I woke up feeling good today. Kumpleto ang tulog ko dahil maaga akong nakatulog kahapon. When I checked the clock, it was still 4 in the morning. I decided to get up and fix myself. I was able to take a bath and do my hair without any pressure dahil maaga pa at siguradong makakarating pa rin ako nang maaga sa opisina. After that, I checked the time again at saktong alas singko na. I looked at the mirror and checked myself. Mukha na 'kong sekretarya. With my long straight hair, short skirt, long sleeves rolled up to my elbow and of course the heels, I really do look like a secretary.. Lumabas na 'ko ng unit ko at pumasok sa elevator. I pushed the last floor number. Every morning, puwede ro'n na magpaluto ng breakfast and I thought, why not have a breakfast there since sakto ang sunrise. Nang makarating ako roon ay nakita ko na mayroong mga mas nauna sa akin, there were eight people there. Agad akong umupo sa dulo kung saan kitang-kita ang kailaliman ng building. A waiter approach
Mr. Agoncillo's bodyguard opened the car's door for us. Naunang sumakay si Mr. Agoncillo at sumunod naman ako. Nasa left side siya ng kotse habang ako naman ang nasa right side. I thanked his bodyguard at siya naman ang umupo sa harap ng sasakyan kasama ang driver. Hindi ko alam kung saan kami papunta ngayon basta't dala ko lang ang wallet ko pati na rin ang cellphone ko. I didn't bother asking Mr. Agoncillo dahil panatag naman ang loob ko na magiging ligtas ako kapag kasama ko siya. "Anong oras ka nga pala umuwi kahapon?" biglang tanong ni Mr. Agoncillo. I decided to tell the truth kaysa naman magsinungaling ako. "Halos alas kwatro na po." He nodded. "You finished your work yesterday?" he asked again. "Yes, sir." then I lied. Ang totoo niyan ay kahapon ko pa talaga dapat tapusin 'yung mga trabahong ginawa ko kanina. He nodded again as an answer. Hindi ko alam kung dapat ba 'kong kabahan dahil mukhang hindi ito naniniwala sa akin.. Maya-maya lang ay pumasok ang kotse na sinasa
"Why don't we take a walk? Para bumaba 'yung kinain natin." aya nito sa akin.Tumango naman ako. "Sige po." pagsang-ayon ko sa kanya.Tumayo kami mula sa kinauupuan namin at sinundan ko siya. Natatandaan ko itong dinaanan namin, ito 'yung daan papunta sa race course kung saan kami nangabayo ni Lucian.Maya-maya lang ay natanaw na namin ang race course. Saglit na huminto si Mr. Agoncillo at sinabayan ako sa paglalakad."Marunong ka bang mangabayo?" tanong nito.Umiling ako. "Isang beses pa lang po akong nakakasubok ng ganiyan."Sinulyapan ako nito.. "Seryoso ka ba?" tanong ulit nito.Tumango naman ako. Hindi naman kasi mahilig na umalis ang pamilya namin noon at simula naman noong kinuha sa amin si mama, sa iba na nag-focus si papa."Gusto mo bang subukan ulit?" tanong nito.I was speechless. Katulad ni Lucian, mabait rin ito. Pero masyado nang nakakahiya sa kaniya. Sa kanila ng kapatid niya."Nako, huwag na po.. Hindi rin naman po ako marunong mangabayo." I said, declining his offer.
