Share

Chapter 5

Author: CatNextDoor
last update Last Updated: 2022-03-01 11:31:10

Chapter 5

Huminga muna ako nang malalim bago mabilis na pinagulong ang tatlong maletang hawak ko. Dali dali ang paghakbang ko para maabutan ang napakabilis maglakad na si Rivaill.

Ewan ko ba sa lalaking iyan, ang dami daming dinala tapos ako ang pagbubuhatin. Napaka-ungentleman. Isa lang naman ang maleta ko dito maliit lang din iyon kumpara sa kaniya. Hinakot na nga niya yata ang buong opisina niya, napakabigat kayang itulak.

"Psst, boss ikaw kaya magtulak nitong iyo!" reklamo ko sa nakatalikod nitong postura na patuloy lamang sa paglalakad.

Huminto siya at saka ako nilingon. "Sinuswelduhan kita hindi ba?" aniya sa baritonong tono.

"E' hindi naman wife mode ngayon, isa pa baby sitter ho ako sir, hindi taga buhat!" ungot ko sa kaniya.

Totoo namang babysitting lamang ang trabaho ko, h'wag na nating isama iyong sideline ko bilang asawa niya. Nakalagay rin sa kontrata ko na hindi niya ako puwedeng utusan kapag hindi ko trabaho o di kaya'y hindi ko kailangan magpanggap bilang asawa niya.

"Then baby sit me,"

Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. I stared at his expression, at kahit kaunti ay walang bahid nang kalokohan ang itsura niya. Seryoso ba siya?

Inilapit niya ang mukha sa akin. "Since Aki isn't here, ako muna ang alagaan mo," kaswal niyang ani at saka nagpatuloy sa paglalakad.

Naiwan akong nakatulala roon habang pinapanood ang papalayo niyang postura. P-putanginang, akala ko pa naman ay makakapag-relax na ako, bwisit.

Pabalya akong naupo malayo sa kaniya. We're currently in a first class cabin. Hindi ko alam kung masiyado lang ba talagang mayaman si Jesusa kaya ayos lamang sa kaniya ang gumastos nang ganito.

I've been in a plane before, limang taon na rin siguro, it was third year as an actress. Unang beses kong nanalo nang best actress at naisipan nang buong team na i-celebrate iyon. Syempre ang saya saya ko noon, not until kaming dalawa lamang ni Mama Elle ang nasa economy class habang sila ay nagpapakasasa sa first class. I thought that was fine, baguhan lamang ako noon hindi ko alam na sinasaksak na pala nila ako patalikod.

Hanggang makalapag ang eroplano at makalabas kami roon ay ako talaga lahat ang pinagdala niya.

Masama kong tiningnan ang likod niya, mamaya humanda talaga siya sa akin, mararamdaman niya ang hinagpis nang isang api.

"Wow!" bulalas ko nang makarating kami sa mismong isla.

Hindi naman sa pagiging ignorate ha, pero sobrang ganda talaga. This is like a paradise, payapa ang tubig at mumunti lang rin ang mga tao. Siguro ay dahil masiyado pang maaga.

Nasa Maldives na ako Tita Pat, how I wish you were here. A single tear escaped from my right eye, kaagad ko iyong pinaalis sa takot na may makakita. Hindi ako dapat ngayon nage-emote. Once in a lifetime lang ang opportunity na 'to, kaya dapat akong mag-enjoy.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa isang luxury hotel, hindi na ito sakop noong ibinigay ni Jesusa. Malamang ay si Sir Rivaill ang kumuha nito, ano pa nga bang aasahan masiyadong maarte ang boss kong ito para kumuha lamang nang puchu-puchung hotel.

Nauna na siyang pumasok sa kwarto habang nanatili naman ako sa labas. Mga ilang minutong paghihintay nang bumalik siya sa pinto at taasan ako nang kilay.

"Boss ako? Saan iyong kwarto ko?" taka kong tanong habang nananatiling nakadungaw sa pinto.

"It would be inconvenient if someone I know saw my beloved wife in a separate room." Tumango tango ako dahil sa sinabi niya.

