Chapter 10
Mabilis pa sa alas kwatro kong dinaluhan si Aki. Pinantayan ko siya bago siya ihinarap sa akin. Madungis ang mukha niya, may mga saboy nang buhangin ang damit niya at iyong isang paa niya ay medyas na lamang ang natira. Maging ang plantsado niyang damit ay para ng ginusot na papel."Anong nangyari sa 'yo?" mangiyak ngiyak kong tanong kahit pa nakita ko naman ang nangyari."Can I do it?" tanong niya at wala akong kahit na anong ideya sa kung ano man iyon.Hindi manlang siya umiyak sa kabila ng dumudugo niyang tuhod. Dala nang pagaalala at taranta ay pagtango na lang ang nagawa ko, kahit pa hindi ko alam ang tinutukoy niya.Nanlaki ang mga mata ko nang ambahan niya nang suntok iyong bata, mabuti na lamang at mabilis ang mga kamay ko at nahawakan kaagad siya sa baywang.Doon ko lang rin napansin ang itsura nang batang kaharap niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba akong mas malala ang itsura niya kaysa kay Aki. KumparaChapter 11 The atmosphere was filled with awkwardness, but I don't feel awkward at all. Inayos ko ang pagkakabuhat kay Aki sa likod ko. I'm currently piggy back riding him. Nagtaka pa nga ako nang imbis na kay Rivaill siya sumama ay sa akin siya nagpabuhat. Matagal ko na rin namang napapansin iyon, bukod sa mag-ama sila, ay wala nang iba pang satingin ko ay naguugnay sa kanila. Ang totoo ay labas na ako ro'n, close man sila o hindi ay wala na akong magagawa pa. Kung ako lang ay ayos lang, him giving me those cold shoulders, kasi normal lang naman iyon dahil amo ko siya. I just find it confusing, dahil pati kay Aki ay ganoon siya. Hindi ba dapat ay maging mas close silang dalawa dahil sila na lang ang magkasama. Naramdaman ko ang pagbagsak nang ulo ni Aki sa balikat ko. Nilingon ko ito at nasilayan ang natutulog niyang mukha. Naglalakad kami ngayon papunta sa parking lot. Ibinaling ko ang tingin kay Sir Rivaill. Diretso lang ang tingi
The contract stated that Party B should always be free when Party A needed. In short, one call away ang peg ko nito. Sa kabila ng pagda-drama ko noong araw na 'yon ang ending ay pumirma pa rin ako. Anong magagawa ko? Masiyadong maganda iyong offer, isa pa kung sakali mang mahulog ako ay sisiguraduhin kong hindi ako ang mauuna. Shouldn't I just stop those feelings, bago pa man ako lukubin ng katangahan. "Are you ready?" tanong sa akin ng makeup artist na kinuha mismo ni Rivaill. Isang buwan na rin ang nakalipas simula nang pirmahan ko iyong bagong kontrata. Nandito ako sa labas ng isang five star hotel para um-attend sa isang party na dapat ay si Rivaill ang kailangang pumunta, pero dahil nga busy siya ay ako ang inabala niya. As if naman may choice ako, huli na para pagsisihan ko iyong pagpirma ko sa love contract na iyon. Binuksan ng assistant niya ang pintuan nang van, nagaalangan man ay lumabas pa rin ako. Isang linggo ko na 'tong pinaghaha
Chapter 13Nanatili lang akong nakatitig sa kamay niya walang balak na tanggapin iyon. Ang kapal naman ng mukha niyang magpakita pa sa akin. Inayos ko ang pagkakaupo at diretsong tumingin sa gitna. Nabago ang tugtugin at ang iba ay nag-aaya ng makakasama nila sa pagsayaw. Nakakatawa lang dahil ang paborito ko pang kanta ang tumutugtog. Pakana man niya ito o coincidence lamang ay hindi ko na alam.Pinagsalikop ko ang dalawang braso. "I'm sorry but I only dance my husband," sagot ko sa kaniya bago ininom ang alak na hindi ko pa naubos. Nakita ko pa ang nagaaalalang tingin ni Kennedy pero tinanguan ko lamang siya senyales na ayos lang ako. I saw him gritted his teeth. Sumama rin ang tingin niya sa akin. He's always like that, masiyado siyang manipulative at gusto niyang lahat ng gustuhin niya ay makukuha niya. Akala ko ba ay nasa ibang bansa siya? Bakit pa siya bumalik? "Fuck your husband!" hiyaw niya at mabuti na lamang ay hindi iyon gaa
