Home / Werewolf / His Hunter Luna / Hunter 8: Second Meeting

Share

Hunter 8: Second Meeting

Hunter 8: Second Meeting

Nagising ako ng bandang alas tres na ng hapon. Mahaba-haba rin ang tulog and I’m satisfied yet hungry. Though, feeling ko nakabawi ang katawan ko ng lakas at medyo nawala ang pagod ko. Mawawala lang ng tuluyan ang pagod ko kung kakain ako kaya pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay bumaba kaagad ako at pumunta sa katapat na restaurant nitong hotel na tinutuluyan ko.

Tulad kanina pagdating ko sa hotel ay pinagtitinginan ako. Madami-dami rin kasi ang mga kumakain dito at pasimpleng sumusulyap sa akin. One of the waiters assists me at ibinigay sa akin ang pwesto sa dulo which made me thankful. At least, dito medyo tago pa at walang masyadong malapit sa akin.

I just ordered stake and lasagna and patiently waiting for my ordered food. Pwede naman akong kumain sa hotel pero mas pinili kong lumabas sa kwarto ko. I want to try their food here that’s why I went here. While waiting, I looked around the restaurant while avoiding having eye contact with the witches around me.

Lolo said Primrose city is the safeties place for me while I am here unlike the rest cities here because it was the habitat of Nightwalkers. Werewolves and vampires might harm me in any way—especially the vampires. Kahit na hindi sila nananakit ng mga tao ay hindi pa rin ‘yon maiiwasan.

At saka, wala rin naman akong balak pumunta sa lugar na kung saan sila nakatira. I am not that stubborn and I still have things I need to do. Uuwi kaagad ako after kong makausap ang kaibigan ni Mama. Ang lugar na ito lamang ang pakay ko, wala ng iba.

Minutes later, my order arrived that’s why I start eating and I am satisfied with the food. They are delicious and no wonder this restaurant seems famous and expensive. The surroundings shout how luxurious this restaurant is. However, as long as I wanted to stay longer here and enjoy the food while eating slowly, I have to go inside my room.

Pagkatapos kong kumain at nagbayad ay bumalik ulit ako sa kwarto ko. Hindi ko matatawagan ang Lolo ko dahil ibang dimensyon na ito. Ang tanging paraan upang makausap siya ay kung magpapadala ako ng sulat sa kaniya na imposible ko namang magawa sa ngayon.

Tumayo ako sa tapat ng bintana at tumanaw sa labas. Kahit na may nagtataasang mga gusali ay mas lamang pa rin ang kagubatan. A creature like them loves nature and it’s already understandable. Isa sa mga nagbabantay sa kagubatan at mga tagapangalaga kaya hindi na nakapagtatakang ganito ang lugar na ito and I would love to stay here if it’s not about them being different.

Bukas ay bi-biyahe akong muli patungong Verve at magtatanong-tanong na lamang ako. Right now, I am here in Mydra and I am hoping to have a peaceful night while staying here. Bukas na bukas rin ay kaagad akong magtutungo sa Verve upang malaman ang katotohanan.

My grandfather said, I can tour this place while I am here but I am not here for that. I am here to get answers and I have no time for that thing right now. Even how I badly want to go around and appreciate nature, I can’t for now. Maybe, if I am given a chance to come back here, then I would love to tour this place.

Napabuntong-hininga ako bago hinawakan ang kwintas ko. When my parents are still alive, we are used to going picnics while nature surrounds us. It’s just giving me peace and comfort. Now that they are not on my side anymore, I’m still doing that but this time, I am alone but nature never failed to give me peace and comfort even though I am longing for my parents whenever I go picnic.

But my father’s family side, especially, my Lolo, never let me feel down. Kaya malapit ako sa kanila, lalo na sa Lolo ko. I and Lolo are very close. He’s there through my ups and downs at kapag wala ang mga pinsan ko sa bahay, siya lang ang natitira at ang mga nakababatang mga pinsan ko naman ay abala sa school o kaya naman ay sa training nila kaya siya lang ang nakakausap ko.

