"Maxine, congratulations! Ang sabi ni Lexa promoted ka na raw ah?" bati ni James..
Nginitian ko siya. Oo, promoted na talaga ako. Kahit ako ay hindi makapaniwala. Sobrang bilis ng panahon.
"Thank you, James. I guess hardwork is the key." sagot ko sa kanya.
"Can you believe it? Isang taon palang pero promoted agad! That's very unexpected." sabi ng kasama kong si Therese. They've been very supportive of me ever since I got here.
Tumawa naman ako. It really is unexpected.. Specially for someone na last year lang rin nakatapos ng pag-aaral.
"Oh sige, see you both around. Madami pang pinapagawa sa department namin." paalam ni James at tuluyan nang umalis.
Naglakad na kami papunta sa bakanteng upuan sa cafeteria at tsaka kumain.
"Club tayo mamaya, Max." aya ni Therese. "This is your chance to celebrate." ani pa nito matapos sumubo ng pagkain.
Minsan lang naman 'to..
"Sige.. After work deretso tayo do'n."
Parang bata pa siyang pumalakpak kaya 'di ko napigilan ang tawa ko.
Naputol ang tawanan namin nang may lumapit sa amin..
"Congratulations, Ms. Maxine. You deserve the position."
Napatingin ako sa nagsalita at napagtanto ko na ang boss pala namin 'yon. Ang nag-iisang Cloud Agoncillo.
"Thank you, sir. I'll do my best even more." masayang sagot ko rito.
He flashed at smile. He really is attractive, paniguradong marami ang nagkakandarapa sa kanya. Mabait din ito sa mga tauhan niya sa kumpanya, paano pa kaya kung sa babaeng gusto niya?
Tumango ito.. "You'll be spending more time with me kaya make sure that you're ready for the pressure."
It feels good to be the secretary kapag ganoon, sasama ka sa lakad ng boss lalo na kapag meetings. I would love to know more about
"Yes po, I'll be ready." I answered confidently.
After that, he walked away. Napansin kong nakangiti sa akin si Therese kaya inirapan ko siya.
"Spending more time naman pala.." sabay halakhak nito.
Bahagya akong ngumiti sa sinabi niya. Yes, I like our boss but not in a romantic way. He's just very focused with his job, very manly and gentle with everyone.. Guwapo pa. Sino bang hindi makakapansin sa kanya? I bet lahat ng nakakausap nitong babae ay agad na humahanga sa kanya.
"Tigilan mo nga, Therese. He doesn't mean that in a romantic way. Boss 'yun, secretary lang ako." paliwanag ko.
Totoo naman kung iisipin. I think it's rare for a boss to like her secretary romantically. Sa mga palabas lang 'yon.
"Ok, fine. Club ang focus ko today!" banggit ulit nito sa club. Natawa na naman ako sa sinabi nito, mahilig kasi talaga sa club si Therese.
Tinuloy ko na lang ang pagkain ko dahil marami akong tatapusin ngayon. It's my last day as a team leader. Grabe, it's a big promotion kung titignan mo. Mataas na rin naman ang posisyon ko, pero talagang iba pa rin ang pagiging secretary ng CEO. One of the most stressful jobs but also fun, I believe.
After finishing our food, agad kaming bumalik ni Therese sa 5th floor which is 'yung office ng mga team leader.
Sinalubong kami nina Helen, Kathy at ni Gia. Alam ko na mainit ako sa kanilang tatlo dahil sa promotion. Mas matagal na sila rito kaysa sa akin ngunit hindi isa sa kanila ang nakakuha ng posisyon ng secretary. 'Yon ang hindi ko maintindihan, kung bakit ako ang napili kahit na isang taon pa lang ako rito sa kumpanya.
"Here comes the new secretary." panimula ng baklang si Gia na dating Gio.. I sighed, knowing that I will have to explain things to them.
"That was fast. Do you mind telling me the secret, Ms. Maxine?" pang-aasar ni Helen sabay hawi nito ng buhok ko.
Nginitian ko lang sila.. "Try n'yo pumasok nang maaga at ayusin ang team niyo." ika ko.
Kasabay ng pagsama ng tingin nila ay nilagpasan ko sila. Stress lang ang dala niyan kung papatulan mo nang papatulan. Focus sa trabaho, 'yan ang pakay ko rito. Hindi ang pakikipag-away sa mga katulad nila.
Binuksan ko na ang laptop ko at nagsimula na ulit sa trabaho, gano'n din si Therese. Tulad ng dati, todo monitor ako sa reports, files at activities ng team ko. Hindi ako mahigpit na team leader, hindi rin maluwag. I know my team's needs and I know that I'm capable of giving them their that.
Maya-maya ay pumasok ang mga chat notification sa laptop ko. Agad kong binuksan 'yon dahil galing sa group chat ng team ko.
Peter: Congrats Ms. Max! Good job, mamimiss ka namin.
Yna: Grabe talaga, congrats Ms. Max. Goodluck sa pagiging secretary!Jed: You deserve it, Ms. Maxine. Congrats!Patch: Love lots, Ms. Max! Galing mo. Congrats!I'm overwhelmed. The support and love they give is too much. Hahanap-hanapin ko rin sila for sure! It's been a year since all of us met and it's one of the best memories I had here.