Chapter 14 Isinubo ko ang hawak kong popcorn at saka pinagpatuloy ang panonood sa palakad lakad na si Jesusa. Iginilid ko ang katawan kung saan hindi niya nahaharangan ang tv pero siya naman ang maglalakad tapat sa puwesto ko para takpan ang pinapanood ko. "I don't know why? But I feel like Hugo is cheating on me!" pagpapatuloy niya sa walang kwenta niyang pagrereklamo na kesyo nagiging malamig na raw ang pakikitungo sa kaniya ng asawa niya. Muli akong sumubo ng popcorn at ihiniga ang sarili sa sofa. Tiningnan ko siya ng walang kainte-interes sa kung ano mang ipinararating niya. Wala naman kasing sense ang pagaalala niyang iyan, isang Hugo Mikel De León magloloko? E' halata namang head over heels sa kaniya ang lalaking iyon. Nanatili akong tahimik at hindi sinabi sa kaniya ang nasa isip ko, bahala siya riyan na mag-overthink. Isa pa nakakatuwa kayang makita ang lamukot niyang mukha. Basta ako ay manonood dito, tapos ko na rin naman ang lahat ng gawain ko at
Chapter 15 Itinigil ko ang ginagawang pagsubo ng makitang hindi siya kumakain at pinapanood lang ako. This was supposed to be a dinner date, bakit ako lang iyong kumakain?Ibinaba ko ang hawak na kutsara at saka nakipagtitigan sa kaniya. "Hindi ako movie para panoorin mo lang," mataray kong reklamo, aba pantay na kami ngayon, he will treat me right nga e' 'di ba? He sighed then started eating his food. Where here in one of the fancy gourmet restaurant in Quezon city, metro manila. Hindi ko alam kung bakit lumayo kami at para saan, kung ganito lang din naman pala ang luto na ihahain. Alam mo 'yon? Iyong ang mahal mahal ng isang dish sa menu bukod pa iyong ibinayad namin para makapasok tapos hindi naman masarap ang luto. Napaka-kaunti pa, sino namang mabubusog sa ganitong pagkain? Alam ko naman na expensive at tumatagingting ng dolyares ang lalaking ito pero maayos na pagkain ang gusto kong hapunan, hindi lasang plastic.Nanlaki ang butas ng ilong ko nang s
Chapter 16 "Inaanak, you can have this na, isn't your ninong the best?" Mabilis na umasim ang ekspresyon ko ng kuhain ni Jesusa ang kamay ko at ilapag doon ang isang minimal box. Salamin ang pang-ibabaw na takip noon kaya naman kitang kita ang isang pares ng relo sa loob. Tiningnan ko iyon at saka ibinaling ang tingin kay Jesusa. "So, bati na kayo?" taka kong tanong bago inilabas ang isang relo sa lagayan na kahon. "No dear, hindi naman kami nagaway tampuhan lang," humahagikhik na sagot ni Jesusa. Tumango na lang ako bilang pagsangayon kahit pa ang totoo ay naaasiwa na ako sa kanilang dalawa. Parang kahapon lang ay akala mo isa siyang bata na kung makaiyak ay inagawan ng laruan. Tampuhan lang? E' naichismis nga sa akin ni Lyka na may sampalan pa ngang naganap. Isa pa, hindi naman pala talaga nambababae itong si Hugo, siya lang naman ang masiyadong oa. Gusto lang naman pala noong tao na mamili ng damit na susukat kay Jesusa
