Aurora's Point of View
DALA marahil ng pagod kaya masyadong mahaba ang tulog ko. Mukhang hindi pa ako magigising kung hindi lang kumalam ang tiyan ko at naghahanap na ng pagkain. Sa pagmulat ko ng mga mata ang kisame ng kwarto ni Tanya ang siyang bumati sa akin. Si Tanya ang anak ni Auntie Leonora. Sa totoo lang, ngayon ko pa lang sila nakilala, ngayon lang na isinama ako ni Auntie Pacita dito sa Lanayan. Kadarating lang namin at halos isang araw ang byahe bago kami makarating kaya pagod na pagod ang katawan ko. Hindi ko alam na may kamag-anak pa pala kami, hindi ko iyon alam, ang akala ko'y sila Auntie Pacita na lang ang kamag-anak na meron ako. Bumangon ako at nagpasyang lumabas baka sakaling may makakain. Hindi na ako kumain kaninang tanghalian dahil naunahan na ako ng antok at pagod. Nasa ikalawang palapag ng bahay ang kwarto ni Tanya kaya kailangan ko pang bumaba papunta sa kusina. Sana lang may pagkain pa. Hindi pa nga ako nakakapagpalit ng damit, mamaya ay maliligo ako dahil kahapon ko pa itong damit. Saglit akong natigilan sa pagbaba ng hagdan nang marinig na parang nagkakagulo sa baba. Anong problema? Parang may nag-aaway. Dali-dali akong humakbang sa baitang para tingnan kung ano ang gulo. Tumigil ang mga paa ko nang makita ang limang mga lalaking may malalaking katawan. Kausap ng isa sa kanila si Auntie Pacita at Auntie Leonora at nagsisigawan sila. Natuon ang tingin nila sa akin, kumunot ang noo ko nang mabilis na tumungo ang dalawang lalaki sa akin at hinawakan ang magkabila kong braso at sapilitan akong kinaladkad papalabas. “Teka! Bitiwan niyo ko!” Taranta kong sigaw nang mas naging agresibo silang kaladkarin ako palabas ng bahay. May dalawang humarang kayna Auntie para hindi na nila ako malapitan. Takot at pangamba ang naramdaman ko kaya sumisigaw ako. “Auntie! Tulungan niyo ko!” “Tulong! Bitiwan niyo ko! Ano ba!” Pero malalakas sila. Umaangat ang katawan ko sa lupa dahil sa pagpupumiglas ko at kahit anong pagpapasag kong gawin hindi nila ako binibitawan. Hanggang sa makalabas kami ng bahay at nakita ko ang itim na sasakyang naghihintay sa amin. Mas lalong kumabog ang dibdib ko kaya buong lakas akong nagwala at nagpumilit makawala sa hawak nila. “Auntie! Auntie Pacita!” Hindi ko na matanaw kung lumabas ba ng bahay sila Auntie. Hindi nila ako magawang tulungan. Hanggang takpan ng isang lalaki ang bibig at ilong ko gamit ang puting panyo. May kung anong matapang na amoy iyon na naging dahilan para mahilo ako at manghina. Para bang ninakaw ang lakas ko hanggang sa tuluyang hilahin ng dilim ang lahat sa akin. Tulungan niyo ko. Parang pinukpok ng martilyo ang ulo ko nang magising ako. Sobrang sakit din ng katawan ko at nahihilo pa ako. Marahan kong kinusot ang mga mata ko dahil nanlalabo iyon. Nang maging malinaw na ang paningin ko tumambad sa akin ang malaki at maranyang kwarto. Agad akong bumangon kahit pa parang pinupukpok ng martilyo ang bawat parte ng utak ko. Inilibot ko ang paningin sa buong silid, malaki at malawak iyon na parang kasing laki na ng bahay namin sa Damarenas. Mayroon pang sofa at mga mamahalin na upuan sa isang sulok, mga lalagyan ng libro, at may pintong patungong teresa. Nakabukas ang lampshade na nagbibigay ng kahel na liwanag sa buong silid. Nasaan ako? Rumagasa sa alaala ko kung paano ako kinaladkad ng mga mamâ kanina at pinatulog gamit ang panyong may nakakahilong amoy. Dahil doon mabilis akong bumangon at tinungo ang pinto. Kailangan kong umalis. Pinihit ko ang seradura pero mukhang nakasarado iyon. Mas lalo lang akong nataranta. Ilang beses ko pa iyong ginawa at buong lakas na pinilit na pihitin iyon pero hindi pa rin mabuksan. Nagpalinga-linga pa ako para makahanap ng pwedeng gamitin para buksan ang seradura. Napabaling ang tingin ko sa maliit na kabinet malapit sa kama at kinapapatunangan ng lampshade. Baka may mahanap ako roon. Nilapitan ko iyon at akmang bubuksan iyon nang matigilan