Share

Chapter 5

Author: Azureriel
last update Huling Na-update: 2022-11-14 16:50:43

"Galingan mo, Kheious!"

Nabuhayan ako ng loob nang marinig iyon lalo na nang makita si Anaia na may hawak na banner. Pumalakpak siya nang malakas kaya nakisabay na rin ang ibang audience. Muli akong kumanta at sa pagkakataong ito ay may kumpyansa na sa sarili. Ibinigay ko lahat ng aking makakaya dahil ayokong bumaba ng entablado ng may pagsisisi.

"Ang galing-galing mo," salubong nito sa akin pagkababa ko ng stage.

"Salamat." Niyakap ko siya sa sobrang tuwa ko. 

Kung sakaling hindi siya dumating kanina baka natulala na lang ako sa unahan. Nakalimutan ko na nga ang lyrics kanina sa sobrang kaba. Sana lang ay hindi iyon makaapekto sa resulta ng evaluation. Lumabas na kami dahil masyado ng maraming tao at maingay sa loob.

"Mabuti naman at naisipan mong mag-audition?"

"Naisip ko rin na sayang din kung palalampasin ko. Next year na ang sunod na pa-audition. At saka nakakapanibago kasi kapag hindi mo na nagagawa iyong mga bagay na normal mong ginagawa dati."

"Ang galing mo kanina," ani nito habang naglalakad kami sa pathway.

"Sus. Muntikan ko na ngang makalimutan iyong lyrics kung hindi ka lang dumating."

"Nabawi mo naman kaagad. Ayos na 'yon."

"Talaga?"

"Um." Tumango-tango siya.

"Tingin mo ba hindi iyon makakaapekto sa performance ko? Baka kasi mamaya hindi ako makapasa dahil sa nang—"

"Huwag ka ngang mag-isip ng gan'yan. Papasa ka, okay? Nararamdaman ko 'yon. Nakita mo naman siguro iyong reaksyon ng mga nanunuod kanina, 'di ba? Grabe kung hindi nga kita kilala iisipin ko na concert mo 'yon."

"Thank you pala sa pagpunta. Sobra mong napalakas loob mo."

"Malakas ka sa 'kin eh." Umakbay ito sa akin at hinikit ako pababa. "At dahil d'yan kailangan mo akong ilibre." Hinatak na ako nito kaya hindi na ako nakapalag. 

[Anaia's POV]

"Saan galing 'yan?" tanong ni Syn nang makita ang barbeque sa plato.

Ibinaba lang nito ang bag at dumampot na ng isang stick.

"Kay Kheious."

"Nanliligaw na?"

"Uy hindi ah. Issue ka. Libre niya lang sa akin kanina. Sinuportahan ko kasi siya sa audition niya."

"Okay. Bihis na muna ako." 

Mag-street food sana kami ni Dustin kanina sa labas ng school kaya lang ay biglang umulan kaya nag-take out na lang kami. Hindi ko na rin siya nakasabay umuwi dahil may part time siya tuwing alas-cinco. Baka rin ma-late siya sa trabaho kaya isang stick lang kinain niya. Tapos iyong mga natira inuwi ko na. Maganda ring pang-ulam para hindi na kami bibili ni Syn. 

Pagkatapos magbihis ng kasama ko ay kumain na kami. Iyong barbeque na nga ang inulam namin. Tinanong pa niya ako ng tungkol sa amin ni Kheious at syempre nagkuwento naman ako dahil hindi naman ako titigilan ng isang iyan. Matagal na rin kaming magkaibigan kaya naman open na kami sa isa't isa pagdating sa lahat ng bagay.

"Manloloko ka!" Sinampal ko siya. 

"Anaia, hindi kita niloko."

"Come on, Kheious. Huwag mo ngang bilugin ang ulo ko. Nakita ko kayo kahapon. Ang saya-saya n'yo ng babae mo."

"Kaklase ko lang iyon. Nagpatulong lang sa assignment."

"Nagpatulong lang? Kailangan ba nakakandong?"

"W-Wala na kasing ibang upuan."

"Tanginang rason naman 'yan. Edi sana tumayo ka! Tigilan na natin ito. Kung gusto mo roon, doon ka na." Tinalikuran ko na siya pero hinawakan nito ang pulsuhan ko.

