Hunter 6: Halfway
Muli kong tinignan ang mga gamit na kaiilanganin ko papunta sa lugar na ‘yon—sa Primrose city. Kaunti lang naman ito dahil uuwi naman ako kaagad at ayoko rin namang magtagal do’n. Kahit na napalilibutan ‘yon ng kagubatan ay ayoko pa rin dahil masyadong mapanganib.
Mahaba-haba ang lalakbayin ko kaya kailangan kong agahan ang pagba-biyahe kaya maaga akong nagising. 2 AM pa lang ng madaling araw ay gising na ako at ngayon ay naghahanda na lamang sa pag-alis ko. Hindi naman sa excited ako, ang oras na ‘yan ay ang usual na nagigising talaga ako at ng magising ako ng alas dos ay hindi na ako nakatulog pa kahit uminom pa ako ng tubig.
Gumayak na lamang ako at tinignan kung wala na bang problema sa sasakyan ko at kung wala na ba akong nakalimutang ilagay sa bag ko. Hindi ako makakapagpaalam sa mga pinsan at sa mga Tito at Tita ko kaya gumawa na lang ako ng liham para sa pag-uwi nila ay mabasa nila. Malabo naman daw kasing makasalubong ko sila do’n sabi ni Lolo.
Ang mga katulong, si Lolo, ako, at ang mga nakababata kong mga pinsan lang ang naiwan dito sa mansyon dahil ilang araw na silang na sa misyon. Tulog pa lang din ang mga nakababata kong mga pinsan kaya hindi nila alam na aalis na ako. Sa totoo lang, walang nakaaalam sa gagawin ko. Ako at si Lolo lang ang nakaaalam at sabi niya, siya na lang daw ang magpapaliwanag sa kanila.
Nagbihis lang ako ng high waist ripped jeans, at naka-tuck in ang black T-shirt ko na may design na eagle. Sinuot ko din ang light brown kong cardigan na kalahati ng hita ko ang haba, at pinaresan ko naman ng black ankle boots.
Mas safe ako sa sapatos kong ito. Komportable at pwede sa mahabang lakaran o mabilisang takbuhan kung sakali man.
While combing my long brown hair, I remembered the love story of my parents. Since my father also loves adventure, he met my mom and instantly fell in love with her ethereal beauty. A woman who has long brown hair and captivating blue eyes that he even thought that my mom put a spell on him to make him fall in love with her.
Ganiyan ang kwento sa akin ni Papa.
My father is smitten with my mother and I can’t deny that my parents love each other very much. Curious nga ako sa buong pangyayari ng magkakilala sila hanggang sa dumating ako. Hindi kasi kompleto ang kwento ni Papa at ‘yon lamang ang tanging alam mo.
Kung ako kaya? Sa pag-a-adventure ko kaya ay makahahanap din kaya ako ng lalaking mamahalin ko rin at mamahalin din ako tulad ng pagmamahalan ng mga magulang ko? Makabibingwit kaya ako ng lalaking pahahalagahan ako? Yung talagang paninindigan ako. Paninindigan ang kaniyang mga binibitawang mga salita at rerespetuhin ako?
Yung para bang, kahit hindi siya interesado o kahit hindi niya alam ang mga bagay na gusto ko ay handa siyang pag-aralan para lang makasama ako? O kahit hindi niya pag-aralan ay basta suportado niya ako at hindi ako iiwan ng dahil lang sa mahal ko ang ginagawa ko. Because on my whole life, I didn’t feel love at all. Parang nililigawan lang nila ako dahil sa may itsura akong ipagmamalaki at mayaman kami.
Where I could find a man like that?
Way back when I turned 19 years old, I dated a guy that I thought that will be my first and last. Pero mali pala ako. Buti na lang pala at hindi ko sinuko ang mga firsts ko. Like the first kiss, dance, and more, but the first date, nakuha niya but it’s okay. Ako ang nakipag-break dahil hindi ko feel na suportado niya ako sa mga ginagawa ko. Sinakal na niya ako kaya hindi ko na kaya.
