Nang matauhan ako ay dali-dali akong pumasok sa loob at mabilis na idinial ang number ni Lina.
"Lina, pick up the phone..." bulong ko sa sarili.
["Hello? Napatawag ka?"] Nakahinga ako nang maluwag nang sagutin na niya ang tawag.
"Lina, alam na ni Xzavier kung saan kami nakatira ng kambal." Saad ko.
["What? P-Paano? Kasama mo ba ang kambal?"] Sunod-sunod na tanong niya.
"I-I don't know how. Iyong kambal, naroon sila kay mama ngayon."
["Good to hear that."]
"Kailangan namin ng bahay na malilipatan dahil alam kong babalik at babalik dito si Xzavier."
["Don't worry, may alam akong bahay na malilipatan niyo. I'll text you the address na lang,"]
"Tsaka Lina, natatakot ako na baka malaman niya na hindi totoo 'yong sinabi ko sa kaniya." Usal ko.
["Ano bang sinabi mo sa kaniya?"]
"Sinabi ko na hindi sa kaniya 'yong kambal," sagot ko, narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya.
["What if sabihin mo na sa kaniya 'yong totoo? Pinapahirapan mo lang ang sarili mo eh, tsaka hindi ka ba naaawa sa kambal? Ang tagal na nilang nawalay sa papa nila, baka panahon na para ipakilala mo sila kay Xzavier. Deserve nilang makilala ang papa nila at deserve rin ni Xzav na makilala ang mga anak niya."] Mahabang litanya niya. Para naman akong sinampal nang malakas sa sinabi niya.
"Hahanap na lang ako ng magandang tiyempo para sabihin sa kambal, ayokong biglain sila." Sabi ko bago mag paalam sa kaniya.
Napabuntong-hininga naman ako. Ano kaya ang magiging reaksiyon nila kung sakaling sasabihin kong si Xzavier ang tatay nila?
Napatingin naman ako sa cellphone ko nang bigla itong tumunog. Speaking of kambal, tumatawag si mama kaya agad ko na itong sinagot.
["Mama!"] Masayang bungad ng kambal, pilit naman akong napangiti nang marinig ko ang boses nila.
"Mga anghel ko, kumusta kayo riyan?" Tanong ko.
["Okay lang naman po kami, mama, ikaw po ba?"] Balik na tanong ni Ainsley.
"Okay lang din naman ang mama," tugon ko.
["I miss you na po, mama,"] natawa naman ako nang mahimigan ko ang malungkot na boses ni Aislinn.
"I miss you too, mga anak. Bukas na bukas maaga akong dadaan diyan, okay?" Sabi ko.
["Yehey!"] Sabay na usal nila.
Gaya nang lagi nilang ginagawa ay kinewentuhan na naman nila ako kung ano ang ginawa nila buong mag-hapon.
["Mama, alam mo ba ang bait po noong isang customer namin,"] usal ni Ainsley. Habang nagluluto ako ay nakikinig ako sa mga kwento nila. ["Opo, mama,"] segunda naman ni Aislinn.
"Anong ginawa?" Tanong ko.
["Binigyan po niya kami ng tip kasi masipag at mabait daw po kami,"] natutuwang sagot ni Ainsley.
"Wow, pero next time 'wag niyo nang uulitin 'yon, okay? Huwag kayo basta-basta kukuha ng ibibigay lalo na't hindi niyo sila kilala." Bilin ko sa kanila. Nag 'opo' naman sila bago mag paalam na kakain na.
"I love mga anak, mwah!"
["We love you too, mama!"]
Matapos ang pag-uusap namin ay naghanda na rin ako upang makakain na ako. At nang matapos ay hinugasan ko na ang plato ko at tumungo na sa banyo para maglinis ng katawan bago matulog.
Kinabukasan, maaga akong pumunta sa bahay gaya nang pinangako ko sa kambal.
"Mama!" Salubong sa akin ng kambal kaya naman niyakap ko sila nang mahigpit nang tuluyan na silang makalapit sa akin.
"Narito ka na pala, kumain ka na ba?" Nabaling naman kay mama ang atensyon ko.
