Share

Kabanata 2

Author: Inbluence
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

“Chivalry!” Humahangos si Yrma papalapit sa akin.

Gumilid si Gavin dahilan para mapansin siya ni Yrma. Bahagya siyang natigagal at tila hindi makapaniwala sa lalaking nakikita.

Gayunpaman, ibinalik niya sa akin ang atensyon. “Tumawag si Dan! Nakiusap raw sa kanila ang kapatid mong si Rio na dalhin ang nanay niyo sa hospital!”

Taranta akong napatuwid. “A-anong nangyari kay nanay?”

“Inatake raw! Nawalan ng malay! Ang huling sinabi ay hindi siya makahinga!”

Namilog ang mga mata ko. Maging ang presensiya ni Gavin ay nawaglit na isip ko dahil sa pagkagulantang. Sumunod sa akin si Yrma nang mapatakbo ako. Ni hindi ko na nagawang magpaalam kay Madame Bea. Dire-diretso akong nagtungo sa exit.

“Val! Anong gagawin mo?” habol ni Yrma.

“Uuwi ako! Pakipaliwanag na lang kay Madame Bea!”

Nangangatal ang katawan ko sa labis na kaba at takot. Naglalandas ang mga luha ko habang isinisigaw ng isip ko si Nanay.

“Wala kang masasakyan, Val! Tatawagan ko si Lester!”

Umiling ako. Hindi ko na mahihintay pa iyon! Kailangan kong makauwi! Nasaan na kaya sina Rio ngayon? Sana naman ay may tumulong sa kanila!

“Oh my God! Val! Bumalik ka rito! I'm calling Lester!”

Nanlalabo ang paningin ko dahil sa walang pataw na pagtulo ng luha. Panay ang tawag sa akin ni Yrma pero hindi iyon ang makapagpapatigil sa akin. Hinubad ko na ang heels at itinapon iyon sa kung saan na siyang sagabal sa pagtakbo ko. Tatakbuhin ko ang kahabaan ng kalsadang ito habang walang dumadaang sasakyan... nang sa ganoon ay mabawasan din ang layo ng distansya. Ayos lang kahit magkandasugat ang paa ko basta't maabutan si Nanay! Hindi ko alam... Natatakot ako sa puwedeng mangyari!

This is an exclusive place! Talagang walang mapapadpad na tricycle o jeep dito. Kung mayroon mang pampasaherong sasakyan ay taxi lang na hindi ko naman kayang bayaran! Isang daang piso lang ang dala ko! Kung natuloy man sila sa hospital, malayo-layo rin iyon kung itataxi ko!

Sa aking pagtakbo, lumiwanag ang kalsada dahil sa paparating na sasakyan. Bumusina ito sa akin kaya't napatigil ako. Akala ko'y pasasakayin ako nang tumigil ito sa tapat ko ngunit napasinghap ako sa mga taong bumungad sa akin!

Nakangisi sa akin ang customers na tinalikuran ko kanina. Mas lumala ang takot ko.

Sumipol ang isa. “Sakay na, Miss. Ihahatid ka namin sa langit!” malisyosong anas nito't nasundan pa ng halakhakan nila.

Takot na takot akong nagpatuloy sa pagtakbo. Ang mga luha kong umaagos dala ng pag-aalala kay Nanay ay napalitan ng takot para sa kaligtasan ko. Ang pagtambol ng dibdib ko'y mas lumakas pa.

Nagmistula akong pain sa mga leon. Awang-awa ako sa sarili ko habang pilit tinatakbuhan ang sasakyang sumusunod sa akin. Naririnig ko ang tawanan nila, animo'y tuwang-tuwa pa sa nakikitang paghihirap ko. Anumang bilis at laki ng mga hakbang ko'y balewala sa andar ng makina. Hanggang sa ang sasakya'y umungos pauna sa akin. Mabilis na bumaba ang tatlong lalaki at pinalibutan ako. Tumakbo ako sa kabilang bahagi ngunit mayroon ding lalaking nakaharang doon!

“Kung pumayag ka na lang kasi sa alok ko, hindi ka sana tumatakbo ngayon!” Hinaklit ako ng mamang may balbas.

Isang matabang lalaki naman ang nakahawak sa mga kamay ko.

“Bitawan niyo ako! Parang awa niyo na! Bitawan niyo ako!” Pumiyok ako sa huling kataga.

Nanlaki ang mga mata ko nang may nagtaas ng palda ko mula sa likod.

