Home / Werewolf / His Hunter Luna / Hunter 2: The Sign

Share

Hunter 2: The Sign

Hunter 2: The Sign

Ngayon na ang alis nila Raine at nandito kami ngayon sa tapat ng mansion. I looked at the siblings on how they bid their goodbye to our relatives until Raine approached me.

Niyakap naman niya ako ng mahigpit kaya ginantihan ko din ang yakap niya. I feel sad because we have no idea when will they visit us again knowing that the town where they will live for now on is too far from here—according to them. Hindi naman pwedeng basta-basta na lamang kaming bumisita sa kanila dahil napapadalas na ang ginagawa nilang misyon.

Kung pwede lang sana akong pumunta mag-isa do’n. Tss.

“I’ll miss you, Ren. Please always be careful when you are joyriding. Always take care of yourself and always call me, okay?” Saad niya ng maghiwalay kami ng yakap.

Nakita ko naman ang lungkot sa kaniyang mukha kaya nginitian ko siya ng matamis. Mami-miss ko ang kamalditahan ng babaeng ito. Lalo na kung paano tumaas ang kilay niya at kung paano niya kami sungitan, sermonan, at tignan ng masama.

“I will miss you too, Raine. You too, take care of yourself too and your brothers. Call me when you have free time, okay?” Bilin ko naman sa kaniya na ikinangiti niya.

“Yes, I will, Ma’am,” nagtawanan naman kaming dalawa bago siya muling nagsalita. “By the way, taguan mo na ang mga manliligaw mo at ang future manliligaw sa ‘yo. Kasalanan mo kasi kung bakit ka maganda,” natawa naman ako dahil sa biro niya. Akala mo siya, hindi madami ang manliligaw niya. Tss.

“Yeah. Yeah. Basta balitaan mo kami kung ikakasal ka na, ha?” Saad ko at ngumisi. Napairap na lang siya sa hangin na ikinatawa ko lalo.

Maya-maya pa ay bigla namang lumapit sa amin sina Raze at Race kaya napunta ang atensyon ko sa kanila. Then they both hug me tight na ikinatawa ko ng mahina.

“Yeah. Yeah. I’ll miss you too, boys,” saad ko at ginulo ang buhok nilang dalawa habang nakayakap pa rin sila sa akin.

“I will miss you, Ate,” wika ni Race—ang bunso sa kanila—na ikinangiti ko naman.

“Me too, baby. Me too,” saad ko naman habang si Raze ay hinigpitan lang ang yakap sa akin. “You too, Raze…” even he won’t say it, I know what he feels.

We stayed like that until I heard one of our cousins shouted ‘group hug!’ and that’s what they did. Nag-group hug kami habang tumatawa and while seeing my cousins’ smiles and hearing their laugher, I know that I’m going to miss this.

“Sige na, mga apo. Hinihintay na kayo ng sundo niyo,” napatigil na lang kami ng marinig namin ang sinabi ni Lolo kaya sa huling pagkakataon ay nagyakapan kaming muli bago sila sumakay sa sasakyan nila patungo sa lugar kung saan na sila titira simula ngayon. “Apo, mag-ingat sa pagmamaneho,” bilin ni Lolo kay Raine. Convoy sila ng sundo nila at susundan lang ito ni Raine na kasama ang kaniyang mga kapatid.

Kumaway kami sa papalayo nilang sasakyan hanggang sa mawala na ito sa paningin namin. Sana lang ay walang mangyaring masama sa kanila habang na sa biyahe at sana makarating sila ng maayos at matiwasay sa pupuntahan nila.

***

“Ate Ren, sali ka!” Napatunghay naman ako kay Dianne ng tawagin niya ako. Nandito kami sa garden ng mansion habang ang lima kong nakababatang pinsan ay nagti-training ng archery.

Umiling lang ako habang nakangiti bilang sagot na ikinatango na lang nila bago nagpatuloy. Busy kasi ako dito sa paghahanap ng bago kong papasyalang lugar, eh, kaya tumanggi ako. Aalis na naman kasi bukas ang mga pinsan ko at may training naman ang iba kaya lonely na naman ako kaya kailangan kong gumala na naman bukas para may pagkaabalahan.

Nakaupo ako sa blanket na nilatag sa damuhan kaya nagmistulang napi-picnic kami. May pagkain din dito para kina Dianne kapag nagutom sila dahil sa pagod kaka-training.