Me: Nearest club tayo after work. Sagot ko na.
I waited for their answers.. They said they'll come kaya naman tinuloy ko na ulit ang trabaho ko.
My work is easy kung aayusin mo. I'll miss this kasi sigurado akong punong-puno ng pressure ang pagiging secretary ng boss.
I was distracted when someone walked inside our office.
"Ms. Maxine, please come with me. I'll show you Mr. Agoncillo's schedule.. Sina Ms. Therese and Ms. Kathy na raw po ang bahala sa mga natitira mong trabaho."
It was Ms. Cheska. Siya 'yung secretary ni Mr. Agoncillo bago ako. The one who resigned and gave me her position.
Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at lumabas sa office room ng team leader. Sinundan ko siya sa elevator kasabay ng pagpindot niya sa 12th floor.
"Nako, ang swerte mo Ms. Maxine. Mabait 'yon si Mr. Agoncillo. Kung kakailanganin ay makakasama ka pa nga sa bahay nila at sa mga meetings niya. I wish you a goodluck!" panimula nito nang umandar ang elevator.
Ngumiti naman ako. He really is a good man. Kahit ang sekretarya niya ay halatang komportable sa kanya.
"I'll do my best. Ingat ka sa Hongkong, doon ang punta mo hindi ba?" sagot ko..
Tumango ito bilang sagot."Doon na 'ko magtatrabaho, kasama ko do'n 'yung mga magulang ko."
Maya-maya lang ay nakarating na kami sa 12th floor at dumeretso sa desk niya na nasa labas ng office ni Mr. Agoncillo.
Itinuro niya sa akin 'yung mga bagay na kailangan kong malaman. Simula sa pag-aasikaso ng schedule, paghahanda para sa mga meeting, at ang oras kung kailan ko pwedeng ayusin ang mga gamit sa loob ng office.
"Masasanay ka rin diyan, for now siguro konting pressure lang 'yan." Ms. Cheska said. Gumaan naman ang loob ko sa sinabi nito.
Matapos niyang magsalita ay tumunog ang telephone sa gilid ng desk. Agad na sinagot 'yon ni Ms. Cheska.
"Okay sir, Ms. Maxine will be there." usap nito sa telepono na nagpatingin sa akin.
"Sino 'yon? Anong sabi?" tanong ko sa kanya.
"Si Mr. Agoncillo. Tara, ituturo ko sa'yo kung paanong timpla ng kape ang gusto ni Mr. Agoncillo." sagot at aya nito sa akin.
Sumunod ako sa kanya patungo sa maliit na hallway hanggang sa makarating kami sa pangalawang room. Nang makapasok kami ay bumungad sa akin ang maliit na kitchen room ng floor na 'to.
Itinuro niya sa akin nang step-by-step kung paano 'yon gawin. It was easy so I was able to remember it immediately. Madali lang naman pala ang pagiging secretary, o baka naman masyado lang akong kampante?
"Dapat before 7:30, nasa desk na ni Mr. Agoncillo ang coffee niya. It should not be early nor late, 'yung sakto lang bago siya dumating." paliwanag nito..
I nodded. I made sure na matatandaan ko 'yon.
"Oh ayan, pinapadala ni Mr. Agoncillo sa'yo 'yan sa loob ng office niya. Goodluck!" dagdag pa nito..
Wala na 'kong nagawa at sumabay sa lakad niya palabas sa kitchen room patungo sa harap ng office door ni Mr. Agoncillo..
I took a deep breath first then knocked. Nang pumasok ako ay nakita ko siyang titig na titig sa computer niya. He looks so expensive with that suit sabayan pa ng mala-anghel na itsura nito. Even his body, it was manly.
"Ms. Maxine?"
Halos mataranta ako nang banggitin niya ang pangalan ko.. Agad akong lumapit sa kanya at nilapag ang kape niya sa desk.
"I'm sorry, sir. Kinakabahan lang po." paumanhin ko sa kilos ko kanina.
A playful smirk was formed in his lips. This is insane, mukhang mapapalaban ako araw-araw.
"It seems like your mind is occupied with something else." sabay tingin nito sa akin.
Oh, please. Hindi ko alam kung flirt ba talaga 'tong boss ko o sadyang mapang-asar lang.
"No sir.." sagot ko. "Anything else, Mr. Agoncillo?" I asked.
Umiling ito. "I will call you again when I need you."
Tumango ako.
Naglakad na ako palayo, pero bago pa ako makalabas ng opisina niya ay muli niya 'kong tinawag.
"Ms. Maxine.." he said with a very low voice.
Oh, I swear that his voice could attract every girl in this company.
Humarap ako sa kanya at muli siyang hinintay na magsalita.
"Here, study these files. They're important for you to know." aniya at inilahad ang kamay niyang hawak ang tatlong white folder.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang folder para kunin but he resisted. He held it tightly and asked.. "What's your surname again?"
I looked at his eyes before answering.
"Valencia, sir. Maxine Valencia." I said introducing myself then he let go of the folders.
