Home / Romance / Hiram na Asawa / Kabanata 0002

Share

Kabanata 0002

Paanong may kamukha siya?

Iyon ang paulit - ulit na tanong niya sa sarili. Kinikilatis siya nito habang siya naman ay hindi malaman kung paanong tila pinagbiyak na buko sila.

Sigurado siyang wala siyang kambal. Tiyak ring dalawa lang silang magkapatid at imposibleng anak ito sa iba ng Tatay niya. Dumiin ang tingin niya sa babae. Kahit saang angulo niya tingnan, kamukhang-kamukha niya ito! Daig pa nila ang kambal!

"Well, mata lang naman ang naiba. Papasuotan kita ng black lenses, I hate your deep brown eyes." Umirap pa ito at marahas na binitiwan ang panga niya.

Nagtagis ang mga ngipin niya sa ginawa nito. Ni hindi niya nga ito kilala!

"Sino ka ba? Tsaka wala kang mapapala sa akin. Di ako mayaman. Kahit patayin mo ko ngayon, walang maghahanap sa akin—"

"I know, Dear. And no, I won't kill you, don't worry," malumanay na sagot nito kaya't bahagya siyang kumalma.

Tumikhim siya at nagtaas ng kilay dito. Sinuri niya rin ang maikling itim na bestida nito na mukhang sa Mall nabili. Pati mga mahahabang itim na kuko nito ay gawa yata ng mamahaling salon.

"Alam mo naman pala pero kinuha mo pa ako. Miss Madam, nagsasayang ka lang ng oras sa akin. Marami akong utang at kailangan pa ng kalahating milyon—"

"Exactly my point. You need me more than I need you," nakangising sambit.

Tumawa ang lalaking tinawag nitong Paolo habang siya naman ay nangunot ang noo.

"A-nong ibig mong sabihin?"

Umangat ang gilid ng labi nito. Pinagkrus ang mga braso at tumitig sa kanya. Itim na itim ang mga mata nito na siyang nagpapakaba sa kanya. Iyon siguro ang kaibahan nilang dalawa, nakakatakot ito sa kabila ng ganda habang siya ay halatang matatakutin.

"Dear Averie—"

"Bakit alam mo ang pangalan ko?!" Gulantang niyang tanong na inirapan lang nito.

"Of course, I did my search, Dear. Medyo b*bo ka pala, sana naman huwag kang ta-t*nga t*nga sa misyon mo."

Nainis man siya ngunit nakuha pa rin nito ang atensyon niya.

"Ano'ng misyon? Gagawin mo kong sniper? Assassin—"

"Oh shut up! Wala tayo sa telenobela, My Gosh!" sigaw nito na kinahalakhak ni Paolo.

Namula ang mga pisngi niya sa pagkapahiya. Graduate naman aiya ng senior high pero pakiramdam niya ang b*bo niya nga.

"Geez. Kailangan mo ng pera di ba?"

Mabilis siyang tumango. Kung pauutangin siya nito ay hindi niya tatanggihan ang utos nito.

"Good. Babayaran natin lahat ng utang mo at sasagutin ko ang pagpapagamot sa Tatay mo."

Namilog ang mga mata niya, "Talaga? Ibig kong sabihin, bakit mo gagawin iyon?"

Ngumisi ito, "May utak ka rin naman pala. It's not for free of course. I told you, you need me, but I need you too. Ibibigay ko sa'yo lahat, gaano man kalaki ang kailangan mong pera pero..."

"Pero ano? Ano'ng kapalit? Puri ko—"

"Of course not. I'm sure hindi ka papatulan ng asawa ko. Ako nga na hubo't hub*d na ay hindi man 'yon tinatablan," naiinis na pasaring nito na mahinang kinatawa ni Paolo.

"Don't laugh at me, Paolo!" sita nito sa lalaki kaya't nagtaas iyon ng mga kamay.

"Of course not, My Queen. I'm just here for you, you know that." Kinindatan pa nito ang babae.

