Share

Chapter 3

Kiara's POV

"General Barorot, I demand for a field project! The case of Atty. San Lee isn't my line! Give me back the Tushkin Mafia!" walang respeto na sabi ko nang makapasok ako sa opisina ng heneral. Nagulat ang heneral sa biglaan kong pagpasok kaya napatayo siya pero kalaunan ay nakabawi na rin at naging kalmado.

"Lieutenant, Gallano! You are facing your superior!" sigaw niya kaya napatuwid ako ng tayo saka sumaludo pada rumespeto bilang mas mataas ang posisyon niya sa akin.

"I'm sorry, General but—" mabilis niyang pinutol ang pagsasalita ko sa pamamagitan ng pagpalo ng malakas sa lamesa na nasa harapan niya. That loud sound made me jump a bit.

"No buts! Do what I've said! Tushkin Mafia is not important to chase! Wait for your new assigned project, you can leave now!" galit na sigaw niya sa akin kaya nakuyom ko ang isang kamao ko dahil sa galit.

Gusto ko pa sanang sumagot pero pinigilan ko ang sarili ko dahil ayaw kong tuluyang maging bastos sa harapan ng superior ko.

"Salute, General," seryosong sabi ko bago lumabas ng opisina niya.

Sobrang bilis ng kabog ng puso ko bawat hakbang na ginawa ko. I couldn't restrain myself and I badly wanted to do something to let my anger out.

Inis akong dumiretso sa desk ko saka isinalpak ang baril ko doon. My blood is boiling and I feel like punching someone. Galing ako sa condo ni Atty. San Lee bago ako bumalik dito at wala akong makita na pwedeng kong pagkainteresan sa kasong iyon! Hindi ako pipitsugin na police para makuntento sa ganoong klase ng kaso. I need more thrilling and exciting cases! Iyong mapapalaban ako ng husto.

I was about to throw a small vase beside me but my phone vibrated. Inis ko iyong tiningnan at natigilan ako nang makita na unknown number ang nag-message. Ilang sandali ko iyong tiningnan ng mabuti dahil baka pamilyar ang number kaso hindi talaga.

"Who's this?" tanong ko sa sarili ko. 

Dahan-dahan ko na binuksan ang mensahe na hatid ng numerong iyon. My heart beats faster when I read the message from the unknown number. Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang nakatitig sa screen ng cellphone ko.

"Zone 11 Pier, 9:00 pm, Tushkin Mafia's gun shipment from concerned citizen," pagbasa ko sa mensahe. Nanginig ang buo kong katawan sa hindi malamang dahilan.

Mabilis kong tinawagan ang number kaso parang block na ang number dahil hindi to nagri-ring. Kaagad namawis ng malamig at parang may bumara sa lalamunan ko na malaking bagay. Ilang ulit ko pang sinubukan na tawagan ang number na nag-send kaso hindi ko talaga ma-contact. 

Ilang sandali kong kinalma ang sarili ko at matapos ang ilang minuto ay nagawa kong gumalaw ng maayos. Naikuyom ko ang kamao habang sa cellphone ang tingin.

"I'll do something, General," mataman na bulong ko sa sarili ko bago kinuha ang baril na nilapag ko kanina sa lamesa saka mabilis na lumabas ng headquarters na walang kahit sinumang pinapansin.

Pagkalabas ko ay kaagad akong sumakay sa kotse ko para umuwi sa apartment ko. Nang makarating ako ay mabilis kong hinanap lahat ng klase ng baril na meron ako sa ilalim ng kama. Umigting ang panga ko nang makita ang iba't-ibang klase ng baril na galing pa kay Papa na dati ring pulis. Mayroong mga maliit at mahahabang baril ay may mga makikintab rin na kutsilyong kinokolekta noon ni Papa noong buhay pa siya at nasa serbisyo.

"I'll do everything to protect my country, with or without orders," seryosong sabi ko habang nakatitig sa mga baril na alam kong malaki ang maitutulong sa akin para maisagawa ang mga kagustuhan ko.

Hindi ko alam kung saan galing ang mensaheng iyon. Pero iyon ang panghahawakan ko ngayon at walang masama kung susubukan ko. If it's true then I must thank that someone. If it's not then I'll do everything to know the person behind it to punish.

Ilang oras kong hinanda ang mga armas na kakailanganin ko pati na rin ang sarili ko hanggang sa gumabi na. Buo na ang loob ko sa pagpunta sa lugar at wala akong balak na maging duwag tulad ng mga nakakataas.

Alas siyete ng gabi ay nandoon na ako sa pier na sinasabi sa mensaheng natanggap ko kanina. Hindi na ako nag-abala pang sabihan si Atty. Guzman dahil mukhang hindi naman siya marunong makipaglaban. Hindi ko kailangan ng pabigat lalo na at may pagkakataon nang makita ko ang mga miyembro at kung suswertehin ay nandito rin ang pinuno. I will take this opportunity to end them if I can.

