Chapter 16
"Inaanak, you can have this na, isn't your ninong the best?"Mabilis na umasim ang ekspresyon ko ng kuhain ni Jesusa ang kamay ko at ilapag doon ang isang minimal box. Salamin ang pang-ibabaw na takip noon kaya naman kitang kita ang isang pares ng relo sa loob.Tiningnan ko iyon at saka ibinaling ang tingin kay Jesusa. "So, bati na kayo?" taka kong tanong bago inilabas ang isang relo sa lagayan na kahon."No dear, hindi naman kami nagaway tampuhan lang," humahagikhik na sagot ni Jesusa.Tumango na lang ako bilang pagsangayon kahit pa ang totoo ay naaasiwa na ako sa kanilang dalawa. Parang kahapon lang ay akala mo isa siyang bata na kung makaiyak ay inagawan ng laruan.Tampuhan lang? E' naichismis nga sa akin ni Lyka na may sampalan pa ngang naganap. Isa pa, hindi naman pala talaga nambababae itong si Hugo, siya lang naman ang masiyadong oa. Gusto lang naman pala noong tao na mamili ng damit na susukat kay JesusaChapter 17 "Sino ka nga ulit?" tanong ko sa batang kaharap ko. Actually, hindi na siya mukhang bata satingin ko ay disi syete na siya sa itsura niya, mukha lang siyang punggok dahil sa height niya. "I'm Noah!" masigla nitong wika. Iniabot ko kay Aki ang dalawang juice at binigay naman niya ang isa sa lalaking si Noah. Napailing iling na lang ako, wala sa mansyon si Rivaill kaya naman hindi ko masabi sa kaniyang naguwi ng kung sino ang anak niya. "Aki, saan mo 'to nakuha?" tanong ko habang tinutukoy ang lalaki.Nagkibit balikat siya. "I told you he's a Montague, my cousin," sagot niya na para bang ako na ang pinakabobong hindi maintindihan ang pinupunto niya. Napabuntong hininga ako at saka nilagok ang tubig sa baso. "Oo na, pero kailangan kong umalis." Inilapit ko ang bibig sa tainga niya para bumulong. "Sigurado ka bang, matino 'yan?" Inirapan niya ako at saka pinagtulakan palapit sa pinto. Bago pa man ako makalabas ay pinigalan na ako no
Chapter 18 Pumupungas pungas kong iminulat ang dalawang mata. Bumungad sa akin ang puting kisame. Nang ibaling ko ang paningin sa baba ay malabong mukha ang sumalubong sa akin. I blinked twice, at nang oras na luminaw ng tuluyan ang paningin ko ang umiiyak na mukha ni Noah ang nabungaran ko. Namumula ang buong mukha niya at talaga namang halata iyon dahil maputi ang kutis niya maging ang ilong ay may tumutulo pang sipon. "Grabe sa iyak a', hindi pa naman ako pinaglalamayan," reklamo ko sa namamaos na boses. Mabilis siyang nagtaas ng tingin sa akin at mas lalong umatungal ng makitang gising na ako. Inikot ko ang paningin sa buong kwarto, doon ko lang rin namalayan na nasa loob pala ako ng hospital room dahil sa swero na na nakakabit sa kamay ko. Nakita ko si Aki na prenteng nakaupo sa couch malapit sa pintuan, nagbabasa ito ng diyaryo at ani mo'y matanda na sa ikinikilos. Inilibot kong muli ang paningin at ng walang makita maliban kay Noah at Aki ay kaag
