"So, ano na? Are you gonna tell me?" Nagulat pa ako ng biglang sumulpot sa harapan ko si Kelly. Abala kasi ako sa pag kukuwenta sa buong araw na kita sa boutique ni Tita Yhanie, kung kaya't hindi ko siya napansin na lumapit sa'kin.Kunwari ay napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa pagkagulat sa kanya."Ano ba naman 'yan bess. Aatakihin ako nito sa puso dahil sa'yo eh!" Saad ko dito."Sige na kasi. Alam kong may---""Oo na. Ito na po." Putol ko sa iba pa niyang nais sabihin sa'kin. Aandar na naman kasi ang bunganga ni Kelly De Asis... Iniligpit ko muna ang perang natapos ko na e compute at para e finalize na lang ni Tita Yhanie mamaya."Ganito kasi siya bess..." Panimula ko sa kanya na medyo kinakabahan pa. Nag aalala kasi ako sa maaaring maging reaction nito sa'kin eh."May nag offer sa'kin ng trabaho. Kagabi. Tapos---ano, malaki ang sahod. Kaya... kaya pumayag na ako. Kaysa naman mabaon ako ng utang sa'yo at sa pamilya mo... lalo na kay Aling Barbara." Pag papaliwanag ko sa kanya.Ku
"What took you so long?" Ang seryoso at halatang naiinis na boses nito ang agad na sumalubong sa'kin pagkapasok palang namin ni sir Joseph sa loob ng bahay niya.Pakiramdam ko kumulo na naman ang dugo ko, nang makita ko siya. Hindi ko alam kung bakit, basta naiinis ako sa pag mumukha niya."Sige po sir Joseph, salamat po ulit sa pag hatid." Imbes ay saad ko sa medyo may edad ng lalaki.Tumango naman ito sa boss niya pati sa'kin."Good night Ms. Oliveros." Aniya at umalis na rin.Isang nakakapasong titig naman ang sumalubong sa'kin nang balingan ko ito. Prenteng naka upo sa kanyang sofa habang may hawak itong isang red wine glass.Lumagok ito mula roon habang nananatili pa rin ang paningin nito sa'kin. Pakiramdam ko, nag tatayuan ang mga balahibo sa katawan ko dahil sa ginagawa nitong pag titig sa'kin."Tigilan mo nga ako." Pag tataray na saad ko sa kanya at nag lakad na palapit sa dulo ng sofa na inuupuan niya."What?" "What, what-in ko 'yang mukha mo." Anas ko dito at inirapan ko pa
"Hoy! Nakatulala ka na naman diyan, bess." Panggugulat pa sa'kin ni Kelly.Isang seryosong tingin lang ang ibinigay ko sa kanya pag kuwa'y humalukipkip sa arm chair ko."Ayos ka lang ba?" Muling tanong nito sa'kin.Muli akong nag pakawala ng malalim na buntong hininga.Well, ilang beses na ba akong napapabuntong hininga mula kaninang pagkagising ko?Hindi ko na rin mabilang."Oo." Tipid na sagot ko sa kanya."Oo? Pero hindi naman." Aniya."Ewan ko." "Bakit ba kasi?" Pangungulit nito sa'kin.Ewan ko ba. Basta kanina pagkagising ko, ramdam ko talaga ang pananamlay ko.Hindi ko alam kung bakit. Basta ang naaalala ko lang kagabi, bago ako natulog ay nong pumasok sa kuwarto ko ang mayabang na 'yun.•••Flash back•••"Ah-anong ginagawa mo dito?" Biglang kinabahan na tanong ko sa kanya. Sa sobrang kaba ng dibdib ko, wala sa sariling napahawak ako ng mahigpit sa dulo ng kumot ko."I just forgot to tell you, bukas ng umaga wala ako dito. Maaga ka ding umuwi pagkatapos ng klase mo kasi, pag dat