Paulit-ulit akong sumigaw. Halos maputol na ang litid ng lalamunan ko sa pagpalahaw. Ang madilim na parte ng kalsadang ito'y napuno ng pinagsamang sigaw, iyak, at pagmamakaawang dulot ng takot ko.

“Ang kinis! Ang lambot!” Pinisil-pisil ng isang lalaki ang mga hita ko.

Nagpumiglas ako pero walang-wala akong laban kumpara sa lakas nila. “P-please, maawa po kayo! P-pakawalan niyo ako!”

Napasigaw ako sa sakit nang ibalibag nila ako sa gilid ng sasakyan. Sumalampak ang mukha ko sa bintana nito. Pinagtulungan nila akong hawakan kaya't hindi ko magawang kumilos man lang. May nakahawak sa mga braso ko habang malayang gumagapang sa katawan ko ang mga kamay ng lalaking nasa likuran ko.

I sobbed hard. Ang sakit-sakit na ng lalamunan ko sa pagsigaw ngunit walang nakaririnig.

“Tulong! Tulungan niyo ako!”

“Ako muna! Mamaya na kayo!” nakapandidiring giit ng matabang lalaki.

Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang kamay nito, unti-unting ibinababa ang aking panloob.

Pumadyak ako't paulit-ulit na inundayan ng apak ang kaniyang paa. Napalayo man, mas lalo ko lang itong ginalit.

Pakiramdam ko'y tatakasan na ako ng ulirat. Malamig na malamig na ang nananalaytay na pangamba sa aking kamalayan.

Hanggang sa napuno ng liwanag ang madilim na parteng iyon. Rinig ko rin ang malalakas na busina, hudyat na may mga sasakyang dumating!

Bumitaw sa akin ang mga lalaki ngunit bago pa sila makatakbo, may mga lalaking humaklit sa kanila.

“Bastard!” sigaw ng isa habang pinauulanan ng suntok ang matabang lalaki.

Pamilyar sa akin ang mukha niya pero hindi ko gaanong maaninag dahil sa likot nila.

“Mga gago! Tigang na tigang ba kayo?”

“Hulihin ang mga 'yan!”

Nanghihina kong inayos ang suot ko. Nagkakagulo na sa paligid ko pero ang tanging nakikita ko lang ngayon ay ang kaawa-awang sinapit ko. Pumatak ang mga luha ko. Nandidiri ako! Ramdam ko pa rin ang maruruming kamay nila sa balat ko.

Napaupo ako sa lupa dahil sa labis na panghihina. Ang mga kamay ko'y nanginginig pa rin sapagkat hindi pa humuhupa ang pagkasindak ko. I was losing hope! Akala ko katapusan ko na!

Latang-lata ako. Hindi ako makapaniwalang nangyari sa akin ito!

Humagulhol ako ng iyak sa kawalan ng pag-asa. Kumusta na kaya si Nanay? Sina Rio? Nasa hospital na kaya sila? Aabot pa ba ako?

May matitigas na brasong nag-angat sa akin. Napatingala ako at ang bibig kong umawang para sana'y magsalita ay naitikom ko bigla.

Ngayon ko lang nakitang galit si Gavin. Palibhasa'y pangatlong beses pa lang naman itong encounter ko sa kaniya. Magkasalubong ang kaniyang mga kilay.

“Sinaktan ka ba nila? May masakit ba sa 'yo?” sunod-sunod na tanong niya.

Umiling ako. Napipi na yata ako nang tuluyan. Sila pala yung mga dumating! Inilibot ko ang paningin. Apat na sasakyan ang magulong nakaparke sa malawak na lote. Sa 'di kalayuan ay namataan ko si Stefan, may kausap siya sa cellphone habang bitbit sa kuwelyo ang matabang lalaki. Lupaypay ito at halos hindi na makalakad!

Napapitlag ako nang lukubin ako ng init ng coat ni Gavin. Hindi ko namalayang hinubad niya iyon at ibinalot sa akin.

“S-salamat,” namamaos kong sabi.

Wala na akong mailabas na luha. Bukod sa kawindang-windang na sitwasyon, naglalakbay sa isip ko ang kalagayan ni Nanay.

Kaya naman nang akayin ako ni Gavin papasok sa isang sasakyan ay nagpadala na lamang ako sa kaniya.

“Did they hurt you? I should have you checked para madala kita sa hospital,” aniya sabay paandar ng sasakyan.

Umiling muli ako. “M-muntik lang po... D-dumating kayo at...”