Wala akong choice kung hindi ang sumunod sa kaniya papasok sa loob. Oo nga naman, baka mabulilyaso pa kapag may nakakakilala sa kaniya ang makakita sa amin sa magkaibang kwarto.

Napabuga ako nang hangin, think positive Lin, think positive. Syempre iyon lang ang dahilan niya 'di ba? Wala nang iba pa.

"Ariscalde, help me with something!" rinig kong hiyaw mula sa loob nang banyo.

Bagsak ang balikat kong binitawan ang gamit at saka sumunod papunta sa loob nang banyo. Pigil ko ang sariling sigawan siya.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong bumuntong hininga ngayong araw, iisipin ko na lang ang ibinabayad niya sa akin, tama ngayon ko na siya sisingilin.

Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang h***d niyang likuran. Nanlaki ang mga mata ko at pilit na hindi tinitingnan ang pinkish niyang puwet. Hindi ako manyak ha, nasilip ko lang naman pero hindi ko naman intensyon na tingnan.

"Ay, matambok na puwet!" wala sa sariling bulalas ko.

Kaagad kong tinakpan ang bibig, sa sobrang taranta ko ay dinampot ko iyong nahawakan kong damit at mabilis na isinaklob sa mukha ko.

"What are you doing? Sino ang may sabi na pumasok ka?" tanong nito. "And why the fuck are you holding my brief?"

P-putangina.

Hindi ko magawang sagutin siya at alisin ang damit na nakatakip sa mukha ko. Hindi ko man nakikita ang ekspresyon niya ngayon paniguradong salubong nanaman ang noo niya. "S-Sabi mo tulungan kita," utal ko habang itinatago ang namumulang mukha.

"Ang sabi ko dalhin mo ang damit ko," sermon niya. "Nevermind, ako na."

Naramdaman ko ang pagdaan nito sa gilid ko. Hindi ko lubos maisip na naglalakad siya ngayon nang hubo't h***d sa buong kwarto.

Sinabunutan ko ang sarili. Kaagad akong nag sign of the cross. Hindi ho ako manyakis.

Mga ilang minutong paghihintay at isinilip ko ang isang mata para tingnan kung tapos na ba siyang magbihis. To my surprise, he's nowhere to be found.

Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para tumakbo palapit sa pinto. Akmang bubuksan ko na iyon nang may malaking kamay ang pumatong sa kamay ko. "Ngayon, saan ka naman pupunta?"

Mabilis kong tinakpan ang bibig niya. Paniguradong pulang pula na ang buong mukha ko dahil sa kahihiyan please lang h'wag na niyang dagdagan.

"Boss, shut up ka muna. Doon lang ako sa labas." Tinitigan ko siya diretso sa mata pero ako rin ang umiwas. "Magpapakalunod,"

Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at mabilis na nanakbo palabas nang kwarto.

Dumiretso ako sa elevator at pinindot ang first floor. Sumiksik ako sa gilid at kapag kuwan ay iniuntog ang ulo sa bakal na elevator. "Nakakahiya ka," mangiyak ngiyak kong bulong.

Inangat ko ulit ang ulo para sana iuntog pero sa hindi malamang dahilan, malambot ang tinamaan noon.

"Ouch." Kaagad akong napalingon sa gilid ko at nabungaran ang isang nakakasilaw na lalaki.

Kahit pa lukot ang mukha nito at dinadaing ang sakit sa kamay niya hindi pa rin maitatago noon ang kagwapuhan niya.

Nagsalubong ang dalawang kilay ko at saka mas lalong pinakatitigan ang lalaking nasa tabi ko. I know him. Siya iyon, iyong lalaki sa tren. Wow, coincidence.

"Kuya sa tren, ikaw pala 'yan," wika ko habang nagliliwanag ang mga matang nakatingin sa kaniya.

"I'm Calix Yujebio," aniya habang nakalahad ang kamay sa harapan ko.

Malugod ko iyong tinanggap. "Linarie, Linarie Ariscalde."

He gave me a warm smile before nodding. Hindi pa nga pala ako nakakapagpasalamat sa kaniya. Masiyado rin kasing mabilis ang mga nangyari at hanggang ngayon ay kinakalimutan ko pa rin iyon.

