Share

Chapter 4

Author: Azureriel
last update Huling Na-update: 2022-09-29 11:47:49

Chapter 4

"A-Ano? Sorry slow." Napakamot siya sa batok.

"Ang ibig kong sabihin kaya kong pumunta ng restroom ng mag-isa, hindi ako tulad ng iba na pupunta lang ng restroom kailangan pa ng kasama."

"Ahh, okay, gets ko na. Tapos pagbalik may dala ng turon, ano?"

Natawa ako bigla sa sinabi niya. Hindi naman pala siya mahirap pakisamahan. Matapos kumain ay tinanong niya ako kung babalik na ba ako sa classroom. Noong sinabi kong "oo", nag-offer siya na ihatid ako. 

"Bakit nga pala sinunod mo mama mo kaysa kuhain ang course na gusto mo?"

"Walang pera eh."

"H-Huh? Ang mahal kaya ng nursing." 

"Alam ko pero sabi kasi niya wala raw kasiguraduhan iyong pangarap ko. At least sa nursing daw, pagka-graduate at naipasa ko ang exam, makakapagtrabaho raw ako sa ibang bansa. Sure na raw ang kita."

"Pero gusto mo talagang maging professional performer?"

"Oo." Yumuko ito habang pinaglalaruan ang strap ng backpack. "Pero kapag mahirap ka kasi hindi pwedeng unahin ang sarili. Kahit gaano mo pa kagusto ang isang bagay, minsan kailangan mong bitawan. May mga bagay na nais nating i-pursue at mahal natin. Ngunit darating iyong araw na bibitawan din natin ang passion na iyon dahil kailangan na nating magtrabaho para sa pamilya."

"Sad reality of life. Pero pwede mo pa namang gawin iyon ngayon, 'di ba?"

"Oo naman. Basta ma-maintain ko lang ang spot ko sa Laude."

"Wow! Nag-i-aim ka pala sa Laude. Well, same tayo. Mukhang magkakasundo tayo d'yan."

"Review tayo next time, you want?" 

"Sige game ako d'yan. Palagi rin kasing wala iyong best friend ko. Mas okay na rin na may nakakasama akong mag-aral."

"Gusto mo talaga Accountancy?"

"Oo."

"Bakit Accountancy?"

 "Kasi mukha akong pera." Tumawa ako. 

"W-What?"

"Hahaha! Biro lang. Mahirap daw kasi. Gusto ko iyong nacha-challenge ako. Nakakadagdag kasi ng thrill."

"Iba ka." Napailing-iling ito. "Personal choice pala. Good for you."

"Saka at least kapag naging Accountant ako kahit wala akong pera, may mabibilang pa rin ako. Tapos iisipin ng iba na mayaman ako kasi Accountant at nag-oopisina. Edi mukhang cool at rich girl na ako nun. Mindset ba mindset. Oh dito na classroom ko. Salamat sa paghatid."

"Study well, Ms. Future Accountant." Inabot nito sa akin ang bag ko at umalis na.

Pinanuod ko lang siya sa pintuan hanggang sa maglaho sa paningin ko. Napapitlag naman ako bigla nang may tumapik sa aking balikat. 

"Ano iyon? Bakit may pahatid-hatid ng nagaganap? Close na kayo kaagad?" tanong nito na animoy imbestigador.

"Nagkasabay kasi kaming kumain ng lunch."

"Nagkasabay o nagsabay talaga? Hmm... I smell something fishy here."

"Baka isda ulam mo. Hindi ka lang siguro nakapagsabon nang mabuti ng kamay." Nilampasan ko siya at dumiretso sa upuan ko upang ilagay doon ang tote bag. 

"Nanliligaw?" Magka-cross ang mga braso nitong tanong na animoy nanay na nag-i-interrogate ng minor de edad na anak.

"Ligaw agad? Beh, ngayon lang kami nakapag-usap ng matino." 

"Eh ano ba kasing mayroon bakit magkasama kayo at may pahatid-hatid pa talaga?"

"Pumunta lang ako ng cafeteria kanina para kumain. Tapos occupied na lahat ng tables. Nakita ko siya na mag-isang kumakain so nakiupo na ako."

"And then?"

"We ate together and we just talk."

"About?" Naningkit ang mga mata nito.

"About life."

"Woah! Speed. Life talks na kaagad."

