Share

Chapter 03

Author: Aerunny
last update Last Updated: 2023-02-15 15:04:05

"Elara, wait..."

Hindi ko alam kung haharap ba ako o ano. Hindi ko rin kayang maigalaw itong mga paa ko. Pakiramdam ko para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil naningas ako sa kinatatayuan ko.

"Mama, tawag ka po no'ng guy." Uga ni Aislinn sa braso ko.

"A-Ah, let's go. B-Baka nagkamali lang siya." ani ko at nagmamadali nang hinila ang kambal.

Gulong-gulo ako kung ano ang dapat kong gawin lalo na't nakita niya na kami. Paano ko maitatago ang kambal mula sa kaniya? Imposibleng hindi niya kami mahanap dahil alam kong marami siyang kilalang p'wede niyang mautusan upang hanapin kami.

Pagkarating namin sa bahay ay pinapasok ko na ang kambal sa kwarto upang sila'y makapagbihis na. Habang ako naman ay nanginginig ang kamay ko habang dina-dial ang number ni Lina.

"Hello, Lina..." bungad ko nang sagutin niya ang tawag.

["Oh? Bakit parang kinakabahan ka? May nangyari ba?"] Sunod-sunod na tanong nito.

"He saw us, Lina. What should I do?" Mangiyak-ngiyak kong tanong.

["What? How? Tsaka 'di ba ang sabi ko huwag muna kayong gagala?"] 

"Nag-aya kasi 'yong kambal na mag-mall. Hindi nga sana ako papayag pero alam mo naman ang ugali noong kambal, 'di ba?" Paliwanag ko. Narinig ko naman siyang bumuntong-hininga 

["Mag doble ingat ka na lang ngayon. Basta huwag na ninyong uulitin 'yong kanina, okay?"]

"Oo, sige. Salamat, Lina." Sabi ko at pinatay na ang tawag.

Mariin akong pumikit at kasabay no'n ang malalim na buntong-hininga. Bakit narito na siya agad? I thought next week pa ang start ng project niya dahil iyon ang sinabi niya noon sa interview niya.

"Mama, kilala mo ba 'yong lalaki kanina?" Nahinto ako sa paglagay ng gulay sa refrigerator nang may magsalita sa likuran ko.

"No, anak, I don't know that guy. Baka napagkamalan niya lang ako." I lied.

"But, he knows your name." Bakit ba sobrang talino nitong anak kong 'to?

"Anak, there's so many names like mine." Paliwanag ko rito.

"Mama, nasaan po 'yong chocolate namin?" Tanong ni Ainsley. 

Agad naman akong tumayo upang kunin sa isang paper bag 'yong chocolate nila na binili namin.

"Here, uminom kayo ng tubig after niyong maubos 'yan, okay?" Sabay naman silang tumango at tumakbo na papuntang sala.

Alas onse y medya nang matapos akong magluto ng tanghalian namin. Pinuntahan ko muna ang kambal sa sala habang naglalaro ng barbie nila.

"P'wede bang sumali si mama?" Tanong ko sa kambal. Nabaling naman sa akin ang atensyon nila.

"Sure po, heto po sa 'yo oh," sagot naman ni Ainsley sabay abot sa akin ng isa pang laruan na barbie nila.

Nakipaglaro muna ako sa kanila bago mag-ayang kumain.

"Mama, pupunta po ba tayo kay mama-lola mamaya?" Tanong ni Ainsley.

"Hindi muna, 'nak," sagot ko rito.

Matapos kaming kumain ay gaya ng nakagawian nila ay magpapaunahan silang makapunta sa sala at manonood na.

Pagkatapos ko ring makapag-ayos sa kusina ay pumunta ako sa kuwarto para kunin ang laptop ko dahil gagawa ako ng lesson plan at aaralin pa ang ituturo ko bukas.

"Mama, nagugutom po ako," nakangusong sambit ni Aislinn habang naka hawak sa kaniyang tiyan. 

Mahina naman akong natawa at saka tinigil muna ang ginagawa ko upang gawan siya ng makakain.

"Wait, gagawa muna si mama, okay?" Tumango naman siya. "Ainsley, nagugutom ka rin ba?" Baling ko kay Ainsley na busy sa pagdi-drawing.

"Hmm... opo, gutom po ako," pinag-isipan pa talaga ah.

"Okay, wait niyo si mama, gagawa muna ako ng pagkain niyo." Sabi ko bago tumungo sa kusina. 