Chapter 19Mas inilublob ko ang katawan sa loob ng bath tub. Umabot ang tubig hanggang sa taas ng labi ko sapat lang para makahinga ako. Umihip ako sa tubig na naroon dahilan para magsilabasan ang mga bula. Hindi ko na nga alam kung ilang oras na ako rito sa loob ng banyo, walang balak na lumabas kahit pa ang totoo ay kumukulubot na ang balat ko. Sigurado namang hindi ako lalamigin dahil mainit na tubig ang lumalalabas na tubig. Hindi ko mapigilang mapasampal sa mukha ko. Maghihintay na lang siguro ako ng isa pang oras o kaya hihintayin ko na lang na mamatay ako sa pagkababad sa tubig. Ayaw kong lumabas roon o mas magandang sabihin na nahihiya akong lumabas. Nagitla ang buong katawan ko matapos makarinig ng ilang katok mula sa labas. Ilang sandali rin ay hindi na iyon nasundan pa. H'wag niyang sabihin na hinihintay niya akong matapos? Sinimulan ko ng umahon sa tubig, tutal ay nakapagsabon at shampoo naman na ako. Tiningala ko ang bakal na sampayan sa taa
Chapter 20 "Ayos ka lang? Darling, mukha kang sabog ilan ba ang nahithit mo? Sabi ko naman kasi sa 'yo diretso lunok lang h'wag mo ng amoyin!" Umangat ang tingin ko kay Jesusa na nakaupo sa taas ng lamesa. Mariin akong napapikit at mas lalong nainis dahil sa sinabi niya. Araw araw ay lalo siyang lumalala, hindi ko alam kung dahil ba sa pagbubuntis niya and I swear mas lalo siyang naging nakakairita. "H'wag mo na akong pansinin, kumain ka na lang diyan," paguutos ko sa kaniya at isinupalpal sa bibig niya ang isang doughnut. She made faces, pero kahit ganoon ay kinain pa rin iyong isinubo ko. Napahilamos ako sa mukha at kapagkuwan ay sinabunutan ang sarili. Ibinagsak ko ang mga braso at ulo sa lamesa. Nakakainis! "Oh? My handsome inaanak!" Malaki ang ngiting sambit ni Jesusa habang nakatingin sa likod ko at kumakaway. Kaagad akong lumingon at ng magtama ang paningin namin ay mabilis siyang umiwas. "I-I for
Chapter 21 Sa totoo lang ay nakakabingi ang katahimikan sa pagitan namin, pero hindi roon nakatuon ang atensyon ko kung hindi sa sinabi ni Ivonne. Kanina pa ako binabagabag ng mga tanong na namumuo sa isipan ko. Anong ibig niyang sabihin? Wala akong kaide-ideya sa kung ano man iyon dahil ako mismo sa sarili ko ay walang kahit na anong alam sa kung anong klaseng tao si Rivaill. "I suddenly have the urge to read your mind." I snapped out of my reverie. Lumingon ako pakanan at nakita ang side view ng asawa ko. Nanatili ang mga mata niya sa daan, kapagkuwan ay mabilisan akong nilingon. "Tell me what you're thinking?" aniya habang patuloy sa pagmamaneho. Hindi ako nakasagot, nanatiling tikom ang mga labi ko. What would I tell him, really? Sasabihin ko bang nakausap ko ang ex niya at sinabi sa 'kin na h'wag siyang pagkatiwalaan. That's absolutely absurd. "Wala, masama bang tumulala?" masungit kong wika para hindi na siya magtanong pa. I'm glad that he d
Chapter 22 Humigop ako ng hangin at marahas din iyong pinakawalan. Idinikit ko ang hawak na dalawang lata ng pineapple juice sa magkabilang pisngi, sinusubukang ikalma ang sarili sa kahihiyan na ginawa ko kagabi. I heard the girl beside me chuckled. Maikli ang itim na itim nitong rebonded na buhok bumagay sa kulay itim din niyang mga mata. Nakasuksok ang mga kamay niya sa loob ng bulsa ng suot niyang jacket at prenteng nakasandal sa sun lounger kagaya ko. “You look so stupid, Jonas!” aniya sa nanguuyam na tono. She's Mikasa Shiodani, girlfriend ni Jonas at isa lamang ang masasabi ko sa kaniya. Para siyang reincarnation ni snow white. Napakaputi ng kutis niya at kahit siguro sa gabi ay nagliliwanag siya, mapupula rin ang mga labi niya nahiya iyong sa akin na tuyot at palaging nagbabalat. Hindi na ako magtatakang grabe iyong pagaayos ni Jonas noong araw na hinatid niya 'yong folder, kung lalaki siguro ako ay baka niligawan ko na siya.