"Uy hindi iyon tulad ng iniisip mo—" Napatigil ako sa pagsasalita nang pumasok na ang professor namin.

Umayos na kaming lahat ng upo. May sitting arrangement kami at alphabetical kaya magkalayo kami ni Syn. Nang lingunin ko ito sa kaniyang upuan sa pinakahuling row ay nang-aasar itong ngumiti sa akin. Pang-asar talaga oh. Inirapan ko na lang siya at ibinalik na ang atensyon sa professor na nagtuturo sa unahan. 

"Badtrip iyong isang prof namin. Ang sungit tapos ang hilig pa magpa-surprise quiz. Iyon tuloy every meeting namin sa kaniya need namin mag-review nang matindi kahit hindi sigurado kung may pa-quiz siya. Akala ba niya nakakatuwa iyon?" maktol nito sa akin habang naglalakad kami sa pathway ng school.

"Ganiyan talaga sa college. Ayaw mo nun nari-review ka kahit walang exam. Ganoon naman talaga dapat, 'di ba? Mag-aral."

"Okay lang naman sa akin iyong mag-review. Pero iyong stress na binibigay niya sa amin ang hindi okay. Isipin mo imbes na magpahinga ka pag-uwi kasi pagod, need mo pa mag-review kahit hindi mo naman sigurado kung may quiz ba talaga. Magpupuyat ka sa pag-aaral tapos kinabukasan kabado ka kasi baka biglang magpa-quiz o worst recitation. Imagine nagpuyat ka pagri-review tapos hindi ka nakasagot."

"Sabagay, may punto ka nga naman." Tumango-tango ako. 

"Kumakain ka ba ng street foods?"

"Oo naman."

"Tara libre kita."

Hindi na ko nakaimik pa nang hatakin na ako nito papunta roon. Sa nakalipas na isang linggo ay mas naging malapit kaming dalawa. Unti-unti na rin naming nakikilala ang isa't isa. Tahimik siya sa iba at hindi masyadong palakaibigan pero pagdating sa akin ay nagiging madaldal din siya. Siguro kasi bago pa lang siya rito at nag-a-adjust pa lang sa buhay niya rito sa syudad.

Mahirap malayo sa pamilya. Grabe rin iyong homesick na mararanasan mo sa mga unang araw lalo na sa unang linggo. Ganoon ako noong bagong salta ako rito upang mag-aral ng Senior High. Nandoon iyong feeling na gustong-gusto mo ng umuwi pero hindi pwede kasi kailangan mong mag-aral. Hindi madali pero kinakaya para sa pangarap na nais magkaroon ng katuparan. 

"Baka malunod ka." 

"H-Huh?"

"Masyado kasing malalim ang iniisip mo. Oh ito mag-fishball ka muna." Inabutan ako nito ng paper cup na may lamang fish ball at kikiam. "Naku sorry spicy nailagay kong sauce. Kumakain ka ba ng mapahang," alalang tanong nito.

Sinubo ko ang fishball na nasa stick at ininom ang sawsawang maraming sili at paminta. 

"Kahit contest pa tayo sa pagkain ng sili."

"Wow, gusto ko iyan. Sige next time contest tayo. Basta walang iyakan ah."

"Don't worry hindi kita paiiyakin."

Natawa ito sa sinabi ko. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang may estudyanteng biglang nag-abot sa amin ng flyer. 

"Club tss."

"Sali ka d'yan. About sa pagkanta iyan, hindi ba? Makatutulong din naman sa 'yo iyan para mas mahasa pa talent mo."

"Huwag na. Focus na lang ako sa acads ko."

"Dre, alam mo kasi, you can still enjoy your life pa rin naman kahit college ka na. Pero nasa iyo pa rin naman ang desisyon. Hindi ba at gusto mo ang pagkanta? Try lang."

"Baka malaman ni Mama."

"Malalaman niya lang kapag sinabi mo." 

"Anong ibig mong sabihin?" kunot noo nitong tanong.

"Hindi naman natin ipapaalam. Kinuha mo na naman iyong kursong gusto niya, hindi ba? I think it's time na para kuhain mo naman ang gusto mo. Consider that club as your extra-curricular activities na rin. May plus grade din iyan, dre. Para naman habang nag-aaral ka ng course na hindi mo gusto, at least nagagawa mo pa rin passion mo. Oh baka isipin mo bad influence ako ah. Gusto lang naman kitang tulungan."