Matapos akong magpalaman ng slice bread, nag timpla na rin ako ng juice noong dalawa. At pagkatapos noon ay dinala ko na sa sala.

"Here's your food na." Inilapag ko na sa table 'yong juice at plate na may lamang tinapay.

"How about you, mama? Hindi ka po ba nagugutom?" Tanong ni Ainsley. 

"Later na lang ako, may tatapusin pa ako eh. O'siya, enjoy your food." Tinap ko ang ulo nila bago bumalik sa ginagawa ko.

Hinilot ko ang batok ko pagkatapos kong aralin 'yong lesson ko para bukas. Grabe, halos isa't-kalahating oras yata akong babad sa laptop ko.

Niligpit ko muna 'yong gamit ko bago puntahan ang kambal sa sala. Napangiti ako nang makita silang tulog na tulog sa sofa. 

Bubuhatin ko na sana si Aislinn nang mapansin ko ang drawing ni Ainsley. Dahan-dahan ko itong kinuha at saka mapait na ngumiti.

"Pasensya na kayo kung hindi ko muna ipapakilala ang papa niyo sa inyo." Mahinang sambit ko sa kambal. Magiging selfish muna ang mama.

Nilapag ko na ang drawing saka unang binuhat si Aislinn papunta sa kwarto. At nang maibaba ko siya ay sinunod ko naman si Ainsley. 

Nang akmang bubuhatin ko siya ay nagulat na lang ako nang bigla siyang magsalita. At mas nagulat ako sa sinabi niya.

"Papa, let's play na po!" Pati ba naman sa panaginip?

Umiling na lang ako at dahan-dahan nang binuhat si Ainsley papuntang kuwarto. Hinalikan ko muna sila sa noo bago lumabas ng kwarto.

["Ano na balita?"] Bungad agad ni Lina.

"Si Ainsley, napapadalas na niyang napapanaginipan si Xzav." Sagot ko.

Naalala ko noong isang gabi, naalimpungatan ako dahil sa pag-iyak ni Ainsley. Napanaginipan niya raw si Xzavier na nakikipaglaro raw sa kaniya at mayamaya pa ay bigla na lang daw itong nawala.

["Oh no! Alam na niya mukha ni Xzavier?"] 

"No, malabo raw 'yong mukha niya." Sagot ko.

["Girl, baka oras na talaga para malaman ng kambal kung sino ang papa nila."] Marahas naman akong umiling. 

"Ayoko, Lina. Hangga't kaya ko silang itago, itatago ko sila." Sabi ko.

["Calli, paalala lang ha, huwag mong hihintayin na sa iba malaman ng kambal ang totoo dahil kapag nangyari 'yon ikaw ang kawawa."] Natahimik naman ako sa sinabi niya.

"B-Bahala na, hahanap na lang siguro ako ng magandang tiyempo para sabihin sa kambal."

