Share

Chapter 01

Author: Aerunny
last update Last Updated: 2023-02-15 15:03:49

"Ainsley, paki-gising na nga ang kapatid mo at kakain na tayo." Utos ko sa kaniya na agad din naman niyang sinunod.

Kambal ang naging anak ko at iyon ay sina Ainsley at Aislinn. Hindi na ako nagtaka dahil may lahing kambal ang side ni papa. Nasabi rin sa akin si mama na may kakambal din sana ako kaso nagkaroon ng komplikasyon ang puso niya dahilan upang bawian siya ng buhay.

"Mama, pupunta po ba ulit kami kay mama-lola?" Tanong ng munti kong si Aislinn.

"Opo, kasi need mag-work ni mama para may pang bili tayo ng mga toys niyo." Paliwanag ko sa kaniya.

Limang taong gulang na sila pero hindi ko pa sila pinag-aral. Ang plano ko kasi ay pagtuntong nila ng pitong taon ay ipapasok ko na sila sa first grade kaya naman tuwing uuwi kami ng bahay ay tinuturuan ko na silang magbasa at magsulat. 

Matapos kaming kumain ay pinaligo ko na sila habang ako naman ay maghuhugas ng pinagkainan namin.

"Ma, we're ready na po!" Sabay na sabi nila habang suot ang cute na pink dress nila na regalo ng ninang Lina nila.

"Ang gaganda naman ng mga baby ko! Pa-kiss nga ang mama." Agad naman silang lumapit sa akin at sabay na hinalikan ang magkabilang pisngi ko.

Magsi-6:30 nang maihatid ko sila sa maliit na karinderya ni mama. 

Hinalikan ko pa muna sila sa pisngi bago magpaalam sa kanila.

"Good morning, ma'am." Magalang na bati sa akin ng guwardiya sa school na pinagtatrabahuhan ko.

"Good morning din po." Balik kong bati sa kaniya at matapos 'yon ay nag-log in muna ako bago pumunta sa faculty. 

"Good morning Ma'am Calli, blooming na blooming ka ah," mahina ko namang pinalo ang braso ni Ma'am Amor.

"Ikaw nga riyan eh, tsaka sa ating dalawa ikaw ang may boyfriend." Agad naman siyang namula kaya natawa ako.

"Kumusta pala 'yong kambal mo?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Maayos naman sila, naroon ulit sila kay mama ngayon."

"Kailan mo sila dadalhin dito? Gusto ko ulit silang makita tsaka may ibibigay akong dress sa kanila na tiyak kong magugustuhan nilang dalawa." aniya.

"Kapag wala na masyadong ginagawa rito sa school," sagot ko.

She's Amor, ang pinaka-close kong teacher dito sa school na ito.

Nang tumunog ang bell ay kinuha ko na ang ibang gamit ko at pumunta na sa room ng Grade 10-Resin.

Nag-discuss lang ako at matapos 'yon ay nagpasulat na.

"That's all for today. Good bye, Grade 10, wait for your next subject teacher." Paalam ko sa kanila.

Mamayang 11:20 pa ang next class ko kaya naman naisipan kong tawagan si mama para kumustahin ang kambal.

["Mama!"] Alam kong boses iyon ni Aislinn.

"Kumusta kayo riyan?" Tanong ko.

["Okay naman po kami, tumutulong po kami kay mama-lola."] At boses naman iyon ni Ainsley.

"Ay very good pala kayo kung ganoon?" Sabay naman silang nag 'opo' na dalawa.

["May pasalubong po ba ikaw sa amin mamaya? Kasi 'di ba po sabi mo very good kami,"] natawa naman ako sa sinabi ni Aislinn. Ito talagang batang ito oh.

"Ano bang gusto niyong pasalubong?" Tanong ko sa kanila. 

["Ice cream!"] Buong galak na sabi nila.

"O'sige, basta mag-behave lang kayo kay mama-lola, okay?" Sabay ulit silang nag 'opo' kaya naman nagpaalam na ako sa kanila.

