Aurora's Point of View
MATAGUMPAY na ngiti ang agad na kumawala sa labi ko nang matapos kong isampay ang huling kurtina. Makakapal pa naman iyon kaya mahirap labahan, hindi gaanong madumi pero masyadong madami para tapusin agad. Ang bilin ni Alted— si Alted ang masungit na lalaking iyon— tapusin ko raw ito bago magtanghali. Ngayon alam ko na ang pangalan niya dahil nang isang beses naglilinis ako ng salas narinig kong sinabi niya, "Yes, this is Alted Dela Fuente. What do you want?" Doon ko lang nalaman ang pangalan niya. Alted, parang kahit ang pangalan niya'y nagsusumigaw ng kapangyarihan at karangyaan. O sadyang ako lang ang nag-iisip no'n? Mabait naman siya sa akin kahit papaano dahil hindi niya ako sinasaktan sa pisikil na aspeto. Maliban sa araw-araw na pagsunod sa mga utos niya wala nang bago roon. Hindi niya rin ako hinahayaang makaalis ng mansyon, pero ayos na iyon sa akin, sa sobrang lawak ng sakop ng buong mansyon sapat na iyon sa akin sa buong araw para hindi mabagot. Hindi rin ako kinakausap ng mga katulong maliban lang kapag may importanteng sasabihin kaya sa huli ang mga bagay-bagay sa paligid ang kinakausap ko. "Nakakapagod ka." Sabi ko sa kurtina na ngayon ay nakabilad na sa sinag ng araw. Mayaman si Alted, nakita kong may washing-machine sila sa laundry area pero gusto niyang ako mismo ang maglaba ng mga kurtina. Syempre, parte iyon ng pagpapahirap niya sa akin, pero hindi na ako nagreklamo. Paniguradong marami na naman ang ipapakain niya sa akin mamaya dahil alam kong ipapatawag niya ako para kumain. At tama nga ako dahil natanaw ko na ang isang katulong na papunta sa akin. "Kakain na po." Aniya nang makalapit. Ngumiti naman ako sa kaniya at naglakad papunta sa dining area. Higit isang linggo na akong nananatili rito kaya kahit papaano pamilyar na ako sa mga lugar dito sa loob ng mansyon. Tatlong palapag iyon at mayroon pang rooftop. Maliban sa swimming pool na narito, harden, at may playground din. May tree house sa pinakadulong bahagi ng harden. Kinumpleto na yata ni Alted ang lahat dito sa mansyon niya. Nang marating ko ang dining area wala roon ang masungit na lalaking iyon pero puno ng pagkain ang mahabang mesa. Gusto ko sanang magtanong kung nasaan ang señorito nila pero hindi ko na binalak. Tahimik akong kumain, nagugutom din ako kaya hindi ko na pinansin ang ibang bagay. "Don't come near, Snow!" Natigil ang pagsubo ko nang marinig ang impit na sigaw ng isang maliit na boses. Nilingon ko kung saan nanggaling iyon at nagulat din ako nang makita ang dalawang magkamukhang batang babae sa isang sulok. Ang isa ay nakasilip sa gilid at ang isa ay naroon at nakatingin sa akin. Nang makita nilang nakatingin ako sa kanila kumaripas sila ng takbo papunta sa kung saan. Nangunot ang noo ko. May mga bata pala sa mansyon na ito? Ba't ngayon ko lang sila nakita? Madali kong tinapos ang pagkain at hindi na nawala sa isip ko ang mukha ng dalawang bata. They look so cute and beautiful. Ngayon lang ako nakakita ng ganoon kagandang mga batang babae. Kung hindi lang sana sila tumakbo kanina baka nakausap ko sila. Magaan ang loob ko sa mga bata, hindi ko alam kung bakit parang may kung anong mahika silang dala at nagpapagaan ng kalooban ko. Siguro dahil sa nakikita kong kainosintehan sa mga mata nila, dahil sa malaya nilang mga pangarap at mga ngiting walang pagkukunwari. •♦•♦•♦•♦•♦•♦•♦•♦•♦•♦•♦•♦ Alted's Point of View Tumiim ang titig ko sa babaeng nasa harden at nagdidilig ng mga halaman. Hapon na ngayon at papalubog na ang