Chapter 4
Idinapa ko ang katawan at saka mahigpit na niyakap ang nagiisang unan ko rito sa maid's quarters. Talaga namang napakasarap matulog lalo na kapag lunes at wala akong aalagaan na makulit na bata.Naihatid ko na kanina pa si Aki sa eskwelahan niya, mga bandang alas otso ay natapos ko na ring malabhan ang mga damit ko at ngayon ang kailangan ko na lang gawin ay matulog at ituloy ang naudlot kong panaginip kagabi.Medyo nawawala wala na rin sa isip ko iyong bangungot at talaga namang masaya ko sanang honey moon. Hindi iyon eh, hindi iyon ang pinangarap kong honey moon, gusto ko iyong sa may beach man lang ba. Kapag nakaipon na talaga ako ng sapat na pera ako mismo ang makikipag-divorce sa lalaking iyon. Pero syempre joke lang, baka noventa y nuebe na ako bago pa 'ko yumaman. For now, tiis-tiis muna."Anak ng abs nang punyetang si Rivaill!"Nanlaki ang mga mata ko. I immediately cupped my mouth after realizing what I just said. Dali dali akong tumayo hindi iniinda ang sakit ng balakang ko mula sa pagkakahulog sa kama. Maliit lang kasi ang kama rito pangisahan lang, mabuti na lang at wala ako sa upper deck nitong kama.Hinarap ko ang walanghiyang bakla na gumulat sa akin. Pawisan ito at humahangos habang hawak-hawak pa ang isang malaking pruning snips may mga mangilan ngilan pang damo at lupa ang naiwan doon, mukhang nanggaling pa siya sa garden ah."Bruha! Bruha! Bruha!" bungad niya sa akin.Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko bang masiyado siyang nagmamadali at hindi na niya narinig pa ang sinabi ko kanina."Sandali, huminga ka muna p'wede?" wika ko bago nag-inhale at exhale na kaagad niya namang sinegundahan. "Ayan, ayos na? O' take two tayo. Go!""Bruha! Si Mrs. De León naro'n sa labas ng gate!" nataranta niyang ani habang inaalog alog pa ang magkabilang balikat ko."Oh, ano naman ngayon sa 'kin?" sermon ko sa kaniya. "Inaantok na ako Baks, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi so please, patulugin niyo muna ako," litanya ko at akmang isasarado ng muli ang pinto."Gaga ka! Gusto mong jombagin kita riyan, hindi ba't ninang niyo sa kasal ni Sir 'yon? Kahit hindi kita gusto for my labidabs Rivaill at lalong ayaw kitang maging madam ko pero seryoso ka lalabas ka nang ganiyan ang itsura? Kalerki ka," mahaba niyang paliwanag.Doon na namilog ang mga mata ko. Paano ko nga ba nakalimutan. Nakauniform pa naman ako ngayon, at lahat ng damit ko pati iyong gown ko ay nalabhan ko na. "Bakit naman ngayon mo lang sinabi? Anong gagawin ko bakla? Wala akong damit!"Inirapan niya ako at hinila palabas ng maids quarters. "Pumunta ka sa kwarto ni Sir, sa kaniya ka manghingi ng tulong. Malay mo may naitabi pa siyang damit no'ng nanay ni Aki manghiram ka na lang ha? God bless!" aniya habang pilit akong itinutulak sa hallway.Dala ng taranta at kaba ay wala na akong paki-alam kahit pa madapa dapa na ako sa hagdanan makaakyat lang sa kwarto ni Sir Rivaill.Hindi nagtagal at narating ko rin ang kwarto. Pabalya kong binuksan ang pinto at tumambad sa 'kin ang mala anghel na mukha ng boss ko. Kung hindi lang mala impyerno ang ugali niya, naku! "Ser!" bungad ko rito at saka hindi mapakaling nagpalakad lakad sa harapan nito."What are you doing here? Even if we're married you don't have the rights to barge in—" Pinutol ko ang dapat na sasabihin