Share

Chapter 2

Author: Mar Mojica
last update Huling Na-update: 2022-08-02 13:31:22

Chapter Two

BACK to the present.

Nais man takpan ni Maris ang sarili ay hindi na niya magawa. She's too embarrassed to even tell him to get out. Paano palalayasin ang lalaking pinagpantasyahan niya ng harap-harapan kaya naabot agad niya ang langit?

The ef talaga, Maris Pulumbarit!

Para siyang matutunaw sa mga titig nito. Actually, he looks mad and serious. Gusto niya itong tanungin kung bakit hindi pa rin lumalabas ng banyo. Sa pagkakaalam niya, bahay niya ito at trespasser ang lalaking nagpakilalang tutor daw niya. Wala naman siyang narinig na katok. Although may sinabi nga ang papa niya na may darating na tutor. Hindi naman niya inakalang ngayong araw ang dating ng tutor niya.

Napakurap-kurap siya nang kumilos ito at agad na tumalikod. Nahimasmasan na siguro. Pero bago ito lumabas ng banyo ay ininsulto pa siya.

"Sinong matinong babae ang hindi magla-lock ng banyo habang nagsasarili?" Saka siya tinitigan ng masama habang nakatagilid ang ulo nito.

Nakagat ni Maris ang pang-ibabang labi. Napahiya siya. Hiyang-hiya siya sa nangyari. Paano kapag nalaman ng papa niya? Kapag isumbong siya nang nagpakilalang tutor na iyon sa kapita-pitagan niyang ama? Siguradong masisira ang mga pangarap niya. Ang masundan si Walt sa famous State University, ang makita si Walt araw-araw kapag papasok siya ng school at ang makawayan man lang si Walt if ever magkasalubong sila sa corridor. The ef, Maris! Iyon ba ang pangarap niya? Pulos patungkol kay Walter Yap?

Ahhh! Inilubog niya ang katawan sa tubig at nagpadausdos sa ilalim ng bath tub. Saka siya nagmamadaling tumayo at pinunasan ang basang katawan. Haharapin niya kung sinoman ang lalaking iyon. Magtutuos sila.

Nagmadali siyang nagbihis ng pambahay. Maluwag na white, plain shirt at maikling denim short that's above her knee. Hindi na niya nagawang magsuklay at agad na lumabas ng banyo. Nagpalinga-linga siya sa sala. Wala ang buhong!

Sa kusina. Wala rin. Sa kuwarto ng papa niya. Wala pa rin? Hindi kaya namalikmata lamang siya kanina at wala naman talagang ganoon kaguwapong lalaki siyang nakita?

Nakamot ni Maris ang ulo. Gutom lang ba siya o nasobrahan sa pagkalikot sa sarili niya? Ngayon siya nakaramdaman ng kahihiyan. Nagi-guilty siya sa ginawa. Paano nga kung may lalaking nakakita sa kanya? Or biglang dumating ang papa niya at ganoon ang ayos niya?

Nakupo! Baka pukpukin siya ng kaldero, kawali at sandok ng papa niya. Matindi pa naman magalit iyon kapag nagkakamali siya. Sa sobrang istrikto, napaluhod na nga siya nito sa asin. Mga two minutes. Kahit sandali lang iyon, masakit kaya!

On second thought, maybe she's just fantasizing. A man with deep, fiery, dark eyes with lips that were red and bewitching. Not to mention ang mala-pandesal na katawan. Mula sa mga braso, sa dibdib at tiyan. At kung ibababa pa niya ang mga mata, siguradong mas gugutumin siya. Nadilaan tuloy niya ang labi at parang naglalaway siya.

"Ano’ng oras darating si Prof?"

"Ay bulate!" Napatalon si Maris. Saan galing ang mababang boses na iyon? Unti-unti niyang iginalaw ang ulo. Hallucination ang tawag kapag may naririnig at nakikita ka pero wala naman talaga. Illusion naman ang tawag kapag nangangarap ka pero malayong maging totoo. Alin sa dalawa?