araw. Bawat hapon ginagawa niya iyon kahit hindi ko na iutos. Salubong ang kilay na tiningnan ko ang bawat galaw niya, walang kaartehan, walang pag-aalinlangan at hindi man lang takot sa duming kakapit sa kaniya hindi kagaya noon na kahit kaonting alikabok lang ang madapo sa katawan ay halos sigawan ang mga katulong. Ilang beses ko nang sinubok ang pasensya niya, pinaglinis ko na siya ng buong mansyon pero hindi pa rin siya nagrereklamo. Wala akong naririnig na kahit na ano galing sa kaniya, hinahayaan niya na lang ako. Hindi ko iyon ikinatutuwa. What she's up to? May mas malaki ba siyang pinaplano? Knowing Candice, she has a hidden agenda for everything. That's why I should put my guards up and and watch every step she's making. "Señorito." Mula sa pagkakatingin kay Candice ibinaling ko iyon kay manang Osmet na kadarating lang. "What's new?" "Wala señorito." Bumuntong-hininga pa ang ginang. "Ganoon pa rin, wala siyang kinakausap na mga katulong maliban na lang kung may itatanong siya. Hindi rin namin siya nakikitang may ginagawang kakaiba, sa katunayan kung ano ang iniuutos niyo sa kaniya lahat niya iyon sinusunod ng walang reklamo. Binabantayan din namin kung may kinakausap siya sa cellphone, pero wala, hindi pa namin siya nahuhuli. Walang pagbabago señorito, ganoon pa rin siya kagaya ng unang araw niya rito simula nang bumalik siya." Mariin kong itinikom ang bibig at tinanaw muli si Candice. Ginagalingan niya talaga ang pagpapanggap. "Baka nagbago na talaga siya, señorito." Muling dagdag ni manang Osmet. Nang hindi ko na siya kinibo naglakad siya paalis at iniwan ako. Dalawang buwan lang siyang nawala. Saan siya nagpunta? Anong meron at nagbabago siya? Akala niya ba mauuto niya ako sa mga ginagawa niya ngayon? There's no f*cking way that I'll forgive her. After what she had done to me? After she cheated with different guys behind my back when I was gone? After she slapped and harmed my twins? After she ran away with the jewelries of my mother and my money? I won't forgive her, not this time. She'll pay for everything. "Daddy?" Agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses at nakita si Snow at Winter. They are my twins. Unang lumapit si Snow at idinipa ang kamay para buhatin ko siya. Tiningnan naman kami ni Winter at tipid lang na ngumiti. Hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya. "What are you doing here, didn't I tell you that you should stay on your room?" Malambing ang pagkakasabi ko noon sa kanila. Buhat-buhat ko si Snow sa isang kamay at hawak ko naman si Winter sa isa habang naglalakad papunta sa kwarto nila. They're already five years old; smart and beautiful. Sa pagkakataong ito inilalayo ko muna sila kay Candice para sa kanilang ikakabuti. "We saw mommy." Galing iyon kay Winter. Minsan lang siya magsalita at mahiyain hindi kagaya ni Snow na laging may sinasabi at energetic. Magkamukhang-magkamukha sila pero nagkakaiba sa ugali. Kaya siguro madali ko lang din silang nakikilala. "Pero hindi po kami lumapit sa kaniya." Dugtong ni Snow sa mababang boses. "Baka saktan na naman niya po kami. Do you think Daddy, Mommy will hurt us again when she saw us?" Tila nagdilim agad ang paningin ko nang marinig iyon kay Snow. They are scared of her by now. "Daddy won't let you get hurt, okay? Basta sumunod lang kayo sa akin na huwag muna kayong lalapit sa mommy niyo." "Snow misses her." Binuksan ko ang kwarto nila at pumasok doon. Inilapag ko si Snow sa kama at binuhat din si Winter para ilapag doon. Tiningnan