Share

Chapter 5

Naghalo-halo na ang laman ng utak ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko habang tinatanaw ang kilalang mga tao na may suot na kwintas ng logo na hinahanap ko. Nanginig ako sa galit at naikuyom ko ang kamao ko.

Governor, Senator and even the Vice President. May mga mayayamang negosyante rin.

"F*ck!" madiin na mura ko saka tumakbo palabas ng casino.

How come? Paanong lahat sila mayroon? Kaanib rin sila? 

"Now you know, Lieutenant," sambit ni Atty. Guzman na sumunod rin sa akin kaya mabilis ko siyang tiningnan ng masama.

"Those people! Sila ang namumuno sa bansa! This is the f*cking reason why Philippines is poor! Dahil kung sino pang nasa taas sila pa ang sumusuporta sa mga iligal! F*ck them!" galit na sigaw ko pero ngumisi lang siya saka umiling.

"Now tell me, sino ang uunahin mo?" tanong niya at ang ngisi niya ay napalitan ng kaseryosohan.

Nagtiim bagang ako aaka nag-iwas ng tingin.

"Uuwi na ako," madiin na sambit ko saka mabilis akong tumakbo papunta sa kalsada. May dumaan na taxi kaya kaagad akong nakasakay. Hindi pa rin mawala ang galit sa loob ko at gusto kong manuntok ng kung sino.

Pilit kong inaalala ang mga taong nasa loob ng casino. They are all f*cked up. Kung pagi presidente ng Pilipinas ay kasapi ng Tushkin, hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagtatrabaho ako sa gobyerno, pero ang gobyerno ay sumusuporta sa katiwalian?

Nang makauwi ako sa apartment ko ay kaagad kong binato ang sling bag sa sofa.

"Ahhh!" I shouted angrily.

Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. I am sure na iyon ang tatak ng Tushkin Mafia. I want to shoot them 'till they die. They don't deserve their position on the government. Dapat sa kanila ay nabubulok sa kulungan.

My father and I have this strong urge to help the country. He's my inspiration why I became a police. At noong namatay siya sa gitna ng duty niya ay sinumpa kong ako ang magtutuloy sa tungkulin niya. I strive so hard to become a police and now I knew that some leader of this country are my enemy? No way!

At ngayon, hindi ko ulit alam kung saan ako magsisimula.

"Who is the leader of that Mafia?" nanggagalaiti kong bulong sa sarili ko.

Hindi ako nakatulog sa gabing iyon dahil hindi mapawi ang galit sa loob ko. Kinaumagahan ay pumasok ako sa opisina na dala-dala pa rin ang galit ko. 

"Lieutenant, tawag ka po ni General Barorot," bungad sa akin kaya umigting ang panga ko.

Imbes na umupo ay sa opisina ako ni General dumiretso.

"Sir good morning Sir!" I greeted with a salute so he nodded.

"Lieutenant Gallano, how's the case of the dead lawyer that I assigned to you?" tanong niya kaya pilit kong pinigilan ang pag-ikot ng mga mata ko.

"It's doing great, Sir," sagot ko.

"Good, you may leave," sabi niya pero hinayaan kong maglakbay ang mata ko sa leeg niya. He has no necklace. 

Sumaludo ako saka nagpasalamat. Pasimple ko ring tiningnan ang pareho niyang palapulsuhan at napahinga na lang ako ng maluwag nang wala akong makita na pulseras.

As usual, I just read some papers on my table. At noong nabagot ako ay mabilis akong tumayo at mabilis na lumabas sa opisina. Ang unang tao na pumasok sa isip ko ay si Atty. Guzman kaya mabilis ko siyang tinawagan.

Kumunot ang noo ko dahil hindi siya sumasagot.

"What the f*ck?" inis na tanong ko sa sarili dahil hindi niya talaga sinagot ang tawag.

Muli kong tinawagan at sa pagkakataong 'to ay sinagot na niya.

"What is it?" So cold. I rolled my eyes.

"I am not busy," sabi ko.

"So?"

Ang hangin rin ng abogadong 'to.

"I need you!" inis na sigaw ko sabay pasok sa kotse pero hindi siya sumagot sa kabilang linya.

Napalunok ako at mas dumiin ang pagkakahawak ko sa phone ko.

"Xavier Guzman!" sigaw ko pero narinig ko lang ang isang baritonong halakhak na alam kung sa kanya.

"I thought you'll already stop? Babanggain mo ang mga 'yon?" tanong niya kaya huminga ako ng malalim.

"Babanggain natin kaya pumunta ka sa address na ise-send ko."

Mabilis kong pinatay ang tawag matapos kong sabihin iyon. Atleast I know that I won't be alone in this battle. Dadalhin ko siya dahil pumayag naman siya sa una pa lang. But first, I will teach him how to hold a gun.