I broke the eye contact and left the office.. I sighed deeply.
"Ano? Kamusta?" tanong ni Ms. Cheska..
"That was.. hard?" I answered releasing a small chuckle.
She chuckled too. "Ito, pagaaralan ko raw 'to." saad ko at inabot sa kanya ang mga folder.
"Ay madali lang 'to. Tungkol 'to sa mga business partners ni Mr. Agoncillo and mahalaga na kilala mo silang lahat." anito.
Tumango nalang ako.. Patuloy siya sa pagturo sa akin ng mga dapat kong gawin. Ang sabi niya ay kung magagawa ko nang maayos ang trabaho ko, walang magiging problema si Mr. Agoncillo sa akin. I will do my best in being Mr. Agoncillo's secretary starting tomorrow.
4:52 P.M
Nandito na ulit ako sa 5th floor at nag-aayos ng gamit ko. Nauna na sila Therese sa 1st floor dahil medyo late na 'kong nakapag-ayos ng gamit gawa ng marami akong ginawa kanina sa 12th floor.
Habang nag-aayos ako ng gamit ay halos mapatalon ako nang bumukas ang pintuan dito sa office ng mga team leader.
"Mr. Agoncillo? Ano pong ginagawa niyo rito? Wala na pong tao rito nang ganitong oras.." gulat na utas ko sa kanya.
"Actually, I'm looking for you." he said while walking towards me. It gave me chills and I don't even know why..
"Here, take these folders too and read it. We have a meeting with our biggest share holders tomorrow and I'm expecting you to be early." wika niya.
Kinuha ko ang folders at inilagay 'yon sa bag ko.
"Sabay na tayo."
Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya
"Po?"
"Sabay na tayo.. Sa elevator." he explained.
"Ah.. Sige po."
Ang tanga, Maxine..
Nang matapos ako mag-ayos ay naglakad na kami palabas. He even held the door open for me. What a gentleman, right?
Dahil sa hiya ay ako na ang pumindot ng 1st floor button sa elevator. Walang nagsasalita sa amin hanggang sa makarating kami sa 1st floor pero bago pa man bumukas ang pintuan ng elevator, siya na ang bumasag sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa.
"See you tomorrow, Ms. Maxine. Ingat." then he walked out..
Ako naman ang naglakad palabas nang makalayo siya. Bumungad sa akin ang ilang tao, kasama na si Helen, Kathy at Gia.
"Oh, nandiyan na pala si Ms. Maxine. Tara na!" rinig kong sabi ni Yna.
"Sama kami ha! You don't mind naman 'di ba?" bungad ni Helen.
Napatingin ako kay Therese.. Alam kong hindi niya rin alam kung sinong nag-aya sa tatlong 'yon.
"Sige." maikling sagot ko kahit na hindi ako pabor dito.
Dalawang kotse ang gamit namin.. Isa ay kay Therese at isa naman kay Jed. Si Yna at Patch ang kasama ko rito sa kotse ni Therese habang si Peter, Helen, Kathy at Gia naman ay nasa kotse ni Jed. Thank goodness at hindi sila dito sumakay.
"Excited na 'ko! Libre pa naman ni Ms. Max." ani Patch. Lasinggera 'yan si Patch pero mabait naman at masipag magtrabaho.
"Kalmahan mo lang, Patch. Panigurado ay baliko ka nanaman kung maglakad mamaya." asar ni Therese sa kanya.
Tumawa ako sa sinabi nito. Totoo naman, laging gano'n si Patch.
"Sus, ikaw rin naman Ms. Therese!" tanggol ni Yna sa kaibigan niyang si Patch.
Bahagya akong tumawa sa maliit na bangayan nila. Nako, parang mga bata kung mag-asaran..
Maya-maya lang ay nakarating na kami sa bar dahil halos kabilang street lang naman ang bar na 'yon.. Agad kaming pumasok nang makababa kami sa kotse.
Nakasabay na rin namin sina Jed papasok kaya't humanap na kami ng seat namin. Luckily, mayroong dalawang 5 seater table na nasa harap.
We took the chance to sit there at pinagdugtong naman ng mga kasama naming lalaki ang table.
Dahil siyam kaming magkakasama, tatlong bote ng alak agad ang in-order nila at napakaraming pulutan.. Oo, medyo mabigat na sa bulsa 'yon dahil hindi pa naman sweldo.
"Pst, tignan mo 'yun." bulong ni Therese sa akin habang nakaturo sa dulo ng bar.
Agad kong tinignan ang itinuturo niya.. Noong una ay hindi ko napansin kung ano ang tinuro niya, ayun pala ay 'yung lalaki na mag-isang nakaupo sa likod.
"Anong meron?" tanong ko..
"Wala lang, pogi lang."
Natulala ako sa sinabi niya. Pogi? Eh halos hindi na nga makita ang mukha no'n dahil sa dilim.
"Adik ka talaga." sagot ko na ikinatawa niya lang. Halata namang nang-aasar lang ito.
Hindi nagtagal ay dumating ang mga in-order nila. Halos malula ako sa dami ng pulutan. Mauubos ba talaga namin ito?
