Chapter 1
"Ninety-four lang? Kheious, ano bang nangyayari sa 'yong bata ka?" disappointed na tanong nito sa akin.
"Pasado naman po, Aun—"
"Jusko naman! Tingnan mo nga ninety-four lang general average mo this sem. Dati naman hindi ka bumababa ng ninety-five. With Highest Honor ka pa nga noong Junior High. Akala ko ba gusto mong makapasok sa magandang University?"
"Gusto ko nga po," nakayuko kong tugon.
"Iyon naman pala edi mas pagbutihin mo. Kinausap na ako ng teacher mo noong meeting at ang sabi posibleng maging Valedictorian ka this school year. Kaya ayusin mo naman sana. Alam mo simula noong sumali ka sa grupo na 'yan nagkaganiyan na mga grado mo. Tigilan mo na kasi iyang pagsayaw at pagkanta na iyan. Distraction lang iyan sa pag-aaral mo. Hindi ka naman magkakapera d'yan."
"Magkakapera pa rin naman po, Tita, kapag nanalo kami sa con—"
"Iyon na nga eh kapag nanalo. Kapag nanalo lang! Eh ang masama nga d'yan madalas kayong talo. Ilan ba kayo sa grupo? Sampu? Kinse? Tapos ang premyo limang libo? Aba eh paano n'yo papartehin iyon? Baka ni bigas at ulam hindi tayo makabili." Minasahe nito ang sintido at nai-stress akong tiningnan. "Hindi tayo mayaman, Kheious. Nakita mo naman siguro kung gaano ako kahirap mabuhay lang kayong magpipinsan. Hindi malaki ang kinikita ng Tito Emman mo. Wala kaming maipamamana sa inyo kundi edukasyon lang. Kapag naging Valedictorian ka makakakuha ka ng full scholarship sa magandang unibesidad sa Manila. Kapag ganoon hindi na kami magkakandakuba sa pagtatrabaho para sa kolehiyo mo. Iyong nanay mong nasa Canada, makakauwi na rin siya. Huwag mo naman sanang sayangin ang oportunidad. Naiintindihan mo ba?"
"O-Opo, Auntie. P-Pero gusto ko po talaga ang pagpi-perform. Dito po ako masaya."
"Hindi tayo mapapakain niyan. Mag-aral ka. Magtapos. Iyon ang sigurado kaya iyon lang ang gawin mo! Distraction lang iyang pagpi-perform na iyan. Kung iyon sanang oras mo sa practice at training nilaan mo sa pag-aaral edi mas mabuti."
"Pero, Aun—"
"Wala ng pero-pero! Tapos ang usap. Bawi ka next sem. Umakyat ka na roon ng makapagpalit ka na."
Napabuntong hininga na lang ako at umakyat na sa taas sakbit ang backpack. Mabigat ang mga naging hakbang ko sa bawat baitang ng hagdan. Naiintindihan ko naman na ayaw lang ni Auntie na napapabayaan ko pag-aaral ko pero hindi ko pa rin maiwasang hindi malungkot.
Pinahihinto nila akong gawin ang bagay na mahal ko. Iyon ang hirap sa panahon ngayon eh. Hangga't wala ka pang napapatunayan, wala kang suportang matatanggap. The worst is your own relatives will not even support your creative talent unless... you're earning from it. Tapos kapag sikat ka na, mahal ka na ng lahat— Proud na sila sa 'yo.
"Oh bakit late ka?" tanong ng ka-group ko na si Geo.
"Hinintay ko pang makaalis si Auntie eh. Alam mo naman tumakas lang ako."
"Hayss... sinasabi ko na nga ba. Hayaan mo na ang importante nandito ka na ngayon, dre."
"Pero nakakapagod din kasi 'tol iyong palaging nagtatago. Hindi ko alam kung bakit nagagalit sila eh wala namang masama sa pagsasayaw."
"Ganoon talaga ang buhay, 'tol. Hangga't wala ka pang maipagmamalaki sa kanila maliit tingin nila sa 'yo. Pero magtiis ka lang muna sa ngayon. Darating din iyong araw na maiintindihan nila ginagawa mo."