"Ma'am Devee, pinapatawag na po kayo ni sir Eric..." Dinig ko ang boses ng isang kasambahay niya habang nasa labas ng kuwarto ko.Muli akong nag pakawala ng malalim na buntong hininga bago nag lakad palapit sa pinto ng kuwarto at binuksan ko iyon."Susunod po ako." Naka ngiti pang saad ko rito."Huwag daw po kayo mag tatagal ma'am sabi ni sir." Dagdag pa na saad nito sa'kin pag kuwa'y. Isang pilit na ngiti na may kasama pang tango ang ginawa kong tugon rito.Agad kong isinara ang pinto at parang nanghihina ang aking mga tuhod na napasandal sa likod nang pinto.Ano ang mukhang ihaharap ko sa kanya?Pagkatapos nang mga nangyari kanina sa pool area, magiging kampanti pa rin ba ako na mapalapit sa kanya? Ang adik kasi ng mayabang na 'yun eh!Puro kalakuhan ang nasa isip.'Swim with me, para mas mapag nasaan mo pa ang katawan ko' Ang mapang-akit ngunit nakakainis na boses nito ang paulit-ulit na nadidinig ko sa utak ko.Haist! Devee, ano bang nangyayari sa'yo? Bakit bigla kang nagkaganya
"Birthday kasi ni mommy next week. So, I'm planning na ipapakilala na kita sa kanila." Anang Ericjan na siyang naging dahilan upang mapatingin ako ulit sa gawi niya.Sunod sunod na pag lunok ng laway ang ginawa ko dahil sa kabang unti-unti ko ng nararamdaman na sumisibol sa dibdib ko."Ne-next week agad? Agad-agad talaga?" Paniniguradong tanong ko pa sa kanya.Tumango naman ito sa'kin habang nakaupo pa rin sa gilid ng swimming pool."Ang bilis naman ata? Hindi pa nga ako handa. Paano ang gagawin ko? Na'tin? Paano kung mabuko agad tayo? Masungit ba ang mommy mo? Baka mamaya niyan, bigla nalang magalit sa'kin... ipahiya ako sa mga bisita niya. 'Yung tipong pang telenobela talaga, alam mo 'yun?" Sunod sunod na tanong ko kanya. Sorry naman at akoy biglang na tense lamang. Kinabahan akong bigla. Ngayon ko lalong narealise na, mali pala talaga itong pinasok ko."Hey! Chill.." Aniya.At talagang nakuha pang mag chill eh, no?"Hindi masungit ang mommy ko. Mabait siya, kaya cool lang okay." S
"Ang tanga mo talaga Devee. Tanga. Tanga. Tanga." Paninermon ko sa sarili habang hindi pa rin mapakali sa loob ng kuwarto ko. Ilang oras na din akong nag kukulong rito.Anong mukha pa ba ang ihaharap ko sa kanya matapos ang lahat ng kahihiyang nagawa ko kanina?Jusko naman! Bakit ngayon pa?"May payakap ka pang nalalaman. Tss." Muling asik ko sa sarili.Pero mayamaya ay agad din akong natigilan sa pag lalakad at wala sa sariling napapikit ako ng mariin at muling binalikan ang mga pangyayari kanina sa pool.Kung paano akong napayakap sa kanya ng mahigpit na tila ba kay sarap sa pakiramdam... ang damhin ang matipuno niyang katawan. Ang makulong sa mga bisig niya.Kung paano niyang pisilin ang palad ko. Kung paano niya akong titigan. Kita ko din ang pag aalala sa mga mata niya.Pakiramdam ko mas lalong dumami ang paru-paro sa sikmura ko ngayon. Nakikiliti ako na parang iwan. Tuwing pumapasok sa utak ko ang imahe niya, mas tumitindi ang pag tibok ng puso ko.Ngayon ko lang talaga naramda
"Dito tayo kakain?" Tanong ko sa kanya ng makababa na kami sa sasakyan niya.Kunot noo pa rin akong tumingin sa kanya pagkatapos ko ituro ang kakainan daw namin.Ngumiti naman ito sa'kin pag kuway kinuha ang kamay ko at hinila."Yes! Don't you eat street foods?" Tanong nito.Tama.Nasa park kami dito sa loob ng village na tinitirhan niya. At kakain kami ng street foods.Ang akala ko pa naman sa magarang kainan kami kakain or sa fast food chain. Paano naman kasi, ilang minuto lang naman ang layo ng park galing sa mansyon niya tapos may pa kotse pa siyang nalalaman.Ang akala ko talaga..."Hindi ka ba kumakain ng kwek-kwek?" Tanong nitong muli sa'kin."Kumakain s'yempre." Sagot ko rito 'tsaka binawi ang kamay ko sa kanya.Parang pinag papawisan kasi ako dun at isama pa ang panginginig ng tuhod ko pati ang pag kabog ng puso ko. Jusko naman! Nakakaloka na ang feelings na 'to."Sir Eric, magandang araw po." Bati sa kanya ng manong tindero. "Aba! At may kasama na po kayo ngayon kumain ah..
