Share

Hiram na Asawa
Hiram na Asawa
Author: Yenoh Smile

Kabanata 1

Author: Yenoh Smile
last update Last Updated: 2023-11-12 08:04:28

"Higit kalahating milyon ang magagastos, Hija. Pagkatapos kasi ng operasyon ay chemotherapy pa. Hindi iyon madaling hanapin," paliwanag ng Doktor sa kanya.

Bumagsak ang mga balikat niya sa narinig. Gustong-gusto niyang isalba ang buhay ng Tatay niya ngunit hindi niya alam kung saan kukuha ng ganoong halaga.

"K-alahating milyon po?"

"O higit pa, Hija. Kung makakahanap ka na ng pera bukas, ma-o-operahan agad ang Tatay mo."

Para siyang nabingi lalo sa narinig. Di niya madala-dala ang mga balikat pagkalabas sa opisina ng Doktor pero agad niyang hinanda ang pilit na ngiti pagpasok sa kwarto ng Tatay niya.

"Ma-o-operahan na ba si Tatay, Ate?" nag-aalalang tanong ni Buknoy sa kanya.

Hindi niya maibuka ang mga labi. Kinagat niya na lang ang dila at pikit matang tumango.

"Hahanap ako ng paraan—"

"Huwag na, Anak. Ipunin mo na lang ang pera para sa pag-aaral ng kapatid mo. Tanggapin na lang natin na hanggang dito na lang ako. Ayoko namang malugmok ka sa utang tapos ay mamamatay rin naman ako—"

"Tay! Huwag niyo ngang sabihin 'yan!" magkasabay na reaksyon nila ni Buknoy.

Pilit na ngumiti ang Tatay niya. Ayaw niya itong nakikitang nakaratay. Sobrabg payat na nito at hindi na rin kayang umupo. Dinudurog ang puso niya at hindi niya kayang isipin na pati ito ay mawala sa kanilang magkapatid.

Bumuntong hininga siya, "Ma-o-operahan kayo bukas, Tay. Magtitinda ako ng maraming isda bukas sa palengki."

Mahina itong tumawa ngunit naubo rin kaya't mabilis na umaalaly si Buknoy.

"Ikaw ang bahala, Anak," nanghihinang sagot nito na sumugat sa puso niya.

Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Pakiramdam niya'y anomang oras kukunin na sa kanya ang Tatay niya. Bago pa man siya maluha ay mabilis na siyang tumalikod at patakbong umalis ng ospital.

Nagbago na ang isip niya, imbis na bukas ay ngayon na siya magtitinda ng isda. Sayang ang oras, dapat ay kumita siya ng kalahating milyon hanggang bukas kahit alam niyang imposible.

"Dito, Averie! Takbo! Bilis!"

Agad niyang natanaw si Gina na pinagmamadali siya. Nangunot ang noo niya ngunit agad na namilog ang mga mata sa mga kalalakihan na ginigiba ang iilang pwesto doon.

"B-akit? Ano'ng ginagawa nila? Hala, kawawa si Aling Melia! Mga walanghiya!" hindi niya mapigilang bulalas ngunit agad na tinakpan ni Gina ang bibig niya.

"Shh, huwag kang maingay. Utos 'yan ni Don Sebastian. Hindi sila nakabayad ng renta kaya't demolish ang mga pwesto nila," pasimpleng bulong nito.

Lalong nag-init ang ulo niya sa narinig. Binaba niya ang kamay ni Gina at namewang sa harap nito.

"Bakit? Ano ba 'yang si Don Sebastian? Mayor ng bayan? Ano'ng karapatan niyang magpaalis ng mga tindera dito? Porket ba na-delay ang bayad ay ganyan na ang gagawin niya?! Aba, matagal na akong nagtitimpi diyan—"

Muling tinakpan ni Gina ang bibig niya kaya't inis niya ring inalis.

"Hindi siya mayor pero land owner siya, Averie. L. A. N. D. O. W. N. E. R—"

"Alam ko! Nakaka-intindi ako ng Ingles. Nanggigil na talaga ako sa matandang 'yan! Sino ba siya sa akala niya, ah?!" Gigil niya pang dinakot ang isang isda at tinutok sa kawalan.