ko sila ng mataman at tipid na ngumiti. I love my princesses, they are my greatest treasure. Kaya hindi ko na hahayaan na saktan ulit sila ni Candice. "Stay here, okay? Be a good girl and I will buy you dolls tomorrow." Tiningnan nila ako at ngumiti lalo na si Snow. Even though Candice hurt them, they still love their Mom. Lalo na si Snow, gustong-gusto niyang makita si Candice pero natatakot na lumapit. "We love you, Dad." As expected, they hugged me tight. "I love you both.”Aurora's Point of View"Candice Entrata-Dela Fuente." Bulong ko sa sarili nang makita ang pangalan na iyon sa isang envelope. Entrata ang apelyido niya? Sandoval naman ang sa akin. Ano bang kaugnayan namin sa isa't isa?Naghalungkat pa ako sa mga kabinet at tanging iyon lamang ang nakita ko at ang marriage contract na rin nila ni Alted na nakaipit sa pinakailalim ng papeles. May mga album din dito kaya nakatulong iyon sa akin. Mas marami ang solo na litrato ni Candice at may iilan na buo sila nila Alted. Napansin ko rin doon ang dalawang batang babae, iyong nakita ko noong kumakain ako. Siguro anak nila, hindi lang ako sigurado.Base sa nakikita ko sa litrato talagang sanay sa marangyang buhay si Candice, liberated kumbaga at ang pananamit ay bulgar at nakalimutan na ang salitang "konserbatibo", mahilig din siyang maglagay ng makeup sa mukha, isang tingin lang sa larawan niya halatang mapagmataas at parang hindi hahayaang pabagsakin siya ng kahit na sino. She's intimidating and sophis
Aurora's Point of ViewMAAGA akong nagising at bumaba sa kusina para ipagtimpla ng kape ang sarili. Naroon ang isang katulong at nabigla pa nang makitang maaga akong nagising."Good morning." Bati ko sa kaniya bago tumuloy para magtimpla.Hindi niya ako sinagot at hindi rin siya umimik kagaya ng palaging ginagawa ng mga katulong kapag nasa malapit nila ako kaya tahimik kami sa kusina. Nang matapos ako sa pagtimpla ng instant coffee gumawa na rin ako ng sandwich at naupo sa highstool ng island counter. Dito na lang ako mag-aalmusal."Ba't ang aga mo?" Muling subok ko.Gusto ko ng kausap, siguro naman hindi magagalit si Alted kapag nakipag-usap ako sa mga katulong niya. Wala namang masama doon."Ipagluluto ko po sila Snow at Winter ng breakfast." Sagot nito at nagsimula na ngang kumilos.Snow at Winter? Ibigsabin iyong isa ang pangalan ay Winter? Ang ganda naman noon, malamig ang mga pangalan nila. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti."Anong lulutuin mo?" Tanong kong muli, mas pin
Aurora's Point of View"M-mom. I-i didn't — I."Umiling agad ako. Parang iiyak na kasi siya at mukhang natatakot sa akin. Doon ko naintindihan na baka natatakot siya dahil narinig ko ang sinabi niya."No, no, it's okay."Tiningnan ako ni Winter at nanunuri ang mga mata niya. "You won't scold us?""Of course not, why would I?""You won't beat us?"I smiled sadly. Paano ko iyon magagawa sa kanila?"I won't. Sige na, kain na kayo baka mahuli pa kayo sa klase."Sumunod nga silang dalawa at agad tinapos ang pagkain. Magsasalita pa sana ako nang marinig kong paparating na si Alted. Agad akong tumayo dahil baka makita niyang kinakausap ko sila Snow, baka magalit na naman siya sa akin."Daddy!" Masiglang sigaw ni Snow nang makita ang ama."Good morning, Baby." Bati pabalik ng lalaki at lumapit sa kambal para halikan ito.Kung sa akin para siyang mabangis na hayop sa kagubatan, ngayon ko nakitang malambing pala siya sa mga anak niya. Mukhang hindi niya ako napansin dahil umupo siya sa lagi niy