"Opo, ma. Kumain na ako bago ako pumunta rito." Sagot ko, tumango na lang siya bago bumalik ulit sa ginagawa.
Magpapaalam na sana ako sa kambal nang bigla silang yumakap sa akin. Aww, grabe naman sila maka-miss. Nakipag-laro na lang muna ako saglit sa kanila bago pumasok.
"Babalik na lang mamaya si mama, hmm?" Sabay naman silang tumango.
Napangiti naman ako at saka ginulo ang buhok nila bago ako tuluyang umalis.
Ngayong araw ay hapon ulit ang klase ko kaya naman buong umaga akong nasa faculty. Napatingin naman ako sa may pintuan nang makita ko si Dennise na humahangos at basang-basa. Eh? Umuulan? Ang ganda lang ng araw kanina ah?
"Badtrip! Mabuti na lang at hindi ko dinala 'yong laptop ko," rinig kong reklamo ni Dennise.
"Sana mas lumakas pa para i-suspend 'yong klase," mayamayang sabi ni Harold.
"Sira ulo ka ba, Sir? Paano ako uuwi niyan kung mas lalo mong pauulanin?" Irap naman ni Dennise.
"Ano ang silbi ko rito kung hindi kita ihahatid?" anito saka kinindatan si Dennise.
Tumikhim naman ako kaya napunta sa akin ang atensyon nilang dalawa.
"Baka nakakalimutan niyong may iba pa kayong kasama rito," namula naman silang dalawa sa hiya.
Natawa na lang ako nang pareho silang hindi makapagsalita. Mayamaya pa ay dumating na rin si Amor na basang-basa rin ng ulan.
"Nasalubong ko si ma'am principal kanina at ang sabi niya ay suspended na raw ang klase ngayon." Usal niya.
Pagkasabi niya noon ay mabilis ko nang inayos ang mga gamit ko. Balak ko sanang iwanan ang laptop ko kaso naalala ko na marami pa pala akong gagawin.
Hindi ko kasabay 'yong dalawa dahil si Amor sinundo noong boyfriend niya at si Dennise naman ay hinatid na ni Harold. Kaya naman mag-isa ako rito sa waiting shed na naghihintay ng masasakyang tricycle.
Habang tumatagal ay napansin kong mas lalong lumakas ang ulan.
"Paano ako uuwi nito?" Bulong ko, sakto namang may humintong black BMW sa harapan ko.
"Hop in, hatid na kita." Sabi ni Xzavier nang maibaba niya ang bintana.
Aangal pa sana ako kaso naisip ko na baka gabi na tumila ang ulan.
Tahimik lang ako habang nakatingin sa labas. Halos hindi na makita ang mga sasakyan sa lakas ng ulan. May bagyo ba?
Nilingon ko siya nang bigla niyang ihinto ang sasakyan. "Sa condo ka muna magpatila ng ulan."
"What?! Ayoko!" Angal ko.
Pinigilan naman niya ako nang akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan niya.
"Where are you going?"
"Malamang bababa."
"Nahihibang ka na ba? Kita mong ang lakas ng ulan oh," tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Kaysa naman sa condo mo ako mag-stay."
"Whether you like it or not, doon ka muna sa condo ko magpapatila ng ulan." anito saka pinaandar ulit ang sasakyan. Magrereklamo pa sana ako nang tignan niya ako nang masama kaya naman wala na akong nagawa kundi ang tumahimik na lang.
Bwisit, alam na alam niya talaga kung paano ako mapapatahimik.
Nang makarating kami sa unit niya ay nilabas ko agad ang cellphone ko para idial ang ang number ni mama.
["Teka tawagin ko 'yong kambal,"] ani mama.
["Mama! Saan ka na po?"] Malungkot na tanong ni Ainsley.
"Anak, hindi muna makakadaan diyan si mama. Ang lakas kasi ng ulan kaya hindi ako makakapunta." Paliwanag ko sa kanila.
["Eh, bukas po?"] Si Aislinn.