["Okay, sige. If you need help, just call me, okay? Nandito lang ako palagi para sa inyo ng kambal."] Nagpasalamat na lang ako sa kaniya bago ibaba ang linya.

~~~

Kinabukasan, maaga kong hinatid ang kambal sa karinderya ni mama.

"Ang aga niyo namang pumunta rito? Magbubukas pa lang ako eh," sambit ni mama.

"Iyon nga po ang dahilan eh, tutulungan po namin kayong magbukas." Sabi ko.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ni mama nang matapos kaming mag-ayos ng mga upuan.

"Opo, ma, bago kami pumunta rito ay kumain na kami." Sagot ko naman.

Nag-stay pa ako roon nang ilang saglit bago mag paalam na aalis na.

"Behave ulit kayo kay mama-lola, okay? May pasalubong ulit ang mama sa inyo mamaya." Nag 'yehey' naman sila at sabay akong hinalikan sa pisngi. 

Nagbayad na ako kay manong driver nang maibaba niya ako sa tapat ng school. At nang makapasok ako ay agad din akong binati ni kuyang guard kaya naman binati ko rin siya pabalik. 

"Good morning, Ma'am Lara! May good news ako for you," masiglang salubong sa akin ni Amor.

"Good morning, Ma'am, ano 'yon?" Tanong ko.

"Half day lang daw tayo today dahil may pupuntahan 'yong ibang teachers kasama si Ma'am Principal." Sagot niya.

"Saan naman?" Takang tanong ko, nagkibit-balikat naman siya.

"Hindi ko knows eh,"

Isa lang ang magiging klase ko ngayong araw dahil half day nga raw kami ngayon.

Sa grade 8 ako ngayon kaya kinuha ko na ang ilang gamit ko at nag lakad na papunta sa room ng Hyacinth. 

"Bring out your quiz notebook and answer this activity." Mabilis naman nilang sinagutan 'yong binigay kong activity. 

At matapos ang limang minuto ay isa-isa na silang nagsi-lapitan sa akin upang magpasa ng kani-kanilang quiz notebooks. Kasabay rin noon ay ang pagtunog ng bell.

"Good bye, Grade 8, grab your recess na." Paalam ko sa kanila. 

"Timo, paki-sunod na lang sa akin itong mga quiz notebook niyo, okay? Thank you." Sabi ko bago lumabas ng room.

"Pakilagay na lang sa table ko, 'nak, thank you." Sabi ko at saka nginitian siya.

Kasabay kong pumunta ng Cafeteria sina Amor at Dennise upang bumili ng pagkain.

"Ma'am, p'wede kaming dumaan sa bahay niyo? Gusto ko ring makita 'yong kambal mo eh," mayamayang sambit ni Dennise.

"P'wede naman, ma'am, pero susunduin muna natin sila sa karinderya ni mama." Sagot ko naman.

"Okay lang, ma'am." Tugon niya.

Mabilis na lumipas ang oras kaya heto kami ngayon nina Amor at Dennise sa labas ng school habang naghihintay ng tricycle na p'wedeng masakyan.

"Ay hala! Nalimutan ko pala 'yong ibibigay ko sa kambal. Mauna na muna kayo roon, kukunin ko lang muna sa bahay.

"Ako rin pala, ma'am, wala akong maibibigay sa kambal mo. Bibili na lang muna ako." Hindi ko na sila napigilan dahil nagmamadali na silang umalis.

Bumuntong-hininga na lang ako bago sumakay sa tricycle at sinabing dumaan muna sa malapit na 7/11 dahil may bibilhin pa ako para sa kambal.

Matapos kong mabayaran 'yong binili ko ay mabilis na akong sumakay sa tricycle at saka tinext 'yong dalawa na sumunod na lang sa karinderya ni mama.

Pagkababa na pagkababa ko ng tricycle ay mabilis na tumakbo ang kambal upang salubingin ako.

"Here's your pasalubong!" Masiglang sabi ko sa kanila habang hawak ang binili kong chocolate. 

"Wow! Thank you, mama!" Masayang usal nila sabay halik sa pisngi ko.

"May bisita pala kayo mamaya," sambit ko.

"Sino po, mama?" Tanong ni Ainsley.

"Sina— oh, 'yan na pala sila." Sabi ko nang may humintong tricycle sa tapat namin.

"Oh my gosh! Mas cute sila in person!" Tili ni Dennise nang makita ang kambal.

"Hello po!" Masiglang bati sa kaniya ni Ainsley kaya naman mas lalong tumili si Dennise. 

"Oh my! P'wede ba kitang iuwi?" Tanong niya na mabilis namang ikinailing ni Ainsley. 

"Mag-anak ka na rin kasi Dennise," biro ni Amor. 