Chapter 17 "Sino ka nga ulit?" tanong ko sa batang kaharap ko. Actually, hindi na siya mukhang bata satingin ko ay disi syete na siya sa itsura niya, mukha lang siyang punggok dahil sa height niya. "I'm Noah!" masigla nitong wika. Iniabot ko kay Aki ang dalawang juice at binigay naman niya ang isa sa lalaking si Noah. Napailing iling na lang ako, wala sa mansyon si Rivaill kaya naman hindi ko masabi sa kaniyang naguwi ng kung sino ang anak niya. "Aki, saan mo 'to nakuha?" tanong ko habang tinutukoy ang lalaki.Nagkibit balikat siya. "I told you he's a Montague, my cousin," sagot niya na para bang ako na ang pinakabobong hindi maintindihan ang pinupunto niya. Napabuntong hininga ako at saka nilagok ang tubig sa baso. "Oo na, pero kailangan kong umalis." Inilapit ko ang bibig sa tainga niya para bumulong. "Sigurado ka bang, matino 'yan?" Inirapan niya ako at saka pinagtulakan palapit sa pinto. Bago pa man ako makalabas ay pinigalan na ako no
Chapter 18 Pumupungas pungas kong iminulat ang dalawang mata. Bumungad sa akin ang puting kisame. Nang ibaling ko ang paningin sa baba ay malabong mukha ang sumalubong sa akin. I blinked twice, at nang oras na luminaw ng tuluyan ang paningin ko ang umiiyak na mukha ni Noah ang nabungaran ko. Namumula ang buong mukha niya at talaga namang halata iyon dahil maputi ang kutis niya maging ang ilong ay may tumutulo pang sipon. "Grabe sa iyak a', hindi pa naman ako pinaglalamayan," reklamo ko sa namamaos na boses. Mabilis siyang nagtaas ng tingin sa akin at mas lalong umatungal ng makitang gising na ako. Inikot ko ang paningin sa buong kwarto, doon ko lang rin namalayan na nasa loob pala ako ng hospital room dahil sa swero na na nakakabit sa kamay ko. Nakita ko si Aki na prenteng nakaupo sa couch malapit sa pintuan, nagbabasa ito ng diyaryo at ani mo'y matanda na sa ikinikilos. Inilibot kong muli ang paningin at ng walang makita maliban kay Noah at Aki ay kaag
Chapter 64Mabilis ko siyang itinulak. Napaupo si Rivaill sa lamesa ng gawin ko iyon. He then, crossed his arms and stared at me intently. Nanatili siyang tahimik ani mo’y hinahayaang mag-sink in sa akin ang mga sinabi niya kanina. Marahas akong tumayo dahilan para tingalain niya ako. “Hindi ako naniniwala sa ’yo. Imposible ’yan.” No—what he’s saying could be true. Ngunit may parte sa akin na ayaw maniwala. I don't believe I loved someone other than him. Kinuha ko iyong litrato sa wallet niya at saka ibinalandra sa mukha niya. “This picture? This picture could be photoshopped!” Umaawang ang mga labi niya, ngunit walang nasabing salita. Bumuntong hininga siya at saka tumango tango. “Fine, I never expect for you to believe me anyways,” “Mabuti naman at alam mo, you’ve fooled me countless times before. Hindi mo na uli ako mapapaikot diyan sa palad mo.” Matapos kong sabihin iyon ay iniwan ko siya roon. Habang naglalakad at tinatahak ang daan papunta sa mismong kalsada ay sige ang pu
Chapter 63“P’wede mo ba akong saluhan?” Nakakabingi ang pagkabog ng dibdib ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam ang mararamdaman, kung matutuwa ba ako o ano. Inilipat ko ang paningin kay Henry at tumango ito sa ’kin bago naglakad palayo. Dahan-dahan ay lumapit ako sa lamesa at naupo sa bakanteng upuan katapat nang sa kaniya. She has a smile, at umaabot iyon sa mga mata niya. Hindi ko magawang suklian pagkat hindi naman ako sigurado kung siya nga ba talaga ang tunay kong nanay. “You’ve grown so much, iyong huling nagkasama tayo ay siyam na taon ka pa lamang. I still remember you holding my hand each time.” Nakikinig lamang ako sa mga sinasabi niya, hindi ko naman kasi alam ang sasabihin. Kinuha niya ang kamay ko at pinisil iyon. Ilang segundo ang lumipas ay binawi ko ang kamay ko. “Paano?” naguguluhan kong tanong. Lumabas ang mumunting kulubot sa kaniyang noo’t pisngi nang ngumiti siya. Sinundan ko siya ng tingin matapos niyang tumayo. Naglakad siya, nakakailang habang pa lamang