Nagsimula kaming mag-inuman. Napuno ng tawanan at kuwentuhan ang table namin. Oo masaya, sobra.
"Why don't we play truth or dare? It'll be fun!" aya ni Helen.
Binabawi ko na ang sinabi kong masaya.
Hindi ko na inisip pang kumontra dahil lahat sila ay sumali na. Ayoko naman na maging killjoy.
Kinuha ni Helen ang isang bote ng alak na naubos namin at hinayaang umikot 'yon sa lamesa.
"Maxine!" sigaw ni Gia sa pangalan ko nang tumapat sa akin ang bote..
Napabuntong-hininga ako.
"Truth."
"Paano ka naging secretary within a year? I mean, isn't it a little too suspicious? Tell us your secret." ani Helen.
Ito na naman.. Ano bang akala nila? Ginayuma ko ang boss namin?
"Hardwork and dedication. 'Yun lang naman." I answered..
"In a year? You earned the position that fast?" kontra ni Kathy.
"Well, yes. Ano pa nga ba?" I said fighting her indirect suspicion.
"Something is fishy, girl. Huwag mo nang itago. Kasabay mo nga si Mr. Agoncillo kanina sa elevator eh." pang-aasar ni Gia.
So anong pinapalabas nila? That I'm a slut who just got promoted?
"I'm not hiding something, it's all in your head." I calmly said, making sure not to lose my temper.
"Oo nga, deserve niya naman 'yon." wika ni Peter.
"Oh come on, Peter. Ilang taon ka na sa kumpanya? Three or four but still no promotion. Eh itong si Maxine?" laban ni Helen.
This is something about me, huh? They're too invested in this topic.
"Kung may sasabihin kayong tatlo, sabihin niyo na. Diretsuhin niyo 'ko." matapang na sabi ko.
Helen giggled and it made me furious..
"Baka naman there's something going on between you and Mr. Agoncillo. That's why you got the promotion." Kathy said. They were mocking me.
That's it. They're really trying me.
"It's not my fault that the three of you can't get a promotion kahit na apat na taon na kayong nagtatrabaho sa kumpanya." sambitla ko. "Hindi ko kasalanan na palagi kayong nasa ibaba ko." dagdag ko pa.
Nanahimik ang lahat sa sinabi ko. Truth hurts.
"Chill, it was just a random theory. Why are you so defensive?" ani Gia.
Naningkit ang mata ko sa kanya. They're really pushing me.
"Tama na 'yan, next na." pag-iiba ni Therese ng topic.
Nanahimik ako at hindi nagsalita pagtapos no'n habang sila naman ay tuloy sa laro. Lahat sila ay nagsasaya habang ako naman, urat na urat na sa tatlong magkakaibigan.
Uminom ako mag-isa habang sila naman ay naglaro.
"Oh, last truth or dare.." ika ni Jed.
Pinaikot ni Gia ang bote ng alak at saktong tumapat sa akin. Ulit..
"Truth."
"Korny mo naman, dare ka naman diyan!" inarte ni Helen.
P*****a talaga. Kaunti nalang at sasabunutan ko na ang tatlong ito.
"Fine, dare." I said showing a plastic smile.
"Flirt with that guy at the back. Go get his number, but if you don't get it, chug the remaining alcohol." ani Helen.
Demonyita talaga 'tong Helen na 'to at sinusubukan talaga ako.
"It's fine if you can't, iinumin mo lang naman 'tong natira na alak." pang-aasar ni Kathy.
Alangan akong tumingin sa mga kasama ko. Alam ko na nag-aalala sila pero hindi ko pababayaan na tapak-tapakan ako ng tatlong 'to at akalain na mahina ako.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at kinuha ang shot glass na may lamang alak sabay lakad papunta sa dulo ng bar. As I was walking, nagtama ang mata namin.
I seductively sat beside him and asked.. "You're alone?"
Umiwas ito ng tingin bago tumango.
"What do you need?" tanong rin nito.
I didn't want this but here I am sitting beside him.
"Hmm, gusto kitang makilala." sagot ko. I made sure that it was seductive enough, but not too much.
"And?" he said as he moved away from me.
I frowned.
"I've been looking at you since you came here. What do you need? I know you're not the flirty type."
I was disappointed.. Mukhang mapaparami ako ng alak.
"Nevermind." I said and stood up.
Hinila niya ako pabalik kaya naman nabalik ako sa kinauupuan ko kanina.
"Your dare is connected to me, right?"
I was confused but also thankful. Alam niyang napipilitan lang ako. Pero paano nga ba niya nalaman?
"How did you-"
"Ang lakas kaya ng boses niyo."
This is so wrong and humiliating but I had to do it. Just to prove myself.
"What do you need? I'll help."
Napatingin ako sa kanya. My face lightened when he said that.
"They said I have to flirt with you and get your number pero kung hindi ko nagawa 'yon, kailangan kong inumin ang natitirang alak sa bote namin." paliwanag ko.
Sinulyapan niya ang table namin at tumingin sa akin. "That's a lot of alcohol."
Totoo, ayokong malasing.
"Give me your phone." utos nito.
