"Have a great day, ma'am!" Naka-ngiting sambit ko matapos kong ibigay ang order ng customer.
Bigla naman akong nakaramdam ng hilo kaya naman humanap muna ako ng mauupuan upang doon umupo."Calli, are you okay? Bakit parang namumutla ka?" Lina asked."I'm okay, don't worry..." usal ko."Are you sure?" Tumango ako. "Sige, magpahinga ka muna riyan." Tinanguan ko ulit siya bago siya umalis sa harapan ko.Nakapikit kong hinihilot ang sintido ko at bigla na lang akong napatakip ng bibig ko nang maramdaman kong nasusuka ako. Dali-dali naman akong tumakbo papuntang cr upang doon sumuka.Matapos akong maghilamos ay napatingin ako sa repleksiyon ko sa salamin habang inaalala kung kailan ang huling dalaw ko."Magto-two weeks na akong hindi dinadatnan," agad akong natigil nang may ma-realize.Hindi kaya... no, isang beses lang namin ginawa 'yon kaya imposible. Imposible itong iniisip ko."Calli, ano'ng ginagawa mo riyan? Kanina ka pa namin hinahanap." Ani Lina."L-Lina..." tawag ko rito, nag 'hmm' naman siya.Huminga muna ako nang malalim bago mag salita."Posible bang may mabuo kahit na isang beses lang ginawa?" Tanong ko sa kaniya ngunit parang hindi niya yata na-gets."Ha? Hindi ko gets 'te." Hays, sabi na eh."Kapag nag-sex kayo nang isang beses lang, posible bang may mabuo?" Ulit na tanong ko."Posible 'yon kung pinutok niya sa loob." Natigilan naman ako sa sinabi niya."Bakit mo na— oh my gosh! Don't tell me..." dahan-dahan naman akong tumango. "Gaga ka! Kailan kayo nag-ano?" Pasigaw na bulong niya."Noong birthday niya," sagot ko."Loka-loka ka talaga, sarili mo ginawa mong pang regalo sa kaniya?" Kahit na nag-aalangan ay nagawa ko pa ring tumango."What should I do?" Natatakot akong sabihin sa kaniya dahil baka hindi niya tanggapin."Samahan kita mamaya bumili ng PT para sure kung may laman nga talaga 'yang tiyan mo." Tumango na lang ako at napahawak sa flat kong tiyan.At nang matapos kaming makapag-ayos ng gamit namin ay sabay kaming lumabas saka agad na pumara ng taxi.Bumaba kami sa tapat ng store upang bumili ng PT. Dalawa ang binili ko para sigurado."Salamat po," sabi ko at pagkatapos ay hinila ko na palabas si Lina.Since malapit na lang dito 'yong apartment namin ay nagpasya na lang kaming lakarin 'yon kaysa mag pamasahe na naman.Pagpasok na pagpasok ko pa lang ay agad na akong dumiretso papuntang banyo.Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko nang makitang may dalawang guhit ang hawak kong dalawang PT."What's the result?" Tanong ni Lina nang makita niya akong lumabas ng cr.Dahan-dahan kong tinaas ang hawak kong PT at napatakip siya ng kaniyang bibig nang makitang positive ito."Lina..." naiiyak na tawag ko sa kaniya."Sasabihin mo ba sa kaniya?" She asked."I... I d-don't know, Lina..." umiiling na sabi ko at tuluyan nang umiyak."I'm scared..." umiiyak na saad ko, "Natatakot akong sabihin sa kaniya baka hindi niya tanggapin." Hinagod-hagod naman niya ang likod ko."Shh... huwag kang mag-isip nang ganiyan, malay mo tanggap pala niya." Hindi na lang ako sumagot sa sinabi niya.Sana nga...~~~"Xzav, can we talk?" Tanong ko sa kausap ko sa kabilang linya.["We're already talking, Hon."] He replied."Y-Yeah, but can we talk in person?" Pumayag ka, please...["Okay, when?"] Napahinga ako nang maluwag nang pumayag siya."If you're not busy."["Okay, mauna ka na sa condo ko then I'll text you if tapos na ang meeting."] Saad niya."Okay, I love you..."