Sa totoo lang ay walang sapilitan ang ginagawa nila. Either kung gusto mong maging-Hunter—ng hindi ko alam—ay magti-training ka para sa pakikipaglaban. O kaya naman, kung ayaw mo, wala namang pumipilit sa ‘yo. At panghuli, for safety purpose only. Mati-training ka kasama nila pero hindi ka naman sasama sa ‘hunting’ nila.

At na sa panghuli ako. And yes, my family is a hunter of I don’t know.

Nilipat ko naman sa kabilang page ang brochure na hawak ko at nagtingin-tingin ng magandang tanawin na mayroon sa lugar na makita ko.

I’m already 22 years old and I love cooking. Sa sobrang hilig kong magluto ay kumuha ako ng course patungkol dito and I became chef. Nag-aral lang ako niyan para sa pamilya ko at upang ipagpatuloy ang naiwang restaurant ng Mama ko.

Since hindi naman ako sumasama sa hunting nila, kahit man lang paglutuan sila ang gawin ko, ‘di ba? ‘Yon lang ang ginagawa ko sa buong buhay ko bukod sa nagjo-joy ride ako. Dito sa bahay, sa restaurant, at ang pagjo-joy ride. Wala na akong ibang pinagkaka-abalahan bukod diyan.

Ngayon ay hindi ako pumasok and my restaurant can survive without me. Kahit ilang araw pa ako mawala, at saka, may pinsan naman akong nagma-manage no’n sa tuwing wala ako at sa tuwing wala siyang ginagawa.

Halos lahat ng pinsan ko ay hunter, ako lang yata ang hindi. I am not sure actually dahil nagbabago naman bigla yung isipan nila—ayaw maging hunter pero kalaunan ay pumayag na rin kaya hindi ako sigurado pero sigurado na ako sa desisyon ko.

Duh! I just want a peaceful and normal life!

Sinarado ko ang brochure na hawak ko at tumingin sa mga pinsan ko at napangiti ng makitang nagtatawanan sila habang nagti-training. Simula ng masawi sa aksidente ang mga magulang ko na kasama din ang Papa nina Raine, sila-sila na ang kasama ko. They are very close to my heart that I never even felt the loneliness despite not having my parents beside me.

Pinaramdam sa amin ng mga Tita at Tito namin ang pakiramdam ng may Nanay at Tatay sa sarili nilang paraan. So as Lolo. And I’m very lucky to have them as my family. Well, yes, nando’n pa rin yung part na hahanap-hanapin ko ang mga magulang ko ngunit hindi nila ako pinabayaan na malugmok sa lungkot.

And I am really thankful for having them as my family.

Sa tuwing na sa misyon sila, lagi akong nananalangin na sana makauwi sila ng maayos. Hindi rin ako makatulog o mapakali kapag wala sila sa bahay kaya nililibang ko na lang ang sarili ko.

Minsan ko pang naisip sa tuwing umuuwi silang sugatan ay dapat nag-doctor na lang ako. But thankfully, Raine is there to take care of their wounds. But she’s not here anymore pero buti na lang at mayroon pa akong isang pinsan na doktor.

Hindi ko man alam kung ano ang hina-hunting nila, pero alam kong mapanganib ‘yon—hindi lamang mapanganib—sobrang mapanganib. I have no idea about that thing because I am not one of them. May rule kasi kami na kapag hindi ka isa sa mga hunters ay hindi mo malalaman kung ano ang kanilang hina-hunting.

That’s the rule.

Bukod sa pagjo-joy ride, gustong-gusto ko ding umaakyat sa bundok, naglalakad at pakiramdaman ang kalmadong kalikasan. Tapos kapag na sa tuktok na ako ng bundok na inakyat ko, magtatayo ako ng tent do’n at mag-i-stargazing ako.

Pero sa brochure na hawak ko, wala akong nagustuhan. I’m looking for a place that surrounded by nature and I didn’t found it in this brochure. Pero maya-maya pa ay bigla namang may pumasok sa isipan ko na napag-usapan namin ni Raine.

Crimrose City.

First time kong marinig ‘yan pero do’n daw mahahanap ang lugar kung na saan na ngayon ang mga pinsan ko. Nakwento niya sa akin na pinalilibutan daw ‘yon ng mga puno, halaman, at bundok—in short, kagubatan. Galing daw ang impormasyon na ‘yon sa pinsan niya sa side ng Mama niya kaya may nalalaman siya patungkol sa lugar na ‘yon.

