Aurora's Point of ViewTiningnan ko naman siya, parang konti na lang iiyak na siya kaya agad akong lumapit at binuhat siya."Bakit? Anong problema?""I'm starving, mommy. I want to eat na." Nakanguso niyang sabi.Napangiti naman ako dahil mas naging cute siya."Sige na, kakain na kayo ni Winter." Lumapit ako sa kakambal niya at inilahad ang kamay.Saglit muna iyong tiningnan ni Winter bago hawakan. Buhat-buhat ko si Snow habang hawak ko si Winter sa isang kamay, dumiretso kami sa dining table at pinaupo silang dalawa. Hindi nagtagal sumunod sila Sonya, manang Consing at Sonya na may mga dalang pagkain."Sasabay ka po sa amin, mommy?" Nakatingin pa sa akin si Snow habang nangungusap ang mga mata.Hindi pwede, magagalit si Daddy niyo. Gusto ko sanang sabihin iyon sa kaniya pero hindi ko na ginawa. Ngumiti lang ako at masuyong hinaplos ang kaniyang buhok."Busog pa si mommy. Mamaya nalang ako." Pagdadahilan ko.Dumating si manang Osmet at nang makita ako sandali akong pinakatitigan."But
Alted's Point Of ViewILANG araw na, hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na rin sinubok ang pasensya ng babaeng iyon pero sa huli ako ang nawawalan ng pasensya. Sobrang laki ng pinagbago niya, kahit sa pananamit, sa pakikipag-usap sa akin, sa pagiging sunud-sunuran niya at sa biglang pagbabago ng ugali niya. Higit sa lahat, kahit anong pilit kong ilayo siya sa mga anak ko sa huli nadadatngan ko siyang nakikipaglaro at nakikipag-usap kay Snow at Winter. Masyado siyang malapit sa mga bata, hindi ko iyon gusto, dahil alam kong may binabalak siya. After all, she is Candice, there's no miracle on her. Sadyang mas ginagalingan niya lang ngayon ang pagkukunwari.There's no f*ck*ng way that I'll forgive her."Mukhang malalim ang iniisip mo?"Mula sa pagtanaw sa malawak na taniman ng ubas ibinaling ko iyon sa taong nagsalita. Si Elizabeth."Kailan ka pa?" Hindi ko pinansin ang tanong niya, naglakad ako palapit sa kaniya at sinalubong naman niya ako ng mahigpit na yakap."Kanina lang."El
Aurora's Point of ViewNabigla ako sa tanong niyang iyon. Hindi agad nakapagproseso ang isip ko ng magandang palusot lalo na at nagpapaawa na ngayon sa harap ko si Snow. Magagalit si Alted panigurado."You can't, Snow."Awtomatiko akong napalingon sa pinanggalingan ng boses at nakita si Alted na nakatayo sa gilid kasama ang isang magandang babae. Tumayo ako at humarap sa kaniya pero nanatiling nakatuon ang tingin niya sa mga bata."Tita Liza!" Snow and Winter shouted in unison.Tumakbo ang kambal papunta sa magandang babae na kasama ni Alted. Tumawa ang babae at agad binuhat si Winter, si Snow naman ay nagpabuhat kay Alted at niyakap nilang dalawa ang tinatawag nilang Tita Liza. She looks sophisticated and gorgeous. Nang mapatingin siya sa akin hinagod niya ako ng tingin at bahagya pang nangunot ang noo, hindi man lang siya ngumiti at niwalang emosyon ang mga mata."Come on, babies. Magpalit na kayo ng damit, maraming pasalubong si Tita sa inyo." Nang bumaling siya sa mga bata nakangi
Aurora's Point of ViewBUMABA rin ako pagkatapos kong maligo at tumuloy sa harden para magdilig ng mga halaman. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko habang ginagawa iyon, parang may nakadagan na bato sa dibdib ko sa tuwing naiisip ang mga sinabi ni Alted. Snow and Winter are not mine, they're not my daughters but I feel more complete whenever I'm with them. Sa laki ng mansyon, sa dami ng mga katulong at kasambahay, at sa rangya ng buhay dito, isa pa rin iyong hawla para sa akin. Tanging si Snow at si Winter lang ang dahilan kung bakit nakakalimutan ko kung sino ako at kung nasaan ako.Sa tuwing iniisip ko kung ano ang katauhan ni Candice ayon sa kwento sa akin ni Sonya, parang ang sama ko, parang hindi talaga kayang patawarin ng mga tao ang isang katulad ko.Hindi man diretsahang sabihin ni Sonya ang gusto niyang ipunto noon, isa lang ang nasa isip ko, hindi kuntento si Candice sa buhay niya, materialistic, mata-pobre, at mainitin ang ulo. Ganoon ang nakikita ko, ganoon ang naiisip ko.