Nabulabog kami ni Mr. Agoncillo nang marahas na bumukas ang pintuan. There he is, staring blankly at us.Sumulyap ako kay Mr. Agoncillo.. He's currently wearing his serious face."Anong nangyari?" tanong ni Lucian at lumapit hanggang sa makarating siya sa harap namin.Nagkatinginan kami nang sumulyap ito sa akin. He was worried, also tired according to his face."You have an explaining to do, Lucian." usap ni Mr. Agoncillo sa kanya.Naguguluhan itong tumingin kay Mr. Agoncillo."Anong explaining?"Sumulyap sa akin si Mr. Agoncillo.. "For God's sake, Lucian.. Bakit sa opisina ko?"Mr. Agoncillo laughed. Ramdam ko ang hiya sa buong pagkatao ko tuwing tumatawa ito."Cloud!" inis na sambit ni Lucian sa pangalan ng kapatid niya. "I'm sorry if we did that here. So what? What do you want me to do?" aniya pa.I stayed silent. Para bang audience lang ako sa bangayan nila."Buy me a new sofa, that's what I want. Dinumihan mo ang sofa ko." tugon ni Mr. Agoncillo.Hindi ako makapaniwalang pinapun
Inalalayan ako ni Lucian sa pagbaba mula sa sinakyan naming aircraft. I thanked him as soon as I got out of there. Sunod na bumaba mula roon sina Mr. Velasco at Erin."Do you guys want to have dinner with us?" alok ni Lucian sa kanila."Why not? Para rin makilala namin itong si Maxine." sagot ni Mr. Velasco sa kanya.Nang-aasar itong tumingin sa akin. Halos itago ko ang mukha ko sa hiya. Bakit parang may alam sila tungkol sa amin ni Lucian? As if I am his girlfriend."Unfortunately, I will not be able to joing you guys. May kikitain pa kasi ako." pagtanggi ni Erin.She looked sorry. Mukhang importante ang taong kikitain nito."Ah, gano'n ba?" malungkot na tugon ni Mr. Velasco rito.Mapait itong ngumiti. "Next time." sabi nito. "I hope you had fun, Lucian and Maxine. Don't worry, I'll be at the party." dagdag pa nito.Sa tingin ko ay ang party na tinutukoy nito ay ang party sa isang araw, 'yung sinabi ni Mr. Agoncillo kanina sa akin.Erin waved goodbye and left us there with Mr. Velasc
"Oh, una na 'ko." paalam ni Terrence. "Baka hinahanap na 'ko ng misis ko." halatang pang-aasar nito kay Daniel."Kami rin, iuuwi ko pa si Maxine." paalam ni Lucian.Nandidiring tumingin sa amin si Daniel. "Patuklaw ko kayo sa Belgian Malinois ko eh, tamis n'yo!"Tumawa na lang kami sa sinabi nito. Hindi ko alam kung bitter ba siya o sadyang gano'n lang talaga siya makitungo tuwing iniinggit siya."Ingat kayo!" ani Terrence at umalis din agad nang sumampa ito sa motor niya.Hindi lang basta motor.. Mamahaling motor.The three of us waved goodbye at him. Sumakay na kami ni Lucian sa kotse niya habang si Daniel naman ay inuubos pa ang sigarilyong sinindihan niya kanina.Ibinaba ko ang bintana at sumigaw para magpasalamat kay Daniel."Thank you nga pala ulit, ingat!" sigaw ko bago pa kami tuluyang makaalis.He just waved at me and he threw the cigarette that he was holding.Muli kong isinara ang bintana ng sasakyan at huminga nang malalim.Lucian held my hand. He's now at ease.."Had fun
Ibang kotse ang gamit namin ngayon, isang mamahaling SUV. Wala rin kaming kasama a driver o bodyguard.. Sadyang kaming apat lang nina Sunny, Mr. Agoncillo at Lucian.Si Mr. Agoncillo ang nagmamaneho habang katabi niya naman si Lucian at kami naman ni Sunny ang magkatabi rito sa likod.Halos mabingi ako sa katahimikan na bumabalot sa amin.. Nanitili akong nakatingin sa labas at sinusundan ng tingin ang mga nakikita ko. Ang weird pala sa pakiramdam kung tatlong mayaman ang kasama mo."Ate Maxine, what if magpagupit tayo? biglang usap sa akin ni Sunny.Napatingin ako sa sinabi nito.. "Puwede naman." matipid na sagot ko sa kanya.Mahaba na rin ang buhok ko at matagal na rin akong hindi nagpapagupit ng buhok."What if bob cut?" she asked.Bago pa 'ko makapag-react ay nagsalita na si Lucian."Too short." aniya.Tumaray naman ang mukha ni Sunny sa sinabi ng kapatid. "Not your decision."Bumalik rin agad ang maamong tingin nito sa akin kaya naman natawa ako sa inasal niya. "As I was saying..
