Share

Chapter 4

Kiara's POV

Hindi pa rin nawawala ang galit ko kinaumagahan. I can't accept that I was played. I was played by Tushkin Mafia. Mas lalong nanaig ang kagustuhan kong masugpo sila. Gusto ko silang durugin at lahat ng kasapi ay dapat makulong. Dapat silang magdusa dahil sa kasamaan nila. And last night I witness their illegal shipping.

Curse them!

Napadaing ako sa sakit nang aksidente kong maisandal ang braso kong may daplis kaya kaagad ko iyong tiningnan. Dumudugo na naman at kumikirot. Mas lalo akong nainis at nang may lalaking umupo sa upuan na nasa harap ko ay kaagad ko siyang tiningnan ng masama.

"You are late," inis na sambit ko pero bored lang niya akong tiningnan. Gusto ko tuloy suntukin ang mukha niya para mabasag ang makapal niyang salamin.

"I have a client to entertain, Lieutenant," sarcastic na sagot niya kaya mas sumama ang timpla ko.

"Fine, track this number," utos ko sabay pakita ng number ng nag-text sa akin. Ang dahilan kung bakit muntik na akong mamatay. That was from Tushkin Mafia. They made me see their operation and it's their fault. Ngayon, mas lalo kong uusigin hanggang sa pinakamaliit na detalye tungkol sa kanila.

I won't stop until I get what I want. Iyon ay ang hustisya. Ikukulong ko lahat. Wala akong ititira.

Attorney Guzman looked at the number that I wrote on the peice of paper. Kunot ang noo niya pero hindi nakaligtas sa akin ang bahagya niyang pagngisi pero kaagad rin itong naglaho.

"I am not a tracker. Nakakalimutan mo yatang abogado ako, Lieutenant," sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"I know you can! Subukan mo kasi!" inia na sigaw ko kaya napatingin sa amin ang ilang tao na restaurant na ito ngayon. I glared causing him to shake his head three times.

"I don't—"

"You are a criminal lawyer! You know that!"

Alam kong alam niya. He looks like a genius nerd.

He sighed after a minute while smirking.

"Not here," sambit niya sabay kuha sa papel at kaagad siyang tumayo. Kunot noo ko siyang tininghala pero nang mag-umpisa siyang maglakad paalis ay tumayo na rin ako.

"Argh," d***g ko dahil sa masakit na braso pero ininda ko iyon para lang maabutan siya.

Nang makalabas kami pareho ay kaagad siyang huminto sa tapat ng isang itim na SUV. I don't know where he wants to go. Wala rin akong dalang kotse dahil hindi ako makapag-drive. Buti na lang wala akong duty ngayon. General Barorot won't know about my personal investigation.

"Rich," sambit ko nang pinatunog niya ang SUV.

"You think I could track that number here?" tanong niya kaya inirapan ko.

Mabilis siyang pumasok sa loob ng sasakyan at kahit hindi niya ako sinabihan na sumabay ay ako na mismo ang nag-imbita sa sarili ko. I opened the door on the passenger's seat and immediately took my jacket off. Napangiwi ako nang makita ang dumudugo kong sugat.

"Where are we going?" tanong ko sabay lingon sa kanya. Naabutan ko siyang nakangisi na parang may naiisip. My forehead creased.

"My condo," sabi niya sabay drive kaya napasandal na lang ako sa upuan.

Habang nasa kalagitnaan ng biyahe ay may natanggap akong tawag mula kay General Barorot. Sa sobrang inis ko ay pinatay ko ang phone ko saka ako humalukipkip.

Damn this life.

Tinanaw ko ang traffic na sobrang haba. Kung walang katiwalian dito sa Pilipinas siguro maunlad na 'to ngayon. But it's people is disappointing. Kung hindi kakapit sa patalim ay magiging tambay. I won't say anything, I am just disappointed.

Ilang sandali pa ay huminto kami sa parking lot ng isang kilalang condominium building. Namangha ako dahil hindi ko inaasahan na mayaman siya.

"Ilan ba ang sweldo mo?" hindi ko na napigilang itanong nang bumaba ako pero malamig niya lang akong tiningnan. 

I immediately wore my jacket to hid my wound before I followed him.

Sumunod lang ako ng sumunod sa kanya hanggang sa nakarating kami sa isang kwarto. D*mn, he's this rich? I mean, d*mn.

Agad niyang binuksan ang pinto at ang una kong nakita ay ang malawak sa living room. I suddenly remember my apartment. Ang baba naman ng sweldo ko.

"Nice place," sambit ko saka ako na rin ang nag-imbita sa sarili ko na pumasok.

Muli kong tinanggal ang jacket ko saka dahan-dahan itong pinatong sa couch. I am only wearing a denim shorts and blach sando now. 

Umupo siya sa couch at kinuha niya ang laptop sa cented table. Agaran rin akong tumupo sa tabi niya. I watch him operate his laptop. At wala akong maintindihan.

"Did you track the number?" I asked. Tutok na tutok ang mga mata ko sa laptop kaya hindi ko napansin ang ekspresyon niya. Nakakuyom ang kamao ko sa galit at inis na pinaghalo.

Xavier's POV

I am enjoying this.

"This number isn't existing," I said so the gorgeous Lieutenant beside me gritted her teeth.