Chapter 23 Madilim, mainit, masikip. Nakakasakal, 'yan ang nararamdaman ko ngayon. I'm inside a dark room, may liwanag na nagmumula sa mataas na bahagi ng kwarto tila nagsisilbi iyong bintana. I'm certain that this isn't real, pinapatuyan iyon ng hindi mabilang na ahas na umiikot ngayon sa akin. Sinubukan kong kalampagin ang bakal na pintuan, at napaatras ako ng may makalas na kalabog din akong matanggap mula sa kabilang bahagi nang silid. Lumikha ng nakakatakot na tunog ang pintuan matapos noong bumukas. Isang taong nababalot ng itim ang pumasok, naagaw ng pansin ko ang mukha nito, wala siyang mata at bibig tangging ilong lamang. May nilabas itong malaking syringe, sinubukan kong tumakbo palabas pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. I was terrified when the syringe turn into a big saber full of blood. Itinaas niya iyon at walang pagaalinlangan kong ipinikit ang mga mata ng makitang sa 'kin iyon tatama. Ilang sandali pa ang lumipas
Chapter 24 “Anong masamang hangin ang umihip at narito kayong lahat?” Nakapamayawang kong sermon sa kanila ng madatnan ko sila sa loob ng lounge matapos kong painumin ng gatas at patulugin si Aki. Rivaill’s not here, as usual busy iyon sa trabaho niya ano pa bang bago? “I heard from Jonas that you're back on track.” Ibinaling ko ang paningin kay Mikasa nang magsalita siya, sa tabi niya ay nakayakap ang boyfriend na si Jonas. Itinaas niya ang hawak na dalawang bote muka sa isang malaking kahon na nasa tabi niya. “Kinuha ko pa ‘to sa koleksyon ni Papa kaya hindi ka puwedeng tumanggi," wika niya matapos ay tumayo para hilahin ako paupo sa sahig gaya nila. Inilipat ko ang tingin kay Hugo, sa mga hita niya ay nakaunan ang natutulog na si Jesusa, aba’t ginawa ng bakasyunan ang mansyon. Gusto ko sana silang singhalan pero anong magagawa ko kung si Rivaill ngang may ari mismo nitong mansyon ay hindi nagrereklamo ano pa kayang karapatan ng isang gaya ko lam
Chapter 64Mabilis ko siyang itinulak. Napaupo si Rivaill sa lamesa ng gawin ko iyon. He then, crossed his arms and stared at me intently. Nanatili siyang tahimik ani mo’y hinahayaang mag-sink in sa akin ang mga sinabi niya kanina. Marahas akong tumayo dahilan para tingalain niya ako. “Hindi ako naniniwala sa ’yo. Imposible ’yan.” No—what he’s saying could be true. Ngunit may parte sa akin na ayaw maniwala. I don't believe I loved someone other than him. Kinuha ko iyong litrato sa wallet niya at saka ibinalandra sa mukha niya. “This picture? This picture could be photoshopped!” Umaawang ang mga labi niya, ngunit walang nasabing salita. Bumuntong hininga siya at saka tumango tango. “Fine, I never expect for you to believe me anyways,” “Mabuti naman at alam mo, you’ve fooled me countless times before. Hindi mo na uli ako mapapaikot diyan sa palad mo.” Matapos kong sabihin iyon ay iniwan ko siya roon. Habang naglalakad at tinatahak ang daan papunta sa mismong kalsada ay sige ang pu
Chapter 63“P’wede mo ba akong saluhan?” Nakakabingi ang pagkabog ng dibdib ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam ang mararamdaman, kung matutuwa ba ako o ano. Inilipat ko ang paningin kay Henry at tumango ito sa ’kin bago naglakad palayo. Dahan-dahan ay lumapit ako sa lamesa at naupo sa bakanteng upuan katapat nang sa kaniya. She has a smile, at umaabot iyon sa mga mata niya. Hindi ko magawang suklian pagkat hindi naman ako sigurado kung siya nga ba talaga ang tunay kong nanay. “You’ve grown so much, iyong huling nagkasama tayo ay siyam na taon ka pa lamang. I still remember you holding my hand each time.” Nakikinig lamang ako sa mga sinasabi niya, hindi ko naman kasi alam ang sasabihin. Kinuha niya ang kamay ko at pinisil iyon. Ilang segundo ang lumipas ay binawi ko ang kamay ko. “Paano?” naguguluhan kong tanong. Lumabas ang mumunting kulubot sa kaniyang noo’t pisngi nang ngumiti siya. Sinundan ko siya ng tingin matapos niyang tumayo. Naglakad siya, nakakailang habang pa lamang