["Hmm... I love you."] Napangiti naman ako at nabawasan nang kaunti ang kaba sa dibdib ko.Nagpaalam muna ako kay Lina bago lumabas ng apartment at agad ng pumara ng taxi. Nagbayad na ako nang marating ko na ang condominium ni Xzavier.Pumasok na ako sa loob at sumakay na ng elevator saka pinindot na ang number ng floor kung saan ang unit ni Xzav.Ilang saglit pa ay bumukas na ang elevator kaya naman lumakad na ako papunta sa unit niya at binuksan na ito. Kahit na ilang beses na akong nakapunta rito sa unit niya hindi ko pa rin maiwasan ang mamangha dahil sobrang linis nito.Habang inililibot ko ang tingin ko ay hindi ko sinasadyang mapatingin sa kuwarto niya. Bigla namang nag flashback sa utak ko 'yong gabing 'yon. Gabi kung saan naisuko ko ang aking pinaka-iniingatan."Hey..." nabalik ako sa ulirat nang halikan ako ni Xzavier sa labi.Sa lalim ng iniisip ko ay hindi na napansin na narito na pala siya."Bakit hindi mo ako tinext?" Tanong ko sa kaniya."Bakit kaya hindi mo i-check 'yong phone mo, naka-ilang text ako sa 'yo pero ni-isang reply ay wala akong nakuha." Agad ko namang kinuha ang phone ko at nakita kong may ilang text doon."Oh... I'm sorry," paumanhin ko."Kumain ka na?" He asked, umiling naman ako. "I bought food for us, let's eat." Iginiya niya ako papuntang kusina."Ahmm... Hon, I have something to tell you..." pag-umpisa ko."Hon, puwedeng kumain muna tayo? Mamaya na muna 'yan, okay?" Tumango na lang ako at kumain na lang.Matapos kaming kumain ay siya na ang nagprisintang maghuhugas ng pinggan kaya naman pumunta na lang ako sa sala at nanood na lang muna.At matapos ang ilang saglit ay naramdaman kong tumabi na sa akin si Xzavier at niyakap ako."I miss you," bulong nito saka hinalik-halikan ang leeg ko."H-Hon, iyong sasabihin ko sa 'yo," nahinto naman siya sa ginagawa niya."What is it?" Tanong nito habang diretsong nakatingin sa mga mata ko."Remember the night that we did that thing?" Panimula ko."Yes, dahil iyon ang pinaka-magandang regalong natanggap ko mula sa 'yo." Masayang usal niya."Xzav, may nabuo..." unti-unti namang nawala ang ngiti sa mga labi niya."What? Prank ba 'to?" Nagsimula nang manubig ang mata ko."No, Xzav. Buntis ako at ikaw ang ama." Pagkasabi ko noon ay bigla siya lumayo na para bang may nakakahawa akong sakit."No, it can't be." Umiiling na sabi niya. "Hindi sa ayaw ko sa bata pero Elara...""Pero ano?""Hindi pa tayo tapos sa pag-aaral at ayokong ma-disappoint si mommy. Marami pa akong pangarap na gusto kong matupad!" Sagot niya."Ako rin naman eh, marami rin akong pangarap na gustong matupad pero ano pa ang magagawa ko eh nandito na ito eh." Umiiyak sa usal ko."Edi ipalaglag mo!" Umawang ang bibig ko sa sinabi niya."Xzav, naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Do you think na kaya kong pumatay ng batang wala pang kamuwang-muwang?!" Sigaw ko. "Kung ayaw mo sa dinadala ko, puwes bubuhayin ko ito nang wala ang tulong mo." Sabi ko sabay talikod sa kaniya.Narinig ko pa ang pag tawag niya sa akin ngunit hindi na ako nag-atubiling lingunin pa siya.Why Xzav? Mahal na mahal kita pero bakit ganito? Sa 'yo nanggaling ito pero tinanggihan mo. At worst, gusto mo pang ipalaglag.