"Sana nga." Bumuntong hininga ako.
"Ano pang hinihintay n'yo d'yan? Start na ulit ng practice!"
"Nand'yan na boss!"
Tumayo na kami at lumapit na roon. Nagkaroon muna kami ng meeting bago nag-umpisa ng practice. May Dance Contest kasi sa kabilang bayan at malaki ang premyo kaya sasali kami. Magagaling ang mga kalaban pero sisikapin naming manalo. Simula noong pinagbawalan ako ni Auntie sa ginagawa ko, ganito na ang naging routine ko sa buhay, palaging patago kung mag-training.
"Alkarez, Kheious Seith, Best in Mathematics, Best in Research Paper, Best in Performing Arts, Outstanding Student of the Year, and our class Salutatorian!"
Umakyat ako sa stage kasama si Auntie. Masaya naman siya para sa akin pero ramdam ko na nakukulangan pa siya. Hindi ko naman siya masisisi dahil valedictorian talaga ang hangad niya para sa akin. Pero kahit ganoon ay nagawa pa rin niya akong ipaghanda para ipagdiwang ang Graduation Ceremony naming mga Senior High.
"Thank you, Auntie." Inakbayan ko ito at h******n sa sintido habang may hawak na paper plate sa kabilang kamay.
"Intindihin mo na iyong iba pang mga bisita. Kukunin ko lang iyong pinalamig kong coffee jelly sa ref."
"Sige po, Auntie." Pumunta na ako sa mga table at inasikaso ang mga bisita.
"What's up, tol! Congrats salutatorian. Lakas talaga oh! 'Di kaya mga, pre, babad pa sa training 'yan ah."
"Iba talaga matatalino, pre. Kahit siguro nakapikit makakasagot."
"Ano ba kayo? Hindi ako matalino, okay? Masipag lang ako mag-aral."
"Matalino at masipag iyon ka. Wala pang naging salutatorian na dinaan lang sa sipag lahat. Siguro habang nagpa-practice tayo ng sayaw nagmi-memorize ka ng mga formula, ano?" Kumagat ito sa shanghai.
"Sira hindi naman ganoon. Syempre kapag training, training lang para focus sa ginagawa. Binabawi ko lang sa mga exams para hindi ako mawala sa ranking."
"Magaling 'tol, magaling." Tinapik ng mga ito ang balikat ko.
"'Geh, mga dre, kain lang kayo d'yan. Aasikasuhin ko lang ang ibang bisita."
Maraming pagkaing niluto si tita. Nagpadala rin kasi ng pera si mama para may panghanda ako. Sayang nga lang at hindi siya nakauwi. Nakakalungkot pero wala naman tayong magagawa. Ganito naman talaga buhay ng may mga magulang na OFW. Tiis-tiis muna sa ngayon pero pasasaan ba at magkakasama rin kami balang araw.
"Anak, congrats! Galing-galing talaga. Sayang wala ako d'yan. Edi sana nasabitan kita ng medals. Pasensya ka na ah kung hindi ako nakauwi para sa graduation mo. Ang dami kasing pinapagawa ng boss ko saka ayaw akong payagang mag-leave."
"It's okay, Ma. I understand naman po. Mag-focus na lang po kayo sa trabaho n'yo d'yan. Huwag n'yo na akong kaisipin. Don't worry, Ma, kapag naging sikat na performer ako at marami ng pera, hindi n'yo na kakailanganin pang magtrabaho d'yan."
"Ang swerte ko talaga na ikaw ang anak ko. Napaka-understanding at mabait. Maiba ko saan ka mag-aaral ngayong College?"
"Sa isang unibersidad sa Manila po, Mama. Nakatanggap ako ng scholarship sa school na iyon dahil sa pagiging salutatorian. Kaso 50% discount lang po eh. Pero ayos na rin iyon kaysa wala."
"Sabi ko naman kasi sa 'yo focus ka na lang sa studies mo. Akala mo siguro hindi ko alam na tumatakas ka para sa practice. Hindi naman sa hindi ko naa-appreciate ang pagiging salutatorian mo, ang sa akin lang kasi alam ko naman na kaya mong maging valedictorian. Edi sana full scholar ka na ngayon. Sure na sure na college mo kung ganoon."