Bukod do’n, ako naman ang nag-aalaga sa nakababatang kapatid ni Raine na si Race sa tuwing wala akong ginagawa at pareho silang busy ni Raze. Lagi kaming nakatambay sa opisina ni Lolo at nakikipagkwentuhan sa kaniya ng kung ano-ano. ‘Yon din ang dahilan kung bakit hindi ako masyadong nakakagala pero worth it pa rin naman dahil naaalagaan ko si Race.

Mas lalo naman akong napalapit kay Race ng magsimulang magtrabaho si Raine at nag-aaral naman si Raze. Na sa bahay lang naman ako kapag hindi ko naiisipang mag-joyride. Pero minsan, kapag wala si Lolo at mayroon naman akong Tita o Tito na magbabantay kay Race ay na sa galaan ako and discovering new things.

All of my life, I wanted to live peacefully. Just a normal life. Ayaw ko ng magulo ang buhay ko—sino nga ba ang may gusto ng magulong buhay? Pero hindi ko naman hawak ang kapalaran ko—no, ako mismo ang gagawa sa kapalaran ko ngunit hindi sa lahat ng bagay ay kaya ko ‘yong kontrolin ngunit hindi ibig sabihin no’n ay dapat akong sumuko. Kaya kung ano man ang gagawin kong kapalaran ay dapat alam kong magiging masaya at kontento ako at hindi ako mabibigo sa bandang huli.

Ano kayang klaseng buhay ang mayroon ako?

Habang maaga pa ay ine-enjoy ko na ang bawat sandali ng buhay ko dahil hindi ko alam at hindi ko namamalayan na makikilala ko na pala ang lalaking kung saan ay itatali ko na ang sarili ko habang buhay. Dahil sigurado akong magbabago na ang takbo ng buhay ko oras na nahanap ko na ang lalaking ‘yon. Alam ko rin na sa mga malalaman kong katotohanan ay siyang magpapagulo rin sa kontento at tahimik kong buhay.

At inaasahan ko na ‘yon.

***

Nagising ako and as usual, naghanap na naman ako ng tubig. But I noticed that it looks like there is a storm. Ang lakas kasi ng ulan at ang hampas ng hangin. Nagagalit din ang kalangitan dahil sa kulog at kidlat at hindi ko gusto ang nangyayari ngayon.

Sana lang ay ‘wag namang mag-block out, dahil kung mangyayari man ang pagkawala ng kuryente ag hindi ko ‘yon kakayanin lalo pa’t mayroong kulog at kidlat. I’m a little bit scared of darkness and I don’t know but I hate darkness. Siguro nga at nagigising ako ng ganitong oras pero hindi pa rin mawala-wala ang takot ko sa kadiliman.

What I mean in a little bit darkness is, takot ako sa dilim pero kaya ko pa namang kontrolin ang takot ko. But there are some times that I really can’t handle it lalo na kapag nakarinig pa ako ng kulog at kidlat. Buti nga at hindi ako napabalikwas ng gising dahil kung hindi, baka nakatakip na ako ngayon sa dalawang tenga ko habang umiiyak at takot na takot.

Isa din ito ang dahilan kung bakit ako nagigising ng ganitong oras kahit wala namang kulog at kidlat o kahit kalmado at tahimik naman ang gabi. Bumuntong-hininga ako bago inipon ang lakas na mayroon ako bago tumayo at lumapit sa pinto. Hinawakan ko ang door knob at pansin ko ang medyo nanginginig kong mga kamay.

I pushed the door open and go down while calming my nerves. I need to divert my attention to the other things otherwise I will have an anxiety attack again. Hindi dapat ako magkakaroon ng ganito kung hindi lang ako na-trauma no’ng bata pa ako. It is also the reason why I’m scared of darkness and storm.

Nang tuluyan na akong makababa ay bumuntong-hininga muna ako bago lumapit sa babae na nasa desk at nagtanong, “Miss… m-may bagyo ba?” Tanong ko sa babae while trying to hide my nervousness. She smiled politely and I know she noticed that I am in trouble right now.

“There is a storm coming, Ma’am, but you don’t have to worry anything about it. Everything will be fine and you are safe staying here,” she said politely while trying to calm me with her words. Napatango na lang ako at nagpasalamat sa kaniya bago umalis sa harapan niya.

