Home / Werewolf / His Hunter Luna / Hunter 7: Primrose City

Share

Hunter 7: Primrose City

Hunter 7: Primrose City

Ang sakit na ng likod ko kaya huminto muna ako saglit. Kaso nga lang, heto na naman ako at isa ito sa dahilan kung bakit ako huminto and that’s because I do not know where to go or where to turn my car this time. I mean, tama ang dinaanan ko pero hindi ko na alam ang lilikuan ko dahil kaharap ko lang naman ang tatlong likuan.

Left, middle, and right.

Nakalimutan ko yung sinabi ni Lolo na daan na dapat kong likuan at wala rin naman kasing arko dito o kahit na anong sign sa paligid na magsasabi kung saan patungo ang mga lugar na ‘to. Napa-face palm na lang ako at napatingin sa tapat ko habang nagtatalo ang isip.

Nagugustuhan ko ang paligid dahil puro puno ang nakikita ko dito kaya nag-e-enjoy ako sa pagmamaneho. Ganito ang gusto ngunit naputol ang kasiyahan ko dahil sa tatlong daan na nasa harapan ko. I don’t know what route I should turn and I just can’t choose recklessly kaya tumambay na lang muna ako dito habang inaalala ang daan na tinuro sa akin ni Lolo.

Bakit kasi nakalimutan ko!

Wala naman kasing ibang nilalang ang nandito para pagtanungan, eh! Ngunit hindi ko alam kung handa ba akong makita ang isa sa kanila but I have to act innocent. Now that I have trouble with this thing again, I can’t help but to scold myself ng bigla na lang mayroon akong narinig na boses ng lalaki sa likuran ko na ikinagulat ko na lamang.

“Young lady.”

Napahawak ako sa dibdib ko at muntikan ng mapatalon dahil sa gulat. Dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na naramdaman ang presensya nito na dapat lang ay maramdaman ko because I was trained for this! I mentally scolded myself again for letting my guards down bago lumingon sa nagsalita while I’m being alert.

His voice is very manly and I like the sounds of it even though it’s serious.

Mas lalo naman akong nagulat ng makita ang isang makisig na lalaki na sigurado akong pagkaguguluhan ng bawat mga babae. Nakaramdam din ako ng kaba dahil hindi ko naman alam kung ano bang klaseng nilalang siya but I should act innocent and act like a completely lost—well, yeah, sort of.

Nang magtama ang aming mga mata ay bigla na lamang akong kinabahan sa hindi ko malamang kadahilanan at hindi ko matukoy kung bakit. Pero nakapagtataka dahil hindi ako makaramdam ng takot sa lalaking kaharap ko ngayon kung ‘di kaiibang pakiramdam lamang na hindi ko maipaliwanag ang ibinibigay niya.

Napaharap ako ng tuluyan sa kaniya at wala sa sariling napakagat ng pang-ibabang labi habang tinitigan ang bawat sulok ng kaniyang mukha at ng kaniyang katawan. I can’t help but roam my eyes on him and this is not really me! I can’t control myself especially when I also noticed that he’s also doing what am I doing!

He has a Moreno skin that made him more handsome. I also noticed his masculine body na halatang alaga ng gym. Hindi naman gano’n kalaki ang katawan niya, yung sakto lang and I bet, he has an abs. Parang ang sarap ding pisilin ng mga braso niya dahil sa muscles niya. He’s tall at parang hanggang baba niya lang ako. Matangkad naman ako pero hindi pa rin ‘yon sapat kaya bahagya akong nakatingala sa kaniya.

He also has this black hair that looks very soft, thick eyebrows that made him more looked serious, his sharp jawline that currently clenching, his perfect pointed nose, his naturally red lips that look soft, and of course, that captivating silver eyes that look familiar. He is just wearing simple black jeans, a white plain shirt, and brown ankle boots.

Ang simple lang ng suot niya pero bumagay sa kaniya at ang lakas pa rin ng dating niya. Ang gwapo na niya sa simpleng kasuotan lang, paano pa kaya kung nag-ayos pa siya? Edi madami ng na-fall na mga babae sa kaniya. But I don’t know why but I don’t like the idea of there are many girls who will fall for him.

“What are you doing here, young lady?” Tanong nitong muli and again, my heart beats abnormally and this is the first time! I swear!

But, wait! Young lady? What is he, a hundred years old?!