Binigla na niya ang paglingon. Muntik na siyang mapasigaw. Dahil kampanteng nakaupo sa sofa nila, naka-de kwatro pa ang lalaki sa hallucination niya. Kinusot niya ang mga mata. Nandoon pa rin. Kinurot niya ang magkabilang pisngi. Nandoon pa rin ang lalaki. Sumigaw pa siya ng, "Darna!" Pero hindi pa rin nawawala ang pantasya niya.

"Tsk, tsk, tsk! May tama ka ba, miss? Tinatanong ko kung ano’ng oras darating si Professor Pulumbarit?"

Nahigit ni Maris ang hininga niya. Dreams do come true. And her dreams just came true! Holy ef!

"Aaaaaaaah!" Napasigaw siya nang tumayo ito at aktong lalapitan siya. At nilapitan nga siya ng guwapong lalaki na agad na tinakpan ng dalawang palad ang bibig niya.

"Hoy, ano ka ba! Huwag ka ngang sumigaw. Baka akalain ng mga kapitbahay n’yo inaano kita." Tumahimik siya. Umaalon ang kanyang dibdib sa hingal at kaba. Binitiwan naman siya ng lalaki kaya agad na napasigaw siyang muli. "Aaaaaaah! Aaaaaaah!"

"Anak ng! I said shut up!" He asked her and covered her mouth again with his hands.

Pumiglas si Maris. Paano kung pangit pala ang lalaking nakayakap sa likod niya? Kasi nga, she was just fantasizing of a greek god, mala-pandesal guy with abs. What if he's mukhang kapre or tikbalang?

Hindi siya papayag na isang kapre o tikbalang lang ang yayakap sa sexy body niya. Over her dead body.

Kahit madiin ang pagkakatakip ng lalaki sa bibig niya ay nagawa pa rin niyang tanggalin ang palad nito. Kinagat pa niya kaya ang lalaki naman ang napahiyaw.

Lumayo agad si Maris at nagtatakbo sa likod ng sofa nila. "Aaaaaah! Ang baho ng kamay mo! Amoy klorox!"

"Sinabi nang, anak ng! Will you stop screaming? Hindi ako masamang tao!" bulyaw ng lalaki hawak ang kinagat niyang daliri.

"Kung hindi ka masamang tao, ano ka? Masamang hayop? O masamang damo? Saka paano ka nakapasok dito? Bakit ka pumasok sa banyo namin?" May hawak nang walis tambo si Maris. Basta nahagip na lang niya iyon kung saan.

"Nakabukas ang banyo kaya pumasok ako!"

"Hindi dahilan iyon!" Dinuro niya ng walis ang guwapong kapre.

"Wala namang nakalagay na occupied," katuwiran ng lalaki.

"Bakit? Kailangan pa ba akong maglagay ng karatula sa pintuan ng banyo na may nakasulat na ‘danger, do not enter?’ Enter ka nang enter, hindi mo naman ito pamamahay, ah!"

"Pinapunta ako rito ni Professor Pulumbarit." Sumeryoso ang mukha ng lalaki. Kataka-takang hindi nagbabago ang hitsura nito. Guwapo pa rin. "He told me to tutor his daughter in Personal Development. Ikaw ba ang anak niya?"

Taas noong sumagot si Maris. "Ako nga!"

His eyes narrowed. Umusli rin ang nguso nito. "Ilan taon ka na?" kunot-noong tanong.

Nakaangat pa rin ang noo ni Maris. "Seventeen going eighteen. Bakit?"

"Sigurado ka ba? Hindi ka pa yata nagkakamens. Bakit mukha ka lang thirteen?"

Nalukot ang mukha ni Maris. At sa oras na iyon —kahit guwapo ang kaharap niya at may nakakapaglaway na katawan— gusto niyang kumatay ng kapre! Iihawin niya at tutuhugin saka niya papapakin! Ew! Hindi niya ma-imagine ang lasa. Kaya huwag na lang kapre. Hotdog na lang. ‘Yong tender at juicy. Gagawin niyang hotdog ang lalaki saka niya tutuhugin at papapakin! Rawr!