MATAPOS kong maglinis ng kwarto bumaba ako sa kusina para tingnan kung may maitutulong ba ako. Wala naman ibang ibinilin si Alted na gagawin kaya wala rin akong ginagawa, ayaw kong magkulong sa kwarto. Maliban sa wala ng bantay sa labas ng kuwarto ko, madalas na rin akong kinakausap ng mga katulong.Medyo nagiging komportable na rin naman ako sa kanila, iyon nga lang kinakausap lang nila ako kapag wala si Alted, kapag nariyan siya hindi na nila ako kinikibo. Kaya mas gusto ko yung wala siya, hindi limitado ang galaw ko, hindi ako kinakabahan at nakikita ko sila Snow at Winter.Paminsan-minsan nagpupumilit silang lapitan ako pero inilalayo sila ng mga katulong dahil iyon daw ang bilin ni Alted. Masunurin naman ang magkambal, ngitian ko lang sila, ayos na iyon. Babalik na ulit sila sa kwarto nila at doon maglalaro. Kaso may pagkakataon na nangungulit si Snow, isang beses nga pumasok siya sa kwarto ko habang natutulog ako nang hapon. Galit na pumasok si Alted at kinuha si Snow na hindi k
Aurora's Point of ViewTiningnan ko naman siya, parang konti na lang iiyak na siya kaya agad akong lumapit at binuhat siya."Bakit? Anong problema?""I'm starving, mommy. I want to eat na." Nakanguso niyang sabi.Napangiti naman ako dahil mas naging cute siya."Sige na, kakain na kayo ni Winter." Lumapit ako sa kakambal niya at inilahad ang kamay.Saglit muna iyong tiningnan ni Winter bago hawakan. Buhat-buhat ko si Snow habang hawak ko si Winter sa isang kamay, dumiretso kami sa dining table at pinaupo silang dalawa. Hindi nagtagal sumunod sila Sonya, manang Consing at Sonya na may mga dalang pagkain."Sasabay ka po sa amin, mommy?" Nakatingin pa sa akin si Snow habang nangungusap ang mga mata.Hindi pwede, magagalit si Daddy niyo. Gusto ko sanang sabihin iyon sa kaniya pero hindi ko na ginawa. Ngumiti lang ako at masuyong hinaplos ang kaniyang buhok."Busog pa si mommy. Mamaya nalang ako." Pagdadahilan ko.Dumating si manang Osmet at nang makita ako sandali akong pinakatitigan."But
Alted's Point Of ViewILANG araw na, hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na rin sinubok ang pasensya ng babaeng iyon pero sa huli ako ang nawawalan ng pasensya. Sobrang laki ng pinagbago niya, kahit sa pananamit, sa pakikipag-usap sa akin, sa pagiging sunud-sunuran niya at sa biglang pagbabago ng ugali niya. Higit sa lahat, kahit anong pilit kong ilayo siya sa mga anak ko sa huli nadadatngan ko siyang nakikipaglaro at nakikipag-usap kay Snow at Winter. Masyado siyang malapit sa mga bata, hindi ko iyon gusto, dahil alam kong may binabalak siya. After all, she is Candice, there's no miracle on her. Sadyang mas ginagalingan niya lang ngayon ang pagkukunwari.There's no f*ck*ng way that I'll forgive her."Mukhang malalim ang iniisip mo?"Mula sa pagtanaw sa malawak na taniman ng ubas ibinaling ko iyon sa taong nagsalita. Si Elizabeth."Kailan ka pa?" Hindi ko pinansin ang tanong niya, naglakad ako palapit sa kaniya at sinalubong naman niya ako ng mahigpit na yakap."Kanina lang."El
Aurora's Point of ViewNabigla ako sa tanong niyang iyon. Hindi agad nakapagproseso ang isip ko ng magandang palusot lalo na at nagpapaawa na ngayon sa harap ko si Snow. Magagalit si Alted panigurado."You can't, Snow."Awtomatiko akong napalingon sa pinanggalingan ng boses at nakita si Alted na nakatayo sa gilid kasama ang isang magandang babae. Tumayo ako at humarap sa kaniya pero nanatiling nakatuon ang tingin niya sa mga bata."Tita Liza!" Snow and Winter shouted in unison.Tumakbo ang kambal papunta sa magandang babae na kasama ni Alted. Tumawa ang babae at agad binuhat si Winter, si Snow naman ay nagpabuhat kay Alted at niyakap nilang dalawa ang tinatawag nilang Tita Liza. She looks sophisticated and gorgeous. Nang mapatingin siya sa akin hinagod niya ako ng tingin at bahagya pang nangunot ang noo, hindi man lang siya ngumiti at niwalang emosyon ang mga mata."Come on, babies. Magpalit na kayo ng damit, maraming pasalubong si Tita sa inyo." Nang bumaling siya sa mga bata nakangi