Nagtago ako sa madilim na bahagi kung saan may mga malaking kahon.Sinigurado ko na walang makakakita sa akin dahil plano kong magmanman muna bago ako tuluyang magpakita mamaya. At ilang sandali pa ay dumating ang maraming SUV, labing limang SUV kung hindi ako nagkakamali ng bilang. Tahimik lang akong sumilip sa maliit na siwang ng mga kahong pinagtataguan ko. 

Napalunok ako ng mariin nang makita na bumaba sa mga SUV na iyon ang napakaraming mga lalaki na nakasuot ng tuxedo. They are all armed and even if I am away I could still see their necklaces. Katulad ng pendant na napulot ko. Ang simbolo ng kanilang organisasyon na walang ibang ginawa kundi kasamaan.

Nakatalikod sila sa direksyon ko kaya hindi ko makita ang mukha nila. Alam kong isa sa mga iyon ang leader ng Tushkin Mafia. They all scream power. Nakakakilabot pero kahit mag-isa lang ako ay wala akong pakialam. Wala akong pakialam kung marami man sila ngayon.

If I die right now I will be honored because I did everything to protect my country.

Ilang sandali pa ay biglang umilaw ang isang malaking yate na nasa harap. My eyes widened when I saw four old guys going out of the yacht. I tried to familiarize their faces but it's dark. Hindi ko masyadong makita lalo pa at tinatakpan ng ilang mga lalaking parang bodyguards. 

Sa sobrang pagsilip ko ay hindi ko naiwasang gumalaw ng labis.

"Sh*t!" I cursed when I accidentally kicked one box so it fell and caused a loud sound. Nanlaki ang mga mata ko at naging aktibo ako.

Naging aktibo rin ang mga nakasuot ng tuxedo.

"Someone's hear! Clear the area!" someone shouted so I covered my mouth to keep myself silent. Pinagpapawisan na ako ng malamig at hindi ko itatanggi na kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa kakaisip kung paano ko sila magagawang labanan sa mga oras na ito. I have guns and they have too. Aminin ko man o hindi ay wala akong kalaban-laban ngayon.

Tatakbo na sana ang mga lalaki sa bawat sulok para hanapin ako kaso tinaas ng isang lalaki na nasa gitna ang kamay niya kaya hindi natuloy. He's the tallest among them all and I can't see his face. He screams power more than the others. Napako ang tingin ko sa likod ng lalaking nagtaas ng kamay. His back is broad.

Pinilig ko ang ulo ko saka dahan-dahan na dumapa ng kaunti.

"D*mn, this is suicide, Kiara," bulong ko sa sarili ko bago dahan-dahan na gumapang palayo sa pwesto kong 'yon.

I can't think of a d*mn plan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. I only have five guns with me! And those guys might kill me in just a snap!

Xavier's POV

"Stay," seryosong sabi ko sa mga tauhan ko na akmang mag-iikot sa paligid.

Hindi ko maitago ang ngisi ko. The lieutenant is careless. I suddenly want to see her to see her situation.

"Mr. Tushkin, it's an honor to meet you," Mr. Kara said, my trustful gun dealer from Turkey. Isa sa apat na matandang bumaba sa yate na nasa harap lang namin.

I smirked at him, "May I see my toys?" I asked while evilly grinning. Isang senyas niya lang ay may mga lalaking nagdala ng maraming boxes sa harap ko. Mga kahon na alam kong may laman na mga bagay na siyang magbibigay ng labis na saya sa akin.

When they opened the boxes I smirked even more when I saw a lot of shiny guns. Iba't-ibang klase ng armas ang nakikita ko tulad ng inaasahan ko. Hindi ordinaryo ang mga itsura at hindi rin ordinaryo ang mga bala nito. Mas malakas at matibay kumpara sa mga baril na gamit ng nakararami. 

"Smells so good," I murmured before picking one. I picked the silver pistol before caressing its smooth texture.

Walang sabi-sabi ko itong pinutok sa direksyon kung nasaan ang ingay kanina. I wanted to laugh so loud right now. Gusto kong tumawa ng malakas kasi awang-awa ako sa sitwasyon ng nagmamagaling na tinyente. Buong akala niya ay kaya niya ang organisasyong inalagaan ko.

Are you still alive, Lieutenant? I hope you are because I still have a lot of plans.

"Do you like it, Mr. Tushkin?" Mr. Kara asked so I nodded three times while smirking.

"Good, I like them. Boys, take it," utos ko sa mga tauhan ko kaya lahat ng kahon ay kinuha nila saka pinasok sa sasakyan na dala namin.

"This is such an honor, Mr. Tushkin. Your dad must be very proud of you," Mr. Kara said so I walked towards him slowly.