"Please ayusin natin. Aaminin ko nagkamali ako. Iyong mga kaklase kasi namin shini-shift kami."

Humarap ako at sinalubong siya ng sampal na malakas. "At nagpadala ka namang p*tang!na ka!"

"And cut!" Tuwang-tuwang pumalakpak si Syn na nagsilbing direktor namin. "Grabe ang galing-galing n'yo pareho."

"Talaga?" Tuwang-tuwang akong humarap kay Kheious. "Congrats sa 'tin. Narinig mo 'yon? Ang galing-galing daw natin."

"Sa sobrang galing mo muntik ng matanggal ulo ko."

Nawala ang ngiti ko nang makita ang namumula niyang mukha na nasampal ko.

"Hala sorry. Masyado lang akong nadala sa eksena."

"Ayos lang. Mawawala rin ito mamaya."

"Tinotoo mo naman kasi iyong sampal, 'te."

"Mukha kasing totoong-totoo iyong eksena kaya nadala ako. Halika, gamutin ko na muna 'yan." Pinaupo ko si Kheious sa silya.

Kumuha ako ng yelo at isinilid iyon sa ice pack. Panay ang hingi ko ng pasensya habang ginagamot ko siya. Nag-practice pa kami ng dalawang take bago kami kumain ng tanghalian. Linggo ngayon at bukas na ang pa-audition ng theater kaya naman todo practice na ako. 

Sumubok din kami ng iba't ibang genre. Hindi naman kami nahirapan sa eksenang gagawin at sa linyang ibabato dahil scriptwriter ng school si Syn. Nag-a-adlib lang kami kapag kailangan o may nakalimutang linya. Magaling si Kheious umarte kaya naman mas ginanahan akong lalo.

"Relax ka lang." Inabutan niya ako ng tubig sa upuan ko.

"Ang gagaling nila," kabado kong sambit habang nakatingin sa mga nagpe-perform sa stage. "P-Paano kapag hindi ako nakapasa?"

"Anong sabi mo dati?" tanong ng katabi ko.

"Huwag mag-isip ng negatibo. Maniwala na papasa."

"Iyon lang isipin mo."

"Eh paano nga kung hindi?"

"Kung hindi ka pumasa isa lang ibig sabihin no'n..."

"Ano?" kunot noo kong tanong.

"Hindi ka pang-stage, pang-TV ka." Pumalakpak siya ng isa. "Sa galing mo ba namang iyan? Naku, ako na nagsasabi sa 'yo, imposibleng hindi ka matanggap."

"Eh paano nga kung hindi talaga ako pumasa kasi malay mo marami pa palang mas magaling sa 'kin."

"Oh problema ba 'yon? Kung hindi ka pumasa d'yan, edi labas tayo ng school. Pag-au-audition-in kita sa mga TV networks d'yan. Pili ka na lang kung ano mas bet mo. Maging Kapuso o maging Kapamilya?"

Natawa ako sa sinabi niya. "Ikaw talaga!" Pabiro ko siyang hinampas sa braso.

Dahil doon ay nawala kahit papaano ang kaba ko. Nagkabisado pa ako ng linya ko habang nakaupo kami at naghihintay na matawag. Ilang saglit pa ay narinig ko na ang auditionee number ko. 

"Kapag kinabahan ka, tingnan mo lang ako." Tinapik nito ang balikat ko.

Huminga ako nang malalim bago umakyat ng stage. Maraming nanunuod pero parang si Kheious lang ang nakikita ng mata ko. Sinunod ko lahat ng sinabi ng direktor. Ibinigay ko ang isang daang porsyento ko sa bawat eksena. Hindi ko alam kung pasado ako pero ang mahalaga na lang sa akin ngayon ay ibinigay ko ang best ko. 

Sapat na rin sa akin na hindi ako nakagawa ng nakakahiyang eksena sa stage at hindi ako nabulol sa pagbabato ng linya ko. Pagbaba ko ng entablado ay kaagad akong sinalubong ni Kheious. Nagsabay na kaming umuwi dahil wala na rin namang kaklase. 

"Ayos lang ba talaga iyong acting ko?" tanong ko bago sumampa sa jeep. 