~~~"Sure ka na ba sa desisyon mo?" Tanong ni Lina habang tinutulungan akong mag-impake.Plano kong umuwi kay mama sa probinsya upang doon ituloy itong pagbubuntis ko. Nasabi ko naman na sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko at tanggap naman niya. Mabuti pa siya at tanggap itong dinadala ko."Sa tingin ko kasi mas okay kung sa probinsya muna ako." Sagot ko kay Lina."O'sige, basta don't forget na kunin akong ninang ha? Magtatampo talaga ako sa 'yo kapag kinalimutan mo ako." Natawa naman ako."Sa tingin mo ba makakalimutan ko ang isang tulad mo?" ani ko. "Mag-iingat ka rito at kung p'wede huwag mo muna ipagsasabi itong balak kong uuwi ng probinsya lalong-lalo na kay Xzavier." Sabi ko."Promise! Wala akong pagsasabihan!" Nginitian ko na lang siya at niyakap nang mahigpit.Matapos akong mag-impake ay hinatid na ako ni Lina sa terminal ng bus."Mag-iingat ka sa biyahe ah?" Tinanguan ko na lang siya bago sumakay ng bus.Kumaway na lang ako sa kaniya nang umandar na ang bus na sinasakyan ko. Bumuntong-hininga ako at hinawakan ang tiyan ko.Anak, lalayo muna tayo ha? Sorry kung hindi mo muna makikilala ang papa mo."Ainsley, paki-gising na nga ang kapatid mo at kakain na tayo." Utos ko sa kaniya na agad din naman niyang sinunod.Kambal ang naging anak ko at iyon ay sina Ainsley at Aislinn. Hindi na ako nagtaka dahil may lahing kambal ang side ni papa. Nasabi rin sa akin si mama na may kakambal din sana ako kaso nagkaroon ng komplikasyon ang puso niya dahilan upang bawian siya ng buhay."Mama, pupunta po ba ulit kami kay mama-lola?" Tanong ng munti kong si Aislinn."Opo, kasi need mag-work ni mama para may pang bili tayo ng mga toys niyo." Paliwanag ko sa kaniya.Limang taong gulang na sila pero hindi ko pa sila pinag-aral. Ang plano ko kasi ay pagtuntong nila ng pitong taon ay ipapasok ko na sila sa first grade kaya naman tuwing uuwi kami ng bahay ay tinuturuan ko na silang magbasa at magsulat. Matapos kaming kumain ay pinaligo ko na sila habang ako naman ay maghuhugas ng pinagkainan namin."Ma, we're ready na po!" Sabay na sabi nila habang suot ang cute na pink dress nila na regalo ng ninang L
Sabado ngayon kaya nandito kami sa karinderya ni mama para tulungan siya. Natutuwa akong makita na aliw na aliw ang mga customer ni mama sa kambal dahil sa pagiging bibo nila."Ganiyan na ganiyan ka rin noong kasing edad mo sila," sambit ni mama sa gilid ko."Kanino pa ba sila magmamana, ma?" I chuckled. "Syempre sa lola," sumimangot naman ako na ikinatawa naman ni mama.Saglit pa kaming nagkulitan ni mama bago bumalik sa kaniya-kaniya naming trabaho. "Ainsley, Aislinn, kain muna kayo." Tawag ko sa kambal. "Mama, ang dami nating customer!" Natutuwang sambit ni Aislinn. "Masisipag kasi ang dalawang anghel ko eh," sabi ko sabay gulo ang buhok nila."Mama, kami na po," inagaw sa akin ni Ainsley ang kutsara saka siya na ang sumubo sa sarili, ganoon din si Aislinn.Ano ba 'yan, naiiyak tuloy ako. Hindi na talaga baby itong mga ito.Pinanood ko lang silang dalawa habang sarap na sarap sa pagkain. Tumayo ako saglit upang kumuha ng tubig nila at baka sila'y mabulunan.Halos sabay silang n
"Elara, wait..."Hindi ko alam kung haharap ba ako o ano. Hindi ko rin kayang maigalaw itong mga paa ko. Pakiramdam ko para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil naningas ako sa kinatatayuan ko."Mama, tawag ka po no'ng guy." Uga ni Aislinn sa braso ko."A-Ah, let's go. B-Baka nagkamali lang siya." ani ko at nagmamadali nang hinila ang kambal.Gulong-gulo ako kung ano ang dapat kong gawin lalo na't nakita niya na kami. Paano ko maitatago ang kambal mula sa kaniya? Imposibleng hindi niya kami mahanap dahil alam kong marami siyang kilalang p'wede niyang mautusan upang hanapin kami.Pagkarating namin sa bahay ay pinapasok ko na ang kambal sa kwarto upang sila'y makapagbihis na. Habang ako naman ay nanginginig ang kamay ko habang dina-dial ang number ni Lina."Hello, Lina..." bungad ko nang sagutin niya ang tawag.["Oh? Bakit parang kinakabahan ka? May nangyari ba?"] Sunod-sunod na tanong nito."He saw us, Lina. What should I do?" Mangiyak-ngiyak kong tanong.["What? How? Tsaka 'di ba
