Share

His Dark Hidden Secret
His Dark Hidden Secret
Author: Affeyly

Chapter 1

Kiara's POV

"Move!" sigaw ko sa kasamahan ko habang patuloy na nagpapaulan ng bala sa isang itim na SUV ns sakay ang mga taong may dalang droga.

"Lieutenant!" sigaw ng isa sa mga pulis kasi nagpapaulan na rin ang bala ang mga kasunod na SUV kaya mabilis akong nagtago sa makapal na pader nitong lumang werehouse kung saan nangyari ang palitan ng droga kanina na muntik na naming hindi maabutan.

"D*mn!" galit na sigaw ko ng tuluyan nang makatakas ang mga sindikatong hindi ko mahuli-huli kahit isa lang sa kanila.

Galit kong sinipa ang mga karton na nasa tabi ko bago tumingin sa mga kasamahan kong walang kwenta.

"Lieutenant, General Barorot wants you in his office in five minutes," rinig kong sabi ng isa kaya napahigpit ang hawak ko sa baril ko. Parang gusto kong ubusin ang natitirang bala nito sa mga kasamahan ko na wala man lang galos ngayon. 

"Ikutin niyo ang buong lugar. Kunin lahat ng pwedeng maging ebidensya," seryosong utos ko sa kanila bago ako naglakad patungo sa police car na dala namin.

Bago ko pa mabuksan ang pinto ng kotse ay may nakita akong isang pendant na maliit sa lupa. Mas lalong akong nanginig sa galit nang mapulot ko ang bagay na iyon. Sing laki lang ng butones pero ang malaking 'T' na letra ang nagpakulo ng dugo ko. Ang palatandaan ng organisasyon na gustong-gusto kong mahuli pero hindi ko magawa. Matagal-tagal na rin  simula noong malaman ko ang tungkol sa kanila at ngayon lang ako nakakita ng simbolong posibleng siyang palatandaan nila. I am dying to capture them. I am dying to ruin them.

"Tushkin Mafia," madiin na sambit ko bago pinasok sa bulsa ang bagay na napulot.

Dala ko ang galit hanggang sa makarating sa opisina. Hinarap ko ang heneral ng buo ang kumpyansa kahit pa hindi naging maganda ang kinalabasan ng operasyon na pinamunuan ko ngayong araw.

"Lieutenant Gallano," panimula niya kaya bahagyang napakunot ang noo ko.

I am feeling something bad. Sigurado akong may sasabihin siyang importante dahil hindi niya ako ipapatawag dito kung wala. I just hope it will make me happy.

"I will give you your new assignment," sabi niya at sa puntong iyon ay hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. New assignment. Ibig sabihin kukunin niya sa kamay ko ang paghabol sa iligal na gawain ng Mafia? No!

"General, the Ma—"

"Tushkin Mafia is not yours from now on. Kailangan nating tutukan ang mas importanteng mga kaso," sabi niya kaya hindi ko na napigilan pang hampasin ang lamesa sa harapan na kinagulat ng heneral.

"Tuskin Mafia is important! Sila ang gumagawa ng iligal na mga gawain sa bansa! We need to end them!" sigaw ko. Wala na akong pakialam kung mataas na opisyal ang kaharap ko ngayon. 

Biglang tumalim ang tingin ng heneral sa akin dahil sa ginawa kong pagsigaw.

"Lieutenant I am still higher than you! Follow my orders and leave now!" sigaw niya kaya napalunok ako habang umiigting ang panga. Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa akin at parang kaunti na lang ay gagawan na niya ako ng masama.

Napalunok ako ng dahan-dahan bago unti-unting tumango kasi alam ko na wala akong magagawa kasi mas mataas ang ranggo niya kaysa sa akin. Kahit anong pilit ko ay hindi niya ako pagbibigyan.

"Masusunod po, Heneral," malamig na sabi ko sabay saludo bago tuluyang lumabas ng opisina.

Tuloy-tuloy lang ang lakad ko palabas ng headquarters. Bumabati ang ilang mga nakasalubong ko pero masyadong kumukulo ang dugo ko para mamansin pa ng mga sinasabi nila. 

Ilang buwan ko ng tinututukan ang organisasyon na ito at hindi ko matanggap na babalewalain lang iyon ng mga nakakataas. The Tushkin Mafia is so huge and powerful but I don't care. Sumumpa ako sa puntod ng tatay ko na susugpuin ko lahat ng masasamang gawain dito sa bansa at ang Tushkin Mafia ang kailangan kong pagtuonan ng pansin. Alam kong may mga nagpoprotekta sa kanilang may mataas na tungkulin sa gobyerno at iyon ang gusto kong malaman.

I will dig deeper. I don't care about the General's words. I will still investigate this alone. 