Maluwag ako sa kaniya at lagi akong payag sa lahat ng lakad niya pero kapag ako na ang nagpapaalam ay hindi siya pumapayag, that’s why I broke up with him. Well, dear, that’s because I love traveling—I love joyriding. I love adventuring and this is my life. Nauna ang mga ‘yon kaysa sa kaniya and I think, I really chose the best thing.
Buti na lang pala ay hindi ko siya first love and yees. Hindi ko siya first love. Actually, I really like him. He is almost my ideal man that’s why I tried. Nag-try ako at sabi ko, gusto ko naman siya at baka lumalim pa ang pagkaka-gusto ko sa kaniya kapag sinubukan ko. But then, it turns out that I’m really wrong. You can stop me from doing everything but adventuring is my life.
That’s the rule. If you want me to stay on your side then don’t stop me from adventuring. Kung gusto mo naman, sumama ka.
Pero matagal ng nangyari ‘yon. Hindi nga kami umabot ng anniversary, eh. But look at me now, feel free to roam around wherever I want to go. Kung ang pamilya ko nga ay hindi ako pinipigilan, siya pa kaya? Hindi naman katanggap-tanggap ‘yon! Pwede naman siyang sumama, eh, pero mas pinili niyang pigilan at pahintuin ako. Tss!
Oh, darn. Bakit ko ba naalala ‘yon bigla? But then, nagkamali man ako sa una kong boyfriend, sana naman ay bigyan na ako ni Lord ng taong mamahalin ko talaga because to be honest, I am now ready to settle down and I really want to be a mom now. Kaso nga lang, wala namang dumadating—I mean, wala naman akong natitipuhan dahil lahat sila ay ayaw sa ginagawa ko.
After that relationship, I never had a boyfriend anymore dahil sabi ko, ang magiging-second ko na ang taong pakakasalan ko kaya dapat akong maging mapili. I don’t want to settle with someone who will just hurt me in the end. Sino ba namang babae ang gugustuhing magkaroon ng relasyong dudurugin ka? I want a happy and healthy relationship, not a toxic one and my last relationship is the latter.
Nang matapos ako ay isinara ko na ang maliit kong bagahe na naglalaman lang naman ng iilang mga gamit ko—na sa tingin ko ay sapat na sa paglalakbay ko. Pagkatapos ay isinukbit ko naman ang hindi gano’ng kalakihang black backpack ko at do’n nilagay ang binigay ni Papa na baril. May bala na rin ‘yon at binalot ko naman sa pink na handkerchief ang lalagyan ng iba pang mga bala.
Tinignan ko naman ang side table ko at nakita ang family picture namin kaya kinuha ko ito at tinitigan. I smiled when I saw my parents smiling in the picture. I was 7 years old here in this picture and this is my birthday. Hinaplos ko ang picture nila Mama at Papa bago muling napangiti.
“Whatever you want me to know, I will accept it no matter what. I will open my heart and mind and understand it, Mama and Papa…” lalo akong ngumiti at tinignan si Mama na kamukhang-kamukha ko. “I have so many questions in my mind that’s why I agreed to do this and I hope, I will get the answers that I need to know,” huli kong wika bago ito ibinalik sa lamesa.
I checked my bag once again before going downstairs. Alam kong nando’n na si Lolo at naghihintay sa akin. Sa totoo lang ay kinakabahan ako dahil papasukin ko lang naman ang lugar na napaka-delikado para sa mga kagaya ko.
Nang tuluyan na akong makababa ay nakita ko si Lolo and he is waiting for me and when our eyes met, he smiled before I hurriedly hug him. I don’t know but I feel like I already miss him and I am going to miss him more once I am already on my way.
“Always be careful, okay?” Bilin ni Lolo kaya napatango naman ako bago kumalas sa yakapan namin.
“Yeah. I will, Lolo. Take care too,” I said too before smiling brightly at him. Hinatid naman niya ako hanggang sa kotse at tinulungan ako sa paglagay ng mga gamit ko dito.