Naka-ilang balikwas ako sa kama dahil hindi pa rin maalis sa isip ko kung paano at saan niya nakuha ang number ko. At saka bakit niya gustong makipag-kita? Tatanungin niya 'yong about sa kambal? No way! Kahit na ano pang sabihin niya, hinding-hindi ako magsasalita about sa kambal.Bumangon muna ako upang uminom ng tubig at pagbalik ko sa kuwarto ay himbing na himbing pa rin ang tulog ng kambal. Tinabihan ko na lang ulit sila at saka pinilit nang matulog.Kinaumagahan, maaga ko silang hinatid kay mama at doon na pinakain."Sigurado ka bang hindi ka na kakain?" Tanong sa akin ni mama.Umiling naman ako. "Doon na lang po ako kakain sa school," sagot ko.Matapos akong makapag-paalam sa kambal ay nagtawag na ako ng tricycle at saka nagpababa sa coffee shop na malapit lang sa school. Maglalakad na lang ako mamaya.Pagpasok ko sa coffee shop ay agad na akong nag-order ng isang espresso at isang cinnamon roll. Humanap na agad ako ng mauupuan nang makuha ko na ang order ko.Tahimik lang akong
Nang matauhan ako ay dali-dali akong pumasok sa loob at mabilis na idinial ang number ni Lina."Lina, pick up the phone..." bulong ko sa sarili. ["Hello? Napatawag ka?"] Nakahinga ako nang maluwag nang sagutin na niya ang tawag."Lina, alam na ni Xzavier kung saan kami nakatira ng kambal." Saad ko.["What? P-Paano? Kasama mo ba ang kambal?"] Sunod-sunod na tanong niya. "I-I don't know how. Iyong kambal, naroon sila kay mama ngayon."["Good to hear that."]"Kailangan namin ng bahay na malilipatan dahil alam kong babalik at babalik dito si Xzavier."["Don't worry, may alam akong bahay na malilipatan niyo. I'll text you the address na lang,"]"Tsaka Lina, natatakot ako na baka malaman niya na hindi totoo 'yong sinabi ko sa kaniya." Usal ko.["Ano bang sinabi mo sa kaniya?"]"Sinabi ko na hindi sa kaniya 'yong kambal," sagot ko, narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya.["What if sabihin mo na sa kaniya 'yong totoo? Pinapahirapan mo lang ang sarili mo eh, tsaka hindi ka ba naaawa sa
Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin at nagpaalam nang magluluto na ng kakainin namin. Naghintay na lamang ako sa sala habang hinihintay siyang matapos magluto.At matapos ang ilang minuto ay tinawag niya na ako mula sa kusina."Let's eat, the food is ready." He said then smiled at me.Tahimik lang akong kumakain dahil wala naman akong sasabihin. While him, tingin nang tingin sa akin na para bang may kung ano sa mukha ko."May sasabihin ka ba?" I asked.He shook his head. "None, na-aamaze lang ako sa kagandahan mo," nasamid naman ako sa sinabi niya. What the heck?Natatawa naman niya akong inabutan ng tubig. Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman tumigil siya sa pagtawa."May picture ka ba ng kambal?" Tanong nito, tumango naman ako. "Yeah, sobrang dami," sagot ko. "Ipakita ko sa 'yo mamaya after nating kumain. " I added."May extra akong toothbrush doon sa banyo, iyon na lang ang gamitin mo." Saad niya, tumango na lang ako at saka ngitian muna siya bago tumungo sa banyo.He said