"Wala nga akong jowa eh, kaya paano ako mag-aanak?" Sagot naman ni Dennise. Nagtawanan naman kami ni Amor. 

Magtatalo pa sana sila nang tawagin na kami ni mama at saka ipinaghanda kami ng makakain.

Twelve-thirthy nang magpaalam 'yong dalawa na uuwi na.

"Bakit ang aga mo yata ngayon?" Tanong ni mama sa likuran ko.

"Half day lang po kami ngayon dahil may pinuntahan po 'yong ibang teachers at si Ma'am Principal." Sagot ko. Tumango-tango naman siya.

Nagpupunas ako ng mga pinggan nang maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko.

"Hello?" Sagot ko sa unknown number.

Wala akong narinig na sagot kaya naman nag 'hello' akong muli.

"Whoever you are, wala akong time makipag-biruan." Sambit ko.

["P'wede ba tayong magkita?"] Mabilis kong naibaba ang tawag nang mabosesan ko 'yong tumawag.

How did he get my phone number?

Related chapters

  • Hiding the Engineer's Twins   Chapter 04

    Naka-ilang balikwas ako sa kama dahil hindi pa rin maalis sa isip ko kung paano at saan niya nakuha ang number ko. At saka bakit niya gustong makipag-kita? Tatanungin niya 'yong about sa kambal? No way! Kahit na ano pang sabihin niya, hinding-hindi ako magsasalita about sa kambal.Bumangon muna ako upang uminom ng tubig at pagbalik ko sa kuwarto ay himbing na himbing pa rin ang tulog ng kambal. Tinabihan ko na lang ulit sila at saka pinilit nang matulog.Kinaumagahan, maaga ko silang hinatid kay mama at doon na pinakain."Sigurado ka bang hindi ka na kakain?" Tanong sa akin ni mama.Umiling naman ako. "Doon na lang po ako kakain sa school," sagot ko.Matapos akong makapag-paalam sa kambal ay nagtawag na ako ng tricycle at saka nagpababa sa coffee shop na malapit lang sa school. Maglalakad na lang ako mamaya.Pagpasok ko sa coffee shop ay agad na akong nag-order ng isang espresso at isang cinnamon roll. Humanap na agad ako ng mauupuan nang makuha ko na ang order ko.Tahimik lang akong

    Last Updated : 2023-02-15
  • Hiding the Engineer's Twins   Chapter 05

    Nang matauhan ako ay dali-dali akong pumasok sa loob at mabilis na idinial ang number ni Lina."Lina, pick up the phone..." bulong ko sa sarili. ["Hello? Napatawag ka?"] Nakahinga ako nang maluwag nang sagutin na niya ang tawag."Lina, alam na ni Xzavier kung saan kami nakatira ng kambal." Saad ko.["What? P-Paano? Kasama mo ba ang kambal?"] Sunod-sunod na tanong niya. "I-I don't know how. Iyong kambal, naroon sila kay mama ngayon."["Good to hear that."]"Kailangan namin ng bahay na malilipatan dahil alam kong babalik at babalik dito si Xzavier."["Don't worry, may alam akong bahay na malilipatan niyo. I'll text you the address na lang,"]"Tsaka Lina, natatakot ako na baka malaman niya na hindi totoo 'yong sinabi ko sa kaniya." Usal ko.["Ano bang sinabi mo sa kaniya?"]"Sinabi ko na hindi sa kaniya 'yong kambal," sagot ko, narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya.["What if sabihin mo na sa kaniya 'yong totoo? Pinapahirapan mo lang ang sarili mo eh, tsaka hindi ka ba naaawa sa

    Last Updated : 2023-02-15
  • Hiding the Engineer's Twins   Chapter 06

    Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin at nagpaalam nang magluluto na ng kakainin namin. Naghintay na lamang ako sa sala habang hinihintay siyang matapos magluto.At matapos ang ilang minuto ay tinawag niya na ako mula sa kusina."Let's eat, the food is ready." He said then smiled at me.Tahimik lang akong kumakain dahil wala naman akong sasabihin. While him, tingin nang tingin sa akin na para bang may kung ano sa mukha ko."May sasabihin ka ba?" I asked.He shook his head. "None, na-aamaze lang ako sa kagandahan mo," nasamid naman ako sa sinabi niya. What the heck?Natatawa naman niya akong inabutan ng tubig. Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman tumigil siya sa pagtawa."May picture ka ba ng kambal?" Tanong nito, tumango naman ako. "Yeah, sobrang dami," sagot ko. "Ipakita ko sa 'yo mamaya after nating kumain. " I added."May extra akong toothbrush doon sa banyo, iyon na lang ang gamitin mo." Saad niya, tumango na lang ako at saka ngitian muna siya bago tumungo sa banyo.He said