Kaugnay na kabanata

  • His Professor's Daughter   Chapter 3

    Chapter ThreeMARIS toes were fidgeting. Her arms were crossed to her chest. Kanina pa sila nagpapakiramdaman ng lalaki. Ayaw naman nitong umalis. Hihintayin daw nito ang tawag ni Professor Pulumbarit. Kanina pa niya tini-text ang papa niya, wala naman reply."What's your name?" masungit niyang tanong. Hindi siya sinagot nito. Pirmi lamang na nakatingin ito sa hawak na cellphone. "Tinatanong ko ang pangalan mo, hoy! " ulit niyang napalakas ang boses."River." Tumaas ang kilay ni Maris. Hindi man lang kasi siya tiningnan. Seriously? River? Ilog? "River Andrada.""Edad," tanong niyang muli."Twenty one," tinatamad na sagot."Taga-saan?""Quezon City. Stop asking. You can ask your father." Dumiretso ito ng upo. Tingin niya ay hindi na ito mapakali."Nag-aaral pa?""Graduating na 'ko.""Ano’ng course?""Hindi pa ba sumasagot si Prof?" inis na tanong."Hindi pa. May girlfriend?" Natigilan si Maris sa tanong niya. Ano bang pakialam niya kung may nobya o wala ang River na 'to?"None of your

    Huling Na-update : 2022-08-02
  • His Professor's Daughter   Chapter 4

    Chapter Four"HINDI ka pa aalis?" tanong ng babae kay River.Kung puwede lang siyang umalis, ginawa na sana kanina pa ni River. He's beginning to lose his patience to this girl giving him an exaggerated beautiful eyes. Kanina pa papikit-pikit sa tuwing titingnan siya nito. At naaasiwa siya.Nakapangako siya kay Prof. Pulumbarit na tuturuan niya ang anak nito na bumagsak din sa Personal Development. Okay, he's not good in this subject. As a matter of fact, he failed the same subject. That's why his task was to tutor this girl. Kapag nakapasa raw sa PD ang anak ni Prof, ipapasa na rin siya nito upang makapagtapos sa Civil Engineering. Requirements kasi sa school nila na kahit minor subjects dapat pasado or he'll not graduate."Are you done?" Ang tinutukoy niya ay ang worksheet na pinapasagutan."Not yet," she answered and boldly smiled at him. Hindi niya maikakaila sa sarili ang magandang mukha ng babae. He didn't expect that their terror professor has a daughter as innocent as the face

    Huling Na-update : 2022-08-02
  • His Professor's Daughter   Chapter 5

    Chapter FiveFEELING ni Maris ay tama naman ang mga sagot niya sa mga tanong ng tutor daw niya. Wala namang right or wrong sa mga general questions. Late bloomer siya pero hindi naman siya bobo. She failed last year's PD because she couldn't write any positive statement about her best friend. Akala yata ng guro niya ay nagbibiro siya o pinaglalaruan lamang ang sagot. Seryoso kaya siya na walang positive trait si Vookie! She also flunked the subject because she couldn't properly dress or walk wearing high heels during their final exam presentation. Like it’s really a big deal para makapasa siya. Saka what's wrong when she wrote who she likes?Sinagutan niya ulit ang papel na binigay ni River. Maya-maya lamang ay tumunog ang phone niya. Ang papa pala niya ang tumatawag. Marahil upang kumustahin ang tutor niya na hayun at mukhang maagang nag-break time.Tumpak ang kanyang hinala. Her father asked about River. Ano naman ang sasabihin