"Mga ganyang tao ang dapat sa impyerno!" di niya mapigilang sigaw muli ngunit gulat niyang naibagsak ang isda matapos silang lapitan ng isang lalaking malaki ang katawan at papasang bouncer ng club.

Kinilabutan siya sa galit na tingin nito sa kanila ni Gina. Nanliit ang tingin nito sa kanilang dalawa bago tiningnan ang hawak na papel. Sa kaba niya ay naitulak niya si Gina paharap upang ito ang kumausap sa lalaki.

"B-akit, Bruno? Ba't ganyan ka makatingin, ah? Bayad na kami!" tapang-tapangang sita ng kaibigan niya kahit pa nanginginig ang boses nito.

Mariin muling tumitig si Bruno sa kanila dahilan upang mapatago siya lalo sa likod ng kaibigan.

"Fully paid pero matalas ang bibig ng kaibigan mo. Ipaalala mo sa kanyang si Sebastian ang may-ari ng buong siyudad at utusan lamang ang mga politiko dito," pagdidiin nito bago sila talikuran at lumipat sa kabilang tindahan.

Parang nawalan ng hininga si Gina at nanghihinang napaupo sa bangko. Pinaypayan pa nito ang sarili.

"Muntik na tayo do'n," hinihingal na sambit nito.

Pinaypayan niya rin ito gamit ang kamay ngunit ang tingin niya ay na kay Bruno. Masamang titig ang pinukol niya rito.

"May araw din 'yang lalaking 'yan pati amo niyang matandang hukluban. Pasasaan pa't mamamatay din 'yon. Sana siya na lang ang kunin ni Lord—ano ba, Gina?!" sita niya noong subukan nito muling takpan ang bibig niya.

"Tama ka na, Accla. Pahamak 'yang bibig mo. Sa laki ng katawan ni Bruno, tiyak na durog tayong dalawa."

Umismid siya sa sinabi nito at nanghihina na ring umupo sa bangko.

"Sorry. Problemado lang din," mabigat niyang pag-amin.

Nakaka-intindi itong tumango, "Magkano ba? Baka mapautang kita," anito kaya't nagpantig ang tainga niya.

Agad niyang hinarap ang kaibigan, "Kalahating milyon lang, Gina."

"Diyosmiyo! Limang libo lang ang ipon ko, Averie. Wala akong kalahating milyon. Kung gusto mo, gumiling ka ro'n sa malapit na beerhouse diyan," gulantang na sagot nito.

Muli siyang nalungkot. Wala din naman kasi ang kaibigan niya katulad niya. Marami na rin siyang utang dito.

"Ano'ng gagawin ko? Sasayaw at hihila ng lalaki? Makipag-one night stand at magpabuntis? Paano kung tambay lang sa kanto ang magbayad sa'kin do'n? Sayang naman ang perlas ng silangan ko. Lugi pa ko no'n, Gina."

Napailing ito, "Iba ka rin mag-imagine no? Ante, saan ka naman kukuha ng kalahating milyon? Pustahan tayo lahat ng tindera dito nautangan mo na. Tiyak di ka na rin pwede sa lending o loan app, baka nga nasa-block list ka na. Kung kaya ko lang magmagic, abra ka dabra makapangasawa ka ng mayaman!" aliw pa nitong inakto ang daliri ng paikot.

Napalabi siya ngunit mahina ring natawa, "Di ka si fairy God mother—"

"Jusko si Lucia, magtago ka!" mabilis pa siyang tinulak payuko ni Gina matapos makitang papalapit ang inutangan niya noong nakaraang linggo.

"Si Averie dumaan ba? Di ko napansin, Gina. Kailangan ko na iyong fifteen thousand na hiniram niya," dinig niyang tanong nito.

"Malay ko do'n. Di ko nga close 'yon. Babayaran ka rin noon kapag nagkapera na, Lucia."

"Osige, aabangan ko siya mamayang gabi. Kapag wala iyong binayad, ipapalapa ko sa mga lasinggero sa kanto," banta pa nito.

Kinilabutan siya sa narinig. Maging si Gina ay natameme.

"Beshy, umiba ka ng daan mamaya ah? Suot mo na rin hoodie ko para di ka makita ni Lucia," may kabang paaalala nito.

Nasapo niya ang noo. Ang dami na nga niyang problema, dumagdag pa ng isa! Akala yata ni Lord si wondergirl siya!

