Sabado ngayon kaya nandito kami sa karinderya ni mama para tulungan siya. Natutuwa akong makita na aliw na aliw ang mga customer ni mama sa kambal dahil sa pagiging bibo nila.
"Ganiyan na ganiyan ka rin noong kasing edad mo sila," sambit ni mama sa gilid ko.
"Kanino pa ba sila magmamana, ma?" I chuckled.
"Syempre sa lola," sumimangot naman ako na ikinatawa naman ni mama.
Saglit pa kaming nagkulitan ni mama bago bumalik sa kaniya-kaniya naming trabaho.
"Ainsley, Aislinn, kain muna kayo." Tawag ko sa kambal.
"Mama, ang dami nating customer!" Natutuwang sambit ni Aislinn.
"Masisipag kasi ang dalawang anghel ko eh," sabi ko sabay gulo ang buhok nila.
"Mama, kami na po," inagaw sa akin ni Ainsley ang kutsara saka siya na ang sumubo sa sarili, ganoon din si Aislinn.
Ano ba 'yan, naiiyak tuloy ako. Hindi na talaga baby itong mga ito.
Pinanood ko lang silang dalawa habang sarap na sarap sa pagkain. Tumayo ako saglit upang kumuha ng tubig nila at baka sila'y mabulunan.
Halos sabay silang natapos kaya nagpaalam na sila sa akin na babalik na sa trabaho kuno nila. Mga batang 'yon talaga.
Maagang nag sarado si mama dahil ang bilis maubos noong benta niya. Paano naman kasi, dinagsa ba naman itong karinderya ni mama at ang dahilan noon ay ang mga munti kong anghel.
"Sa bahay muna kayo, magluluto ako ng turon para meryenda natin. Ipapahatid ko na lang kayo mamaya kay Arnold." Ani mama.
Matapos kaming magligpit ay nagtawag na ako ng tricycle na sasakyan namin. Tatlo kami ng kambal sa loob at sa labas naman pumwesto si mama.
"Ako na po ang magbabayad, ma." Sabi ko, tumango naman siya at sinimulan ng bitbitin 'yong ilang gamit.
Pagkakuha ko ng sukli ay tinulungan ko na magpasok si mama no'ng ilang gamit.
"Sarap buhay ng kambal, oh," natatawang sambit ni mama habang nakatingin sa kambal na nanonood ng TV habang kumakain ng piatos na binili ko.
"Hay nako, ma, ganiyan iyang dalawang 'yan tuwing uuwi kami. Pero mauutusan mo naman sila kahit na busy sila sa ginagawa nila." Sabi ko.
"Magluluto muna ako, ha?" Tinanguan ko na lang si mama saka tinabihan ang kambal.
Nanood lang kaming tatlo habang hinihintay na matapos si mama sa niluluto niya.
Sabay kaming pumunta sa kusina nang tawagin kami ni mama.
"Wow, turon!" Sabay na usal ng kambal saka dumampot ng tig-isang turon.
Pareho naman kaming natawa ni mama nang sabay nilang binitawan ang turon.
"Ouch, mainit!" D***g ni Ainsley.
"Nasa ibabaw kasi ang kinuha niyo eh, heto hindi na ito gaanong mainit." ani mama saka kumuha sa bandang ilalim at binigay na sa kambal.
"Anak, dahan-dahan naman at baka mabulunan kayo." Natatawang saway ko sa mga ito.
At nang matapos kaming kumain ay tinawag na ni mama si Arnold para maihatid kami.
"Salamat sa paghatid." Pasasalamat ko rito.
"Walang-anuman, ate," tugon niya at bumaling sa kambal. "Bye, kambal, huwag kayong pasaway sa mama niyo ah." anito bago umalis.
Pinag-half bath ko muna ang kambal habang ako naman ay isinalin ko muna sa mangkok ang binili kong lutong ulam kanina.
"Mama, your turn na po," wika ni Aislinn habang nakayakap sa baywang ko.
Umupo naman ako upang magpantay kaming dalawa.
"Ang bango na ng baby ko!" Nanggigigil na sambit ko. "Where's your sister?" Tanong ko.
"Nasa kuwarto pa po," sagot niya.