The manicurist easily finished my pedicure. They looked pretty unlike before. Ilang minuto na rin ang nakakalipas nang masimulan ang manicure ko. I chose the matte coffee nail color for my manicure and pedicure dahil mas gusto ko kung simple lang. "Ate Maxine, you're almost finish?" tanong sa akin ni Sunny nang makita niya na nilalagyan na no'ng manicurist ko ng nails polish ang mga kuko ko. "Oo, ayoko naman ng maraming design." sagot ko rito. She nodded because of my answer. "Hindi ko alam na gusto mo rin pala ng simple lang." usap ni Ms. Arazela sa akin. I smiled awkwardly at her. Hindi ko pa rin alam kung paano siya kakausapin. "Ah, opo. Para sa'kin kasi mas maayos tignan kung simple lang." sagot ko sa kanya. Her calm face was different from yesterday, she's more approachable today. "Teka, paano nga kayo nagkita at kailan?" singit ni Sunny. "Ah, pumunta kasi kami kahapon ng Kuya Cloud mo sa kanila. May pinag-usapan lang sila ni Mr. Manuel." sagot ko sa kanya. Ms. Arazela
Lucian's Point Of View"Tito Lucian, can you please buy me toys next time? Papa won't buy me one."Nagtataka akong tumingin kay Terrence. Ang dami-dami niyang pera pero ayaw niyang ibili ng laruan ang naka niya, ang kuripot lang."Sure, Tristan. Mukhang nagtitipid ang papa mo," biro ko.Terrence scoffed. "Huwag mo ngang i-spoil 'yang anak ko, masasanay 'yan nang ganiyan!"Tinawanan ko lang ang reklamo niya. Tristan is smart, alam niya na hindi dapat abusuhin ang mga ganitong bagay."I love Tito Lucian! He gives me many gifts," ani Tristan at yumakap sa akin.Yumakap ako pabalik para asarin si Terrence dahil mukhang napapalapit na sa akin ang anak niya.Napalingon kaming tatlong lalaki nang bumukas ang pinto."Hey! Why are you hugging my daddy?"Tumakbo papalapit sa akin si Lara at nagmamadaling umakyat sa sofa para paalisin si Tristan sa tabi ko.Agad kong inilayo si Tristan mula kay Lara bago pa niya masaktan ito."Don't you love me anymore? Why are you choosing him over me!?" angal
3 Years AfterI started catching my breath when Therese came inside my room. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako, this is my special day."Maxine, ikaw na lang..."I looked at the mirror and calmed myself. When I was good enough to come outside, I lifted my dress where I couldn't step on it.Tinungo ko ang labas ng cottage at saka kami naglakad ni Therese papunta sa ocean front area.I saw my father standing before the arc. Kinuha niya ang kamay ko at ngumiti sa akin. Ganoon din ang ginawa ko. Finally we are fine now, I thought.Before walking towards the priest, I wandered my eyes around and saw everyone — including my family and some of our friends from the bratva.Then I saw him.Nakangiti siya pero kita ko pa rin ang pagluluha ng mga mata niya. I smiled at him and then we started walking.I could feel everyone's attention, yet my attention was on him.The whole walk took long for me, but when I was already in front of him, kitang-kita ko ang kinabukasan naming dalawa, the pur