Chapter 62 “Happy Fiesta!” Sari-saring tunog ng tambol at lyre ang maririnig kahit saan ako lumingon. Kahit hindi pa ako lumabas nang bahay ay rinig na rinig ang mga hiyawan at kantyawan sa labas. Sa kabila nga ay naririndi na ako dahil kahapon pa lang ay nagsusumigaw na iyong Videoke. “Pakibantayan mo muna ito anak mga niluto ko, makikihingi akong ube roon kay Aling Tasing. Isasama ko na rin itong si Lake dahil narinig ko may mga palaro raw doon makikisali kami.” Tumango tango ako ngunit bago pa man ako makasagot ay binuhat na niya si Lake at nagdire-diretso palabas. Iyong totoo? Pusta ko ay dadalaw lamang siya roon sa hinaharot niyang lalaki, idadamay niya pa iyong anak ko. Patakbo akong sumunod palabas. “Ma! Sabihin mo kay Henry pakidamihan ang ube!” hirit ko. Kaagad akong humagalpak ng tawa nang umasim ang mukha niya tila ba nahuli sa ginawa niyang krimen. Inirapan lamang ako nito at saka tumuloy paalis. Nitong mga nakalipas na araw kasi ay pinagbawalan ko siyang pumunta ro
Chapter 61 Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang mahinang pagubo ni Mama Elle para kuhain ang atensyon ko. Inginuso niya ang plato kong hindi manlang nabawasan ang pagkain mula nang maupo kami sa hapag. “Anong problema, anak? Sa lalim ng iniisip mo kulang na lang malunod kami rito.”Sandali akong natigilan at kapagkuwan ay umiling. “Wala ho, ma. Iniisip ko lang ho kasi ’yong trabaho ko pagbalik ko,” “Gano’n? At satingin mo naman maniniwala ako sa ’yo?” Napanguso ako dahil sa tinuran niya. Kilalang kilala niya talaga ako. Bukod kay Tita Pat siya na talaga ang nakasama ko mula noong nagsimula ako sa showbiz hanggang sa malaos ako, bumalik at malaos ulit. “You know that I’m always here for you, p’wede mo akong. . .” Mabilis akong napatulala sa sinabi niya. Hindi ko na narinig pa iyong iba dahil nagsimulang sumakit ang ulo ko. Wala akong ibang nadidinig kung hindi ang matinis at nakakabinging tunog sa ulo ko. It was a long ring, hindi ko maipaliwanag pero parang sasabog ang utak
Chapter 60“M-Mama?” Mabilis akong natigilan nang marinig ko ang mahihinang d***g ni Lake. Kaagad kong nilingon ang food court at ilang metrong na ang layo namin doon. “Are you okay?” Sa kabila nang nakakunot na noo ng anak ko ay nakuha pa nitong himasin ang kamay ko at itanong kung ayos lamang ba ako. Kaagad na napawi ang tensyon na nararamdaman ko at yumuko para kalungin siya. “Mama’s fine,” naisagot ko na lamang habang nagpipilit ng ngiti. “It’s okay, you don’t have to cry.” Mabilis na lumamlam ang mga mata ko nang kasalungat sa sinabi ko ay sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata niya. How careless of me, para sa pansarili kong kapakanan ay hinayaan kong matakot ang anak ko ng ganito. It’s true that I'm not ready to face him again but not like this, hindi dapat madamay si Lake roon.Hinapit ko siya sa dibdib ko at saka pinara ang taxi na saktong dumaan sa harapan namin. Ilang minutong biyahe at nakatuon lamang ang dalawang mata ko kay Lake, natutulog na ito sa hita ko, I'm