"Hmm... sabagay may punto ka nga naman. Pero paano kapag hindi ako nakapasa?"

Hinampas ko siya sa balikat. "Sus! Ito naman wala pa nga iniisip mo na kaagad iyan. Huwag ka ngang nega. Papasa ka, okay? Iyon lang ang isipin mo."

"Eh paano nga kung hindi?" tanong nito habang naglalakad kami palabas ng school, kain-kain pa rin ang fish ball.

"Hindi natin malalaman kung hindi mo susubukan. Kailan ba raw ang pa-audition ng club?" 

"Friday ang schedule na nakalagay rito. Bukas na iyon." Bumuntong hininga siya.

"Kaya 'yan, ano ka ba? Wala ka ba tiwala sa sarili mo?" 

"Syempre mayroon."

"Iyon naman pala. Bukas, pagkatapos ng klase, mag-audition ka na. Sayang din iyan. Wala namang mawawala kung susubukan mo. Ako nga planong sumali sa Theater Club ng School."

"Mahilig ka umarte?" nagugulat na tanong nito sa akin.

"Sakto lang. Marami rin naman akong drama sa buhay kaya ita-theatro ko na lang. At least doon may additional points."

"Kailan pa-audition? Sasamahan kita."

"Sa Monday pa. Kaya sa Linggo tulungan mo ako sa linya ko. Magpa-practice ako."

"Wala namang sampalang magaganap d'yan, 'di ba?" 

"Hmm... titingnan natin." 

Umakyat na ako sa jeep at sumunod naman siya sa akin. Siksikan na pero pinatos na namin para makauwi na. Wala kami parehong work kapag ganitong Wednesday kaya diretso bahay na kami. Ayos na rin iyon para makapagpahinga na pag-uwi. 

—Kheious' POV—

Kabado akong nakapila ngayon para maglista ng pangalan sa Auditioner List. Huminga muna ako habang hawak ang ballpen bago isinulat ang pangalan doon. Naupo ako pagkatapos at hinintay na lang na tawagin ang pangalan ko. Hindi ko nga alam kung paano ako napapayag ng babaeng iyon na mag-audition dito. 

Nag-umpisa na ang audition at mas lumalakas ang kaba ko habang tumatagal. Nakikita ko kasi kung gaano kagagaling ang mga nagpi-perform. Alam ko naman sa sarili ko na magaling ako pero ang tanong sapat ba iyon para makapasa rito? Luminga-linga ako sa paligid. Nasaan na ba ang babaeng iyon? Ang sabi sasamahan niya ako pero bakit wala siya? 

Tinawag na ang pangalan ko pero maski anino ng babaeng iyon hindi ko pa nakikita. Kabado akong umakyat ng entablado dala ang aking gitara. Sanay na naman ako sa pagpi-perform pero hindi kagaya nito na ako lang mag-isa. Nasanay ako na may kasamang kagrupo sa itaas ng entablado sa tuwing magpi-perform. 

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita kung gaano karami ang taong nanunuod. Isang pagkakamali ko lang at siguradong mapapahiya ako sa harap ng mahigit isang daang estudyante. Pumikit ako saglit at pinilig ang ulo upang iwaksi ang isipin na iyon. Hindi ako dapat mag-isip ng mga negatibo. Pero nasaan na ba kasi si Anaia? 

"Introduce yourself first," sabi ng isa sa mga judges ng audition na may hawak ng microphone.

Huminga muna ako bago inilapit sa mikropono ang bibig. 

"Good Day po. I'm Kheious Seith Alkarez, from Nursing Deparment, First Year student."

Nang magsimula akong mag-strum ng gitara ay tumahimik na ang buong paligid. Sinubukan ko pang hanapin ito bago ako mag-umpisang kumanta pero hindi ko talaga siya makita. Nag-focus na lang ako sa performance ko. Okay na sana ngunit nang nasa kalagitnaan ako ng pagkanta ay bigla ko na lamang nakalimutan ang lyrics dahil sa sobrang kaba.

Natahimik ako bigla dahil sa nangyari. Pilit kong inalala ang kasunod pero hindi ko talaga maisip. Nagsimula na ring magbulungan ang mga nanunuod. Unti-unti na akong nilalamon ng hiya at gusto na lang bumaba ng entablado. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahilan kung bakit mas lalong hindi ko mahanap ang kasunod na salita sa dulo ng aking dila.