Aurora's Point of ViewBUMABA rin ako pagkatapos kong maligo at tumuloy sa harden para magdilig ng mga halaman. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko habang ginagawa iyon, parang may nakadagan na bato sa dibdib ko sa tuwing naiisip ang mga sinabi ni Alted. Snow and Winter are not mine, they're not my daughters but I feel more complete whenever I'm with them. Sa laki ng mansyon, sa dami ng mga katulong at kasambahay, at sa rangya ng buhay dito, isa pa rin iyong hawla para sa akin. Tanging si Snow at si Winter lang ang dahilan kung bakit nakakalimutan ko kung sino ako at kung nasaan ako.Sa tuwing iniisip ko kung ano ang katauhan ni Candice ayon sa kwento sa akin ni Sonya, parang ang sama ko, parang hindi talaga kayang patawarin ng mga tao ang isang katulad ko.Hindi man diretsahang sabihin ni Sonya ang gusto niyang ipunto noon, isa lang ang nasa isip ko, hindi kuntento si Candice sa buhay niya, materialistic, mata-pobre, at mainitin ang ulo. Ganoon ang nakikita ko, ganoon ang naiisip ko.
Aurora's Point of View Siya ang unang nagbawi ng tingin upang balingan ng tingin si Elizabeth. Alted. He's here. "Pinayagan kaming sumama ni Daddy." Ani Winter. Nakita ko ang pagtango ni Elizabeth sa sinabi ni Alted na hindi ko narinig dahil sumabay si Winter. Naunang naglakad ang babae palabas, sumulyap sa amin ulit si Alted at sumunod din palabas ng bahay. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa maglakad sila palayo. Patungo sa pool side sa labas. Pumitik ako sa reyalidad at ibinalik ang atensyon sa dalawang prinsesita na yakap ko. "G-gusto niyong kumain? Nagbreakfast na ba kayo?" Tanong ko. Masyado pang maaga, baka hindi pa sila kumakain. Mariin ang titig sa akin ni Winter, samantalang nakangiti naman ng magaan si Snow. "Done na Mommy." Sagot ni Snow na ipinulupot muli ang dalawang kamay sa batok ko. Lumapit siya para patakan ng halik ang pisngi ko. Humagikhik siya pagkatapos. Natigilan ako, hindi dahil sa paghalik at sa paghagikhik niya, napatulala ako sa kaniya nang mai
Aurora's Point of ViewMalaki pa rin ang ngiti sa labi ni Snow nang nagmamadaling tumakbo papunta sa pinto ng bahay.Wala akong lakas para suklian ang matamis niyang ngiti, pero nang marinig ko ang boses niya, parang hinaplos ng mainit na kamay ang puso ko.Bumalot agad ang matinding kasiyahan sa sistema ko, kasabay ng pagragasa ng pangungulila sa bawat parte ng pagkatao ko, dahilan para mangilid ang luha sa mga mata ko.My heart is aching deep inside. Ang alam ko masaya ako, sobrang saya, pero bakit nakakaramdam ako ng matinding kirot sa kaibuturan ng puso ko?Sinalubong sila ni Elizabeth para pagbuksan ng pinto dahil hindi ko na magawang umalis sa kinatatayuan ko.Dire-diretso naman si Snow sa pagpasok ng bahay nang mabuksan ang pinto, hindi na niya halos tinapunan ng tingin ang kaniyang Tita Liza dahil nagmamadali siyang tumakbo papunta sa akin.She held her small arms up. Patakbo siyang lumapit at umamba ng yakap."Mommy!" She excitedly shouted.Idinipa niya ang mga kamay kaya aga