Tumunog na ang bell kaya naman tumayo na ako para pumunta sa canteen para bumili ng pagkain. At nang makabili ako ay bumalik na ako sa faculty upang doon kumain. 

"The kasipagan award goes to Miss Elara Calliope Borja." Pabiro kong inirapan si Amor pati ang iba pang teacher na narito sa faculty.

"Mga baliw," usal ko.

"Kumain ka na ba, ma'am?" Tanong niya, tumango naman ako.

"Bakit hindi mo kami hinintay?" Nakangusong tanong niya.

"Sorry, hindi ko naman alam eh." Sagot ko.

"Last na class mo na mamaya, right?" Tanong muli ni Amor nang maka-upo sa table niya na katabi lang ng table ko.

"Oo, bakit?" Tanong ko naman.

"Wala naman, natanong ko lang." aniya kaya nagkibit-balikat na lamang ako at bumalik na lamang sa ginagawa.

~~~

"Mama!" Salubong sa akin ng kambal nang makita nila ako sa labas ng karinderya ni mama.

"Kumusta ang mga mahal ko?" Tanong ko habang yakap sila.

"Okay naman po, mama," tugon ni Ainsley.

"Mama, 'yong reward po namin?" Mahinang tanong ni Aislinn. 

Natatawa ko namang nilabas ang dalawang Cornetto na paborito nilang dalawa at binigay na sa kanila.

Malawak ang ngiti ko habang pinapanood ang dalawang enjoy na enjoy sa pagkain ng paborito nila. Habang pinagmamasdan ko sila ay lumapit sa akin si mama.

"Kumusta ang araw mo?" Tanong nito.

"Maayos naman po, ma, eh kayo ng mga bata?" Balik kong tanong sa kaniya.

"Maayos din naman, masunurin masyado ang mga iyan eh." anito sabay sulyap sa dalawa. "May tanong ako, 'nak."

"Ano po iyon?" Takang tanong ko.

"Wala ka na ba talagang balak na ipakilala sa kambal ang papa nila?" Hindi agad ako nakasagot.

Hindi ko alam kung ipapakilala ko pa ba sila o 'wag na lang. Hanggang ngayon kasi natatakot pa rin ako na baka hindi niya pa rin tanggapin ang kambal. At saka hindi ko pa rin nalilimutan na gusto niyang ipalaglag ang anak niya.

"Hindi na po siguro, ma." Sagot ko.

"Pero may karapatan din silang makilala ang papa nila. Lumalaki na sila pareho, 'nak, panahon na rin siguro para makilala nila si Xzavier bilang ama nila." Bumuntong-hininga naman ako.

"Kapag handa na po ako, saka ko ipapakilala si Xzavier sa mga bata." Sagot ko.

Pagsapit ng alas singko ay nagpaalam na kami kay mama.

"Mag-iingat kayo sa pag-uwi." Kaway ni mama.

"Mama, nasaan po si papa?" Mayamayang tanong sa akin ni Ainsley. Napalunok naman ako. Hindi ko alam ang isasagot ko! 

"Ainsley, 'wag kang mag hanap nang wala, okay?" Sumbat naman ni Aislinn. 

"I'm just asking, okay?" Sagot naman ni Ainsley. 

Sumingit na ako bago pa man mag-away ang dalawa.

"Hep! Tama na 'yan." Saway ko.

"Ainsley, your sister is right. Huwag mong hahanapin ang wala." ani ko, nakasimangot naman siyang tumango. 

Nang huminto ang tricycle sa tapat ng bahay namin ay binigay ko kay Ainsley ang susi ng bahay kaya tumakbo na silang dalawa upang buksan ang bahay, samantalang nagbayad naman ako kay manong.

Pagpasok ko ay nakita kong nanonood ng TV 'yong dalawa kaya dumiretso na muna ako sa kuwarto at hinayaan silang manood.

"Mama, look oh..." turo ni Ainsley sa TV.

Nanlaki ang mata ko nang makitang nasa balita si Xzavier. Ini-interview siya para sa susunod na project niyang pagpapatayo ng hotel na malapit sa bayan namin. Wait, what?

Bigla akong nanghina sa nakita ko at nagsimula na ring manlamig ang mga kamay ko. What should I do? Hindi niya puwedeng makita ang kambal.