"Ang galing-galing mo kanina."

Punuan na sa loob kaya sa pinakadulo na kami naupo. Si Kheious ang nasa may bandang pinto habang ako naman ay nasa tabi niya. Kalong ko ang totebag ko at yakap iyon habang ang isang kamay ay nakahawak sa hawakan ng jeep. Mahirap na kapag biglang pumreno.

"Tingin mo papasa kaya ako?"

"Oo naman. Ang galing mo kaya kanina. Iyong mga katabi ko nga pinag-uusapan ka. Ang husay mo raw umarte."

"Talaga?" Nabuhayan ako ng loob matapos marinig iyon.

"Oo naman. Kaya relax ka lang. Sigurado ako na makakapasa ka. Kung hindi man, aba sinasayang ka nila." 

Biyernes na ngayon at pareho kaming kabado ni Kheious. Ngayon na kasi ilalabas ang resulta ng audition sa bawat school club. Hawak ko sa pulsuhan ang lalakeng kasama ko at hatak-hatak ito. Nakipagsiksikan kami sa mga estudyanteng nandito na tulad namin ay nagtitingin din ng resulta.

"Hindi nga ako pasado. Tiningnan ko na 'yan kanina."

"Nakausap ko iyong isa sa mga officer ng club, hindi pa raw iyon ang final list ng mga nakapasa. May ipapaskil pa raw silang isa pa. Malay mo nandoon na pangalan mo. Kaya halika na tingnan natin." Hinatak ko siya ulit papunta roon.

Siksikan at mainit pero ininda namin iyon. Mas importante na makita namin ang resulta. Medyo nakahinga ako nang maluwag nang mapunta na kami sa pinakaunahan. 

"Wala nga sabi d'yan pangalan ko."

"Hush! Titingnan ko pa. Huwag mo pangunahan." Gamit ang talas ng mata at hintuturong daliri, hinanap ko ang pangalan niya sa nakapaskil na poster. "Oh my god! Kheious, nandito ka! Pangalan mo 'to, 'di ba?"

"Patingin nga. Luh! Oo nga. Pumasa 'ko."

"I told you papasa ka."

Sunod naman namin na tiningnan iyong sa akin. Dito na ako kinabahan dahil malaking bagay sa akin ito, lalo na't gusto ko talaga na maging parte ng theater. Makakatulong din kasi ito sa scholarship ko kaya sayang naman kung hindi ako papasa. 

"Relax ka lang, okay?" Minasahe nito ang balikat ko habang hinahanap ko ang pangalan ko sa listahan.

"Kheious, nakita ko na. Nandito iyong pangalan ko." Tuwang-tuwa akong pumihit paharap sa kaniya. "Nakapasa 'ko sa audition!" Niyakap ko siya sa sobrang saya. 

Parang lumulukso iyong puso ko sa sobrang tuwa. Ilang gabi kong pinagdasal na sana makapasa ako tapos ngayon heto at magiging parte na ako ng theatro. 

"Wala ka kasing bilib sa 'kin. Sabi ko naman sa 'yo pasado ka, sigurado. Sa audition pa lang, malinaw pa sa tubig na papa—"

Nawala ako sa sarili dahil sa sobrang saya at n*******n siya sa labi.

Sh*t! Ba't ko ginawa 'yon?

—Azureriel

Kaugnay na kabanata

  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 6

    Natulala siya sa akin pagkalas ko ganoon din ako. Hindi ko alam ang gagawin... hindi ko alam ang sasabihin. Bago pa man siya magsalita ay tumakbo na ako palayo. Dumiretso ako sa restroom at napasandal sa likod ng pinto. Nasapo ko ang dibdib na dumadagundong."Anong kagagahan naisip mo at hinalikan mo siya, Anaia?" May estudyanteng lumabas sa cubicle kaya naman napaayos ako ng tayo. Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Kinapa ko ang labi na dumampi sa kaniya kanina. Hiyang-hiya ako. Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag kapag nagkaharap kami. Para bang gusto ko na lang iuntog ang sarili o mag-magic na magkaka-amnesia si Kheious para makalimutan niya.Nagbihis lang ako at nag-ayos ng kaunti bago lumabas. Hindi na ako nagpaalam kay Kheious. Dapat kasi ay sabay kami, kaya lang ay hindi ko pa siya kayang harapin sa ngayon. Dumiretso ako sa trabaho at sinubukang libangin ang sarili. Ngunit hindi talaga iyon mawaglit sa aking isipan. Hanggang sa pag-uwi nga ay dala-dala