Since sabado ngayon, narito ulit kami sa karinderya ni mama para tulungan siya. Kasama ko ang kambal sa pagkuha at paghatid ng order ng mga customer."Tawagin mo na muna ang kambal at kumain muna kayo." Sabi ni mama kaya naman tinawag ko na muna 'yong kambal.Wala pa naman masyadong customer dahil alas diyes pa lang. Ganitong oras kami kumakain dahil pagpatak ng alas onse ay sunod-sunod na ang pagdating ng mga customer. "Mama," pagtawag sa akin ni Aislinn."Ano 'yon, anak?"Umiling naman siya. "Wala po pala," usal niya bago mag patuloy sa pagkain."Tell her na, Aislinn." Wika ni Ainsley sa kapatid."Ikaw na kasi magsabi, nahihiya ako eh," natawa naman ako sa binulong ni Aislinn kay Ainsley."Bakit ka naman nahihiya?" Balik namang bulong ni Ainsley. "Ano ba kasi 'yong sasabihin niyo?" Napunta naman sa akin ang tingin nila."P'wede po ba nating isama si papa bukas mag simba?" Sabay na tanong nila."P'wede naman but we need to ask him muna kung gusto ba niyang sumama,""I'm sure papaya
Ilang araw na ang lumipas simula noong makilala ng kambal ang papa nila. Matapos noong linggong iyon ay naging busy si Xzavier dahil inumpisahan na nila 'yong paggawa ng hotel. Sa pagkaka-alam ko ay sobrang laki raw ng hotel na iyon kaya sigurado akong aabutin ng ilang buwan 'yon bago matapos.Pero kahit na sobrang busy niya ay nagagawa pa rin niyang sumamang magsimba. Naging hobby na namin iyong apat. At habang tumatagal din ay unti-unti nang nasasanay si Aislinn sa presensya ni Xzavier. Kung dati ay tumitingin pa siya sa akin para sabihan na lapitan niya si Xzav, ngayon naman ay kusa na siyang tumatakbo upang lapitan ang papa niya.Natutuwa akong makita silang masaya kapag kasama nila ang papa nila.["Eh kayo ni Xzavier, okay na kayo?"] Tanong ni Lina mula sa kabilang linya."Oo naman, okay na kami." Sagot ko.["So, may chance?"] Kumunot naman ang noo ko."Chance?" Takang tanong ko.She sighed. ["Na maging kayo ulit, duh!"]"Mukhang malabong mangyari 'yan." Sabi ko.["Hindi mo sure,
"Xzav!" Itinigil ko muna ang ginagawa ko nang marinig ko ang tawag sa akin ni Elara."Yes, hon? Do you need something?" Tanong ko rito nang nakangiti."I want avocado.." she said while pouting. Fvck, she's so freaking cute!"Wala na tayong avocado eh," sabi ko. "Bili ka," parang batang tugon niya."Okay, you want to come?" I asked."Ayaw." Iling niya. "Isama mo na lang 'yong kambal kung gusto nila." She added. Tumango ako at hinalikan muna ang kaniyang noo bago magpaalam na magbibihis muna. She's six months pregnant at tatlong na buwan na lang ay ka-buwanan niya na."Twins, sama kayo?" Tanong ko sa dalawa kaya naman nahinto sila sa paglalaro sa IPad nila."Where po?" Ainsley asked."Mall." Mabilis naman silang bumaba ng kama."Yes po, sama kami!" Sabay na sabi nila."Let's go." Hindi ko na sila pinagbihis dahil mabilis lang naman kami."Hindi po sasama sa atin si mama?" Tanong ni Aislinn nang makasakay kami sa sasakyan."Nah. Ayaw niyang sumama eh." I answered.Nang makarating kami
This is the first time na ipapakilala ko si Elara kay mommy kaya kinabahan ako."Xzav, I'm nervous.." napatingin ako kay Elara at saka hinawakan ang kamay nito."Don't be, I'm with you kaya 'wag kang kabahan." Ngumiti siya pero halata namang pilit iyon.Lihim na lang akong ngumiti saka inaya na sila sa loob. Nang malaman namin ang kuwarto ni mommy ay agad na namin itong pinuntahan.'Yong kabang nararamdaman ko kanina ay bigla na lang naglaho nang makitang maayos ang pagsalubong ni mommy kina Elara.Nang mailabas namin si mommy ay kami na rin ang naghatid sa kaniya sa bahay niya. Habang pinagmamasdan kong nag-iikot-ikot si Elara sa kuwarto ay bigla na lang nag-ring ang telepono ko."Yes?" Sagot ko sa tawag.["Gusto raw po kayong maka-usap ni Engineer Santos tungkol sa susunod niyo project."] Sagot niya."Papunta na ako." Iniwan ko muna sina Elara kasama si Mommy. At nang makarating ako sa site ay agad kong tinungo ang office ni Wiliam."Gusto mo raw akong maka-usap?" Tanong ko sa kani