ako dahil sa larawan na naroon. Literal na nahulog ang panga ko at parang tumigil ang pagpintig ng puso ko. Inabot ko iyon at tiningnan ng mabuti ang larawan. Bakit? Paano? Isa iyong larawan ng bagong kasal. Isang napakagwapong lalaki ang naroon habang katabi ang bride. Kamukhang-kamukha ko ang babae. Pero imposible! Hindi ako ito. Mas lalo ko pang tiningnan ang babaeng nasa larawan. Kamukha ko nga siya, sadyang napakaganda niya lang dahil may kolorete ang kaniyang mukha at napakaganda ng kaniyang suot na pangkasal. "So, you're already awake." Mabilis kong ibinalik ang larawan at humarap sa taong nagsalita. Natulos ang mga paa ko nang makita ang lalaking kanina ay nasa larawan lamang. Nakasuot pa siya ng puting long sleeve na nakatupi hanggang siko at mukhang kadarating lang galing sa kung saan. Humakbang siya palapit kaya muling bumalik ang mabilis na pagpintig ng dibdib ko.Aurora's Point of View"Sino kayo?"Tanging ang liwanag lamang sa malaking lampshade ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto. Ngunit sapat iyon para makita ko ang biglang pagliyab ng galit sa kaniyang mata dahil sa tanong ko.Mas lalo pa akong kinabahan nang makita ang pagtatagis ng kaniyang bagang at tumalim ang kaniyang mata. "What now? You're going to act like you have a g*dd*mn amnesia? Do you really think that I'm a f*ck*ng m*r*n, Candice?!"Ang galit niyang boses ay parang ungol ng isang mabangis na hayop sa gitna ng kaparangan. Nakakatakot, malalim at mapanganib."H-hindi po ako si Candice." Umiling ako. Takot na sa kung ano ang gagawin niya."Hindi ko po kilala ang sinasabi niyo."Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa akin at wala akong nagawa nang haklitin niya ang braso ko at mahigpit iyong hawakan."D*mn you! Akala mo ba makukuha mo ako sa ganiyan! Hindi ako tanga. Naiintindihan mo?"Pinilit kong baklasin ang kamay niya dahil masakit iyon."Hindi nga ho kasi ako si Candic
Aurora's Point of ViewNAG-ANGAT ako ng tingin, isang katulong ang pumasok at may dalang tray na puno ng pagkain. Matapos niya iyong ilagay sa kama ay walang imik din siyang lumabas.Kasalukuyan akong nakahilig sa may pintuan ng teresa at tinatanaw ang malawak na harden sa labas. Para lang akong ibon na nakakulong sa hawla at walang kalayaan. Apat na araw na rin simula nang kunin nila ako at ikulong sa kwartong ito. Laging may nakabantay sa labas ng silid kaya hindi ako makalabas, wala rin akong maisip na pwedeng paraan para makaalis sa lugar na ito. Kain, tulog, at pagtanaw lamang sa harden ang nagagawa ko buong araw.Para akong pinaparusahan ng langit, para akong bilanggo sa isang marangyang silid.Narinig kong bumukas ulit ang pinto pero hindi na ako nag-abalang lingunin iyon, baka isa rin sa mga katulong. Siguradong maglilinis lang iyon ng kuwarto."Ba't hindi ka pa kumakain?"Para akong tinamaan ng kidlat nang marinig ang boses na iyon. Dali-dali akong umayos ng tayo at pumihit
Aurora's Point of ViewMayaman talaga siya, kahit ang mga painting na nakasabit sa dingding talagang engrande. Hindi ko tuloy maiwasang hindi ilibot ang tingin sa kabuuan, ngayon ko lang napagtantong hindi ito simpleng bahay lang, mansyon na ito.Panay ang pagtingin ko sa paligid habang nakasunod sa kaniya. Marami rin ang mga katulong sa bahay at hindi ko na matandaan kung ilan silang lahat dahil iba-iba ang skirt na suot nila, may blue, orange, red at green. May konekta ba iyon sa trabaho nila?"Manang Osmet!" He shouted.At mula sa kung saan sumulpot ang isang matandang babae na seryoso ang ekspresyon ng mukha. Mukhang siya ang mayordoma nang lahat nang mga katulong base na rin sa awra at sa suot niyang all-black. Mukhang sixty plus na ang matandang babae dahil may pagkakulubot na rin ang balat nito sa mukha."Señorito." Bati nito sa lalaking kasama ko.Señorito? Ganon ba talaga siya tawagin ng lahat?"Dalhin mo si Candice sa harden at ituro sa kaniya ang mga dapat linisin. Pronto."
