Share

Chapter 4

Author: Mar Mojica
last update Last Updated: 2022-08-02 13:50:26

Chapter Four

"HINDI ka pa aalis?" tanong ng babae kay River.

Kung puwede lang siyang umalis, ginawa na sana kanina pa ni River. He's beginning to lose his patience to this girl giving him an exaggerated beautiful eyes. Kanina pa papikit-pikit sa tuwing titingnan siya nito. At naaasiwa siya.

Nakapangako siya kay Prof. Pulumbarit na tuturuan niya ang anak nito na bumagsak din sa Personal Development. Okay, he's not good in this subject. As a matter of fact, he failed the same subject. That's why his task was to tutor this girl. Kapag nakapasa raw sa PD ang anak ni Prof, ipapasa na rin siya nito upang makapagtapos sa Civil Engineering. Requirements kasi sa school nila na kahit minor subjects dapat pasado or he'll not graduate.

"Are you done?" Ang tinutukoy niya ay ang worksheet na pinapasagutan.

"Not yet," she answered and boldly smiled at him. Hindi niya maikakaila sa sarili ang magandang mukha ng babae. He didn't expect that their terror professor has a daughter as innocent as the face of an angel. Kung sana hindi niya ito naabutan sa palikuran habang nakapikit at dinadama ang sarili.

Inayos niya ang suot na pantalon upang takpang muli ang nakaumbok doon. Naiinis siya sa sarili dahil hindi niya magawang ibalik sa normal ang alaga niya. Simula pa kanina nang aksidenteng mahuli niya ang ginagawa ng babae. The angel was a devil in disguise. But he would be lying if he won't admit that it didn't affect him. That's why he couldn't find himself running away. He’s perspiring while he watched her do herself. But he knows girls like her.

Nakita niya ang paggalaw ng mga daliri nito sa mesa habang nagbabasa. Naiirita ba siya? Kung bakit gusto niyang patigilin ang malilikot na daliri nito.

Puwede naman siyang magpalit ng professor. Hindi lang si Prof. Pulumbarit ang nagtuturo ng subject na ibinagsak niya. Ngunit napakalaki ng paggalang niya sa propesor. Ilang beses siya nitong ipinagtanggol sa ibang guro. Matagal na siguro siyang expelled kung hindi dahil kay Prof. Sa dami ng mga kabulastugan na ginawa niya, no one else wanted to give him a second chance. He's an assh*le and a freaking son-of-a! Kaya gusto niyang bumawi. Gusto niyang patunayan dito na kaya rin niyang magbago. At hindi ang tuluyang magpakagago.

He stood up and decided to inspect her work. She seems so engrossed with her paper that she even didn't realize he's already standing beside her. Nakita niya ang pangalan ng babae. There's no point of asking nor knowing her name anyway as it doesn't really matter. Basta gagawin niya ang pinagagawa ni Prof nang matapos na ang pinagdadaanan niya.

Ngunit hindi pa rin nakawala sa paningin ni River ang pangalang nakasulat sa papel. Stella Maris Pulumbarit. Gusto niyang isipin na Senior High na ang dalaga pero sa sulat-kamay nito, dinaig pa ang mga doctor kapag nagbibigay ng reseta. Mas mahusay pa ang mga grade three sa script writing kaysa sa babae. Napailing si River. Paano nga ba nito naging ama si Prof?

Bumaba ang tingin niya sa mga sagot. It's just fill in the blanks. An info sheet about her. Her likes, dislikes, strengths and weaknesses. Mga impormasyon tungkol sa pamilya nito at mga ambisyon sa buhay. Nag-print pa siya ng kopya matapos niyang i-d******d iyon sa internet. Personal Development is one of the core subjects under the Senior High School curriculum, iyon ang pagkakaalam niya.

He almost face-palm when he noticed her replies. Namumulaklak na question-mark, idk at n/a! Ano ba namang klaseng sagot ang mga iyon?

"Don't you even know what you like?" Nakita niya ang pagkabigla ni Maris. Halos nakadikit na kasi ang bibig niya sa tainga ng dalaga. Agad siyang dumiretso ng tayo at umikot sa harapan nito.

"W-Wala akong masyadong like— ay oo nga pala!" Ngumiti ito ng napakatamis sa kanya nang may maalala. "Mayroon akong like..." River wasn't sure but there's a sudden hint of spark from her eyes. "Walt! My super like." Nagmamadaling binura nito ang idk na sagot at saka pinalitan ng salitang, walt.