Chapter 62 “Happy Fiesta!” Sari-saring tunog ng tambol at lyre ang maririnig kahit saan ako lumingon. Kahit hindi pa ako lumabas nang bahay ay rinig na rinig ang mga hiyawan at kantyawan sa labas. Sa kabila nga ay naririndi na ako dahil kahapon pa lang ay nagsusumigaw na iyong Videoke. “Pakibantayan mo muna ito anak mga niluto ko, makikihingi akong ube roon kay Aling Tasing. Isasama ko na rin itong si Lake dahil narinig ko may mga palaro raw doon makikisali kami.” Tumango tango ako ngunit bago pa man ako makasagot ay binuhat na niya si Lake at nagdire-diretso palabas. Iyong totoo? Pusta ko ay dadalaw lamang siya roon sa hinaharot niyang lalaki, idadamay niya pa iyong anak ko. Patakbo akong sumunod palabas. “Ma! Sabihin mo kay Henry pakidamihan ang ube!” hirit ko. Kaagad akong humagalpak ng tawa nang umasim ang mukha niya tila ba nahuli sa ginawa niyang krimen. Inirapan lamang ako nito at saka tumuloy paalis. Nitong mga nakalipas na araw kasi ay pinagbawalan ko siyang pumunta ro
Chapter 61 Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang mahinang pagubo ni Mama Elle para kuhain ang atensyon ko. Inginuso niya ang plato kong hindi manlang nabawasan ang pagkain mula nang maupo kami sa hapag. “Anong problema, anak? Sa lalim ng iniisip mo kulang na lang malunod kami rito.”Sandali akong natigilan at kapagkuwan ay umiling. “Wala ho, ma. Iniisip ko lang ho kasi ’yong trabaho ko pagbalik ko,” “Gano’n? At satingin mo naman maniniwala ako sa ’yo?” Napanguso ako dahil sa tinuran niya. Kilalang kilala niya talaga ako. Bukod kay Tita Pat siya na talaga ang nakasama ko mula noong nagsimula ako sa showbiz hanggang sa malaos ako, bumalik at malaos ulit. “You know that I’m always here for you, p’wede mo akong. . .” Mabilis akong napatulala sa sinabi niya. Hindi ko na narinig pa iyong iba dahil nagsimulang sumakit ang ulo ko. Wala akong ibang nadidinig kung hindi ang matinis at nakakabinging tunog sa ulo ko. It was a long ring, hindi ko maipaliwanag pero parang sasabog ang utak
Chapter 60“M-Mama?” Mabilis akong natigilan nang marinig ko ang mahihinang d***g ni Lake. Kaagad kong nilingon ang food court at ilang metrong na ang layo namin doon. “Are you okay?” Sa kabila nang nakakunot na noo ng anak ko ay nakuha pa nitong himasin ang kamay ko at itanong kung ayos lamang ba ako. Kaagad na napawi ang tensyon na nararamdaman ko at yumuko para kalungin siya. “Mama’s fine,” naisagot ko na lamang habang nagpipilit ng ngiti. “It’s okay, you don’t have to cry.” Mabilis na lumamlam ang mga mata ko nang kasalungat sa sinabi ko ay sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata niya. How careless of me, para sa pansarili kong kapakanan ay hinayaan kong matakot ang anak ko ng ganito. It’s true that I'm not ready to face him again but not like this, hindi dapat madamay si Lake roon.Hinapit ko siya sa dibdib ko at saka pinara ang taxi na saktong dumaan sa harapan namin. Ilang minutong biyahe at nakatuon lamang ang dalawang mata ko kay Lake, natutulog na ito sa hita ko, I'm