Tumango naman ako at saka pinapunta na siya sa sala. Hinintay ko munang maluto 'yong kanin bago ako maligo.
Mabilisang ligo ang ginawa ko at pagkatapos ay nagbihis na. Paglabas ko ng kwarto ay nadatnan kong naghahanda na ng mga plato ang kambal.
"Gutom na kayo?" Tanong ko at mahinang natawa.
"Opo, mama." Sabay nilang sagot.
Napailing na lang ako at saka nagsandok na ng kanin.
"Maaga pala kayong matulog ngayon, ha? Maaga tayo bukas." Bilin ko sa dalawa.
"Mama, p'wede po bang manood kami saglit bago matulog?" Tanong ni Aislinn.
"Oh sige, habang naghuhugas ako manood muna kayo then after no'n sabay na tayong matutulog, hmm?" Sabay naman silang nag 'opo'.
Matapos kumain ang kambal ay nagmamadali na silang tumakbo papasok sa cr upang mag-toothbrush at ilang saglit pa ay nagpaunahan na silang maka-upo sa sofa. Muli akong napailing sa kakulitan nilang dalawa.
Pagkatapos kong mahugasan ang pinagkainan namin ay nilinis ko na ang lababo at tapos na. Tinabihan ko ang kambal at biniro sila.
"Let's sleep na," usal ko, natawa na lang ako nang pareho silang magreklamo.
"Mama, isang episode na lang po 'yong pinapanood namin eh," ungot ni Ainsley.
Malakas naman akong tumawa. "Biro lang, tsaka ano ba 'yong pinapanood niyo?" Tanong ko.
"Adventure time po." Sagot naman ni Aislinn.
Natigilan naman ako sa sinagot niya. Iyan din ang gustong-gustong panoorin dati ni Xzavier. Pati ba naman hilig sa cartoons na 'yan eh mamanahin ng kambal.
Nanahimik na lang ako hanggang sa matapos na 'yong pinapanood nila.
"Good night, mama. I love you!" Halik sa akin ng kambal.
"Good night, my angels. Mama loves you too." Sabi ko saka hinalikan ang noo nila.
Kinaumagahan, nauna ako gumising para magluto ng almusal namin. Inayos ko muna ang kumot ng kambal at saka hinalikan ang pisngi nilang dalawa. Mamaya ko na lang sila gigisingin after kong magluto.
Nagsangag ako ng kanin, nagprito ng itlog at hotdog saka nagtimpla ng gatas at kape namin. At matapos kong maihanda lahat ay tumungo na ako sa kuwarto para gisingin ang kambal.
"Wake up, my angels. Breakfast is ready." Gising ko sa kanila.
Pupungas-pungas naman silang humalik sa mag-kabilang pisngi ko at sabay akong grineet ng good morning.
Sabay kaming nagpunta sa kusina at ipinaghila silang dalawa ng upuan.
"Kain na tayo." Sabi ko at sinandukan sila ng pagkain nila.
"Mama, may napaginipan po ako kagabi," mayamayang usal ni Ainsley.
"What is it?" Kunot noo kong tanong.
"Nakita ko raw po si papa," napakurap naman ako.
"A-Ah, ganoon ba? Finish your food na," ani ko.
Nang matapos kaming kumain, pinaligo ko na ang kambal habang naghuhugas naman ako. Nakahanda na 'yong susuotin nila para pagkatapos nilang maligo ay diretso bihis na sila. Naligo na rin ako nang matapos akong maghugas.
"Ang cute niyo naman, pa-kiss nga." Sabi ko nang matapos akong magbihis.
Lumuhod naman ako para mahalikan nila ako.
"You're so gorgeous, mama." Puri ni Aislinn.
"We are gorgeous, love." Nakangiting sabi ko at tinap ang ilong niya.
"Let's go?" Sabay naman silang tumango.
Tig-isa sila ng hawak sa kamay ko nang pumasok kami sa loob ng simbahan. Nakagawian na naming mag simba tuwing linggo.
Hindi naman sila magulo habang nagmimisa hindi tulad noong ibang bata. At nang matapos ang misa ay dumaan muna kami sa bilihan ng kandila para magtirik ng kandila.