    Last Updated : 2023-02-15
  • Hiding the Engineer's Twins   Chapter 07

    Since sabado ngayon, narito ulit kami sa karinderya ni mama para tulungan siya. Kasama ko ang kambal sa pagkuha at paghatid ng order ng mga customer."Tawagin mo na muna ang kambal at kumain muna kayo." Sabi ni mama kaya naman tinawag ko na muna 'yong kambal.Wala pa naman masyadong customer dahil alas diyes pa lang. Ganitong oras kami kumakain dahil pagpatak ng alas onse ay sunod-sunod na ang pagdating ng mga customer. "Mama," pagtawag sa akin ni Aislinn."Ano 'yon, anak?"Umiling naman siya. "Wala po pala," usal niya bago mag patuloy sa pagkain."Tell her na, Aislinn." Wika ni Ainsley sa kapatid."Ikaw na kasi magsabi, nahihiya ako eh," natawa naman ako sa binulong ni Aislinn kay Ainsley."Bakit ka naman nahihiya?" Balik namang bulong ni Ainsley. "Ano ba kasi 'yong sasabihin niyo?" Napunta naman sa akin ang tingin nila."P'wede po ba nating isama si papa bukas mag simba?" Sabay na tanong nila."P'wede naman but we need to ask him muna kung gusto ba niyang sumama,""I'm sure papaya

    Last Updated : 2023-02-15
  • Hiding the Engineer's Twins   Chapter 08

    Ilang araw na ang lumipas simula noong makilala ng kambal ang papa nila. Matapos noong linggong iyon ay naging busy si Xzavier dahil inumpisahan na nila 'yong paggawa ng hotel. Sa pagkaka-alam ko ay sobrang laki raw ng hotel na iyon kaya sigurado akong aabutin ng ilang buwan 'yon bago matapos.Pero kahit na sobrang busy niya ay nagagawa pa rin niyang sumamang magsimba. Naging hobby na namin iyong apat. At habang tumatagal din ay unti-unti nang nasasanay si Aislinn sa presensya ni Xzavier. Kung dati ay tumitingin pa siya sa akin para sabihan na lapitan niya si Xzav, ngayon naman ay kusa na siyang tumatakbo upang lapitan ang papa niya.Natutuwa akong makita silang masaya kapag kasama nila ang papa nila.["Eh kayo ni Xzavier, okay na kayo?"] Tanong ni Lina mula sa kabilang linya."Oo naman, okay na kami." Sagot ko.["So, may chance?"] Kumunot naman ang noo ko."Chance?" Takang tanong ko.She sighed. ["Na maging kayo ulit, duh!"]"Mukhang malabong mangyari 'yan." Sabi ko.["Hindi mo sure,

    Last Updated : 2023-02-25
  • Hiding the Engineer's Twins   Chapter 09

    Hinabilin ko muna kay mama ang kambal dahil minsan gabi na ako nakakauwi. Next, next week na kasi ang moving-up kaya busy kaming mga teachers sa pag compute ng grades ngayon.["Mama, hanggang kailan po kami rito kay mama-lola? Miss na po namin ikaw eh,"] bumuntong-hininga naman ako."Hindi ko pa alam eh, miss na rin kayo ng mama," sagot ko.["Miss na rin po namin si papa."] Sabi naman ni Aislinn. Isa rin pala 'yon, last na usap namin noong isang araw pa. Gusto niyang kausapin noon ang kambal kaso nga naroon sila kay mama noon. Nasabi niya rin sa akin na sunod-sunod 'yong mga nangyayari sa site kaya naging busy siya nitong mga nakaraang araw."Gusto niyo bang sumama sa akin bukas sa school?" Tanong ko sa kambal. Wala na rin naman ako masyadong gagawin bukas dahil patapos naman na ako sa ginagawa ko.["Opo, mama, sama po kami!"] Sabay na sagot ng kambal."Oh, sige, pero dapat maaga kayong mag-gayak para kapag dating ko riyan ay diretso alis na tayo." Sabi ko.["Noted po, mama!"]"I lov

    Last Updated : 2023-02-25
  • Hiding the Engineer's Twins   Chapter 10