Nagbuntong-hininga siya at tumango. “Right. I understand.”

Napadako ang tingin ko sa kalsadang binabaybay namin. Nang lumingon ako sa likod, kita kong nakasunod sa amin ang mga sasakyang kasama niyang dumating kanina.

“They're my cousins. Ididiretso na nila sa police station ang mga tarantadong iyon.” Kahit sa ilalim ng dim lights ay nadepina ang pag-igting ng kaniyang panga.

Mas lalo kong iniyakap sa akin ang coat nang maalala ang mga nangyari kanina. That's real close!

“S-sir, puwede po bang makitawag?” Naubo ako dahil sa panunuyo ng aking lalamunan. “K-kailangan ko pong tawagan ang kapatid ko, S-sir...”

May binuksan siya sa bandang ibaba ng dashboard. Hinugot niya ang bote ng tubig doon sabay abot sa akin.

“You should drink. Kumalma ka muna,” he softly said.

Nakahinga ako nang maluwag matapos uminom. Napangahalatian ko kaagad ang bote dahil sa uhaw. Kumakabog pa rin ang dibdib ko pero hindi na kasinglala ng kanina. Nakatulong nang malaki ang tubig na ininom ko at syempre, ang presensya ni Gavin. Ang pagdating nila roon na talagang hulog ng langit para sa akin. Ang paulit-ulit na pagsuntok niya sa matabang lalaking nasa likuran ko kanina...

Dumapo ang tingin ko sa mga kamay niya. Nahanap agad ng mata ko ang ilang sugat, ang pamamaga at pamumula noon.

May kung anong humaplos sa puso ko.

“Is it about your mother? Kaya ka ba... tumakas doon?” untag niya.

Nakakahiya man ay tumango ako. "W-wala po akong pera pang-taxi kaya tinakbo ko na lang...”

Gumalaw ang adam's apple niya matapos lumunok. Muli siyang nagbuntong-hininga. “Mali ang ginawa mo. Kung nagsabi ka na lang sana...”

Kanino, sa kaniya? Hinalukay ng isip ko ang posibleng sagot. Naghintay akong dugtungan niya iyon pero wala nang kasunod.

I remember the time when I once ran to him. I was also helpless. Alam kong kita niya ang pagkadesperada ko kahapon. Nagbago na ba ang pananaw niya ngayon?

Iniabot niya sa akin ang cellphone niya.

“Call your brother,” saad niya.

Bahagyang nanginig ang kamay ko nang kunin ko iyon. Napatitig ako sa maliwanag na screen. Ang unang bumungad sa akin ay ang oras. It's 11:56 pm. Ang bilis!

Walang cellphone si Rio kaya si Dan ang tinawagan ko.

“Hello? Sino 'to?”

“Dan! Si Val 'to! M-magkasama pa ba kayo ni Rio?”

“Hindi na, Ate. Nasa hospital sila ngayon! Sinamahan sila ni Aling Marina!” tensyonadong sambit niya.

Napapikit ako sa matinding pag-aalala. “Saang hospital?”

“Sa FRIX, Ate!”

"S-sige, salamat!”

Bumaling ako kay Gavin. “S-sir, ibaba mo na lang po ako sa FRIX Hospital...”

Kunot-noo siyang lumingon sa akin. “Magbihis ka muna. And, damn! Muntik ka nang magahasa! How can you be so selfless? Puwede bang ayusin mo muna ang sarili mo?”

"M-malayo pa po ang bahay namin kung uuwi pa ako. Kailangan ko pong puntahan si Nanay. W-wala pong mag-aasikaso sa mga kapatid ko.”

He sighed. Saglit siyang tumingin sa cellphone at may kung anong pinindot doon. Pagkatapos ay ipinatong muli sa dashboard. Napagtanto kong konektado iyon sa speaker dahil ring ko na rinig ko ang pag-ring.

“What's your mother's name?”

“Valerie Basco...”

Tumango siya.

“Good evening, Gav! Ano pong maipaglilingkod ko sa 'yo?” masiglang tinig mula sa sumagot ng tawag.

“Are you busy?”

“Uhm. Katatapos ko lang sa last patient. What is it?”

“May bagong isinugod diyan. Valerie Basco. Paki-asikaso at... pati yung dalawang batang kasama niya.” Tumingin siya sa akin. “Please make sure they're fine.”

“Oh. Sure!”

“Thanks, Jammy.”

Nakagat ko ang labi ko nang maputol ang tawag.