"ARE you okay?" Halos mahulog pa ako sa kinauupuan ko ng bigla kong madinig ang boses ni Ericjan mula sa likuran ko.Agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba na naramdaman ko."Papatayin mo ba ako sa takot?" Inis na tanong ko sa kanya nang harapin ko siya."Sorry." Aniya. "Kanina pa kasi ako kumakatok sa labas, pero hindi mo ata ako nadidinig." Saad nito at pag kuwa'y tinitigan ako ng mataman na ikinailang ko na naman sa kanya.Agad akong tumalikod at nag tungo sa banyo.Doon ko pakakalmahin ang nag wawala ko na namang puso.Abnormal na talaga ata 'to... dahil tuwing makikita o maiisip ko lang ang mayabang na 'yun nag kakaganito na ako.Ano bang ginawa niya sa'kin para mag kaganito ang tibok ng puso ko?Makaraan ang ilang sandali at nang mapahupa ko na ang malakas na pag tahip ng puso ko ay pinakiramdam ko muna ang loob ng kuwarto ko kung naroon pa rin siya.Idinikit ko ang tainga ko sa likod ng pinto.Mukhang tahimik naman. Wala na siguro siya.Tahimik na pinihit ko a
PABABA NG HAGDAN si Devee ng makita niya ang binata na nakaupo sa mahabang sofa sa sala ng bahay nito. Kunot noo niyang inirapan ito ng makita niya ang kakaibang ngiti sa kanya ng binata pag kuwa'y kumindat ito. Sumipol pa ito ng mapadaan siya sa tapat nito bago siya tuluyang makapasok sa kusina."Ma'am Devee may ipag uutos po kayo?" Anang kasambahay ni Ericjan na agad lumapit sa dalaga nang makita nitong nag bubukas siya ng ref."Wala. Ako na ang gagawa. Okay lang." Aniya."Pero ma'am... baka po magalit si sir Eric." "Sige na Aning, hayaan mo na kami rito." Anang binata na sumumod din pala sa kanya sa kusina."P-po sir?""Kausapin mo si Marie, at mag day off kayo ngayon. Wala naman kayong gagawin at aalis kami mamaya ng ma'am Devee niyo. Go on." Saad pa nito at mabilis na tinapunan ng tingin ang dalaga na nakatingin na rin sa kanya. Agad namang sumilay ang matamis na ngiti nito sa mga labi at nag lakad palapit sa kanya. "Can I help you, babe?" Tanong nito. Sa halip na sagutin ni D
"E-ericjan. Anong---anong." Hindi magawang makapag salita ni Devee ng maayos dahil sa mga rebelisasyong nalaman mula sa binata. Halos dumoble ang kabang kanyang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Halos panghinaan ng lakas sa kanyang mga tuhod habang mataman na sinasalubong ang mga titig ng binata sa kanya. Pakiramdam ng dalaga, kung hindi lamang siya hawak ni Ericjan sa kanyang mga braso, panigurado siyang kanina pa siya natumba sa harap ng simabahang iyon.Mayamaya ay muli niyang naramdaman ang masuyong pag pisil nito sa balat niya. Ramdam niya ang mainit na palad nito na naroon sa mga braso niya."I love you Devee. Please. Please say you loved me too." May pag mamakaawang saad nito sa dalaga."A---""Ericjan." Ang matinis na sigaw ng babae ang muling umagaw sa atensyon ng dalawa. Pareho pang napalingon sina Devee at Ericjan sa may pinto ng simbahan kung saan nakatayo ang babaing ngayon lamang nakita ni Devee sa personal. Tama. Ito nga si Ingrid. Ang babaing nakita niyang kasama ni