"Bukas, pupunta na talaga ako," sagot ko. "Sige na, ibaba na ni mama dahil baka ma-lowbatt na itong cellphone ko." Paalam ko sa dalawa.
["Bye, mama! Love you!"] Napangiti naman ako.
"Mahal din kayo ni mama." Sagot ko bago ipatay ang tawag.
"Elara," mabilis ko namang nilingon si Xzavier na nakatayo sa likuran ko. "Mag shower ka na muna roon at baka magkasakit ka, don't worry may hinanda na akong p'wede mong pamalit." Sabi niya.
Tinanguan ko na lang siya bago maglakad patungong banyo. Pero bago pa man ako makapasok ay nagsalita siyang muli.
"Pagkatapos mo, p'wede ba tayong mag-usap?" Tiningnan ko lang siya at saka tinalikuran.
Nang matapos akong magbihis, nagulat ako nang makita ko si Xzavier sa harap ng pintuan ng banyo.
"Ano ang ginagawa mo riyan?" Tanong ko rito.
Hindi siya sumagot bagkus ay itinaas niya 'yong hawak niyang dalawang papel at nanlaki ang mata ko nang makita kong copy ito ng birth certificate ng kambal.
"W-Where did you get that?" Utal na tanong ko.
Hindi ko inaasahan ito.
"Hindi na importante kung saan at paano ko nakuha ito. Bakit ka nagsinungaling sa akin?" Hindi ako nakapag-salita agad.
"Ang sabi mo may iba kang kinakasama ngayon? Pero bakit Borja pa rin ang nakalagay na apelyido ng kambal?" Napayuko naman ako at saka kinagat ang ibabang bahagi ng labi ko upang pigilan ang luhang malapit nang tumulo.
"Elara, please tell me the f*cking truth. Anak ko ba ang kambal?!" Mariin akong napapikit.
"Oo, Xzav! Anak mo nga sila!" Umiiyak na sagot ko.
"Bakit mo sila nagawang itago sa akin? Why, Elara... why?!" Umismid ako.
"Hindi mo ako masisisi, Xzav. Ikaw ang dahilan kung bakit ko nilayo at tinago ang kambal. Hindi ba nga't gusto mong ipalaglag ko sila?" ani ko at sarkastikong tumawa. "Anong klaseng ama ka?" Dagdag ko pa.
"I didn't mean that, Elara. Hindi ko sinasadyang sabihin 'yon. Believe me or not, natuwa ako noong sinabi mong buntis ka pero si mommy... naalala ko 'yong sinabi niya dati na kapag may ginawa akong kalokohan, ipapadala niya ako sa States para roon ipagpatuloy ang pag-aaral ko." Paliwanag niya, umiling-iling naman ako.
"Pero sa nakita ko noon para hindi ka naman masaya? Hindi ka nga nagdalawang-isip noon na sabihing ipalaglag ko ang dinadala ko noon eh," usal ko.
"Pinagsisihan kong nasabi ko 'yon, Elara. Maniwala ka naman sa akin, please..." tumingala ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko at yumakap sa baywang ko.
"Give me another chance, please. Gusto kong makilala ang kambal, gusto ko silang mahagkan at mayakap. So, please bigyan mo ako ng pagkakataon na makilala sila." Narinig ko naman siya sumisinghot.
Oras na nga siguro para makilala nila ang isa't-isa. Pinunasanan ko muna ang luha ko bago ko tanggalin ang kamay niyang nakayakap sa akin at saka nag-squat upang pantayan siya.
"Bigyan mo muna ako ng kaunting oras para sabihin sa kambal. Pangako, after noon ay ipapakilala ko na sila sa 'yo." Mabilis niya akong niyakap matapos kong sabihin 'yon.
"Thank you so much, Elara. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon." anito, tipid naman akong ngumiti saka niyakap din siya pabalik.
Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin at nagpaalam nang magluluto na ng kakainin namin. Naghintay na lamang ako sa sala habang hinihintay siyang matapos magluto.At matapos ang ilang minuto ay tinawag niya na ako mula sa kusina."Let's eat, the food is ready." He said then smiled at me.Tahimik lang akong kumakain dahil wala naman akong sasabihin. While him, tingin nang tingin sa akin na para bang may kung ano sa mukha ko."May sasabihin ka ba?" I asked.He shook his head. "None, na-aamaze lang ako sa kagandahan mo," nasamid naman ako sa sinabi niya. What the heck?Natatawa naman niya akong inabutan ng tubig. Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman tumigil siya sa pagtawa."May picture ka ba ng kambal?" Tanong nito, tumango naman ako. "Yeah, sobrang dami," sagot ko. "Ipakita ko sa 'yo mamaya after nating kumain. " I added."May extra akong toothbrush doon sa banyo, iyon na lang ang gamitin mo." Saad niya, tumango na lang ako at saka ngitian muna siya bago tumungo sa banyo.He said
Since sabado ngayon, narito ulit kami sa karinderya ni mama para tulungan siya. Kasama ko ang kambal sa pagkuha at paghatid ng order ng mga customer."Tawagin mo na muna ang kambal at kumain muna kayo." Sabi ni mama kaya naman tinawag ko na muna 'yong kambal.Wala pa naman masyadong customer dahil alas diyes pa lang. Ganitong oras kami kumakain dahil pagpatak ng alas onse ay sunod-sunod na ang pagdating ng mga customer. "Mama," pagtawag sa akin ni Aislinn."Ano 'yon, anak?"Umiling naman siya. "Wala po pala," usal niya bago mag patuloy sa pagkain."Tell her na, Aislinn." Wika ni Ainsley sa kapatid."Ikaw na kasi magsabi, nahihiya ako eh," natawa naman ako sa binulong ni Aislinn kay Ainsley."Bakit ka naman nahihiya?" Balik namang bulong ni Ainsley. "Ano ba kasi 'yong sasabihin niyo?" Napunta naman sa akin ang tingin nila."P'wede po ba nating isama si papa bukas mag simba?" Sabay na tanong nila."P'wede naman but we need to ask him muna kung gusto ba niyang sumama,""I'm sure papaya
Ilang araw na ang lumipas simula noong makilala ng kambal ang papa nila. Matapos noong linggong iyon ay naging busy si Xzavier dahil inumpisahan na nila 'yong paggawa ng hotel. Sa pagkaka-alam ko ay sobrang laki raw ng hotel na iyon kaya sigurado akong aabutin ng ilang buwan 'yon bago matapos.Pero kahit na sobrang busy niya ay nagagawa pa rin niyang sumamang magsimba. Naging hobby na namin iyong apat. At habang tumatagal din ay unti-unti nang nasasanay si Aislinn sa presensya ni Xzavier. Kung dati ay tumitingin pa siya sa akin para sabihan na lapitan niya si Xzav, ngayon naman ay kusa na siyang tumatakbo upang lapitan ang papa niya.Natutuwa akong makita silang masaya kapag kasama nila ang papa nila.["Eh kayo ni Xzavier, okay na kayo?"] Tanong ni Lina mula sa kabilang linya."Oo naman, okay na kami." Sagot ko.["So, may chance?"] Kumunot naman ang noo ko."Chance?" Takang tanong ko.She sighed. ["Na maging kayo ulit, duh!"]"Mukhang malabong mangyari 'yan." Sabi ko.["Hindi mo sure,