"You like to dance." Common naman sa mga babae ang maging mahilig sa sayaw. But waltz?

Mabilis na umiling si Maris. "Parehong kaliwa ang mga paa ko. Hindi ko hilig ang magsayaw, 'no!"

"But you just wrote..."

"Walt for Walter. Walter Yap ang pangalan ng lalaking like ko. Kaya ‘yon ang isinulat ko rito." Nilagyan pa niya ng korteng puso ang dulo ng pangalan na isinulat.

Hindi na nakapag-isip. Inagaw ni River ang papel. He crumpled the paper and took another backup sheet from his folder at padarag na ibinigay kay Maris.

"B-Bakit mo nilukot?" litong tanong nito sa kanya. Alam niyang hindi lang papel ang nalukot kundi maging ng kanyang mukha.

"Mali ang sagot mo. Kaya ulitin mo!" Pinalo pa niya ng malakas ang mesa kaya napaigtad si Maris.

Doon tila natauhan si River. Nagulat din siya sa sarili. What was he thinking? Though he wished to rectify what he did, he seems awfully hopeless. At kahit sinong makaharap niya, his true nature still appears. Madaling uminit ang ulo niya. Madaling magalit at mairita. Ilang beses na ba siyang napaaway? Hindi na niya mabilang.

Nakita niya ang pintuan. Lumabas siya ng bahay and looked up the grey sky. He inhaled deeply and exhaled so hard. Pinindot ang car fob ng kanyang twilight subaru outback. Saka niya pinaharurot ang kanyang sasakyan palayo sa babaeng noon lang niya nakilala ngunit nakapagpainit agad ng ulo niya. The problem was, which head was he thinking about? The one on top or the one in between his thighs?

Nadiinan niyang lalo ang silinyador sa kanyang paanan.

Related chapters

  • His Professor's Daughter   Chapter 5

    Chapter FiveFEELING ni Maris ay tama naman ang mga sagot niya sa mga tanong ng tutor daw niya. Wala namang right or wrong sa mga general questions. Late bloomer siya pero hindi naman siya bobo. She failed last year's PD because she couldn't write any positive statement about her best friend. Akala yata ng guro niya ay nagbibiro siya o pinaglalaruan lamang ang sagot. Seryoso kaya siya na walang positive trait si Vookie! She also flunked the subject because she couldn't properly dress or walk wearing high heels during their final exam presentation. Like it’s really a big deal para makapasa siya. Saka what's wrong when she wrote who she likes?Sinagutan niya ulit ang papel na binigay ni River. Maya-maya lamang ay tumunog ang phone niya. Ang papa pala niya ang tumatawag. Marahil upang kumustahin ang tutor niya na hayun at mukhang maagang nag-break time.Tumpak ang kanyang hinala. Her father asked about River. Ano naman ang sasabihin

    Last Updated : 2022-08-03
  • His Professor's Daughter   Chapter 6

    Chapter SixIBINAGSAK ni Maris ang katawan pabalik sa kama nang maalala niyang wala siyang klase ngayon. Nagtalukbong pa siya ng kumot dahil pumapasok na ang araw sa malawak na bintana ng kanyang kwarto.Her sleep last night wasn't sufficient. Three hours to be precise. Hindi siya pinatulog ng paulit-ulit na tanong ni River sa kanya. Pati na ang kakaibang warning nito sa kanya. Nagbilang na nga siya ng tupa, kambing at maging ng mga manok ay hindi pa rin siya agad nakatulog.Idinalangin niya ng ilang beses na hindi na magbalik pa ang River Andrada na iyon. Huwag na lang ito ang maging tutor niya. Kahit matanda, kalbo, bungi at bundat o kahit may bad breath pa, titiisin niya huwag lang muling makita si River.She has this feeling that the two of them like flame should flee from each other or they will ignite. Ngayon pa lang, iba na ang pakiramdam niya.Nagpagulong-gulong siya sa kama habang balot ng kumot niya at saka nagreklamong m