    Huling Na-update : 2022-08-03
  • His Professor's Daughter   Chapter 6

    Chapter SixIBINAGSAK ni Maris ang katawan pabalik sa kama nang maalala niyang wala siyang klase ngayon. Nagtalukbong pa siya ng kumot dahil pumapasok na ang araw sa malawak na bintana ng kanyang kwarto.Her sleep last night wasn't sufficient. Three hours to be precise. Hindi siya pinatulog ng paulit-ulit na tanong ni River sa kanya. Pati na ang kakaibang warning nito sa kanya. Nagbilang na nga siya ng tupa, kambing at maging ng mga manok ay hindi pa rin siya agad nakatulog.Idinalangin niya ng ilang beses na hindi na magbalik pa ang River Andrada na iyon. Huwag na lang ito ang maging tutor niya. Kahit matanda, kalbo, bungi at bundat o kahit may bad breath pa, titiisin niya huwag lang muling makita si River.She has this feeling that the two of them like flame should flee from each other or they will ignite. Ngayon pa lang, iba na ang pakiramdam niya.Nagpagulong-gulong siya sa kama habang balot ng kumot niya at saka nagreklamong m

    Huling Na-update : 2022-08-04
  • His Professor's Daughter   Chapter 7

    Chapter Seven"YOU sit down!" Hinawakan nito ang magkabilang braso niya at saka siya pilit na pinaupo sa silya.Mabibilis pa rin ang takbo ng mga paa ng puso niya. Parang sa isang marathon at ngayon ilang laps na ang naikot niya. She really thought he'll kiss her. She was expecting him. And she didn't expect that feeling from deep inside her. Because she was dreaming for the nth times that it should be Walt to be her first kiss. Anyare?Si River na ang nagtuloy ng niluluto niya. Kung bakit sobra niyang na-appreciate ang itlog nito, este ang niluto nitong itlog. Mesherep pele eng etleg ne Rever!When she looked at him with her twinkling eyes, he was already done eating. Inilagay pa nito ng maayos ang pinagkainan sa lababo. Bakit ganoon lang naman ang ginawa nito pero tingin ni Maris ay ang macho-macho nito?"Bilisan mo riyan! I need to see your answers," anito at tinungo na ang sala kung saan sila nagtuturuan. Sinundan pa ni Maris ng tingin ang malaman nitong

    Huling Na-update : 2022-08-05
  • His Professor's Daughter   Chapter 8

    Chapter EightMASAKIT talaga kapag walang nagturo sa 'yong ina. Tatlong taon pa lamang siya nang pumanaw ang kanyang Mama Celine sa sakit na acute pneumonia. Hindi na niya halos maalala ang hhitsura ng ina maliban sa mga larawang itinatago pa rin ng papa niya. Masakit din na wala man lang encouragement habang inaaral niya ang ginagawa. At mas masakit na habang nagbabate siya ng itlog ay nakataas pa ang mga paa ni River sa kanilang sala habang nanonood ng TV. Humingi pa nga ito ng softdrink na ibinigay naman niya.Ibinuhos ni Maris ang binateng itlog sa kawaling may kumukulong mantika. Nagtalsikan sa lahat ng parte ng kusina pati na sa suot niya. Nabitiwan tuloy niya ang siyansi at dumiretso sa lababo upang buksan ang gripo. Itinapat niya sa dutsa ng malamig na tubig ang brasong natilamsikan ng mantika. Napakagat-labi pa siya sa hapdi.Kasama ba talaga ito sa dapat niyang matutunan? Bakit wala siyang natatandaan na kailangang matutong magprito ng itlog para makapasa

    Huling Na-update : 2022-08-06
  • His Professor's Daughter   Chapter 9

    Chapter NineTHE lights were dim and in the middle of the Yap's grandiose garden are people whom she doesn't know. Ilang ulit na rin niyang hinangaan ang hardin ng mga Yap pero ngayon ay mas naging magarbo ito dahil sa nakapaligid na mga palamuti. Talagang naghanda ang lahat para sa pagdating ng panganay na anak at para ipangalandakan na rin siguro sa mga bisita kung gaano kayaman ang pamilya nina Walt."Bes, heto pa oh. Mukhang gusto mo pa, eh." Inabutan siya ni Vookie ng another glass of drink. Kinuha naman niya at inubos agad. "Sure ka ba, bes na hindi magagalit si prof diyan sa pag-inom mo? Ang alam ko, bawal na bawal kang maglasing."Hindi siya kumibo. Gusto kasing kalimutan ni Maris ang mga sinabi ni River. They were true and now hurting her so much. "Sabagay wala naman si prof. Hindi naman niya malalaman hindi ba?" Kinindatan pa siya ng kaibigan pero ni hindi niya nagawang ngumiti. Naipangako niya sa sarili na aahitin ang kilay ni Vookie kapag nagkita sila da