niya gamit ang kaliwa kong kamay."May problema tayo sir, malaking problema," hinihingal kong litanya sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay. "Nandito si Mrs. De León,"Akala ko ay sisigawan niya ako at magagalit pero isang kalmadong ekspresyon lamang ang ibinigay niya sa akin. "Hindi ka ba kinakabahan boss?" taka kong tanong."Not one bit, you said you're a best actress, then act as professional, hihintayin kita sa baba," aniya at saka lumabas."Pero tingnan mo naman ang damit ko sir, mukhang akong dugyot, anong gagawin ko?" ani ko sa kaniya at umikot ikot pa para ibalandra sa mukha niyang mukha akong pinagpyestahan ng isang daang manok."I don't know and I don't care. Wear anything besides that, problema mo na iyan," naglakad siya paalis pero sandali ring tumigil. "Remember that I'm paying you, h'wag mong sayangin ang bayad ko sa 'yo,"My mouth gaped and my jaw dropped. Walanghiya talaga. Pabagsak kong isinarado ang pintuan at ginulo ang buhok.Inilibot ko ang paningin sa buong silid. Sinimulan ko na ring halungkatin ang lahat ng drawers at cabinets sa loob ng kwarto pero ni isa ay wala akong nakitang damit na pambabae. Hinaluhog ko na rin ang walk in closet sa tabi ng banyo pero wala mga nakahilerang relo, neck tie, at maayos na nakasabit na mga tuxedo at suits lamang ang nakita ko."Fine, I'll do it myself,"Nakalipas nang ilang minutong paghalukay sa lahat ng damit ni Rivaill ay natapos rin ako.Mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo ako papunta sa living room, mga ilang metro bago makarating rito ay nagdahan dahan na ako. Isinilip ko muna ang ulo sa baba at ang una kong nabungaran ay ang nakaupo na si Rivaill, sa harapan niya ay isang nakatalikod at nakaupo ring babae.Nakita niya ako at saka tinaasan nang kilay. Sinenyasan ko siyang tumingin sa labi ko pero kinunotan lamang niya ako nang noo."Bababa na ako, watch me," I mouthed, pero inirapan lang niya ako.Tinanggal ko ang ipit sa buhok ko at saka nag head bang nang dalawang beses nakita ko pa ang impit na pagtawa ni Lyka nang magdala ito ng juice sa lamesa nila.Huminga ako nang malalim at saka iginiling giling ang katawan, nag-jumping jack pa ako at saka squat bago tuluyang bumaba.Ito na, wife mode on.Dahan dahang akong bumaba sa hagdanan habang nakahawak ang kaliwang kamay ko sa handrail nitong simento. Ang kanang kamay ko naman ay kunwaring kumukusot kusot sa kanang mata ko. "M-Mahal?" malambing kong wika habang pababa nang hagdan dahilan para matuon ang atensyon nila sa akin.Dumiretso ako sa kaniya nang hindi pinapansin si Mrs. De León. Pumupungas pungas akong tumingin sa kaniya at saka naupo at isinandal ang ulo sa balikat niya habang nakapikit. I act like I'm totally worn out from last night.Na medyo totoo naman dahil talagang nanakit ang buong katawan ko kakalaba nang mga damit ko. Nakita kong mas ibinaba pa niya ang suot kong shirt pinned shirt niya, hindi ko napansin na tumaas na pala iyon dahil sa pagupo ko.H'wag kang ganiyan sir, baka lapain kita diyan. Kidding."Mrs. Fontero, mukhang nakarami kayo kagabi a'," anito.Binuksan ko muna ang isang mata at umaktong nagulat nang makita siya. "M-Mrs. De León, you're here, I-I'm sorry I'm dressed like a—""It's fine! Totally fine," pagputol niya sa sasabihin ko.Tanging pinned collar shirt na lang kasi ni Rivaill ang