Chapter 59 Hinawakan ko ang magkabilang dulo ng sintas at saka pinagbuhol iyon, nang matapos ay tinapik ko ang paa niya.“Tapos na anak, come here.” Kaagad namang naghiwalay ang dalawang kamay niya at kumapit sa batok ko. Bumuka ang bibig ko at kumawala ang tawa nang maging ang dalawang paa niya ay ikapit sa baywang ko na parang unggoy. “Lake, your feet. Madudumihan ang damit ni mama.” Kunot noong saway ko sa kaniya pero humagikhik lamang siya at mas hinigpitan pa ang kapit. Napairap na lamang ako at sinubukang maglakad kahit nahihirapang humakbang dahil sa ginagawa niya. Isinukbit ko ang bag na naglalaman ng wallet at ibang pang mahahalagang bagay sa balikat ko bago tinungo ang pintuan. Sinigurado kong na-lock ko iyon ng maigi bago pumunta sa elevator. Ala syete palang at inagahan talaga namin dahil maghihintay pa kami ng bus. Extended naman kasi ang bakasyon ko ng isang linggo. I can’t even count how many times Lake asked if she wasn’t dreaming, medyo masakit iyon para sa ’kin
Chapter 58 “Ariscalde! Linarie!” Pabalikwas akong napabangon. Habol ang hiningang binalingin ko nang tingin si Mikasa, puno ng pagaalala ang mukha niya at nakapatong ang dalawang kamay sa balikat ko. Satingin ko ay sinubukan niya akong gisingin. “Are you okay? Napanaginipan mo na naman ba?” Dahan-dahan akong tumango, kaagad naman siyang napabuntong hininga. Pinasadahan ko ng mga daliri ang buhok ko bago sinubukang tumayo. “That’s it, our session ends here. Bumalik ka matapos ng dalawang buwan para masimulan na natin ang hypnosis.” Pinanood kong ayusin niya ang suot na puting coat. Ngumiti siya at saka ako inalalayang tumayo. “You’ll be okay, maaalala mo rin lahat tutulungan kita.” Matamis na ngiti rin ang isinukli ko sa kaniya. “Thanks, Doc.” Tinungo ko ang pinto matapos ay kinabig iyon para bumukas. “See you after a few months, Mika.”She only nodded her, so I made my way out. Isang tahimik na hallway ang sumalubong sa ’kin. Hindi na ako nagatubili pa at binaybay ang daan pa
Chapter 57 “Anong nangyari? Ayos ka lang ba? May masakit ba sa ’yo? May bali ka ba? Ano?” I chuckled when he’s barely even closer yet his loud voice are surpassing the noise here in the hospital, as he run towards me. Mabilis niya akong pinaikot at in-examine ang katawan ko. “Ma, it’s no big deal.” Ang mukha niyang puno ng pagaalala ay napalitan ng takot. Ani mo’y nakakita siya ng multo. “Anak, nauntog ka ba? Hindi ka naman umi-english dati e,” mangiyak ngiyak niyang wika. Napangiwi ako ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Umupo siya sa mga nakahilerang bakal na upuan katabi ko. Seryoso akong pinakatitigan bago bumuntong hininga. “Iyong totoo anak, nasaktan ka ba?” Hindi ako nakasagot agad, naroon ang tumango ako pagkatapos ay umiling. “Ayos lang ako ma.”Hindi ako tao kung sasabihin kong hindi. Nasaktan ako sa mga nalaman ko, nasasaktan ako kasi parang hindi manlang ako hinanap ni Rivaill. Ngayon ko napagtantong wala nga talaga siyang pakialam sa akin, at pinakikisa
Chapter 56 Tinahak ko ang daang itinuro ni Lily. Doon ay nadatnan ko ang isang kotse, natatakpan ito ng berde na tela at mangilan ngilang mga sanga ng puno. Mababakas ang ginawa niyang pagtatago sa kotse na ito pero dahil lang sa ’kin ay napurnada. Ipinilig ko ang ulo, hindi ngayon ang oras para makonsensya pa. I should be thankful to Lily. Nahirapan akong tanggalin ang mga sangang nakapatong dahil marami rami rin iyon, pero hindi kalaunan ay naawas ko rin iyon lahat.Gamit ang nangangatal na mga kamay ay binuksan ko ang pinto niyon. Matapos makasakay ay kaagad akong natigilan. Isa na lang ang problema ko, hindi pa ako nakapagmaneho noon. Kaagad akong napabuntong hininga. “Paano na ’to?” Hinawakan ko ang manibela at inumpog doon ang ulo ko, mabilis naman akong napadaing nang napalakas iyon. Ilang sandali lamang, walang pagpipilian ay sinubukan kong ipasok ang susi at iikot, halos mapatalon ako nang biglang umandar ang makina. “Anong kasunod? Hindi ko na alam. . .” Napakamot na