Share

Chapter 6

Kiara's POV

Napakunot ang noo ko pero kalaunan ay sinundan ko siya papunta sa labas.

"Wait!" tawag ko kaya unti-unti siyang huminto at tamad na napalingon sa akin. Bahagya akong napanguso nang makita ko na pasimple niya akong hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa.

D*mn, I'm wearing my uniform.

"What?" taas kilay na tanong ko.

"Do you usually ditch your work? For these?" he asked so I rolled my eyes.

"Attorney, paper work stresses me out. I need action," sambit ko pero ngumisi lang siya.

Ngayon ko lang napansin na nakasuot siya ngayon ng black tuxedo. I mean, that is his usual style but I can't help but to praise his body build. A nerdy lawyer with a very massive body. Without his glasses, well, his glasses aren't that bad.  It's just that he looks like a genius with his glasses on, nerd. Without them, he looks great. With his green eyes.

Kaagad kong pinilig ang ulo ko dahil sa mga iniisip.

Tumikhim ako, "Marunong kang bumaril. Why?" pag-iiba ko ng topic kaya mas lalong naging tamad ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Do I need to tell you everything, Lieutenant?" Nagsalubong ang kilay ko doon. 

"Okay, bye," sabi ko saka inis na naglakad pabalik sa kotse ko.

He doesn't look great! Attitude over anything else. Antipatiko!

Inis kong pinaandar ang kotse ko palayo ko pero hindi pa ako nakakaalis sa parking lot ay natanaw ko siya sa tapat ng kotse ko. Nakaramdam ako ng inis kaya bumusina ako ng sobrang lakas pero hindi siya umalis.

"Ano ba?!" inis na tanong ko sabay baba ng bintana.

Pero napaawang na lang ang mga labi ko nang bigla siyang pumasok sa passenger's seat. Tiningnan ko siya ng hindi makapaniwala pero malamig niya lang iyong binalik.

"Ano? Babalik ako sa opisina!" sabi ko. Gulat pa rin ako dahil sa biglaan niyang pagsakay. He has a car! Alam kong dala niya iyon.

"Let's eat lunch," sabi niya kaya nalaglag ang panga ko.

 "What the h*ll?" gulat na tanong ko pero binigyan niya lang ako ng isang tingin na parang naiinip. He pointed the way so I rolled my eyes.

"Where's your car?" tanong ko habang pinapaikot ang kotse. He's helping me. I need to be kind, just for this time.

"Just drive," sambit niya sabay turo ng daan kaya muli akong napairap.

I don't have a choice but to follow his orders. And in the end, I parked my car in the huge parking space of a high end restaurant.  Napangiwi ako saka hinintay siyang bumaba kasi ayaw ko namang sumama sa loob. Pero ramdam ko ang tingin niya sa akin kaya nilingon ko siya.

"Pwede ka nang pumabas, Attorney," sabi ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Let's get inside. I have something to tell you," sabi niya sabay baba. At may pakiramdam ako na tungkol sa Tushkin Mafia ang sasabihin niya kaya kaagad akong bumaba sa kotse. I immediately fixed my uniform before running towards him.

"D*mn, I have a gun," bulong ko sa sarili. Hindi ko alam kung makakapasok ba ako sa loob.

"Good morning, Ma'am!" bati ng security sa akin sabay salute kaya kaagad kong pinatigas ang ekspresyon ko. 

Attorney Guzman suddenly pulled me so I entered without looking at anyone.

"Table for two," he coldly said to the waiter, so the waiter assisted us. Gusto kong matawa pero hindi ko ginawa dahil hindi naman ako pwedeng gumalaw ng hindi kagalang-galang ngayon kasi suot ko ang uniform ko.

Nang makarating kami sa table na pang dalawahan ay kaagad kong hinagod ng tingin ang bawat sulok. Napangiwi ako nang makita ang puro karangyaan sa loob ng lugar na ito. 

I'm right, this guy I'm with is rich. Literally rich.

"This place is expensive,"  I murmured but the Attorney suddenly ordered for both of us. Nanlaki ang mga mata ko. Ngayon ko naramdaman na kulang talaga ang sahod ko bilang pulis. I need to be a General first! O kahit Captain man lang!

"Lieutenant, Tushkin Mafia's members were all influential and powerful people. Kaya mo ba silang harapin?" biglang tanong niya nang umalis ang waiter.