"Are you done?" Tanong ko sa dalawa dahil nagtirik din sila ng kandila dahil may gusto raw silang ipag-pray.
"Ano naman 'yong pinag-pray niyo?" Tanong ko sa kanila.
"Pinag-pray ko po na sana makita ko na si papa." Hindi naman ako nakasagot sa sinabi ni Ainsley.
"How about you, Aislinn?" Baling ko naman kay Aislinn.
"Bawal ko pong sabihin eh," sagot niya sabay tumawa nang mahina.
Ginulo ko naman ang buhok niya saka hinawakan na ang kamay nila. Nag-aya silang mag-mall, hindi sana ako papayag kaso ginamitan ako ng charm nitong kambal kaya no choice ako kundi pumayag.
"Baka gusto niyong kumain muna tayo kaysa gumala nang gumala." Natatawang sambit ko sa dalawa.
"Okay po, kain muna tayo." Pag-payag ni Ainsley.
"Mama, doon po tayo!" Turo naman ni Ainsley sa nadaanan naming Jollibee kanina. Hindi naman gaano malayo 'yon kaya bumalik ulit kami.
Pagpasok namin sa loob ay agad na akong humanap ng mauupuan at saka iniwan muna roon ang kambal dahil mago-order ako ng pagkain namin.
Dalawang spaghetti, tatlong nestea, at tatlong Yum burger ang inorder ko para sa amin.
"Heto na, kain na tayo." Sabi ko kaya mabilis nilang nilantakan 'yong spaghetti nila.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta naman kami sa grocery para mamili ng ilang stocks sa bahay.
"Mama, bili tayo no'n." Turo ni Aislinn sa Cadbury.
"Tig-isa lang kayo ni Ainsley, okay?" Tumango naman siya kaya kumuha na ako ng tig-isang Cadbury.
Nang makuha namin lahat ng kailangan namin ay pumunta na kami sa counter para barayan ang kinuha namin.
"Wait for me here, okay? Magbabayad lang si mama nitong mga ito." Bilin ko, sabay silang tumango.
Matapos akong makapag-bayad ay binalikan ko na 'yong kambal kung saan ko sila iniwan kanina.
Biglang kumabog ang dibdib ko nang makitang hindi kasama ni Aislinn si Ainsley.
"Aislinn, where's Ainsley? Hindi ba ang sabi ko na rito lang kayo?" ani ko.
"Nagpaalam po siya na iihi lang po siya pero ang tagal niya po bumalik." Sagot ni Aislinn.
"Come on, let's find your sister." Hinawakan ko ang kamay niya at nagmamadaling nang maglakad.
Halos malibot ko na ang buong mall ngunit hindi ko pa rin mahanap si Ainsley.
"Ainsley, anak, where are you?" Mangiyak-ngiyak kong tanong sa sarili ko.
"Mama, there she is," turo ni Aislinn sa kinaroroonan ni Ainsley ngayon.
Biglang bumigat ang paghinga ko nang makita ko kung sino 'yong taong kaharap niya ngayon.
Lord, bakit naman ang bilis niyong tuparin 'yong hiling ng anak ko? Hindi pa ako handang harapin siya eh.
"Ainsley!" Tawag ni Aislinn sa kaniyang kapatid.
"Mama, 'di ba siya po 'yong nasa TV dati?" Natutuwang sabi ni Ainsley nang makalapit siya sa amin. Lumuhod naman ako upang magpantay kami.
"Anak, huwag mo nang uulitin ito, okay? Sobrang nag-alala ang mama sa 'yo eh," dabi ko rito saka mahigpit siyang niyakap.
"Sorry po, mama." Paghingi nito ng tawad.
"Let's go, uuwi na tayo." Sabi ko ngunit pinigilan ako ni Ainsley.
"Wait po, papaalam po muna ako sa kaniya." aniya saka hinila kami ni Aislinn palapit kay Xzavier.
"Ba-bye po, uuwi na po kami." Usal niya saka kinawayan ito.
Ramdam ko ang tingin niya sa akin ngunit hindi ako naglakas-loob na tingnan siya.