"Gusto ko pong maging katulad niya kapag laki ko po, gusto ko pong ako gagawa ng bahay natin." Pilit naman akong ngumiti sa tinuran ni Ainsley.

"Ako naman po, gusto kong maging teacher katulad mo para matulungan ko po 'yong ibang mga batang hindi makapag-aral." Hindi naman magpapatalo si Aislinn. 

Jusko po! Five years old pa lang ba talaga itong mga anak kong 'to?

"Kung ganoon, dapat mag-aral kayong mabuti para maging engineer ka rin katulad niya at teacher katulad ko, hmm?" Sabay naman silang nag 'opo' kaya pareho kong hinalikan ang noo nila.

Nagpaalam na akong magluluto muna kaya pinabalik ko na silang dalawa sa panonood.

Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto nang tawagin ako ni Ainsley habang hawak ang cellphone ko.

"Ninang Lina is looking for you." Kinuha ko naman ang cellphone sa kaniya kaya kumaripas na siya ng takbo pabalik sa sala.

["Nakita mo na ba 'yong nasa balita?"] Tanong nito. 

"Yes, what should I do? Ayaw kong mag-cross ang landas nilang mag-aama." Sabi ko.

["Kung ganoon, huwag mo munang ipapasyal sa kung saan ang kambal."] aniya.

"Gagawin ko 'yang sinabi mo." Wika ko.

["May ginagawa ka ba?"] Nag 'oo' naman ako. ["Ah sige, ituloy mo muna iyang ginagawa mo. Iyong kambal na lang muna ang kakausapin ko."] Usal niya kaya tinawag ko si Ainsley at binigay ang cellphone sa kaniya.

Lutang ang isip ko hanggang sa matapos akong magluto at pati hanggang sa pagtulog. Hindi ako kampante kahit na gawin ko 'yong sinasabi ni Lina na huwag munang igala ang kambal. Hay, bahala na.

Related chapters

  • Hiding the Engineer's Twins   Chapter 02

    Sabado ngayon kaya nandito kami sa karinderya ni mama para tulungan siya. Natutuwa akong makita na aliw na aliw ang mga customer ni mama sa kambal dahil sa pagiging bibo nila."Ganiyan na ganiyan ka rin noong kasing edad mo sila," sambit ni mama sa gilid ko."Kanino pa ba sila magmamana, ma?" I chuckled. "Syempre sa lola," sumimangot naman ako na ikinatawa naman ni mama.Saglit pa kaming nagkulitan ni mama bago bumalik sa kaniya-kaniya naming trabaho. "Ainsley, Aislinn, kain muna kayo." Tawag ko sa kambal. "Mama, ang dami nating customer!" Natutuwang sambit ni Aislinn. "Masisipag kasi ang dalawang anghel ko eh," sabi ko sabay gulo ang buhok nila."Mama, kami na po," inagaw sa akin ni Ainsley ang kutsara saka siya na ang sumubo sa sarili, ganoon din si Aislinn.Ano ba 'yan, naiiyak tuloy ako. Hindi na talaga baby itong mga ito.Pinanood ko lang silang dalawa habang sarap na sarap sa pagkain. Tumayo ako saglit upang kumuha ng tubig nila at baka sila'y mabulunan.Halos sabay silang n

    Last Updated : 2023-02-15
  • Hiding the Engineer's Twins   Chapter 03

    "Elara, wait..."Hindi ko alam kung haharap ba ako o ano. Hindi ko rin kayang maigalaw itong mga paa ko. Pakiramdam ko para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil naningas ako sa kinatatayuan ko."Mama, tawag ka po no'ng guy." Uga ni Aislinn sa braso ko."A-Ah, let's go. B-Baka nagkamali lang siya." ani ko at nagmamadali nang hinila ang kambal.Gulong-gulo ako kung ano ang dapat kong gawin lalo na't nakita niya na kami. Paano ko maitatago ang kambal mula sa kaniya? Imposibleng hindi niya kami mahanap dahil alam kong marami siyang kilalang p'wede niyang mautusan upang hanapin kami.Pagkarating namin sa bahay ay pinapasok ko na ang kambal sa kwarto upang sila'y makapagbihis na. Habang ako naman ay nanginginig ang kamay ko habang dina-dial ang number ni Lina."Hello, Lina..." bungad ko nang sagutin niya ang tawag.["Oh? Bakit parang kinakabahan ka? May nangyari ba?"] Sunod-sunod na tanong nito."He saw us, Lina. What should I do?" Mangiyak-ngiyak kong tanong.["What? How? Tsaka 'di ba