Aurora's Point of View"Have a sit." Utos niya sa akin.Hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Wala pa akong naririnig mula sa mga katulong maliban lang sa “señorito” na tawag sa kaniya. Kahit ang apelyido niya hindi ko rin alam.Nasa kabisera siya at parang haring nakaupo. Ngayon ko lang napansin ang maraming pagkain na nakahain sa mahabang mesa. Agad naman na kumalam ang tiyan ko nang makita ang masasarap na putahing iyon kahit hindi naman pamilyar kung anong klaseng luto iyon. Naupo ako sa upuan bago ang sa kaniya. Dahil doon kumunot ang noo niya, pero wala akong alam. Saan ba dapat ako umupo kung ganon?"Hindi ba pwedeng maghugas muna ako ng kamay bago kumain?" Malumanay at mababa ang boses ko nang itanong ko iyon sa kaniya.Saglit niya pa akong pinakatitigan at kalaunan tumango ng marahan. Agad naman akong tumayo at nagtungo sa kusina. Limang katulong ang naroon at nabigla pa sila nang makita ako, agad silang nagsitabi na para bang nakakatakot akong nilalang. Hinayaan ko na
Aurora's Point of ViewMATAGUMPAY na ngiti ang agad na kumawala sa labi ko nang matapos kong isampay ang huling kurtina. Makakapal pa naman iyon kaya mahirap labahan, hindi gaanong madumi pero masyadong madami para tapusin agad. Ang bilin ni Alted— si Alted ang masungit na lalaking iyon— tapusin ko raw ito bago magtanghali. Ngayon alam ko na ang pangalan niya dahil nang isang beses naglilinis ako ng salas narinig kong sinabi niya, "Yes, this is Alted Dela Fuente. What do you want?" Doon ko lang nalaman ang pangalan niya. Alted, parang kahit ang pangalan niya'y nagsusumigaw ng kapangyarihan at karangyaan. O sadyang ako lang ang nag-iisip no'n? Mabait naman siya sa akin kahit papaano dahil hindi niya ako sinasaktan sa pisikil na aspeto. Maliban sa araw-araw na pagsunod sa mga utos niya wala nang bago roon. Hindi niya rin ako hinahayaang makaalis ng mansyon, pero ayos na iyon sa akin, sa sobrang lawak ng sakop ng buong mansyon sapat na iyon sa akin sa buong araw para hindi mabagot. Hin
Aurora's Point of View"Candice Entrata-Dela Fuente." Bulong ko sa sarili nang makita ang pangalan na iyon sa isang envelope. Entrata ang apelyido niya? Sandoval naman ang sa akin. Ano bang kaugnayan namin sa isa't isa?Naghalungkat pa ako sa mga kabinet at tanging iyon lamang ang nakita ko at ang marriage contract na rin nila ni Alted na nakaipit sa pinakailalim ng papeles. May mga album din dito kaya nakatulong iyon sa akin. Mas marami ang solo na litrato ni Candice at may iilan na buo sila nila Alted. Napansin ko rin doon ang dalawang batang babae, iyong nakita ko noong kumakain ako. Siguro anak nila, hindi lang ako sigurado.Base sa nakikita ko sa litrato talagang sanay sa marangyang buhay si Candice, liberated kumbaga at ang pananamit ay bulgar at nakalimutan na ang salitang "konserbatibo", mahilig din siyang maglagay ng makeup sa mukha, isang tingin lang sa larawan niya halatang mapagmataas at parang hindi hahayaang pabagsakin siya ng kahit na sino. She's intimidating and sophis