"Go Kheious!" sigaw isang babaeng nasa gitna ng crowd at may hawak na banner. 

—Azureriel

Kaugnay na kabanata

  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 5

    "Galingan mo, Kheious!"Nabuhayan ako ng loob nang marinig iyon lalo na nang makita si Anaia na may hawak na banner. Pumalakpak siya nang malakas kaya nakisabay na rin ang ibang audience. Muli akong kumanta at sa pagkakataong ito ay may kumpyansa na sa sarili. Ibinigay ko lahat ng aking makakaya dahil ayokong bumaba ng entablado ng may pagsisisi."Ang galing-galing mo," salubong nito sa akin pagkababa ko ng stage."Salamat." Niyakap ko siya sa sobrang tuwa ko. Kung sakaling hindi siya dumating kanina baka natulala na lang ako sa unahan. Nakalimutan ko na nga ang lyrics kanina sa sobrang kaba. Sana lang ay hindi iyon makaapekto sa resulta ng evaluation. Lumabas na kami dahil masyado ng maraming tao at maingay sa loob."Mabuti naman at naisipan mong mag-audition?""Naisip ko rin na sayang din kung palalampasin ko. Next year na ang sunod na pa-audition. At saka nakakapanibago kasi kapag hindi mo na nagagawa iyong mga bagay na normal mong ginagawa dati.""Ang galing mo kanina," ani nito

    Huling Na-update : 2022-11-14
  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 6

    Natulala siya sa akin pagkalas ko ganoon din ako. Hindi ko alam ang gagawin... hindi ko alam ang sasabihin. Bago pa man siya magsalita ay tumakbo na ako palayo. Dumiretso ako sa restroom at napasandal sa likod ng pinto. Nasapo ko ang dibdib na dumadagundong."Anong kagagahan naisip mo at hinalikan mo siya, Anaia?" May estudyanteng lumabas sa cubicle kaya naman napaayos ako ng tayo. Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Kinapa ko ang labi na dumampi sa kaniya kanina. Hiyang-hiya ako. Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag kapag nagkaharap kami. Para bang gusto ko na lang iuntog ang sarili o mag-magic na magkaka-amnesia si Kheious para makalimutan niya.Nagbihis lang ako at nag-ayos ng kaunti bago lumabas. Hindi na ako nagpaalam kay Kheious. Dapat kasi ay sabay kami, kaya lang ay hindi ko pa siya kayang harapin sa ngayon. Dumiretso ako sa trabaho at sinubukang libangin ang sarili. Ngunit hindi talaga iyon mawaglit sa aking isipan. Hanggang sa pag-uwi nga ay dala-dala

    Huling Na-update : 2023-01-08
  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 7

    Chapter 7"Ang bilis mo. Para kang walang kasabay," reklamo ko nang abutan siya."Mabagal ka lang talaga.""Hindi kaya. Mabilis ka lang masyado.""Samahan mo ako sa palengke. Mamimili ako ng para sa lulutuin mamayang gabi.""Ikaw ang toka?""Um." Namulsa siya at nagpatiuna na sa paglakad.Pumasok kami sa pamilihang bayan at nagtingin-tingin kahit hindi ko naman alam kung ano ang bibilhin."Ano bang lulutuin mo para sa hapunan?""Ginataang alimango na may kalabasa.""Wow! Sarap naman. Laki ng budget ah.""Nagki-crave kasi si Madame sa ginataang alimango kaya binigyan niya ako ng pera kaninang umaga para ipagluto siya.""Sana palaging mag-crave ng masarap si Madame para damay tayo."Naglakad-lakad kami, naghahanap ng mga sangkap na gagamitin para mamaya. Mabuti na lang at kabisado na namin ang lugar kaya hindi na kami nahirapan. Bawas oras tuloy sa paghahanap ng magandang bibilhan. Umuwi na rin kami agad pagkatapos mamili para makapagluto na ng hapunan."Ang bango," sambit ko.Pagbaba k

    Huling Na-update : 2023-02-13
  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 8