    Ramdam ko ang sinag ng araw na tumatama sa balat ko. Magmumulat na sana ako ng mata ko nang mag salita si Ainsley. "Papa, can I ask?" Tanong nito."What is it?" Dinig kong tanong naman ni Xzavier. "Do you love mama?" Napantig naman ang tainga ko sa tanong na iyon ni Ainsley.Gusto kong imulat ang mata ko ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Gusto kong marinig 'yong sasabihin ni Xzavier."Yes, I do love her." My lips form into a smile when he said that. "Kahit na matagal kaming nagkalayo ng mama niyo, kailanman ay hindi nagbago itong nararamdaman ko para sa kaniya." He added. "Then why don't you get back together again?" Tanong din ni Aislinn."Gusto kong makipagbalikan sa mama niyo but I don't know if she still love me," malungkot namang sagot niya. 'Yes, I do! I still love you, Xzavier!' Gusto kong sabihin 'yan sa kaniya pero ewan ko ba kung bakit nahihiya ako. Seriously, Elara? Ngayon ka pa mahihiya?"Let's go outside. Hayaan na muna nating matulog ang mama niyo." Aniya at lumabas

    Last Updated : 2023-02-25
  • Hiding the Engineer's Twins   Chapter 11

    Paggising ko ay nakita kong mahimbing pang natutulog ang kambal sa tabi ko. I smiled at saka hinalikan ang noo nila bago lumabas ng kuwarto."Good morning!" Natawa ako nang makitang napatalon sa gulat si Xzavier. Matalim naman na tingin ang iginawad niya sa akin. "Good morning." Matabang sa tugon niya."You need help?" Tanong ko, umiling naman siya.What's wrong with him?"Woi..." sundot ko sa tagiliran niya."Huwag kang magulo, Elara." Maotoridad na sabi niya."Ano bang mayroon at umagang-umaga ang sungit sungit mo?" Nakapamewang na tanong ko pero ang loko hindi man lang ako nagawang lingunin."Tss." Singhal niya."Baliw." Irap ko saka tinalikuran siya.Bumalik na lang ako sa kuwarto para tabihan ulit ang kambal. Pero noong pagpasok ko sa kuwarto ay nakita ko silang nagliligpit ng higaan."Good morning!" Nakangiting bati ko sa dalawa."Good morning po!" Balik na bati nila saka nagmamadaling tumakbo palapit sa akin at hinagkan ako sa pisngi."Nasaan po si papa?" Tanong ni Ainsley nan

    Last Updated : 2023-02-25

Latest chapter

  • Hiding the Engineer's Twins   Special Chapter

    "Xzav!" Itinigil ko muna ang ginagawa ko nang marinig ko ang tawag sa akin ni Elara."Yes, hon? Do you need something?" Tanong ko rito nang nakangiti."I want avocado.." she said while pouting. Fvck, she's so freaking cute!"Wala na tayong avocado eh," sabi ko. "Bili ka," parang batang tugon niya."Okay, you want to come?" I asked."Ayaw." Iling niya. "Isama mo na lang 'yong kambal kung gusto nila." She added. Tumango ako at hinalikan muna ang kaniyang noo bago magpaalam na magbibihis muna. She's six months pregnant at tatlong na buwan na lang ay ka-buwanan niya na."Twins, sama kayo?" Tanong ko sa dalawa kaya naman nahinto sila sa paglalaro sa IPad nila."Where po?" Ainsley asked."Mall." Mabilis naman silang bumaba ng kama."Yes po, sama kami!" Sabay na sabi nila."Let's go." Hindi ko na sila pinagbihis dahil mabilis lang naman kami."Hindi po sasama sa atin si mama?" Tanong ni Aislinn nang makasakay kami sa sasakyan."Nah. Ayaw niyang sumama eh." I answered.Nang makarating kami

  • Hiding the Engineer's Twins   Epilogue (Part 2)

    This is the first time na ipapakilala ko si Elara kay mommy kaya kinabahan ako."Xzav, I'm nervous.." napatingin ako kay Elara at saka hinawakan ang kamay nito."Don't be, I'm with you kaya 'wag kang kabahan." Ngumiti siya pero halata namang pilit iyon.Lihim na lang akong ngumiti saka inaya na sila sa loob. Nang malaman namin ang kuwarto ni mommy ay agad na namin itong pinuntahan.'Yong kabang nararamdaman ko kanina ay bigla na lang naglaho nang makitang maayos ang pagsalubong ni mommy kina Elara.Nang mailabas namin si mommy ay kami na rin ang naghatid sa kaniya sa bahay niya. Habang pinagmamasdan kong nag-iikot-ikot si Elara sa kuwarto ay bigla na lang nag-ring ang telepono ko."Yes?" Sagot ko sa tawag.["Gusto raw po kayong maka-usap ni Engineer Santos tungkol sa susunod niyo project."] Sagot niya."Papunta na ako." Iniwan ko muna sina Elara kasama si Mommy. At nang makarating ako sa site ay agad kong tinungo ang office ni Wiliam."Gusto mo raw akong maka-usap?" Tanong ko sa kani