isinuot ko, boxer niya rin ang ginamit ko at isang necktie na niluwagan ko kanina."Nakakahiya," untag ko at saka yumakap kay Rivaill. "Another five thousand, hindi ako prepared," huthot ko sa kaniya, and he nodded his head."Mr. Fontero, would you mind if we exchange a seat?"Wala pang isang segundo at hindi pa man nakakasagot si Sir Rivaill ay inusod niya na ito para tumabi sa akin."Nag-role play kayo kagabi 'no?" pakikichismis nitong bulong."Cat woman, maid suit, and office uniform," bulong ko naman pabalik.Lumipas ang ilang segundo matapos ay parehas kaming napatili.Tama nga iyong research ko. Jesusa Galera—De León, bukod sa palengkera nitong bunganga, from rags to riches ang peg nang isang ito. She used to be a farmer's daughter, naging ofw at nakapagasawa ng espanol. She's kind, suki nang mga charity works, at siguro dahil na rin laki siya sa hirap ay mas gusto niyang tulungan ang ilan. I admire woman like her."I'm Jesusa, you can call me friend," aniya sa magiliw na tono.Hindi naman kasi siya gano'n katanda, she's just thirty at hindi naman siya mahirap pakisamahan.Marami pa siyang kung ano anong ikinuwento at paniguradong nabuburyo na si Sir Rivaill, paki-alam ko sa kaniya, bahala siya riyan. Hindi ko na alam kung ilang oras iyong paguusap namin ni Jesusa."Arie," tawag niya sa akin dahilan nang paglingon ko sa kaniya. "Alam mo hindi ko inakalang ganiyan ang ugali mo,""Ha?" wala sa sariling kong tanong, nagtataka sa kung anong sinasabi niya."May nasagap kasi akong chismis tungkol sa 'yo, marami rami nga e'. Kesyo may scandal ka raw, bayaran ka raw at napakasama nang ugali mo," aniya habang nginunguya ang isang strawberry na kinuha niya sa plato."Naniwala ka naman?" Kumuha ako nang isang strawberry at isinubo iyon kay Sir Rivaill. Kawawa naman ang isang 'to, walang pumapansin."Iyong totoo? Oo no'ng una, pero ngayon hindi na."Tumango tango ako sa sinabi niya. Alam ko naman iyang mga sinasabi nila sa akin. Sa loob nang dalawang taon kong paghihirap ay sanay na ako sa sinasabi nang lahat. Isa pa lahat naman ng sinasabi nila ay walang katotohanan. Ang importante sa akin ngayon ay walang iba kung hindi si Rivaill, at ang pera niya.Nilingon ko ito at saka kinindatan. Napanguso ako nang bigyan niya lang ako nang nandidiring ekspresyon."Omg, ala una na pala, napatagal ang chikahan natin," basag ni Jesusa sa namumuong katahimikan. "Before I leave, hindi ko pa nga pala nasasabi iyong dahilan kaya ako nagpunta rito, muntik ko na makalimutan,"Akala ko pumunta lang siya rito para makichismis.May inabot siya sa 'king hindi kalakihang envelope. "Ano 'to?" tanong ko at saka iniabot ang envelope kay Sir Rivaill, ano namang malay ko sa nasa loob no'n."It's a ticket," kaswal na sagot ni Rivaill. Tumango tango ako. "Two tickets to Maldives,"Kaagad na namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Ano?" wala sa sariling hiyaw ko."Yes naman frenny," ani ni Jesusa na para bang wala lang iyong ibinigay niya. E' kahit nga siguro ipangbayad ko lahat nang meron ako ngayon ay hindi pa abot sa isang ticket."Iyan na ang maagang pamasko ko sa inyo,""E' kailan ba 'to?" taka kong tanong bago tinitigang mabuti ang ticket.Nakangiti akong tiningnan ni Jesusa bago sumimsim sa hawak niya kopita. "Ngayon,"Chapter 5Huminga muna ako nang malalim bago mabilis na pinagulong