Hinabilin ko muna kay mama ang kambal dahil minsan gabi na ako nakakauwi. Next, next week na kasi ang moving-up kaya busy kaming mga teachers sa pag compute ng grades ngayon.["Mama, hanggang kailan po kami rito kay mama-lola? Miss na po namin ikaw eh,"] bumuntong-hininga naman ako."Hindi ko pa alam eh, miss na rin kayo ng mama," sagot ko.["Miss na rin po namin si papa."] Sabi naman ni Aislinn. Isa rin pala 'yon, last na usap namin noong isang araw pa. Gusto niyang kausapin noon ang kambal kaso nga naroon sila kay mama noon. Nasabi niya rin sa akin na sunod-sunod 'yong mga nangyayari sa site kaya naging busy siya nitong mga nakaraang araw."Gusto niyo bang sumama sa akin bukas sa school?" Tanong ko sa kambal. Wala na rin naman ako masyadong gagawin bukas dahil patapos naman na ako sa ginagawa ko.["Opo, mama, sama po kami!"] Sabay na sagot ng kambal."Oh, sige, pero dapat maaga kayong mag-gayak para kapag dating ko riyan ay diretso alis na tayo." Sabi ko.["Noted po, mama!"]"I lov
Ramdam ko ang sinag ng araw na tumatama sa balat ko. Magmumulat na sana ako ng mata ko nang mag salita si Ainsley. "Papa, can I ask?" Tanong nito."What is it?" Dinig kong tanong naman ni Xzavier. "Do you love mama?" Napantig naman ang tainga ko sa tanong na iyon ni Ainsley.Gusto kong imulat ang mata ko ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Gusto kong marinig 'yong sasabihin ni Xzavier."Yes, I do love her." My lips form into a smile when he said that. "Kahit na matagal kaming nagkalayo ng mama niyo, kailanman ay hindi nagbago itong nararamdaman ko para sa kaniya." He added. "Then why don't you get back together again?" Tanong din ni Aislinn."Gusto kong makipagbalikan sa mama niyo but I don't know if she still love me," malungkot namang sagot niya. 'Yes, I do! I still love you, Xzavier!' Gusto kong sabihin 'yan sa kaniya pero ewan ko ba kung bakit nahihiya ako. Seriously, Elara? Ngayon ka pa mahihiya?"Let's go outside. Hayaan na muna nating matulog ang mama niyo." Aniya at lumabas
Paggising ko ay nakita kong mahimbing pang natutulog ang kambal sa tabi ko. I smiled at saka hinalikan ang noo nila bago lumabas ng kuwarto."Good morning!" Natawa ako nang makitang napatalon sa gulat si Xzavier. Matalim naman na tingin ang iginawad niya sa akin. "Good morning." Matabang sa tugon niya."You need help?" Tanong ko, umiling naman siya.What's wrong with him?"Woi..." sundot ko sa tagiliran niya."Huwag kang magulo, Elara." Maotoridad na sabi niya."Ano bang mayroon at umagang-umaga ang sungit sungit mo?" Nakapamewang na tanong ko pero ang loko hindi man lang ako nagawang lingunin."Tss." Singhal niya."Baliw." Irap ko saka tinalikuran siya.Bumalik na lang ako sa kuwarto para tabihan ulit ang kambal. Pero noong pagpasok ko sa kuwarto ay nakita ko silang nagliligpit ng higaan."Good morning!" Nakangiting bati ko sa dalawa."Good morning po!" Balik na bati nila saka nagmamadaling tumakbo palapit sa akin at hinagkan ako sa pisngi."Nasaan po si papa?" Tanong ni Ainsley nan
Hindi na nakabalik si Xzavier matapos ang gabing iyon. Nag-text siya sa akin na sabihin sa kambal na ilang araw muna siya mawawala dahil may kaunti silang babaguhin at aayusin sa hotel. Linggo na ngayon at katatapos lang ng misa kaya naman pumara na kami ng tricycle at nagpababa sa tapat ng mall.Ngayon pa lang ako bibili ng damit na susuotin ko para bukas."Alin dito ang mas maganda, this one or that one?" Turo ko roon sa peach dress na ang tantiya ko ay baba lang ng aking tuhod."Mas bagay po sa 'yo 'yan," turo ni Ainsley sa hawak kong off shoulder."No. Mas bagay kay mama 'yong peach." Suhestyon naman ni Aislinn. Bago pa sila mag-talo ay nagsalita na ako."Hep! Ganito na lang, mag jack en poy kayo at kung sino ang manalo siya ang mamimili ng dress ng mama," usal ko at nag jack en poy na sila."Yes, I win!" Tuwang-tuwang sabi ni Ainsley.Since si Ainsley ang nanalo, 'yong napili niyang off shoulder ang binili ko. Mahaba naman ang nguso ni Aislinn nang makalabas kami."Don't be sad
