Home / Romance / His Fake Wife / Kabanata 1.2: Aurora

Share

Kabanata 1.2: Aurora

Author: Purplexxen
last update Last Updated: 2025-02-01 18:45:38

Aurora's Point of View

"Sino kayo?"

Tanging ang liwanag lamang sa malaking lampshade ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto. Ngunit sapat iyon para makita ko ang biglang pagliyab ng galit sa kaniyang mata dahil sa tanong ko.

Mas lalo pa akong kinabahan nang makita ang pagtatagis ng kaniyang bagang at tumalim ang kaniyang mata.

"What now? You're going to act like you have a g*dd*mn amnesia? Do you really think that I'm a f*ck*ng m*r*n, Candice?!"

Ang galit niyang boses ay parang ungol ng isang mabangis na hayop sa gitna ng kaparangan. Nakakatakot, malalim at mapanganib.

"H-hindi po ako si Candice." Umiling ako. Takot na sa kung ano ang gagawin niya.

"Hindi ko po kilala ang sinasabi niyo."

Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa akin at wala akong nagawa nang haklitin niya ang braso ko at mahigpit iyong hawakan.

"D*mn you! Akala mo ba makukuha mo ako sa ganiyan! Hindi ako tanga. Naiintindihan mo?"

Pinilit kong baklasin ang kamay niya dahil masakit iyon.

"Hindi nga ho kasi ako si Candice. Hindi ko ho iyon kilala. Baka nagkakamali lang kayo. Aurora—"

Natigilan ako sa pagsasalita nang malakas niya akong itulak papunta sa kama. Lumundo iyon dahil sa lakas ng pagbagsak ko.

Takot akong tumingin sa kaniya. Wala naman akong ginagawang masama. Hindi ko kilala si Candice. Hindi ko siya kilala! Wala akong alam sa mga sinasabi niya.

"You f*ck*ng sl*t! Don't you dare try to lie to my face again! Hindi ikaw si Candice? Sino ka ulit? F*ck it! Anong drama ‘to? Akala mo ba mauuto mo ako?" Dumukwang siya palapit at sa takot ko, agad akong umatras palayo sa kaniya.

"Ibalik mo ang pera ko, lahat ng pera ko at mga alahas na kinuha mo. Hindi ka na ngayon sa akin makakatakas dahil pagbabayaran mo lahat ng kasalanan mo sa akin!"

Nag-iinit ang sulok ng mata ko kaya tiningnan ko siya't nagmakaawa.

"Pakiusap, wala akong alam sa sinasabi mo. Hindi ko kilala si Candice. Hindi ako siya."

"Shut up! You are Candice! You are my d*mn wife."

"Hindi ako iyon!" Sigaw ko, mas nilakasan upang marinig niya ng husto.

Malayang nagsitulo ang mga luha ko at gusto kong magmakaawa na paniwalaan niya ako. Pero nakikita ko ang agresibong galit at pagkamuhi sa mga mata niya. Sirado ang isip niya sa kahit na anong sasabihin ko.

Umayos siya ng tayo at umangat ang sulok ng labi na para bang natutuwa siya sa nakikita niya ngayon.

"You can't f**l me, Candice, not again."

Pagkatapos niya iyong sabihin naglakad siya palabas ng kwarto at malakas na ibinagsak ang pintuan. Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, pagkalito, takot at pangamba. Hindi ko siya kilala at ang sinasabi niyang Candice.

Mariin kong ipinikit ang mga mata at pilit pinakalma ang sarili kahit ang totoo nanginginig pa rin ako dahil sa takot.

Hindi dapat ako umiyak dahil wala akong kasalanan. Kung bakit kasi kamukha ko ang asawa niya? Wala akong maalala na ikinasal ako, imposible iyon dahil ngayon lang kami rito nakarating sa Lanayan. Ngayon ko lang din siya nakita.

Nasaan na sila Auntie Pacita? Hinahanap kaya nila ako?