  • Hiding the Engineer's Twins   Epilogue (Part 1)

    Xzavier's POVNoong una, hindi ako naniniwala sa pagmamahal. Dahil saksi ako sa nangyari sa mga magulang ko. Bata pa lang ako palagi ko na silang naririnig na nagsisigawan. Araw man o gabi, wala silang pinapalampas.Hanggang sa makatungtong na ako ng highschool, ganoon pa rin ang nangyayari sa kanila. Pero mas malala na ngayon dahil madalas kong nakikita si Dad na pinagbubuhatan ng kamay si mommy. I know masamang mangialam sa away nila pero sobra na eh, hindi na tama 'yong ganito. Ilang beses kong sinasabihan si mommy na hiwalayan na niya si Dad dahil hindi na maganda itong pagsasama nila. Masyado ng toxic. Pero ang palaging sagot niya sa akin ay hindi niya raw kayang mawala si Dad. Wala naman na akong magawa kundi ang hayaan na lang siya. Habang tumatagal ay palala nang palala ang away nila. Umabot na sa puntong tinutukan ni Dad si mommy ng baril. Matinding takot ang naramdaman ko noon kaya hindi ko nagawang protektahan at ipagtanggol si mommy.Hanggang sa napagdesisyonan na ni Dad

  • Hiding the Engineer's Twins   Chapter 33

    "Ang ganda mo naman, Calli, parang ikaw na yata 'yong ikakasal ah?" Inirapan ko na lang si Lina at pinagtuonan na lang ng pansin ang pag-aayos sa suot kong dress.Ngayong araw na ang sukatan ng dress kaya naman maaga pa lang ay narito na kami sa shop ni Ate Elaine dahil siya ang designer ng gown ni Lina at dress ng mga abay."Kailan niyo nga pala balak ikasal noong partner mo?" Tanong sa akin ni Ate Elaine. "Hindi pa po namin napag-uusapan ni Xzavier eh," sagot ko. "Don't worry, ate, ikaw agad ang tatawagan ko kapag may date na 'yong kasal namin." Dagdag ko pa."Sure 'yan ha?" Tumango naman ako."Calli, 'yong sundo nandiyan na sa labas." Sabay naman kaming napalingon ni Ate Elaine sa labas.At naroon na nga sa labas sina Xzavier at ang kambal."Anak niyo ba 'yong dalawang cute na batang 'yon?" Tanong ni Ate habang nakatingin sa kambal."Yes, ate." Sagot ko naman."Ang gaganda naman nila! No wonder na kayo talaga ang magulang nila." Aniya. Natawa na lang ako sa sinabi niya."Go, chang

  • Hiding the Engineer's Twins   Chapter 32

    Kinaumagahan, nauna akong nagising kaya naman malaya kong pinagmasdan ang maamong mukha ni Xzavier. Ang amo 'pag tulog pero halimaw 'pag gising lalo na kapag alam mo na. Napa-ayos naman ako ng higa nang maramdaman kong gumalaw siya."Good morning." Nakangiting bati ko sa kaniya. Mahina akong natawa nang makita nagulat siya noong makita ako."E-Elara? Y-You're here? For real?" Sunod-sunod na tanong niya."Oo nga," natatawang sagot ko.Napabalikwas naman siya at mabilis na yumakap sa baywang ko."I thought... I thought it was a dream," sabi niya.Nataranta naman ako nang marinig kong sumisinghot siya. Wait, umiiyak siya?"Woy, bakit ka umiiyak? Ayaw mo ba na nandito ako?" Parang bata naman siyang umiling. "Then, why are you crying?" Tanong ko.Humiwalay siya sa akin at saka mabilis niyang tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang kamay niya."Hindi lang ako makapaniwala na bumalik ka, na nandito ka na." Sagot niya. "Hindi mo alam kung gaano ako nagsisi noong malaman ko ang totoo, Elara. La

  • Hiding the Engineer's Twins   Chapter 31