Maxine's Point Of ViewDahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Halos masilaw ako sa ilaw na magmumula sa itaas. I whole body felt sore.Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko rin naituloy dahil sa sakit na naramdaman ko sa ibabang parte ng katawan ko."Maxine?"Inilipat ko ang tingin ko sa kanan nang marinig ko ang boses ni Lucian... Mukhang kagigising lang niya."May masakit ba sa'yo? Ayos ka lang ba?" natatarangtang tanong nito sa akin.Umiling ako. "Ayos lang ako.""Teka lang, tatawagin ko si doktora." Dere-deretso siyang lumabas ng silid.Naalala ko si Xed.His throat was slit open because of Sunny. Naalala ko kung paano siya tumumba nang mangyari iyon.I sighed in frustration.Nabaling ang tingin ko sa isang doktora na pumasok kasama si Lucian, Cloud at Sunny.Bahagya akong nginitian ni Cloud at Sunny, so I did the same. I have to apologize right after this."Ms. Maxine, kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ng doktora sa akin."Maayos naman po... medyo masakit lang ang ibabang par
Maxine's Point Of ViewPumasok kami ni Xed sa isang malawak na silid, agad akong naupo sa isang upuan habang siya naman ay may inaasikasong gamit. Ang sabi niya ay pupunta ngayon si Lucian para ibigay ang pera niya, at tapos no'n ay tutulungan niya 'kong makalayo sa kanila.Dalawang araw na ang nakalipas simula nang magising ako at ni isang beses ay hindi ako sinaktan ni Xed o kahit ginalaw man lang. He even played board games with me."Ayos ka na ba?" tanong niya sa akin.Tumango lang ako bilang sagot.The large room made me feel anxious. Hindi ako napakali at tumayo. Lumabas ako patungo sa balcony at saglit na nagpahangin.Madilim na sa labas. Tulad sa bahay nina Lucian ay may mga bantay na umaaligid sa labas. Maliwanag ang buwan at kitang-kita ang mga bituin sa kalangitan.I heard footsteps near me, and I immediately suspected that it was Xed."Oh, if I could only know what you are thinking."He leaned on the balcony. Hawak niya ang isang baril pero nakatutok lang 'yon sa ibaba."W
Lumipas na ang halos apat na araw pero hindi pa rin nagpaparamdam si Maxine. Hindi ko alam kung nasaan siya at kung may balak pa ba siyang makipag-usap sa amin.Si Xed naman ay pa rin namin mahanap. Puro pekeng leads lang ang nahahanap namin at distraction, pero sigurado akong malapit lang siya sa amin.Lumabas ako mula sa kuwarto ko nang matapos ako sa pag-aayos ng sarili ko. Sa sala ay nakita ko sina Cloud at Arazela na may kausap sa sarili nilang mga telepono."Wala pa rin tayong lead na maayos," ani Daniel nang makalapiy siya sa akin."Witness? Kahit sinong kasama ni Xed?" tanong ko.Umiling lang siya bilang sagot.Sa totoo lang ay hindi ko na alam kung paano ko mahahanap si Xed. It's like he spent a big amount just to escape from us. Sigurado akong hindi lang siya mag-isa sa plano niyang ito, someone is helping him escape.Napatingin kaming lahat nang sa pinto nang bumukas 'yon at nagulat sa taong dumating."Ma, Pa!"Lumapit si Cloud at Sunny sa kanila habang ako naman ay nanatil
Bumaba agad ako sa taxi na sinasakyan ko nang makarating ako sa bahay nina Lucian. Awtomatikong bumukas ang malaking gate na nagsisilbing harang at binati ako ng mga bantay.Nagpatuloy lang ako sa paglalakad kahit pa galit at halos sumikip ang dibdib ko.Bago ko pa mabuksan ang pintuan ng bahay ay bumukas na 'yon at tumambad sa akin si Terrence at Cheska."Maxine! Akala ko ba—"Napatigil si Cheska sa pagsasalita nang bahagya ko siyang itulak para makapasok ako sa loob ng bahay. Dali-dali akong umakyat pero bago ko pa maabot ang ikalawang palapag ng bahay ay nahawakan ni Terrence ang kamay ko."Maxine, anong problema mo?" Nakita ko sa mata niya ang pag-aalala, ngunit hindi ko 'yon pinagtuunan ng pansin."Anong problema ko?" ulit ko sa tanong niya. "Kayo ang problema ko!" Sinubukan kong kumalma pero masyadong mahirap para sa akin ang sitwasyon ko ngayon.I saw how confused they were when I said that. Hindi sila makapagsalita dahil alam nilang hindi ako ayos — alam may mali."All of you