Bakit walang mga pulis?

Tumayo ako at lumapit ulit sa pintuan. Akmang pipihitin ko iyon nang makarinig ng mga tinig na nanggagaling sa labas.

"Bantayan niyo ng mabuti, huwag niyong palalabasin."

"Opo, señorito."

Ibigsabihin may bantay sa labas ng kwarto? Padaosdos akong naupo sa sahig at nanghihinang sumandal sa pintuan. Bakit ganito? Bakit nangyayari ito?

Aurora Sandoval, iyon ang pangalan ko at hindi Candice! Paanong magiging asawa niya ako gayong galing ako sa Damarenas at doon na ako lumaki.

Napakaimposible ng lahat. Wala rin akong kapatid dahil ulila na ako, nakikitira lang ako kayna Auntie Pacita at hindi pa sana ako makakapunta rito kung hindi lang ako isinama ni Auntie Pacita para bumisita sa isang kamag-anak.

“Auntie, tulungan niyo ‘ko.”

Isinubsob ko ang mukha sa mga kamay at doon na umiyak.

Galing ako sa malayong lugar na kahit kailan hindi pagtatagpuin ang landas namin. Kung sana nakikinig lang siya, kung sana hinahayaan niya muna akong magpaliwanag baka magkaintindihan kami.

Tiningnan ko ang pinto papuntang teresa. Tumayo ako at naglakad patungo roon, baka sakaling makatakas ako rito. Pero bumungad sa akin ang tanawin ng malawak na harden.

Tiningnan ko ang baba, kung tatalon ako paniguradong may mababali sa akin. Masyadong mataas dahil mukhang nasa ikalawang palapag ako ng bahay. Ibigsabihin lang walang ibang daan kung hindi ang pinto. Ngunit may mga bantay. Wala na talaga akong pag-asang makaalis sa lugar na ito.

Bakit Candice? Ano bang ginawa mo at ganon na lamang ang galit ng lalaking iyon sa iyo? Nagnakaw ka ba kagaya ng sinabi niya kanina? Bakit kailangang ako ang maipit dito? Wala naman akong kinalaman. Wala akong alam.

Ako si Aurora! Gusto ko iyong isigaw sa mukha ng lalaking iyon. Ako si Aurora at hindi si Candice.

Ayaw ko sa lugar na ito.

Ngayon pa lang natatakot na ako sa pwedeng mangyari sa akin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
kawawa Ka Naman Aurora ,nasaan SI Candice?
goodnovel comment avatar
Jane Caralos
maganda and story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • His Fake Wife   Kabanata 2: Attitude

    Aurora's Point of ViewNAG-ANGAT ako ng tingin, isang katulong ang pumasok at may dalang tray na puno ng pagkain. Matapos niya iyong ilagay sa kama ay walang imik din siyang lumabas.Kasalukuyan akong nakahilig sa may pintuan ng teresa at tinatanaw ang malawak na harden sa labas. Para lang akong ibon na nakakulong sa hawla at walang kalayaan. Apat na araw na rin simula nang kunin nila ako at ikulong sa kwartong ito. Laging may nakabantay sa labas ng silid kaya hindi ako makalabas, wala rin akong maisip na pwedeng paraan para makaalis sa lugar na ito. Kain, tulog, at pagtanaw lamang sa harden ang nagagawa ko buong araw.Para akong pinaparusahan ng langit, para akong bilanggo sa isang marangyang silid.Narinig kong bumukas ulit ang pinto pero hindi na ako nag-abalang lingunin iyon, baka isa rin sa mga katulong. Siguradong maglilinis lang iyon ng kuwarto."Ba't hindi ka pa kumakain?"Para akong tinamaan ng kidlat nang marinig ang boses na iyon. Dali-dali akong umayos ng tayo at pumihit