That thought stopped me from thinking. Who knows how old is he? He maybe looked young but an immortal like him doesn’t age. They will forever young and age is nothing but a number to them. They will leave forever as long as no one ends them.

“I…” napalunok ako at gamit ang dila ay binasa ko ang labi ko dahil feeling ko nanunuyo iyon.

Dahil na rin sa ginawa ko ay hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagsunod ng mga mata niya sa ginawa ko at nakita ko pa siyang napalunok. Tumukhim ako kaya napaangat ang tingin niya sa mga mata ko kay bigla naman akong na-conscious dahil sa klase ng tingin niya.

Ang tingin na parang nakikita niya ang kaluluwa ko. Na parang binabasa niya ako.

“I’m heading to Primrose city but I do not know where I will turn my car,” sagot ko habang nakatitig din sa kaniya.

Gusto ko ring palakpakan ang sarili ko dahil hindi ako nautal sa kabila ng kabang nararamdaman ko at ang pakiramdam na hindi ko matukoy. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ko nararamdaman ito ngayon sa kaniya. Kailan man ay hindi ko pa ito naramdaman sa kahit na sino mang lalaki na lumalapit sa akin. Even my ex-boyfriend didn’t make me feel this unexplainable feeling that he is giving to me.

Don’t tell me I’m attracted to him?!

Oh, darn. Hindi naman pwedeng ma-attract at first sight ako dahil hindi naman ako gano’ng klaseng tao. At saka, lalo naman ang crush at first sight, lalong-lalo na ang like at love! It’s a no, no, no! Siguro ay dahil ganito lang ang pakiramdam na ibinibigay ng mga kagaya nila. I just can’t explain it and it is foreign since this is my first time meeting a creature like him.

Yeah… that’s right! Nothing more, nothing less.

“I don’t know what’s going on your little head, young lady, but, be careful on your way there,” seryoso pa ring saad nito bago ako tinalikuran.

Napasimangot naman ako dahil akala ko naman ay alam niya ang daan at sasabihin niya sa akin ‘yon. Tss!

Pero nagtanong ba naman kasi ako?! But, duuuh! Common sense naman na ‘yon, eh!

Ngunit ang akala kong maglalakad na siya paalis ay nagkakamali ako dahil bago pa siya maglakad papalayo ay nagsalita pa siya. “Take the left wing. That’s the way going to Primrose city,” saad nito na ikinatuwa ko na lamang at hindi ko ‘yon inaasahan!

Pero napatigil ako dahil baka niloloko niya lamang ako. Pero hindi naman ako nakaramdam ng masama kanina kaya baka nagsasabi siya ng totoo—I mean, hindi naman daw talaga sila masama sabi ni Lolo, eh, ngunit kailangan ko pa rin daw mag-ingat.

Nagkibit-balikat na lang ako at pasasalamatan na sana siya ng mapansin kong wala na siya sa kinatatayuan niya kani-kanina lang. Luh, baka pumasok na ‘yon sa kagubatan. Pinalilibutan kasi ang lugar na ‘to ng mga puno kaya siguro hindi ko na siya nakita pa. Kaya kahit hindi ko alam kung  na saan na siya ay sinigaw ko na lang ang pasasalamat ko.

At sana wala akong nabulabog.

“Thank you, Mr. Silver eyes!” Sigaw ko pero nagtabi-tabi muna ako bago ko ginawa ‘yon. ‘Lam niyo na, mahirap ng manuno.

Sumakay ako kaagad sa kotse ko at umalis sa lugar na ‘yon habang hindi pa rin mawala sa isipan ko ang lalaking ‘yon. Hindi ko talaga alam kung bakit parang pamilyar siya sa akin. At saka, nakapagtataka kung bakit bigla akong nakaramdam ng pagbilis ng tibok ng puso ng dahil sa kaniya at nalalayo ito sa kaba.

When in the first place, it never beats like that to any man that has been courted me and even to my ex. Wait, teka nga! Iba siyang nilalang kaya gano’n ang pakiramdam na ibinibigay niya. Baka natural lamang ‘yon sa mga kagaya nila—ang magbigay ng gano’ng pakiramdam kaya dapat manahimik na ako at harapin ang tunay kong pakay dito.

And he is weird, huh? Bigla-bigla na lamang susulpot sa kung saan! Pero oo nga pala, iba pala siya and I am no longer in the world where humans are everywhere. Because now, I am already in a world where supernatural can be seen and myths about them can be proven.

That’s why I should be cautious and remember what I’ve learned about them and in this world.