    Chapter 8Nanatili akong walang ibo, nakatayo lang sa kung saan ako iniwan ni Kheious. Pilit kong ina-absorb ang ipinagtapat niya, ngunit magpahanggang ngayon ay hindi pa rin iyon tuluyang nagsi-sink in sa akin.Nagseselos siya? Gusto niya ako? Seryoso?"Anaia!" Hinihingal na tumakbo si Syn palapit sa akin. "Nand'yan ka lang pala. Ano? Uwi na tayo?""S-Sige..." wala sa sarili kong sagot habang nakatingin pa rin sa nilakaran ni Kheious."Hoy! Ayos ka lang? Bakit parang lutang ka?""N-Na-drain lang siguro utak ko dahil sa exam kanina. Tara, uwi na tayo." Hinatak ko na siya paalis.Simula nang hapun na iyon ay pansin ko ang pag-iwas ni Kheious. Maging sa bahay nga ay hindi kami nagpapansinan. Iniwasan ko na lang din siya, baka sakaling mawala ang pagkagusto niya sa akin. Ayoko rin kasi na kapag sinuyo ko siya ay ma-misinterpret niya iyon— baka isipin niya na may nararamdaman din ako... baka mas mahulog siya kapag c-in-omfort ko. Ayoko ko naman ng ganoon.Sa totoo lang ay hindi ko rin ala

    Huling Na-update : 2023-02-13
  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 9

    Chapter 9Mabigat ang dibdib ko habang naglalakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang tanging gusto ko lang ay ang makalayo na sa lugar na iyon. Hindi naman ako nagseselos, 'di ba? Wala namang dahilan para magselos ako.Dumiretso ako sa rest room ng mga babae upang pakalmahin ang sarili. Ito na nga ang nagsilbing takbuhan ko sa tuwing kailangan kong huminga at pag-isipan ang mga bagay-bagay."Hindi ka nagseselos," pangungumbinsi ko sa sarili. "Naiirita ka lang kaya ka umalis... kaya hindi mo tinapos.""Grabeng pangga-gaslight naman sa sarili iyan, beh."Nagitla ako nang makita si Syn na nakasandal sa hamba ng nakabukas na pinto."K-Kanina ka pa ba d'yan?" utal-utal kong tanong."Sakto lang para marinig ko ang mga sianbi mo." Naglakad siya palapit sa akin. "Hindi raw nagseselos oh.""Hindi naman talaga!""Eh ba't ka defensive?""Malamang magiging defensive ako. Ikaw ba namang paratangan ng hindi totoo kung hindi ka---""Hindi ba talaga totoo?"Napaiwas ako ng tingin."Oh bakit hi

    Huling Na-update : 2023-02-13
  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 10

    Chapter 10Nag-init ang magkabilang pisnge ko nang marinig ang sinabi niyang iyon. Mahal... tinawag niya akong mahal. Hinawakan nito ang baba ko at itiningala ako sa kaniya. Nagtama ang aming mga mata."Mahal ka d'yan," pagsusungit ko pa."Ganiyan ka ba talaga kapag nakaka-miss.""Sino naman nagsabi sa 'yo na miss kita?" Iniharap nito sa akin ang screen ng cellphone kung nasaan ang text message ko kanina. "Sinabihan lang kita na pinapauwi ka na ng mama mo pero hindi ibig sabihin niyon na nami-miss kita. Huwag ka ngang assuming.""Kausap ko si Mama sa phone noong nag-text ka.""K-Kheious..." utal-utal kong bigkas sa pangalan niya nang humakbang siya palapit sa akin. Tumama ang likod ko sa dingding.Nahugot ko ang hininga nang ituon nito ang mga kamay dingding at ilapit ang mukha sa akin. Kung sino-sinong santo na nga ang natawag ko dahil sa sobrang lapit ng distansya namin."Sabihin mo lang na miss mo 'ko, uuwi agad ako.""Ang ganda natin ngayon ah," komento ni Syn nang abutan ako sa h

    Huling Na-update : 2023-03-05
  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 11

    Chapter 11"Uy, gaga ka! Seryoso?!" Hindi makapaniwala nitong tanong at hinampas pa nga ako sa braso."Oo, hindi ba halata?" kinikilig kong tugon saka uminom. Muntikan pa nga akong mabuhusan ng tubig nang alugin nito ang katawan ko."Gagi! Ang landi mo talaga. Paano mo siya sinagot? Saan? Kailan? Bakit hindi ko alam?""Tara na sa cafeteria. Kuwento ko sa 'yo roon."Kinikilig naman itong sumunod sa akin, excited sa ikukuwento ko, kahit naman ako. Ilang gabi ko ring sinarili ang kilig na ito, ano?"So paano mo siya sinagot?"Iyon kaagad ang tinanong niya nang makahanap kami ng pwesto. Binasa ko ang pang-ibabang labi upang umpisahan ang aking kuwento."Saan mo ba kasi ako dadalhin?" tanong ko sa lalaking may hawak sa pulsuhan ko at hatak-hatak ako.Huminto kami nang marating namin ang likuran ng building nila. Maraming puno rito at wala pang estudyanteng tumatambay. Pumihit siya paharap sa akin at hinawakan ang magkabilang kamay ko."Pwede ba kitang maging girlfriend?"Natulala ako at hi

