SEBASTIAN'S POV
"I d-on't know. Baka dahil malaki lang yang a-no mo?"
Mariin niyang tinitigan ang asawa. He f*cking knows she is not a virgin, but how come she bled?
Umigting ang panga niya ngunit napatitig sa nanginginig nitong mga kamay na nakahawak sa kumot. Lalo tuloy nangunot ang noo niya. Ni minsan ay hindi niya nakitang natakot sa kanya si Francheska kaya't paanong nanginginig ito?
Napayuko ito noong magtama ang paningin nila. Sigurado siyang nakita niya ang sobrang kaba at pangingilid ng mga luha nito.
"H-indi ko talaga alam kung bakit," mahinang sambit muli nito bago mahigpit na niyakap ang kumot sa katawan nito.
Lumiit lalo ang tingin niya rito. Malakas ang pakiramdam niyang may kakaiba rito ngunit hindi niya masabi kung ano. Maging ang mga mata nito ay iba kumpara sa dating matapang nitong tingin.
"Fine. Ask the maid to wash or throw away that sheet later," malamig niyang utos bago bumalik sa banyo.
Nakaigting pa ang panga niya noong kuhanin muli ang cellphone na iniwan niya sa sink kanina matapos mapansin ang dugo sa ibaba niya.
"What was that, Man? Sebastian is talking to Francheska, finally huh?" natatawang bungad sa kanya ni Raoul.
Kinunotan niya ito ng noo kahit hindi nito nakikita. Wala siyang balak na magkwento rito lalo't aburido siya. Kung hindi ito tumawag ay baka abala pa siya sa kama ngayon.
"That's not what you called for," naiinis niyang sagot dito.
Ang pagtawa nito ay unti-unting nawala. Tumikhim ito bago muling nagsalita.
"They found out. The f*cking mayor of your town already knew about your Gun business, Sebastian."
"And? Wala akong pakialam kahit ipagkalat pa niya. My business is legal—"
"That's not the point. Gusto ka niyang isabotahe. Hinarang niya ang pag-supply natin ng mga armas. Malamang sasabihin niyang smuggling," dagdag nito na kinamura niya.
"That f*cking old man. Ano na namang gusto niya ngayon?" gigil at madiin niyang tanong.
"What else? Baka gusto niyang kunin lahat ng lupain mo. Siya nga naman ang mayor pero iba naman ang may-ari ng maraming lupain."
Kumuyom ang kamao niya. Alam niyang lahat ng bigating tao sa bayan na iyon ay interesado sa mga lupain niya at interesado sa buhay niya. Hindi siya pwedeng magtiwala kanino man—not even to Francheska. Not to her. Never.
"Fine. I'll be there. Kukunin ko ang mga hinarang niya," pagtatapos niya sa usapan.
Binagsak niya ang cellphone muli sa sink. Mabigat siyang huminga lalo pa't nangunguna ang galit niya.
"Calm down you idiot," mahinang pagkausap niya sa sarili.
Kaya lang ay hindi siya kumalma. Huli na bago siya makapag-isip nang matino at basta na lang sinuntok ang salamin sa harap ng sink. Natauhan lang siya matapos marinig ang malakas na tili mula sa labas.
"D*mn!" aniya lalo pa't kumalat sa sahig ang mga bubog, idagdag pa ang kamao niyang nasugat at dumugo.
Hindi niya maramdaman ang sakit mula doon. Sanay na siya at balewala lang iyon. Mas nairita pa siya noong marinig ang sunod-sunod na katok sa banyo.
"Sebastian, ayos ka lang ba? Uy, sumagot ka naman. Patay ka na ba?! Sabihin mo lang, tatanggapin ko naman—ay buhay ka pa pala!" tarantang bawi nito matapos niyang buksan ang pinto at makita roon na kipkip pa ang kumot sa katawan.
"So you want me dead?" malamig niyang tanong dito.
Napalunok ito, "H-indi. Nag-alala lang ako—"
"Don't fool me, Francheska. You don't give a sh*t to my wellbeing," mas malamig niyang sagot na kinaputla nito.
Malamig niya itong tinitigan. Nagbukas sara ang mga labi nito hanggang sa kagatin na lang nito ang ibabang labi.
Napatitig siya sa labi nitong namula. Kinastigo niya ang sariling *ngkinin ito. Hindi niya maintindihan kung bakit nauuhaw siya sa init dito kumpara noon. May kung ano'ng nag-u-udyok sa kanyang markahan muli ito ngunit pinipigilan niya ang sarili. Ni minsan ay hindi niya ginustong *ngkinin ito—pwera ngayon.
"Go back to the bed if you don't want me to slam your body on the door and take you here," mariin niyang utos, pinipigilan ang hilahin ito at h*likan.
"A-no'ng sabi mo?"
Nanliit ang mga mata niya at tinro ang kama, "Bumalik ka roon kung ayaw mong dito tayo mags*x—"
"Iyong kamay mo, dumudugo," imbis ay puna nito sa kamay niya.
Mabilis niyang tinago ang kamay at kinunotan ito ng noo. Hindi siya sanay na concern ito.
"Patingin nga. Baka ma-impeksyon." Umakma itong lalapit ngunit mabilis niyang sinara at ni-lock ang pinto.
"Sebastian, uy! Ang damot mo. Para patingin lang," dinig pa niyang reklamo nito ngunit hindi niya pinakinggan.