    Huling Na-update : 2022-08-07
  • His Professor's Daughter   Chapter 10

    Chapter Ten"PAPA?" gulat na sabi ni Maris. Paanong nakauwi agad ang papa niya mula Panglao? Hindi ba malayo iyon? Suot nito ay napakapormal na barong. Halos hindi pa nga ito nakakapagtanggal ng sapatos. Hindi kaya namamalikmata lamang siya? Hindi naman siguro siya niloloko ng kanyang paningin. Dahil nakatayo katabi ni Prof ang asungot na sumbungero at pakialamero sa buhay niya. Hindi ito makatingin sa kanya at nakaigting ang panga. Yes, guilty beyond reasonable doubt. It was him who told her father. It was River who betrayed her. Malinis na ang iniwan niyang kalan. Ang sunog na kawali at maging ang nagkalat na tubig ay malinis na rin. Nilinis ba iyon ng papa niya? Ngunit imposible iyon dahil kararating lamang nito. Was it River? Pero bakit naman niya gagawin iyon?"Stella Maris! Ano’ng pinaggagawa mo habang wala ako?" Halos mabingi si Maris sa tinig ng ama. "Mabuti na lang at may private plane si Dean Andres kaya nakasabay ako sa kanya pabalik dito. Napakatig

    Huling Na-update : 2022-08-07

Pinakabagong kabanata

  • His Professor's Daughter   Epilogue

    MALAKAS ang palakpakan nang umakyat ng entablado si Maris. Mabuti nga at nakahabol siya kahit hindi na siya nakapagbihis. Tinanggap niya ang kanyang diploma at iwinagayway iyon sa harap ng mga manonood. Mas umingay ang mga tao dahilan sa lahat ng inimbitahan nila kanina ay nagsunuran din sa kanila ni River.Binitbit ng isa niyang kamay ang mahabang laylayan ng kanyang trahe de boda at dahan-dahan na bumaba ng entablado. It was the first time that her University allowed such ridiculous idea in attending a graduation. Mabuti na lang at malakas ang mga Andrada at siyempre, matunog pa rin ang pangalan ni Professor Pulumbarit. And besides, she's a cum laude and earned the seventh place on the latest Civil Engineering Board Exam. Sigurado siya, masayang-masaya ang yumaong ina para sa kanya. She looked up the sky and uttered to herself, "Thank you, Mama." Saka siya umusal ng maikling dasal at pasasalamat sa Maykapal dahil sa tinatamasang biyaya na akala niya ay hindi na niya mahahawakan kail

  • His Professor's Daughter   Chapter 101

    "SORRY, bes. Nadulas ako. Iyang asawa mo kasi. May Press Con daw kaya tuloy..."Hindi makapaniwala si Maris. Paglabas nila ng bulwagan ay naghihintay na roon ang kanyang ama. Kasama si Manang Bola, si Nurse Lita at Vookie."Ano na naman ito, Stella Maris?"Sa halip na sagutin ang ama ay si Vookie ang hinarap ni Maris. "Gabing-gabi na. Paano kung may mangyari kay Papa?" Hinarap din niya sina Manang Bola at Nurse Lita. "At kayo? Hindi n'yo man lang naisip na mapapagod si Papa?""Si Prof kaya ang may gustong sumugod dito..." dugtong pa ng kaibigan."Ako ang nagpumilit na pumunta rito nang malaman kong kasal ka na!"Ngunit hindi niya pinapansin ang ama. "Vookie mooo!" nagpipigil sa galit na sabi niya."Vookie mo rin, bes!"Napapikit na lang siya. At unti-unti ay napangiti siya. Panahon na upang aminin niya sa ama ang tunay niyang nararamdaman. Hindi na siya bata. Siguradong-sigurado na siya kung sino ang i