    Huling Na-update : 2023-03-05
  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 12

    Chapter 12"Saan ka galing?" Tumayo siya kaagad nang makita ako."Sa rest room lang." Naupo ako at tumabi naman siya sa akin."Tungkol doon sa kanina...""Hindi sa akin iyong condom! Hindi ko nga alam kung paano napunta iyon sa bag ko.""Relax, love." Umakbay siya sa akin at inihilig ako sa kaniyang balikat habang sinusuklay ng kaniyang daliri ang buhok ko. Huwag mo ng kaisipin iyon.""Pero nakakahiya kasi.""Ako naman ito, bakit ka mahihiya?""Basta hindi sa akin iyon.""I know. I love you." Hinagkan niya ako sa sintido na nakapagpakalma sa akin kahit na papaano. "Anong gusto mong gawin natin dito?"Iginala ko ang mata sa paligid at tiningala ang langit. Sobrang ganda ng panahon ngayon. Iilan lang ang tao rito sa parke kaya kahit magtatakbo at sigaw ako pwede, pero ayoko namang gawin. Hmm... ano nga bang pwede?"Gusto mo n'yan?" tanong niya sa akin nang mapansin na nakatingin ako roon."Ng alin?" maang-maangan kong tanong."Iyong nilalaro ng mga bata. Gusto mo?""Kahit hindi na," sab

    Huling Na-update : 2023-03-08

Pinakabagong kabanata

  • Hiding the Idol's Baby    Epilogue

    EpilogueFour Years Later..."Huwag takbo nang takbo baka mangadapa kayo," paalala ko sa dalawang bata na naghahabulan sa makipot na kusina.Naghahalo ako ng niluluto ko nang may biglang yumakap sa akin mula sa likuran. "Good morning," bati ng asawa kong pinuyat ko kagabi. "Kumusta tulog mo?" tanong ko habang patuloy lang sa paghahalo. "Pinagod mo 'ko," sagot nito sa paos na boses. Natatawa kong pinatay ang kalan at pumihit paharap sa kaniya. I wrapped my arms around his neck and tipped toe to give him a good morning kiss on the lips. "Weak!" asar ko sabay pisil sa pisnge niya. "Kaya pala you passed out last night, huh?" Pinisil nito nang mahina ang ilong ko. Tumalikod na ako upang kumuha ng mga plato. "Hindi kaya!""Really?""Che! Maupo ka na roon. Maghahain na ako. Tawagin mo na rin ang mga bata nang makakain na tayo."Nagsuot lang ng shirt si Kheious tapos ay lumabas na ng kusina upang puntahan ang mga anak na naglalaro. Ako naman ay nag-umpisa ng ilatag ang mga plato't ku

  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 38

    Chapter 38Gulat akong napatayo sa sinabi nito. "S-Seryoso ka ba?" tanong ko dahil mukhang pabigla-bigla siya.Hinawakan ni Kheious ang kamay ko at tiningala ako. "Noon pa kita gustong tanungin... at noong ko pa dapat ginawa ito." Lumuhod siya sa harapan ko at inilabas ang singsing. "Kahit hindi ko pag-isipang mabuti... alam kong ikaw iyong babaeng gusto kong makasama habang buhay. Ms. Cassianaia Noreen Servantes, will you marry me?""Yes," naiiyak kong sagot.Isinuot niya sa akin ang singsing at niyakap ako. Batid kong mahirap at nakakatakot dahil sa sitwasyon namin, pero hanggang kailan ba kami matatakot? Hindi pwedeng habang buhay na lang kaming magpapadala roon. Unfair man sa iba pero hindi ba't deserve din naman naming sumaya? Ilang taon din ang sinakripisyo namin para sa iba, and I think it's time para piliin naman namin ang mga sarili namin."OMG! So totoo nga?" kinikilig na pagkumpirma ni Syn nang ipakita ko sa video call ang singsing na suot ko. Nasa sala ako at kausap sila s

