Home / Romance / Hiram na Asawa / Kabanata 0003

Share

Kabanata 0003

"Ikot ka nga," utos nito, sinusuri ang binili nitong bestida na pinasuot sa kanya.

Tamad siyang umikot, "Ang dami na, Miss Francheska. Hindi naman ako nagsusuot ng ganyan—"

Natigil siya sa matalim na tingin nito, "What did I tell you?"

Pikit mata siyang bumuntong hininga, "That I am Francheska Morales—Inferno, wife of Sebastian Loki Inferno."

Ngumisi ito, "Good. Lagi mong tatandaan 'yan. Iwanan mo ang ugaling skwater mo. Suotin mo ang mga damit ko. And I want to remind you na tanging manipis na lingerie ang suot ko sa gabi. No bra and no underwear—"

"Hindi ko kaya iyon—iyong walang bra, pwede pa. Pero di ko kaya ng walang underwear," bawi niya noong tumalim ang tingin nito sa kanya.

"Fine. Napaka-old school mo," anito bago muling kumuha ng damit na naka-hanger.

"Another one, huwag kang magpapanic o sisigaw lalo na kapag nakikita mong hub*d ang asawa ko. Walang saplot iyon matulog, isipin mo na lang na si Machete ang katabi mo," dagdag muli nito.

Patago siyang umirap. As if namang magnanasa siya sa isang matanda.

"Noted, Miss Francheska—"

"Good. Be careful on what you say and do. Kung kaya mong magpakatuta sa kanya, gawin mo. I am telling you, wala siyang sinasanto. Ingatan mo rin na huwag niyang mapatay. Kung mamatay ka sa puder niya, hindi ako makababalik. Dalawa ang pinakatatandaan mo, hindi ka dapat niya mabuntis at mas lalong hindi ka niya mapatay. Understand?"

Nagyelo ang mga labi niya. Pakiramdam niya ay binaon na niya agad ang paa sa lupa. Hindi niya alam na buwis buhay ang misyon niya.

"Hiwalayan mo na lang kaya—"

"Shut up! Hindi pa oras para diyan. Kapag nabigyan ko siya ng anak at nalipat na lahat ng yaman niya sa pangalan ng anak ko, ako mismo ang tatapos sa buhay niya. Gaganti ako sa panlalamig at pag-ignora niya sa akin," malamig na sambit nito.

Napalunok siya. Alam niyang hindi ito nagbibiro. Hindi siya nakakibo pero nabawasan ang takot niya noong pagawan siya nito ng itim na contact lenses. Ang kaba niya ay napalitan ng sakit. Namugto ang mga mata niya noong ilagay ang mga contact lenses. Iniwan nga siya roon ni Francheska noong umiyak siya sa hapdi. Binalikan lang siya nito para hilahin sa salon.

"Ipapahilod kita. Tatanggalin natin lahat ng balahibo mo. Pati 'yang nasa baba, kakalbuhin—"

"Ano? Huwag naman!" kabadong pinagdikit niya pa ang mga hita.

Umirap ito, "Be lucky at makaka-experience ka ng brazillian wax. Huwag kang mag-alala, parang kagat lang ng langgam iyon," inis na sagot nito bago tumawag ng assistant.

Magrereklamo pa sana siya ngunit hinila na siya ng babaeng assistant. Ni hindi niya masundan ang pinaggagawa nila, ang alam niya ay sumisigaw siya noong brazillian wax na. Mangiyak-ngiyak pa siya noong matapos. Scam ang kagat ng langgam na sinasabi nito! Pakiramdam niya pati balat niya ay natanggal.

"Lilinisin na po ang kuko niyo at kukulayan ang buhok—"

"Sure ka na diyan? Hindi rin iyon masakit ah? Baka mamaya ito pa ang ikamatay ko," ngawa niya sa babae.

Napangiti ito at umiling, "Hindi po, Ma'am. Kahit matulog kayo ay ayos lang."

Kumalma siya dahil doon. Pinikit niya nga ang mga mata habang inaayusan siya. Hindi niya alam kung gaano iyon katagal pero noong magising siya ay hindi na niya makita ang sarili—hindi pala makilala. Si Francheska ang nakikita niya sa salamin.

"A-ko ba 'yan?" hindi niya makapaniwalang tanong sa Assistant na nakangiting tumango.

"Bagay po sa inyo ang Ashblonde na buhok, Miss."

Napalunok siya. Ngayon niya ramdam ang naka-ambang panganib sa buhay niya.

Pilit siyang ngumiti noong lumabas. Kita niyang napaawang ang mga labi ni Francheska ngunit agad ding napapalakpak.

"Perfect! Now you look exactly like me," tuwang-tuwang papuri nito.