"Are you alone? Sinong kasama mo? And why are bumping your head? Baka masaktan ka." Tinakpan ko ang bibig para pigilan ang pagngiti sa sinabi niya.

Ngayon ko natitigan nang maayos ang itsura niya. Pinagsisihan kong hindi ko siya tinitigan noong nakaraan. He's wearing a v-neck shirt, partnered with a board shorts hindi gaya sa boss kong parating naka formal suit kahit siguro matulog ay naka-tuxedo.

Umiiling iling ako. "Salamat nga pala noong nakaraan, paano ba ako makakabayad sa 'yo? H'wag lang pera a'," litanya ko na tinawanan lang niya.

Saktong bumukas ang pintuan nang elevator hudyat na nasa first floor na kami. "How about I treat you breakfast?" suhestiyon niya.

Sandali muna akong nagisip. Hindi naman siguro magagalit si Boss kung sumama ako sa kaniya sandali hindi ba? Isa pa ayaw ko na muna siya makita, hindi pa ako nakaka-get over sa kahihiyan kanina. Pero paano kung pagalitan niya ako? Ang ugali pa naman no'n ay kakaiba.

Bago pa man ako makasagot ay hinila na niya ako palabas. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero nagpahila na lamang ako. Syempre kung may balak man siyang masama ay ihahanda ko na ang paa ko para sipain siya. Bahala na kung magalit ang lalaking iyon, mamaya ko na lang siya susuyuin.

Hindi nagtagal ang paglalakad namin at huminto sa isang sea food restaurant. Nagtaka pa nga akong mayroon noon do'n kasi wala naman akong napansin kanina.

Kaagad na namilog ang mga mata ko sa dami nang in-order niya. "Hoy, dalawa lang naman tayo 'di ba? Ba't ang dami?" taka kong bulong sa kaniya.

He laughed with amusement in his eyes, then slightly pinched my nose. "Yup! Dapat wala kang itira riyan," aniya habang tumatawa.

Mabilis pa sa alas kwatrong kumunot ang noo ko. "Ano? Ako lang? Hindi ko kaya," bulalas ko.

Muli ay pinisil niya ang ilong ko. "I'm just kidding, eat all you want. H'wag mo nang isipin iyong matitira," pagliwanag niya bago inusod sa harapan ko ang isang lobster.

Naningkit ang mga mata ko at saka dahan dahang nilantakan ang pagkain sa hapag. "Sabi mo 'yan ha? Walang bawian,"

Ang totoo ay nagugutom na rin ako, kagabi pa iyong huli kong kain noong tumigil iyong van na sinasakyan namin, hindi pa ako nagaagahan.

Medyo napatanag ang loob ko noong simulan na rin niya ang pagkain. I wonder why he was here, may kasama rin kaya siya? Hindi ko iyon naisip kanina at nagpatangay na lang basta sa kaniya.

This was supposed to be my payment, pero bakit parang ako pa nga yata iyong nalibre. Bahala na, for now kakain muna ako. Ang sasarap kaya nang mga putahe, nakakapaglaway.

Patuloy lang ako sa pagkain nang mapalingon ako sa entrance nang restaurant. A shiver run down my spine, seeing those pair of cold blue eyes.

Literal na nalaglag ang kinakain kong parte nang lobster mula sa bibig ko nang magsimula itong lumapit sa amin.

Hindi ko mapigilang maalarma. "U-Uh—" Bago pa man ako makapagsalita ay hinila na ako nito.

Kagat ko ang pang-ibabang labi matapos niyang ipatong ang isang kamay sa lamesa dahilan para tingalain siya ni Calix.

Kaagad akong napatampal sa noo nang tanungin niya ito. "Are you bribing my wife?"