    Last Updated : 2025-02-01
  • His Fake Wife   Kabanata 2.2: Attitude

    Aurora's Point of ViewMayaman talaga siya, kahit ang mga painting na nakasabit sa dingding talagang engrande. Hindi ko tuloy maiwasang hindi ilibot ang tingin sa kabuuan, ngayon ko lang napagtantong hindi ito simpleng bahay lang, mansyon na ito.Panay ang pagtingin ko sa paligid habang nakasunod sa kaniya. Marami rin ang mga katulong sa bahay at hindi ko na matandaan kung ilan silang lahat dahil iba-iba ang skirt na suot nila, may blue, orange, red at green. May konekta ba iyon sa trabaho nila?"Manang Osmet!" He shouted.At mula sa kung saan sumulpot ang isang matandang babae na seryoso ang ekspresyon ng mukha. Mukhang siya ang mayordoma nang lahat nang mga katulong base na rin sa awra at sa suot niyang all-black. Mukhang sixty plus na ang matandang babae dahil may pagkakulubot na rin ang balat nito sa mukha."Señorito." Bati nito sa lalaking kasama ko.Señorito? Ganon ba talaga siya tawagin ng lahat?"Dalhin mo si Candice sa harden at ituro sa kaniya ang mga dapat linisin. Pronto."

    Last Updated : 2025-02-01
  • His Fake Wife   Kabanata 2.3: Attitude

    Aurora's Point of View"Have a sit." Utos niya sa akin.Hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Wala pa akong naririnig mula sa mga katulong maliban lang sa “señorito” na tawag sa kaniya. Kahit ang apelyido niya hindi ko rin alam.Nasa kabisera siya at parang haring nakaupo. Ngayon ko lang napansin ang maraming pagkain na nakahain sa mahabang mesa. Agad naman na kumalam ang tiyan ko nang makita ang masasarap na putahing iyon kahit hindi naman pamilyar kung anong klaseng luto iyon. Naupo ako sa upuan bago ang sa kaniya. Dahil doon kumunot ang noo niya, pero wala akong alam. Saan ba dapat ako umupo kung ganon?"Hindi ba pwedeng maghugas muna ako ng kamay bago kumain?" Malumanay at mababa ang boses ko nang itanong ko iyon sa kaniya.Saglit niya pa akong pinakatitigan at kalaunan tumango ng marahan. Agad naman akong tumayo at nagtungo sa kusina. Limang katulong ang naroon at nabigla pa sila nang makita ako, agad silang nagsitabi na para bang nakakatakot akong nilalang. Hinayaan ko na

    Last Updated : 2025-02-01
  • His Fake Wife   Kabanata 3: Twins

    Aurora's Point of ViewMATAGUMPAY na ngiti ang agad na kumawala sa labi ko nang matapos kong isampay ang huling kurtina. Makakapal pa naman iyon kaya mahirap labahan, hindi gaanong madumi pero masyadong madami para tapusin agad. Ang bilin ni Alted— si Alted ang masungit na lalaking iyon— tapusin ko raw ito bago magtanghali. Ngayon alam ko na ang pangalan niya dahil nang isang beses naglilinis ako ng salas narinig kong sinabi niya, "Yes, this is Alted Dela Fuente. What do you want?" Doon ko lang nalaman ang pangalan niya. Alted, parang kahit ang pangalan niya'y nagsusumigaw ng kapangyarihan at karangyaan. O sadyang ako lang ang nag-iisip no'n? Mabait naman siya sa akin kahit papaano dahil hindi niya ako sinasaktan sa pisikil na aspeto. Maliban sa araw-araw na pagsunod sa mga utos niya wala nang bago roon. Hindi niya rin ako hinahayaang makaalis ng mansyon, pero ayos na iyon sa akin, sa sobrang lawak ng sakop ng buong mansyon sapat na iyon sa akin sa buong araw para hindi mabagot. Hin

