sa tubig kanal na mag ka-gusto sa kanya.Muling nag pakawala ng malalim na buntong hininga ang dalaga nang muli na namang sumagi sa utak niya ang mga sinabi sa kanya ni Ericjan sa nag daang gabi.'Are you excited?' Tanong nito mula sa kabilang linya nang telepono. Dahil nga sa mga pamahiin na pinaniniwalaan ng mga pinoy. Isang araw bago ang kasal nila ay pumunta ang mommy ni Ericjan sa bahay ng binata upang sunduin siya at sa mansyon ng mga Esparagoza siya na muna tutuloy ng isang gabi.'B-bakit naman ako magiging excited?' Sa halip ay balik na tanong ng dalaga sa kausap. Narinig niya pa ang pag buntong hininga nito mula sa kabila. Parang nakikinita na ni Devee sa kanyang utak ang hitsura n

  • His Substitute Bride   Chapter 37

    "BES, BAKIT ka ba umiiyak diyan?" Nag aalalang tanong ni Kelly sa kanyang kaibigan habang nasa labas ito ng pinto nang banyo. Mayamaya ay bumukas iyon at iniluwa roon si Devee na namamaga ang mga mata at humihikbi pa. Mabilis siyang nilapitan ni Kelly at inalalayan sa braso upang dalhin sa kama. "Ano bang problema? Nag away ba kayo ni Kuya?" Tanong pa nitong muli."H-hindi." Aniya."Hindi? Eh! Bakit ka umiiyak? Tapos nakasalubong ko pa si kuya kanina, parang mananapak ng tao. Galit ang hitsura niya." Anang Kelly pag kuwa'y tumabi sa kanya sa pag-upo sa gilid ng kama. "You can tell me. Nag away ba kayo?" Wala sa sariling muling nag pakawala ng malalim na buntong hininga niya si Devee pag kuwa'y niyakap ang mga tuhod nitong nakaangat sa kama."Magagalit ka ba sa'kin kapag sinabi kong...hindi kami totoong mag Fiancee?" Sa halip ay balik tanong nito sa kaibigan. Mabilis namang nag salubong ang mga kilay ni Kelly. Kunot noong tumitig sa kanya na tila ay tinatantya siya nito."What do you

  • His Substitute Bride   Chapter 36

    KANINA pa nag lalakad sa beach si Ericjan para hanapin si Devee. Pero hindi niya naman ito mahagilap. Pagkatapos nilang bumili ng mga damit sa Department Store ay nag paalam itong babalik lang daw sa kuwarto niya para mag bihis, pero hindi naman ito sumipot sa puwesto dapat nila."Tss. Where are you, Devee?" Naiinip na tanong nito sa sarili pag kuwa'y tumigil sa pag lalakad at muling inilibot ang paningin sa buong paligid. Mula sa 'di kalayoan ay natanaw niya ang isang bulto ng babae na pamilyar sa kanya. Kunot noo niya itong tinitigan bago nag mamadaling lumapit roon."Kelly---?" Nag tatakang sambit nito sa pangalan ng kanyang pinsan."Kuya... hey! How are you?" Nakangiting tanong nito nag mag baling sa kanya ng tingin. Agad din naman itong lumapit sa binata at yumapos. "Bakit hindi mo manlang ako sinabihan na pupunta pala kayo dito ni Devee?" May pag tatampo pang saad nito."Tss. Where is she?" Sa halip ay tanong nito."Ayaw mo na ba ako kasama sa outing?" Muling tanong nito sa pins

  • His Substitute Bride   Chapter 35

    BIG BOSS is in LOVE"DEVEE---hey! Huwag kang malikot kundi mabibitawan kita." Anang Ericjan ng biglang kumawag ang dalaga. Muntikan niya pa itong mabitawan pagkapasok niya pa lamang sa lobby nang hotel."Ibaba mo ako." Anito at muling nag kakawag sa ere. Walang nagawa ang binata kundi ibaba ito at alalayan na lamang sa braso upang mag lakad."Let's go. You need to take a rest, Devee." Anito. "Gusto ko pa ng alak. Please. Isa na lang." Hirit pa nito sa kanya na parang bata."You're drunk, wifey. Matutulog na tayo." Aniya habang nakayakap sa baywang ng dalaga ang braso niya at hawak niya naman ang isang kamay nito. Mayamaya ay agad na napaatras ng lakad ang binata ng biglang lumihis ng lakad si Devee. Lumapit ito sa front desk at kinausap ang dalawang lalaki na nakatayo roon."Hi..." Nakangiting bati ni Devee sa mga ito."Good evening, ma'am... sir." "May alak ba kayo rito? Puwede ako pahingi?" Anang Devee. Agad na nagkatingin ang dalawang lalaki pag kuwa'y tinapunan ng tingin si Eric