  • His Professor's Daughter   Chapter 100

    HALOS matapilok si Maris sa pagtakbo. Ibig niyang makaalis agad mula sa lugar na iyon. Hindi niya kayang harapin ang kahit sino. Sobrang bigat ng kanyang nararamdaman. Mahal niya si River. Mahal na mahal. Mas masakit aminin ngayon kung gaano niya ito kamahal kumpara noon. Dahil ngayon ay dobleng sakit ang kapalit nito. Dinudurog nito ang kanyang puso.Isang hakbang bago siya makalabas ng bulwagan ay may humagip sa kanyang palapulsuhan. Sobrang higpit ng kapit nito sa kanya kaya't napahinto siya. She looked whoever it was who stopped her from leaving away. Only to find out it was River with his endangering eyes. "And where do you think you're going?" humihingal nitong tanong sa kanya. Halatang sinugpong nito ang kanilang pagitan upang maabutan siya.Napalunok siya. Hindi niya matagalan ang mga titig nito sa kanya. "R-River..." Nangatal ang labi niya at napayuko na lamang. Naroroon pa rin ang mga tao na tila hinihintay na tuluyan na siya

  • His Professor's Daughter   Chapter 99

    "HELLO, River. It's been a long while."River turned around to check where the voice came from. Wala siyang reaksyon na pinagmasdan si Amelia Yap. Tumanda na ang hitsura nito. Alam niya kung gaano nito itinatago sa pamamagitan ng mga kolorete ang mga gitla sa maamong mukha. He couldn't find her angelic face like what he saw with her years ago. Wala na siyang alam tungkol dito. Noong umalis siya sa Pilipinas at tumungo sa Norway, iisang babae lamang ang hinahanap ng kanyang mga mata. The angel with the poisonous venom that killed him so many times in his dreams. Yet he's still longing for that woman to see."It's you," he said. He doesn't have any idea what Amy is still doing in his property. He remembered not inviting any of the Yap's family in any of Andrada's entities. "Just saying hello to an old-time friend," she told him. "Why don't you sit here?" It was Tristan. Trying again to be friendly. Habang nanahimik naman sina Hawk at Hero.

  • His Professor's Daughter   Chapter 98

    THE huge hall was dark. But darkness filled with dancing lights. Nakasisilaw ang mga iyon sa tuwing tatama sa mga mata ni Maris. Maingay din ang tugtog. Hindi niya halos marinig ang tinig ni River na mahigpit ang hawak sa kanyang mga kamay."Don't go anywhere! Just hold my hand. I don't want to lose you," River nearly yelled for her to hear.May imi-meet lamang daw ang asawa at pagkagaling dito ay pupuntahan nila ang mga magulang na nasa pinakaitaas ng floor sa mismong gusali na iyon. Hindi nga niya maintindihan kung bakit isinama pa siya nito sa party na iyon dahil hindi naman siya imbitado.River was smiling very wide while greeting his friends. Napapatingin ang mga nakakakilala rito sa kanya. But he didn't mention anything about her or about their sudden marriage. Akala niya ay ilalantad siya nito sa mga kaibigan? Mali ba ang narinig niya?Malayo pa lamang ay tanaw na niya ang pamilyar na mga kaibigan ni River. Si Hawk Salazar ay guwapong-guwap

  • His Professor's Daughter   Chapter 97

    NASA sala si River at kampanteng nakaupo sa malambot na sopa. Naka-de kwatro pa ito habang nanonood ng TV."Hindi ka ba papasok sa work?" tanong ni Maris. Nakabihis na siya ng simpleng puting t-shirt at maong shorts.Lumandas ang mga mata ni River sa katawan niya. Pakiramdam tuloy niya ay may gumapang sa kanyang buong katauhan. The way he looked at her was so intense. With a lecherous touch. As if he's removing her clothes piece by piece."Not today..." he asserted. "Come sit with me." Tinapik nito ang bakanteng eapasyo sa tabi. The ef! Ibig magmura ni Maris. Panay na naman kasi kabog ng dibdib niya. Pero sinunod naman niya ito.Parang nanigas siya nang dumantay ang braso nito sa kanyang katawan. Inakbayan siya nito at bahagya pang hinapit palapit. Napasinghap siya nang idikit ni River ang ilong sa kanyang basang buhok. "Ang bango mo..." he mumbled. Her body shivered. Kaya napapikit tuloy siya. "I want to eat you. I want to sme