    Last Updated : 2022-08-04
  • His Professor's Daughter   Chapter 7

    Chapter Seven"YOU sit down!" Hinawakan nito ang magkabilang braso niya at saka siya pilit na pinaupo sa silya.Mabibilis pa rin ang takbo ng mga paa ng puso niya. Parang sa isang marathon at ngayon ilang laps na ang naikot niya. She really thought he'll kiss her. She was expecting him. And she didn't expect that feeling from deep inside her. Because she was dreaming for the nth times that it should be Walt to be her first kiss. Anyare?Si River na ang nagtuloy ng niluluto niya. Kung bakit sobra niyang na-appreciate ang itlog nito, este ang niluto nitong itlog. Mesherep pele eng etleg ne Rever!When she looked at him with her twinkling eyes, he was already done eating. Inilagay pa nito ng maayos ang pinagkainan sa lababo. Bakit ganoon lang naman ang ginawa nito pero tingin ni Maris ay ang macho-macho nito?"Bilisan mo riyan! I need to see your answers," anito at tinungo na ang sala kung saan sila nagtuturuan. Sinundan pa ni Maris ng tingin ang malaman nitong

    Last Updated : 2022-08-05
  • His Professor's Daughter   Chapter 8

    Chapter EightMASAKIT talaga kapag walang nagturo sa 'yong ina. Tatlong taon pa lamang siya nang pumanaw ang kanyang Mama Celine sa sakit na acute pneumonia. Hindi na niya halos maalala ang hhitsura ng ina maliban sa mga larawang itinatago pa rin ng papa niya. Masakit din na wala man lang encouragement habang inaaral niya ang ginagawa. At mas masakit na habang nagbabate siya ng itlog ay nakataas pa ang mga paa ni River sa kanilang sala habang nanonood ng TV. Humingi pa nga ito ng softdrink na ibinigay naman niya.Ibinuhos ni Maris ang binateng itlog sa kawaling may kumukulong mantika. Nagtalsikan sa lahat ng parte ng kusina pati na sa suot niya. Nabitiwan tuloy niya ang siyansi at dumiretso sa lababo upang buksan ang gripo. Itinapat niya sa dutsa ng malamig na tubig ang brasong natilamsikan ng mantika. Napakagat-labi pa siya sa hapdi.Kasama ba talaga ito sa dapat niyang matutunan? Bakit wala siyang natatandaan na kailangang matutong magprito ng itlog para makapasa

    Last Updated : 2022-08-06
  • His Professor's Daughter   Chapter 9

    Chapter NineTHE lights were dim and in the middle of the Yap's grandiose garden are people whom she doesn't know. Ilang ulit na rin niyang hinangaan ang hardin ng mga Yap pero ngayon ay mas naging magarbo ito dahil sa nakapaligid na mga palamuti. Talagang naghanda ang lahat para sa pagdating ng panganay na anak at para ipangalandakan na rin siguro sa mga bisita kung gaano kayaman ang pamilya nina Walt."Bes, heto pa oh. Mukhang gusto mo pa, eh." Inabutan siya ni Vookie ng another glass of drink. Kinuha naman niya at inubos agad. "Sure ka ba, bes na hindi magagalit si prof diyan sa pag-inom mo? Ang alam ko, bawal na bawal kang maglasing."Hindi siya kumibo. Gusto kasing kalimutan ni Maris ang mga sinabi ni River. They were true and now hurting her so much. "Sabagay wala naman si prof. Hindi naman niya malalaman hindi ba?" Kinindatan pa siya ng kaibigan pero ni hindi niya nagawang ngumiti. Naipangako niya sa sarili na aahitin ang kilay ni Vookie kapag nagkita sila da

    Last Updated : 2022-08-07
  • His Professor's Daughter   Chapter 10

    Chapter Ten"PAPA?" gulat na sabi ni Maris. Paanong nakauwi agad ang papa niya mula Panglao? Hindi ba malayo iyon? Suot nito ay napakapormal na barong. Halos hindi pa nga ito nakakapagtanggal ng sapatos. Hindi kaya namamalikmata lamang siya? Hindi naman siguro siya niloloko ng kanyang paningin. Dahil nakatayo katabi ni Prof ang asungot na sumbungero at pakialamero sa buhay niya. Hindi ito makatingin sa kanya at nakaigting ang panga. Yes, guilty beyond reasonable doubt. It was him who told her father. It was River who betrayed her. Malinis na ang iniwan niyang kalan. Ang sunog na kawali at maging ang nagkalat na tubig ay malinis na rin. Nilinis ba iyon ng papa niya? Ngunit imposible iyon dahil kararating lamang nito. Was it River? Pero bakit naman niya gagawin iyon?"Stella Maris! Ano’ng pinaggagawa mo habang wala ako?" Halos mabingi si Maris sa tinig ng ama. "Mabuti na lang at may private plane si Dean Andres kaya nakasabay ako sa kanya pabalik dito. Napakatig