Bigla akong na-excite pero binawalan ako ni Raine. Delikado daw para sa akin kung pupunta ako do’n ng mag-isa. Bukod sa malayo ito, hindi ko pa daw alam kung ano’ng naghihintay sa akin sa lugar na ‘yon at ang mga posibleng mangyari.

But there’s something in me that I want to go there and see for myself. I really want to go there but I’m not sure if Lolo will let me. Knowing him, he won’t let me if he’ll know I am going to the place where I barely know.

Napabuntong-hininga na lang ako at tumayo na. Magluluto pa ako ng hapunan dahil malapit ng dumilim. Madami pa naman kaming na sa mansion. Good thing because we have maids. Matutulungan nila ako sa paghihiwa ng mga lulutuin ko.

I guess, time for my duty now.

***

Napabuntong-hininga ako dahil naulit na naman ang panaginip ko. Akala ko naman, wala na ‘yon ngunit nagkamali ako. Ngayon ay papunta ako sa office ni Lolo dahil pinatawag ako ni Lolo. Kanina pa nakaalis ang mga pinsan ko at baka matagalan daw sila sa misyon nila sabi ng mayordoma namin kaya nakaramdam ako ng lungkot.

I knocked twice on Lolo’s office before I heard his voice that gave me permission to come in.

“Hi, Lo,” bati ko sabay halik sa pisngi niya pagkapasok ko.

He smiled at me before he ordered me to sit. Umupo naman kami sa sofa na nasa loob ng opisina niya. Sa single chair siya habang ako naman ay na sa love seat.

“How’s your sleep, apo?” He asked softly while smiling at me. I smiled back and I was about to answerer his question when I remembered my dream. My weird dream.

I looked at Lolo and saw him still smiling at me. At ng makita niya ang reaksyon ko ay napatango ito na tila mayroong nalalaman. He is always like that. Routine ko na ang pagbisita sa opisina niya tuwing umaga at tatanungin niya ako kung kamusta ang tulog ko.

Alam niya kasi na nagkaroroon ako ng masamang panaginip pero nakalilimutan ko rin naman kung ano ‘yon. Basta magigising na lang ako na habol ang hininga at pinagpapawisan. Pero no’ng paalis na sina Raine ay hindi niya ako pinatawag kaya hindi ko nasabi sa kaniya ang weird kong panaginip.

“Oh, I see. Do you still remember your dream?” Tanong niya na unti-unti kong ikinatango. Ngunit dahil sa sagot ko ay napansin ko na lang kung paano nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat kaya napakunot naman ang nuo ko dahil do’n.

“Lo, are you alright?” Tanong ko na may halong pagtataka at pag-aalala. Napansin ko ring napakurap-kurap siya habang nakatingin sa akin.

“Ano ang napaginipan mo, apo?” Tanong niya at this time, seryoso siya. Nagtataka pa rin ako dahil parang ang big deal ng panaginip ko sa kaniya at matagal ko na ring tanong ito simula pa noon.

Kahit may pag-aalinlangan ay sinagot ko ang tanong ni Lolo. Sinabi ko ang lahat ng nangyari sa panaginip ko at habang nagku-kwento ako ay kapansin-pansin ang gulat sa mga mata niya. Sinabi ko rin na dalawang beses na nangyari ‘yon.

“So, it’s time,” bigla niyang wika pagkatapos kong magkwento na ikinakunot ng nuo ko.

“Ano po ‘yon, Lo?” Takang tanong ko.

Pati ang Lolo ko, nagiging-weird na rin.

Bumuntong-hininga muna ito bago niya kinuha ang brown envelope na nasa center table na kanina pa nando’n. He gave it to me kaya nagtaka ako lalo ng maabot ko ito.

“Hindi ka ba nagtataka kung bakit lagi kong tinatanong kung kamusta ang pagtulog mo o ano ang napaginipan mo?” Tanong niya and his face his serious and I know that this is a serious matter.

Bakit nga ba, Lolo?

“Nagtataka po,” sagot ko na ikinangiti niya na ngayon.

What’s with him?

“Dahil iyon ang huling bilin ng iyong ina, apo. And that dream isn’t just a simple dream because it is a sign…” naguluhan ako sa sinabi niya ngunit hindi ako nagsalita. “It’s time to give you that envelope that your mother gave me before she died with your father,” saad niya kaya napatulala ako sa hawak kong sobre.

What’s… with this envelope?

***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status