Lumapit ako kay tita at niyakap ito mula sa likod upang lambingin siya.
"Auntie, madali lang naman gawan ng paraan iyong natitirang fifty percent. Magtatrabaho naman po ako habang nag-aaral."
"Oh ayan na nga ba sinasabi ko magwo-working student ka habang nag-aaral. Hindi pwede baka bumaba grades mo. Kami na lang ang gagawa ng paraan."
Pumwesto ako sa likuran niya at niyakap siya upang lambingin.
"Kayang-kaya ko po iyon. Suma-sideline din naman ako nitong High School ah. Nakaya ko naman, salutatorian pa nga."
"Sa High School iyon. Iba sa College. Mas busy na kayo n'yan kasi mas marami na kayong gagawin."
"Auntie, kaya ko po. Ako pa ba?"
"Ikaw ang bahala. Hindi ka naman makikinig sa akin. Kayo na lang ng mama mo ang mag-usap." Tumingin ito sa phone. "Sige na bunso dadalhan ko lang muna ng maiinom ang mga bisita sa labas."
Lumabas na ito kaya kami na lang ng nanay ko ang naiwan. Nagkuwentuhan lang kami tungkol sa mga buhay-buhay namin. Tinanong niya rin ako kung anong plano ko ngayong college. Kahit malayo kami sa isa't isa hindi naman naging hadlang iyon para manatiling maganda ang relasyon naming mag-ina. Pag-uusap pa rin talaga ang mahalaga.
"Class dismiss!" Lumabas na ang masungit na professor kaya nakahinga na kami sa wakas nang maluwag.
First day of class pero grabe na iyong kaba na naramdaman namin. Unang araw ba naman surprise recitation kaagad. Pa-welcome ba tawag doon? Buti nga uwian na ngayon, makakahinga na ako. Ewan ko kung ako lang iyong ganito na feeling satisfied kapag sinabing dismiss na.
"Uwi ka na, 'tol? Sama ka muna sa amin. Gigimik kami d'yan sa bagong bukas na bar. Ano tara?"
"Salamat na lang pero may part time job pa kasi ako."
"Sige ingat, 'tol. Sama ka na lang next time."
Sinakbit ko na sa balikat ang backpack at lumabas na. 4:30 na ngayon ng hapun at alas cinco ang start ng work ko kaya nagbihis na ako sa restroom dito para diretso pasok na lang pagdating doon. Grey na polo shirt na may logo at itim na pantalon lang naman ang uniform namin. Pinaibabawan ko na lang iyon ng shirt para hindi naman mukhang sasabak kaagad sa kusina.
Hindi ko maiwasang hindi magpalinga-linga sa paligid dahil sa lawak ng campus. Kapag may oras ako maglilibot ako rito. Lakas maka-feeling mayaman ng eskwelahang ito. Sabit lang yata ako rito eh. Nag-train ako papunta sa work dahil mas mabilis iyon. Humanap lang ako ng pwesto at naupo roon sa tabi ng babaeng may suot na earphone.
Nagsuot ako ng earphone para naman kahit paano ay malibang ako sa byahe. Bigla akong napamulat nang maramdamang sumandal sa balikat ko ang babaeng katabi ko ngayon. Nilingon ko siya at nakita kong mahimbing ang tulog nito. Hinayaan ko na lang dahil mukhang pagod. Ipinikit ko na lang din ang mata ko habang hinihintay na makarating sa distinasyon ko itong train.
"Ay puta!" mura ko nang may tumulo sa balikat ko.