Lumapit pa ito pero nagsalubong ang kilay bigla, "Wait. May kulang. Kulang sa laki ang b**bs mo. Kailangang malaki ng kaunti—"

"Sandali! Huwag mong gagalawin ang b**bs ko. Natural 'yan at may kalakihan. Tsaka, hindi na iyan papansinin ng asawa mo kasi nga di ba, wala namang nangyayari sa inyo—"

"Shut up! We do make out sometimes at hindi lang natutuloy sa home run. Huwag kang sisigaw kapag hinawakan ka niya lalo sa baba, huwag ka ring magprotesta kapag hin*likan ka niya pero tandaan mong hindi dapat matuloy. Siguraduhin mong hanggang doon lang," mariing bulong nito.

Napatakip siya ng bibig at naipagdikit ang mga hita dahil sa sinabi nito, "For real? Akala ko ba estatwa lang ako?"

Umirap ito, "Know your place, Averie. Maging tuod ka kung gusto mo pero huwag mong hayaang magsawa siya sa'yo at patalsikin ka sa mansyon."

Napalunok siya. Tingin niya ay hindi niya kakayanin.

"K-ailan ka ba aalis, Miss Francheska?"

"Two months from now. Aalis si Paolo bilang personal bodyguard mo pero may magmamatiyag sa'yong iba kaya't huwag kang magkakamali kun'di patay ka sa akin."

Nayakap niya ang sarili dahil doon, "Bantay salakay pala si Paolo no?" hindi niya mapigilang komento ngunit pinanlakihan siya nito ng mata.

"Ipakulong na lang kaya kita, Miss Francheska?" bawi niya na lang sa sinabi.

Mapanganib itong ngumisi, "You won't do that, Averie. Buhay ng pamilya mo ang nakasalalay dito."

Naitikom niya ang bibig dahil doon. Tinaasan siya nito ng kilay ngunit inabot din sa kanya ang hawak nitong maliit na paperbag.

"Mamahaling cellphone 'yan. Numero ko ang nandiyan. Sebastian will call you from time to time lalo na kapag may utos. Pwede mong gamitin 'yan para tawagan din ako pero bawal mong gamitin 'yan para tawagan ang pamilya mo. We have a deal, Averie, magtiis ka muna ng isang taon. Hindi ko pababayaan ang Tatay at Kapatid mo," pampalubag loob nito.

Pikit mata niyang tinanggap ang cellphone at sinuri iyon kahit pa bumabara ang lalamunan niya sa nagbabadyang pag-iyak. Ngayon niya naiisip na matagal pa bago niya makita si Buknoy at ang Tatay niya.

"Huwag kang umiyak. Masisira ang make-up mo," inis na bulong nito kaya't napatikhim siya at kumurap-kurap.

"Sorry. Gagawin ko ng maayos ang trabaho ko—"

Natigil siya noong mag-vibrate sa kamay niya ang cellphone. Agad ding namilog ang mga mata niya matapos magflash ang pangalan ni Sebastian.

"Sagutin mo!" tarantang utos ni Francheska.

Umiling-iling siya dito, "H-indi ko kaya—"

Inis nitong kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag. Nilagay pa nito sa loudspeaker iyon.

"Where are you?" malamig at magaspang na boses ng lalaki ang nagsalita.

Nangilabot siya sa h*god ng boses nito. Nagtaasan ang mga balahibo niya. Hindi iyon boses ng matanda!

"Uhm, nagshopping lang ako—"

"Be back now. We'll attend an event. I need a chaperone," malamig na utos nito bago patayin ang tawag.

Inis na napapadyak si Francheska. Inis din nitong binalik ang cellphone sa kamay niya. Tumalikod ito at ramdam niya ang mabibigat nitong hininga na tila kinakalma ang sarili. Siya man ay nainis na chaperone lang ang tingin nito sa babae imbes na asawa.

"Wala talagang sweet bone," dinig niyang inis na bulong nito.

Nanahimik siya at hinintay itong humarap. Sinuri pa nito ang suot niya.

"Bibili tayo ng heels. Mag-a-attend ka ng event, huwag kang pasaway at lagi ka lang dapat sa tabi niya."

Kinakabahan siyang tumango kahit pa gusto niyang tumakbo paalis. Sa boses ni Sebastian ay tila wala itong katiting na b*it sa katawan.

"Hindi ko kaya ng six inches heels, Miss Francheska," kontra niya noong pasuotin siya nito ng heels.

Umirap ito at pinagbigyan siyang two inches lang ang isuot.

"Ngayon lang 'yan. Kapag sa mansyon ay mataas na heels ang isuot mo lagi, magtataka sila kung hindi. Alisin mo na ang pagiging manang sa katawan mo. Huwag ka ring kakausap doon ng kung sino. Less talk, less mistake," paalala nito habang naglalakad sila patungo sa parking lot.

"I guess this will be the start of your mission. Anytime from now, may susundong black fortuner sa'yo dito. Be me, Averie. Don't be yourself. You are now Francheska and you will be for a year. Kalimutan mo muna ang sarili mo. Understand?" madiing utos nito.