Xzavier's POVNoong una, hindi ako naniniwala sa pagmamahal. Dahil saksi ako sa nangyari sa mga magulang ko. Bata pa lang ako palagi ko na silang naririnig na nagsisigawan. Araw man o gabi, wala silang pinapalampas.Hanggang sa makatungtong na ako ng highschool, ganoon pa rin ang nangyayari sa kanila. Pero mas malala na ngayon dahil madalas kong nakikita si Dad na pinagbubuhatan ng kamay si mommy. I know masamang mangialam sa away nila pero sobra na eh, hindi na tama 'yong ganito. Ilang beses kong sinasabihan si mommy na hiwalayan na niya si Dad dahil hindi na maganda itong pagsasama nila. Masyado ng toxic. Pero ang palaging sagot niya sa akin ay hindi niya raw kayang mawala si Dad. Wala naman na akong magawa kundi ang hayaan na lang siya. Habang tumatagal ay palala nang palala ang away nila. Umabot na sa puntong tinutukan ni Dad si mommy ng baril. Matinding takot ang naramdaman ko noon kaya hindi ko nagawang protektahan at ipagtanggol si mommy.Hanggang sa napagdesisyonan na ni Dad
"Ang ganda mo naman, Calli, parang ikaw na yata 'yong ikakasal ah?" Inirapan ko na lang si Lina at pinagtuonan na lang ng pansin ang pag-aayos sa suot kong dress.Ngayong araw na ang sukatan ng dress kaya naman maaga pa lang ay narito na kami sa shop ni Ate Elaine dahil siya ang designer ng gown ni Lina at dress ng mga abay."Kailan niyo nga pala balak ikasal noong partner mo?" Tanong sa akin ni Ate Elaine. "Hindi pa po namin napag-uusapan ni Xzavier eh," sagot ko. "Don't worry, ate, ikaw agad ang tatawagan ko kapag may date na 'yong kasal namin." Dagdag ko pa."Sure 'yan ha?" Tumango naman ako."Calli, 'yong sundo nandiyan na sa labas." Sabay naman kaming napalingon ni Ate Elaine sa labas.At naroon na nga sa labas sina Xzavier at ang kambal."Anak niyo ba 'yong dalawang cute na batang 'yon?" Tanong ni Ate habang nakatingin sa kambal."Yes, ate." Sagot ko naman."Ang gaganda naman nila! No wonder na kayo talaga ang magulang nila." Aniya. Natawa na lang ako sa sinabi niya."Go, chang
Kinaumagahan, nauna akong nagising kaya naman malaya kong pinagmasdan ang maamong mukha ni Xzavier. Ang amo 'pag tulog pero halimaw 'pag gising lalo na kapag alam mo na. Napa-ayos naman ako ng higa nang maramdaman kong gumalaw siya."Good morning." Nakangiting bati ko sa kaniya. Mahina akong natawa nang makita nagulat siya noong makita ako."E-Elara? Y-You're here? For real?" Sunod-sunod na tanong niya."Oo nga," natatawang sagot ko.Napabalikwas naman siya at mabilis na yumakap sa baywang ko."I thought... I thought it was a dream," sabi niya.Nataranta naman ako nang marinig kong sumisinghot siya. Wait, umiiyak siya?"Woy, bakit ka umiiyak? Ayaw mo ba na nandito ako?" Parang bata naman siyang umiling. "Then, why are you crying?" Tanong ko.Humiwalay siya sa akin at saka mabilis niyang tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang kamay niya."Hindi lang ako makapaniwala na bumalik ka, na nandito ka na." Sagot niya. "Hindi mo alam kung gaano ako nagsisi noong malaman ko ang totoo, Elara. La