Chapter 59 Hinawakan ko ang magkabilang dulo ng sintas at saka pinagbuhol iyon, nang matapos ay tinapik ko ang paa niya.“Tapos na anak, come here.” Kaagad namang naghiwalay ang dalawang kamay niya at kumapit sa batok ko. Bumuka ang bibig ko at kumawala ang tawa nang maging ang dalawang paa niya ay ikapit sa baywang ko na parang unggoy. “Lake, your feet. Madudumihan ang damit ni mama.” Kunot noong saway ko sa kaniya pero humagikhik lamang siya at mas hinigpitan pa ang kapit. Napairap na lamang ako at sinubukang maglakad kahit nahihirapang humakbang dahil sa ginagawa niya. Isinukbit ko ang bag na naglalaman ng wallet at ibang pang mahahalagang bagay sa balikat ko bago tinungo ang pintuan. Sinigurado kong na-lock ko iyon ng maigi bago pumunta sa elevator. Ala syete palang at inagahan talaga namin dahil maghihintay pa kami ng bus. Extended naman kasi ang bakasyon ko ng isang linggo. I can’t even count how many times Lake asked if she wasn’t dreaming, medyo masakit iyon para sa ’kin
Chapter 58 “Ariscalde! Linarie!” Pabalikwas akong napabangon. Habol ang hiningang binalingin ko nang tingin si Mikasa, puno ng pagaalala ang mukha niya at nakapatong ang dalawang kamay sa balikat ko. Satingin ko ay sinubukan niya akong gisingin. “Are you okay? Napanaginipan mo na naman ba?” Dahan-dahan akong tumango, kaagad naman siyang napabuntong hininga. Pinasadahan ko ng mga daliri ang buhok ko bago sinubukang tumayo. “That’s it, our session ends here. Bumalik ka matapos ng dalawang buwan para masimulan na natin ang hypnosis.” Pinanood kong ayusin niya ang suot na puting coat. Ngumiti siya at saka ako inalalayang tumayo. “You’ll be okay, maaalala mo rin lahat tutulungan kita.” Matamis na ngiti rin ang isinukli ko sa kaniya. “Thanks, Doc.” Tinungo ko ang pinto matapos ay kinabig iyon para bumukas. “See you after a few months, Mika.”She only nodded her, so I made my way out. Isang tahimik na hallway ang sumalubong sa ’kin. Hindi na ako nagatubili pa at binaybay ang daan pa
Chapter 57 “Anong nangyari? Ayos ka lang ba? May masakit ba sa ’yo? May bali ka ba? Ano?” I chuckled when he’s barely even closer yet his loud voice are surpassing the noise here in the hospital, as he run towards me. Mabilis niya akong pinaikot at in-examine ang katawan ko. “Ma, it’s no big deal.” Ang mukha niyang puno ng pagaalala ay napalitan ng takot. Ani mo’y nakakita siya ng multo. “Anak, nauntog ka ba? Hindi ka naman umi-english dati e,” mangiyak ngiyak niyang wika. Napangiwi ako ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Umupo siya sa mga nakahilerang bakal na upuan katabi ko. Seryoso akong pinakatitigan bago bumuntong hininga. “Iyong totoo anak, nasaktan ka ba?” Hindi ako nakasagot agad, naroon ang tumango ako pagkatapos ay umiling. “Ayos lang ako ma.”Hindi ako tao kung sasabihin kong hindi. Nasaktan ako sa mga nalaman ko, nasasaktan ako kasi parang hindi manlang ako hinanap ni Rivaill. Ngayon ko napagtantong wala nga talaga siyang pakialam sa akin, at pinakikisa
Chapter 56 Tinahak ko ang daang itinuro ni Lily. Doon ay nadatnan ko ang isang kotse, natatakpan ito ng berde na tela at mangilan ngilang mga sanga ng puno. Mababakas ang ginawa niyang pagtatago sa kotse na ito pero dahil lang sa ’kin ay napurnada. Ipinilig ko ang ulo, hindi ngayon ang oras para makonsensya pa. I should be thankful to Lily. Nahirapan akong tanggalin ang mga sangang nakapatong dahil marami rami rin iyon, pero hindi kalaunan ay naawas ko rin iyon lahat.Gamit ang nangangatal na mga kamay ay binuksan ko ang pinto niyon. Matapos makasakay ay kaagad akong natigilan. Isa na lang ang problema ko, hindi pa ako nakapagmaneho noon. Kaagad akong napabuntong hininga. “Paano na ’to?” Hinawakan ko ang manibela at inumpog doon ang ulo ko, mabilis naman akong napadaing nang napalakas iyon. Ilang sandali lamang, walang pagpipilian ay sinubukan kong ipasok ang susi at iikot, halos mapatalon ako nang biglang umandar ang makina. “Anong kasunod? Hindi ko na alam. . .” Napakamot na