    Last Updated : 2023-02-15
  • Hiding the Engineer's Twins   Chapter 04

    Naka-ilang balikwas ako sa kama dahil hindi pa rin maalis sa isip ko kung paano at saan niya nakuha ang number ko. At saka bakit niya gustong makipag-kita? Tatanungin niya 'yong about sa kambal? No way! Kahit na ano pang sabihin niya, hinding-hindi ako magsasalita about sa kambal.Bumangon muna ako upang uminom ng tubig at pagbalik ko sa kuwarto ay himbing na himbing pa rin ang tulog ng kambal. Tinabihan ko na lang ulit sila at saka pinilit nang matulog.Kinaumagahan, maaga ko silang hinatid kay mama at doon na pinakain."Sigurado ka bang hindi ka na kakain?" Tanong sa akin ni mama.Umiling naman ako. "Doon na lang po ako kakain sa school," sagot ko.Matapos akong makapag-paalam sa kambal ay nagtawag na ako ng tricycle at saka nagpababa sa coffee shop na malapit lang sa school. Maglalakad na lang ako mamaya.Pagpasok ko sa coffee shop ay agad na akong nag-order ng isang espresso at isang cinnamon roll. Humanap na agad ako ng mauupuan nang makuha ko na ang order ko.Tahimik lang akong

    Last Updated : 2023-02-15
  • Hiding the Engineer's Twins   Chapter 05

    Nang matauhan ako ay dali-dali akong pumasok sa loob at mabilis na idinial ang number ni Lina."Lina, pick up the phone..." bulong ko sa sarili. ["Hello? Napatawag ka?"] Nakahinga ako nang maluwag nang sagutin na niya ang tawag."Lina, alam na ni Xzavier kung saan kami nakatira ng kambal." Saad ko.["What? P-Paano? Kasama mo ba ang kambal?"] Sunod-sunod na tanong niya. "I-I don't know how. Iyong kambal, naroon sila kay mama ngayon."["Good to hear that."]"Kailangan namin ng bahay na malilipatan dahil alam kong babalik at babalik dito si Xzavier."["Don't worry, may alam akong bahay na malilipatan niyo. I'll text you the address na lang,"]"Tsaka Lina, natatakot ako na baka malaman niya na hindi totoo 'yong sinabi ko sa kaniya." Usal ko.["Ano bang sinabi mo sa kaniya?"]"Sinabi ko na hindi sa kaniya 'yong kambal," sagot ko, narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya.["What if sabihin mo na sa kaniya 'yong totoo? Pinapahirapan mo lang ang sarili mo eh, tsaka hindi ka ba naaawa sa

    Last Updated : 2023-02-15
  • Hiding the Engineer's Twins   Chapter 06

    Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin at nagpaalam nang magluluto na ng kakainin namin. Naghintay na lamang ako sa sala habang hinihintay siyang matapos magluto.At matapos ang ilang minuto ay tinawag niya na ako mula sa kusina."Let's eat, the food is ready." He said then smiled at me.Tahimik lang akong kumakain dahil wala naman akong sasabihin. While him, tingin nang tingin sa akin na para bang may kung ano sa mukha ko."May sasabihin ka ba?" I asked.He shook his head. "None, na-aamaze lang ako sa kagandahan mo," nasamid naman ako sa sinabi niya. What the heck?Natatawa naman niya akong inabutan ng tubig. Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman tumigil siya sa pagtawa."May picture ka ba ng kambal?" Tanong nito, tumango naman ako. "Yeah, sobrang dami," sagot ko. "Ipakita ko sa 'yo mamaya after nating kumain. " I added."May extra akong toothbrush doon sa banyo, iyon na lang ang gamitin mo." Saad niya, tumango na lang ako at saka ngitian muna siya bago tumungo sa banyo.He said