ang tatlong maletang hawak ko. Dali dali ang paghakbang ko para maabutan ang napakabilis maglakad na si Rivaill. Ewan ko ba sa lalaking iyan, ang dami daming dinala tapos ako ang pagbubuhatin. Napaka-ungentleman. Isa lang naman ang maleta ko dito maliit lang din iyon kumpara sa kaniya. Hinakot na nga niya yata ang buong opisina niya, napakabigat kayang itulak."Psst, boss ikaw kaya magtulak nitong iyo!" reklamo ko sa nakatalikod nitong postura na patuloy lamang sa paglalakad. Huminto siya at saka ako nilingon. "Sinuswelduhan kita hindi ba?" aniya sa baritonong tono. "E' hindi naman wife mode ngayon, isa pa baby sitter ho ako sir, hindi taga buhat!" ungot ko sa kaniya. Totoo namang babysitting lamang ang trabaho ko, h'wag na nating isama iyong sideline ko bilang asawa niya. Nakalagay rin sa kontrata ko na hindi niya ako puwedeng utusan kapag hindi ko trabaho o
"I don't know if you're naive or just that stupid enough not to notice,""Haah." Pagbuntong hininga ko bago sumimsim sa hawak kong lemon juice. Kanina pa nage-echo sa utak ko ang mga katagang sinabi niya kanina. Ipinamumukha sa aking kasalanan kong ginusto kong kumain kasi gutom na ako. Matapos niyang sabihin 'yon ay saka niya ako iniwan. Ang ending ito ako, magisa, sa ilalim nang puno tamang inom lang ng juice dahil hindi ko na malaman kung saan ang daan pabalik.Alam ko naman iyon e', alam kong hindi kami magkasundo at ang kontrata bilang asawa niya lamang ang dahilan kung bakit magkasama kami ngayon. Pero bakit parang siya pa iyong galit imbis na dapat ako ang nasasaktan dahil sa sinabi niya kanina. Ayos lang naman, naintindihan ko naman na binabayaran niya ako at dapat ay ayusin ko ang trabaho bilang asawa niya, sana lang ay inilugar niya iyong galit niya sa 'kin. Hindi iyong nangiiwan siya. Tanghali na, siguro ay mg
Chapter 7Hinawakan ko ang seradura nang pinto at balak na sanang isarang muli iyon at umaktong wala akong nakita pero bago pa man ako makaalis sa pwesto ko ay napansin na ako ng magaling kong Asawa.Halata sa mukha niyang hindi siya natutuwa sa babaeng nakalingkis sa kaniya. Lukot na rin ang damit niya, maging ang suot niyang neck tie ay natanggal na. Kawawa naman ang Asawa ko, deserve mo 'yan.He raised his right eyebrow telling me to do something. Pinanlakihan ko siya nang mga mga mata. Ano namang gagawin ko? Isa pa wala naman akong paki-alam kahit mangabit siya o ano man dahil once na mahuli siya ay siya rin naman ang may kasalanan, labas na ako roon. Ang gusto ko lang ay ang sweldo ko 'no. Sinamaan niya ako nang tingin kaya naman wala akong choice kung hindi ang sumunod. Inilipat ko ang paningin sa babae at hindi ko nagustuhan ang mga tingin niya sa akin.Huminga muna ako nang malalim, hindi ko na kailangan pang ayusin ang ekspresyon ko dahil makita pa
Chapter 8Unti unti kong minulat ang mga mata ang liwanag na nagmumula sa caged chandelier ang sumalubong sa akin. Lumundo ang kama nang simulan kong bumangon. Madilim na sa labas at hindi na rin gaanong sumasakit iyong ulo ko. Come to think of it, matagal na rin simula nang umatake ang phobia ko. I have a hemophobia, takot ako sa dugo at kahit kaunti lang ang makita ko ay natataranta na ako, ano pa kaya iyong nakita ko kahapon? Kaya hindi na ako nagtatakang hinimatay ako. Nang makababa ako ay doon ko lamang napansin ang boss ko na nakaupo sa mahabang sofa nakasandal ang likuran niya rito at nakayukyok ang ulo. Makailang beses ko pang sinilip ang mukha niya at nakumpirmang natutulog siya. Paano siya nakatulog nang nakaupo? Ibon ba siya? Maingat akong naupo sa tabi niya at pinagmamasdan ang mukha niya. He was really handsome, hindi na nakakapagtakang habol ng habol sa kaniya iyong baliw na si Ivonne. Napangiwi ako nang makitang pati pagtulog ay nakakunot