Agad ko namang binuksan ang cellphone ko at ibinigay 'yon sa kanya. After a few seconds ay ibinalik niya 'yon.
He added his number on my contacts. His name is Lucian.
"Shit.. Thank you, Lucian."
I was about to walk back to the table but again, hinatak niya 'ko. But this time was different.
Nabalik ako sa tabi niya and after that, I felt him put his lips on mine. He held my neck and that was fucking hot lalo na't halos masakop ng kamay niya ang leeg ko.
A few seconds after, lumayo siya..
"What the hell was that for?" I asked. I couldn't understand what I was feeling that moment.
"So that they'll believe that you flirted with me." he said.
That was an insane move.
He looked at me again after saying that and asked.. "What's your name?"
Sasabihin ko ba? Paano kung pervert 'to? Rapist? Or mamamatay tao?
"Hindi ako masamang tao. I just helped you, miss."
"Maxine Valencia." pagpapakilala ko sa sarili ko.
Tumango lang siya kaya naman agad akong naglakad pabalik sa table namin.. Lahat sila ay nakangiti pwera kina Helen, Kathy at Gia.
"What?"
"Nakita namin 'yon.." ani Jed.
Inirapan ko nalang sila. I opened my phone and iniharap 'yon sa kanila para ipakita na nakuha ko ang number ni Lucian.
"You passed, congrats." Helen said
Hindi ko na 'yon sinagot.. Halos murahin ko ito sa isipian ko dahil sa ipinagawa niya
His name is Lucian but I didn't got his last name. Tumingin ako sa gawi niya pero wala na siya roon.
"Goodnight, Maxine! See you tomorrow!" sigaw ni Therese habang kumakaway naman ang iba naming kasama sa akin.Pumasok na 'ko sa loob at dumiretso sa elevator.. I pushed the 7th floor's button and since wala namang ibang tao, the doors automatically closed.After a few minutes, nakarating ako sa 7th floor at lumabas na ng elevator. Konting lakad lang and here I am opening my condo's front door.Nang makapasok ako ay nilapag ko 'yung bag ko sa sofa at dumiretso sa kwarto ko. Agad akong nag-ayos ng sarili ko at humiga sa kama..I remembered what happend earlier and I wondered.. Lucian is his name but what could be his surname? Rare name ang Lucian and there are thousands of surnames that could fit his name.Wala sa sariling hinawakan ko ang labi ko. I remembered what happened. I can't say that he took advantage of me dahil ako ang may kinailangan mula sa kanya.Tumayo ako mula sa kama ko at dumiretso sa sala, may kailangan pa pala akong basahin na files..Agad kong inintindi at binasa an
Lumayo siya sa akin at ngumisi. "Let me know when you're free. You have my number." he said and left me.Natulala ako matapos noon. I can't believe him.Nagising ang diwa ko nang may pumasok sa meeting room. Agad kong tinignan kung sino yo'n and it was Mr. Cloud Agoncillo."Tara?"Inayos ko agad 'yung mga gamit ko. After that, we left the meeting room. Habang nasa labas na kami papunta sa elevator ay natanaw ko si Lucian.Sumabay siya sa paglakad namin pero hindi niya 'ko pinansin. That's good, I thought.Nang makapasok kami sa elevator ay naunahan akong pindutin ni Lucian ang floor number ng opisina ng kapatid niya. Because of that, I stepped back at pumunta sa likod.."I'll handle it, Cloud. Trust me."Matapos niyang magsalita ay sumandal siya sa railing ng elevator. He was now beside me.. Hindi ko kayang tignan ang lalaking 'to. He's giving me too much tension.Nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako kay Mr. Cloud, thinking that maybe he'll caught us.Umayos siya
Lucian parked the car when we got inside the university. Lumabas kami mula sa kotse niya at sabay na naglakad papunta sa hallway.."Wait, I'll call her." pigil nito sa akin at inilabas ang cellphone niya."Sunny, nasaan ka?" tanong nito sa kapatid niyang nasa kabilang linya."Okay, wait there. We're almost there." aniya at binaba ang tawag.Binalik niya sa bulsa niya ang cellphone.. "Follow me." sabay hawak nito sa kamay ko.Magkahawak ang kamay namin habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ng kaptid niya. He's being clingy despite of the fact that we just met last night. Things are really going too fast.Tinanggal ko sa mula sa pagkakahawak niya ang kamay ko. That made him stop.. Then he looked at me."Why?" he asked."Pasmado ako.. Don't worry, susundan naman kita." palusot ko rito.He nodded and continued walking. Sumunod ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang lugar na kaunti nalang ang mga estudyante.Ilang minuto lang ay huminto kami sa harap ng isang CR. "Sunniva s