    Last Updated : 2025-02-01
  • His Fake Wife   Kabanata 3.2: Twins

    Aurora's Point of View"Candice Entrata-Dela Fuente." Bulong ko sa sarili nang makita ang pangalan na iyon sa isang envelope. Entrata ang apelyido niya? Sandoval naman ang sa akin. Ano bang kaugnayan namin sa isa't isa?Naghalungkat pa ako sa mga kabinet at tanging iyon lamang ang nakita ko at ang marriage contract na rin nila ni Alted na nakaipit sa pinakailalim ng papeles. May mga album din dito kaya nakatulong iyon sa akin. Mas marami ang solo na litrato ni Candice at may iilan na buo sila nila Alted. Napansin ko rin doon ang dalawang batang babae, iyong nakita ko noong kumakain ako. Siguro anak nila, hindi lang ako sigurado.Base sa nakikita ko sa litrato talagang sanay sa marangyang buhay si Candice, liberated kumbaga at ang pananamit ay bulgar at nakalimutan na ang salitang "konserbatibo", mahilig din siyang maglagay ng makeup sa mukha, isang tingin lang sa larawan niya halatang mapagmataas at parang hindi hahayaang pabagsakin siya ng kahit na sino. She's intimidating and sophis

    Last Updated : 2025-02-01
  • His Fake Wife   Kabanata 4: Kindness

    Aurora's Point of ViewMAAGA akong nagising at bumaba sa kusina para ipagtimpla ng kape ang sarili. Naroon ang isang katulong at nabigla pa nang makitang maaga akong nagising."Good morning." Bati ko sa kaniya bago tumuloy para magtimpla.Hindi niya ako sinagot at hindi rin siya umimik kagaya ng palaging ginagawa ng mga katulong kapag nasa malapit nila ako kaya tahimik kami sa kusina. Nang matapos ako sa pagtimpla ng instant coffee gumawa na rin ako ng sandwich at naupo sa highstool ng island counter. Dito na lang ako mag-aalmusal."Ba't ang aga mo?" Muling subok ko.Gusto ko ng kausap, siguro naman hindi magagalit si Alted kapag nakipag-usap ako sa mga katulong niya. Wala namang masama doon."Ipagluluto ko po sila Snow at Winter ng breakfast." Sagot nito at nagsimula na ngang kumilos.Snow at Winter? Ibigsabin iyong isa ang pangalan ay Winter? Ang ganda naman noon, malamig ang mga pangalan nila. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti."Anong lulutuin mo?" Tanong kong muli, mas pin

    Last Updated : 2025-02-01
  • His Fake Wife   Kabanata 4.2: Kindness

    Aurora's Point of View"M-mom. I-i didn't — I."Umiling agad ako. Parang iiyak na kasi siya at mukhang natatakot sa akin. Doon ko naintindihan na baka natatakot siya dahil narinig ko ang sinabi niya."No, no, it's okay."Tiningnan ako ni Winter at nanunuri ang mga mata niya. "You won't scold us?""Of course not, why would I?""You won't beat us?"I smiled sadly. Paano ko iyon magagawa sa kanila?"I won't. Sige na, kain na kayo baka mahuli pa kayo sa klase."Sumunod nga silang dalawa at agad tinapos ang pagkain. Magsasalita pa sana ako nang marinig kong paparating na si Alted. Agad akong tumayo dahil baka makita niyang kinakausap ko sila Snow, baka magalit na naman siya sa akin."Daddy!" Masiglang sigaw ni Snow nang makita ang ama."Good morning, Baby." Bati pabalik ng lalaki at lumapit sa kambal para halikan ito.Kung sa akin para siyang mabangis na hayop sa kagubatan, ngayon ko nakitang malambing pala siya sa mga anak niya. Mukhang hindi niya ako napansin dahil umupo siya sa lagi niy