Aurora's Point of View Isinubo niya ang tinapay bago nagpatuloy. "Oo, nagkamali ka. Sabihin natin na nagsinungaling ka sa kanila, pero may ginawa ka ba na ikinasama nila? Wala naman, hindi ba? Naging mabuti ka sa kanila." Ibinaba niya muli ang pagkain at matiim akong tinitigan. "Nasaktan lang si Kuya Alted kasi huli na para malaman niya ang totoo at hindi pa iyon gaanong maliwanag sa kaniya. He was shocked to know the truth! Kahit naman ako, noong nalaman ko ang totoo, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Hindi madali na tanggapin na lang iyon agad, Aurora. Naguluhan din ako." Naalala ko bigla na hindi siya agad naging mabait sa akin. Kahit na inaalagaan nila ako ni Nexon, nakikita ko pa rin sa kaniyang mga mata ang pag-aalinlangan, ang pagkamuhi, at ang pagkalito. It was hard. Kahit sa sarili ko noon, hindi ko magawang tanggapin agad na magkapatid kami ni Candice kaya magkamukhang-magkamukha kami. "If you really love my cousin, as well as the kids, hindi ba dapat na
Aurora's Point of View "We are just going to visit them, Aurora. Hindi naman tayo matutulog sa bahay ni Kuya Alted, babalik din tayo agad kapag palubog na ang araw! Or even before the sun sets!" Puno ng frustrasyon ang boses ni Elizabeth. Tiningnan ko siya at nagbuntong-hininga. Sumunod siya sa akin nang pumasok ako sa kusina. Hindi maipinta ang kaniyang mukha at halatang nasira na ang kaniyang umaga dahil sa patuloy kong pagtanggi. Gusto ko naman e, gustong-gusto kong sumama, pero hindi ko pa kaya. Kahit anong pilit ko sa sarili. Kahit akong kumbinsi ko. Naduduwag pa rin ako. Maisip ko pa lang na makikita ko si Alted sa bahay niya kapag bumisita kami ngayong araw ay para na akong binubuhusan ng malamig na tubig. Wala akong mukhang ihaharap sa kaniya. Ayaw ko rin pahirapan ang mga bata. Naiintindihan ko ang galit ni Alted sa akin. Naiintindihan ko kung hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin. Wala nang dahilan para tanggapin niya ako sa pamamahay niya. Sabihin man natin na
Aurora's Point of ViewHapon nang makabawi ako sa lahat ng pagkakatulala at pagkawala sa sarili. Ang dami kong iniisip, dahilan para mapagod na lamang ako at walang magawa sa buong maghapon.Alas kuatro y media nang bumaba ako at maabutan sa sala si Elizabeth na mag-isang nanonood ng romantic movie.Nag-order pa siya ng dalawang pizza na ngayon ay nakapatong sa coffee table kasama ang popcorn at juice. Napailing ako sa sarili. Akala ko nasa taas siya at nagkukulong sa kuwarto.Lumapit ako at tumabi sa kaniya sa pagkakaupo sa mahabang sofa. Saglit niya akong nilingon at ibinalik din agad ang tingin sa flatscreen.“What happened to your eyes?” Tanong niya, ngunit ang mga mata ay nakapako na sa television.Hindi ko siya sinagot.Umupo ako sa kabilang dulo. Siya naman ay nakaupo rin sa kabilang dulo ng sofa. Ang kaniyang mga paa ay nakapatong sa sofa, bahagya siyang nakaharap sa akin, ngunit ang kaniyang ulo ay nakatutok sa flatscreen.“Get yourself some pizza.” Aniya.Iniabot niya sa aki
Aurora's Point of View I shifted on my seat. Ngayon ko lang din napansin na halos hindi na ako humihinga dahil sa pakikinig sa kaniya. "Nabuntis niya si Candice, but she didn't really love him. She has a lover in Lanayan. Iyong kababata niya, kaya ayaw niyang dito magpakasal para hindi malaman ng lalaking iyon na kasal na siya kay Kuya Alted. Pero sa huli, nalaman din ng lalaki, ang Auntie mismo ni Candice ang nagsabi do’n sa lalaki kaya ayon," umiling siya. "Nagpakamatay." Patuloy siya sa pag-iling. "Nasa ibang bansa pa no'n sila Kuya Alted, kaya nang makauwi, huli na nang nalaman ni Candice. Then everything turned out complicated. Sinisi niya si Kuya Alted sa lahat. Muntik niya pang ipalaglag sila Snow at Winter dahil sa galit na nararamdaman dahil sa pagpapakamatay no’ng lalaki. Mas lalo pa akong nagalit sa kaniya kasi lumabas lang na hindi niya naman pinakasalan si Kuya Alted dahil gusto niya, pinakasalan niya alang-alang sa pera. Goodness!" Naramdaman kong lumalamig na ang ga
