Chapter 9Mabigat ang dibdib ko habang naglalakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang tanging gusto ko lang ay ang makalayo na sa lugar na iyon. Hindi naman ako nagseselos, 'di ba? Wala namang dahilan para magselos ako.Dumiretso ako sa rest room ng mga babae upang pakalmahin ang sarili. Ito na nga ang nagsilbing takbuhan ko sa tuwing kailangan kong huminga at pag-isipan ang mga bagay-bagay."Hindi ka nagseselos," pangungumbinsi ko sa sarili. "Naiirita ka lang kaya ka umalis... kaya hindi mo tinapos.""Grabeng pangga-gaslight naman sa sarili iyan, beh."Nagitla ako nang makita si Syn na nakasandal sa hamba ng nakabukas na pinto."K-Kanina ka pa ba d'yan?" utal-utal kong tanong."Sakto lang para marinig ko ang mga sianbi mo." Naglakad siya palapit sa akin. "Hindi raw nagseselos oh.""Hindi naman talaga!""Eh ba't ka defensive?""Malamang magiging defensive ako. Ikaw ba namang paratangan ng hindi totoo kung hindi ka---""Hindi ba talaga totoo?"Napaiwas ako ng tingin."Oh bakit hi
Chapter 10Nag-init ang magkabilang pisnge ko nang marinig ang sinabi niyang iyon. Mahal... tinawag niya akong mahal. Hinawakan nito ang baba ko at itiningala ako sa kaniya. Nagtama ang aming mga mata."Mahal ka d'yan," pagsusungit ko pa."Ganiyan ka ba talaga kapag nakaka-miss.""Sino naman nagsabi sa 'yo na miss kita?" Iniharap nito sa akin ang screen ng cellphone kung nasaan ang text message ko kanina. "Sinabihan lang kita na pinapauwi ka na ng mama mo pero hindi ibig sabihin niyon na nami-miss kita. Huwag ka ngang assuming.""Kausap ko si Mama sa phone noong nag-text ka.""K-Kheious..." utal-utal kong bigkas sa pangalan niya nang humakbang siya palapit sa akin. Tumama ang likod ko sa dingding.Nahugot ko ang hininga nang ituon nito ang mga kamay dingding at ilapit ang mukha sa akin. Kung sino-sinong santo na nga ang natawag ko dahil sa sobrang lapit ng distansya namin."Sabihin mo lang na miss mo 'ko, uuwi agad ako.""Ang ganda natin ngayon ah," komento ni Syn nang abutan ako sa h
Chapter 11"Uy, gaga ka! Seryoso?!" Hindi makapaniwala nitong tanong at hinampas pa nga ako sa braso."Oo, hindi ba halata?" kinikilig kong tugon saka uminom. Muntikan pa nga akong mabuhusan ng tubig nang alugin nito ang katawan ko."Gagi! Ang landi mo talaga. Paano mo siya sinagot? Saan? Kailan? Bakit hindi ko alam?""Tara na sa cafeteria. Kuwento ko sa 'yo roon."Kinikilig naman itong sumunod sa akin, excited sa ikukuwento ko, kahit naman ako. Ilang gabi ko ring sinarili ang kilig na ito, ano?"So paano mo siya sinagot?"Iyon kaagad ang tinanong niya nang makahanap kami ng pwesto. Binasa ko ang pang-ibabang labi upang umpisahan ang aking kuwento."Saan mo ba kasi ako dadalhin?" tanong ko sa lalaking may hawak sa pulsuhan ko at hatak-hatak ako.Huminto kami nang marating namin ang likuran ng building nila. Maraming puno rito at wala pang estudyanteng tumatambay. Pumihit siya paharap sa akin at hinawakan ang magkabilang kamay ko."Pwede ba kitang maging girlfriend?"Natulala ako at hi