Aurora's Point of ViewKailangan kong mahimasmasan. Kailangan kong maghilamos ng malamig na tubig. Nang matapos akong maghilamos ng ilang beses tiningnan ko ang repleksyon sa malaking salamin. Ako pa rin ito, si Aurora na akala ng lahat ay si Candice. Ako pa rin ito, ang babaeng biglang napasok sa malaking gulo dahil napagkamalan.Ako pa rin si Aurora na ngayon ay si Candice. Si Candice na kinamumuhian ni Alted, ng lalaking laging nagpapabilis ng tibok ng puso ko dahil sa pinaghalong kaba at takot.Ako pa rin ba ito?"Candice!""Candice!"Napaiktad ako dahil sa malakas na sigaw galing sa labas ng banyo. Boses ni Alted iyon. Madali kong hinila ang seradura at saktong bubuksan dapat iyon ni Alted kaya muntik ng magtama ang katawan namin kung hindi niya lang napigilan ang sarili. Ilang pulgada na lang ang layo namin sa isa't isa.Hindi ko inakalang magagawa kong makalapit sa kaniya ng ganito. Ganito kalapit na naaamoy ko na ang pabango niya. Bigla kong naramdaman ang pagwawala ng puso ko
Aurora's Point of ViewMAINGAT kong pinihit ang seradura at sumilip sa loob ng silid, nagkataon na nakaharap papunta sa direksyon ko si Snow habang nakaupo sa kama kaya nakita niya rin ako. Agad siyang ngumiti, pero hindi na siya nakalapit sa akin dahil pansamantalang sinusuklay ang basa niyang buhok. Hinanap ng mga mata ko si Winter at nakitang ganoon din ang ginagawa sa kaniya ng isa pang katulong. Ngumiti rin ako sa kaniya at itinulak papasok ang sarili."Good morning, Mommy!" Masiglang bati ni Snow. "Wait lang po, I'm going to give Mommy my morning kisses." Aniya na humarap sa katulong na siyang nagpapatuyo sa kaniyang buhok gamit ang towel.Bumaba siya ng kama at tumakbo papunta sa akin. Nag-iskuwat naman ako para madali niya akong mayakap, pero hindi lang yakap ang ginawa niya dahil pinupog niya nga ako ng mumunting halik sa pisngi, sa ilong at sa noo. Saglit na kiniliti ang puso ko dahil sa ginawa niya kaya napatawa ako. This is Snow, the sweet and adorable Snow. Hinalikan ko
Aurora's Point of View"Yes, baby. It's a promise." I whispered and kissed the side of her hair and kissed Snow's temple.Lumayo sila at doon bumalik ang ngiti ni Snow habang tipid na ngumiti naman si Winter. Tinuyo nila ang basang pisngi kaya tumayo ako at kumuha ng powder, nilagyan ko ang mukha at leeg nila bago sila paulanan ng halik. Namumula pa rin ang mga mata nila pero may mga ngiti na sa kanilang mga labi.Candice, ang swerte mo sa mga anak mo. Kung alam mo lang."Snow. Winter."Napatingin kaming tatlo sa tumawag at natagpuan si Alted sa nakabukas na pinto at nakatingin sa amin. My heart jumped from my chest when his eyes met mine.Kaya ibinaling ko iyon kay Snow at inayos ang nagusot niyang uniform at ganoon din ang ginawa ko kay Winter. Tumayo kaming tatlo at hinawakan nila ang magkabila kong kamay.Naglakad kami, ang akala ko'y pupunta sila sa Daddy nila pero mahigpit lang nilang hinawakan ang kamay ko at hinila palabas ng kuwarto."Daddy, we will eat breakfast with Mommy."