May tatlong araw pa kaming papasok sa school bago tuluyang magbakasyon. May ilan pa kaming gagawin tulad ng pagpi-pirma ng permit ng ilang students. "Last day na tomorrow! Vigan, wait for me!" Parang baliw na saad ni Amor."Saan kayo sa bakasyon?" Tanong sa akin ni Dennise. "I don't know." Nagkibit-balikat ako. Totoong hindi ko alam kasi alam kong may iba pa kaming pupuntahan bago pumuntang Manila. "Eh kayo ni Harold, saan balak niyo?" Balik kong tanong. "Baka mag-boracay na lang kami since may relatives naman siya roon." Tumango-tango naman ako."Wait a minute. Tama ba ako ng dinig na magbo-bora kayo?" Sabat ni Amor. Tumango naman si Dennise. "P'wede sumama? Kahit sa maleta niyo na lang ako pumwesto, ayos lang sa akin," dagdag pa niya."Akala ko ba sa Vigan kayo ni cupcake mo?" Ani ko at diniin ang salitang cupcake. Natatawa talaga ako sa call sign nilang dalawa.Hanggang alas dos lang ako sa school kaya dumi-diretso na ako sa karinderya pagkagaling kong school. Nasa loob ako s
"Xzav!" Itinigil ko muna ang ginagawa ko nang marinig ko ang tawag sa akin ni Elara."Yes, hon? Do you need something?" Tanong ko rito nang nakangiti."I want avocado.." she said while pouting. Fvck, she's so freaking cute!"Wala na tayong avocado eh," sabi ko. "Bili ka," parang batang tugon niya."Okay, you want to come?" I asked."Ayaw." Iling niya. "Isama mo na lang 'yong kambal kung gusto nila." She added. Tumango ako at hinalikan muna ang kaniyang noo bago magpaalam na magbibihis muna. She's six months pregnant at tatlong na buwan na lang ay ka-buwanan niya na."Twins, sama kayo?" Tanong ko sa dalawa kaya naman nahinto sila sa paglalaro sa IPad nila."Where po?" Ainsley asked."Mall." Mabilis naman silang bumaba ng kama."Yes po, sama kami!" Sabay na sabi nila."Let's go." Hindi ko na sila pinagbihis dahil mabilis lang naman kami."Hindi po sasama sa atin si mama?" Tanong ni Aislinn nang makasakay kami sa sasakyan."Nah. Ayaw niyang sumama eh." I answered.Nang makarating kami
This is the first time na ipapakilala ko si Elara kay mommy kaya kinabahan ako."Xzav, I'm nervous.." napatingin ako kay Elara at saka hinawakan ang kamay nito."Don't be, I'm with you kaya 'wag kang kabahan." Ngumiti siya pero halata namang pilit iyon.Lihim na lang akong ngumiti saka inaya na sila sa loob. Nang malaman namin ang kuwarto ni mommy ay agad na namin itong pinuntahan.'Yong kabang nararamdaman ko kanina ay bigla na lang naglaho nang makitang maayos ang pagsalubong ni mommy kina Elara.Nang mailabas namin si mommy ay kami na rin ang naghatid sa kaniya sa bahay niya. Habang pinagmamasdan kong nag-iikot-ikot si Elara sa kuwarto ay bigla na lang nag-ring ang telepono ko."Yes?" Sagot ko sa tawag.["Gusto raw po kayong maka-usap ni Engineer Santos tungkol sa susunod niyo project."] Sagot niya."Papunta na ako." Iniwan ko muna sina Elara kasama si Mommy. At nang makarating ako sa site ay agad kong tinungo ang office ni Wiliam."Gusto mo raw akong maka-usap?" Tanong ko sa kani