Lucian and I started eating. The steak in here is excellent. Bukod sa ibang restaurant na nakainan ko, isa 'to sa mga nagustuhan ko. Plus, the view makes it even better. "Any thoughts?" he asked while eating. "It's great. Dumagdag pa 'tong magandang view." tugon ko. He nodded and continued eating. "I've eaten other Salisbury Steak before but this one? Kakaiba 'to for me." I said complimenting the food. Ngumiti ito at tinapos ang huling pagkain na isinubo niya. "I loved that when I was a kid. Iyan ang madalas na niluluto ng mommy ko sa akin noon." aniya. "No wonder it's in the menu.." I said. We finished our food immediately para makasakay pa kami ng kabayo. I wanted to do that so bad. Paalis na sana kami nang may maalala ako.. Paano ako sasakay sa kabayo kung skirt ang suot ko? I looked at Lucian who's talking to someone.. "Lucian, skirt ang suot ko.." "Silly, of course we'll change. You can use Sunniva's clothes here." paliwanag nito sabay pakita sa akin ng susi. My face lig
Maxine's Point Of View Nang matapos akong mag-ayos ng sarili ko, sunod ko namang binalak na ayusin ang mga gamit ko. Humarap ako ay Lucian at nagsalita. "Una na 'ko sa labas, mag-aayos muna ako ng gamit ko." Tumango ito bilang sagot. "Susunod ako, hatid na kita." I smiled at him and went out. Agad kong inayos ang mga gamit ko. I made sure na wala akong naiwan. Napatingin ako sa office door nang lumabas doon si Lucian. He was smiling. Halos abot tenga ang ngiti niya. "Let's go?" he asked. "Tara." Sabay kaming naglakad papunta sa elevator. He was holding my waist and he kept me close to him. Siya na mismo ang pumindot ng floor level. It was comfortable next to him. I felt warm with him. Napatingin ako sa floor number nang huminto ang elevator. Agad akong humiwalay sa pagkakahawak ni Lucian nang makita na nasa 5th floor kami. He looked at me confused pero hindi na niya 'ko pinilit na bumalik sa tabi niya. The doors opened and it revealed Jed and Therese. I was relieved. Buti n
I woke up feeling good today. Kumpleto ang tulog ko dahil maaga akong nakatulog kahapon. When I checked the clock, it was still 4 in the morning. I decided to get up and fix myself. I was able to take a bath and do my hair without any pressure dahil maaga pa at siguradong makakarating pa rin ako nang maaga sa opisina. After that, I checked the time again at saktong alas singko na. I looked at the mirror and checked myself. Mukha na 'kong sekretarya. With my long straight hair, short skirt, long sleeves rolled up to my elbow and of course the heels, I really do look like a secretary.. Lumabas na 'ko ng unit ko at pumasok sa elevator. I pushed the last floor number. Every morning, puwede ro'n na magpaluto ng breakfast and I thought, why not have a breakfast there since sakto ang sunrise. Nang makarating ako roon ay nakita ko na mayroong mga mas nauna sa akin, there were eight people there. Agad akong umupo sa dulo kung saan kitang-kita ang kailaliman ng building. A waiter approach
Mr. Agoncillo's bodyguard opened the car's door for us. Naunang sumakay si Mr. Agoncillo at sumunod naman ako. Nasa left side siya ng kotse habang ako naman ang nasa right side. I thanked his bodyguard at siya naman ang umupo sa harap ng sasakyan kasama ang driver. Hindi ko alam kung saan kami papunta ngayon basta't dala ko lang ang wallet ko pati na rin ang cellphone ko. I didn't bother asking Mr. Agoncillo dahil panatag naman ang loob ko na magiging ligtas ako kapag kasama ko siya. "Anong oras ka nga pala umuwi kahapon?" biglang tanong ni Mr. Agoncillo. I decided to tell the truth kaysa naman magsinungaling ako. "Halos alas kwatro na po." He nodded. "You finished your work yesterday?" he asked again. "Yes, sir." then I lied. Ang totoo niyan ay kahapon ko pa talaga dapat tapusin 'yung mga trabahong ginawa ko kanina. He nodded again as an answer. Hindi ko alam kung dapat ba 'kong kabahan dahil mukhang hindi ito naniniwala sa akin.. Maya-maya lang ay pumasok ang kotse na sinasa
"Why don't we take a walk? Para bumaba 'yung kinain natin." aya nito sa akin.Tumango naman ako. "Sige po." pagsang-ayon ko sa kanya.Tumayo kami mula sa kinauupuan namin at sinundan ko siya. Natatandaan ko itong dinaanan namin, ito 'yung daan papunta sa race course kung saan kami nangabayo ni Lucian.Maya-maya lang ay natanaw na namin ang race course. Saglit na huminto si Mr. Agoncillo at sinabayan ako sa paglalakad."Marunong ka bang mangabayo?" tanong nito.Umiling ako. "Isang beses pa lang po akong nakakasubok ng ganiyan."Sinulyapan ako nito.. "Seryoso ka ba?" tanong ulit nito.Tumango naman ako. Hindi naman kasi mahilig na umalis ang pamilya namin noon at simula naman noong kinuha sa amin si mama, sa iba na nag-focus si papa."Gusto mo bang subukan ulit?" tanong nito.I was speechless. Katulad ni Lucian, mabait rin ito. Pero masyado nang nakakahiya sa kaniya. Sa kanila ng kapatid niya."Nako, huwag na po.. Hindi rin naman po ako marunong mangabayo." I said, declining his offer.