Chapter 12"Saan ka galing?" Tumayo siya kaagad nang makita ako."Sa rest room lang." Naupo ako at tumabi naman siya sa akin."Tungkol doon sa kanina...""Hindi sa akin iyong condom! Hindi ko nga alam kung paano napunta iyon sa bag ko.""Relax, love." Umakbay siya sa akin at inihilig ako sa kaniyang balikat habang sinusuklay ng kaniyang daliri ang buhok ko. Huwag mo ng kaisipin iyon.""Pero nakakahiya kasi.""Ako naman ito, bakit ka mahihiya?""Basta hindi sa akin iyon.""I know. I love you." Hinagkan niya ako sa sintido na nakapagpakalma sa akin kahit na papaano. "Anong gusto mong gawin natin dito?"Iginala ko ang mata sa paligid at tiningala ang langit. Sobrang ganda ng panahon ngayon. Iilan lang ang tao rito sa parke kaya kahit magtatakbo at sigaw ako pwede, pero ayoko namang gawin. Hmm... ano nga bang pwede?"Gusto mo n'yan?" tanong niya sa akin nang mapansin na nakatingin ako roon."Ng alin?" maang-maangan kong tanong."Iyong nilalaro ng mga bata. Gusto mo?""Kahit hindi na," sab
Chapter 13"Seryoso?" Hindi makapaniwala akong napalingon sa lalakeng nasa likuran ko. Nakangiti itong tumango-tango. "Halaa! Congrats, love." Niyakap ko siya nang mahigpit. "Sabi ko sa 'yo papasa ka eh.""Akala ko talaga hindi na. Ang dami kasing nag-audition at karamihan ay magagaling talaga.""Sabi ko naman sa 'yo basta maniwala ka lang sa sarili mo, magagawa mong makapasa d'yan. Kita mo na? Paano kung pinairal mo iyong takot at pagdududa sa sarili at hindi na lang nag-audition? Hindi ka makakatanggap ng ganiyan na magandang balita. Kailan pala start ng training ninyo?""Sa susunod na buwan na.""Yiee! Excited ako para sa 'yo.""Saya mo ah." Hinaplos nito ang mukha ko."Syempre pangarap mo iyon-- natin... pangarap natin.""Mahal kita. Anaia."Inilapit nito ang mukha sa akin kasabay ng pagpikit ko. Ilang saglit lang ay naramdaman ko na ang labi niya sa akin.Tila ba malaperpekto ang relasyon namin ni Kheious kaya naman wala na yata akong mahihiling pa sa itaas. Araw-araw niyang pina
Chapter 14"Wait, tama ba iyong narinig ko?""Yes, fan na fan talaga kami ng boyfriend mo. Dito pa lang siya sa campus nagpe-perform pero crush na crush na namin siya— oh sorry I mean crush na you know hinahangaan namin siya as an idol. And since girlfriend ka niya baka naman pwede mo akong ihingi ng video ng birthday greetings. Magbi-birthday na kasi ako next week." Nag-pretty eyes pa siya sa harapan ko."I-Iyon lang pala. Sige ihihingi kita.""Waahh! Narinig n'yo ba iyon mga, sissy?""Magkaka-video greeting ka na, sis!""Thank you in advance, Anaia. You don't know how happy we are right now. Sobrang fan lang talaga kami. Actually plano nga namin bumuo ng fan base na magkakaibigan. Dito kami sa campus mag-start.""Wow. Matutuwa si Kheious kapag narinig niya.""Sana! Oh by the way, itsmezoe ang name ko sa IG. Pa-send na lang. Thank you."Nilampasan na ako niyong tatlo pero tulala pa rin ako dahil sa mga sinabi nila. Unti-unti akong napangiti dahil doon. Ang sarap sa pakiramdam na may
Chapter 15Pagod akong umuwi dahil sa stress sa thesis namin. Dumagdag pa ang nalalapit na defense na kailangan kong paghandaan at ang mga requirements na kailangang ipasa. Pinindot ko ang switch ng ilaw at natulala nang makita ko si Kheious sa may lamesa na may hawak na cake."Happy Anniversary, love."Kaagad na nawala ang pagod ko dahil doon. Sinalubong ko siya ng yakap, naiiyak dahil dito. Sa ilang taong relasyon namin ay ni minsan hindi talaga siya nakalimot."Ang daming pagkain," manghang sabi ko habang nakatingin sa mga nakahain sa lamesa."Niluto ko lahat iyan.""Aw, thank you, love."Pinaghatak niya ako ng silya bago siya naupo. Hindi ko alam kung ano ang uunahin dahil nakakatakam lahat, lalo na iyong inihaw na manok."Happy Anniv?""Happy Anniv."Nag-tose kami bilang tanda ng selebrasyon. Tulad ng inaasahan sobrang sarap ng mga pagkain na inihanda niya. He really have a skill in cooking. Siya rin nga ang madalas na nagluluto kapag nandito siya."Ako na, love." Kinuha ko sa ka