Related chapters

  • High paid Wife of the Billionaire    Chapter 6

    "I don't know if you're naive or just that stupid enough not to notice,""Haah." Pagbuntong hininga ko bago sumimsim sa hawak kong lemon juice. Kanina pa nage-echo sa utak ko ang mga katagang sinabi niya kanina. Ipinamumukha sa aking kasalanan kong ginusto kong kumain kasi gutom na ako. Matapos niyang sabihin 'yon ay saka niya ako iniwan. Ang ending ito ako, magisa, sa ilalim nang puno tamang inom lang ng juice dahil hindi ko na malaman kung saan ang daan pabalik.Alam ko naman iyon e', alam kong hindi kami magkasundo at ang kontrata bilang asawa niya lamang ang dahilan kung bakit magkasama kami ngayon. Pero bakit parang siya pa iyong galit imbis na dapat ako ang nasasaktan dahil sa sinabi niya kanina. Ayos lang naman, naintindihan ko naman na binabayaran niya ako at dapat ay ayusin ko ang trabaho bilang asawa niya, sana lang ay inilugar niya iyong galit niya sa 'kin. Hindi iyong nangiiwan siya. Tanghali na, siguro ay mg

    Last Updated : 2022-03-02
  • High paid Wife of the Billionaire    Chapter 7

    Chapter 7Hinawakan ko ang seradura nang pinto at balak na sanang isarang muli iyon at umaktong wala akong nakita pero bago pa man ako makaalis sa pwesto ko ay napansin na ako ng magaling kong Asawa.Halata sa mukha niyang hindi siya natutuwa sa babaeng nakalingkis sa kaniya. Lukot na rin ang damit niya, maging ang suot niyang neck tie ay natanggal na. Kawawa naman ang Asawa ko, deserve mo 'yan.He raised his right eyebrow telling me to do something. Pinanlakihan ko siya nang mga mga mata. Ano namang gagawin ko? Isa pa wala naman akong paki-alam kahit mangabit siya o ano man dahil once na mahuli siya ay siya rin naman ang may kasalanan, labas na ako roon. Ang gusto ko lang ay ang sweldo ko 'no. Sinamaan niya ako nang tingin kaya naman wala akong choice kung hindi ang sumunod. Inilipat ko ang paningin sa babae at hindi ko nagustuhan ang mga tingin niya sa akin.Huminga muna ako nang malalim, hindi ko na kailangan pang ayusin ang ekspresyon ko dahil makita pa

    Last Updated : 2022-03-04
  • High paid Wife of the Billionaire    Chapter 8

    Chapter 8Unti unti kong minulat ang mga mata ang liwanag na nagmumula sa caged chandelier ang sumalubong sa akin. Lumundo ang kama nang simulan kong bumangon. Madilim na sa labas at hindi na rin gaanong sumasakit iyong ulo ko. Come to think of it, matagal na rin simula nang umatake ang phobia ko. I have a hemophobia, takot ako sa dugo at kahit kaunti lang ang makita ko ay natataranta na ako, ano pa kaya iyong nakita ko kahapon? Kaya hindi na ako nagtatakang hinimatay ako. Nang makababa ako ay doon ko lamang napansin ang boss ko na nakaupo sa mahabang sofa nakasandal ang likuran niya rito at nakayukyok ang ulo. Makailang beses ko pang sinilip ang mukha niya at nakumpirmang natutulog siya. Paano siya nakatulog nang nakaupo? Ibon ba siya? Maingat akong naupo sa tabi niya at pinagmamasdan ang mukha niya. He was really handsome, hindi na nakakapagtakang habol ng habol sa kaniya iyong baliw na si Ivonne. Napangiwi ako nang makitang pati pagtulog ay nakakunot

    Last Updated : 2022-03-05
  • High paid Wife of the Billionaire    Chapter 9

    Chapter 9Pinanood kong matakpan nang manipis na ulap iyong mga bituin sa langit. Mahaba akong napabuntong hininga bago napangiwi. Itinagilid ko ang sarili at kaagad na umasim ang itsura ko nang makita sa kabila hindi kalayuan sa 'min ang nakahigang si Jesusa. Nginisian niya ako at kumaway pa ang impaktita. Pasensya na sa pangalan niya pero sa mga oras na ito ay sinusumpa ko na talaga siya. Yumakap sa kaniya ang asawang si Hugo at dahil masakit sila masiyado sa mata wala na akong magawa kung hindi ang tumalikod. "You look uglier than ever." Mas lalong nalukot ang buong mukha ko nang mabungaran ko naman ang mukha ng katabi kong si Rivaill. "For your information, mas maganda pa ako do'n sa Ivonne mo," bulalas ko at kaagad ring nagsisi kung bakit ko ba sinabi iyon.The corner of his lips rose. Tiningnan niya ako na tila ba sayang saya sa naging reaksyon ko. Hinampas niya ng malakas ang kinahihigaan namin dahilan para tumalbog ak