Chapter 9Pinanood kong matakpan nang manipis na ulap iyong mga bituin sa langit. Mahaba akong napabuntong hininga bago napangiwi. Itinagilid ko ang sarili at kaagad na umasim ang itsura ko nang makita sa kabila hindi kalayuan sa 'min ang nakahigang si Jesusa. Nginisian niya ako at kumaway pa ang impaktita. Pasensya na sa pangalan niya pero sa mga oras na ito ay sinusumpa ko na talaga siya. Yumakap sa kaniya ang asawang si Hugo at dahil masakit sila masiyado sa mata wala na akong magawa kung hindi ang tumalikod. "You look uglier than ever." Mas lalong nalukot ang buong mukha ko nang mabungaran ko naman ang mukha ng katabi kong si Rivaill. "For your information, mas maganda pa ako do'n sa Ivonne mo," bulalas ko at kaagad ring nagsisi kung bakit ko ba sinabi iyon.The corner of his lips rose. Tiningnan niya ako na tila ba sayang saya sa naging reaksyon ko. Hinampas niya ng malakas ang kinahihigaan namin dahilan para tumalbog ak
Chapter 10Mabilis pa sa alas kwatro kong dinaluhan si Aki. Pinantayan ko siya bago siya ihinarap sa akin. Madungis ang mukha niya, may mga saboy nang buhangin ang damit niya at iyong isang paa niya ay medyas na lamang ang natira. Maging ang plantsado niyang damit ay para ng ginusot na papel. "Anong nangyari sa 'yo?" mangiyak ngiyak kong tanong kahit pa nakita ko naman ang nangyari. "Can I do it?" tanong niya at wala akong kahit na anong ideya sa kung ano man iyon. Hindi manlang siya umiyak sa kabila ng dumudugo niyang tuhod. Dala nang pagaalala at taranta ay pagtango na lang ang nagawa ko, kahit pa hindi ko alam ang tinutukoy niya. Nanlaki ang mga mata ko nang ambahan niya nang suntok iyong bata, mabuti na lamang at mabilis ang mga kamay ko at nahawakan kaagad siya sa baywang. Doon ko lang rin napansin ang itsura nang batang kaharap niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba akong mas malala ang itsura niya kaysa kay Aki. Kumpara
Chapter 11 The atmosphere was filled with awkwardness, but I don't feel awkward at all. Inayos ko ang pagkakabuhat kay Aki sa likod ko. I'm currently piggy back riding him. Nagtaka pa nga ako nang imbis na kay Rivaill siya sumama ay sa akin siya nagpabuhat. Matagal ko na rin namang napapansin iyon, bukod sa mag-ama sila, ay wala nang iba pang satingin ko ay naguugnay sa kanila. Ang totoo ay labas na ako ro'n, close man sila o hindi ay wala na akong magagawa pa. Kung ako lang ay ayos lang, him giving me those cold shoulders, kasi normal lang naman iyon dahil amo ko siya. I just find it confusing, dahil pati kay Aki ay ganoon siya. Hindi ba dapat ay maging mas close silang dalawa dahil sila na lang ang magkasama. Naramdaman ko ang pagbagsak nang ulo ni Aki sa balikat ko. Nilingon ko ito at nasilayan ang natutulog niyang mukha. Naglalakad kami ngayon papunta sa parking lot. Ibinaling ko ang tingin kay Sir Rivaill. Diretso lang ang tingi