  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 37

    Chapter 37"Kaya kong gawin ang kahit ano pero hindi ang itanggi kayo. Ayoko ring kapag lumaki na si Kheious at nagkaisip, mapanuod niya iyong video at isiping tinanggi ko siya. Ayoko nun, Anaia. Ayaw kong maramdaman iyon ng anak natin.""Pero paano iyong pangarap mo?" umiiyak niyang tanong at mabilis kong tinuyo iyon."Natupad ko na, Anaia. Nagawa ko ng mag-perform sa malalaking entablado at harap ng libo-libong tao. I already pursued my endeavors. But all of that will be worthless without you and our son.""Kheious, mag-usap tayo," galit na pagtawag sa akin ng boss."Don't worry about me," nakangiti kong sabi at hinagkan siya sa noo.Tinanguan ako nung anim bago ako umalis. Kinausap nila ako ng pribado sa isang kuwarto. Um-echo ang boses nila sa apat na sulok niyon sa tindi ng galit at disappointment nila sa akin. I tried to stay in the group despite of the disrespect and inconsideration I got. Pero noong nadamay na ang mag-ina ko roon na ako hindi nakapagpigil."Kumusta?" salubong

  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 36

    Chapter 36"Mommy, bili tayo nun!" Hinatak ako ng anak ko sa stall ng mga chocolate."Sige pero kaunti lang ah. Baka saktan ka na naman ng ngipin." Hinawakan ko siyang mabuti dahil baka mawala.Masyadong malawak ang mall para maghanapan kami rito. Hindi kami nakapag-grocery nitong nakaraan dahil ilang araw din ang nilagi namin sa resort. Sakto naman na walang pasok si Kheious ngayon kaya sinamantala na namin na makapamili. Umuwi rin naman kami kaagad pagkatapos dahil marami pang gagawin.Balik trabaho na bukas kaya sinulit na namin ang araw na iyon. Gumawa kami ng hand paint naming tatlo tapos ay nagluto ng meryenda. Simple lang pero naging special dahil sila ang kasama ko. Kheious and I became more open to each other. Magkatuwang kami sa gawaing bahay at sa pag-aalaga kay Khoein."Teka hindi ka ba papasok?" tanong ni Kheious nang makitang hindi pa ako bihis."Masama raw pakiramdam ni Khoein. Dito na lang muna ako para may mag-aalaga sa kaniya. Hindi ko rin kayang iwan eh."Napuno ng

  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 35

    Chapter 35"B-Balik na muna ako sa loob. Baka hinahanap na ako ni Khoein." Naglakad na ako pabalik sa hotel upang makaiwas.Ano bang sinasabi niya na mahal niya pa rin ako? Minadali ko ang bawat hakbang. Akala ko makakalayo ako sa kaniya, pero ang gago sinundan pala ako. Pasara na ang elevator nang may kamay na biglang humarang doon."What are you doing here?" iritable kong tanong sa pumasok."We will talk," he replied coldly."Really, Kheious, in front of them?""What's wrong with that?""Hindi ka ba nag-iisip? Sinabi mo sa harap nilang lahat na mahal mo pa rin ako. Alam mo naman na bawal kang mag-girlfriend, 'di ba?""Pero hindi bawal sa amin ang magmahal. Mga tao lang din kami, Anaia."Natahimik ako sa sinabi niya. Bumukas ang pinto ng elevator at nagpatiuna na siya sa paglabas."Ano bang gusto mong mangyari, huh?" tanong ko sa lalakeng naglalakad nang nakasuksok ang mga kamay sa bulsa. Huminto siya sa tapat ng isang pinto at sinamantala ko naman ang pagkakataon na iyon upang pumwe