—Azureriel
Chapter 2[Kheious' POV]Napaawang na lang ang bibig ko habang nakatingin sa likidong bumasa sa aking balikat. Hindi ako nakagalaw kaagad dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin. Mahimbing pa rin ang tulog nito at walang kamalay-malay na tumutulo na ang laway niya sa damit ko. Gusto ko siyang alisin sa balikat ko pero nagwo-worry naman ako na magising siya. Ayaw ko na magising siya at makita ito dahil ayoko naman na mapahiya siya dahil dito. Hindi naman ako maarteng tao pero nag-aalala ako para sa suot ko ngayong damit pantrabaho. Baka basa na rin iyon ng laway. Jusko po huwag naman sana. Maingat kong tinuyo ng tissue ang parteng bibig niya. Inilabas ko ang panyo sa bag at itinakip iyon sa mukha ng babae upang hindi makita ng ibang commuters na naglalaway itong matulog. Tangina, hindi ko alam kung paano ko gagawan ng paraan itong uniform ko. Bahala na. [Anaia's POV]Naalimpungatan ako nang marinig ang mga yabag ng paa. Inalis ko ang kung anong nakatakip sa mukha ko. Panyo? Kanino
Chapter 3Ibinuhos ko ang isang tabong tubig sa katawan ko. May klase ako ngayong alas sais kaya gumising ako ng maaga. Terror iyong professor namin para sa period na ito kaya hindi ako pwedeng mahuli sa klase. Alas cuatro pa lang kaya tulugan pa ang mga kasama ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagsasabon ng leeg nang biglang bumukas ang pinto."Bastos!""Hala sorry!" Mabilis nitong isinarado iyon. Niyakap ko ang sarili at ramdam ang malakas na kabog ng dibdib ko. Pilit kong iwinaksi iyon sa aking isipan at ipinagpatuloy na lang ang paliligo. Natapos na ako pero hindi ko alam kung paano lalabas. Sobra akong nahihiyang humarap sa kaniya. Alam ko naman na wala akong dapat ikahiya pero ang awkward lang kasi sa pakiramdam. Nakita niya lahat bhe. Sino ba naman ang hindi mahihiya roon?Huminga ako nang malalim bago pinihit pabukas ang doorknob. Lumabas na ako dahil hindi naman ako pwedeng tumira rito sa banyo. Dumiretso ako sa taas upang makapagbihis. Tulog pa rin ang magaling kong kaibigan na p
Chapter 4"A-Ano? Sorry slow." Napakamot siya sa batok."Ang ibig kong sabihin kaya kong pumunta ng restroom ng mag-isa, hindi ako tulad ng iba na pupunta lang ng restroom kailangan pa ng kasama.""Ahh, okay, gets ko na. Tapos pagbalik may dala ng turon, ano?"Natawa ako bigla sa sinabi niya. Hindi naman pala siya mahirap pakisamahan. Matapos kumain ay tinanong niya ako kung babalik na ba ako sa classroom. Noong sinabi kong "oo", nag-offer siya na ihatid ako. "Bakit nga pala sinunod mo mama mo kaysa kuhain ang course na gusto mo?""Walang pera eh.""H-Huh? Ang mahal kaya ng nursing." "Alam ko pero sabi kasi niya wala raw kasiguraduhan iyong pangarap ko. At least sa nursing daw, pagka-graduate at naipasa ko ang exam, makakapagtrabaho raw ako sa ibang bansa. Sure na raw ang kita.""Pero gusto mo talagang maging professional performer?""Oo." Yumuko ito habang pinaglalaruan ang strap ng backpack. "Pero kapag mahirap ka kasi hindi pwedeng unahin ang sarili. Kahit gaano mo pa kagusto ang