Napangisi ako saka mabilis na nag-drive papunta sa paborito kong shooting range,

Xavier's POV

I couldn't help but to smirk.

Nag-iisip ba ng maayos ang pulis na 'yon? She doesn't even know where to start. Itutuloy niya talaga ang paghabol sa organisasyon ko? Fine, I will play with you then.

Dahan-dahan akong tumayo sa swivel chair ko saka tiningnan ang malawak na lupain na puno ng berdeng mga kakahuyan. We call this Tushkin Empire, where the fifty floors building located. Nakatayo sa tuktok ng bundok.  This empire is my home, this is where my organization works. Where all the illegal doings started.

No one knew about this one. Except to those people who're part of my Mafia. Eventually, not all of them knew. Ang mga may matataas na papel lang sa Mafia ang nakakaalam. That is why not everyone saw what I look like. I am a complete mystery, dangerous mystery.

They just knew that Xavier Jan Tushkin is the Mafia King and no one messes with me.

Kaya paano mo pupuksain ang pinaka iniingat-ingatan ko, Kiara Gallano?

I shook my head before glancing at my wrist watch.

Can't wait for her to know who I really am. Will you be surprised, angry or disappointed? Let's deal with that soon, for now I'll let you teach me how to hold a f*cking gun. A f*cking gun which I already knew how to use since birth. Gun is my partner, and I will let you know that, Lieutenant.

"Mr. Tushkin, the chopper is ready," Parker said, so I smirked even more before looking at him.

"Good, Parker. Continue doing this, I won't kill you," sabi ko bago ako pumasok sa elevator na nandito sa loob ng malaking opisina na ito. I pressed the button and the elevator brought me to the huge rooftop where my chopper is waiting.

"Good day, Mr. Tushkin," the pilot greeted but I did not mind.

"Condo," malamig na sambit ko sabay akyat sa chopper.

More joyful days will come. Can't help but to enjoy every bit of it.

Kiara's POV

 Inubos ko lahat ng galit ko sa pamamagitan ng pagputok ng baril sa target. 

"Sh*t," I cursed when I ran out of magazines.

"Anong iniisip mo habang bumabaril?" Biglang may nagsalita sa gilid ko kaya mabilis ko iyong nilingon habang mabilis ang paghinga. I saw Atty. Guzman looking at me boredly so I glared at him.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ko pero nagkibit lang siya ng balikat.

Nangunot ang noo ko at mabilis kong binigay sa kanya ang baril na may bago ng magazine. Nagtataka niyang tiningnan iyon kaya muli akong napairap dahil halatang wala siyang alam sa ganito. Malakas ko siyang hinila at pinaharap sa target.

"Shoot," sabi ko sakay posisyon sa kamay niya. I am almost hugging him and I could see that he's not taking this seriously.

"Anong mapapala ko dito?" tanong niya kaya mabilis akong tumingin sa mga mata niya. His thick glasses are distraction. Sinamaan ko siya ng tingin pero parang wala lang iyon sa kanya.

"Just shoot," matigas na sambit ko pero nakatingin pa rin siya sa akin.

Nainis ako kaya hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa baril at ako mismo ang kumalabit ng gatilyo. Hindi siya gumalaw kaya inis ko ulit siyang tiningnan sa mga mata. He's still looking at me.

Mabilis kong kinuha ang kamay ko sa kamay niya saka inis na humalukipkip. 

"You are so boastful. Halata namang hindi ka marunong—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niyang pinaputok ang baril. My eyes widened because of that. Kinalabit niya ulit ang gatilyo habang nasa akin pa rin ang tingin. Dahan-dahan kong tiningnan ang target.

At tila natahimik ang paligid ko nang makita na lahat ng bala na galing sa baril na hawak niya ay bull's eye. Napalunok ako ng dahan-dahan at iyon rin ang pagbaba niya sa baril.

Walang mintis, iisa lang ang tama niya. 

How?

"How?" gulat na tanong ko habang nakatingin pa rin sa target.

Sa akin siya nakatingin kanina.

Paanong bull's eye?

"Hindi lang ikaw ang marunong bumaril, Lieutenant," sambit niya at noong mapalingon ako sa kanya ay nakita ko ang ngisi niya.

"You are not an ordinary lawyer," sambit ko pero ngumisi lang siya ng matunog.

"I am, malikot lang ang isipan mo."

Kahit ako hindi parating bull's eye ang natatamaan ko. Habang siya, nagawa niya iyon ng walang kahirap-hirap.

"I'm hungry, let's eat," sabi niya saka naglakad na paalis habang ako ay wala pa rin sa sarili.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status