    Huling Na-update : 2023-01-08
  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 7

    Chapter 7"Ang bilis mo. Para kang walang kasabay," reklamo ko nang abutan siya."Mabagal ka lang talaga.""Hindi kaya. Mabilis ka lang masyado.""Samahan mo ako sa palengke. Mamimili ako ng para sa lulutuin mamayang gabi.""Ikaw ang toka?""Um." Namulsa siya at nagpatiuna na sa paglakad.Pumasok kami sa pamilihang bayan at nagtingin-tingin kahit hindi ko naman alam kung ano ang bibilhin."Ano bang lulutuin mo para sa hapunan?""Ginataang alimango na may kalabasa.""Wow! Sarap naman. Laki ng budget ah.""Nagki-crave kasi si Madame sa ginataang alimango kaya binigyan niya ako ng pera kaninang umaga para ipagluto siya.""Sana palaging mag-crave ng masarap si Madame para damay tayo."Naglakad-lakad kami, naghahanap ng mga sangkap na gagamitin para mamaya. Mabuti na lang at kabisado na namin ang lugar kaya hindi na kami nahirapan. Bawas oras tuloy sa paghahanap ng magandang bibilhan. Umuwi na rin kami agad pagkatapos mamili para makapagluto na ng hapunan."Ang bango," sambit ko.Pagbaba k

    Huling Na-update : 2023-02-13
  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 8

    Chapter 8Nanatili akong walang ibo, nakatayo lang sa kung saan ako iniwan ni Kheious. Pilit kong ina-absorb ang ipinagtapat niya, ngunit magpahanggang ngayon ay hindi pa rin iyon tuluyang nagsi-sink in sa akin.Nagseselos siya? Gusto niya ako? Seryoso?"Anaia!" Hinihingal na tumakbo si Syn palapit sa akin. "Nand'yan ka lang pala. Ano? Uwi na tayo?""S-Sige..." wala sa sarili kong sagot habang nakatingin pa rin sa nilakaran ni Kheious."Hoy! Ayos ka lang? Bakit parang lutang ka?""N-Na-drain lang siguro utak ko dahil sa exam kanina. Tara, uwi na tayo." Hinatak ko na siya paalis.Simula nang hapun na iyon ay pansin ko ang pag-iwas ni Kheious. Maging sa bahay nga ay hindi kami nagpapansinan. Iniwasan ko na lang din siya, baka sakaling mawala ang pagkagusto niya sa akin. Ayoko rin kasi na kapag sinuyo ko siya ay ma-misinterpret niya iyon— baka isipin niya na may nararamdaman din ako... baka mas mahulog siya kapag c-in-omfort ko. Ayoko ko naman ng ganoon.Sa totoo lang ay hindi ko rin ala

    Huling Na-update : 2023-02-13
  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 9

    Chapter 9Mabigat ang dibdib ko habang naglalakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang tanging gusto ko lang ay ang makalayo na sa lugar na iyon. Hindi naman ako nagseselos, 'di ba? Wala namang dahilan para magselos ako.Dumiretso ako sa rest room ng mga babae upang pakalmahin ang sarili. Ito na nga ang nagsilbing takbuhan ko sa tuwing kailangan kong huminga at pag-isipan ang mga bagay-bagay."Hindi ka nagseselos," pangungumbinsi ko sa sarili. "Naiirita ka lang kaya ka umalis... kaya hindi mo tinapos.""Grabeng pangga-gaslight naman sa sarili iyan, beh."Nagitla ako nang makita si Syn na nakasandal sa hamba ng nakabukas na pinto."K-Kanina ka pa ba d'yan?" utal-utal kong tanong."Sakto lang para marinig ko ang mga sianbi mo." Naglakad siya palapit sa akin. "Hindi raw nagseselos oh.""Hindi naman talaga!""Eh ba't ka defensive?""Malamang magiging defensive ako. Ikaw ba namang paratangan ng hindi totoo kung hindi ka---""Hindi ba talaga totoo?"Napaiwas ako ng tingin."Oh bakit hi