"Galingan mo, Kheious!"Nabuhayan ako ng loob nang marinig iyon lalo na nang makita si Anaia na may hawak na banner. Pumalakpak siya nang malakas kaya nakisabay na rin ang ibang audience. Muli akong kumanta at sa pagkakataong ito ay may kumpyansa na sa sarili. Ibinigay ko lahat ng aking makakaya dahil ayokong bumaba ng entablado ng may pagsisisi."Ang galing-galing mo," salubong nito sa akin pagkababa ko ng stage."Salamat." Niyakap ko siya sa sobrang tuwa ko. Kung sakaling hindi siya dumating kanina baka natulala na lang ako sa unahan. Nakalimutan ko na nga ang lyrics kanina sa sobrang kaba. Sana lang ay hindi iyon makaapekto sa resulta ng evaluation. Lumabas na kami dahil masyado ng maraming tao at maingay sa loob."Mabuti naman at naisipan mong mag-audition?""Naisip ko rin na sayang din kung palalampasin ko. Next year na ang sunod na pa-audition. At saka nakakapanibago kasi kapag hindi mo na nagagawa iyong mga bagay na normal mong ginagawa dati.""Ang galing mo kanina," ani nito
Natulala siya sa akin pagkalas ko ganoon din ako. Hindi ko alam ang gagawin... hindi ko alam ang sasabihin. Bago pa man siya magsalita ay tumakbo na ako palayo. Dumiretso ako sa restroom at napasandal sa likod ng pinto. Nasapo ko ang dibdib na dumadagundong."Anong kagagahan naisip mo at hinalikan mo siya, Anaia?" May estudyanteng lumabas sa cubicle kaya naman napaayos ako ng tayo. Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Kinapa ko ang labi na dumampi sa kaniya kanina. Hiyang-hiya ako. Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag kapag nagkaharap kami. Para bang gusto ko na lang iuntog ang sarili o mag-magic na magkaka-amnesia si Kheious para makalimutan niya.Nagbihis lang ako at nag-ayos ng kaunti bago lumabas. Hindi na ako nagpaalam kay Kheious. Dapat kasi ay sabay kami, kaya lang ay hindi ko pa siya kayang harapin sa ngayon. Dumiretso ako sa trabaho at sinubukang libangin ang sarili. Ngunit hindi talaga iyon mawaglit sa aking isipan. Hanggang sa pag-uwi nga ay dala-dala
Chapter 7"Ang bilis mo. Para kang walang kasabay," reklamo ko nang abutan siya."Mabagal ka lang talaga.""Hindi kaya. Mabilis ka lang masyado.""Samahan mo ako sa palengke. Mamimili ako ng para sa lulutuin mamayang gabi.""Ikaw ang toka?""Um." Namulsa siya at nagpatiuna na sa paglakad.Pumasok kami sa pamilihang bayan at nagtingin-tingin kahit hindi ko naman alam kung ano ang bibilhin."Ano bang lulutuin mo para sa hapunan?""Ginataang alimango na may kalabasa.""Wow! Sarap naman. Laki ng budget ah.""Nagki-crave kasi si Madame sa ginataang alimango kaya binigyan niya ako ng pera kaninang umaga para ipagluto siya.""Sana palaging mag-crave ng masarap si Madame para damay tayo."Naglakad-lakad kami, naghahanap ng mga sangkap na gagamitin para mamaya. Mabuti na lang at kabisado na namin ang lugar kaya hindi na kami nahirapan. Bawas oras tuloy sa paghahanap ng magandang bibilhan. Umuwi na rin kami agad pagkatapos mamili para makapagluto na ng hapunan."Ang bango," sambit ko.Pagbaba k
Chapter 8Nanatili akong walang ibo, nakatayo lang sa kung saan ako iniwan ni Kheious. Pilit kong ina-absorb ang ipinagtapat niya, ngunit magpahanggang ngayon ay hindi pa rin iyon tuluyang nagsi-sink in sa akin.Nagseselos siya? Gusto niya ako? Seryoso?"Anaia!" Hinihingal na tumakbo si Syn palapit sa akin. "Nand'yan ka lang pala. Ano? Uwi na tayo?""S-Sige..." wala sa sarili kong sagot habang nakatingin pa rin sa nilakaran ni Kheious."Hoy! Ayos ka lang? Bakit parang lutang ka?""N-Na-drain lang siguro utak ko dahil sa exam kanina. Tara, uwi na tayo." Hinatak ko na siya paalis.Simula nang hapun na iyon ay pansin ko ang pag-iwas ni Kheious. Maging sa bahay nga ay hindi kami nagpapansinan. Iniwasan ko na lang din siya, baka sakaling mawala ang pagkagusto niya sa akin. Ayoko rin kasi na kapag sinuyo ko siya ay ma-misinterpret niya iyon— baka isipin niya na may nararamdaman din ako... baka mas mahulog siya kapag c-in-omfort ko. Ayoko ko naman ng ganoon.Sa totoo lang ay hindi ko rin ala