Aurora's Point of ViewNAKANGITING tiningnan ko si Snow at Winter na ngayon ay naghahabulan. Hindi na masyadong mainit dahil alas tres y media na rin naman nang hapon at pumayag din si Alted na lumabas sila ng kwarto.Katabi kong nakaupo si Lilac na siyang naatasan magbantay kay Winter at naroon naman sa malapit ang isa pang katulong na siyang nagbabantay kay Snow. Hagikhik at tawanan ng mga bata ang siyang nangingibabaw at sa tuwing nakikita kong nagtatawanan sila hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Hindi na gaanong mahigpit si Alted sa akin, hinahayaan na niya akong makalapit sa mga bata. May mga limitasyon nga lang minsan. Naiintindihan ko naman iyon basta't pagbigyan niya lang akong makalapit sa mga anak niya ay hindi na ako magrereklamo."Winter!" Nakangusong sigaw ni Snow nang hindi niya mahuli ang kakambal.Tumawa naman si Winter.The sight of them lightened up my heart. Nang bata pa ako hindi ko naranasang maging malaya katulad ng mga normal na bata, ang laro sa akin noon ay
Elizabeth's Point of ViewMy parents are product of successful arrange marriage.Dati pa man, parte na ng tradisyon ng mga mayayamang tao sa San Gabriel ang ipagkasundo ang kanilang mga anak o apo sa ibang pamilya na may maayos na pinagmulan. Rich families marry rich families in order to continue the generational wealth they want to protect and pass down.Wala akong problema sa bagay na iyon dahil simula pagkabata, namulat na ako sa ganoong tradisyon. At isa pa, kung hindi ipinagkasundo si Mama at si Papa, hindi sana kami mabubuo ni Kuya Nexon.I smiled bitterly to myself.Everytime I think about my parents love story, I felt fascinated before. Now, I felt like... uncomfortable.Paano kung sila lamang ang exception sa maayos at matagumpay na arrange marriage? Paano kung hindi lahat ng ipinagkakasundo ay nagkakasundo?I didn't intend to think about Cassy and Zychi, but suddenly their image came in to my mind. Dahan-dahan naman akong umiling para makalimutan sila."I don't want to marry
Elizabeth's Point of ViewNang malaman ko na pakakasal na si Kuya Alted at Aurora, totoong naging masaya ako. Gusto kong maikasal si Kuya Alted sa babaeng kagaya ni Aurora— mabait, may mabuting puso, at mapagpatawad.Yes, she can easily forgive.Which feels unsettling to me. But I couldn't say it loud.Siguro hindi lang ako sanay na ganoon kadali magpatawad ang tao.How could she forgive Kuya Alted so fast? I mean, when I learned about Kuya Alted trying to find Aurora, I didn't tell him that she's living with me.Kahit na magpinsan kami at mahal ko siya, hindi ko nagustuhan na pinagtabuyan niya si Aurora nang ganoon lang kadali dahil sa pride niya. Alam ko na nahirapan siyang tanggapin ang katotohanan, lalo na kung bulag siya sa bagay na iyon, pero hindi ko kayang kalimutan na lang ang mga sakripisyo ni Aurora para sa kanila— para sa kaniya at sa mga bata.Pero sa kabila ng kabutihan at sakripisyo ni Aurora, walang puso niyang pinagtabuyan ang babae na animo’y hindi niya pagsisisihan