    Huling Na-update : 2023-02-13
  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 10

    Chapter 10Nag-init ang magkabilang pisnge ko nang marinig ang sinabi niyang iyon. Mahal... tinawag niya akong mahal. Hinawakan nito ang baba ko at itiningala ako sa kaniya. Nagtama ang aming mga mata."Mahal ka d'yan," pagsusungit ko pa."Ganiyan ka ba talaga kapag nakaka-miss.""Sino naman nagsabi sa 'yo na miss kita?" Iniharap nito sa akin ang screen ng cellphone kung nasaan ang text message ko kanina. "Sinabihan lang kita na pinapauwi ka na ng mama mo pero hindi ibig sabihin niyon na nami-miss kita. Huwag ka ngang assuming.""Kausap ko si Mama sa phone noong nag-text ka.""K-Kheious..." utal-utal kong bigkas sa pangalan niya nang humakbang siya palapit sa akin. Tumama ang likod ko sa dingding.Nahugot ko ang hininga nang ituon nito ang mga kamay dingding at ilapit ang mukha sa akin. Kung sino-sinong santo na nga ang natawag ko dahil sa sobrang lapit ng distansya namin."Sabihin mo lang na miss mo 'ko, uuwi agad ako.""Ang ganda natin ngayon ah," komento ni Syn nang abutan ako sa h

    Huling Na-update : 2023-03-05
  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 11

    Chapter 11"Uy, gaga ka! Seryoso?!" Hindi makapaniwala nitong tanong at hinampas pa nga ako sa braso."Oo, hindi ba halata?" kinikilig kong tugon saka uminom. Muntikan pa nga akong mabuhusan ng tubig nang alugin nito ang katawan ko."Gagi! Ang landi mo talaga. Paano mo siya sinagot? Saan? Kailan? Bakit hindi ko alam?""Tara na sa cafeteria. Kuwento ko sa 'yo roon."Kinikilig naman itong sumunod sa akin, excited sa ikukuwento ko, kahit naman ako. Ilang gabi ko ring sinarili ang kilig na ito, ano?"So paano mo siya sinagot?"Iyon kaagad ang tinanong niya nang makahanap kami ng pwesto. Binasa ko ang pang-ibabang labi upang umpisahan ang aking kuwento."Saan mo ba kasi ako dadalhin?" tanong ko sa lalaking may hawak sa pulsuhan ko at hatak-hatak ako.Huminto kami nang marating namin ang likuran ng building nila. Maraming puno rito at wala pang estudyanteng tumatambay. Pumihit siya paharap sa akin at hinawakan ang magkabilang kamay ko."Pwede ba kitang maging girlfriend?"Natulala ako at hi

    Huling Na-update : 2023-03-05
  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 12

    Chapter 12"Saan ka galing?" Tumayo siya kaagad nang makita ako."Sa rest room lang." Naupo ako at tumabi naman siya sa akin."Tungkol doon sa kanina...""Hindi sa akin iyong condom! Hindi ko nga alam kung paano napunta iyon sa bag ko.""Relax, love." Umakbay siya sa akin at inihilig ako sa kaniyang balikat habang sinusuklay ng kaniyang daliri ang buhok ko. Huwag mo ng kaisipin iyon.""Pero nakakahiya kasi.""Ako naman ito, bakit ka mahihiya?""Basta hindi sa akin iyon.""I know. I love you." Hinagkan niya ako sa sintido na nakapagpakalma sa akin kahit na papaano. "Anong gusto mong gawin natin dito?"Iginala ko ang mata sa paligid at tiningala ang langit. Sobrang ganda ng panahon ngayon. Iilan lang ang tao rito sa parke kaya kahit magtatakbo at sigaw ako pwede, pero ayoko namang gawin. Hmm... ano nga bang pwede?"Gusto mo n'yan?" tanong niya sa akin nang mapansin na nakatingin ako roon."Ng alin?" maang-maangan kong tanong."Iyong nilalaro ng mga bata. Gusto mo?""Kahit hindi na," sab