Aurora's Point of ViewMAAGA akong nagising at bumaba sa kusina para ipagtimpla ng kape ang sarili. Naroon ang isang katulong at nabigla pa nang makitang maaga akong nagising."Good morning." Bati ko sa kaniya bago tumuloy para magtimpla.Hindi niya ako sinagot at hindi rin siya umimik kagaya ng palaging ginagawa ng mga katulong kapag nasa malapit nila ako kaya tahimik kami sa kusina. Nang matapos ako sa pagtimpla ng instant coffee gumawa na rin ako ng sandwich at naupo sa highstool ng island counter. Dito na lang ako mag-aalmusal."Ba't ang aga mo?" Muling subok ko.Gusto ko ng kausap, siguro naman hindi magagalit si Alted kapag nakipag-usap ako sa mga katulong niya. Wala namang masama doon."Ipagluluto ko po sila Snow at Winter ng breakfast." Sagot nito at nagsimula na ngang kumilos.Snow at Winter? Ibigsabin iyong isa ang pangalan ay Winter? Ang ganda naman noon, malamig ang mga pangalan nila. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti."Anong lulutuin mo?" Tanong kong muli, mas pin
Aurora's Point of View"M-mom. I-i didn't — I."Umiling agad ako. Parang iiyak na kasi siya at mukhang natatakot sa akin. Doon ko naintindihan na baka natatakot siya dahil narinig ko ang sinabi niya."No, no, it's okay."Tiningnan ako ni Winter at nanunuri ang mga mata niya. "You won't scold us?""Of course not, why would I?""You won't beat us?"I smiled sadly. Paano ko iyon magagawa sa kanila?"I won't. Sige na, kain na kayo baka mahuli pa kayo sa klase."Sumunod nga silang dalawa at agad tinapos ang pagkain. Magsasalita pa sana ako nang marinig kong paparating na si Alted. Agad akong tumayo dahil baka makita niyang kinakausap ko sila Snow, baka magalit na naman siya sa akin."Daddy!" Masiglang sigaw ni Snow nang makita ang ama."Good morning, Baby." Bati pabalik ng lalaki at lumapit sa kambal para halikan ito.Kung sa akin para siyang mabangis na hayop sa kagubatan, ngayon ko nakitang malambing pala siya sa mga anak niya. Mukhang hindi niya ako napansin dahil umupo siya sa lagi niy
Aurora's Point of View Siya ang unang nagbawi ng tingin upang balingan ng tingin si Elizabeth. Alted. He's here. "Pinayagan kaming sumama ni Daddy." Ani Winter. Nakita ko ang pagtango ni Elizabeth sa sinabi ni Alted na hindi ko narinig dahil sumabay si Winter. Naunang naglakad ang babae palabas, sumulyap sa amin ulit si Alted at sumunod din palabas ng bahay. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa maglakad sila palayo. Patungo sa pool side sa labas. Pumitik ako sa reyalidad at ibinalik ang atensyon sa dalawang prinsesita na yakap ko. "G-gusto niyong kumain? Nagbreakfast na ba kayo?" Tanong ko. Masyado pang maaga, baka hindi pa sila kumakain. Mariin ang titig sa akin ni Winter, samantalang nakangiti naman ng magaan si Snow. "Done na Mommy." Sagot ni Snow na ipinulupot muli ang dalawang kamay sa batok ko. Lumapit siya para patakan ng halik ang pisngi ko. Humagikhik siya pagkatapos. Natigilan ako, hindi dahil sa paghalik at sa paghagikhik niya, napatulala ako sa kaniya nang mai
Aurora's Point of ViewMalaki pa rin ang ngiti sa labi ni Snow nang nagmamadaling tumakbo papunta sa pinto ng bahay.Wala akong lakas para suklian ang matamis niyang ngiti, pero nang marinig ko ang boses niya, parang hinaplos ng mainit na kamay ang puso ko.Bumalot agad ang matinding kasiyahan sa sistema ko, kasabay ng pagragasa ng pangungulila sa bawat parte ng pagkatao ko, dahilan para mangilid ang luha sa mga mata ko.My heart is aching deep inside. Ang alam ko masaya ako, sobrang saya, pero bakit nakakaramdam ako ng matinding kirot sa kaibuturan ng puso ko?Sinalubong sila ni Elizabeth para pagbuksan ng pinto dahil hindi ko na magawang umalis sa kinatatayuan ko.Dire-diretso naman si Snow sa pagpasok ng bahay nang mabuksan ang pinto, hindi na niya halos tinapunan ng tingin ang kaniyang Tita Liza dahil nagmamadali siyang tumakbo papunta sa akin.She held her small arms up. Patakbo siyang lumapit at umamba ng yakap."Mommy!" She excitedly shouted.Idinipa niya ang mga kamay kaya aga