Umupo naman ako sa may sofa na nakita ko na malapit sa entrance nitong hotel at kumuha ako ng magazine na patungkol sa lugar na ito for distraction. I still don’t want to go back to my room because I might panic. May iilang tao ang gising at na sa kabilang dako sila nakaupo dahil may sofa set din sa kabilang dulo and they are busy chatting while drinking coffee.

Ramdam ko namang mas lumamig din ang paligid at buti na lang ay makapal ang sweater at pajama ko kaya hindi ako masyadong tinatablan ng lamig. Hindi pa naman ako sanay sa ganitong kalamig na paligid kaya hindi ako pwede sa mga bansang malamig ang temperatura. I might freeze to death.

Nagtingin-tingin lang ako sa magazine and it is somehow effective since it talks about wonderful places. Pero ng na sa kalagitnaan na ako at nag-e-enjoy ng bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kakaibang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag.

Ngunit nakilala ko ang pakiramdam na ito at ‘yon ang encounter namin ni Mr. Silver eyes. Nakapagtataka ngunit pasimple kong iniling ang ulo upang mawala ‘yon sa isipan ko. Ngunit ng akmang ibabalik ko na ang atensyon ko sa binabasa ko ay siya namang naramdaman ko ang pagpasok ng ilang tao sa loob ng hotel pero hindi na ako nag-abala pang tignan ang mga ‘yon hanggang sa naramdaman kong nakalagpas na sila sa akin. Hindi naman ako tsismosa, eh.

But, I suddenly felt my heart beats faster than normal and I also felt that it looks like someone is looking at me so I looked back even without thinking twice. Ngunit gano’n na lamang ang paninigas ko ng magtama ang mga mata namin, pero hindi ko naman pinahalata ang gulat ko ng makilala siya.

The man with that captivating silver eyes…

Malapit kasi ang information desk sa pwesto ko kaya nakita ko siya ng malinawan. May kasama itong isang lalaki na kausap ang babaeng pinagtanungan ko kanina habang siya ay nanatili lang na nakatingin sa akin at tila walang pakialam sa kaniyang paligid—at tila gano’n din ako.

I shamelessly stared back at him and I noticed that there is something in his eyes that I can’t tell but I know that he’s restraining himself from doing something that only he knows. While me, I’m still confused because of what’s happening to me and why my body, mind, and heart acting something that I can not tell and making me confused…

Habang magkatitigan pa rin kami ay tila siya lamang ang nakikita ko at tila na sa tahimik kaming lugar. I am still staring him and I can see how his sharp jaw clenched. Ngunit ang kaninang siya lamang ang tanging nakikita ko at ang tahimik na lugar ay bigla na lamang nawala ng biglang kumidlat ng malakas na ikinakislot ko sa kinauupuan.

Naputol ang titigan namin ng dahil do’n at dahil sa gulat ay napahawak ako sa dibdib ko. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa nangyari at nagsisimula ng sumikip ang paghinga ko habang may mga ala-alang pilit na bumabalik sa isipan ko.

Damn this anxiety! Damn that trauma!

Pilit kong pinakakalma ang sarili ko and I gently caress my chest where I felt my fast heart beating. Naninikip rin ang dibdib ko kaya pilit kong pinakakalma ang sarili ko. Hindi pwedeng magpatuloy ito, dahil kung hindi ay baka mahihirapan na talaga akong huminga.

I hate this!

Tumayo ako at tumakbo papunta sa kwarto ko ng walang lingon-likod kahit nakararamdam ako ng pangangatog ng tuhod. At habang tumatakbo patungo sa aking silid ay ramdam ko pa rin ang mga titig niya hanggang sa hindi na niya ako kayang matanaw pa.

Nang makarating ako sa kwarto ko ay humiga ako kaagad and positioned myself like a fetus while the comforter is wrapped all over my body. Kahit na ang ulo ko rin ay balot nito kahit na naninikip na ang dibdib ko at hindi na ako makahinga ng maayos.

This is how I calm myself and it makes me comfortable.

Pumikit ako habang pinakakalma pa rin ang sarili but then, that silver eyes man suddenly popped on my head, and surprisingly, I suddenly calmed down until I fell asleep.

***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status