***

Halos magdadalawang oras din ang itinagal ko sa daan bago ko narating ang lugar na pakay ko. Siguro na sa pinaka-sentro ako ng Primrose city dahil na rin sa mga nakikita kong nagtataasang buildings. Tila normal lang din ang mga nakikita ko dito ngunit ang mga nakatira dito ay hindi.

It’s already 12 PM when I found a Hotel na tutuluyan ko ng isang araw. Nag-check in ako at ng makarating na ako sa kwarto ko ay nahiga ako kaagad dahil sa pagod. Kanina ay napapansin ko ang klase ng tingin ng mga nadadaanan kong mga witch at halos lahat sila ay pinagtitinginan ako—wondering what a mere human like me doing in this kind of place or what my purpose and the portal let me in here.

Good thing I am not clueless but I have to play like one. They should not know that I am from the strongest hunter—the hunter that they have no idea if it is an enemy or an ally. May mga papeles din ako na kung saan Hart ang apelyido ko at hindi Cadwell and that’s because of my grandfather. He made sure that everything’s ready before going here kaya wala akong naging problema.

Lolo said I might put in danger if they learned that I am a Cadwell because not all of them think that our family is an ally. Madami daw silang hinala na kaya hina-hunt lang ng pamilya ko ang mga masasamang rogues at night vampires ay upang mapaniwala silang kakampi kami. Some of them don’t trust at hindi sapat ang dahilan na hindi sila ginugulo ng mga Cadwell Hunters upang mapanatag sila.

The two parties have no communications and there are witches, vampires, and werewolves out there who don’t trust the Cadwell hunters since we don’t want to communicate with them. Naiintindihan ko naman ang mga kagaya nilang walang tiwala sa pamilya ko dahil malaking balakid talaga sa kanila kung halimbawa mang kalaban ang pinaka-malakas na hunter.

Lolo also told me that the assembly of Nightwalkers and witches are monitoring our every move. They are doing this just to make sure for their safety and Lolo understands them. Nang tanungin ko si Lolo kung bakit ayaw niyang makipag-usap sa mga pinuno ng mundong ‘to ay ang tanging sagot niya lamang ay, ‘Soon.’

Kampante naman akong hindi kalaban ang pamilya ko. Hindi lang talaga sila nakikipag-ugnayan sa mga pinuno dito at hindi ko alam ang dahilan ni Lolo. Our family is the biggest threat to their lives and I understand why. Once the Cadwell hunter turned out to be an enemy, then they will be in danger.

Ngunit hindi naman ako makakapasok dito o sila kung may masama silang balak. Isa din ‘yon ang dahilan upang pagkatiwalaan nilang kakampi ang pamilya ko ngunit may iba pa rin daw na matitigas ang ulo. The assembly tried to convince everyone but you can’t just push others to believe in you.

And now, I am here in their territory… if ever someone learned that I am a Cadwell, for sure I am doomed. Kahit wala akong gagawin sa kanilang masama ay maaari pa rin akong mapahawak at ang pamilya ko kaya kailangan kong mag-ingat habang nandito ako.

While I am here, my last name is Hart. Not Cadwell.

Pumikit ako at hindi sinasadyang pumasok sa isipan ko ang lalaking nakausap ko kanina lang that’s why I opened my eyes again and stared at the ceiling. He’s not lying. He didn’t deceive me. Kahit wala akong emosyon na nakita sa mga mata niya ay nahihimigan kong mabait siya.

He has this cold facade yet very handsome. Hindi lang talaga ako makapaniwalang nagawa niya akong tumitig sa kaniya at hindi ko akalaing sa kagaya niya pa ako maa-attract. Pero hindi naman na kami magkikita, eh, kaya makalilimutan ko din siya.

Bakit ko nga ba naisip ang lalaking ‘yon?  

Yes, gwapo siya at aaminin kong naa-attract ako sa kaniya. Pero hanggang do’n na lang ‘yon. It’s just a simple attraction. Hindi na lalago pa ‘yon dahil hindi na kami magkikita pa. May mas mahalaga pa akong pakay kaya ako nandito.

Tumayo ako at kumuha ng damit sa bagahe ko at pumasok sa CR. Maliligo muna ako tapos magpapatuyo ng buhok at matutulog. Sapat na ang pahinga ko para maligo. Kumain naman ako habang papunta dito, mamaya na lang ako kakain pagkagising ko.

***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status