    Huling Na-update : 2023-03-08
  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 13

    Chapter 13"Seryoso?" Hindi makapaniwala akong napalingon sa lalakeng nasa likuran ko. Nakangiti itong tumango-tango. "Halaa! Congrats, love." Niyakap ko siya nang mahigpit. "Sabi ko sa 'yo papasa ka eh.""Akala ko talaga hindi na. Ang dami kasing nag-audition at karamihan ay magagaling talaga.""Sabi ko naman sa 'yo basta maniwala ka lang sa sarili mo, magagawa mong makapasa d'yan. Kita mo na? Paano kung pinairal mo iyong takot at pagdududa sa sarili at hindi na lang nag-audition? Hindi ka makakatanggap ng ganiyan na magandang balita. Kailan pala start ng training ninyo?""Sa susunod na buwan na.""Yiee! Excited ako para sa 'yo.""Saya mo ah." Hinaplos nito ang mukha ko."Syempre pangarap mo iyon-- natin... pangarap natin.""Mahal kita. Anaia."Inilapit nito ang mukha sa akin kasabay ng pagpikit ko. Ilang saglit lang ay naramdaman ko na ang labi niya sa akin.Tila ba malaperpekto ang relasyon namin ni Kheious kaya naman wala na yata akong mahihiling pa sa itaas. Araw-araw niyang pina

    Huling Na-update : 2023-03-08

Pinakabagong kabanata

  • Hiding the Idol's Baby    Epilogue

    EpilogueFour Years Later..."Huwag takbo nang takbo baka mangadapa kayo," paalala ko sa dalawang bata na naghahabulan sa makipot na kusina.Naghahalo ako ng niluluto ko nang may biglang yumakap sa akin mula sa likuran. "Good morning," bati ng asawa kong pinuyat ko kagabi. "Kumusta tulog mo?" tanong ko habang patuloy lang sa paghahalo. "Pinagod mo 'ko," sagot nito sa paos na boses. Natatawa kong pinatay ang kalan at pumihit paharap sa kaniya. I wrapped my arms around his neck and tipped toe to give him a good morning kiss on the lips. "Weak!" asar ko sabay pisil sa pisnge niya. "Kaya pala you passed out last night, huh?" Pinisil nito nang mahina ang ilong ko. Tumalikod na ako upang kumuha ng mga plato. "Hindi kaya!""Really?""Che! Maupo ka na roon. Maghahain na ako. Tawagin mo na rin ang mga bata nang makakain na tayo."Nagsuot lang ng shirt si Kheious tapos ay lumabas na ng kusina upang puntahan ang mga anak na naglalaro. Ako naman ay nag-umpisa ng ilatag ang mga plato't ku

  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 38

    Chapter 38Gulat akong napatayo sa sinabi nito. "S-Seryoso ka ba?" tanong ko dahil mukhang pabigla-bigla siya.Hinawakan ni Kheious ang kamay ko at tiningala ako. "Noon pa kita gustong tanungin... at noong ko pa dapat ginawa ito." Lumuhod siya sa harapan ko at inilabas ang singsing. "Kahit hindi ko pag-isipang mabuti... alam kong ikaw iyong babaeng gusto kong makasama habang buhay. Ms. Cassianaia Noreen Servantes, will you marry me?""Yes," naiiyak kong sagot.Isinuot niya sa akin ang singsing at niyakap ako. Batid kong mahirap at nakakatakot dahil sa sitwasyon namin, pero hanggang kailan ba kami matatakot? Hindi pwedeng habang buhay na lang kaming magpapadala roon. Unfair man sa iba pero hindi ba't deserve din naman naming sumaya? Ilang taon din ang sinakripisyo namin para sa iba, and I think it's time para piliin naman namin ang mga sarili namin."OMG! So totoo nga?" kinikilig na pagkumpirma ni Syn nang ipakita ko sa video call ang singsing na suot ko. Nasa sala ako at kausap sila s