"Sus, hanggang salita lang 'yang si Lucia. Hayaan na natin, basta ang goal ko ay kumita ngayon ng kalahating milyon sa pagtitinda ng isda!" pampalakas loob niya kahit pa hinang-hina na siya.

Sarkastikong tumawa si Gina, "Osya, tutal pareho tayong baliw, magtinda tayo para kumita ng kalahating milyon!" balik na sigaw nito.

Pareho silang natawa ngunit sineryo rin nila ang pagtitinda. Walang tigil at tila hindi napapagod na umasikaso sila ng mga mamimili. Tuwang-tuwa pa sila noong mataob at maubos lahat.

"Twenty thousand and seven hundred," pagbibilang ni Gina.

Sabay silang nangiwi, "Di man lang naging one-fourth ng kalahating milyon mo," dagdag na komento nito.

Pagod siyang huminga bago sinuot ang hoodie, "Hawakan mo muna, Gina. Bukas ulit, feeling ko bukas kikita na tayo ng kalahating milyon."

Pilit siyang ngumiti sa kaibigan ngunit ramdam niyang naaawa ito base na rin sa klase ng titig nito.

"Tutulungan kitang maghanap ng pera, Averie. Dapat gumaling si Tito Marlon. Kapit ka lang," pampalakas loob nito.

Nangilid muli ang mga luha niya ngunit pilit siyang tumawa, "Sus. Basic. Si Maria Averie Salvador yata 'to! Atapang a tao! Walang inuurungan!"

Sabay silang natawa. Gumaan din ang damdamin niya kahit pa nagkahiwalay sila ng landas ni Gina pauwi. Ayaw nga siya nitong iwan ngunit iba naman ang daan nito.

Binalot siya ng kaba noong mapansing mag-isa na lang siyang naglalakad sa tagong kalyeng iyon. Di iyon ang daanan niya pero no choice at ayaw niyang makasalubong si Lucia na tauhan yata ang batalyon na manginginom.

Napalunok siya sa kaba. Paano kung pati dito inabangan siya?

Sa kaba niya ay kinipkip niyang mabuti sa ulo ang hoodie. Pati nga sa bandang bibig ay sinarado niya para lang hindi siya makilala. Napapakanta na nga siya ng mga worship song makauwi lang ng ligtas. Balak niya nga ay maaga ring gigising bukas, dadaan sa ospital bago dumiretso sa Palengki—

Literal na natigilan siya matapos maramdaman ang malakas na hampas sa batok niya. Namilog ang mga mata niya matapos maalala ang banta ni Lucia ngunit napaluhod siya sa kalsada matapos maulit ang hampas. Nanlabo ang paningin niya kasabay ng pagtakip ng panyo sa kanyang ilong at bibig. Bago siya tuluyang nawalan ng malay ay nagpunta pa sa harapan niya ang lalaking nakataklob ng itim ang ulo at may hawak na baseball sa balikat.

"Sorry, napag-utusan lang Miss Beautiful," nakatawang saad pa nito.

--------------------

Sagad sa sakit sa ulo at batok ang naramdaman niya noong magkamalay. Hindi niya maimulat ang mga mata at ramdam niya ang telang tumatakip sa mga iyon. Hindi niya rin maigalaw ang kamay at paa na tila tinali sa upuang kinaroroonan niya. Gusto niyang sumigaw at humingi ng tulong kahit pa malabo.

Ramdam niyang hindi siya mag-isa roon. Nakumpira niya iyon matapos marinig ang tunog ng takong na papalapit.

"Is she the one?" malamig na tanong ng babae.

Hindi iyon boses ni Lucia na pinagtaka niya.

"Yes, Madame. All yours," sagot ng boses ng lalaki.

"Good job, Paolo. Masasagot na rin ang problema natin. Let me check her."

Kinabahan siya matapos makaramdam ng presensyang papalapit sa kanya. Agad siyang napad*ing sa sakit matapos may sumabunot sa kanya at humila pababa sa telang nakatakip sa kanyang mga mata. Napangiwi pa siya noong masilaw sa liwanag ngunit unti-unti niya ring minulat ang mga mata.

"Tamang - tama ang napili ag nakuha ko," pagyayabang pa ng lalaki.