NAKAUPO SA isang silya si Devee habang tinititigan ang repleksyon niya mula sa malaking salamin. Hanggang ngayon ay hindi niya parin mawari ang sari-saring emosyon na nararamdaman. Ilang minuto na lang ay ikakasal na siya kay Ericjan. Sa lalaking lihim niyang minamahal. Ang lalaking, malabo pa ata sa tubig kanal na mag ka-gusto sa kanya.Muling nag pakawala ng malalim na buntong hininga ang dalaga nang muli na namang sumagi sa utak niya ang mga sinabi sa kanya ni Ericjan sa nag daang gabi.'Are you excited?' Tanong nito mula sa kabilang linya nang telepono. Dahil nga sa mga pamahiin na pinaniniwalaan ng mga pinoy. Isang araw bago ang kasal nila ay pumunta ang mommy ni Ericjan sa bahay ng binata upang sunduin siya at sa mansyon ng mga Esparagoza siya na muna tutuloy ng isang gabi.'B-bakit naman ako magiging excited?' Sa halip ay balik na tanong ng dalaga sa kausap. Narinig niya pa ang pag buntong hininga nito mula sa kabila. Parang nakikinita na ni Devee sa kanyang utak ang hitsura n
"BES, BAKIT ka ba umiiyak diyan?" Nag aalalang tanong ni Kelly sa kanyang kaibigan habang nasa labas ito ng pinto nang banyo. Mayamaya ay bumukas iyon at iniluwa roon si Devee na namamaga ang mga mata at humihikbi pa. Mabilis siyang nilapitan ni Kelly at inalalayan sa braso upang dalhin sa kama. "Ano bang problema? Nag away ba kayo ni Kuya?" Tanong pa nitong muli."H-hindi." Aniya."Hindi? Eh! Bakit ka umiiyak? Tapos nakasalubong ko pa si kuya kanina, parang mananapak ng tao. Galit ang hitsura niya." Anang Kelly pag kuwa'y tumabi sa kanya sa pag-upo sa gilid ng kama. "You can tell me. Nag away ba kayo?" Wala sa sariling muling nag pakawala ng malalim na buntong hininga niya si Devee pag kuwa'y niyakap ang mga tuhod nitong nakaangat sa kama."Magagalit ka ba sa'kin kapag sinabi kong...hindi kami totoong mag Fiancee?" Sa halip ay balik tanong nito sa kaibigan. Mabilis namang nag salubong ang mga kilay ni Kelly. Kunot noong tumitig sa kanya na tila ay tinatantya siya nito."What do you
KANINA pa nag lalakad sa beach si Ericjan para hanapin si Devee. Pero hindi niya naman ito mahagilap. Pagkatapos nilang bumili ng mga damit sa Department Store ay nag paalam itong babalik lang daw sa kuwarto niya para mag bihis, pero hindi naman ito sumipot sa puwesto dapat nila."Tss. Where are you, Devee?" Naiinip na tanong nito sa sarili pag kuwa'y tumigil sa pag lalakad at muling inilibot ang paningin sa buong paligid. Mula sa 'di kalayoan ay natanaw niya ang isang bulto ng babae na pamilyar sa kanya. Kunot noo niya itong tinitigan bago nag mamadaling lumapit roon."Kelly---?" Nag tatakang sambit nito sa pangalan ng kanyang pinsan."Kuya... hey! How are you?" Nakangiting tanong nito nag mag baling sa kanya ng tingin. Agad din naman itong lumapit sa binata at yumapos. "Bakit hindi mo manlang ako sinabihan na pupunta pala kayo dito ni Devee?" May pag tatampo pang saad nito."Tss. Where is she?" Sa halip ay tanong nito."Ayaw mo na ba ako kasama sa outing?" Muling tanong nito sa pins
BIG BOSS is in LOVE"DEVEE---hey! Huwag kang malikot kundi mabibitawan kita." Anang Ericjan ng biglang kumawag ang dalaga. Muntikan niya pa itong mabitawan pagkapasok niya pa lamang sa lobby nang hotel."Ibaba mo ako." Anito at muling nag kakawag sa ere. Walang nagawa ang binata kundi ibaba ito at alalayan na lamang sa braso upang mag lakad."Let's go. You need to take a rest, Devee." Anito. "Gusto ko pa ng alak. Please. Isa na lang." Hirit pa nito sa kanya na parang bata."You're drunk, wifey. Matutulog na tayo." Aniya habang nakayakap sa baywang ng dalaga ang braso niya at hawak niya naman ang isang kamay nito. Mayamaya ay agad na napaatras ng lakad ang binata ng biglang lumihis ng lakad si Devee. Lumapit ito sa front desk at kinausap ang dalawang lalaki na nakatayo roon."Hi..." Nakangiting bati ni Devee sa mga ito."Good evening, ma'am... sir." "May alak ba kayo rito? Puwede ako pahingi?" Anang Devee. Agad na nagkatingin ang dalawang lalaki pag kuwa'y tinapunan ng tingin si Eric