    Last Updated : 2023-02-15
  • Hiding the Engineer's Twins   Chapter 07

    Since sabado ngayon, narito ulit kami sa karinderya ni mama para tulungan siya. Kasama ko ang kambal sa pagkuha at paghatid ng order ng mga customer."Tawagin mo na muna ang kambal at kumain muna kayo." Sabi ni mama kaya naman tinawag ko na muna 'yong kambal.Wala pa naman masyadong customer dahil alas diyes pa lang. Ganitong oras kami kumakain dahil pagpatak ng alas onse ay sunod-sunod na ang pagdating ng mga customer. "Mama," pagtawag sa akin ni Aislinn."Ano 'yon, anak?"Umiling naman siya. "Wala po pala," usal niya bago mag patuloy sa pagkain."Tell her na, Aislinn." Wika ni Ainsley sa kapatid."Ikaw na kasi magsabi, nahihiya ako eh," natawa naman ako sa binulong ni Aislinn kay Ainsley."Bakit ka naman nahihiya?" Balik namang bulong ni Ainsley. "Ano ba kasi 'yong sasabihin niyo?" Napunta naman sa akin ang tingin nila."P'wede po ba nating isama si papa bukas mag simba?" Sabay na tanong nila."P'wede naman but we need to ask him muna kung gusto ba niyang sumama,""I'm sure papaya

    Last Updated : 2023-02-15
  • Hiding the Engineer's Twins   Chapter 08

    Ilang araw na ang lumipas simula noong makilala ng kambal ang papa nila. Matapos noong linggong iyon ay naging busy si Xzavier dahil inumpisahan na nila 'yong paggawa ng hotel. Sa pagkaka-alam ko ay sobrang laki raw ng hotel na iyon kaya sigurado akong aabutin ng ilang buwan 'yon bago matapos.Pero kahit na sobrang busy niya ay nagagawa pa rin niyang sumamang magsimba. Naging hobby na namin iyong apat. At habang tumatagal din ay unti-unti nang nasasanay si Aislinn sa presensya ni Xzavier. Kung dati ay tumitingin pa siya sa akin para sabihan na lapitan niya si Xzav, ngayon naman ay kusa na siyang tumatakbo upang lapitan ang papa niya.Natutuwa akong makita silang masaya kapag kasama nila ang papa nila.["Eh kayo ni Xzavier, okay na kayo?"] Tanong ni Lina mula sa kabilang linya."Oo naman, okay na kami." Sagot ko.["So, may chance?"] Kumunot naman ang noo ko."Chance?" Takang tanong ko.She sighed. ["Na maging kayo ulit, duh!"]"Mukhang malabong mangyari 'yan." Sabi ko.["Hindi mo sure,

    Last Updated : 2023-02-25
  • Hiding the Engineer's Twins   Chapter 09

    Hinabilin ko muna kay mama ang kambal dahil minsan gabi na ako nakakauwi. Next, next week na kasi ang moving-up kaya busy kaming mga teachers sa pag compute ng grades ngayon.["Mama, hanggang kailan po kami rito kay mama-lola? Miss na po namin ikaw eh,"] bumuntong-hininga naman ako."Hindi ko pa alam eh, miss na rin kayo ng mama," sagot ko.["Miss na rin po namin si papa."] Sabi naman ni Aislinn. Isa rin pala 'yon, last na usap namin noong isang araw pa. Gusto niyang kausapin noon ang kambal kaso nga naroon sila kay mama noon. Nasabi niya rin sa akin na sunod-sunod 'yong mga nangyayari sa site kaya naging busy siya nitong mga nakaraang araw."Gusto niyo bang sumama sa akin bukas sa school?" Tanong ko sa kambal. Wala na rin naman ako masyadong gagawin bukas dahil patapos naman na ako sa ginagawa ko.["Opo, mama, sama po kami!"] Sabay na sagot ng kambal."Oh, sige, pero dapat maaga kayong mag-gayak para kapag dating ko riyan ay diretso alis na tayo." Sabi ko.["Noted po, mama!"]"I lov