Hinawakan ko na ang kamay ni Ainsley at saka hinila na paalis. Ngunit nahinto ako nang marinig ko siyang mag salita.
"Elara, wait..."
"Elara, wait..."Hindi ko alam kung haharap ba ako o ano. Hindi ko rin kayang maigalaw itong mga paa ko. Pakiramdam ko para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil naningas ako sa kinatatayuan ko."Mama, tawag ka po no'ng guy." Uga ni Aislinn sa braso ko."A-Ah, let's go. B-Baka nagkamali lang siya." ani ko at nagmamadali nang hinila ang kambal.Gulong-gulo ako kung ano ang dapat kong gawin lalo na't nakita niya na kami. Paano ko maitatago ang kambal mula sa kaniya? Imposibleng hindi niya kami mahanap dahil alam kong marami siyang kilalang p'wede niyang mautusan upang hanapin kami.Pagkarating namin sa bahay ay pinapasok ko na ang kambal sa kwarto upang sila'y makapagbihis na. Habang ako naman ay nanginginig ang kamay ko habang dina-dial ang number ni Lina."Hello, Lina..." bungad ko nang sagutin niya ang tawag.["Oh? Bakit parang kinakabahan ka? May nangyari ba?"] Sunod-sunod na tanong nito."He saw us, Lina. What should I do?" Mangiyak-ngiyak kong tanong.["What? How? Tsaka 'di ba
Naka-ilang balikwas ako sa kama dahil hindi pa rin maalis sa isip ko kung paano at saan niya nakuha ang number ko. At saka bakit niya gustong makipag-kita? Tatanungin niya 'yong about sa kambal? No way! Kahit na ano pang sabihin niya, hinding-hindi ako magsasalita about sa kambal.Bumangon muna ako upang uminom ng tubig at pagbalik ko sa kuwarto ay himbing na himbing pa rin ang tulog ng kambal. Tinabihan ko na lang ulit sila at saka pinilit nang matulog.Kinaumagahan, maaga ko silang hinatid kay mama at doon na pinakain."Sigurado ka bang hindi ka na kakain?" Tanong sa akin ni mama.Umiling naman ako. "Doon na lang po ako kakain sa school," sagot ko.Matapos akong makapag-paalam sa kambal ay nagtawag na ako ng tricycle at saka nagpababa sa coffee shop na malapit lang sa school. Maglalakad na lang ako mamaya.Pagpasok ko sa coffee shop ay agad na akong nag-order ng isang espresso at isang cinnamon roll. Humanap na agad ako ng mauupuan nang makuha ko na ang order ko.Tahimik lang akong
Nang matauhan ako ay dali-dali akong pumasok sa loob at mabilis na idinial ang number ni Lina."Lina, pick up the phone..." bulong ko sa sarili. ["Hello? Napatawag ka?"] Nakahinga ako nang maluwag nang sagutin na niya ang tawag."Lina, alam na ni Xzavier kung saan kami nakatira ng kambal." Saad ko.["What? P-Paano? Kasama mo ba ang kambal?"] Sunod-sunod na tanong niya. "I-I don't know how. Iyong kambal, naroon sila kay mama ngayon."["Good to hear that."]"Kailangan namin ng bahay na malilipatan dahil alam kong babalik at babalik dito si Xzavier."["Don't worry, may alam akong bahay na malilipatan niyo. I'll text you the address na lang,"]"Tsaka Lina, natatakot ako na baka malaman niya na hindi totoo 'yong sinabi ko sa kaniya." Usal ko.["Ano bang sinabi mo sa kaniya?"]"Sinabi ko na hindi sa kaniya 'yong kambal," sagot ko, narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya.["What if sabihin mo na sa kaniya 'yong totoo? Pinapahirapan mo lang ang sarili mo eh, tsaka hindi ka ba naaawa sa
Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin at nagpaalam nang magluluto na ng kakainin namin. Naghintay na lamang ako sa sala habang hinihintay siyang matapos magluto.At matapos ang ilang minuto ay tinawag niya na ako mula sa kusina."Let's eat, the food is ready." He said then smiled at me.Tahimik lang akong kumakain dahil wala naman akong sasabihin. While him, tingin nang tingin sa akin na para bang may kung ano sa mukha ko."May sasabihin ka ba?" I asked.He shook his head. "None, na-aamaze lang ako sa kagandahan mo," nasamid naman ako sa sinabi niya. What the heck?Natatawa naman niya akong inabutan ng tubig. Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman tumigil siya sa pagtawa."May picture ka ba ng kambal?" Tanong nito, tumango naman ako. "Yeah, sobrang dami," sagot ko. "Ipakita ko sa 'yo mamaya after nating kumain. " I added."May extra akong toothbrush doon sa banyo, iyon na lang ang gamitin mo." Saad niya, tumango na lang ako at saka ngitian muna siya bago tumungo sa banyo.He said
Since sabado ngayon, narito ulit kami sa karinderya ni mama para tulungan siya. Kasama ko ang kambal sa pagkuha at paghatid ng order ng mga customer."Tawagin mo na muna ang kambal at kumain muna kayo." Sabi ni mama kaya naman tinawag ko na muna 'yong kambal.Wala pa naman masyadong customer dahil alas diyes pa lang. Ganitong oras kami kumakain dahil pagpatak ng alas onse ay sunod-sunod na ang pagdating ng mga customer. "Mama," pagtawag sa akin ni Aislinn."Ano 'yon, anak?"Umiling naman siya. "Wala po pala," usal niya bago mag patuloy sa pagkain."Tell her na, Aislinn." Wika ni Ainsley sa kapatid."Ikaw na kasi magsabi, nahihiya ako eh," natawa naman ako sa binulong ni Aislinn kay Ainsley."Bakit ka naman nahihiya?" Balik namang bulong ni Ainsley. "Ano ba kasi 'yong sasabihin niyo?" Napunta naman sa akin ang tingin nila."P'wede po ba nating isama si papa bukas mag simba?" Sabay na tanong nila."P'wede naman but we need to ask him muna kung gusto ba niyang sumama,""I'm sure papaya
Ilang araw na ang lumipas simula noong makilala ng kambal ang papa nila. Matapos noong linggong iyon ay naging busy si Xzavier dahil inumpisahan na nila 'yong paggawa ng hotel. Sa pagkaka-alam ko ay sobrang laki raw ng hotel na iyon kaya sigurado akong aabutin ng ilang buwan 'yon bago matapos.Pero kahit na sobrang busy niya ay nagagawa pa rin niyang sumamang magsimba. Naging hobby na namin iyong apat. At habang tumatagal din ay unti-unti nang nasasanay si Aislinn sa presensya ni Xzavier. Kung dati ay tumitingin pa siya sa akin para sabihan na lapitan niya si Xzav, ngayon naman ay kusa na siyang tumatakbo upang lapitan ang papa niya.Natutuwa akong makita silang masaya kapag kasama nila ang papa nila.["Eh kayo ni Xzavier, okay na kayo?"] Tanong ni Lina mula sa kabilang linya."Oo naman, okay na kami." Sagot ko.["So, may chance?"] Kumunot naman ang noo ko."Chance?" Takang tanong ko.She sighed. ["Na maging kayo ulit, duh!"]"Mukhang malabong mangyari 'yan." Sabi ko.["Hindi mo sure,
Hinabilin ko muna kay mama ang kambal dahil minsan gabi na ako nakakauwi. Next, next week na kasi ang moving-up kaya busy kaming mga teachers sa pag compute ng grades ngayon.["Mama, hanggang kailan po kami rito kay mama-lola? Miss na po namin ikaw eh,"] bumuntong-hininga naman ako."Hindi ko pa alam eh, miss na rin kayo ng mama," sagot ko.["Miss na rin po namin si papa."] Sabi naman ni Aislinn. Isa rin pala 'yon, last na usap namin noong isang araw pa. Gusto niyang kausapin noon ang kambal kaso nga naroon sila kay mama noon. Nasabi niya rin sa akin na sunod-sunod 'yong mga nangyayari sa site kaya naging busy siya nitong mga nakaraang araw."Gusto niyo bang sumama sa akin bukas sa school?" Tanong ko sa kambal. Wala na rin naman ako masyadong gagawin bukas dahil patapos naman na ako sa ginagawa ko.["Opo, mama, sama po kami!"] Sabay na sagot ng kambal."Oh, sige, pero dapat maaga kayong mag-gayak para kapag dating ko riyan ay diretso alis na tayo." Sabi ko.["Noted po, mama!"]"I lov