Lucian's Point Of View"Tito Lucian, can you please buy me toys next time? Papa won't buy me one."Nagtataka akong tumingin kay Terrence. Ang dami-dami niyang pera pero ayaw niyang ibili ng laruan ang naka niya, ang kuripot lang."Sure, Tristan. Mukhang nagtitipid ang papa mo," biro ko.Terrence scoffed. "Huwag mo ngang i-spoil 'yang anak ko, masasanay 'yan nang ganiyan!"Tinawanan ko lang ang reklamo niya. Tristan is smart, alam niya na hindi dapat abusuhin ang mga ganitong bagay."I love Tito Lucian! He gives me many gifts," ani Tristan at yumakap sa akin.Yumakap ako pabalik para asarin si Terrence dahil mukhang napapalapit na sa akin ang anak niya.Napalingon kaming tatlong lalaki nang bumukas ang pinto."Hey! Why are you hugging my daddy?"Tumakbo papalapit sa akin si Lara at nagmamadaling umakyat sa sofa para paalisin si Tristan sa tabi ko.Agad kong inilayo si Tristan mula kay Lara bago pa niya masaktan ito."Don't you love me anymore? Why are you choosing him over me!?" angal
3 Years AfterI started catching my breath when Therese came inside my room. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako, this is my special day."Maxine, ikaw na lang..."I looked at the mirror and calmed myself. When I was good enough to come outside, I lifted my dress where I couldn't step on it.Tinungo ko ang labas ng cottage at saka kami naglakad ni Therese papunta sa ocean front area.I saw my father standing before the arc. Kinuha niya ang kamay ko at ngumiti sa akin. Ganoon din ang ginawa ko. Finally we are fine now, I thought.Before walking towards the priest, I wandered my eyes around and saw everyone — including my family and some of our friends from the bratva.Then I saw him.Nakangiti siya pero kita ko pa rin ang pagluluha ng mga mata niya. I smiled at him and then we started walking.I could feel everyone's attention, yet my attention was on him.The whole walk took long for me, but when I was already in front of him, kitang-kita ko ang kinabukasan naming dalawa, the pur
Maxine's Point Of ViewDahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Halos masilaw ako sa ilaw na magmumula sa itaas. I whole body felt sore.Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko rin naituloy dahil sa sakit na naramdaman ko sa ibabang parte ng katawan ko."Maxine?"Inilipat ko ang tingin ko sa kanan nang marinig ko ang boses ni Lucian... Mukhang kagigising lang niya."May masakit ba sa'yo? Ayos ka lang ba?" natatarangtang tanong nito sa akin.Umiling ako. "Ayos lang ako.""Teka lang, tatawagin ko si doktora." Dere-deretso siyang lumabas ng silid.Naalala ko si Xed.His throat was slit open because of Sunny. Naalala ko kung paano siya tumumba nang mangyari iyon.I sighed in frustration.Nabaling ang tingin ko sa isang doktora na pumasok kasama si Lucian, Cloud at Sunny.Bahagya akong nginitian ni Cloud at Sunny, so I did the same. I have to apologize right after this."Ms. Maxine, kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ng doktora sa akin."Maayos naman po... medyo masakit lang ang ibabang par
Maxine's Point Of ViewPumasok kami ni Xed sa isang malawak na silid, agad akong naupo sa isang upuan habang siya naman ay may inaasikasong gamit. Ang sabi niya ay pupunta ngayon si Lucian para ibigay ang pera niya, at tapos no'n ay tutulungan niya 'kong makalayo sa kanila.Dalawang araw na ang nakalipas simula nang magising ako at ni isang beses ay hindi ako sinaktan ni Xed o kahit ginalaw man lang. He even played board games with me."Ayos ka na ba?" tanong niya sa akin.Tumango lang ako bilang sagot.The large room made me feel anxious. Hindi ako napakali at tumayo. Lumabas ako patungo sa balcony at saglit na nagpahangin.Madilim na sa labas. Tulad sa bahay nina Lucian ay may mga bantay na umaaligid sa labas. Maliwanag ang buwan at kitang-kita ang mga bituin sa kalangitan.I heard footsteps near me, and I immediately suspected that it was Xed."Oh, if I could only know what you are thinking."He leaned on the balcony. Hawak niya ang isang baril pero nakatutok lang 'yon sa ibaba."W