Chapter 16"Hindi ka na papasok?""Oo," nakayuko nitong sagot."Kheious, alam mo bang sinasabi mo?""Hindi ko gusto iyong kurso ko, Anaia. Pakiramdam ko nagsasayang lang ako ng panahon para sa isang bagay na hindi ko naman nakikita ang sarili ko. Lumalaki na rin ang gastusin natin. Lalo na ngayon na malapit ka ng mag-OJT. Kailangan kong mag-focus sa training at trabaho.""Pero paano ka?""Walang kasiguraduhan ang bagay na pinili ko pero susugal ako dahil pangarap ko ito.""Sigurado ka na?"Pinunas niya kaagad ang luhang bumasa sa mukha ko."Gusto ko ring makatapos ng kolehiyo at umakyat sa entablado— g-um-raduate kasabay mo. Pero mahirap pagsabayin ang pag-aaral, pagti-training, at pagtatrabaho. Kailangan kong bitawan iyong isa. Minsan tinanong ko iyong sarili ko. Ano ba ang mas matimbang? Iyong pangarap ko o iyong pangarap ng ibang tao? Pwede akong mag-aral kahit kailan ko gustuhin. Pero hindi na ako makakabalik pagiging teens o twenties para tuparin ang pangarap kong iyon.""Naiinti
EpilogueFour Years Later..."Huwag takbo nang takbo baka mangadapa kayo," paalala ko sa dalawang bata na naghahabulan sa makipot na kusina.Naghahalo ako ng niluluto ko nang may biglang yumakap sa akin mula sa likuran. "Good morning," bati ng asawa kong pinuyat ko kagabi. "Kumusta tulog mo?" tanong ko habang patuloy lang sa paghahalo. "Pinagod mo 'ko," sagot nito sa paos na boses. Natatawa kong pinatay ang kalan at pumihit paharap sa kaniya. I wrapped my arms around his neck and tipped toe to give him a good morning kiss on the lips. "Weak!" asar ko sabay pisil sa pisnge niya. "Kaya pala you passed out last night, huh?" Pinisil nito nang mahina ang ilong ko. Tumalikod na ako upang kumuha ng mga plato. "Hindi kaya!""Really?""Che! Maupo ka na roon. Maghahain na ako. Tawagin mo na rin ang mga bata nang makakain na tayo."Nagsuot lang ng shirt si Kheious tapos ay lumabas na ng kusina upang puntahan ang mga anak na naglalaro. Ako naman ay nag-umpisa ng ilatag ang mga plato't ku
Chapter 38Gulat akong napatayo sa sinabi nito. "S-Seryoso ka ba?" tanong ko dahil mukhang pabigla-bigla siya.Hinawakan ni Kheious ang kamay ko at tiningala ako. "Noon pa kita gustong tanungin... at noong ko pa dapat ginawa ito." Lumuhod siya sa harapan ko at inilabas ang singsing. "Kahit hindi ko pag-isipang mabuti... alam kong ikaw iyong babaeng gusto kong makasama habang buhay. Ms. Cassianaia Noreen Servantes, will you marry me?""Yes," naiiyak kong sagot.Isinuot niya sa akin ang singsing at niyakap ako. Batid kong mahirap at nakakatakot dahil sa sitwasyon namin, pero hanggang kailan ba kami matatakot? Hindi pwedeng habang buhay na lang kaming magpapadala roon. Unfair man sa iba pero hindi ba't deserve din naman naming sumaya? Ilang taon din ang sinakripisyo namin para sa iba, and I think it's time para piliin naman namin ang mga sarili namin."OMG! So totoo nga?" kinikilig na pagkumpirma ni Syn nang ipakita ko sa video call ang singsing na suot ko. Nasa sala ako at kausap sila s