    Matapos ang ilang oras na biyahe sa himpapawid ay sa wakas nakarating na rin kami ng Pilipinas. Ginising ko na ang kambal nang makalapag na ang eroplanong sinasakyan namin.Pagka-baba namin ay tinext ko na si Lina na naka-land na 'yong eroplanong sinakyan namin. Nang mabasa ko 'yong reply niya at lumakad na kami palabas dahil naroon na raw sina Lina at Evan."Ninang Lina!" Tumakbo agad sina Ainsley palapit kay Lina nang makita nila ito."Hi, hello, mga bebe ko! Na-miss niyo ba ang ninang?" Dinig kong tanong niya sa mga ito."Super miss po!" Tugon naman ni Ainsley. Ginulo na lang niya ang buhok nila bago bumaling sa akin. "Kumusta naman ang buhay Australia?" Ani nito."Ayos lang naman," sagot ko naman."May nang-aano ba sa 'yo ro'n?" Bulong niya sa akin.Nagtaka naman ako. "Anong nang-aano?" "May Australian bang umaaligid sa 'yo roon?" Bigla na lang ako natawa nang maalala 'yong ginawa ng kambal. "Lah? Anong nangyari sa 'yo?" Umiling na lang ako saka kinewento 'yong nangyari dati n

  • Hiding the Engineer's Twins   Chapter 30

    Sa pagdaan ng mga araw ay maraming masasayang nangyari sa amin ng kambal. Katatapos lamang ng kanilang graduation noong nakaraang araw at parehas silang nasa top. Sobrang proud ako sa kanila kasi kahit na sa murang edad pa lang sila ay ang dami na nilang nakukuhang achievements.Next month na rin pala 'yong kasal ni Lina at may nahanap na rin si tita ng katulong niya sa shop. Maayos na rin 'yong flight namin next next week kaya wala na kaming poproblemahin pa."I'm so excited na, Linn!" Impit na sigaw ni Ainsley. "Me too! Super miss ko na sa Philippines eh." Segundo naman ni Aislinn. Napangiti naman ako sa kanilang dalawa habang gumagawa ako ng sandwich na meryenda nila. I'm sure hindi lang ang Pilipinas ang miss nila."Here's your sandwich na." Sabi ko sabay lapag ng pinggan sa harapan nila.Matamis naman silang ngumiti. "Thank you, mama!" Sabay nilang saad bago lantakan ang sandwich nila.Iniwan ko muna sila roon sa kusina at pumunta muna sa kuwarto. At saktong pagpasok ko ay naki

  • Hiding the Engineer's Twins   Chapter 29

    Two years later"Mama! Look, I got so many stars!" Tuwang-tuwang pinakita sa akin ni Ainsley ang braso niyang punong-puno ng stars na nakuha niya."Wow, good job! How about your sister?" Baling ko naman kay Aislinn na nasa likuran ni Ainsley. "She got stars too! Linn, show your stars to mama." Utos nito sa kapatid. Dahan-dahan namang lumapit sa akin si Aislinn at pinakita na rin sa akin ang brasong niyang punong-puno rin ng stars."Very good naman ang mga baby ko!" I said sabay pisil ng kanilang pisngi."Mama, we're not baby anymore!" Nakakunot ang noo'ng utas ni Ainsley. "Okay, okay. My angels na lang," ani ko."Punta na po kami sa kuwarto namin," ani Ainsley sabay halik sa akin. Ganoon din ang ginawa ni Aislinn. "Let's go, Linn. Let's do our homework na." Saad nito sa kapatid.Habang tumatagal ay napapansin kong mas lalong nagiging mahiyain si Aislinn. Simula noong dito na kami sa Australia tumira."Elara, are you okay? What's bothering you?" Nahinto ako sa iniisip ko nang magsa

  • Hiding the Engineer's Twins    Chapter 28

    Isang araw na ang lumipas simula noong maka-uwi kami. At sa loob ng isang araw na iyon ay wala man lang akong natanggap na text or tawag galing kay Xzavier. Pero hindi ko na inintindi 'yon.Marami na kaming ginagawa ngayon dahil last night na ni mama bukas. Ngayon na rin ang uwi noong panganay nilang kapatid na galing pang ibang bansa."Elara, ako na muna ang magbabantay sa mama mo, kumain ka na roon." Nilingon ko si tita."Iyong kambal po? Kumain na po ba sila?" Tanong ko, tumango naman siya."Kasabay nilang kumain sina Arnold at Lina kanina," sagot niya.Tipid naman akong napangiti. "Sige po, kayo na po muna ang bahala rito." Tumayo na ako at tumungo na sa kusina para kumain.Kaunti lang ang kinain ko dahil hindi naman ako gaanong gutom. "Mama!" Hingal na hingal na lumapit sa akin si Ainsley.Lumuhod ako upang magpantay kami at pinunasan ang pawis sa noo niya."Ano ba'ng ginawa mo at pawis na pawis ka?" Tanong ko rito."P'wede po kami sumama kay Tito Arnold?" Paalam niya at hindi

DMCA.com Protection Status