Lumipas na ang halos apat na araw pero hindi pa rin nagpaparamdam si Maxine. Hindi ko alam kung nasaan siya at kung may balak pa ba siyang makipag-usap sa amin.Si Xed naman ay pa rin namin mahanap. Puro pekeng leads lang ang nahahanap namin at distraction, pero sigurado akong malapit lang siya sa amin.Lumabas ako mula sa kuwarto ko nang matapos ako sa pag-aayos ng sarili ko. Sa sala ay nakita ko sina Cloud at Arazela na may kausap sa sarili nilang mga telepono."Wala pa rin tayong lead na maayos," ani Daniel nang makalapiy siya sa akin."Witness? Kahit sinong kasama ni Xed?" tanong ko.Umiling lang siya bilang sagot.Sa totoo lang ay hindi ko na alam kung paano ko mahahanap si Xed. It's like he spent a big amount just to escape from us. Sigurado akong hindi lang siya mag-isa sa plano niyang ito, someone is helping him escape.Napatingin kaming lahat nang sa pinto nang bumukas 'yon at nagulat sa taong dumating."Ma, Pa!"Lumapit si Cloud at Sunny sa kanila habang ako naman ay nanatil
Bumaba agad ako sa taxi na sinasakyan ko nang makarating ako sa bahay nina Lucian. Awtomatikong bumukas ang malaking gate na nagsisilbing harang at binati ako ng mga bantay.Nagpatuloy lang ako sa paglalakad kahit pa galit at halos sumikip ang dibdib ko.Bago ko pa mabuksan ang pintuan ng bahay ay bumukas na 'yon at tumambad sa akin si Terrence at Cheska."Maxine! Akala ko ba—"Napatigil si Cheska sa pagsasalita nang bahagya ko siyang itulak para makapasok ako sa loob ng bahay. Dali-dali akong umakyat pero bago ko pa maabot ang ikalawang palapag ng bahay ay nahawakan ni Terrence ang kamay ko."Maxine, anong problema mo?" Nakita ko sa mata niya ang pag-aalala, ngunit hindi ko 'yon pinagtuunan ng pansin."Anong problema ko?" ulit ko sa tanong niya. "Kayo ang problema ko!" Sinubukan kong kumalma pero masyadong mahirap para sa akin ang sitwasyon ko ngayon.I saw how confused they were when I said that. Hindi sila makapagsalita dahil alam nilang hindi ako ayos — alam may mali."All of you
I looked at myself in the mirror, I have to be calm before leaving the house. Kailangan magmukhang natural ang lahat dahil kung hindi, baka mahalata ni Cheska ang balak ko.Kinuha ko ang isang backpack pati na rin ang sling bag ko. It was heavy, but I managed to handle them both.Paglabas ko sa kuwarto ay agad akong bumaba sa sala, doon ay nakita ko si Cheska habang kausap ang asawa niya."Umuwi ka pala?" usap ko kay Terrence. "Si Lucian?" tanong ko pa.Umiling siya. "Hindi siya umiwi, eh."Napakagat ako sa labi ko at tumango na lang. I should've expected that."Mauna na 'ko, baka ma-traffic pa kami papunta sa condo ng tita ko." Iyon na ang huling paalam ko sa kanila at deretsong lumabas ng bahay.Naghihintay na roon ang kotse na palagi kong sinasakyan kaya tinulungan na rin ako ng driver na isakay ang backpack ko na punong-puno.Naramdaman ko ang presensya nina Terrence at Cheska sa likod ko kaya naman hinarap ko sila para magpaalam muli."See you tomorrow?"They both nodded. "Babali
Sabay kaming naupo ni Tita Malou sa sofa pagtapos naming kumain. I missed this, kung minsan talaga ay naiisip ko kung ano kaya ang puwedeng mangyari kung hindi ko pinutol ang koneksiyon naming dalawa pag-alis ko sa probinsya."Nasaan nga pala si Tito Luis?" kuryosong tanong ko sa kanya."Dalawang araw sa Makati ang Tito Luis mo. Doon na siya tutuloy, pupuntahan niya na lang kami rito sa Martes."Tumango ako bilang sagot. So, they're just here for Tito Luis' work."Iyong nobyo mo? Hindi mo isinama, nasaan ba siya?"Napangiti ako sa tanong niya. Lucian is someone that I would love to brag about, not because he's rich, but because he's the best man for me... kahit pa nagagawa niyang magsinungaling at palaging nasa trabaho."Nasa trabaho siya, tita."Hindi na siya nagulat sa sinabi ko, bagkus ay natuwa pa siya. Alam ko na magugustuhan niya si Lucian dahil noon pa man, gusto na niyang mahanap ko ang lalaking magpapasaya sa akin. Akala niya nga noon ay babae rin ang gusto ko dahil ni isang
Limang na araw na ang nakalilipas simula noong tawag ako ni Lucian. Pagtapos no'n ay puro text na lang ang ginagawa niya, mas madalas pa nga kung tumawag si Cloud.Hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya, pero kahit ganoon ay tiniis ko dahil sa tuwing tumatawag sa amin ni Sunny si Cloud, itinatanong ko naman kung kamusta na si Lucian.Hindi rin naman kami nagkikita ni Lucian sa bahay nila dahil kadalasan ay ala-una o alas-dos na siyang umuuwi para lang kumuha ng gamit. Sinubukan ko na intindihin ang sitwasyon niya dahil mukhang aligaga silang dalawa ni Cloud sa trabaho.Kung si Lucian ay umuuwi pa rito tuwing madaling-araw, si Cloud naman ay nananatili lang sa headquarters. Pati nga ang graduation ni Sunny ay hindi nila napuntahan — kami lang nina Cheska at Terrence ang pumunta at naghanda para sa graduation niya.Pero kahit ganoon ay hindi ako nakakita ng pagkadismaya sa mukha ni Sunny noong araw na 'yon dahil pinadalhan siya ng regalo ng mga kapatid niya. Panandalian siyang pumunta sa