Chapter 37"Kaya kong gawin ang kahit ano pero hindi ang itanggi kayo. Ayoko ring kapag lumaki na si Kheious at nagkaisip, mapanuod niya iyong video at isiping tinanggi ko siya. Ayoko nun, Anaia. Ayaw kong maramdaman iyon ng anak natin.""Pero paano iyong pangarap mo?" umiiyak niyang tanong at mabilis kong tinuyo iyon."Natupad ko na, Anaia. Nagawa ko ng mag-perform sa malalaking entablado at harap ng libo-libong tao. I already pursued my endeavors. But all of that will be worthless without you and our son.""Kheious, mag-usap tayo," galit na pagtawag sa akin ng boss."Don't worry about me," nakangiti kong sabi at hinagkan siya sa noo.Tinanguan ako nung anim bago ako umalis. Kinausap nila ako ng pribado sa isang kuwarto. Um-echo ang boses nila sa apat na sulok niyon sa tindi ng galit at disappointment nila sa akin. I tried to stay in the group despite of the disrespect and inconsideration I got. Pero noong nadamay na ang mag-ina ko roon na ako hindi nakapagpigil."Kumusta?" salubong
Chapter 36"Mommy, bili tayo nun!" Hinatak ako ng anak ko sa stall ng mga chocolate."Sige pero kaunti lang ah. Baka saktan ka na naman ng ngipin." Hinawakan ko siyang mabuti dahil baka mawala.Masyadong malawak ang mall para maghanapan kami rito. Hindi kami nakapag-grocery nitong nakaraan dahil ilang araw din ang nilagi namin sa resort. Sakto naman na walang pasok si Kheious ngayon kaya sinamantala na namin na makapamili. Umuwi rin naman kami kaagad pagkatapos dahil marami pang gagawin.Balik trabaho na bukas kaya sinulit na namin ang araw na iyon. Gumawa kami ng hand paint naming tatlo tapos ay nagluto ng meryenda. Simple lang pero naging special dahil sila ang kasama ko. Kheious and I became more open to each other. Magkatuwang kami sa gawaing bahay at sa pag-aalaga kay Khoein."Teka hindi ka ba papasok?" tanong ni Kheious nang makitang hindi pa ako bihis."Masama raw pakiramdam ni Khoein. Dito na lang muna ako para may mag-aalaga sa kaniya. Hindi ko rin kayang iwan eh."Napuno ng
Chapter 35"B-Balik na muna ako sa loob. Baka hinahanap na ako ni Khoein." Naglakad na ako pabalik sa hotel upang makaiwas.Ano bang sinasabi niya na mahal niya pa rin ako? Minadali ko ang bawat hakbang. Akala ko makakalayo ako sa kaniya, pero ang gago sinundan pala ako. Pasara na ang elevator nang may kamay na biglang humarang doon."What are you doing here?" iritable kong tanong sa pumasok."We will talk," he replied coldly."Really, Kheious, in front of them?""What's wrong with that?""Hindi ka ba nag-iisip? Sinabi mo sa harap nilang lahat na mahal mo pa rin ako. Alam mo naman na bawal kang mag-girlfriend, 'di ba?""Pero hindi bawal sa amin ang magmahal. Mga tao lang din kami, Anaia."Natahimik ako sa sinabi niya. Bumukas ang pinto ng elevator at nagpatiuna na siya sa paglabas."Ano bang gusto mong mangyari, huh?" tanong ko sa lalakeng naglalakad nang nakasuksok ang mga kamay sa bulsa. Huminto siya sa tapat ng isang pinto at sinamantala ko naman ang pagkakataon na iyon upang pumwe
Chapter 34Mabilis kaming napakalas sa isa't isa nang dumating ang mga kaibigan ni Kheious."Anaia, hiramin muna namin ah.""S-Sige." Ngumiti ako."Tara na, dre, Mayang gabi n'yo na lang ituloy iyan."Gosh! Nakita ba nila? Nang umalis sila ay umahon na rin ako dahil medyo nilalamig na rin. Dumiretso ako sa hotel room namin upang magbihis. Hanggang doon ay isip-isip ko ang ginawa niya-- kung bakit niya ako hinalikan. Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko si Syn na nakaupo sa kama at palinga-linga sa paligid."Talagang twin bed?""Oo, kay Kheious tapos sa amin ng anak ko.""Ang weird n'yo. Pwede naman kayong magsama sa iisang kama ah.""Masikip na.""Aba edi dito mo sa kabilang kama ihiga anak mo.""Uunahin ko pa ba siya kaysa sa anak namin? D'yan siya."Kinuha ko ang blower at tinuyo ang buhok ko gamit iyon. "Ah basta ako hindi naniniwala na hindi kayo magtatabi mamaya.""Bahala ka. Teka, si Khoein pala?""Nabihisan ko na. Nandoon sa labas kasama ang daddy niya. Nag-iihaw sila ng barb