Ramdam ko ang sinag ng araw na tumatama sa balat ko. Magmumulat na sana ako ng mata ko nang mag salita si Ainsley. "Papa, can I ask?" Tanong nito."What is it?" Dinig kong tanong naman ni Xzavier. "Do you love mama?" Napantig naman ang tainga ko sa tanong na iyon ni Ainsley.Gusto kong imulat ang mata ko ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Gusto kong marinig 'yong sasabihin ni Xzavier."Yes, I do love her." My lips form into a smile when he said that. "Kahit na matagal kaming nagkalayo ng mama niyo, kailanman ay hindi nagbago itong nararamdaman ko para sa kaniya." He added. "Then why don't you get back together again?" Tanong din ni Aislinn."Gusto kong makipagbalikan sa mama niyo but I don't know if she still love me," malungkot namang sagot niya. 'Yes, I do! I still love you, Xzavier!' Gusto kong sabihin 'yan sa kaniya pero ewan ko ba kung bakit nahihiya ako. Seriously, Elara? Ngayon ka pa mahihiya?"Let's go outside. Hayaan na muna nating matulog ang mama niyo." Aniya at lumabas
"Xzav!" Itinigil ko muna ang ginagawa ko nang marinig ko ang tawag sa akin ni Elara."Yes, hon? Do you need something?" Tanong ko rito nang nakangiti."I want avocado.." she said while pouting. Fvck, she's so freaking cute!"Wala na tayong avocado eh," sabi ko. "Bili ka," parang batang tugon niya."Okay, you want to come?" I asked."Ayaw." Iling niya. "Isama mo na lang 'yong kambal kung gusto nila." She added. Tumango ako at hinalikan muna ang kaniyang noo bago magpaalam na magbibihis muna. She's six months pregnant at tatlong na buwan na lang ay ka-buwanan niya na."Twins, sama kayo?" Tanong ko sa dalawa kaya naman nahinto sila sa paglalaro sa IPad nila."Where po?" Ainsley asked."Mall." Mabilis naman silang bumaba ng kama."Yes po, sama kami!" Sabay na sabi nila."Let's go." Hindi ko na sila pinagbihis dahil mabilis lang naman kami."Hindi po sasama sa atin si mama?" Tanong ni Aislinn nang makasakay kami sa sasakyan."Nah. Ayaw niyang sumama eh." I answered.Nang makarating kami
This is the first time na ipapakilala ko si Elara kay mommy kaya kinabahan ako."Xzav, I'm nervous.." napatingin ako kay Elara at saka hinawakan ang kamay nito."Don't be, I'm with you kaya 'wag kang kabahan." Ngumiti siya pero halata namang pilit iyon.Lihim na lang akong ngumiti saka inaya na sila sa loob. Nang malaman namin ang kuwarto ni mommy ay agad na namin itong pinuntahan.'Yong kabang nararamdaman ko kanina ay bigla na lang naglaho nang makitang maayos ang pagsalubong ni mommy kina Elara.Nang mailabas namin si mommy ay kami na rin ang naghatid sa kaniya sa bahay niya. Habang pinagmamasdan kong nag-iikot-ikot si Elara sa kuwarto ay bigla na lang nag-ring ang telepono ko."Yes?" Sagot ko sa tawag.["Gusto raw po kayong maka-usap ni Engineer Santos tungkol sa susunod niyo project."] Sagot niya."Papunta na ako." Iniwan ko muna sina Elara kasama si Mommy. At nang makarating ako sa site ay agad kong tinungo ang office ni Wiliam."Gusto mo raw akong maka-usap?" Tanong ko sa kani