    Last Updated : 2022-08-07
  • His Professor's Daughter   Chapter 11

    Chapter ElevenHINDI siya makatulog. Bukod sa masama ang loob niya sa kanyang papa —pero alam naman niyang hindi dapat dahil kasalanan naman talaga niya— sa tuwing ipipikit din niya ang mga mata ay mukha ni River Andrada ang nakikita niya.The man is somehow getting through her nerves yet something... something she couldn't unravel why the ef is he distressing her mind as if everything was a big deal. Sanay naman na siya noon pa na napapagalitan ng papa niya. Minsan sa harap pa ng principal nila at sa ilang mga classmates niya. Pero never. Never na hindi siya nakatulog ng mahimbing. Ngayon lang.Kinuha niya ang cellphone at nagtipa ng mensahe para kay Vookie. Kanina pa siya kinukumusta nito dahil alam nitong naboljak na naman siya ng papa niya.Gising ka pa, bes? Then she pressed send.Agad na nag-ring ang cellphone niya. Relieved that her father didn't have to confiscate her devices. Or else, mabubury

    Last Updated : 2022-08-08
  • His Professor's Daughter   Chapter 12

    Chapter TwelveNAISUMITE na halos lahat ni River ang mga requirements niya sa unibersidad na pinapasukan. Ilang pirma na lang ang kailangan niya at mari-release na ang clearance.Kailangan niyang magmadali kung gusto niyang makatapos. Si Professor Pulumbarit na lang ang pag-asa niya so he can get away from this school and convince his parents that he can revive himself. From a horrible son to someone they can be proud of."River!" he heard someone's calling. When he looked around, his mates were hurriedly walking towards him. Hindi niya alam ang gagawin dahil nahuli siya ng mga ito."Tataguan mo na naman kami, pare!" Tinapik ni Hawk ang balikat niya. Sinuntok din siya ni Tris sa kabilang braso habang pinamaywangan naman siya ni Hero. Hangga't maaari ay umiiwas siya sa mga ito. Alam niyang ang mga ugok na ito ang kasa-kasama niya during his downfall but he swore himself to stand up again and regain all that he'd missed."Hindi ko ka

    Last Updated : 2022-08-08

Latest chapter

  • His Professor's Daughter   Epilogue

    MALAKAS ang palakpakan nang umakyat ng entablado si Maris. Mabuti nga at nakahabol siya kahit hindi na siya nakapagbihis. Tinanggap niya ang kanyang diploma at iwinagayway iyon sa harap ng mga manonood. Mas umingay ang mga tao dahilan sa lahat ng inimbitahan nila kanina ay nagsunuran din sa kanila ni River.Binitbit ng isa niyang kamay ang mahabang laylayan ng kanyang trahe de boda at dahan-dahan na bumaba ng entablado. It was the first time that her University allowed such ridiculous idea in attending a graduation. Mabuti na lang at malakas ang mga Andrada at siyempre, matunog pa rin ang pangalan ni Professor Pulumbarit. And besides, she's a cum laude and earned the seventh place on the latest Civil Engineering Board Exam. Sigurado siya, masayang-masaya ang yumaong ina para sa kanya. She looked up the sky and uttered to herself, "Thank you, Mama." Saka siya umusal ng maikling dasal at pasasalamat sa Maykapal dahil sa tinatamasang biyaya na akala niya ay hindi na niya mahahawakan kail