After that, I faced him and I smiled at him again before hugging him once again. “Bye, Lo. Uuwi din po ako kaagad,” saad ko at humalik sa pisngi niya. He also kissed me on my forehead before we bid our goodbye bago pinaandar ang sasakyan ko at pumunta sa lugar kung saan ko malalaman ang katotohanan. I am nervous but I know, I can do this.
It’s so quiet outside because it’s just 3:30 AM. Nagpatuloy ako sa pagmamaneho habang sinasaisip ang sinabing daan ni Lolo. I’m good when it comes to memorizing routes pero naliligaw talaga ako kapag hindi ako pamilyar sa lugar. Sino nga bang hindi, ‘di ba?
Pero sa pinaggagagawa ko, talagang delikado para sa akin sa tuwing naliligaw ako pero laking pasasalamat ko talaga kay Dio dahil siya ang nakakahanap sa akin. Ngunit sa lugar na pupuntahan ko ay wala akong ibang aasahan kung ‘di ang sarili ko lamang.
***
I’ve been on the road until I saw the beautiful sunrise. Buti na lang at hindi mabato ang daanan kaya hindi ako nahirapan. Tuloy-tuloy ang biyahe ko sa gitna ng kagubatan ngunit mayroong maayos na daanan patungo dito. Mapuno at madamo dahil nga kagubatan nga ito at delikado kung dito pa ako magkaroon ng problema sa sasakyan.
Wala pa namang katao-tao.
Bago pa ako maglakbay ay inihanda na lahat ni Lolo kaya laking pasasalamat ko sa kaniya. Ngayon ay medyo nag-e-enjoy ako kahit na nabubulabog ko ang tahimik na kagubatan. Alam kong wala pa ako sa lugar nila dahil hindi ko pa nakikita ang arko na sinasabi ni Lolo. ‘Yon daw kasi ang palatandaan na malapit na ako.
At first, I am hesitant to go here because there is a high chance that I can’t get inside their place but my grandfather assured me that I will get inside their place since I am a Cadwell. That I am a hunter. Kahit na hindi ako kasama sa pagha-hunting o miyembro ng mga totoong hunters ay isa pa rin daw akong hunter dahil may dugo daw ako nito.
Wala naman sa sariling napahawak ako sa aking kwintas ng makita ko na ang arko na halatang dinaanan na ng panahon at ng na sa tapat na ako nito ay napahinto ako at tinitigan ito. Kinakalawang na ito at ginagapangan na ng mga damo ngunit kahit na gano’n ay nakikita pa naman ng maayos ang salitang nakalagay dito.
I stared at the words but it was written in an unfamiliar language but I still tried. But while doing it, the letters suddenly move on their own and formed into words that I can now read! Hindi ko alam kung paano nangyari ‘yon at gulat na gulat ako sa nangyari but I still manage to read it our loud.
“Welcome to the world where you will find your fate: either a happy ending or a tragic one.”
Napanganga na lang ako bago napakurap-kurap. Bigla ring bumilis ang tibok ng puso ko kaya kinalma ko ang sarili ko. Either a happy ending or a tragic one? Was that a message or what? Napailing-iling na lamang ako bago muling nagmaneho. Nandito lang ako upang kausapin ang matalik na kaibigan ng Mama ko, wala ng iba.
My story’s ending won’t end here in this world. Or if ever that my fate is really here then I will make sure that I will have a happy ending. No matter what.
Nagpatuloy lamang ako sa pagmamaneho at ang tanging nakikita ko lang talaga ay mga puno at halaman. Ngunit maya-maya pa ay may nakikita akong tunnel na ginagapangan na ng mga damo kaya binilisan ko ng kaunti. Until I reached it at ang lupa na kalsada ay naging sementado kaya nakaramdam ako ng saya.
It only means na nakapasok ako at totoo nga ang sinabi ni Lolo na makakapasok ako! Ngunit kahit na nakapasok na ako sa mundo nila ay wala pa rin akong nakikitang mga kabahayan. Hanggang sa maya-maya pa ay napagpasyahan kong mag-park na muna sa gilid ng kalsada at lumabas.