Chapter 33Nahihiya akong pumasok sa loob ng kotse niya. Sobrang tahimik ng aming naging byahe. Ibinaling ko na lang ang atensyon sa view sa labas ng bintana upang hindi ko masyadong maramdaman ang awkward na atmosphere sa paligid."Dadaan tayo sa drive thru for Khoein. Ikaw na ang mag-order," basag nito sa katahimikan."Sige," tugon ko nang hindi siya nililingon.Naipit kami sa traffic kaya naman mas tumagal tuloy ang aming naging byahe. Nangawit na ang leeg ko sa paglingon sa bintana kaya naman tumuwid na ako ng upo. Saktong andar naman ng sinasakyan namin dahil umusad na ang sasakyan na nasa unahan.Nilingon ko ang lalakeng nagmamaneneho sa tabi ko. Hindi ko itatanggi na mas gumwapo siya ngayon. He looked hotter and more attractive from this angle too because of his perfect jawline. Nakita kong binasa nito ang labi kasabay ng pagpihit sa manibela that made the veins in his hand and arm more visible.Wala sa sarili ko siyang tinitigan kasabay ng pagragasa ng mga alaala. Iyong mga mo
Chapter 32Natulala ako matapos niyang halikan kaya naman hindi ako agad na nakasagot."Uhm..." Ramdam na ramdam ko ang awkwardness sa pagitan namin. "B-Bibihisan ko pa pala si Khoein."Nilampasan ko na siya at tinungo ang anak namin. Sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang nalaman na ganoon na pala ang paraan ng panggagamot ng paso sa dila. Hindi ko itatanggi na hindi ko iyon nagustuhan. Pero bakit ba niya ginawa iyon?"Mommy, are you okay?""Uhm, yes, baby.""Okay. Try mo 'to, Mommy." Inabot nito sa akin ang isa pang sasakyan.Nakipaglaro lang ako sa anak ko nang sa ganoon ay malihis ang isipin ko, ngunit pansamantala lang iyon dahil tinawag din kami ni Kheious sa kusina. Malamig na raw kasi ang cookies. Pumunta na kami ni Khoein doon upang kumain. Nang sumapit ang gabi ay sa iisang kama lamang kami natulog na para bang isang pamilya. Pero pamilya naman talaga kami, hindi ba?"Iba yata glow mo ngayon," sabi ni Syn na kaharap ko sa lamesa ngayon.Kababalik niya lang at nagpasundo siya s
Chapter 31"Kheious..."Ilang minuto na ang nakalipas ngunit ngayon lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita. "Hmm?" tugon nito habang nakasubsob pa rin sa balikat ko."U-Uuwi kami."Pinihit niya ako paharap at mabilis na kinulong ang mukha ko sa kaniyang mga palad."Please?" pakiusap nito habang nakatitig sa akin ang nangungusap niyang mga mata.Sa huli ay pumayag ako na roon matulog. Hindi ko alam kung dahil naaawa ako sa kaniya o dahil marupok lang talaga ako at gusto lang din siyang makasama. Isa lang ang natitiyak ko, pinili ko ito kasi ito ang gusto ng puso ko. Dumistansya ako sa kaniya at sinubukang ibalik ang atensyon sa ginagawa. Sakto naman na may tumawag sa kaniya kaya nalihis din sa akin ang atensyon niya."Mommy." Lumapit sa akin ang anak kong kagigising.Inaantok nitong kinusot ang mata at tiningnan ang ginagawa ko."Mommy, is that a coffee?""Yes, baby. Do you want some?" He nodded his head, still sleepy. "Pero bawal pa sa 'yo coffee eh. Gusto mo ipagtimpla