    Last Updated : 2022-03-10
  • High paid Wife of the Billionaire    Chapter 10

    Chapter 10Mabilis pa sa alas kwatro kong dinaluhan si Aki. Pinantayan ko siya bago siya ihinarap sa akin. Madungis ang mukha niya, may mga saboy nang buhangin ang damit niya at iyong isang paa niya ay medyas na lamang ang natira. Maging ang plantsado niyang damit ay para ng ginusot na papel. "Anong nangyari sa 'yo?" mangiyak ngiyak kong tanong kahit pa nakita ko naman ang nangyari. "Can I do it?" tanong niya at wala akong kahit na anong ideya sa kung ano man iyon. Hindi manlang siya umiyak sa kabila ng dumudugo niyang tuhod. Dala nang pagaalala at taranta ay pagtango na lang ang nagawa ko, kahit pa hindi ko alam ang tinutukoy niya. Nanlaki ang mga mata ko nang ambahan niya nang suntok iyong bata, mabuti na lamang at mabilis ang mga kamay ko at nahawakan kaagad siya sa baywang. Doon ko lang rin napansin ang itsura nang batang kaharap niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba akong mas malala ang itsura niya kaysa kay Aki. Kumpara

    Last Updated : 2022-03-12
  • High paid Wife of the Billionaire    Chapter 11

    Chapter 11 The atmosphere was filled with awkwardness, but I don't feel awkward at all. Inayos ko ang pagkakabuhat kay Aki sa likod ko. I'm currently piggy back riding him. Nagtaka pa nga ako nang imbis na kay Rivaill siya sumama ay sa akin siya nagpabuhat. Matagal ko na rin namang napapansin iyon, bukod sa mag-ama sila, ay wala nang iba pang satingin ko ay naguugnay sa kanila. Ang totoo ay labas na ako ro'n, close man sila o hindi ay wala na akong magagawa pa. Kung ako lang ay ayos lang, him giving me those cold shoulders, kasi normal lang naman iyon dahil amo ko siya. I just find it confusing, dahil pati kay Aki ay ganoon siya. Hindi ba dapat ay maging mas close silang dalawa dahil sila na lang ang magkasama. Naramdaman ko ang pagbagsak nang ulo ni Aki sa balikat ko. Nilingon ko ito at nasilayan ang natutulog niyang mukha. Naglalakad kami ngayon papunta sa parking lot. Ibinaling ko ang tingin kay Sir Rivaill. Diretso lang ang tingi

    Last Updated : 2022-03-13
  • High paid Wife of the Billionaire    Chapter 12

    The contract stated that Party B should always be free when Party A needed. In short, one call away ang peg ko nito. Sa kabila ng pagda-drama ko noong araw na 'yon ang ending ay pumirma pa rin ako. Anong magagawa ko? Masiyadong maganda iyong offer, isa pa kung sakali mang mahulog ako ay sisiguraduhin kong hindi ako ang mauuna. Shouldn't I just stop those feelings, bago pa man ako lukubin ng katangahan. "Are you ready?" tanong sa akin ng makeup artist na kinuha mismo ni Rivaill. Isang buwan na rin ang nakalipas simula nang pirmahan ko iyong bagong kontrata. Nandito ako sa labas ng isang five star hotel para um-attend sa isang party na dapat ay si Rivaill ang kailangang pumunta, pero dahil nga busy siya ay ako ang inabala niya. As if naman may choice ako, huli na para pagsisihan ko iyong pagpirma ko sa love contract na iyon. Binuksan ng assistant niya ang pintuan nang van, nagaalangan man ay lumabas pa rin ako. Isang linggo ko na 'tong pinaghaha