Pasimple nitong inayos ang buhok na kinataas ng kanyang kilay, "Anyway, back to business. Just like what I have said, I will pay all of your expenses and debt. Pag-aaralin ko pa ang kapatid mo pero sa isang kondisyon."

Napalunok siya. Win-win situation iyon. Masasagot ang problema niya pero kinakabahan siya sa kondisyon nito. Alam niyang pwedeng buong buhay niya ang kapalit.

"A-no bang kondisyon? Kung kaya ko, gagawin ko—"

"Oh, Dear, kahit hindi mo kaya, kailangan mong gawin. Hindi kita pakakawalan dito ng buhay kapag hindi mo ginawa at mas lalong hindi ko bubuhayin ang pamilya mo," malamig na banta nito na nagpakaba sa kanya.

Natameme siya at hindi nakasagot. Pakiramdam niya ay hindi ito basta ordinaryong tao. Tingin niya ay malakas ang koneksyon nito.

"Well, I would like to introduce myself, Averie. I am Fracheska Morales—Inferno, wife of Sebastian Loki Inferno."

Agad na namilog ang mga mata niya. Iniisip niya kung ang tinutukoy ba nitong Sebastian ay ang pinakamayaman sa bayan nila at kinatatakutan?

"Yes, Dear. My husband is the wealthiest man in town. He owns a lot of land. I am telling you, he is dangerous, and he won't be kind—not even to his wife."

"B-akit mo sinasabi sa'kin 'to? Ano namang pakialam ko sa asawa mo bukod sa pwede niya akong palayasin sa palengke?" may kabang tanong niya.

Umirap ito, "Because you will be dealing with him—"

"Ano?!"

"Dahil siya ang trabaho mo, Averie—Mali, siya ang pinaka-makakasalamuha mo habang ginagawa ang misyon mo. I want you to be me. I want you to be Fracheska Morales—Inferno while I am away. Gusto kong magpanggap ka bilang ako. Ikaw muna ang magiging asawa ni Sebastian habang wala ako."

Parang nabingi siya sa narinig. Binalot siya ng takot. Daig pa niya ang susugod sa giyera kung isang Sebastian ang magiging fake husband niya—kung magiging fake wife pala siya nito. Ni hindi niya pa nga nakita ang matandang iyon!

"H-indi ko yata kaya—" Natigil siya matapos marinig ang pagkasa ng baril ni Paolo, "A-no b-ang gagawin?" bawi niya sa unang sinabi. Wala nga pala siyang choice kun'di sumunod. Ayaw niya ring mamatay, hindi pa niya oras.

"Simply be his wife. Be me. Ime-make over kita. Mula mata, kilos, damit, at pananalita ay kailangan makuha mo. Huwag kang mag-alala, ilang buwan lang naman o baka isang taon lang naman. Kailangan ko lang mabuntis at ng mabigyan siya ng anak."

"Isang taon?! Kakayanin ko ba siyang makasama? Tsaka paano kung hawakan ako no'n? Paano kapag gabi na—"

"Shh, that's my rule, My Dear. You're not allowed to make love to my husband. You're not allowed to stare at him. And yes, he may sometimes kiss you, but you should not kiss him back! Bawal mo rin siyang gapangin. Nandoon ka lang na parang estatwa pero huwag na huwag kang magkakamali na mabuko dahil tsugi ang pamilya mo, I swear!" gigil na banta nito.

Kumabog ang puso niya lalo sa kaba, "Paano kung ako ang gapangin niya?"

Tumawa ito bigla, "Oh no, he won't. Gusto nga niya ng anak pero hindi niya ako magawang romansahin. Nakailang artificial insemination na ang ginawa namin magka-anak lang ngunit wala pa rin. Ako na ang gagawa ng paraan kaya't huwag mong hayaan na may mangyari sa inyo kun'di ako ang makakalaban mo! Sa akin manggagaling ang tagapagmana niya at kung subukan ka man niyang hawakan o h*likan, gumawa ka ng paraan para hindi matuloy!"