  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 34

    Chapter 34Mabilis kaming napakalas sa isa't isa nang dumating ang mga kaibigan ni Kheious."Anaia, hiramin muna namin ah.""S-Sige." Ngumiti ako."Tara na, dre, Mayang gabi n'yo na lang ituloy iyan."Gosh! Nakita ba nila? Nang umalis sila ay umahon na rin ako dahil medyo nilalamig na rin. Dumiretso ako sa hotel room namin upang magbihis. Hanggang doon ay isip-isip ko ang ginawa niya-- kung bakit niya ako hinalikan. Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko si Syn na nakaupo sa kama at palinga-linga sa paligid."Talagang twin bed?""Oo, kay Kheious tapos sa amin ng anak ko.""Ang weird n'yo. Pwede naman kayong magsama sa iisang kama ah.""Masikip na.""Aba edi dito mo sa kabilang kama ihiga anak mo.""Uunahin ko pa ba siya kaysa sa anak namin? D'yan siya."Kinuha ko ang blower at tinuyo ang buhok ko gamit iyon. "Ah basta ako hindi naniniwala na hindi kayo magtatabi mamaya.""Bahala ka. Teka, si Khoein pala?""Nabihisan ko na. Nandoon sa labas kasama ang daddy niya. Nag-iihaw sila ng barb

  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 33

    Chapter 33Nahihiya akong pumasok sa loob ng kotse niya. Sobrang tahimik ng aming naging byahe. Ibinaling ko na lang ang atensyon sa view sa labas ng bintana upang hindi ko masyadong maramdaman ang awkward na atmosphere sa paligid."Dadaan tayo sa drive thru for Khoein. Ikaw na ang mag-order," basag nito sa katahimikan."Sige," tugon ko nang hindi siya nililingon.Naipit kami sa traffic kaya naman mas tumagal tuloy ang aming naging byahe. Nangawit na ang leeg ko sa paglingon sa bintana kaya naman tumuwid na ako ng upo. Saktong andar naman ng sinasakyan namin dahil umusad na ang sasakyan na nasa unahan.Nilingon ko ang lalakeng nagmamaneneho sa tabi ko. Hindi ko itatanggi na mas gumwapo siya ngayon. He looked hotter and more attractive from this angle too because of his perfect jawline. Nakita kong binasa nito ang labi kasabay ng pagpihit sa manibela that made the veins in his hand and arm more visible.Wala sa sarili ko siyang tinitigan kasabay ng pagragasa ng mga alaala. Iyong mga mo

  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 32

    Chapter 32Natulala ako matapos niyang halikan kaya naman hindi ako agad na nakasagot."Uhm..." Ramdam na ramdam ko ang awkwardness sa pagitan namin. "B-Bibihisan ko pa pala si Khoein."Nilampasan ko na siya at tinungo ang anak namin. Sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang nalaman na ganoon na pala ang paraan ng panggagamot ng paso sa dila. Hindi ko itatanggi na hindi ko iyon nagustuhan. Pero bakit ba niya ginawa iyon?"Mommy, are you okay?""Uhm, yes, baby.""Okay. Try mo 'to, Mommy." Inabot nito sa akin ang isa pang sasakyan.Nakipaglaro lang ako sa anak ko nang sa ganoon ay malihis ang isipin ko, ngunit pansamantala lang iyon dahil tinawag din kami ni Kheious sa kusina. Malamig na raw kasi ang cookies. Pumunta na kami ni Khoein doon upang kumain. Nang sumapit ang gabi ay sa iisang kama lamang kami natulog na para bang isang pamilya. Pero pamilya naman talaga kami, hindi ba?"Iba yata glow mo ngayon," sabi ni Syn na kaharap ko sa lamesa ngayon.Kababalik niya lang at nagpasundo siya s

  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 31

    Chapter 31"Kheious..."Ilang minuto na ang nakalipas ngunit ngayon lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita. "Hmm?" tugon nito habang nakasubsob pa rin sa balikat ko."U-Uuwi kami."Pinihit niya ako paharap at mabilis na kinulong ang mukha ko sa kaniyang mga palad."Please?" pakiusap nito habang nakatitig sa akin ang nangungusap niyang mga mata.Sa huli ay pumayag ako na roon matulog. Hindi ko alam kung dahil naaawa ako sa kaniya o dahil marupok lang talaga ako at gusto lang din siyang makasama. Isa lang ang natitiyak ko, pinili ko ito kasi ito ang gusto ng puso ko. Dumistansya ako sa kaniya at sinubukang ibalik ang atensyon sa ginagawa. Sakto naman na may tumawag sa kaniya kaya nalihis din sa akin ang atensyon niya."Mommy." Lumapit sa akin ang anak kong kagigising.Inaantok nitong kinusot ang mata at tiningnan ang ginagawa ko."Mommy, is that a coffee?""Yes, baby. Do you want some?" He nodded his head, still sleepy. "Pero bawal pa sa 'yo coffee eh. Gusto mo ipagtimpla

DMCA.com Protection Status