    Last Updated : 2022-03-14
  • High paid Wife of the Billionaire    Chapter 13

    Chapter 13Nanatili lang akong nakatitig sa kamay niya walang balak na tanggapin iyon. Ang kapal naman ng mukha niyang magpakita pa sa akin. Inayos ko ang pagkakaupo at diretsong tumingin sa gitna. Nabago ang tugtugin at ang iba ay nag-aaya ng makakasama nila sa pagsayaw. Nakakatawa lang dahil ang paborito ko pang kanta ang tumutugtog. Pakana man niya ito o coincidence lamang ay hindi ko na alam.Pinagsalikop ko ang dalawang braso. "I'm sorry but I only dance my husband," sagot ko sa kaniya bago ininom ang alak na hindi ko pa naubos. Nakita ko pa ang nagaaalalang tingin ni Kennedy pero tinanguan ko lamang siya senyales na ayos lang ako. I saw him gritted his teeth. Sumama rin ang tingin niya sa akin. He's always like that, masiyado siyang manipulative at gusto niyang lahat ng gustuhin niya ay makukuha niya. Akala ko ba ay nasa ibang bansa siya? Bakit pa siya bumalik? "Fuck your husband!" hiyaw niya at mabuti na lamang ay hindi iyon gaa

    Last Updated : 2022-03-15

Latest chapter

  • High paid Wife of the Billionaire    Chapter 64

    Chapter 64Mabilis ko siyang itinulak. Napaupo si Rivaill sa lamesa ng gawin ko iyon. He then, crossed his arms and stared at me intently. Nanatili siyang tahimik ani mo’y hinahayaang mag-sink in sa akin ang mga sinabi niya kanina. Marahas akong tumayo dahilan para tingalain niya ako. “Hindi ako naniniwala sa ’yo. Imposible ’yan.” No—what he’s saying could be true. Ngunit may parte sa akin na ayaw maniwala. I don't believe I loved someone other than him. Kinuha ko iyong litrato sa wallet niya at saka ibinalandra sa mukha niya. “This picture? This picture could be photoshopped!” Umaawang ang mga labi niya, ngunit walang nasabing salita. Bumuntong hininga siya at saka tumango tango. “Fine, I never expect for you to believe me anyways,” “Mabuti naman at alam mo, you’ve fooled me countless times before. Hindi mo na uli ako mapapaikot diyan sa palad mo.” Matapos kong sabihin iyon ay iniwan ko siya roon. Habang naglalakad at tinatahak ang daan papunta sa mismong kalsada ay sige ang pu

  • High paid Wife of the Billionaire    Chapter 63

    Chapter 63“P’wede mo ba akong saluhan?” Nakakabingi ang pagkabog ng dibdib ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam ang mararamdaman, kung matutuwa ba ako o ano. Inilipat ko ang paningin kay Henry at tumango ito sa ’kin bago naglakad palayo. Dahan-dahan ay lumapit ako sa lamesa at naupo sa bakanteng upuan katapat nang sa kaniya. She has a smile, at umaabot iyon sa mga mata niya. Hindi ko magawang suklian pagkat hindi naman ako sigurado kung siya nga ba talaga ang tunay kong nanay. “You’ve grown so much, iyong huling nagkasama tayo ay siyam na taon ka pa lamang. I still remember you holding my hand each time.” Nakikinig lamang ako sa mga sinasabi niya, hindi ko naman kasi alam ang sasabihin. Kinuha niya ang kamay ko at pinisil iyon. Ilang segundo ang lumipas ay binawi ko ang kamay ko. “Paano?” naguguluhan kong tanong. Lumabas ang mumunting kulubot sa kaniyang noo’t pisngi nang ngumiti siya. Sinundan ko siya ng tingin matapos niyang tumayo. Naglakad siya, nakakailang habang pa lamang