  • His Professor's Daughter   Chapter 101

    "SORRY, bes. Nadulas ako. Iyang asawa mo kasi. May Press Con daw kaya tuloy..."Hindi makapaniwala si Maris. Paglabas nila ng bulwagan ay naghihintay na roon ang kanyang ama. Kasama si Manang Bola, si Nurse Lita at Vookie."Ano na naman ito, Stella Maris?"Sa halip na sagutin ang ama ay si Vookie ang hinarap ni Maris. "Gabing-gabi na. Paano kung may mangyari kay Papa?" Hinarap din niya sina Manang Bola at Nurse Lita. "At kayo? Hindi n'yo man lang naisip na mapapagod si Papa?""Si Prof kaya ang may gustong sumugod dito..." dugtong pa ng kaibigan."Ako ang nagpumilit na pumunta rito nang malaman kong kasal ka na!"Ngunit hindi niya pinapansin ang ama. "Vookie mooo!" nagpipigil sa galit na sabi niya."Vookie mo rin, bes!"Napapikit na lang siya. At unti-unti ay napangiti siya. Panahon na upang aminin niya sa ama ang tunay niyang nararamdaman. Hindi na siya bata. Siguradong-sigurado na siya kung sino ang i

  • His Professor's Daughter   Chapter 100

    HALOS matapilok si Maris sa pagtakbo. Ibig niyang makaalis agad mula sa lugar na iyon. Hindi niya kayang harapin ang kahit sino. Sobrang bigat ng kanyang nararamdaman. Mahal niya si River. Mahal na mahal. Mas masakit aminin ngayon kung gaano niya ito kamahal kumpara noon. Dahil ngayon ay dobleng sakit ang kapalit nito. Dinudurog nito ang kanyang puso.Isang hakbang bago siya makalabas ng bulwagan ay may humagip sa kanyang palapulsuhan. Sobrang higpit ng kapit nito sa kanya kaya't napahinto siya. She looked whoever it was who stopped her from leaving away. Only to find out it was River with his endangering eyes. "And where do you think you're going?" humihingal nitong tanong sa kanya. Halatang sinugpong nito ang kanilang pagitan upang maabutan siya.Napalunok siya. Hindi niya matagalan ang mga titig nito sa kanya. "R-River..." Nangatal ang labi niya at napayuko na lamang. Naroroon pa rin ang mga tao na tila hinihintay na tuluyan na siya

  • His Professor's Daughter   Chapter 99

    "HELLO, River. It's been a long while."River turned around to check where the voice came from. Wala siyang reaksyon na pinagmasdan si Amelia Yap. Tumanda na ang hitsura nito. Alam niya kung gaano nito itinatago sa pamamagitan ng mga kolorete ang mga gitla sa maamong mukha. He couldn't find her angelic face like what he saw with her years ago. Wala na siyang alam tungkol dito. Noong umalis siya sa Pilipinas at tumungo sa Norway, iisang babae lamang ang hinahanap ng kanyang mga mata. The angel with the poisonous venom that killed him so many times in his dreams. Yet he's still longing for that woman to see."It's you," he said. He doesn't have any idea what Amy is still doing in his property. He remembered not inviting any of the Yap's family in any of Andrada's entities. "Just saying hello to an old-time friend," she told him. "Why don't you sit here?" It was Tristan. Trying again to be friendly. Habang nanahimik naman sina Hawk at Hero.

  • His Professor's Daughter   Chapter 98

    THE huge hall was dark. But darkness filled with dancing lights. Nakasisilaw ang mga iyon sa tuwing tatama sa mga mata ni Maris. Maingay din ang tugtog. Hindi niya halos marinig ang tinig ni River na mahigpit ang hawak sa kanyang mga kamay."Don't go anywhere! Just hold my hand. I don't want to lose you," River nearly yelled for her to hear.May imi-meet lamang daw ang asawa at pagkagaling dito ay pupuntahan nila ang mga magulang na nasa pinakaitaas ng floor sa mismong gusali na iyon. Hindi nga niya maintindihan kung bakit isinama pa siya nito sa party na iyon dahil hindi naman siya imbitado.River was smiling very wide while greeting his friends. Napapatingin ang mga nakakakilala rito sa kanya. But he didn't mention anything about her or about their sudden marriage. Akala niya ay ilalantad siya nito sa mga kaibigan? Mali ba ang narinig niya?Malayo pa lamang ay tanaw na niya ang pamilyar na mga kaibigan ni River. Si Hawk Salazar ay guwapong-guwap