Xzavier's POVNoong una, hindi ako naniniwala sa pagmamahal. Dahil saksi ako sa nangyari sa mga magulang ko. Bata pa lang ako palagi ko na silang naririnig na nagsisigawan. Araw man o gabi, wala silang pinapalampas.Hanggang sa makatungtong na ako ng highschool, ganoon pa rin ang nangyayari sa kanila. Pero mas malala na ngayon dahil madalas kong nakikita si Dad na pinagbubuhatan ng kamay si mommy. I know masamang mangialam sa away nila pero sobra na eh, hindi na tama 'yong ganito. Ilang beses kong sinasabihan si mommy na hiwalayan na niya si Dad dahil hindi na maganda itong pagsasama nila. Masyado ng toxic. Pero ang palaging sagot niya sa akin ay hindi niya raw kayang mawala si Dad. Wala naman na akong magawa kundi ang hayaan na lang siya. Habang tumatagal ay palala nang palala ang away nila. Umabot na sa puntong tinutukan ni Dad si mommy ng baril. Matinding takot ang naramdaman ko noon kaya hindi ko nagawang protektahan at ipagtanggol si mommy.Hanggang sa napagdesisyonan na ni Dad
"Ang ganda mo naman, Calli, parang ikaw na yata 'yong ikakasal ah?" Inirapan ko na lang si Lina at pinagtuonan na lang ng pansin ang pag-aayos sa suot kong dress.Ngayong araw na ang sukatan ng dress kaya naman maaga pa lang ay narito na kami sa shop ni Ate Elaine dahil siya ang designer ng gown ni Lina at dress ng mga abay."Kailan niyo nga pala balak ikasal noong partner mo?" Tanong sa akin ni Ate Elaine. "Hindi pa po namin napag-uusapan ni Xzavier eh," sagot ko. "Don't worry, ate, ikaw agad ang tatawagan ko kapag may date na 'yong kasal namin." Dagdag ko pa."Sure 'yan ha?" Tumango naman ako."Calli, 'yong sundo nandiyan na sa labas." Sabay naman kaming napalingon ni Ate Elaine sa labas.At naroon na nga sa labas sina Xzavier at ang kambal."Anak niyo ba 'yong dalawang cute na batang 'yon?" Tanong ni Ate habang nakatingin sa kambal."Yes, ate." Sagot ko naman."Ang gaganda naman nila! No wonder na kayo talaga ang magulang nila." Aniya. Natawa na lang ako sa sinabi niya."Go, chang
Kinaumagahan, nauna akong nagising kaya naman malaya kong pinagmasdan ang maamong mukha ni Xzavier. Ang amo 'pag tulog pero halimaw 'pag gising lalo na kapag alam mo na. Napa-ayos naman ako ng higa nang maramdaman kong gumalaw siya."Good morning." Nakangiting bati ko sa kaniya. Mahina akong natawa nang makita nagulat siya noong makita ako."E-Elara? Y-You're here? For real?" Sunod-sunod na tanong niya."Oo nga," natatawang sagot ko.Napabalikwas naman siya at mabilis na yumakap sa baywang ko."I thought... I thought it was a dream," sabi niya.Nataranta naman ako nang marinig kong sumisinghot siya. Wait, umiiyak siya?"Woy, bakit ka umiiyak? Ayaw mo ba na nandito ako?" Parang bata naman siyang umiling. "Then, why are you crying?" Tanong ko.Humiwalay siya sa akin at saka mabilis niyang tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang kamay niya."Hindi lang ako makapaniwala na bumalik ka, na nandito ka na." Sagot niya. "Hindi mo alam kung gaano ako nagsisi noong malaman ko ang totoo, Elara. La
Matapos ang ilang oras na biyahe sa himpapawid ay sa wakas nakarating na rin kami ng Pilipinas. Ginising ko na ang kambal nang makalapag na ang eroplanong sinasakyan namin.Pagka-baba namin ay tinext ko na si Lina na naka-land na 'yong eroplanong sinakyan namin. Nang mabasa ko 'yong reply niya at lumakad na kami palabas dahil naroon na raw sina Lina at Evan."Ninang Lina!" Tumakbo agad sina Ainsley palapit kay Lina nang makita nila ito."Hi, hello, mga bebe ko! Na-miss niyo ba ang ninang?" Dinig kong tanong niya sa mga ito."Super miss po!" Tugon naman ni Ainsley. Ginulo na lang niya ang buhok nila bago bumaling sa akin. "Kumusta naman ang buhay Australia?" Ani nito."Ayos lang naman," sagot ko naman."May nang-aano ba sa 'yo ro'n?" Bulong niya sa akin.Nagtaka naman ako. "Anong nang-aano?" "May Australian bang umaaligid sa 'yo roon?" Bigla na lang ako natawa nang maalala 'yong ginawa ng kambal. "Lah? Anong nangyari sa 'yo?" Umiling na lang ako saka kinewento 'yong nangyari dati n