    Last Updated : 2025-02-01
  • His Fake Wife   Kabanata 5: Play

    MATAPOS kong maglinis ng kwarto bumaba ako sa kusina para tingnan kung may maitutulong ba ako. Wala naman ibang ibinilin si Alted na gagawin kaya wala rin akong ginagawa, ayaw kong magkulong sa kwarto. Maliban sa wala ng bantay sa labas ng kuwarto ko, madalas na rin akong kinakausap ng mga katulong.Medyo nagiging komportable na rin naman ako sa kanila, iyon nga lang kinakausap lang nila ako kapag wala si Alted, kapag nariyan siya hindi na nila ako kinikibo. Kaya mas gusto ko yung wala siya, hindi limitado ang galaw ko, hindi ako kinakabahan at nakikita ko sila Snow at Winter.Paminsan-minsan nagpupumilit silang lapitan ako pero inilalayo sila ng mga katulong dahil iyon daw ang bilin ni Alted. Masunurin naman ang magkambal, ngitian ko lang sila, ayos na iyon. Babalik na ulit sila sa kwarto nila at doon maglalaro. Kaso may pagkakataon na nangungulit si Snow, isang beses nga pumasok siya sa kwarto ko habang natutulog ako nang hapon. Galit na pumasok si Alted at kinuha si Snow na hindi k

    Last Updated : 2025-02-01

Latest chapter

  • His Fake Wife   Kabanata 6.4: Liquor

    Elizabeth's Point of View"Thank you." I said to Gerald.Muling naghiyawan ang mga tao. Nagtawanan ang kalalakihan na siyang ikinakunot-noo ko, but I didn't feel offended. Naguguluhan lang ako sa kanila."Hoy, tumigil na kayo. Baka matakot si Liza, sa sunod hindi na siya magpakita sa atin." Saway ng isang dating kaklase.I guess her name was Eda?I couldn't remember clearly. But it sounds like that."Ililipat ko na lang sa ibang table si Liza, pinagkakaguluhan niyo agad. Baka maculture shock sa atin." Saad ni Juliet saka lumapit sa akin.Ngunit umiling ako.Nakakahiya kung ililipat niya pa ako ng ibang upuan."No, it's okay, Juliet. I will stay here na lang." I said.Siguro naman okay lang na makasalamuha ko sila? They're loud and nosy, but they're not a threat. They won't trigger anything inside me, I guess."Sigurado ka? May dadating pang iba. Baka maingayan ka lang sa kanila." Mahinang sabi ni Juliet sapat para ako lamang ang makarinig.Ngumiti ako sa kaniya at pilit na pinakitang

  • His Fake Wife   Kabanata 6.3: Liquor

    Elizabeth's Point of View As I drove down the road, i'm starting to feel agitated. Kinakabahan ako nang husto habang palapit na ang sasakyan sa pusod ng bayan. Why am I feeling nervous? this isn't the first time I attended a birthday party. May mga naging kaibigan din naman ako noong college at may mga pagkakataon na sumasama ako sa mga party. Those were just few instances but at least I tried to socialize. Wala naman pagkakaiba ang birthday na pupuntahan ko ngayon sa mga napuntahan ko noon, 'di ba? Well, the difference is that, this time the birthday party is probably composed of people I knew from San Gabriel. I sighed, feeling defeated from my own thoughts. Nang matanaw ko na ang mga pamilyar na establismento ay mas lalo lamang akong kinabahan. Nakita ko na ang ilan kong mga naging kaklase noong high school. Nakausap ko na ang ilan, kaya dapat hindi na big deal sa akin kung makikita ko silang lahat ngayong gabi. I parked my car at the parking lot of Hillside Bistro.