"No way!" angal niya kaya pinigilan kong huwag mapangisi.

Of course I did not lie. This number isn't existing starting today. Pinatanggal ko na.

Sarap niyang paglaruan.

Chase us, Lieutenant. Kung kaya mo.

"F*ck! Ang talino! D*mn them! Itataya ko ang buhay ko mahuli lang sila!" sigaw niya at napatayo pa sa sobrang galit.

I noticed her full of blood bandage. Napangisi ako. That is what you get for being nosy. Hindi lang iyan ang aabutin mo kung hindi ka titigil, Lieutenant. 

I looked at her chest and I smirk even more when I noticed her hard breathing. Gaano ka kagalit ngayon? Hanggang saan ang kaya mong gawin? Hindi ikaw ang makaksira sa organisasyon ko. You are allied with you enemy, Lieutenant.

You will bath with your own blood soon. 

Tumikhim ako saka tumayo. Let's bring her where the excitement is.

"I'll show you something later," sambit ko kaya tininghala niya ako. The anger in her eyes were still there.

"Where?" tanong niya kaya napangisi ako sabay ayos sa makapal na salamin na suot ko.

"To the place where people you were chasing are," sagot ko kaya nanlaki ang mga mata niya sa gulat.

"What? Where? What time?" Feeling excited? Hanggang kailan kaya iyan?

"Seven in the evening," sabi ko kaya mahina siyang tumango.

Kumuyom ang kamao niya saka siya tumango ng dalawang beses. I badly want to laugh right now.

"Wear something nice," pahabol na sambit ko pa. Kitang-kita ko ang kagustuhan sa mga mata niya. Na parang kung may labanan ay susugod siya sa kaagad. Iyan ang mahirap dito. Mamamatay siya sa ginagawa niya. Well, let's give her what she wants,

"I'll call you later. I need to get ready. Siguraduhin mongmagugustuhan ko 'to kundi sasapakin kita," matapang na sabi niya saka naglakad ng mabilis palabas ng condo na tinitirhan ni Xavier Guzman. 

Nang makaalis siya ay doon ko pinakawalan ang tawa ko. Can't forget her face. Sarap tutukan ng baril para magtanda.

"Let's see your reaction later," sambit ko sabay tawag kay Parker.

He immediately answered the call so I smirk.

"I'll have fun this night. Cancel my meeting," sambit ko bago pinatay ang tawag. 

This is getting exciting.

Kiara's POV

I don't know what place he's talking about. But I am giving my trust in him kaya ko namang sumuntok hanggang sa dumugo ang buong mukha niya kung sakaling paingkakatuwaan niya ako.

At exactly six thirty in the evening I was already wearing a fitted black dress with long sleeves to hide my wound. And inside my black sling bag is my gun and knife. I also put some make up. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero nasisigurado kang hindi ito basta-basta. I could sense that he's powerful. Lowkey lang.

Lumabas na ako sa apartment ko saka pumunta sa restuarant na sinabi ko sa kanya para doon kami magkita. Kakababa ko pa lang sa taxi ay kaagad ko siyang nakita na pababa sa kotse niya. 

"Manong, bayad po," kaagad na sabi ko saka dali-daling bumaba.

I ran towards him and I immediately catch his wrist causing him to look at me. I was shocked when I saw his face. Wala siyang salamin. I might say that without those thick glasses he looks better. Nanuyo ang lalamunan ko pero kaagad rin akong nakabawi.

"Nice, you don't look like a cop," he said so I rolled my eyes.

"Let's just go," sabi ko sabay iwas ng tingin. 

Mabilis siyang umikot papunta sa driver's seat kaya pumasok na rin ako sa kotse niya. Kaagad ko siyang tiningnan. Nakakapanibago na wala siyang salamin. At ngayon ko lang rin napansin na berde pala ang mga mata niya.

Pinilig ko ng ulo ko dahil sa mga naiisip at pilit akong tinuon ang pansin ko sa posibleng lugar na pupuntahan namin. It is a club, restaurant, party or museum? I don't have a clue so when we stopped in front of the famous casino my eyes widened.

"Here?!" gulat na tanong ko pero kaagad lang siyang bumaba.

"You'll see later," he said so I also went out of his car.

Kaagad siyang naglakad papasok kaya mabilis akong sumunod. The security asked him something and after a minute he lets him in. Kaagad niyang hinawakan ang palapulsuhan ko para makapasok rin ako. 

Tiningnan ko kaagad ang nasa loob. Hindi na ako nagukat nang makita ang mga mayayamang politiko na nandito. Napangisi ako ng sarkastiko. The pocerty is ramphant yet the government officials were playing instead of helping poor people.

Atty. Guzman suddenly grip my waist to make me closer to him.

"Look at their necklaces. Ngayon mo sabihin sa akin na itutuloy mo ang plano mo," bulong niya kaya agaran kong tiningnan ang leeg ng bawat isa.

At nawala ako sa katinuan nang makita ang necklace na suot nila. Pare-parehong may pendant ng logo ng tushkin mafia na napulot ko! Even the vice president of the country!

What the h*ll!

Inisa-isa ko. At halos mahilo ako sa dami.

This can't be!

No way!

"See? What can you say about it?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status