Elizabeth's Point of ViewSiguro dahil na rin sa kahihiyan kaya hindi ko na ginustong bumalik sa baba. Pansamantala na lang muna akong nagkulong sa kuwarto hanggang sa pakiramdam ko’y tapos na silang mag-almusal sa baba. Hindi ko na kayang bumalik at magkunwari na parang hindi ko sila tinakbuhan paalis.Now, I all want is to be at the comfort of my bed. Gusto ko nang umuwi, magpahinga at matulog. Gusto ko nang bigyaan ng kapayapaan ang sarili ko, pero hindi ko rin kayang umalis na lang nang hindi nagpapaalam ng maayos kay Nicole.Argh! This is all my fault anyway.Dahil sa gulat ay napatalon nang marinig ang sunod-sunod na katok mula sa pinto."Liza?" Ang pamilyar na boses ni Cassy ang tumawag mula sa labas.Now I don't know if that's a relief.Hindi ko gustong humarap sa kaninuman, pero mas mabuti na rin na si Cassy ang kumatok at hindi si Nicole o Zychi. Mas lalong hindi si Primo.Binuksan ko ang pinto at sinilip siya, nang makita na mag-isa lang siya at walang ibang kasama ay tinit
Elizabeth's Point of ViewNang mag-umaga, iritang-irita ako kay Nicole at Zychi. They're sending me weird looks like they always did when they want to say something, but couldn't.And in exchange for that, I give them the worst death glares I could muster, so they will understand that I don't appreciate them glancing at me like that. Effected naman iyon kahit paano dahil nag-iiwas sila ng tingin pero maya't maya ay ibabalik na naman ang tingin sa akin. Nakakairita.Sa hapag-kainan ay tahimik kaming lahat. Magkatabing nakaupo si Nicole at Zychie at kami naman ni Cassy ang magkatabi. Sa harap ko ay si Nicole, at katapat naman ni Cassy ang kaniyang fiancé.Nang hindi na makayanan ang ginagawa nila, ibinaba ko ang kubyertos sa pinggan at tinitigan silang mag-pinsan.Tumingin din sila sa akin, ngayon ay biglang naging tensyunado si Nicole."What's wrong? Ayaw mo nang kumain? O gusto mo ng ibang—""Ano ba’ng problema niyo?" Putol ko sa kaniya.Her eyes widened a fraction, and she looks con
Elizabeth'sI didn't wait for Primo to come back. I know myself better than wait for him.Muli kong binuksan ang shower at mabilis na nilinis ang katawan bago naglakad pabalik sa cottage.I was dripping wet, but I don't give a d*mn. Tulog na rin naman ang mga kasama ko kaya walang magrereklamo kung umakyat ako sa cottage nang basang-basa.Bago makaakyat sa hagdan ay naalala ko ang tuwalyang naiwan sa may dalampasigan. Binalikan ko ng tingin ang parte kung saan ko iniwan ang tuwalya, nang maispatan iyon ay dali-dali akong naglakad pabalik doon para kunin iyon.May mga buhangin na kumapit sa tuwalya kaya kailangan muna iyong ipagpag.Umihip ang malamig na nahangin. Nanginig naman ang katawan ko nang hinaplos nito ang balat ko. It was eerily weird to be out here at this hour.Siguro nga ay nababaliw na ako para isipin na lumangoy sa dagat nang ganitong oras. Pero kung hindi nangialam si Primo ay baka saglit lang din naman akong lumangoy at bumalik din agad sa cottage.I just want to clea
The party was great to be honest, but it was tiring.Sa flat bed ay magkatabing nakahiga si Cassy at Nicole. Kapwa lasing at namumula ang mga mukha.Mabuti na lamang at naiakyat pa namin si Cassy sa cottage kahit na lasing na lasing siya at ayaw na sanang magmulat ng mga mata.Tatlong bote ng Beach Bomb ang naubos namin kaya hindi na nakakapagtaka na makakatulog sila agad. Lalo na si Nicole na pilit na inubos ang natitirang alak sa container kahit na sinabi ko naman sa kaniya na mas matapang iyon. Ngunit hindi naman nakinig.Malakas pa naman ang tama ng ganoong klaseng alak.Pero ang kagandahan nito, hindi malala ang hangover kinabukasan kaya mas advantage pa rin naman.I grabbed my towel and wrapped it around my body. Hindi pa rin ako makatulog kaya nagpasya na akong lumabas saglit nang makapagpahangin.Tinulak ko ang sliding door at agad naman umihip ang malamig na hangin papasok sa loob ng cottage. Narinig kong umungol si Nicole, kaya napasulyap ako ng tingin sa kaniya. Hinila niya