  • His Substitute Bride   Chapter 34

    "HEY! Are you okay?" Untag na tanong ni Ericjan kay Devee ng lapitan niya ito habang nakatayo sa gilid ng dalampasigan at nakatanaw sa malayo. Mabilis naman na napalingon sa kanya ang dalaga."Ah---""Kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik mo. May problema ba?" Puno ng kuryusidad na tanong nito sa kanya. Mabilis na humugot ng malalim na paghinga ang dalaga saka iyon pinakawalan sa ere."Iniisip ko lang kung---kung dapat pa ba tayong mag sinungaling sa mga magulang mo. I mean, mabait sila. Mabait ang mommy mo. Parang kinakain ako ng konsensya ko dahil sa pag sisinungaling ko sa kanya." Malungkot na pag tatapat nito."You know what... You don't need to feel that way. Kasi unang-una, hindi naman ikaw ang may pakana nang lahat ng ito. You're just my employee. Kagaya nang usapan natin, ibibigay ko ang bayad ko sa'yo once na matapos na ang kontrata mo sa'kin. I knew my mom... ako na ang bahalang mag paliwanag sa kanya kapag nabuko niya tayo. So, don't feel guilty. It's okay." Anang bi

  • His Substitute Bride   Chapter 33

    DALAWANG ARAW ding nag kulong sa kuwarto niya si Devee habang hindi parin nawawala ang pamamaga ng kanyang paa. Wala siyang ibang ginawa kundi ang kumain, mag cellphone at matulog kung kailan niya gusto. Ang totoo niyan ay bagot na bagot na rin siya. Gusto na niyang tumayo para naman gumalaw-galaw siya. Nananakit na ang likuran niya kakahiga at kakaupo mag hapon.Kahit kaya niya naman mag lakad pababa sa kusina para doon na kumain, hindi naman pumapayag si Ericjan. Lagi nitong hinahatid sa kuwarto niya ang kanyang pagkain."Haist! Gusto ko ng maligo. Nababanasan na ako." Pag rereklamo nito sa sarili habang nakatingin sa pinto ng kanyang banyo. Mayamaya ay naagaw ang kanyang atensyon sa katok na nag mumula sa labas ng kanyang kuwarto. Bumukas iyon at iniluwa roon ang maliit na babae na kasambahay ni Ericjan."Ma'am Devee, tumawag po si sir Eric. Mag bihis daw po kayo at aalis kayo mamaya pagkadating niya." Anito. Agad na gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi ni Devee pag kuwa'y nag

  • His Substitute Bride   Chapter 32

    PAIKA-IKANG nag lalakad si Devee sa hallway ng kanilang eskuwelahan dahil sa paa niyang medyo namamaga na naman. Wala kasi si Kelly at absent ito dahil may pinuntahan daw na importante kung kaya't mag-isa lamang siya ngayon. Kung alam niya lang sana na hindi pala ito papasok, sana hindi na rin siya pumasok kanina tutal at wala naman maayos na klase dahil busy na rin ang lahat para sa nalalapit nilang graduation.Gusto niya ng umupo at mag pahinga dahil ramdam niya talaga ang pag kirot ng paa niya. Pero wala naman siyang magagawa kundi ang mag lakad para makauwi na. Pinilit niyang mag lakad hanggang sa makarating na siya sa first floor ng building nila. Muntikan pa siyang mabangga nang mga kababaihan na nag titilian sa may hagdan na akala mo naman nakakita ng artista kung makatili ang mga ito. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga at saglit na tumayo sa gilid ng hagdan para ipahinga ang paa niya."Ahhhh. God! Bes, ang guwapo niya." Tili nong isang babae habang nakikipag siksikan it

DMCA.com Protection Status