Kahit kumukulo ang dugo ko ay mag-isa akong bumalik ako sa werehouse kung saan nangyari ang putukan kanina. Wala na ang mga pulis na kasama ko kaya mag-isa kong nilibot ang buong lugar. Napailing na lang ako dahil tulad ng unang mga operasyong na engkwentro ko tungkol sa organisasyon na iyon ay napapahanga pa rin ako sa linis ng mga galaw nila.

Ang linis, walang bakas akong nakikita para matunton sila.

Their leader must be really genius. 

Muli kong tiningnan ang pendant na napulot ko kanina. Itim ang buong pendant ngunit ang letrang malaki na nasa gitna nito ay ginto. I need to find more of this. Ito ang pagkakakilanlan nila. Ito ang magiging solusyon para mahanap ko ang mga miyembro ng kaisa-isang Mafia dito sa Pilipinas. Hindi ko susukuan 'to. No way.

Tushkin Mafia, Lieutenant Kiara Gallano is coming to end you.

Inubos ko ang oras ko sa pag-iisip ng posibleng mga paraan na gagawin ko para mahanap ang mga kasapi ng Mafia at ang leader mismo. Naabutan ako ng dilim sa headquarters dahil sa kakaisip kaya mabilis akong umuwi sa apartment ko at nang makauwi ako ay nagbihis lang rin ako kaagad bago dumiretso sa isang bar sa malapit para magbuhos ng sama ng loob.

A loud music invade my ears when I entered in a high end club near my apartment. Kaagad kong nakita ang mga nagsasayaw sa gitna na parang wala ng bukas. Mabilis akong lumapit sa bar counter para umorder ng maiinom para mawala ang galit sa loob ko. 

"Tequila please," I ordered.

I was about to drink my tequila when I saw something familiar. Ang kakaibang logo na siyang palatandaan ng Tushkin Mafia!

"F*ck!" Mabilis akong tumayo para habulin ang lalaking may suot ng kwintas na may pendant ng tulad ng napulot ko kanina. 

Hindi ako pwedeng magkamali. Madilim ang lugar na 'to pero kitang-kita ko ang malaking letrang 'T' sa kwintas dahil kumikinang ito. Pinagtutulak ko pa ang mga humaharang sa daan ko para mahabol ang lalaking hindi ko na makita kung saan pumunta.

"Sh*t! Sh*t! Sh*t!" galit na sigaw ko habang nagpapalinga sa second floor nitong bar.

Sa sobrang inis ko ay naitulak ko ang lalaki na simpleng nakatalikod sa akin. Medyo napalakas ang pagtulak ko kaya bahagya itong napayuko kaya nakaramdam ako ng konsensya. Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unting lumingon sa akin ang lalaki. Ang una kong napansin ay ang bilog at makapal niyang salamin.

Napangiwi ako, "Sorry, Mr," sabi ko saka mabilis siyang nilampasan kaso ay bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko kaya muli ko siyang hinarap.

"Miss, you just pushed me," Nagulat ako dahil sa lalim ng boses niya kaya napatitig ako sa mukha niya. I could not see him clearly because it's dark here but I saw how his lips formed into sa grim line. 

Sadyang hindi lang bagay sa kanya ang makapal niyang salamin. Hindi ko maaninag ang mga mata niya dahil doon.

"I'm Lieutenant Gallano and I'm chasing someone earlier so I'm sorry, okay?" medyo inis na sabi ko sabay pakita ng wallet kung nasaan ang ID ko. Akala ko tatabi na siya matapos kong sabihin iyon pero mukhang hindi siya naapektuhan kasi hindi niya man lang ako binitawan.

"Doesn't mean you're a cop you can just push someone in this public place, Lieutenant," sambit niya kaya nagsalubong ang kilay ko. He has this confident aura. Pinapakita niya sa akin na may sinasabi rin siya sa buhay.

"Who are you?" nanliliit na mga matang tanong ko. Hindi pa ako nakuntento kasi nilapit ko talaga ang mukha ko sa kanya. I am so amazed that he didn't even move a bit.

Mabilis na gumalaw ang kamay ko para dukutin ang pitaka niya sa bulsa ng slacks na suot. I smirked when I saw his ID. 

"Attorney Xavier Guzman," pagbasa ko sa pangalan niya. He's a lawyer, kaya pala ang tapang.

"Guzman," pag-uulit niya na parang tuwang-tuwa pa siya. Mabilis kong nilahad sa kanya ang wallet niya kaya dahan-dahan niya itong kinuha sa kamay ko.

"So now, may you excuse me?" nakangising tanong ko pero ngumisi lang rin siya.

"Fast hand," he said so I rolled my eyes. Swerte siya at wala akong dalang baril ngayon.