Aurora's Point of View Isinubo niya ang tinapay bago nagpatuloy. "Oo, nagkamali ka. Sabihin natin na nagsinungaling ka sa kanila, pero may ginawa ka ba na ikinasama nila? Wala naman, hindi ba? Naging mabuti ka sa kanila." Ibinaba niya muli ang pagkain at matiim akong tinitigan. "Nasaktan lang si Kuya Alted kasi huli na para malaman niya ang totoo at hindi pa iyon gaanong maliwanag sa kaniya. He was shocked to know the truth! Kahit naman ako, noong nalaman ko ang totoo, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Hindi madali na tanggapin na lang iyon agad, Aurora. Naguluhan din ako." Naalala ko bigla na hindi siya agad naging mabait sa akin. Kahit na inaalagaan nila ako ni Nexon, nakikita ko pa rin sa kaniyang mga mata ang pag-aalinlangan, ang pagkamuhi, at ang pagkalito. It was hard. Kahit sa sarili ko noon, hindi ko magawang tanggapin agad na magkapatid kami ni Candice kaya magkamukhang-magkamukha kami. "If you really love my cousin, as well as the kids, hindi ba dapat na
Aurora's Point of View "We are just going to visit them, Aurora. Hindi naman tayo matutulog sa bahay ni Kuya Alted, babalik din tayo agad kapag palubog na ang araw! Or even before the sun sets!" Puno ng frustrasyon ang boses ni Elizabeth. Tiningnan ko siya at nagbuntong-hininga. Sumunod siya sa akin nang pumasok ako sa kusina. Hindi maipinta ang kaniyang mukha at halatang nasira na ang kaniyang umaga dahil sa patuloy kong pagtanggi. Gusto ko naman e, gustong-gusto kong sumama, pero hindi ko pa kaya. Kahit anong pilit ko sa sarili. Kahit akong kumbinsi ko. Naduduwag pa rin ako. Maisip ko pa lang na makikita ko si Alted sa bahay niya kapag bumisita kami ngayong araw ay para na akong binubuhusan ng malamig na tubig. Wala akong mukhang ihaharap sa kaniya. Ayaw ko rin pahirapan ang mga bata. Naiintindihan ko ang galit ni Alted sa akin. Naiintindihan ko kung hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin. Wala nang dahilan para tanggapin niya ako sa pamamahay niya. Sabihin man natin na
Aurora's Point of ViewHapon nang makabawi ako sa lahat ng pagkakatulala at pagkawala sa sarili. Ang dami kong iniisip, dahilan para mapagod na lamang ako at walang magawa sa buong maghapon.Alas kuatro y media nang bumaba ako at maabutan sa sala si Elizabeth na mag-isang nanonood ng romantic movie.Nag-order pa siya ng dalawang pizza na ngayon ay nakapatong sa coffee table kasama ang popcorn at juice. Napailing ako sa sarili. Akala ko nasa taas siya at nagkukulong sa kuwarto.Lumapit ako at tumabi sa kaniya sa pagkakaupo sa mahabang sofa. Saglit niya akong nilingon at ibinalik din agad ang tingin sa flatscreen.“What happened to your eyes?” Tanong niya, ngunit ang mga mata ay nakapako na sa television.Hindi ko siya sinagot.Umupo ako sa kabilang dulo. Siya naman ay nakaupo rin sa kabilang dulo ng sofa. Ang kaniyang mga paa ay nakapatong sa sofa, bahagya siyang nakaharap sa akin, ngunit ang kaniyang ulo ay nakatutok sa flatscreen.“Get yourself some pizza.” Aniya.Iniabot niya sa aki
Aurora's Point of View I shifted on my seat. Ngayon ko lang din napansin na halos hindi na ako humihinga dahil sa pakikinig sa kaniya. "Nabuntis niya si Candice, but she didn't really love him. She has a lover in Lanayan. Iyong kababata niya, kaya ayaw niyang dito magpakasal para hindi malaman ng lalaking iyon na kasal na siya kay Kuya Alted. Pero sa huli, nalaman din ng lalaki, ang Auntie mismo ni Candice ang nagsabi do’n sa lalaki kaya ayon," umiling siya. "Nagpakamatay." Patuloy siya sa pag-iling. "Nasa ibang bansa pa no'n sila Kuya Alted, kaya nang makauwi, huli na nang nalaman ni Candice. Then everything turned out complicated. Sinisi niya si Kuya Alted sa lahat. Muntik niya pang ipalaglag sila Snow at Winter dahil sa galit na nararamdaman dahil sa pagpapakamatay no’ng lalaki. Mas lalo pa akong nagalit sa kaniya kasi lumabas lang na hindi niya naman pinakasalan si Kuya Alted dahil gusto niya, pinakasalan niya alang-alang sa pera. Goodness!" Naramdaman kong lumalamig na ang ga