I looked at myself in the mirror, I have to be calm before leaving the house. Kailangan magmukhang natural ang lahat dahil kung hindi, baka mahalata ni Cheska ang balak ko.Kinuha ko ang isang backpack pati na rin ang sling bag ko. It was heavy, but I managed to handle them both.Paglabas ko sa kuwarto ay agad akong bumaba sa sala, doon ay nakita ko si Cheska habang kausap ang asawa niya."Umuwi ka pala?" usap ko kay Terrence. "Si Lucian?" tanong ko pa.Umiling siya. "Hindi siya umiwi, eh."Napakagat ako sa labi ko at tumango na lang. I should've expected that."Mauna na 'ko, baka ma-traffic pa kami papunta sa condo ng tita ko." Iyon na ang huling paalam ko sa kanila at deretsong lumabas ng bahay.Naghihintay na roon ang kotse na palagi kong sinasakyan kaya tinulungan na rin ako ng driver na isakay ang backpack ko na punong-puno.Naramdaman ko ang presensya nina Terrence at Cheska sa likod ko kaya naman hinarap ko sila para magpaalam muli."See you tomorrow?"They both nodded. "Babali
Sabay kaming naupo ni Tita Malou sa sofa pagtapos naming kumain. I missed this, kung minsan talaga ay naiisip ko kung ano kaya ang puwedeng mangyari kung hindi ko pinutol ang koneksiyon naming dalawa pag-alis ko sa probinsya."Nasaan nga pala si Tito Luis?" kuryosong tanong ko sa kanya."Dalawang araw sa Makati ang Tito Luis mo. Doon na siya tutuloy, pupuntahan niya na lang kami rito sa Martes."Tumango ako bilang sagot. So, they're just here for Tito Luis' work."Iyong nobyo mo? Hindi mo isinama, nasaan ba siya?"Napangiti ako sa tanong niya. Lucian is someone that I would love to brag about, not because he's rich, but because he's the best man for me... kahit pa nagagawa niyang magsinungaling at palaging nasa trabaho."Nasa trabaho siya, tita."Hindi na siya nagulat sa sinabi ko, bagkus ay natuwa pa siya. Alam ko na magugustuhan niya si Lucian dahil noon pa man, gusto na niyang mahanap ko ang lalaking magpapasaya sa akin. Akala niya nga noon ay babae rin ang gusto ko dahil ni isang
Limang na araw na ang nakalilipas simula noong tawag ako ni Lucian. Pagtapos no'n ay puro text na lang ang ginagawa niya, mas madalas pa nga kung tumawag si Cloud.Hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya, pero kahit ganoon ay tiniis ko dahil sa tuwing tumatawag sa amin ni Sunny si Cloud, itinatanong ko naman kung kamusta na si Lucian.Hindi rin naman kami nagkikita ni Lucian sa bahay nila dahil kadalasan ay ala-una o alas-dos na siyang umuuwi para lang kumuha ng gamit. Sinubukan ko na intindihin ang sitwasyon niya dahil mukhang aligaga silang dalawa ni Cloud sa trabaho.Kung si Lucian ay umuuwi pa rito tuwing madaling-araw, si Cloud naman ay nananatili lang sa headquarters. Pati nga ang graduation ni Sunny ay hindi nila napuntahan — kami lang nina Cheska at Terrence ang pumunta at naghanda para sa graduation niya.Pero kahit ganoon ay hindi ako nakakita ng pagkadismaya sa mukha ni Sunny noong araw na 'yon dahil pinadalhan siya ng regalo ng mga kapatid niya. Panandalian siyang pumunta sa