Agad niyang binuksan ang shower at hinayaan ang malamig na tubig na pakalmahin siya. Nagtagal siya roon kahit pa dapat ay magmadali siya. Noong matapos ay pinaikot niya ang tuwalya sa kanyang bewang. Nagulat nga lang siya na noong paglabas niya ay nakaupo na sa kama ang asawa niya, suot ang polong hinub*d niya kanina at higit sa lahat, may katabing first aid kit.
Napatayo ito. Wala sa sariling hin*god niya ito ng tingin. Umabot naman sa mga hita nito ang polo niya. Umakma itong lalapit ngunit hindi niya pinansin. Tuloy-tuloy siya sa walk-in closet at humila ng damit.
"Malalim ba 'yong sugat mo?"
"The h*ll!" gulat niyang mura matapos itong sumulpot sa tabi niya.
Hindi niya rin napaghandaan ang paghawak nito sa kamay niya at pagsuri sa kanyang sugat.
"Mukhang malalim. Kailangan yata ng doktor."
Literal na nagsalubong ang mga kilay niya. Naninibago siya rito lalo pa't sanay naman itong makita siyang sugatan. Francheska knew his temper. Kapag nga ganitong galit siya ay hindi lumalapit pero ano'ng nakain nito at nag-aalala pa?
Nagtagis ang mga bagang niya matapos maisip na baka maglulustay na naman ito ng pera kaya't nagpapakabait. Sa inis niya ay binawi niya ang kamay mula rito na kinagulat nito.
"Leave me alone, Francheska. Don't f*cking go near me when you know I am mad. Go back to the bed," mahina ngunit may awtoridad niyang utos dito.
Hindi niya kasi alam kung ano'ng magagawa niya rito kaya't mas magandang lumayo ito sa kanya. Kailangan niya pa ito para makapagluwal ng anak niya.
"Tss. Sungit," dinig niyang bulong nito bago nagmartsa paalis.
Nanlaki yata ang butas ng mga ilong niya sa sinabi nito. Iniling na lang niya ang ulo at mabilis na nagbihis. Binalikan niya rin ang cellphone sa banyo at mabilis na tinawagan si Bruno.
"Kumuha ka ng maintenance at maglilinis. Basag ang salamin sa banyo," agad niyang utos.
"ASAP, Sir!"
Akmang ibaba na niya ang tawag ngunit naalala niyang polo lang ang suot ng asawa niya.
"Babae ang kunin mo at mamayang hapon na. Francheska is still... sleeping," bawi niya sa utos.
Sinuksok niya ang cellphone sa bulsa ng jeans niya at bumalik sa closet para kumuha ng baril na sinuksok niya sa gilid ng bewang niya.. Paglabas niya ay nakasimangot na mukha ng asawa niya ang bumungad sa kanya. Masama rin ang tingin nito sa kamay niyang may sugat.
"Sure ka ayaw mong linisin—sungit mo, Lolo!" inis nitong maktol noong lagpasan niya.
Wala siyang oras makipaglokohan dito. Saka na niya ito bibigyan ng leksyon kapag tapos na ang problema niya.
Mas lalo ngang sumakit ang ulo niya noong makarating sa headquarters nila. Sinalubong siya ni Raoul at agad tinuro ang lalaking nakaluhod sa sahig at basa ang ulo. Sa tabi nito ay malaking timba na puno ng tubig Mukhang kanina pa ito pinaparusahan ng mga tauhan niya. Kilala niya ang mukha nito—isa iyon sa mga tauhan niya.
"Tauhan ni Mayor. Spy."
Iyon pa lang ang sinabi ni Raoul ay nag-init na ang ulo niya. Ayaw niya sa lahat ay pinagtataksilan siya't tinatraydor.
"Sir Sebastian, maawa kayo sa'kin! Hindi na ako lalapit kay Mayor buhayin niyo lang ako. Sir—"
Napatigil ito noong ilabas niya ang baril at itutok iyon sa ulo nito. Namutla ito at naestatwa.
"You know my rules. Alam mong buhay mo ang kapalit sa ginawa mo. Gaano karami ang naikanta mo kay Mayor?"
Pinagkuskus nito ang mga palad, "K-aunti lang po! Hindi na ako nagsalita lalo't walang bayad—Sir Sebastian!" hintakutang sigaw nito matapos niyang paputukan ang sahig malapit sa paa nito.
"Small or big, you still didn't follow my rules. Kung ayaw mong mamatay, gawan mo ng paraan at ibalik lahat ng armas na kinuha ng Mayor mo!"
Napataas ang mga balikat nito at mas lalong natakot, "Sir, papatayin ako ni Mayor kapag ginawa ko 'yan—"
"Mas pipiliin mong ako ang tumapos ng buhay mo?" malamig niyang tanong bago ikasa muli ang baril.
Naestatwa ito lalo at talagang nawalan ng kulay ang mukha noong lumapit siya at idikit ang baril sa sentido nito.
"Fine—"
Natigil siya sa pagtunog ng cellphone niya. Inis siyang pumikit nang mariin bago iyon kinuha. Si Bruno ang tumatawag.
"Hindi ba alam ng mga tauhan mo nandito ka?" natatawang tanong ni Raoul.
Tinapunan niya ng malamig na tingin ang kaibigan bago lumayo at sinagot ang tawag.
"What?! I'm in the middle of something important," iritang bungad niya.
"S-ir, kasi ano. Kailangan niyo pong bumalik dito. "
"And why would I? Wala akong oras—"
"S-ir, kasi si Madame nililinis basag na salamin sa banyo. Hindi namin mapigilan, nagsugat na ang kamay," tuloy-tuloy na balita nito.
"What the heck? Is she crazy?!" gigil niyang angil na dumagdag sa sakit ng ulo niya.