Chapter 9Mabigat ang dibdib ko habang naglalakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang tanging gusto ko lang ay ang makalayo na sa lugar na iyon. Hindi naman ako nagseselos, 'di ba? Wala namang dahilan para magselos ako.Dumiretso ako sa rest room ng mga babae upang pakalmahin ang sarili. Ito na nga ang nagsilbing takbuhan ko sa tuwing kailangan kong huminga at pag-isipan ang mga bagay-bagay."Hindi ka nagseselos," pangungumbinsi ko sa sarili. "Naiirita ka lang kaya ka umalis... kaya hindi mo tinapos.""Grabeng pangga-gaslight naman sa sarili iyan, beh."Nagitla ako nang makita si Syn na nakasandal sa hamba ng nakabukas na pinto."K-Kanina ka pa ba d'yan?" utal-utal kong tanong."Sakto lang para marinig ko ang mga sianbi mo." Naglakad siya palapit sa akin. "Hindi raw nagseselos oh.""Hindi naman talaga!""Eh ba't ka defensive?""Malamang magiging defensive ako. Ikaw ba namang paratangan ng hindi totoo kung hindi ka---""Hindi ba talaga totoo?"Napaiwas ako ng tingin."Oh bakit hi
EpilogueFour Years Later..."Huwag takbo nang takbo baka mangadapa kayo," paalala ko sa dalawang bata na naghahabulan sa makipot na kusina.Naghahalo ako ng niluluto ko nang may biglang yumakap sa akin mula sa likuran. "Good morning," bati ng asawa kong pinuyat ko kagabi. "Kumusta tulog mo?" tanong ko habang patuloy lang sa paghahalo. "Pinagod mo 'ko," sagot nito sa paos na boses. Natatawa kong pinatay ang kalan at pumihit paharap sa kaniya. I wrapped my arms around his neck and tipped toe to give him a good morning kiss on the lips. "Weak!" asar ko sabay pisil sa pisnge niya. "Kaya pala you passed out last night, huh?" Pinisil nito nang mahina ang ilong ko. Tumalikod na ako upang kumuha ng mga plato. "Hindi kaya!""Really?""Che! Maupo ka na roon. Maghahain na ako. Tawagin mo na rin ang mga bata nang makakain na tayo."Nagsuot lang ng shirt si Kheious tapos ay lumabas na ng kusina upang puntahan ang mga anak na naglalaro. Ako naman ay nag-umpisa ng ilatag ang mga plato't ku
Chapter 38Gulat akong napatayo sa sinabi nito. "S-Seryoso ka ba?" tanong ko dahil mukhang pabigla-bigla siya.Hinawakan ni Kheious ang kamay ko at tiningala ako. "Noon pa kita gustong tanungin... at noong ko pa dapat ginawa ito." Lumuhod siya sa harapan ko at inilabas ang singsing. "Kahit hindi ko pag-isipang mabuti... alam kong ikaw iyong babaeng gusto kong makasama habang buhay. Ms. Cassianaia Noreen Servantes, will you marry me?""Yes," naiiyak kong sagot.Isinuot niya sa akin ang singsing at niyakap ako. Batid kong mahirap at nakakatakot dahil sa sitwasyon namin, pero hanggang kailan ba kami matatakot? Hindi pwedeng habang buhay na lang kaming magpapadala roon. Unfair man sa iba pero hindi ba't deserve din naman naming sumaya? Ilang taon din ang sinakripisyo namin para sa iba, and I think it's time para piliin naman namin ang mga sarili namin."OMG! So totoo nga?" kinikilig na pagkumpirma ni Syn nang ipakita ko sa video call ang singsing na suot ko. Nasa sala ako at kausap sila s