Napalunok siya sa kaba ngunit tumango din.

"Good. Remember my two rules, don't get pregnant and do be killed, Averie. Goodluck, don't be st*pid," huling habilin nito bago nagmamadaling tumakbo paalis.

Para siyang natigilan ng ilang segundo ngunit namilog din ang mga mata niya matapos maalalang hindi niya alam ang itsura ni Sebastian at mas lalong hindi niya alam ang sasakyang sinasabi nito.

"Ano po pala ang itsura ng Fortuner bukod sa itim iyon?!" sigaw niya kay Francheska ngunit tuloy-tuloy na itong umalis.

Ngangawa pa sana siya kaya lang ay may lumapit na sa kanyang malaking lalaki. Lalong namilog ang mga mata niya matapos makita si Bruno. Paano kung makilala siya nito?!

"Naghihintay na po si Sir Sebastian, Madame," pormal na imporma nito bago buhatin lahat ng shopping bag na iniwan ni Francheska sa tabi niya.

Hindi niya alam ang isasagot. Natatakot siyang magkamali kapag nagsalita. Hindi na rin naman kumibo si Bruno at pinagbuksan pa siya ng pinto ng itim ngang sasakyan.

Noong makapasok siya sa sasakyan ay nakita niya ang sarili sa salamin. Kumalma siya matapos mapagtantong iba na ang mukha niya at malabong makilala pa siya ni Bruno.

"Sabihan mo ang mga katulong na maraming pinamili si Madame, Jingoy," utos ni Bruno sa lalaking nasa passenger seat.

Hindi niya pinansin ang dalawa kahit pa napatitig sa kanya si Jingoy. Kinalikot niya na lang ang hawak na cellphone. Bukod ba sa nag-i-ingles, ano pa ba ang kilos ni Francheska?

Nangiwi siya, wala siyang ideya kung paano kumilos kagaya nito. Nagawa na lang nilang makarating sa mansyon ay hindi pa rin siya handa. Napalunok pa siya sa laki ng bahay. Dirty white at brown ang kulay pero tila maitim ang budhi ng nakatira.

Taas-noo siyang lumakad at hindi pinansin ang mga katulong. Naisip niyang huwag kumausap ng kahit sino gaya ng paalala ni Francheska. Sumunod ang mga ito bitbit ang maraming shopping bag ngunit parang bulang nawala din pagdating sa sala. Paglingon niya sa likod ay puro shopping bag ang naiwan at wala ang mga tauhang nagdadala.

"Shopping spree, isn't it?"

Natulos siya sa kinatatayuan matapos marinig ang magaspang at malamig na boses na iyon. Napalunok siya at unti-unting lumingon sa hagdan kung nasaan ang boses. Kita niya ang matipunong lalaking tingin niya ay nasa lagpas trenta ang edad. Hindi ito matanda! Hindi matanda si Sebastian!

Hindi siya nakakilos noong bumaba ito ng hagdan habang inaayos ang suot na relo. Nahigit niya ang hininga. Halatang perfectionist ito base sa pagkakasuklay ng buhok. Halatang wala rin itong sinasanto base sa igting ng panga nito. Ang may kakapalang kilay nito ay bumagay sa mga mata nitong maitim at mariing tumitig.

"I-i did—nag-shopping lang sandali," kanda utal niyang sagot, hindi malaman kung English ang sagot pero di kaya ng powers niya.

Kumibot ang labi nitong hindi kanipisan pero mapula-pula, malayo sa isip niyang matandang hukluban. Madiin nitong tinitigan ang maraming shopping bag sa lapag. Kumabog ang d*bdib niya noong lumapit ito lalo. Pakiramdam niya ay kaharap niya si kamatayan kahit pa sobrang gandang lalaki ni Sebastian! Huwag magpapalinlang!

Tumindig ito sa harap niya at halos matakpan siya sa lapad ng balikat nito. Matipuno ang katawan nito at bahagyang malaki, mas malaki nga lang si Bruno.

Parang sinipa ang puso niya paalis sa kanyang katawan noong lumapat ang malaking palad nito sa impis niyang tiyan. Nasamyo niya ang mamahaling amoy nito at para siyang tangang nakanganga sa harap nito.

"I spent millions of money on this f*cking womb to get you pregnant, for your shopping, and other escapades. I am thinking you are pregnant by now. If you cannot give me a child, you better be dead," — malamig bulong nito na nagpataas sa mga balahibo niya sa katawan.

First day pa lang yata niya ay matatapos na ang buhay niya!
Comments (10)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
wow kayanin mo averie para sa amat kapatid mo
goodnovel comment avatar
Labalan malou
nakaka excite naman to.
goodnovel comment avatar
Josephine Bala Orajay
maganda ang kwento gusto q
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status