Nag-inat-inat ako habang nakasandal sa kotse habang ninanamnam ang sariwang hangin. I like the atmosphere here, huh. It reminds me of our province but I like here better but I still have to go. Hindi rin kasi masakit sa balat ang init ng araw, eh. It’s already 9:30 AM yet it’s already enough to make me feel cold. Then I realized that 6 hours akong na sa biyahe ng walang hintu-hinto.
Well, I’m used to it.
***
Hunter 7: Primrose CityAng sakit na ng likod ko kaya huminto muna ako saglit. Kaso nga lang, heto na naman ako at isa ito sa dahilan kung bakit ako huminto and that’s because I do not know where to go or where to turn my car this time. I mean, tama ang dinaanan ko pero hindi ko na alam ang lilikuan ko dahil kaharap ko lang naman ang tatlong likuan.Left, middle, and right. Nakalimutan ko yung sinabi ni Lolo na daan na dapat kong likuan at wala rin naman kasing arko dito o kahit na anong sign sa paligid na magsasabi kung saan patungo ang mga lugar na ‘to. Napa-face palm na lang ako at napatingin sa tapat ko habang nagtatalo ang isip.Nagugustuhan ko ang paligid dahil puro puno ang nakikita ko dito kaya nag-e-enjoy ako sa pagmamaneho. Ganito ang gusto ngunit naputol ang kasiyahan ko dahil sa tatlong daan na nasa harapan ko. I don’t know what route I should
Hunter 8: Second Meeting Nagising ako ng bandang alas tres na ng hapon. Mahaba-haba rin ang tulog and I’m satisfied yet hungry. Though, feeling ko nakabawi ang katawan ko ng lakas at medyo nawala ang pagod ko. Mawawala lang ng tuluyan ang pagod ko kung kakain ako kaya pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay bumaba kaagad ako at pumunta sa katapat na restaurant nitong hotel na tinutuluyan ko.Tulad kanina pagdating ko sa hotel ay pinagtitinginan ako. Madami-dami rin kasi ang mga kumakain dito at pasimpleng sumusulyap sa akin. One of the waiters assists me at ibinigay sa akin ang pwesto sa dulo which made me thankful. At least, dito medyo tago pa at walang masyadong malapit sa akin.I just ordered stake and lasagna and patiently waiting for my ordered food. Pwede naman akong kumain sa hotel pero mas pinili kong lumabas sa kwarto ko. I want to try their food here that’s why I went here. While wai
Hunter 9: Unfamiliar FeelingNapabalikwas ako ng bangon ng makarinig na naman ako ng malakas na kidlat kaya napahawak ako sa dalawang tenga ko at sumiksik sa headboard ng higaan ko. I can feel my heart beating so fast that causes me to breathe harder. I badly want to wrap my comforter on my body but I can not move!Nanginginig na ako dahil sa takot habang nakahawak pa rin sa dalawa kong tenga. Napaiyak na lang ako ng makita kong madilim at walang kaliwa-liwanag ang paligid na mas lalo kong ikinanginig sa takot. Kumidlat na naman kaya lalo akong napaiyak at mas lalong ipinikit ang mga mata.No! No! Pinipilit kong ‘wag maalala ang nangyari sa nakaraan pero naalala ko pa rin ito dahil sa sitwasyon ko ngayon.“No! No! No!” Sigaw ko habang humahagulgol.I felt my body trembling as I cry aloud. The memor
Hunter 10: The HeiressNagkatitigan pa kami at walang ni isa ang may balak na magbawi ng tingin. Ngunit naputol lang ang pagtititigan namin ng biglang bumuhos ang ulan kaya wala akong nagawa at pumasok kaagad sa loob ng kotse ko upang hindi mabasa.Ngunit medyo nabasa pa rin ako at ng maalala ko ang lalaki kanina ay bigla akong napatingin sa direksyon niya. Nakita kong nando’n pa rin siya at nakasandig sa kotse niya na mukhang mamahalin habang nakatitig pa rin ito sa akin.Kahit na alam kong tinted itong bintana ng sasakyan ko, idagdag pa ang malakas na ulan ay tila nakikita pa rin niya ako sa loob and he’s still looking directly into my eyes. Bigla naman akong nag-alala dahil nabasa na siya ng ulan pero hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan niya at nanatiling nakatitig lang sa direksyon ko.Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at lalabas na sana ng ma