  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 37

    Chapter 37"Kaya kong gawin ang kahit ano pero hindi ang itanggi kayo. Ayoko ring kapag lumaki na si Kheious at nagkaisip, mapanuod niya iyong video at isiping tinanggi ko siya. Ayoko nun, Anaia. Ayaw kong maramdaman iyon ng anak natin.""Pero paano iyong pangarap mo?" umiiyak niyang tanong at mabilis kong tinuyo iyon."Natupad ko na, Anaia. Nagawa ko ng mag-perform sa malalaking entablado at harap ng libo-libong tao. I already pursued my endeavors. But all of that will be worthless without you and our son.""Kheious, mag-usap tayo," galit na pagtawag sa akin ng boss."Don't worry about me," nakangiti kong sabi at hinagkan siya sa noo.Tinanguan ako nung anim bago ako umalis. Kinausap nila ako ng pribado sa isang kuwarto. Um-echo ang boses nila sa apat na sulok niyon sa tindi ng galit at disappointment nila sa akin. I tried to stay in the group despite of the disrespect and inconsideration I got. Pero noong nadamay na ang mag-ina ko roon na ako hindi nakapagpigil."Kumusta?" salubong

  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 36

    Chapter 36"Mommy, bili tayo nun!" Hinatak ako ng anak ko sa stall ng mga chocolate."Sige pero kaunti lang ah. Baka saktan ka na naman ng ngipin." Hinawakan ko siyang mabuti dahil baka mawala.Masyadong malawak ang mall para maghanapan kami rito. Hindi kami nakapag-grocery nitong nakaraan dahil ilang araw din ang nilagi namin sa resort. Sakto naman na walang pasok si Kheious ngayon kaya sinamantala na namin na makapamili. Umuwi rin naman kami kaagad pagkatapos dahil marami pang gagawin.Balik trabaho na bukas kaya sinulit na namin ang araw na iyon. Gumawa kami ng hand paint naming tatlo tapos ay nagluto ng meryenda. Simple lang pero naging special dahil sila ang kasama ko. Kheious and I became more open to each other. Magkatuwang kami sa gawaing bahay at sa pag-aalaga kay Khoein."Teka hindi ka ba papasok?" tanong ni Kheious nang makitang hindi pa ako bihis."Masama raw pakiramdam ni Khoein. Dito na lang muna ako para may mag-aalaga sa kaniya. Hindi ko rin kayang iwan eh."Napuno ng

  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 35

    Chapter 35"B-Balik na muna ako sa loob. Baka hinahanap na ako ni Khoein." Naglakad na ako pabalik sa hotel upang makaiwas.Ano bang sinasabi niya na mahal niya pa rin ako? Minadali ko ang bawat hakbang. Akala ko makakalayo ako sa kaniya, pero ang gago sinundan pala ako. Pasara na ang elevator nang may kamay na biglang humarang doon."What are you doing here?" iritable kong tanong sa pumasok."We will talk," he replied coldly."Really, Kheious, in front of them?""What's wrong with that?""Hindi ka ba nag-iisip? Sinabi mo sa harap nilang lahat na mahal mo pa rin ako. Alam mo naman na bawal kang mag-girlfriend, 'di ba?""Pero hindi bawal sa amin ang magmahal. Mga tao lang din kami, Anaia."Natahimik ako sa sinabi niya. Bumukas ang pinto ng elevator at nagpatiuna na siya sa paglabas."Ano bang gusto mong mangyari, huh?" tanong ko sa lalakeng naglalakad nang nakasuksok ang mga kamay sa bulsa. Huminto siya sa tapat ng isang pinto at sinamantala ko naman ang pagkakataon na iyon upang pumwe

  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 34

    Chapter 34Mabilis kaming napakalas sa isa't isa nang dumating ang mga kaibigan ni Kheious."Anaia, hiramin muna namin ah.""S-Sige." Ngumiti ako."Tara na, dre, Mayang gabi n'yo na lang ituloy iyan."Gosh! Nakita ba nila? Nang umalis sila ay umahon na rin ako dahil medyo nilalamig na rin. Dumiretso ako sa hotel room namin upang magbihis. Hanggang doon ay isip-isip ko ang ginawa niya-- kung bakit niya ako hinalikan. Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko si Syn na nakaupo sa kama at palinga-linga sa paligid."Talagang twin bed?""Oo, kay Kheious tapos sa amin ng anak ko.""Ang weird n'yo. Pwede naman kayong magsama sa iisang kama ah.""Masikip na.""Aba edi dito mo sa kabilang kama ihiga anak mo.""Uunahin ko pa ba siya kaysa sa anak namin? D'yan siya."Kinuha ko ang blower at tinuyo ang buhok ko gamit iyon. "Ah basta ako hindi naniniwala na hindi kayo magtatabi mamaya.""Bahala ka. Teka, si Khoein pala?""Nabihisan ko na. Nandoon sa labas kasama ang daddy niya. Nag-iihaw sila ng barb