"Kung hindi ako sino ang gagawa? I need justice!" pigil sigaw na sabi ko pero dumaan lang ang isang ngisi sa labi niya na kaagad ring nawala.

"Justice for?"

Napakuyom ang kamao ko.

"Justice for us, justice for those people who keep on doing good but bad people are ruining it. Kung wala sila mas magiging maayos ang lahat. We don't need illegal doings here. They need to stop. Punong-puno na ang Pilipinas kaya dapat na silang patigilin," madiin na sambit ko.

Kita ko ang tuwa sa mukha niya pero kaagad ring nawawala kaya hindi ko inisip masyado.

"Kilala mo ba kung sino ang kalaban mo? Ang ang hawak mo maliban sa pendant sa ipinaglalaban mo na simbolo nila?" He asked so I swallowed hard.

I don't know. Hindi ko alam kung sino ang leader ng Mafia. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam. Nakakagalit dahil wala akong alam!

"I will definitely know," madiin na sambit ko. Nakita ko na kinuha niya ang phone niya. He typed something before looking at me again. 

At sa pagkakataong iyon ay dumating ang mga pagkain. Nabaling ang atensyon ko sa mga pagkain na hindi pamilyar sa pang-amoy ang paningin ko. What are these?

"Let's eat, I'll play no worries," sambit niya saka mabilis na nagsimulang kumain. He sliced his steak. Steak lang ang pamilyar sa akin dito. 

I watched how he gracefully sliced the steak. I was about to drink the water beside me when my phone beeped.

Kunot ang noo ko iyong kinuha sa bulsa ko. Ang my eyes widened when I saw the message. It's from an unknown number!

Lieutenant Gallano, this is the Tushkin Mafia. See you in h*ll. You want to see us? Come in this address, maybe you want to see our drug shipment.

That was the message! Kaagad akong napatayo habang nanginginig sa galit.

They are playing with me!

"D*mn!" malutong na mura ko.

"Where are you going—"

Mabilis na akong umalis sa restaurant habang tumatakbo. I cursed when I get into my car. Mabilis kong pinaandar ang kotse at hindi ko na pinigilan ang pagharurot nito papunta sa address na natanggap.

"F*ck!"

Xavier's POV

I immediately called Parker when the cop left.

"Mr. Tushkin, the shipments was successful. We are going to our hideout now with no traises—"

"No, leave some sachet of drugs in that place. And leave your necklace there," malamig na sambit ko bago binaba ang tawag.

I smirked playfully after that, then I continued slicing my steak.

"Let's see, Lieutenant. You are making me happy," I uttered as I ate. 

My smirk won't disappear because I keep seeing her angry face on my head. Paano pa kaya kapag nalaman niya na ako ang hinahanap niya?

What would you do, Kiara Gallano?

Ang mahirap kasi sayo kulang ka, kulang ka sa lahat. You can't beat me in that case. You will never.

While I'm eating I immediately shut down the number I used to message the Lieutenant earlier.

This is getting more exciting. Hindi na ako makapaghintay sa mas masaya pang mga pangyayari.

Kiara's POV

"F*ck!" galit na sigaw ko nang maabutan ko na wala ng tao sa abandoned na building na siyang nasa message kanina.

Inis kong sinipa ang pader at napahilamos ako sa mukha ko. I could feel my blood boiling in anger. Uhaw na uhaw na akong madakip sila.

"F*ck! Mahuhuli ko rin kayo! Mahuhuli ko rin kayo!" galit na sigaw ko.

Muli kong sinipa ang pader kaya bahagyang natumba ang drum sa sobrang lakas. Kaagad akong napatingin doon. At mas lalo lang akong nakaramdam ng galit nang makita ko ang isang malaking pakete ng droga. Nanginginig ko iyong nilapitan. And beside that thing is the familiar necklace. Naikuyom ko ang kamao ko at dahan-dahan na pinulot ang kwintas na may pendant ng Tushkin Mafia.

"Sige lang, malapit na ako," nanggagalaiti na bulong ko habang kinukuyom ang kamaong may hawak na kwintas.

They knew me now. Pinaglalaruan nila ako. Dahil sa paglalaro nila, matutunton ko sila.

I smirked.

"I am not a Lieutenant for nothing. Ipapain ko ang buhay ko mahuli lang ang pinuno ng kasuklam-suklam na Mafia na iyon."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status