"Payment is already on your account," sabi ko sabay tapik sa balikat niya na ikinatuwid niya ng tayo. I smirked when I saw how scared he was. Napalunok pa siya ng ilang beses saka takot na ngumiti sa akin. Pilit niyang pinapakita na matapang siya ngunit kitang-kita sa mukha niya na gusto na niyang umalis.

"Stop! Police!" biglang sigaw ng pamilyar na boses kaya lahat kami ay napatingin sa likuran.

I saw Lieutenant Gallano pointing her gun towards us. My men immediately covered me.

"Crazy," I murmured when my men began firing guns towards her. I shook my head three times because I did not expect her to be so stupid like this.

"Mr. Tushkin, this way," Parker said before pointing the way towards one of the SUV's we brought.

 Pinapaulanan na ng mga tauhan ko ang direksyon kung nasaan siya at nagtatalsikan na ang ibang kahon dahil sa bala. Bahagya kong itinaas ang kamay ko kaya tumigil ang lahat sa pagpapaputok. Parker looked at me with his confused eyes.

"Mr. Tushkin, she saw everything!" Parker furiously shouted at me. I turned to Parker with my cold eyes causing him to get stunned quickly.

"Do not hurt her," mataman na sabi ko bago tuloy-tuloy na pumasok sa pinakamalapit na SUV. Everyone was confused about what I said but they followed my orders without saying anything.

Umigting ang panga ko habang nakatanaw sa direksyon ng mga kahon kung nasaan siya nagtatago. You are brave Lieutenant, too bad your stupid.

"Let's go," malamig na utos ko kaya mabilis kaming umalis sa lugar na iyon dala ang napakaraming armas na iligal na ipinasok dito sa bansa galing pa sa malayo. 

I myself sent that message to Lieutenant Gallano earlier because I wanted her to know that no one could stop us. Walang sinuman ang pwedeng pumagitna sa kung ano ang gusto kong gawin. I've been living with this Mafia all my life so I knew everything. She can't end us, no one will. She needs to see how powerful we are and chasing us means killing herself.

Kiara's POV

Napadaing ako sa sobrang sakit ng daplis na natamo ko sa kanang braso.

"Sh*t!" mura ko saka dahan-dahan na tumayo. Halos isiksik ko na ang sarili ko kanina sa pinakailalim na mga kahon para lang hindi tuluyang matadtad ng bala ang katawan ko sa ginawa nilang pagpapaulan ng bala kanina. I don't know why they stopped but thank god I'm still breathing.

Nakita ko na papalayo na ang mga SUV at ang yate kung saan galing ang mga matatanda kanina ay wala na rin. Inis kong binato ang baril na hawak ko dahil sa galit.

Ang dami nila! Ni hindi ako nakapagputok kahit man lang siya pinaulanan na ako ng bala! D*mn it! And I also failed to recognize them! It's so dark here! Ang galing pumili ng lokasyon, ang galing nilang lahat. Ang galing ko ring magtago!

Dumaloy ang sakit sa buo kong katawan. Isa lang ang tama ko pero sobrang sakit nito.I looked at my wound and I gritted my teeth when I saw a lot of blood dripping down my arm. 

"I will still hunt you, Tushkin Mafia," nanginginig na bulong ko sa sarili ko bago pumunta sa kotse kong naka-park sa hindi kalayuan.

Nang makarating ako sa kotse ko ay pinunit ko ang itim kong sando sa bandang ibaba para pangtapal sa sugat kong patuloy na dumudugo. I shouted because of pain and disappointment while mending my wound.

Whoever sent me that message I need to find him or her. Kailangan kong malaman kung bakit niya alam ang ganitong uri ng gawain ng Mafia na iyon. I need to find that person. 

Gamit ang nanginginig na daliri ay mabilis kong kinuha ang cellphone ko. I typed a message for Atty. Guzman.

Me:

Attorney, I need your help. I need you to track this number. Let's meet tomorrow.

Pinasa ko ang number ng nag-send sa akin ng message at pagkatapos niyon ay huminga ako ng malalim. The pain is still here but my mind is busy thinking a lot of thing. Muntik na akong mamatay ngayong araw.

Sa gitna ng pag-iisip ko ay biglang nag-vibrate ang phone ko kaya dali-dali ko iyong tiningnan dahil sa pag-aakalang si Atty. na iyon. Pero nanginig ako nang makita ang parehong numero na siyang nagbigay alam sa akin tungkol sa mga mangyayari ngayong araw dito sa lugar na iyon.

Unknown Number:

RIP Lieutenant, I hope you learned your lessons. Stay away from us. 

Bigla akong nanlamig sa nabasa. Tears started to fall out of anger and frustration. Malakas ko na sinapak ang manibela ng kotse ko at naibato ko rin ang cellphone ko kaya nabasag ito.

"Go! I am not afraid! I am not afraid to die! Kill me! Kill me! Iaalay ko ang bangkay ko para sa bansang 'to!" buong lakas ko na sigaw habang patuloy na umiiyak dahil sa galit.

 They want to play games? I will play with them, then.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status