Elizabeth's Point of ViewMy face hardened. Hindi ko na siya sinagot dahil walang kwenta ang mga sinasabi niya.She shouldn't assume that Primo has feelings for me. Dahil kahit kailan, hindi nagkaroon ng nararamdaman si Primo para sa akin."Pakidala na lang Kuya Nilo sa loob ng cottage, please." Pareho kaming nag-angat ng tingin ni Cassy sa pinanggalingan ng boses at nakita si Nicole na kasama ang mga katulong. Dalawang lalaki ang nagbubuhat ng airbed, samantalang nakasunod ang tatlong katulong na may dalang mga unan at comforter."I brought another set of Beach Bomb!" Excited na balita ni Nicole, saka itinaas ang tatlong bote ng iba't ibang klase ng alak para ipakita sa amin.Agad naman akong napailing.Beach Bomb tastes like an ordinary ladies drink, but little did they know... malakas ang tama nito.Sa una, parang walang nangyayari kahit na marami na ang nainom dahil late palagi ang epekto nito. At ngayon na expose pa kami sa malakas na hangin sa labas, talagang malalasing ang dal
Elizabeth's Point of View "Is it true?" Naupo si Cassy sa tabi ko, dala ang panibagong baso ng Beach Bomb. Her cheeks were red and I know it's not because of the sunburn. Kahit na nababad kami sa init ng araw kaninang hapon, hindi ganito kapula ang pisngi niya. Obviously dahil sa lasing na siya kaya namumula ang pisngi niya. Kapansin-pansin rin na namumungay na ang kaniyang mata. Sinabi ko naman sa kanila na sa loob na lang kami ng cottage uminom para hindi sila agad malasing. Pero nagpumilit si Nicole na sa labas kami para daw mas maganda ang tanawin habang nag-iinuman at nang madali lang ma-setup ang barbecue party na gusto niya. Lalo pa at bilog na bilog ngayon ang malaking buwan sa kalangitan. "What?" I looked at her for a moment and examined her face. Cassy is very pretty and I sometimes hate her angelic face. Kasi parang hindi siya gagawa ng kahit na anong kalokohan sa hitsura niyang iyan. Muli siyang sumimsim sa kaniyang inumin. "That you were Primo's first real
Elizabeth's Point of ViewI suddenly remember Khallel. Huli ko siyang nakita sa Elteko nang kasal ni First at ni Sanchel."How is he now?" Kuryuso kong tanong.Kinuha ni Nicole ang mga puting kurtina at sumulyap ng tingin sa akin. Ngumiti siya, ngunit walang emosyon ang kaniyang mga mata."I don't know. He looks okay na, but I'm not sure. Alam mo naman ‘yon, he's not comfortable to share his feelings and struggles."Tinulungan ko siya sa pagkabit ng kurtina. Dahil hindi niya abot ang mahabang stainless bar ay kailangan niyang kumuha ng tuntungan. Naghila siya ng upuan upuan. Hinawakan ko naman iyon para masigurado na hindi siya mahuhulog kapag tumutungtong na siya."Hindi na ba big deal sa kaniya ang nangyari?" I asked again.Simula nang takbuhan ni Maeve sa kasal si Khallel ay mas naging mailap na rin ang lalaki sa lahat ng tao.Siguro nahihiya din dahil naging laman na naman siya ng mga usap-usapan sa bayan.Iyon din ang naging dahilan kung bakit umalis si Madamé Sole sa San Gabriel