Aurora's Point of View"Twelve years old lang siya no’n nang mangyari ang aksidente. Tita Dem and Tito Astren didn't make it. They were declared dead on arrival. Si Kuya Alted lang ang nakaabot sa ospital." Humina ang kaniyang boses at tuluyan siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga."It was hard for him. Bata pa siya masyado para maiwan mag-isa. Kaya dinala siya ni Papa sa bahay noon para sa amin muna tumira hanggang sa gusto niya. Maraming naiwan na ari-arian at negosyo sila Tito Astren kaya si Papa muna ang humawak no’n habang hinihintay si Kuya Alted na makapagtapos, dahil siya lang naman ang magmamana ng lahat sa huli. Si Papa at Mama muna ang kumupkop at tumayong magulang sa kaniya."Marahil, iyon din ang rason kung bakit sobrang lapit ni Alted kay Elizabeth at kay Nexon. Magkakasama pala silang lumaki."Madalas, nakikita ko siyang umiiyak ng tahimik sa kaniyang kuwarto. Bata pa ako masyado para mapansin ang mga problema ng ibang tao, pero sa tuwing nakikita ko siyang u
Aurora's Point of ViewAlas nuebe nang gabi nang bumaba ako sa kusina para magtimpla ng gatas. Madalas, nahihirapan akong makatulog lalo na kung marami ang iniisip. Kaya bumababa ako para magtimpla ng gatas.Matatanaw mula sa dining area ang malaking swimming pool sa labas. Bago dumiretso sa kusina, nasulyapan ko ang pamilyar na pigura ni Elizabeth na nakatayo malapit sa pool.Mukhang may kausap siya dahil hawak niya ang kaniyang cellphone malapit sa tainga.Saglit na kumunot ang noo ko nang makitang pabalik-balik siya, tila hindi mapakali.Baka may problema?Kaysa tumuloy sa kusina, dumiretso ako sa double doors para lumabas ng bahay. Aligaga masyado si Elizabeth, baka mayroong problema."Of course not, Kuya!"Hindi marinig mula sa loob ang kaniyang boses, pero ngayon na nasa labas na ako'y napuno agad ng galit niyang tono ang pandinig ko."Why is it that it's my fault now? Masisisi mo ba ako kung nagalit din ako sa ginawa niya do’n sa tao? He was unfair! Dapat lang na may makuha siy
Aurora's Point of View "No, it's okay." Maagap na tugon ni Deo. Seryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "Virginia is just messing around, Aurora. I'm sorry." Dagdag niya. "She really likes to sell me around like a pizza." I awkwardly smiled at him. Hindi ko alam kung seryoso siya o hindi, pero ayaw kong makipag-date na lang ng ganoon. Kahit pa biro lang ni Virginia, mas mabuti nang malinaw sa amin. Marahan na tumawa si Virginia. "Ang hina mo talaga sa babae, Deo." Tumawa rin si Elizabeth. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa nangyari. "We have to go. Mauna na kami sa inyo." Paalam ni Elizabeth. Nilingon niya ako at tumango. Naglakad kami paalis, ngunit sa may pinto pala naghihintay ang sales lady na may dalang limang paper bag. "Thank you for purchasing, Miss Dela Fuente." Nakangiting sabi ng sales lady. Tinanggap ni Elizabeth ang paper bags at tumango. Lumabas kami sa store. Dala ko ang mga pinamili niya para sa kambal, samantalang dala naman niya ang mga bagong pape