The contract stated that Party B should always be free when Party A needed. In short, one call away ang peg ko nito. Sa kabila ng pagda-drama ko noong araw na 'yon ang ending ay pumirma pa rin ako. Anong magagawa ko? Masiyadong maganda iyong offer, isa pa kung sakali mang mahulog ako ay sisiguraduhin kong hindi ako ang mauuna. Shouldn't I just stop those feelings, bago pa man ako lukubin ng katangahan. "Are you ready?" tanong sa akin ng makeup artist na kinuha mismo ni Rivaill. Isang buwan na rin ang nakalipas simula nang pirmahan ko iyong bagong kontrata. Nandito ako sa labas ng isang five star hotel para um-attend sa isang party na dapat ay si Rivaill ang kailangang pumunta, pero dahil nga busy siya ay ako ang inabala niya. As if naman may choice ako, huli na para pagsisihan ko iyong pagpirma ko sa love contract na iyon. Binuksan ng assistant niya ang pintuan nang van, nagaalangan man ay lumabas pa rin ako. Isang linggo ko na 'tong pinaghaha
Chapter 64Mabilis ko siyang itinulak. Napaupo si Rivaill sa lamesa ng gawin ko iyon. He then, crossed his arms and stared at me intently. Nanatili siyang tahimik ani mo’y hinahayaang mag-sink in sa akin ang mga sinabi niya kanina. Marahas akong tumayo dahilan para tingalain niya ako. “Hindi ako naniniwala sa ’yo. Imposible ’yan.” No—what he’s saying could be true. Ngunit may parte sa akin na ayaw maniwala. I don't believe I loved someone other than him. Kinuha ko iyong litrato sa wallet niya at saka ibinalandra sa mukha niya. “This picture? This picture could be photoshopped!” Umaawang ang mga labi niya, ngunit walang nasabing salita. Bumuntong hininga siya at saka tumango tango. “Fine, I never expect for you to believe me anyways,” “Mabuti naman at alam mo, you’ve fooled me countless times before. Hindi mo na uli ako mapapaikot diyan sa palad mo.” Matapos kong sabihin iyon ay iniwan ko siya roon. Habang naglalakad at tinatahak ang daan papunta sa mismong kalsada ay sige ang pu
Chapter 63“P’wede mo ba akong saluhan?” Nakakabingi ang pagkabog ng dibdib ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam ang mararamdaman, kung matutuwa ba ako o ano. Inilipat ko ang paningin kay Henry at tumango ito sa ’kin bago naglakad palayo. Dahan-dahan ay lumapit ako sa lamesa at naupo sa bakanteng upuan katapat nang sa kaniya. She has a smile, at umaabot iyon sa mga mata niya. Hindi ko magawang suklian pagkat hindi naman ako sigurado kung siya nga ba talaga ang tunay kong nanay. “You’ve grown so much, iyong huling nagkasama tayo ay siyam na taon ka pa lamang. I still remember you holding my hand each time.” Nakikinig lamang ako sa mga sinasabi niya, hindi ko naman kasi alam ang sasabihin. Kinuha niya ang kamay ko at pinisil iyon. Ilang segundo ang lumipas ay binawi ko ang kamay ko. “Paano?” naguguluhan kong tanong. Lumabas ang mumunting kulubot sa kaniyang noo’t pisngi nang ngumiti siya. Sinundan ko siya ng tingin matapos niyang tumayo. Naglakad siya, nakakailang habang pa lamang