Chapter 37"Kaya kong gawin ang kahit ano pero hindi ang itanggi kayo. Ayoko ring kapag lumaki na si Kheious at nagkaisip, mapanuod niya iyong video at isiping tinanggi ko siya. Ayoko nun, Anaia. Ayaw kong maramdaman iyon ng anak natin.""Pero paano iyong pangarap mo?" umiiyak niyang tanong at mabilis kong tinuyo iyon."Natupad ko na, Anaia. Nagawa ko ng mag-perform sa malalaking entablado at harap ng libo-libong tao. I already pursued my endeavors. But all of that will be worthless without you and our son.""Kheious, mag-usap tayo," galit na pagtawag sa akin ng boss."Don't worry about me," nakangiti kong sabi at hinagkan siya sa noo.Tinanguan ako nung anim bago ako umalis. Kinausap nila ako ng pribado sa isang kuwarto. Um-echo ang boses nila sa apat na sulok niyon sa tindi ng galit at disappointment nila sa akin. I tried to stay in the group despite of the disrespect and inconsideration I got. Pero noong nadamay na ang mag-ina ko roon na ako hindi nakapagpigil."Kumusta?" salubong
Chapter 36"Mommy, bili tayo nun!" Hinatak ako ng anak ko sa stall ng mga chocolate."Sige pero kaunti lang ah. Baka saktan ka na naman ng ngipin." Hinawakan ko siyang mabuti dahil baka mawala.Masyadong malawak ang mall para maghanapan kami rito. Hindi kami nakapag-grocery nitong nakaraan dahil ilang araw din ang nilagi namin sa resort. Sakto naman na walang pasok si Kheious ngayon kaya sinamantala na namin na makapamili. Umuwi rin naman kami kaagad pagkatapos dahil marami pang gagawin.Balik trabaho na bukas kaya sinulit na namin ang araw na iyon. Gumawa kami ng hand paint naming tatlo tapos ay nagluto ng meryenda. Simple lang pero naging special dahil sila ang kasama ko. Kheious and I became more open to each other. Magkatuwang kami sa gawaing bahay at sa pag-aalaga kay Khoein."Teka hindi ka ba papasok?" tanong ni Kheious nang makitang hindi pa ako bihis."Masama raw pakiramdam ni Khoein. Dito na lang muna ako para may mag-aalaga sa kaniya. Hindi ko rin kayang iwan eh."Napuno ng
Chapter 35"B-Balik na muna ako sa loob. Baka hinahanap na ako ni Khoein." Naglakad na ako pabalik sa hotel upang makaiwas.Ano bang sinasabi niya na mahal niya pa rin ako? Minadali ko ang bawat hakbang. Akala ko makakalayo ako sa kaniya, pero ang gago sinundan pala ako. Pasara na ang elevator nang may kamay na biglang humarang doon."What are you doing here?" iritable kong tanong sa pumasok."We will talk," he replied coldly."Really, Kheious, in front of them?""What's wrong with that?""Hindi ka ba nag-iisip? Sinabi mo sa harap nilang lahat na mahal mo pa rin ako. Alam mo naman na bawal kang mag-girlfriend, 'di ba?""Pero hindi bawal sa amin ang magmahal. Mga tao lang din kami, Anaia."Natahimik ako sa sinabi niya. Bumukas ang pinto ng elevator at nagpatiuna na siya sa paglabas."Ano bang gusto mong mangyari, huh?" tanong ko sa lalakeng naglalakad nang nakasuksok ang mga kamay sa bulsa. Huminto siya sa tapat ng isang pinto at sinamantala ko naman ang pagkakataon na iyon upang pumwe
Chapter 34Mabilis kaming napakalas sa isa't isa nang dumating ang mga kaibigan ni Kheious."Anaia, hiramin muna namin ah.""S-Sige." Ngumiti ako."Tara na, dre, Mayang gabi n'yo na lang ituloy iyan."Gosh! Nakita ba nila? Nang umalis sila ay umahon na rin ako dahil medyo nilalamig na rin. Dumiretso ako sa hotel room namin upang magbihis. Hanggang doon ay isip-isip ko ang ginawa niya-- kung bakit niya ako hinalikan. Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko si Syn na nakaupo sa kama at palinga-linga sa paligid."Talagang twin bed?""Oo, kay Kheious tapos sa amin ng anak ko.""Ang weird n'yo. Pwede naman kayong magsama sa iisang kama ah.""Masikip na.""Aba edi dito mo sa kabilang kama ihiga anak mo.""Uunahin ko pa ba siya kaysa sa anak namin? D'yan siya."Kinuha ko ang blower at tinuyo ang buhok ko gamit iyon. "Ah basta ako hindi naniniwala na hindi kayo magtatabi mamaya.""Bahala ka. Teka, si Khoein pala?""Nabihisan ko na. Nandoon sa labas kasama ang daddy niya. Nag-iihaw sila ng barb