Hunter 11: Golden-Yellow Eyes“We promise, you’ll enjoy what we will gonna do to you tonight,” bigla naman akong kinalibutan dahil sa sinabi ng isa lang kasamahan nila.Nakaramdam na ako ng takot dahil sa kanila. They know that I am just a mere human that’s why they scaring me and it is working! I know they can kill me instantly and that makes me more scared. But then, I was trained to be a warrior that’s why I won’t let these scumbags touch even the tip of my hair!I won’t waste my years of training just because of these assholes! I saw on my peripheral view that one of them is about to touch me but because of my fast reflexes, I managed to stop his hand. Hinawakan ko ang wrist niya at hindi ko alam ang nangyari dahil bigla na lang nagliwanag ng kulay pula ang kamay kong nakahawak sa kaniya at kasunod no’n ay ang masakit niya
Hunter 12: Euphria TownGinawa ko na lang ang morning routine ko at naghanap ng extra toothbrush. Pagkatapos ko ay lumabas ako sa kwarto at hinanap ang daan palabas. I did not dare to see the room’s second floor dahil baka magalit ang may ari. Mahirap na at baka maparusahan pa ako. Ngunit, na saan nga ba kasi ako?Na sa Primrose city pa ba ako?Nang tuluyan akong makalabas ng pinanggalingan kong silid ay napansin kong na sa second floor ako at mula sa hindi kalayuan ay nakita kong mayroong railings ang nando’n kaya naglakad ako kaagad papalapit dito upang sumilip kung may tao ba sa ibaba.Pero ang tahimik ng paligid…Pero bago ako makalapit sa railings ay napansin ko pa ang maliit na sala na nasa kanang bahagi ng ikalawang palapag at mayroon pang daan dito na hindi ko alam kung saan patungo. Wala naman akong i
Hunter 13: Run AwayAnd after I ate breakfast, nagpaalam si Harleen sa akin na aalis na muna siya dahil may urgent daw siya. May pupunta naman daw ditong katulong mamaya para may kasama ako kaya nagpaalam na kami sa isa’t isa.Umakyat naman ako at bumalik sa kwarto kaninang pagkagising ko. Dali-dali naman akong pumasok sa walk-in closet at hinanap ang backpack ko dahil tulad ng plano ko ay uuwi na ako kahit hindi pa nagpapaalam sa kanila.I need to talk to Lolo and ask him about what I learned from Mamita. Hindi na ako makapaghintay pang malaman ang mga nalalaman ni Lolo. I can’t talk to Lolo over phone right now kaya kailangan ko talagang umuwi ngayon.Hindi ako mananahimik kung hindi ko malalaman ang side ni Lolo. Hindi ko alam kung paano ako uuwi dahil hindi ko alam kung na saan ang sasakyan ko pero bahala na. Hindi ko maaaring ipaalam sa kanila na uuw
Hunter 14: Guilty Gulat akong nakatingin sa kaniya dahil sa narinig. He just dropped the bomb! Kaya ba naririnig ko ang boses niya sa isipan ko at bigla na lang nakakaramdam ng sakit at saya ng bigla-bigla na alam ko namang hindi sa akin ang pakiramdam na ‘yon?Na… sa kaniya pala ang emosyon na ‘yon at dahil mate kami ay nararamdaman ko ang mga bagay na ‘yon? Kaya ba ang bilis ng tibok ng puso ko kapag alam kong na sa malapit lamang siya at ang kakaibang pakiramdam na siya lang ang may kakayahang maiparamdam sa akin?Oh, darn! I’m doomed! All of my life, I just wished to have a peaceful life and will find a man that I will cherish until my last breath. Pero mukhang mahal na mahal ako ni Lord dahil napasobra ang binigay niya sa akin. This is beyond my expectations.Before going here, I searched for information about them, and about mates isn’t an