  • His Fake Wife   Kabanata 6.2: Liquor

    Elizabeth's Point of ViewSince Kuya Nexon was off to go to La Trinidad, I settled myself on the couch for the past six hours. Watching mystery and sci-fic movies on my television and just enjoying my own company.It was four in the afternoon when I received a call from Juliet.Noong una, nag-aalangan pa akong sagutin iyon dahil alam ko ang mga posibleng dahilan kung bakit siya tumatawag. But then, I remembered that I promised to catch up with them when I'm just free.Juliet is my classmate from high school. Maayos naman ang naging relasyon namin noon at wala akong maalala na may nagawa siyang matinding kasalanan sa akin, kaya nang hingin niya ang number ko ay ibinigay ko naman.Nagkita kami sa birthday party ng isa rin sa naging kaklase ko noong highschool. That's where and when she asked my number.So now, why am I hesitating again? It's just a simple call, it won't hurt."Hi." I said as I answered her call."Liza!" Masaya niyang bati mula sa kabilang linya.Kahit na hindi ko naman

  • His Fake Wife   Kabanata 6: Liquor

    Elizabeth's Point of View Every weekdays ay nasa bahay ako ni Kuya Alted para asikasuhin ang kasal nila ni Aurora, kapag weekend naman ay umuuwi ako sa San Gabriel para makapagpahinga at para asikasuhin naman ang ibang bagay. Since last week, nakauwi na si Kuya Nexon kaya may kasama na rin ako sa villa, pero madalas pa rin siyang wala dahil inaasikaso naman niya ang mga negosyo ni Papa. "Do you really need to go to La Trinidad, Kuya?" Tanong ko habang sumusunod sa kaniya papunta sa kusina. Kagigising niya lang at mukhang maghahanda ng almusal para sa kaniyang sarili. "Yes. Si Mama ang nagsuggest sa Mayor na kunin akong judge sa pageant. Nakakahiya na hindi ko sila sisiputin kung si Mama mismo ang nagsabi kay Mayor. Besides, I have to help them to look for the best town's muse. Malapit na rin kasi ang pyesta sa La Trinidad." Ngumisi siya sa akin. I wrinkled my nose in return. Palusot ka pa. Ang sabihin mo, gusto mo lang makakita ng magagandang babae. Pinaikot ko ang mga

  • His Fake Wife   Kabanata 5.2: Hard

    Elizabeth's Point of ViewMy parents are product of successful arrange marriage.Dati pa man, parte na ng tradisyon ng mga mayayamang tao sa San Gabriel ang ipagkasundo ang kanilang mga anak o apo sa ibang pamilya na may maayos na pinagmulan. Rich families marry rich families in order to continue the generational wealth they want to protect and pass down.Wala akong problema sa bagay na iyon dahil simula pagkabata, namulat na ako sa ganoong tradisyon. At isa pa, kung hindi ipinagkasundo si Mama at si Papa, hindi sana kami mabubuo ni Kuya Nexon.I smiled bitterly to myself.Everytime I think about my parents love story, I felt fascinated before. Now, I felt like... uncomfortable.Paano kung sila lamang ang exception sa maayos at matagumpay na arrange marriage? Paano kung hindi lahat ng ipinagkakasundo ay nagkakasundo?I didn't intend to think about Cassy and Zychi, but suddenly their image came in to my mind. Dahan-dahan naman akong umiling para makalimutan sila."I don't want to marry

  • His Fake Wife   Kabanata 5: Hard

    Elizabeth's Point of ViewNang malaman ko na pakakasal na si Kuya Alted at Aurora, totoong naging masaya ako. Gusto kong maikasal si Kuya Alted sa babaeng kagaya ni Aurora— mabait, may mabuting puso, at mapagpatawad.Yes, she can easily forgive.Which feels unsettling to me. But I couldn't say it loud.Siguro hindi lang ako sanay na ganoon kadali magpatawad ang tao.How could she forgive Kuya Alted so fast? I mean, when I learned about Kuya Alted trying to find Aurora, I didn't tell him that she's living with me.Kahit na magpinsan kami at mahal ko siya, hindi ko nagustuhan na pinagtabuyan niya si Aurora nang ganoon lang kadali dahil sa pride niya. Alam ko na nahirapan siyang tanggapin ang katotohanan, lalo na kung bulag siya sa bagay na iyon, pero hindi ko kayang kalimutan na lang ang mga sakripisyo ni Aurora para sa kanila— para sa kaniya at sa mga bata.Pero sa kabila ng kabutihan at sakripisyo ni Aurora, walang puso niyang pinagtabuyan ang babae na animo’y hindi niya pagsisisihan