    Last Updated : 2023-02-25

Latest chapter

  • Hiding the Engineer's Twins   Special Chapter

    "Xzav!" Itinigil ko muna ang ginagawa ko nang marinig ko ang tawag sa akin ni Elara."Yes, hon? Do you need something?" Tanong ko rito nang nakangiti."I want avocado.." she said while pouting. Fvck, she's so freaking cute!"Wala na tayong avocado eh," sabi ko. "Bili ka," parang batang tugon niya."Okay, you want to come?" I asked."Ayaw." Iling niya. "Isama mo na lang 'yong kambal kung gusto nila." She added. Tumango ako at hinalikan muna ang kaniyang noo bago magpaalam na magbibihis muna. She's six months pregnant at tatlong na buwan na lang ay ka-buwanan niya na."Twins, sama kayo?" Tanong ko sa dalawa kaya naman nahinto sila sa paglalaro sa IPad nila."Where po?" Ainsley asked."Mall." Mabilis naman silang bumaba ng kama."Yes po, sama kami!" Sabay na sabi nila."Let's go." Hindi ko na sila pinagbihis dahil mabilis lang naman kami."Hindi po sasama sa atin si mama?" Tanong ni Aislinn nang makasakay kami sa sasakyan."Nah. Ayaw niyang sumama eh." I answered.Nang makarating kami

  • Hiding the Engineer's Twins   Epilogue (Part 2)

    This is the first time na ipapakilala ko si Elara kay mommy kaya kinabahan ako."Xzav, I'm nervous.." napatingin ako kay Elara at saka hinawakan ang kamay nito."Don't be, I'm with you kaya 'wag kang kabahan." Ngumiti siya pero halata namang pilit iyon.Lihim na lang akong ngumiti saka inaya na sila sa loob. Nang malaman namin ang kuwarto ni mommy ay agad na namin itong pinuntahan.'Yong kabang nararamdaman ko kanina ay bigla na lang naglaho nang makitang maayos ang pagsalubong ni mommy kina Elara.Nang mailabas namin si mommy ay kami na rin ang naghatid sa kaniya sa bahay niya. Habang pinagmamasdan kong nag-iikot-ikot si Elara sa kuwarto ay bigla na lang nag-ring ang telepono ko."Yes?" Sagot ko sa tawag.["Gusto raw po kayong maka-usap ni Engineer Santos tungkol sa susunod niyo project."] Sagot niya."Papunta na ako." Iniwan ko muna sina Elara kasama si Mommy. At nang makarating ako sa site ay agad kong tinungo ang office ni Wiliam."Gusto mo raw akong maka-usap?" Tanong ko sa kani

  • Hiding the Engineer's Twins   Epilogue (Part 1)

    Xzavier's POVNoong una, hindi ako naniniwala sa pagmamahal. Dahil saksi ako sa nangyari sa mga magulang ko. Bata pa lang ako palagi ko na silang naririnig na nagsisigawan. Araw man o gabi, wala silang pinapalampas.Hanggang sa makatungtong na ako ng highschool, ganoon pa rin ang nangyayari sa kanila. Pero mas malala na ngayon dahil madalas kong nakikita si Dad na pinagbubuhatan ng kamay si mommy. I know masamang mangialam sa away nila pero sobra na eh, hindi na tama 'yong ganito. Ilang beses kong sinasabihan si mommy na hiwalayan na niya si Dad dahil hindi na maganda itong pagsasama nila. Masyado ng toxic. Pero ang palaging sagot niya sa akin ay hindi niya raw kayang mawala si Dad. Wala naman na akong magawa kundi ang hayaan na lang siya. Habang tumatagal ay palala nang palala ang away nila. Umabot na sa puntong tinutukan ni Dad si mommy ng baril. Matinding takot ang naramdaman ko noon kaya hindi ko nagawang protektahan at ipagtanggol si mommy.Hanggang sa napagdesisyonan na ni Dad