  • His Professor's Daughter   Chapter 97

    NASA sala si River at kampanteng nakaupo sa malambot na sopa. Naka-de kwatro pa ito habang nanonood ng TV."Hindi ka ba papasok sa work?" tanong ni Maris. Nakabihis na siya ng simpleng puting t-shirt at maong shorts.Lumandas ang mga mata ni River sa katawan niya. Pakiramdam tuloy niya ay may gumapang sa kanyang buong katauhan. The way he looked at her was so intense. With a lecherous touch. As if he's removing her clothes piece by piece."Not today..." he asserted. "Come sit with me." Tinapik nito ang bakanteng eapasyo sa tabi. The ef! Ibig magmura ni Maris. Panay na naman kasi kabog ng dibdib niya. Pero sinunod naman niya ito.Parang nanigas siya nang dumantay ang braso nito sa kanyang katawan. Inakbayan siya nito at bahagya pang hinapit palapit. Napasinghap siya nang idikit ni River ang ilong sa kanyang basang buhok. "Ang bango mo..." he mumbled. Her body shivered. Kaya napapikit tuloy siya. "I want to eat you. I want to sme

  • His Professor's Daughter   Chapter 96

    MINSAN pang sinipat ni Maris ang sarili. Wala siyang suot habang nakahiga pa rin sa kanyang kama at natatabingan lamang ng puting kumot ang katawan. Nangyari na ang gusto niya. Ibinigay niya ang sarili kagabi ng buong-buo kay River. Nahagip ng kanyang kamay ang unan sa tabi at doon sumigaw. Umaalon ang kanyang dibdib sa paghingal. She's not anymore a virgin. She's now married to River. Last night was unforgettable. Hindi niya narinig na sinabi ni River na mahal siya nito. But heck! He adored every bit of her. The way he touched her body, the way he kissed and whispered words to her, it was memorable. Sa totoo lang, namamaga pa siya. Hindi niya akalain na ganoon kalaki, kataba at kahaba ang pumasok sa kanya kagabi. She couldn't believe it fit her tight womanhood. She's ashamed to think that she has nothing to hide from River anymore. Dahil dinaanan ng labi nito halos lahat ng parte ng katawan niya. Ilang ulit nitong hinagkan ang maseselang bahagi ng kanyang katawa

  • His Professor's Daughter   Chapter 95

    HINDI malaman ni Maris kung saan ibabaling ang paningin. Sa matipuno at mamasel ba na katawan ni River o sa kagandahan ng silid nito? May mga pictures pa, oh. Ganda! The ef! Sinong niloko niya?She's nervous to death. Kung kanina ay handa siyang maghubad sa harapan nito, ngayon naman ay parang dinadaga ang dibdib niya. Totoo ba talaga na kasal na sila? Pag-aari na siya talaga ni River? 'Til death do us part na ba talaga? Tumayo siya at umiwas dito ng tingin. "M-Magsha-shower lang din ako..."Humakbang siya patungong banyo ngunit mabilis ang kamay ni River na pinigilan siya sa braso."I see you're scared, my beloved ducky. Akala ko ba, you're ready to pay me? You owe me. And it's time. We're legally married. Hindi gaya kanina na gusto mong pagsamantalahan ang katawan kong lupa..."Napanganga siya. "A-Anong sabi mo? B-Bakit naman kita pagsasamantalahan?" natatarantang sabi. Halos magdikit na ang mukha nila ni River."Oh,

  • His Professor's Daughter   Chapter 94

    WALANG reception o anomang selebrasyon. Para nga silang dumaan lamang sa tindahan at may binili sandali. Maging ang kaibigan nitong si Hawk ay nagmamadali silang iniwan pagkatapos nitong pumirma ng kontrata. Ngayon ay pabalik na sila sa condo ni River. At mag-asawa na sila.The ef!The ef!The ef again!Hindi malaman ni Maris kung ano ang gagawin o kanyang iisipin. Tama ba ang nagawa niya? Totoo ba ang nangyari? She's now married to River Andrada? Oh my good, gracious, glory, effin soul!Panay ang talon ng puso niya habang nagmamaneho si River sa kanyang tabi. Walang kibo, walang reaksyon ang mukha. Hindi niya malaman kung natutuwa ba ito o napipilitan lamang. Kaya ngayong nakaparada na ang magarang puting kotse nito ay hindi pa rin siya bumababa. Paano naman kasi ay nagsasalimbayan ang mga tanong sa isip niya. Where is she going to start? Where will she stay? Dito? Sa condo ni River? Sa kama nito? Oh her soul! She's not even his girlfrie

DMCA.com Protection Status