"Umalis ka sa harap ko," seryosong sambit ko. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o hindi ng dahan-dahan niyang tinaas ang parehong kamay sa ere na para bang sumusuko sa sa police.

"You can go now, Lieutenant," sabi niya at kita kong nakangisi na siya ngayon ng maliit.

Inis ko siyang nilampasan kaso hindi pa ako tuluyang nakakalayo ay muli ko siyang nilingon. I saw him staring at me while sipping his drink. He looks like a mysterious nerd. 

Napapikit ako ng mariin ng ilang segundo dahil may biglang ideya na pumasok sa isipan ko. Nang makabawi ay mabilis akong bumalik kung nasaan siya at kaagad na nilapit ang bibig ko sa tainga niya na parang kilalang-kilala ko siya kahit ngayon ko lang nakita ang pagmumukha niya sa buong buhay ko.

"I have an offer," bulong ko dito. I heard him chuckle a bit but I didn't mind it.

"I am an just an ordinary lawyer, Lieutenant—"

"Tushkin Mafia," mariin na putol ko sa sinasabi niya kaya rinig ko siyang malutong na ngumisi. At sa mga oras na iyon ay alam kong alam may alam siya tungkol sa binanggit ko. 

In his line of work I know that he can help me. He can help me capture the Mafia, which I really want to do.

"A Mafia, and?" tanong niya na parang pabitin.

Mariin ko siyang tiningnan sa mga mata. May tuwa sa mga mata niya na hindi ko matukoy kung para saan. But I am so desperate, he can help me a lot. I could feel it. Hindi pa ako nagkamali sa pakiramdam ko kaya labis ang tiwala ko ngayon dito.

"Let's talk somewhere private," sabi ko saka mabilis ko na siyang hinigit palabas ng mataong bar na iyon.

Dinala ko siya sa labas ng bar malapit sa parking lot. Madilim rin dito pero walang katao-tao. Napasandal pa siya sa pader saka aliw akong tiningnan. He's just too proud for a nerd. 

"Atty. Guzman, do you know about Tushkin Mafia?" diretsahang tanong ko kaya napatingin siya sa taas bago mahinang tumawa.

"Kung oo ano naman, Lieutenant?" tanong niya pabalik kaya napangisi ako.

"You are a lawyer and I am a police officer, we can help each other—"

"Wait, what?" nakangising pagputol niya sa sinasabi ko. Para bang may narinig siya na nakakatawa galing sa akin.

"I want to investigate about the Tushkin Mafia and I know that you can help me," sabi ko kaya napatayo siya ng tuwid.

"You want me to help you? What if I'm one of them?" nakangising sabi niya kaya naging alerto ako. Mabilis ko siyang tiningnan mula ulo hanggang paa at nakampante ako nang makita na wala siyang suot na kwintas o singsing na may simbolo ng Tushkin Mafia.

"See this? This is their logo," sabi ko sabay pakita ng pendant na napulot ko sa operasyon namin kanina.

Mas lalo siyang ngumisi habang nakatingin sa pendant. I could feel that he's more than just a lawyer. I need him, I could feel that he can really help me, big time. 

"You are making me laugh, Lieutenant. Kung papayag ako sa gusto mo ano naman ang makukuha ko? As you can see, I am just an ordinary and low-key lawyer," sambit niya kaya napaisip ako.

What can I give him? Kung titingnan ay mas may pera naman siya sa kaysa sa akin. 

"Anong gusto mong kapalit?" matapang na tanong ko pero ngisi lang ang sinagot niya.

I have no assets to give him. Apartment at kotse lang ang meron ako. Pero gagawan ko ng paraan kung ano man ang hihilingin niya. Basta tulungan niya lang ako sa paghuli sa Mafia na iyon.

"I am bored so yeah, maybe I could help you, Lieutenant," dagdag niya kaagad kaya tinitigan ko siya ng matagal sa mga mata para matukoy kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. Naghahalo sa kulay na asul at berde ang mga mata niya at mukhang nagsasabi naman siya ng totoo tulad ng nakikita ko.

Unti-unting lumaki ang ngisi niya.

"Lieutenant Kiara Gallano, you can count on me," Nagulat ako sa pagbigkas niya ng buo kong pangalan. Ang bilis niya namang matandaan ang pangalan ko sa maikling segundo na pinakita ko kanina ang ID ko. 

"Good," sabi ko na lang sabay ngiti ng tipid. 

Nararamdaman kong malapit na ako sa mga kasapi ng Mafia na iyon. Uunahin ko ang mga nasa mababa at isusunod ko ang pinuno. Kung hindi kayang gumawa ng paraan ng gobyerno para sugpuin ito ay hindi ako natatakot na mag-isang gumawa ng paraan. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status