Napataas ang mga balikat niya sa sigaw nito. Wala nga siyang maintindihan. Ang tanda niya lang ay bawal na may mangyari sa kanila ni Don Sebastian. As if namang papatol siya sa matandang iyon!

"Baby, your husband is weak. Lagi ka nga no'n binibitin at hindi ka man lang madala sa langit. I'm sure, ganoon lang ulit," komento ni Paolo na patawa-tawa lang sa gilid.

Umikot ang mga mata ni Fracheska at nilapitan ang lalaki. Agad na kumapit ang mga kamay nito sa batok ni Paolo.

"And I am so thankkful na lagi ka lang nasa guard quarter's Paolo. Ikaw ang pumupuno sa pagkukulang ng amo mo. Thank you for heavenly romance, Love," senswal na saad nito bago sinibasib ng h*lik si Paolo. Agad namang pumaloob ang kamay ng lalaki sa bestidang suot ni Francheska.

Agad siyang napaiwas ng tingin at napairap. Kung tama ang dinig niya ay tauhan ni Sebastian si Paolo na kabit ngayon ni Francheska.

Napailing siya ngunit naalala ang sinabi nitong artificial insemination.

"Sandali! Paano pala kung pilitin niya ako doon sa sinasabi mong artificial kineme?"

Naghiwalay ang labi ng dalawa. Sinulyapan siya ni Francheska.

"Don't worry, we just did it last month and sadly, I got miscarriage. Hindi niya alam na nakunan ako ulit. Ilang buwan o isang taon pa bago kami ulit kokonsulta sa doktor at ayoko na ulit. Kaya nga nandiyan ka para punan ang presensya ko sa mansyon habang magpapabuntis mo na ako. Babalik din ako agad kapag... buntis na ako," paliwanag nito.

"At diyan ka kay Paolo magpapabuntis?" hindi niya mapigilang usisa na kinatalim ng tingin nito.

"Geez. I don't need your opinion! Diyan ka muna. Huwag kang maingay!" sita nito bago muling h*likan si Paolo.

Namilog ang mga mata niya noong maging maalab ang h*likan ng dalawa. Binuhat ito ni Paolo at mukhang dadalhin sa kwarto.

"Hoy! Alisin niyo muna 'tong mga tali ko bago kayo mag-loving loving! Hoy! Miss Francheska!"

Kaya lang naubos na lang ang boses niya ngunit hindi siya pinakinggan ng dalawa. Narindi pa siya sa mga ungol na narinig. Pinapak din siya ng lamok sa upuan bago siya nakatulog. Kinabukasan na noong gisingin siya at dalhin siya sa Mall ni Francheska.

"Mamaya na ang operasyon ng Tatay mo. Mamaya rin ay lilipat ka na sa mansyon ni Sebastian. I am telling you, one wrong move and you know what will happen to your brother and father," pagbabanta muli nito.

Humikab siya at tumango. Thankful naman siya na ma-o-operahan na ang Tatay niya. Iisipin na lang niyang kapit sa patalim ang gagawin niya o di kaya ay nagtatrabaho sa abroad. Tiisin niya na lang ng isang taon.

"One more thing, hindi ka pwedeng umalis sa mansyon o pumunta sa Tatay mo. Gagawan ko ng paraan para hindi ka hanapin."

Agad siyang nalungkot ngunit nilunok lahat iyon. Mas malaki pa rin ang pasalamat niya kung tuluyang gagaling ang ama niya dahil sa operasyon.

"Noted, Miss Francheska. Magpabuntis ka agad para agad akong makabalik sa pamilya ko—"

"Shut up!" Pinanlakihan pa siya nito ng mga mata kaya't natikom niya ang bibig.

"Be thankful at mararanasan mo ang karangyahan. Itatak mo rin sa utak mo na simula ngayon ikaw na si Francheska Morales—Inferno, wife of Sebastian Loki Inferno. Understand?!"
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
kaabang abang
goodnovel comment avatar
Labalan malou
ang ganda ng story na to
goodnovel comment avatar
Thelma Milallios
excellent and love storybook,love it...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status