Sa pagdaan ng mga araw ay maraming masasayang nangyari sa amin ng kambal. Katatapos lamang ng kanilang graduation noong nakaraang araw at parehas silang nasa top. Sobrang proud ako sa kanila kasi kahit na sa murang edad pa lang sila ay ang dami na nilang nakukuhang achievements.Next month na rin pala 'yong kasal ni Lina at may nahanap na rin si tita ng katulong niya sa shop. Maayos na rin 'yong flight namin next next week kaya wala na kaming poproblemahin pa."I'm so excited na, Linn!" Impit na sigaw ni Ainsley. "Me too! Super miss ko na sa Philippines eh." Segundo naman ni Aislinn. Napangiti naman ako sa kanilang dalawa habang gumagawa ako ng sandwich na meryenda nila. I'm sure hindi lang ang Pilipinas ang miss nila."Here's your sandwich na." Sabi ko sabay lapag ng pinggan sa harapan nila.Matamis naman silang ngumiti. "Thank you, mama!" Sabay nilang saad bago lantakan ang sandwich nila.Iniwan ko muna sila roon sa kusina at pumunta muna sa kuwarto. At saktong pagpasok ko ay naki
Two years later"Mama! Look, I got so many stars!" Tuwang-tuwang pinakita sa akin ni Ainsley ang braso niyang punong-puno ng stars na nakuha niya."Wow, good job! How about your sister?" Baling ko naman kay Aislinn na nasa likuran ni Ainsley. "She got stars too! Linn, show your stars to mama." Utos nito sa kapatid. Dahan-dahan namang lumapit sa akin si Aislinn at pinakita na rin sa akin ang brasong niyang punong-puno rin ng stars."Very good naman ang mga baby ko!" I said sabay pisil ng kanilang pisngi."Mama, we're not baby anymore!" Nakakunot ang noo'ng utas ni Ainsley. "Okay, okay. My angels na lang," ani ko."Punta na po kami sa kuwarto namin," ani Ainsley sabay halik sa akin. Ganoon din ang ginawa ni Aislinn. "Let's go, Linn. Let's do our homework na." Saad nito sa kapatid.Habang tumatagal ay napapansin kong mas lalong nagiging mahiyain si Aislinn. Simula noong dito na kami sa Australia tumira."Elara, are you okay? What's bothering you?" Nahinto ako sa iniisip ko nang magsa
Isang araw na ang lumipas simula noong maka-uwi kami. At sa loob ng isang araw na iyon ay wala man lang akong natanggap na text or tawag galing kay Xzavier. Pero hindi ko na inintindi 'yon.Marami na kaming ginagawa ngayon dahil last night na ni mama bukas. Ngayon na rin ang uwi noong panganay nilang kapatid na galing pang ibang bansa."Elara, ako na muna ang magbabantay sa mama mo, kumain ka na roon." Nilingon ko si tita."Iyong kambal po? Kumain na po ba sila?" Tanong ko, tumango naman siya."Kasabay nilang kumain sina Arnold at Lina kanina," sagot niya.Tipid naman akong napangiti. "Sige po, kayo na po muna ang bahala rito." Tumayo na ako at tumungo na sa kusina para kumain.Kaunti lang ang kinain ko dahil hindi naman ako gaanong gutom. "Mama!" Hingal na hingal na lumapit sa akin si Ainsley.Lumuhod ako upang magpantay kami at pinunasan ang pawis sa noo niya."Ano ba'ng ginawa mo at pawis na pawis ka?" Tanong ko rito."P'wede po kami sumama kay Tito Arnold?" Paalam niya at hindi