  • High paid Wife of the Billionaire    Chapter 62

    Chapter 62 “Happy Fiesta!” Sari-saring tunog ng tambol at lyre ang maririnig kahit saan ako lumingon. Kahit hindi pa ako lumabas nang bahay ay rinig na rinig ang mga hiyawan at kantyawan sa labas. Sa kabila nga ay naririndi na ako dahil kahapon pa lang ay nagsusumigaw na iyong Videoke. “Pakibantayan mo muna ito anak mga niluto ko, makikihingi akong ube roon kay Aling Tasing. Isasama ko na rin itong si Lake dahil narinig ko may mga palaro raw doon makikisali kami.” Tumango tango ako ngunit bago pa man ako makasagot ay binuhat na niya si Lake at nagdire-diretso palabas. Iyong totoo? Pusta ko ay dadalaw lamang siya roon sa hinaharot niyang lalaki, idadamay niya pa iyong anak ko. Patakbo akong sumunod palabas. “Ma! Sabihin mo kay Henry pakidamihan ang ube!” hirit ko. Kaagad akong humagalpak ng tawa nang umasim ang mukha niya tila ba nahuli sa ginawa niyang krimen. Inirapan lamang ako nito at saka tumuloy paalis. Nitong mga nakalipas na araw kasi ay pinagbawalan ko siyang pumunta ro

  • High paid Wife of the Billionaire    Chapter 61

    Chapter 61 Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang mahinang pagubo ni Mama Elle para kuhain ang atensyon ko. Inginuso niya ang plato kong hindi manlang nabawasan ang pagkain mula nang maupo kami sa hapag. “Anong problema, anak? Sa lalim ng iniisip mo kulang na lang malunod kami rito.”Sandali akong natigilan at kapagkuwan ay umiling. “Wala ho, ma. Iniisip ko lang ho kasi ’yong trabaho ko pagbalik ko,” “Gano’n? At satingin mo naman maniniwala ako sa ’yo?” Napanguso ako dahil sa tinuran niya. Kilalang kilala niya talaga ako. Bukod kay Tita Pat siya na talaga ang nakasama ko mula noong nagsimula ako sa showbiz hanggang sa malaos ako, bumalik at malaos ulit. “You know that I’m always here for you, p’wede mo akong. . .” Mabilis akong napatulala sa sinabi niya. Hindi ko na narinig pa iyong iba dahil nagsimulang sumakit ang ulo ko. Wala akong ibang nadidinig kung hindi ang matinis at nakakabinging tunog sa ulo ko. It was a long ring, hindi ko maipaliwanag pero parang sasabog ang utak

  • High paid Wife of the Billionaire    Chapter 60

    Chapter 60“M-Mama?” Mabilis akong natigilan nang marinig ko ang mahihinang d***g ni Lake. Kaagad kong nilingon ang food court at ilang metrong na ang layo namin doon. “Are you okay?” Sa kabila nang nakakunot na noo ng anak ko ay nakuha pa nitong himasin ang kamay ko at itanong kung ayos lamang ba ako. Kaagad na napawi ang tensyon na nararamdaman ko at yumuko para kalungin siya. “Mama’s fine,” naisagot ko na lamang habang nagpipilit ng ngiti. “It’s okay, you don’t have to cry.” Mabilis na lumamlam ang mga mata ko nang kasalungat sa sinabi ko ay sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata niya. How careless of me, para sa pansarili kong kapakanan ay hinayaan kong matakot ang anak ko ng ganito. It’s true that I'm not ready to face him again but not like this, hindi dapat madamay si Lake roon.Hinapit ko siya sa dibdib ko at saka pinara ang taxi na saktong dumaan sa harapan namin. Ilang minutong biyahe at nakatuon lamang ang dalawang mata ko kay Lake, natutulog na ito sa hita ko, I'm

  • High paid Wife of the Billionaire    Chapter 59

    Chapter 59 Hinawakan ko ang magkabilang dulo ng sintas at saka pinagbuhol iyon, nang matapos ay tinapik ko ang paa niya.“Tapos na anak, come here.” Kaagad namang naghiwalay ang dalawang kamay niya at kumapit sa batok ko. Bumuka ang bibig ko at kumawala ang tawa nang maging ang dalawang paa niya ay ikapit sa baywang ko na parang unggoy. “Lake, your feet. Madudumihan ang damit ni mama.” Kunot noong saway ko sa kaniya pero humagikhik lamang siya at mas hinigpitan pa ang kapit. Napairap na lamang ako at sinubukang maglakad kahit nahihirapang humakbang dahil sa ginagawa niya. Isinukbit ko ang bag na naglalaman ng wallet at ibang pang mahahalagang bagay sa balikat ko bago tinungo ang pintuan. Sinigurado kong na-lock ko iyon ng maigi bago pumunta sa elevator. Ala syete palang at inagahan talaga namin dahil maghihintay pa kami ng bus. Extended naman kasi ang bakasyon ko ng isang linggo. I can’t even count how many times Lake asked if she wasn’t dreaming, medyo masakit iyon para sa ’kin