“She's my cousin. Your family will be safe with her. Aayusin muna kita bago ihatid doon,” paliwanag niya.

My lips parted. Hindi ako makapaniwalang tinutulungan niya ako ngayon!

Kaugnay na kabanata

  • His Rebel Wife    Kabanata 3

    “Alright. Keep me updated.”Doon naputol ang usapan nina Gavin at ng kausap niya sa cellphone. Pagkababa niya rito'y ipinatong niya iyon sa counter. Nakapamulsa na siya nang lingunin ako.Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. May kung anong paru-paro ang lumilipad sa aking tiyan dahil sa hiyang nararamdaman. Kalalabas ko lang mula sa banyo, sa loob nitong suite na hindi ko alam kung sa kaniya ba o nirentahan niya lang ngayong gabi.Sa tulong ng babaeng staff na inutusan niya, mabilis na nakarating ang mga bagong damit na pinagpilian ko. Mayroong shorts and blouses pero cotton pants and plain t-shirt ang pinili ko.“You look good,” komento niya matapos makuntento sa nakikita.Paulit-ulit kong tiningnan ang hitsura ko bago lumabas at sigurado akong maayos na akong tingnan ngayon hindi gaya kanina subalit pareho lang din ang kabang idinudulot sa akin ng bawat sulyap niya.Basa pa ang aking buhok at ang ilang hibla'y

  • His Rebel Wife    Kabanata 4

    Nagdulot ng pagdadalawang-isip ang sinabi sa akin ni Gavin patungkol sa mga lalaking nagtangkang gahasain ako. Ayaw kong kumalat pa ang isyung iyon sa nayon at mas lalong ayaw kong makarating pa kina Nanay ngunit inabisuhan ako ni Gavin na kung gusto kong makulong ang mga ito ay kailangan kong maglabas ng statement. Heto nga't pinagmumunihan ko ang gagawing pasya. Ang sabi pa niya'y maglalabas lang ako ng statement, hindi kailangang makita ang mukha ko at malaman ng lahat ang pangalan ko. It would be better. “Para rin 'yan sa kapakanan mo, Val. Dapat lang silang makulong para hindi na sila makapang-biktima ulit!” payo ni Yrma. “Anong malay natin, baka marami nang nabiktima ang mga tarantadong iyon na hindi pa nabibigyan ng hustisya!” Nagpapahangin kaming dalawa rito sa parkeng nasa harap ng hospital, Sabado nang umaga. Malaki ang kaibahan ng preskong hangin sa lamig ng hulab sa loob ng hospital kaya't dito ko siya naisipang yayain. Naglaan siya ng ilang minuto sa pagbisita kay Nanay

  • His Rebel Wife    Simula

    Tagaktak ang pawis ko nang matapos ako sa paglalampaso ng sahig. Pagod kong binitawan ang mop at saglit na naupo sa dulo ng engrandeng hagdan. Sa harapan ko ay nagkalat ang mga basurang naipon ko mula sa paglilinis ng napakalaking bahay na ito. Ilang minuto din lang ang nailaan ko sa pagpapahinga dahil napatayo ako sa biglang pagpasok ng mag-anak.Nakikipagsapalaran ako sa buhay upang makaipon ng pampagamot ni Nanay. Nakikipagbuno sa bawat suntok ng kapalaran upang matustusan ang pag-aaral ng dalawa kong nakababatang kapatid na sina Ercie at Rio. Tatlong taon na rin buhat nang iwan kami ng tatay kong babaero at hanggang ngayon ay nagpupuyos ako sa galit sa tuwing nakikita ko ang mahirap na kalagayan namin. Napatigil ako sa pag-aaral dahil sa kawalan ng suportang pinansiyal kaya't ngayon ay ako na lang ang inaasahan ng pamilya ko.Sinubukan kong mag-apply sa mga kompanyang nasasakupan ng lugar na ito ngunit wala ni isang tumanggap sa akin. Sa interviews naman, sa tuwing