Xzavier's POVNoong una, hindi ako naniniwala sa pagmamahal. Dahil saksi ako sa nangyari sa mga magulang ko. Bata pa lang ako palagi ko na silang naririnig na nagsisigawan. Araw man o gabi, wala silang pinapalampas.Hanggang sa makatungtong na ako ng highschool, ganoon pa rin ang nangyayari sa kanila. Pero mas malala na ngayon dahil madalas kong nakikita si Dad na pinagbubuhatan ng kamay si mommy. I know masamang mangialam sa away nila pero sobra na eh, hindi na tama 'yong ganito. Ilang beses kong sinasabihan si mommy na hiwalayan na niya si Dad dahil hindi na maganda itong pagsasama nila. Masyado ng toxic. Pero ang palaging sagot niya sa akin ay hindi niya raw kayang mawala si Dad. Wala naman na akong magawa kundi ang hayaan na lang siya. Habang tumatagal ay palala nang palala ang away nila. Umabot na sa puntong tinutukan ni Dad si mommy ng baril. Matinding takot ang naramdaman ko noon kaya hindi ko nagawang protektahan at ipagtanggol si mommy.Hanggang sa napagdesisyonan na ni Dad
"Ang ganda mo naman, Calli, parang ikaw na yata 'yong ikakasal ah?" Inirapan ko na lang si Lina at pinagtuonan na lang ng pansin ang pag-aayos sa suot kong dress.Ngayong araw na ang sukatan ng dress kaya naman maaga pa lang ay narito na kami sa shop ni Ate Elaine dahil siya ang designer ng gown ni Lina at dress ng mga abay."Kailan niyo nga pala balak ikasal noong partner mo?" Tanong sa akin ni Ate Elaine. "Hindi pa po namin napag-uusapan ni Xzavier eh," sagot ko. "Don't worry, ate, ikaw agad ang tatawagan ko kapag may date na 'yong kasal namin." Dagdag ko pa."Sure 'yan ha?" Tumango naman ako."Calli, 'yong sundo nandiyan na sa labas." Sabay naman kaming napalingon ni Ate Elaine sa labas.At naroon na nga sa labas sina Xzavier at ang kambal."Anak niyo ba 'yong dalawang cute na batang 'yon?" Tanong ni Ate habang nakatingin sa kambal."Yes, ate." Sagot ko naman."Ang gaganda naman nila! No wonder na kayo talaga ang magulang nila." Aniya. Natawa na lang ako sa sinabi niya."Go, chang
Kinaumagahan, nauna akong nagising kaya naman malaya kong pinagmasdan ang maamong mukha ni Xzavier. Ang amo 'pag tulog pero halimaw 'pag gising lalo na kapag alam mo na. Napa-ayos naman ako ng higa nang maramdaman kong gumalaw siya."Good morning." Nakangiting bati ko sa kaniya. Mahina akong natawa nang makita nagulat siya noong makita ako."E-Elara? Y-You're here? For real?" Sunod-sunod na tanong niya."Oo nga," natatawang sagot ko.Napabalikwas naman siya at mabilis na yumakap sa baywang ko."I thought... I thought it was a dream," sabi niya.Nataranta naman ako nang marinig kong sumisinghot siya. Wait, umiiyak siya?"Woy, bakit ka umiiyak? Ayaw mo ba na nandito ako?" Parang bata naman siyang umiling. "Then, why are you crying?" Tanong ko.Humiwalay siya sa akin at saka mabilis niyang tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang kamay niya."Hindi lang ako makapaniwala na bumalik ka, na nandito ka na." Sagot niya. "Hindi mo alam kung gaano ako nagsisi noong malaman ko ang totoo, Elara. La
Matapos ang ilang oras na biyahe sa himpapawid ay sa wakas nakarating na rin kami ng Pilipinas. Ginising ko na ang kambal nang makalapag na ang eroplanong sinasakyan namin.Pagka-baba namin ay tinext ko na si Lina na naka-land na 'yong eroplanong sinakyan namin. Nang mabasa ko 'yong reply niya at lumakad na kami palabas dahil naroon na raw sina Lina at Evan."Ninang Lina!" Tumakbo agad sina Ainsley palapit kay Lina nang makita nila ito."Hi, hello, mga bebe ko! Na-miss niyo ba ang ninang?" Dinig kong tanong niya sa mga ito."Super miss po!" Tugon naman ni Ainsley. Ginulo na lang niya ang buhok nila bago bumaling sa akin. "Kumusta naman ang buhay Australia?" Ani nito."Ayos lang naman," sagot ko naman."May nang-aano ba sa 'yo ro'n?" Bulong niya sa akin.Nagtaka naman ako. "Anong nang-aano?" "May Australian bang umaaligid sa 'yo roon?" Bigla na lang ako natawa nang maalala 'yong ginawa ng kambal. "Lah? Anong nangyari sa 'yo?" Umiling na lang ako saka kinewento 'yong nangyari dati n