Aurora's Point of View"Twelve years old lang siya no’n nang mangyari ang aksidente. Tita Dem and Tito Astren didn't make it. They were declared dead on arrival. Si Kuya Alted lang ang nakaabot sa ospital." Humina ang kaniyang boses at tuluyan siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga."It was hard for him. Bata pa siya masyado para maiwan mag-isa. Kaya dinala siya ni Papa sa bahay noon para sa amin muna tumira hanggang sa gusto niya. Maraming naiwan na ari-arian at negosyo sila Tito Astren kaya si Papa muna ang humawak no’n habang hinihintay si Kuya Alted na makapagtapos, dahil siya lang naman ang magmamana ng lahat sa huli. Si Papa at Mama muna ang kumupkop at tumayong magulang sa kaniya."Marahil, iyon din ang rason kung bakit sobrang lapit ni Alted kay Elizabeth at kay Nexon. Magkakasama pala silang lumaki."Madalas, nakikita ko siyang umiiyak ng tahimik sa kaniyang kuwarto. Bata pa ako masyado para mapansin ang mga problema ng ibang tao, pero sa tuwing nakikita ko siyang u
Aurora's Point of ViewAlas nuebe nang gabi nang bumaba ako sa kusina para magtimpla ng gatas. Madalas, nahihirapan akong makatulog lalo na kung marami ang iniisip. Kaya bumababa ako para magtimpla ng gatas.Matatanaw mula sa dining area ang malaking swimming pool sa labas. Bago dumiretso sa kusina, nasulyapan ko ang pamilyar na pigura ni Elizabeth na nakatayo malapit sa pool.Mukhang may kausap siya dahil hawak niya ang kaniyang cellphone malapit sa tainga.Saglit na kumunot ang noo ko nang makitang pabalik-balik siya, tila hindi mapakali.Baka may problema?Kaysa tumuloy sa kusina, dumiretso ako sa double doors para lumabas ng bahay. Aligaga masyado si Elizabeth, baka mayroong problema."Of course not, Kuya!"Hindi marinig mula sa loob ang kaniyang boses, pero ngayon na nasa labas na ako'y napuno agad ng galit niyang tono ang pandinig ko."Why is it that it's my fault now? Masisisi mo ba ako kung nagalit din ako sa ginawa niya do’n sa tao? He was unfair! Dapat lang na may makuha siy
Aurora's Point of View "No, it's okay." Maagap na tugon ni Deo. Seryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "Virginia is just messing around, Aurora. I'm sorry." Dagdag niya. "She really likes to sell me around like a pizza." I awkwardly smiled at him. Hindi ko alam kung seryoso siya o hindi, pero ayaw kong makipag-date na lang ng ganoon. Kahit pa biro lang ni Virginia, mas mabuti nang malinaw sa amin. Marahan na tumawa si Virginia. "Ang hina mo talaga sa babae, Deo." Tumawa rin si Elizabeth. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa nangyari. "We have to go. Mauna na kami sa inyo." Paalam ni Elizabeth. Nilingon niya ako at tumango. Naglakad kami paalis, ngunit sa may pinto pala naghihintay ang sales lady na may dalang limang paper bag. "Thank you for purchasing, Miss Dela Fuente." Nakangiting sabi ng sales lady. Tinanggap ni Elizabeth ang paper bags at tumango. Lumabas kami sa store. Dala ko ang mga pinamili niya para sa kambal, samantalang dala naman niya ang mga bagong pape