Matapos ang ilang oras na biyahe sa himpapawid ay sa wakas nakarating na rin kami ng Pilipinas. Ginising ko na ang kambal nang makalapag na ang eroplanong sinasakyan namin.Pagka-baba namin ay tinext ko na si Lina na naka-land na 'yong eroplanong sinakyan namin. Nang mabasa ko 'yong reply niya at lumakad na kami palabas dahil naroon na raw sina Lina at Evan."Ninang Lina!" Tumakbo agad sina Ainsley palapit kay Lina nang makita nila ito."Hi, hello, mga bebe ko! Na-miss niyo ba ang ninang?" Dinig kong tanong niya sa mga ito."Super miss po!" Tugon naman ni Ainsley. Ginulo na lang niya ang buhok nila bago bumaling sa akin. "Kumusta naman ang buhay Australia?" Ani nito."Ayos lang naman," sagot ko naman."May nang-aano ba sa 'yo ro'n?" Bulong niya sa akin.Nagtaka naman ako. "Anong nang-aano?" "May Australian bang umaaligid sa 'yo roon?" Bigla na lang ako natawa nang maalala 'yong ginawa ng kambal. "Lah? Anong nangyari sa 'yo?" Umiling na lang ako saka kinewento 'yong nangyari dati n
Sa pagdaan ng mga araw ay maraming masasayang nangyari sa amin ng kambal. Katatapos lamang ng kanilang graduation noong nakaraang araw at parehas silang nasa top. Sobrang proud ako sa kanila kasi kahit na sa murang edad pa lang sila ay ang dami na nilang nakukuhang achievements.Next month na rin pala 'yong kasal ni Lina at may nahanap na rin si tita ng katulong niya sa shop. Maayos na rin 'yong flight namin next next week kaya wala na kaming poproblemahin pa."I'm so excited na, Linn!" Impit na sigaw ni Ainsley. "Me too! Super miss ko na sa Philippines eh." Segundo naman ni Aislinn. Napangiti naman ako sa kanilang dalawa habang gumagawa ako ng sandwich na meryenda nila. I'm sure hindi lang ang Pilipinas ang miss nila."Here's your sandwich na." Sabi ko sabay lapag ng pinggan sa harapan nila.Matamis naman silang ngumiti. "Thank you, mama!" Sabay nilang saad bago lantakan ang sandwich nila.Iniwan ko muna sila roon sa kusina at pumunta muna sa kuwarto. At saktong pagpasok ko ay naki
Two years later"Mama! Look, I got so many stars!" Tuwang-tuwang pinakita sa akin ni Ainsley ang braso niyang punong-puno ng stars na nakuha niya."Wow, good job! How about your sister?" Baling ko naman kay Aislinn na nasa likuran ni Ainsley. "She got stars too! Linn, show your stars to mama." Utos nito sa kapatid. Dahan-dahan namang lumapit sa akin si Aislinn at pinakita na rin sa akin ang brasong niyang punong-puno rin ng stars."Very good naman ang mga baby ko!" I said sabay pisil ng kanilang pisngi."Mama, we're not baby anymore!" Nakakunot ang noo'ng utas ni Ainsley. "Okay, okay. My angels na lang," ani ko."Punta na po kami sa kuwarto namin," ani Ainsley sabay halik sa akin. Ganoon din ang ginawa ni Aislinn. "Let's go, Linn. Let's do our homework na." Saad nito sa kapatid.Habang tumatagal ay napapansin kong mas lalong nagiging mahiyain si Aislinn. Simula noong dito na kami sa Australia tumira."Elara, are you okay? What's bothering you?" Nahinto ako sa iniisip ko nang magsa
Isang araw na ang lumipas simula noong maka-uwi kami. At sa loob ng isang araw na iyon ay wala man lang akong natanggap na text or tawag galing kay Xzavier. Pero hindi ko na inintindi 'yon.Marami na kaming ginagawa ngayon dahil last night na ni mama bukas. Ngayon na rin ang uwi noong panganay nilang kapatid na galing pang ibang bansa."Elara, ako na muna ang magbabantay sa mama mo, kumain ka na roon." Nilingon ko si tita."Iyong kambal po? Kumain na po ba sila?" Tanong ko, tumango naman siya."Kasabay nilang kumain sina Arnold at Lina kanina," sagot niya.Tipid naman akong napangiti. "Sige po, kayo na po muna ang bahala rito." Tumayo na ako at tumungo na sa kusina para kumain.Kaunti lang ang kinain ko dahil hindi naman ako gaanong gutom. "Mama!" Hingal na hingal na lumapit sa akin si Ainsley.Lumuhod ako upang magpantay kami at pinunasan ang pawis sa noo niya."Ano ba'ng ginawa mo at pawis na pawis ka?" Tanong ko rito."P'wede po kami sumama kay Tito Arnold?" Paalam niya at hindi