Sa pagdaan ng mga araw ay maraming masasayang nangyari sa amin ng kambal. Katatapos lamang ng kanilang graduation noong nakaraang araw at parehas silang nasa top. Sobrang proud ako sa kanila kasi kahit na sa murang edad pa lang sila ay ang dami na nilang nakukuhang achievements.Next month na rin pala 'yong kasal ni Lina at may nahanap na rin si tita ng katulong niya sa shop. Maayos na rin 'yong flight namin next next week kaya wala na kaming poproblemahin pa."I'm so excited na, Linn!" Impit na sigaw ni Ainsley. "Me too! Super miss ko na sa Philippines eh." Segundo naman ni Aislinn. Napangiti naman ako sa kanilang dalawa habang gumagawa ako ng sandwich na meryenda nila. I'm sure hindi lang ang Pilipinas ang miss nila."Here's your sandwich na." Sabi ko sabay lapag ng pinggan sa harapan nila.Matamis naman silang ngumiti. "Thank you, mama!" Sabay nilang saad bago lantakan ang sandwich nila.Iniwan ko muna sila roon sa kusina at pumunta muna sa kuwarto. At saktong pagpasok ko ay naki
Two years later"Mama! Look, I got so many stars!" Tuwang-tuwang pinakita sa akin ni Ainsley ang braso niyang punong-puno ng stars na nakuha niya."Wow, good job! How about your sister?" Baling ko naman kay Aislinn na nasa likuran ni Ainsley. "She got stars too! Linn, show your stars to mama." Utos nito sa kapatid. Dahan-dahan namang lumapit sa akin si Aislinn at pinakita na rin sa akin ang brasong niyang punong-puno rin ng stars."Very good naman ang mga baby ko!" I said sabay pisil ng kanilang pisngi."Mama, we're not baby anymore!" Nakakunot ang noo'ng utas ni Ainsley. "Okay, okay. My angels na lang," ani ko."Punta na po kami sa kuwarto namin," ani Ainsley sabay halik sa akin. Ganoon din ang ginawa ni Aislinn. "Let's go, Linn. Let's do our homework na." Saad nito sa kapatid.Habang tumatagal ay napapansin kong mas lalong nagiging mahiyain si Aislinn. Simula noong dito na kami sa Australia tumira."Elara, are you okay? What's bothering you?" Nahinto ako sa iniisip ko nang magsa
Isang araw na ang lumipas simula noong maka-uwi kami. At sa loob ng isang araw na iyon ay wala man lang akong natanggap na text or tawag galing kay Xzavier. Pero hindi ko na inintindi 'yon.Marami na kaming ginagawa ngayon dahil last night na ni mama bukas. Ngayon na rin ang uwi noong panganay nilang kapatid na galing pang ibang bansa."Elara, ako na muna ang magbabantay sa mama mo, kumain ka na roon." Nilingon ko si tita."Iyong kambal po? Kumain na po ba sila?" Tanong ko, tumango naman siya."Kasabay nilang kumain sina Arnold at Lina kanina," sagot niya.Tipid naman akong napangiti. "Sige po, kayo na po muna ang bahala rito." Tumayo na ako at tumungo na sa kusina para kumain.Kaunti lang ang kinain ko dahil hindi naman ako gaanong gutom. "Mama!" Hingal na hingal na lumapit sa akin si Ainsley.Lumuhod ako upang magpantay kami at pinunasan ang pawis sa noo niya."Ano ba'ng ginawa mo at pawis na pawis ka?" Tanong ko rito."P'wede po kami sumama kay Tito Arnold?" Paalam niya at hindi