Chapter 62 “Happy Fiesta!” Sari-saring tunog ng tambol at lyre ang maririnig kahit saan ako lumingon. Kahit hindi pa ako lumabas nang bahay ay rinig na rinig ang mga hiyawan at kantyawan sa labas. Sa kabila nga ay naririndi na ako dahil kahapon pa lang ay nagsusumigaw na iyong Videoke. “Pakibantayan mo muna ito anak mga niluto ko, makikihingi akong ube roon kay Aling Tasing. Isasama ko na rin itong si Lake dahil narinig ko may mga palaro raw doon makikisali kami.” Tumango tango ako ngunit bago pa man ako makasagot ay binuhat na niya si Lake at nagdire-diretso palabas. Iyong totoo? Pusta ko ay dadalaw lamang siya roon sa hinaharot niyang lalaki, idadamay niya pa iyong anak ko. Patakbo akong sumunod palabas. “Ma! Sabihin mo kay Henry pakidamihan ang ube!” hirit ko. Kaagad akong humagalpak ng tawa nang umasim ang mukha niya tila ba nahuli sa ginawa niyang krimen. Inirapan lamang ako nito at saka tumuloy paalis. Nitong mga nakalipas na araw kasi ay pinagbawalan ko siyang pumunta ro
Chapter 61 Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang mahinang pagubo ni Mama Elle para kuhain ang atensyon ko. Inginuso niya ang plato kong hindi manlang nabawasan ang pagkain mula nang maupo kami sa hapag. “Anong problema, anak? Sa lalim ng iniisip mo kulang na lang malunod kami rito.”Sandali akong natigilan at kapagkuwan ay umiling. “Wala ho, ma. Iniisip ko lang ho kasi ’yong trabaho ko pagbalik ko,” “Gano’n? At satingin mo naman maniniwala ako sa ’yo?” Napanguso ako dahil sa tinuran niya. Kilalang kilala niya talaga ako. Bukod kay Tita Pat siya na talaga ang nakasama ko mula noong nagsimula ako sa showbiz hanggang sa malaos ako, bumalik at malaos ulit. “You know that I’m always here for you, p’wede mo akong. . .” Mabilis akong napatulala sa sinabi niya. Hindi ko na narinig pa iyong iba dahil nagsimulang sumakit ang ulo ko. Wala akong ibang nadidinig kung hindi ang matinis at nakakabinging tunog sa ulo ko. It was a long ring, hindi ko maipaliwanag pero parang sasabog ang utak
Chapter 60“M-Mama?” Mabilis akong natigilan nang marinig ko ang mahihinang d***g ni Lake. Kaagad kong nilingon ang food court at ilang metrong na ang layo namin doon. “Are you okay?” Sa kabila nang nakakunot na noo ng anak ko ay nakuha pa nitong himasin ang kamay ko at itanong kung ayos lamang ba ako. Kaagad na napawi ang tensyon na nararamdaman ko at yumuko para kalungin siya. “Mama’s fine,” naisagot ko na lamang habang nagpipilit ng ngiti. “It’s okay, you don’t have to cry.” Mabilis na lumamlam ang mga mata ko nang kasalungat sa sinabi ko ay sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata niya. How careless of me, para sa pansarili kong kapakanan ay hinayaan kong matakot ang anak ko ng ganito. It’s true that I'm not ready to face him again but not like this, hindi dapat madamay si Lake roon.Hinapit ko siya sa dibdib ko at saka pinara ang taxi na saktong dumaan sa harapan namin. Ilang minutong biyahe at nakatuon lamang ang dalawang mata ko kay Lake, natutulog na ito sa hita ko, I'm
Chapter 59 Hinawakan ko ang magkabilang dulo ng sintas at saka pinagbuhol iyon, nang matapos ay tinapik ko ang paa niya.“Tapos na anak, come here.” Kaagad namang naghiwalay ang dalawang kamay niya at kumapit sa batok ko. Bumuka ang bibig ko at kumawala ang tawa nang maging ang dalawang paa niya ay ikapit sa baywang ko na parang unggoy. “Lake, your feet. Madudumihan ang damit ni mama.” Kunot noong saway ko sa kaniya pero humagikhik lamang siya at mas hinigpitan pa ang kapit. Napairap na lamang ako at sinubukang maglakad kahit nahihirapang humakbang dahil sa ginagawa niya. Isinukbit ko ang bag na naglalaman ng wallet at ibang pang mahahalagang bagay sa balikat ko bago tinungo ang pintuan. Sinigurado kong na-lock ko iyon ng maigi bago pumunta sa elevator. Ala syete palang at inagahan talaga namin dahil maghihintay pa kami ng bus. Extended naman kasi ang bakasyon ko ng isang linggo. I can’t even count how many times Lake asked if she wasn’t dreaming, medyo masakit iyon para sa ’kin