"You did great, Paolo," sagot muli ng babae kaya't lumipad doon ang tingin niya.

Ngunit para siyang binuhusan ng malamig na tubig matapos masilayan ang babaeng nakangisi sa kanya. Napaawang ang mga labi niya, para siyang nanalamin at nakikita ang sariling mukha ng personal. Kahit pulang-pula ang mga labi nito at iba ang kulay ng buhok ay hindi ikakailang kamukha niya ito!

Nagulat siya noong hawakan nito nang mahigpit ang kanyang panga, bumaon pa ang kuko nito roon. Sinuri siya nitong mabuti.

"Perfect. She can be me for awhile," nakangising saad pa nito na nagpakaba sa kanya.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (10)
goodnovel comment avatar
Rose marie Bongat
bk twin nya 04/2025/15
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hula ko kakambal nya yong babaeng nagpadukot sa kanya kaabang abang
goodnovel comment avatar
Sho Sho
my bayad pala
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Hiram na Asawa   Kabanata 2

    Paanong may kamukha siya?Iyon ang paulit - ulit na tanong niya sa sarili. Kinikilatis siya nito habang siya naman ay hindi malaman kung paanong tila pinagbiyak na buko sila.Sigurado siyang wala siyang kambal. Tiyak ring dalawa lang silang magkapatid at imposibleng anak ito sa iba ng Tatay niya. Du

    Last Updated : 2023-11-12
  • Hiram na Asawa   Kabanata 3

    "Ikot ka nga," utos nito, sinusuri ang binili nitong bestida na pinasuot sa kanya.Tamad siyang umikot, "Ang dami na, Miss Francheska. Hindi naman ako nagsusuot ng ganyan—"Natigil siya sa matalim na tingin nito, "What did I tell you?"Pikit mata siyang bumuntong hininga, "That I am Francheska Moral

    Last Updated : 2023-11-12
  • Hiram na Asawa   Kabanata 4

    Napalunok siya't hindi nakakilos sa binulong nito. Nanlamig ang buong katawan niya. Nakaalis na nga ito sa harap niya pero tingin niya ay nakatitig pa rin ito sa kanya."Hurry up!""Jusmiyo!" sigaw niya kasabay ng pagtaas ng kanyang mga balikat dahil sa malakas na sigaw nito.Taranta siyang humarap

    Last Updated : 2023-11-23
  • Hiram na Asawa   Kabanata 5

    Literal na hindi na siya humihinga noong tumaas pa lalo ang palad nito. Damang-dama niya ang init at gaspang niyon sa kanyang balat. Wala ring tigil sa kabog ang d*bdib niya. Sa sobrang kaba ay hindi niya ito kayang titigan. "You think you can fool me?" mababang tanong nito kung kaya't gulat siyang

    Last Updated : 2023-11-24
  • Hiram na Asawa   Kabanata 6

    Napatigil siya at namilog ang mga mata matapos maramdaman ang pagsakop ng mainit nitong palad sa kanyang d*bdib. Mabilis siyang humiwalay sa h*likan."A-no'ng gagawin mo, Sebastian?"Nangunot ang noo nito at ang tingin sa kanya ay tila ba nagpapatawa siya."This isn't your first time. I held this be

    Last Updated : 2023-11-25
  • Hiram na Asawa   Kabanata 7

    SEBASTIAN'S POV"I d-on't know. Baka dahil malaki lang yang a-no mo?"Mariin niyang tinitigan ang asawa. He f*cking knows she is not a virgin, but how come she bled?Umigting ang panga niya ngunit napatitig sa nanginginig nitong mga kamay na nakahawak sa kumot. Lalo tuloy nangunot ang noo niya. Ni m

    Last Updated : 2023-11-26
  • Hiram na Asawa   Kabanata 8

    Pinalipad niya ang sasakyan pabalik sa kanyang mansyon matapos ang tawag ni Bruno. Lalo pa siyang nagalit matapos datnan ang mga tauhan niyang nagkumpulan sa harap ng pinto ng kanilang kwarto."F*cking get out of my way!"Umalingawngaw sa buong mansyon ang sigaw niya. Nagsipagtalunan ang mga tauhan