  • His Fake Wife   Kabanata 4.3: Perfume

    Elizabeth's Point of ViewSiguro dahil na rin sa kahihiyan kaya hindi ko na ginustong bumalik sa baba. Pansamantala na lang muna akong nagkulong sa kuwarto hanggang sa pakiramdam ko’y tapos na silang mag-almusal sa baba. Hindi ko na kayang bumalik at magkunwari na parang hindi ko sila tinakbuhan paalis.Now, I all want is to be at the comfort of my bed. Gusto ko nang umuwi, magpahinga at matulog. Gusto ko nang bigyaan ng kapayapaan ang sarili ko, pero hindi ko rin kayang umalis na lang nang hindi nagpapaalam ng maayos kay Nicole.Argh! This is all my fault anyway.Dahil sa gulat ay napatalon nang marinig ang sunod-sunod na katok mula sa pinto."Liza?" Ang pamilyar na boses ni Cassy ang tumawag mula sa labas.Now I don't know if that's a relief.Hindi ko gustong humarap sa kaninuman, pero mas mabuti na rin na si Cassy ang kumatok at hindi si Nicole o Zychi. Mas lalong hindi si Primo.Binuksan ko ang pinto at sinilip siya, nang makita na mag-isa lang siya at walang ibang kasama ay tinit

  • His Fake Wife   Kabanata 4.2: Perfume

    Elizabeth's Point of View Nang mag-umaga, iritang-irita ako kay Nicole at Zychi. They're sending me weird looks like they always did when they want to say something, but couldn't. And in exchange for that, I give them the worst death glares I could muster, so they will understand that I don't appreciate them glancing at me like that. Effected naman iyon kahit paano dahil nag-iiwas sila ng tingin pero maya't maya ay ibabalik na naman ang tingin sa akin. Nakakairita. Sa hapag-kainan ay tahimik kaming lahat. Magkatabing nakaupo si Nicole at Zychie at kami naman ni Cassy ang magkatabi. Sa harap ko ay si Nicole, at katapat naman ni Cassy ang kaniyang fiancé. Nang hindi na makayanan ang ginagawa nila, ibinaba ko ang kubyertos sa pinggan at tinitigan silang mag-pinsan. Tumingin din sila sa akin, ngayon ay biglang naging tensyunado si Nicole. "What's wrong? Ayaw mo nang kumain? O gusto mo ng ibang—" "Ano ba’ng problema niyo?" Putol ko sa kaniya. Her eyes widened a fraction,

  • His Fake Wife   Kabanata 4: Perfume

    Elizabeth'sI didn't wait for Primo to come back. I know myself better than wait for him.Muli kong binuksan ang shower at mabilis na nilinis ang katawan bago naglakad pabalik sa cottage.I was dripping wet, but I don't give a d*mn. Tulog na rin naman ang mga kasama ko kaya walang magrereklamo kung umakyat ako sa cottage nang basang-basa.Bago makaakyat sa hagdan ay naalala ko ang tuwalyang naiwan sa may dalampasigan. Binalikan ko ng tingin ang parte kung saan ko iniwan ang tuwalya, nang maispatan iyon ay dali-dali akong naglakad pabalik doon para kunin iyon.May mga buhangin na kumapit sa tuwalya kaya kailangan muna iyong ipagpag.Umihip ang malamig na nahangin. Nanginig naman ang katawan ko nang hinaplos nito ang balat ko. It was eerily weird to be out here at this hour.Siguro nga ay nababaliw na ako para isipin na lumangoy sa dagat nang ganitong oras. Pero kung hindi nangialam si Primo ay baka saglit lang din naman akong lumangoy at bumalik din agad sa cottage.I just want to clea

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status