Chapter 58 “Ariscalde! Linarie!” Pabalikwas akong napabangon. Habol ang hiningang binalingin ko nang tingin si Mikasa, puno ng pagaalala ang mukha niya at nakapatong ang dalawang kamay sa balikat ko. Satingin ko ay sinubukan niya akong gisingin. “Are you okay? Napanaginipan mo na naman ba?” Dahan-dahan akong tumango, kaagad naman siyang napabuntong hininga. Pinasadahan ko ng mga daliri ang buhok ko bago sinubukang tumayo. “That’s it, our session ends here. Bumalik ka matapos ng dalawang buwan para masimulan na natin ang hypnosis.” Pinanood kong ayusin niya ang suot na puting coat. Ngumiti siya at saka ako inalalayang tumayo. “You’ll be okay, maaalala mo rin lahat tutulungan kita.” Matamis na ngiti rin ang isinukli ko sa kaniya. “Thanks, Doc.” Tinungo ko ang pinto matapos ay kinabig iyon para bumukas. “See you after a few months, Mika.”She only nodded her, so I made my way out. Isang tahimik na hallway ang sumalubong sa ’kin. Hindi na ako nagatubili pa at binaybay ang daan pa
Chapter 57 “Anong nangyari? Ayos ka lang ba? May masakit ba sa ’yo? May bali ka ba? Ano?” I chuckled when he’s barely even closer yet his loud voice are surpassing the noise here in the hospital, as he run towards me. Mabilis niya akong pinaikot at in-examine ang katawan ko. “Ma, it’s no big deal.” Ang mukha niyang puno ng pagaalala ay napalitan ng takot. Ani mo’y nakakita siya ng multo. “Anak, nauntog ka ba? Hindi ka naman umi-english dati e,” mangiyak ngiyak niyang wika. Napangiwi ako ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Umupo siya sa mga nakahilerang bakal na upuan katabi ko. Seryoso akong pinakatitigan bago bumuntong hininga. “Iyong totoo anak, nasaktan ka ba?” Hindi ako nakasagot agad, naroon ang tumango ako pagkatapos ay umiling. “Ayos lang ako ma.”Hindi ako tao kung sasabihin kong hindi. Nasaktan ako sa mga nalaman ko, nasasaktan ako kasi parang hindi manlang ako hinanap ni Rivaill. Ngayon ko napagtantong wala nga talaga siyang pakialam sa akin, at pinakikisa
Chapter 56 Tinahak ko ang daang itinuro ni Lily. Doon ay nadatnan ko ang isang kotse, natatakpan ito ng berde na tela at mangilan ngilang mga sanga ng puno. Mababakas ang ginawa niyang pagtatago sa kotse na ito pero dahil lang sa ’kin ay napurnada. Ipinilig ko ang ulo, hindi ngayon ang oras para makonsensya pa. I should be thankful to Lily. Nahirapan akong tanggalin ang mga sangang nakapatong dahil marami rami rin iyon, pero hindi kalaunan ay naawas ko rin iyon lahat.Gamit ang nangangatal na mga kamay ay binuksan ko ang pinto niyon. Matapos makasakay ay kaagad akong natigilan. Isa na lang ang problema ko, hindi pa ako nakapagmaneho noon. Kaagad akong napabuntong hininga. “Paano na ’to?” Hinawakan ko ang manibela at inumpog doon ang ulo ko, mabilis naman akong napadaing nang napalakas iyon. Ilang sandali lamang, walang pagpipilian ay sinubukan kong ipasok ang susi at iikot, halos mapatalon ako nang biglang umandar ang makina. “Anong kasunod? Hindi ko na alam. . .” Napakamot na