    Last Updated : 2023-11-27
  • Hiram na Asawa   Kabanata 9

    Tutok siya sa trabaho matapos marinig ang katok sa labas."Come in," tipid niyang utos at ni hindi tiningnan ang taong kumatok."Uhm, baka gusto mo ng kape?"Napaangat siya ng tingin dito. Nagsalubong ang tingin niya sa suot nitong duster. Ilang araw niya itong hindi nakita ng personal pero pakiramd

    Last Updated : 2023-11-27

Latest chapter

  • Hiram na Asawa   Kabanata 657

    Umangat ang gilid ng labi nito, "Nice view and.... nice taste," asar pa nito kaya't binato niya ng unan bago nagtago sa kumot."Leche ka, Vanderbilt!" maktol niya pa dito.Narinig niya ang mahina nitong tawa kaya't tinakpan niya ang mga tainga."Huwag kang tatakas, Misis Vanderbilt. Huwag mo rin ako

  • Hiram na Asawa   Kabanata 656

    Napilitan si Orion na pakawalan ang mga labi niya. Naisandal niya ang ulo sa pader at naghabol ng paghinga."Istorbo," may inis ngunit mahinang bigkas nito.Humigpit ang hawak ni Orion sa kanyang hitang nakataas. Hindi niya alam kung nainis ito na naistorbo sila o nainis itong Mama nito ang bisita.

  • Hiram na Asawa   Kabanata 655

    Alam na alam talaga nito kung paano siya bwisitin!"Tss. Kailangan ba ng acting skills ko? After nito, pwede na umuwi?" mataray niyang tanong dito.Humigpit ang hawak nito sa kamay niya habang tangay siya pababa ng hagdan.Umangat ang gilid ng labi ni Orion, "Act like you love me. Ang alam ng Attorn

  • Hiram na Asawa   Kabanata 654

    "Tandaan mo, kapag hinanap ako sa'min pasasabugin ng Papa ko 'yang kumpanya mo! Bwisit!"Sinipa ni Luna ang pinto matapos siyang ibalik ni Orion sa malaking kwarto nito at i-lock ang pinto.Ang sama ng titig niya sa pinto at sana lang ay tumagos iyon patungo sa puso ni Orion para humandusay na ito s

  • Hiram na Asawa   Kabanata 653

    Masamang titig ang ginawad niya kay Orion dahil halos umibabaw ito sa kanya."So, paano mo ko babayaran sa mga nagastos mo, Milady?" seryosong tanong nito sa kanya.Inirapan niya ito, "Aba, after mo kong i-s*x nang libre, nag-e-expect ka pa na bayaran ko?""What? Utang ko pa ba sa'yo na pinatikim ko

  • Hiram na Asawa   Kabanata 652

    "Solve ang problema mo, Luns," nakatawang komento ni Diobert habang nagbubuhat ng karton-kartong gatas.Nangisi siya dito. Hindi na rin masama na may nangyari sa kanila ni Orion Vanderbilt. Higit pa sa halaga ng alahas ang makukuha niya sa lalaki. Unli-swipe ang ginawa niya sa black card nito at muk

  • Hiram na Asawa   Kabanata 651

    Bahala na itong makita ng mga empleyado nito! Pasaway na ahas!Tahimik na lang niyang sinuot ang puting longsleeve nito at pants. Binalikan niya pa ng tingin ang mantsa ng dugo sa puting sofa, katibayan na si Orion nga ang nakauna sa kanya."F*ck you ka, Orion," bulong - bulong niya sa hangin.Hinag

  • Hiram na Asawa   Kabanata 650

    Madiin niyang nakagat ang ibabang labi kasabay ng mariin na pagpikit matapos maramdaman ang sobrang hapdi sa pagpasok ni Orion sa loob niya.Maging ang mga kamay niya ay nadiin niya sa balikat nito. Ramdam niya rin ang patak ng luha sa gilid ng mga mata niya ngunit hindi makangawa sa sakit na narara

  • Hiram na Asawa   Kabanata 649

    Tinikom niya ang bibig ngunit kinagat nito ang labi niya dahilan ng pagbuka ng mga iyon kaya't naipasok nito muli ang dila sa loob ng bibig niya.Inipit din nito ang mga tuhod niya sa mga tuhod nito. Nanghina siya matapos maramdaman ang malaking palad nitong pumasok sa loob ng t-shirt niya at agad n

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status