Chapter 33Nahihiya akong pumasok sa loob ng kotse niya. Sobrang tahimik ng aming naging byahe. Ibinaling ko na lang ang atensyon sa view sa labas ng bintana upang hindi ko masyadong maramdaman ang awkward na atmosphere sa paligid."Dadaan tayo sa drive thru for Khoein. Ikaw na ang mag-order," basag nito sa katahimikan."Sige," tugon ko nang hindi siya nililingon.Naipit kami sa traffic kaya naman mas tumagal tuloy ang aming naging byahe. Nangawit na ang leeg ko sa paglingon sa bintana kaya naman tumuwid na ako ng upo. Saktong andar naman ng sinasakyan namin dahil umusad na ang sasakyan na nasa unahan.Nilingon ko ang lalakeng nagmamaneneho sa tabi ko. Hindi ko itatanggi na mas gumwapo siya ngayon. He looked hotter and more attractive from this angle too because of his perfect jawline. Nakita kong binasa nito ang labi kasabay ng pagpihit sa manibela that made the veins in his hand and arm more visible.Wala sa sarili ko siyang tinitigan kasabay ng pagragasa ng mga alaala. Iyong mga mo
Chapter 32Natulala ako matapos niyang halikan kaya naman hindi ako agad na nakasagot."Uhm..." Ramdam na ramdam ko ang awkwardness sa pagitan namin. "B-Bibihisan ko pa pala si Khoein."Nilampasan ko na siya at tinungo ang anak namin. Sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang nalaman na ganoon na pala ang paraan ng panggagamot ng paso sa dila. Hindi ko itatanggi na hindi ko iyon nagustuhan. Pero bakit ba niya ginawa iyon?"Mommy, are you okay?""Uhm, yes, baby.""Okay. Try mo 'to, Mommy." Inabot nito sa akin ang isa pang sasakyan.Nakipaglaro lang ako sa anak ko nang sa ganoon ay malihis ang isipin ko, ngunit pansamantala lang iyon dahil tinawag din kami ni Kheious sa kusina. Malamig na raw kasi ang cookies. Pumunta na kami ni Khoein doon upang kumain. Nang sumapit ang gabi ay sa iisang kama lamang kami natulog na para bang isang pamilya. Pero pamilya naman talaga kami, hindi ba?"Iba yata glow mo ngayon," sabi ni Syn na kaharap ko sa lamesa ngayon.Kababalik niya lang at nagpasundo siya s
Chapter 31"Kheious..."Ilang minuto na ang nakalipas ngunit ngayon lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita. "Hmm?" tugon nito habang nakasubsob pa rin sa balikat ko."U-Uuwi kami."Pinihit niya ako paharap at mabilis na kinulong ang mukha ko sa kaniyang mga palad."Please?" pakiusap nito habang nakatitig sa akin ang nangungusap niyang mga mata.Sa huli ay pumayag ako na roon matulog. Hindi ko alam kung dahil naaawa ako sa kaniya o dahil marupok lang talaga ako at gusto lang din siyang makasama. Isa lang ang natitiyak ko, pinili ko ito kasi ito ang gusto ng puso ko. Dumistansya ako sa kaniya at sinubukang ibalik ang atensyon sa ginagawa. Sakto naman na may tumawag sa kaniya kaya nalihis din sa akin ang atensyon niya."Mommy." Lumapit sa akin ang anak kong kagigising.Inaantok nitong kinusot ang mata at tiningnan ang ginagawa ko."Mommy, is that a coffee?""Yes, baby. Do you want some?" He nodded his head, still sleepy. "Pero bawal pa sa 'yo coffee eh. Gusto mo ipagtimpla