  • High paid Wife of the Billionaire    Chapter 58

    Chapter 58 “Ariscalde! Linarie!” Pabalikwas akong napabangon. Habol ang hiningang binalingin ko nang tingin si Mikasa, puno ng pagaalala ang mukha niya at nakapatong ang dalawang kamay sa balikat ko. Satingin ko ay sinubukan niya akong gisingin. “Are you okay? Napanaginipan mo na naman ba?” Dahan-dahan akong tumango, kaagad naman siyang napabuntong hininga. Pinasadahan ko ng mga daliri ang buhok ko bago sinubukang tumayo. “That’s it, our session ends here. Bumalik ka matapos ng dalawang buwan para masimulan na natin ang hypnosis.” Pinanood kong ayusin niya ang suot na puting coat. Ngumiti siya at saka ako inalalayang tumayo. “You’ll be okay, maaalala mo rin lahat tutulungan kita.” Matamis na ngiti rin ang isinukli ko sa kaniya. “Thanks, Doc.” Tinungo ko ang pinto matapos ay kinabig iyon para bumukas. “See you after a few months, Mika.”She only nodded her, so I made my way out. Isang tahimik na hallway ang sumalubong sa ’kin. Hindi na ako nagatubili pa at binaybay ang daan pa

  • High paid Wife of the Billionaire    Chapter 57

    Chapter 57 “Anong nangyari? Ayos ka lang ba? May masakit ba sa ’yo? May bali ka ba? Ano?” I chuckled when he’s barely even closer yet his loud voice are surpassing the noise here in the hospital, as he run towards me. Mabilis niya akong pinaikot at in-examine ang katawan ko. “Ma, it’s no big deal.” Ang mukha niyang puno ng pagaalala ay napalitan ng takot. Ani mo’y nakakita siya ng multo. “Anak, nauntog ka ba? Hindi ka naman umi-english dati e,” mangiyak ngiyak niyang wika. Napangiwi ako ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Umupo siya sa mga nakahilerang bakal na upuan katabi ko. Seryoso akong pinakatitigan bago bumuntong hininga. “Iyong totoo anak, nasaktan ka ba?” Hindi ako nakasagot agad, naroon ang tumango ako pagkatapos ay umiling. “Ayos lang ako ma.”Hindi ako tao kung sasabihin kong hindi. Nasaktan ako sa mga nalaman ko, nasasaktan ako kasi parang hindi manlang ako hinanap ni Rivaill. Ngayon ko napagtantong wala nga talaga siyang pakialam sa akin, at pinakikisa

  • High paid Wife of the Billionaire    Chapter 56

    Chapter 56 Tinahak ko ang daang itinuro ni Lily. Doon ay nadatnan ko ang isang kotse, natatakpan ito ng berde na tela at mangilan ngilang mga sanga ng puno. Mababakas ang ginawa niyang pagtatago sa kotse na ito pero dahil lang sa ’kin ay napurnada. Ipinilig ko ang ulo, hindi ngayon ang oras para makonsensya pa. I should be thankful to Lily. Nahirapan akong tanggalin ang mga sangang nakapatong dahil marami rami rin iyon, pero hindi kalaunan ay naawas ko rin iyon lahat.Gamit ang nangangatal na mga kamay ay binuksan ko ang pinto niyon. Matapos makasakay ay kaagad akong natigilan. Isa na lang ang problema ko, hindi pa ako nakapagmaneho noon. Kaagad akong napabuntong hininga. “Paano na ’to?” Hinawakan ko ang manibela at inumpog doon ang ulo ko, mabilis naman akong napadaing nang napalakas iyon. Ilang sandali lamang, walang pagpipilian ay sinubukan kong ipasok ang susi at iikot, halos mapatalon ako nang biglang umandar ang makina. “Anong kasunod? Hindi ko na alam. . .” Napakamot na

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status