  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 33

    Chapter 33Nahihiya akong pumasok sa loob ng kotse niya. Sobrang tahimik ng aming naging byahe. Ibinaling ko na lang ang atensyon sa view sa labas ng bintana upang hindi ko masyadong maramdaman ang awkward na atmosphere sa paligid."Dadaan tayo sa drive thru for Khoein. Ikaw na ang mag-order," basag nito sa katahimikan."Sige," tugon ko nang hindi siya nililingon.Naipit kami sa traffic kaya naman mas tumagal tuloy ang aming naging byahe. Nangawit na ang leeg ko sa paglingon sa bintana kaya naman tumuwid na ako ng upo. Saktong andar naman ng sinasakyan namin dahil umusad na ang sasakyan na nasa unahan.Nilingon ko ang lalakeng nagmamaneneho sa tabi ko. Hindi ko itatanggi na mas gumwapo siya ngayon. He looked hotter and more attractive from this angle too because of his perfect jawline. Nakita kong binasa nito ang labi kasabay ng pagpihit sa manibela that made the veins in his hand and arm more visible.Wala sa sarili ko siyang tinitigan kasabay ng pagragasa ng mga alaala. Iyong mga mo

  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 32

    Chapter 32Natulala ako matapos niyang halikan kaya naman hindi ako agad na nakasagot."Uhm..." Ramdam na ramdam ko ang awkwardness sa pagitan namin. "B-Bibihisan ko pa pala si Khoein."Nilampasan ko na siya at tinungo ang anak namin. Sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang nalaman na ganoon na pala ang paraan ng panggagamot ng paso sa dila. Hindi ko itatanggi na hindi ko iyon nagustuhan. Pero bakit ba niya ginawa iyon?"Mommy, are you okay?""Uhm, yes, baby.""Okay. Try mo 'to, Mommy." Inabot nito sa akin ang isa pang sasakyan.Nakipaglaro lang ako sa anak ko nang sa ganoon ay malihis ang isipin ko, ngunit pansamantala lang iyon dahil tinawag din kami ni Kheious sa kusina. Malamig na raw kasi ang cookies. Pumunta na kami ni Khoein doon upang kumain. Nang sumapit ang gabi ay sa iisang kama lamang kami natulog na para bang isang pamilya. Pero pamilya naman talaga kami, hindi ba?"Iba yata glow mo ngayon," sabi ni Syn na kaharap ko sa lamesa ngayon.Kababalik niya lang at nagpasundo siya s

  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 31

    Chapter 31"Kheious..."Ilang minuto na ang nakalipas ngunit ngayon lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita. "Hmm?" tugon nito habang nakasubsob pa rin sa balikat ko."U-Uuwi kami."Pinihit niya ako paharap at mabilis na kinulong ang mukha ko sa kaniyang mga palad."Please?" pakiusap nito habang nakatitig sa akin ang nangungusap niyang mga mata.Sa huli ay pumayag ako na roon matulog. Hindi ko alam kung dahil naaawa ako sa kaniya o dahil marupok lang talaga ako at gusto lang din siyang makasama. Isa lang ang natitiyak ko, pinili ko ito kasi ito ang gusto ng puso ko. Dumistansya ako sa kaniya at sinubukang ibalik ang atensyon sa ginagawa. Sakto naman na may tumawag sa kaniya kaya nalihis din sa akin ang atensyon niya."Mommy." Lumapit sa akin ang anak kong kagigising.Inaantok nitong kinusot ang mata at tiningnan ang ginagawa ko."Mommy, is that a coffee?""Yes, baby. Do you want some?" He nodded his head, still sleepy. "Pero bawal pa sa 'yo coffee eh. Gusto mo ipagtimpla

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status