"HEY! Are you okay?" Untag na tanong ni Ericjan kay Devee ng lapitan niya ito habang nakatayo sa gilid ng dalampasigan at nakatanaw sa malayo. Mabilis naman na napalingon sa kanya ang dalaga."Ah---""Kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik mo. May problema ba?" Puno ng kuryusidad na tanong nito sa kanya. Mabilis na humugot ng malalim na paghinga ang dalaga saka iyon pinakawalan sa ere."Iniisip ko lang kung---kung dapat pa ba tayong mag sinungaling sa mga magulang mo. I mean, mabait sila. Mabait ang mommy mo. Parang kinakain ako ng konsensya ko dahil sa pag sisinungaling ko sa kanya." Malungkot na pag tatapat nito."You know what... You don't need to feel that way. Kasi unang-una, hindi naman ikaw ang may pakana nang lahat ng ito. You're just my employee. Kagaya nang usapan natin, ibibigay ko ang bayad ko sa'yo once na matapos na ang kontrata mo sa'kin. I knew my mom... ako na ang bahalang mag paliwanag sa kanya kapag nabuko niya tayo. So, don't feel guilty. It's okay." Anang bi
DALAWANG ARAW ding nag kulong sa kuwarto niya si Devee habang hindi parin nawawala ang pamamaga ng kanyang paa. Wala siyang ibang ginawa kundi ang kumain, mag cellphone at matulog kung kailan niya gusto. Ang totoo niyan ay bagot na bagot na rin siya. Gusto na niyang tumayo para naman gumalaw-galaw siya. Nananakit na ang likuran niya kakahiga at kakaupo mag hapon.Kahit kaya niya naman mag lakad pababa sa kusina para doon na kumain, hindi naman pumapayag si Ericjan. Lagi nitong hinahatid sa kuwarto niya ang kanyang pagkain."Haist! Gusto ko ng maligo. Nababanasan na ako." Pag rereklamo nito sa sarili habang nakatingin sa pinto ng kanyang banyo. Mayamaya ay naagaw ang kanyang atensyon sa katok na nag mumula sa labas ng kanyang kuwarto. Bumukas iyon at iniluwa roon ang maliit na babae na kasambahay ni Ericjan."Ma'am Devee, tumawag po si sir Eric. Mag bihis daw po kayo at aalis kayo mamaya pagkadating niya." Anito. Agad na gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi ni Devee pag kuwa'y nag
PAIKA-IKANG nag lalakad si Devee sa hallway ng kanilang eskuwelahan dahil sa paa niyang medyo namamaga na naman. Wala kasi si Kelly at absent ito dahil may pinuntahan daw na importante kung kaya't mag-isa lamang siya ngayon. Kung alam niya lang sana na hindi pala ito papasok, sana hindi na rin siya pumasok kanina tutal at wala naman maayos na klase dahil busy na rin ang lahat para sa nalalapit nilang graduation.Gusto niya ng umupo at mag pahinga dahil ramdam niya talaga ang pag kirot ng paa niya. Pero wala naman siyang magagawa kundi ang mag lakad para makauwi na. Pinilit niyang mag lakad hanggang sa makarating na siya sa first floor ng building nila. Muntikan pa siyang mabangga nang mga kababaihan na nag titilian sa may hagdan na akala mo naman nakakita ng artista kung makatili ang mga ito. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga at saglit na tumayo sa gilid ng hagdan para ipahinga ang paa niya."Ahhhh. God! Bes, ang guwapo niya." Tili nong isang babae habang nakikipag siksikan it