  • His Rebel Wife    Kabanata 1

    Sa labas pa lamang ng The Bell Rings ay rinig ko na ang lakas ng sound system. Iginiya kami ni Madame Bea sa likurang bahagi na aniya'y diretso sa quarters. Sinalubong kami ng isang bouncer at agad dumapo ang tingin nito sa amin ni Yrma.“Mga bago sila,” pagbibigay impormasyon ni Madame.“Ilang taon na ang mga 'yan?” Tumagal ang tingin ng bouncer sa akin.“Ah, I'm twenty-one po...” agap ni Yrma.Tumango ang bouncer sabay baling sa akin. “Ikaw?”“T-twenty,” kabadong anas ko.“Sige, pasok.”Sa loob ay sumalubong sa akin ang iba't ibang amoy ng pabango. Nakuha namin ang atensyon ng mga babaeng naroon. Napansin ko kaagad ang kawalan ng privacy. May mga nagbibihis, nag-aayos, at ang ilan ay nakatapis lang ng tuwalya. Hindi ko alam na ganito ang buhay rito. Napalilibutan ng naglalakihang salamin ang quarter. Nagkalat ang makeups at mga damit sa kung saan-saan.Pa

Pinakabagong kabanata

  • His Rebel Wife    Kabanata 2

    “Chivalry!” Humahangos si Yrma papalapit sa akin.Gumilid si Gavin dahilan para mapansin siya ni Yrma. Bahagya siyang natigagal at tila hindi makapaniwala sa lalaking nakikita.Gayunpaman, ibinalik niya sa akin ang atensyon. “Tumawag si Dan! Nakiusap raw sa kanila ang kapatid mong si Rio na dalhin ang nanay niyo sa hospital!”Taranta akong napatuwid. “A-anong nangyari kay nanay?”“Inatake raw! Nawalan ng malay! Ang huling sinabi ay hindi siya makahinga!”Namilog ang mga mata ko. Maging ang presensiya ni Gavin ay nawaglit na isip ko dahil sa pagkagulantang. Sumunod sa akin si Yrma nang mapatakbo ako. Ni hindi ko na nagawang magpaalam kay Madame Bea. Dire-diretso akong nagtungo sa exit.“Val! Anong gagawin mo?” habol ni Yrma.“Uuwi ako! Pakipaliwanag na lang kay Madame Bea!”Nangangatal ang katawan ko sa labis na kaba at takot. Naglalandas ang mga luha ko hab

  • His Rebel Wife    Kabanata 1

    Sa labas pa lamang ng The Bell Rings ay rinig ko na ang lakas ng sound system. Iginiya kami ni Madame Bea sa likurang bahagi na aniya'y diretso sa quarters. Sinalubong kami ng isang bouncer at agad dumapo ang tingin nito sa amin ni Yrma.“Mga bago sila,” pagbibigay impormasyon ni Madame.“Ilang taon na ang mga 'yan?” Tumagal ang tingin ng bouncer sa akin.“Ah, I'm twenty-one po...” agap ni Yrma.Tumango ang bouncer sabay baling sa akin. “Ikaw?”“T-twenty,” kabadong anas ko.“Sige, pasok.”Sa loob ay sumalubong sa akin ang iba't ibang amoy ng pabango. Nakuha namin ang atensyon ng mga babaeng naroon. Napansin ko kaagad ang kawalan ng privacy. May mga nagbibihis, nag-aayos, at ang ilan ay nakatapis lang ng tuwalya. Hindi ko alam na ganito ang buhay rito. Napalilibutan ng naglalakihang salamin ang quarter. Nagkalat ang makeups at mga damit sa kung saan-saan.Pa

  • His Rebel Wife    Simula

    Tagaktak ang pawis ko nang matapos ako sa paglalampaso ng sahig. Pagod kong binitawan ang mop at saglit na naupo sa dulo ng engrandeng hagdan. Sa harapan ko ay nagkalat ang mga basurang naipon ko mula sa paglilinis ng napakalaking bahay na ito. Ilang minuto din lang ang nailaan ko sa pagpapahinga dahil napatayo ako sa biglang pagpasok ng mag-anak.Nakikipagsapalaran ako sa buhay upang makaipon ng pampagamot ni Nanay. Nakikipagbuno sa bawat suntok ng kapalaran upang matustusan ang pag-aaral ng dalawa kong nakababatang kapatid na sina Ercie at Rio. Tatlong taon na rin buhat nang iwan kami ng tatay kong babaero at hanggang ngayon ay nagpupuyos ako sa galit sa tuwing nakikita ko ang mahirap na kalagayan namin. Napatigil ako sa pag-aaral dahil sa kawalan ng suportang pinansiyal kaya't ngayon ay ako na lang ang inaasahan ng pamilya ko.Sinubukan kong mag-apply sa mga kompanyang nasasakupan ng lugar na ito ngunit wala ni isang tumanggap sa akin. Sa interviews naman, sa tuwing

DMCA.com Protection Status