  • His Professor's Daughter   Chapter 96

    MINSAN pang sinipat ni Maris ang sarili. Wala siyang suot habang nakahiga pa rin sa kanyang kama at natatabingan lamang ng puting kumot ang katawan. Nangyari na ang gusto niya. Ibinigay niya ang sarili kagabi ng buong-buo kay River. Nahagip ng kanyang kamay ang unan sa tabi at doon sumigaw. Umaalon ang kanyang dibdib sa paghingal. She's not anymore a virgin. She's now married to River. Last night was unforgettable. Hindi niya narinig na sinabi ni River na mahal siya nito. But heck! He adored every bit of her. The way he touched her body, the way he kissed and whispered words to her, it was memorable. Sa totoo lang, namamaga pa siya. Hindi niya akalain na ganoon kalaki, kataba at kahaba ang pumasok sa kanya kagabi. She couldn't believe it fit her tight womanhood. She's ashamed to think that she has nothing to hide from River anymore. Dahil dinaanan ng labi nito halos lahat ng parte ng katawan niya. Ilang ulit nitong hinagkan ang maseselang bahagi ng kanyang katawa

  • His Professor's Daughter   Chapter 95

    HINDI malaman ni Maris kung saan ibabaling ang paningin. Sa matipuno at mamasel ba na katawan ni River o sa kagandahan ng silid nito? May mga pictures pa, oh. Ganda! The ef! Sinong niloko niya?She's nervous to death. Kung kanina ay handa siyang maghubad sa harapan nito, ngayon naman ay parang dinadaga ang dibdib niya. Totoo ba talaga na kasal na sila? Pag-aari na siya talaga ni River? 'Til death do us part na ba talaga? Tumayo siya at umiwas dito ng tingin. "M-Magsha-shower lang din ako..."Humakbang siya patungong banyo ngunit mabilis ang kamay ni River na pinigilan siya sa braso."I see you're scared, my beloved ducky. Akala ko ba, you're ready to pay me? You owe me. And it's time. We're legally married. Hindi gaya kanina na gusto mong pagsamantalahan ang katawan kong lupa..."Napanganga siya. "A-Anong sabi mo? B-Bakit naman kita pagsasamantalahan?" natatarantang sabi. Halos magdikit na ang mukha nila ni River."Oh,

  • His Professor's Daughter   Chapter 94

    WALANG reception o anomang selebrasyon. Para nga silang dumaan lamang sa tindahan at may binili sandali. Maging ang kaibigan nitong si Hawk ay nagmamadali silang iniwan pagkatapos nitong pumirma ng kontrata. Ngayon ay pabalik na sila sa condo ni River. At mag-asawa na sila.The ef!The ef!The ef again!Hindi malaman ni Maris kung ano ang gagawin o kanyang iisipin. Tama ba ang nagawa niya? Totoo ba ang nangyari? She's now married to River Andrada? Oh my good, gracious, glory, effin soul!Panay ang talon ng puso niya habang nagmamaneho si River sa kanyang tabi. Walang kibo, walang reaksyon ang mukha. Hindi niya malaman kung natutuwa ba ito o napipilitan lamang. Kaya ngayong nakaparada na ang magarang puting kotse nito ay hindi pa rin siya bumababa. Paano naman kasi ay nagsasalimbayan ang mga tanong sa isip niya. Where is she going to start? Where will she stay? Dito? Sa condo ni River? Sa kama nito? Oh her soul! She's not even his girlfrie

DMCA.com Protection Status