  • Hiding the Engineer's Twins   Chapter 33

    "Ang ganda mo naman, Calli, parang ikaw na yata 'yong ikakasal ah?" Inirapan ko na lang si Lina at pinagtuonan na lang ng pansin ang pag-aayos sa suot kong dress.Ngayong araw na ang sukatan ng dress kaya naman maaga pa lang ay narito na kami sa shop ni Ate Elaine dahil siya ang designer ng gown ni Lina at dress ng mga abay."Kailan niyo nga pala balak ikasal noong partner mo?" Tanong sa akin ni Ate Elaine. "Hindi pa po namin napag-uusapan ni Xzavier eh," sagot ko. "Don't worry, ate, ikaw agad ang tatawagan ko kapag may date na 'yong kasal namin." Dagdag ko pa."Sure 'yan ha?" Tumango naman ako."Calli, 'yong sundo nandiyan na sa labas." Sabay naman kaming napalingon ni Ate Elaine sa labas.At naroon na nga sa labas sina Xzavier at ang kambal."Anak niyo ba 'yong dalawang cute na batang 'yon?" Tanong ni Ate habang nakatingin sa kambal."Yes, ate." Sagot ko naman."Ang gaganda naman nila! No wonder na kayo talaga ang magulang nila." Aniya. Natawa na lang ako sa sinabi niya."Go, chang

  • Hiding the Engineer's Twins   Chapter 32

    Kinaumagahan, nauna akong nagising kaya naman malaya kong pinagmasdan ang maamong mukha ni Xzavier. Ang amo 'pag tulog pero halimaw 'pag gising lalo na kapag alam mo na. Napa-ayos naman ako ng higa nang maramdaman kong gumalaw siya."Good morning." Nakangiting bati ko sa kaniya. Mahina akong natawa nang makita nagulat siya noong makita ako."E-Elara? Y-You're here? For real?" Sunod-sunod na tanong niya."Oo nga," natatawang sagot ko.Napabalikwas naman siya at mabilis na yumakap sa baywang ko."I thought... I thought it was a dream," sabi niya.Nataranta naman ako nang marinig kong sumisinghot siya. Wait, umiiyak siya?"Woy, bakit ka umiiyak? Ayaw mo ba na nandito ako?" Parang bata naman siyang umiling. "Then, why are you crying?" Tanong ko.Humiwalay siya sa akin at saka mabilis niyang tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang kamay niya."Hindi lang ako makapaniwala na bumalik ka, na nandito ka na." Sagot niya. "Hindi mo alam kung gaano ako nagsisi noong malaman ko ang totoo, Elara. La

  • Hiding the Engineer's Twins   Chapter 31

    Matapos ang ilang oras na biyahe sa himpapawid ay sa wakas nakarating na rin kami ng Pilipinas. Ginising ko na ang kambal nang makalapag na ang eroplanong sinasakyan namin.Pagka-baba namin ay tinext ko na si Lina na naka-land na 'yong eroplanong sinakyan namin. Nang mabasa ko 'yong reply niya at lumakad na kami palabas dahil naroon na raw sina Lina at Evan."Ninang Lina!" Tumakbo agad sina Ainsley palapit kay Lina nang makita nila ito."Hi, hello, mga bebe ko! Na-miss niyo ba ang ninang?" Dinig kong tanong niya sa mga ito."Super miss po!" Tugon naman ni Ainsley. Ginulo na lang niya ang buhok nila bago bumaling sa akin. "Kumusta naman ang buhay Australia?" Ani nito."Ayos lang naman," sagot ko naman."May nang-aano ba sa 'yo ro'n?" Bulong niya sa akin.Nagtaka naman ako. "Anong nang-aano?" "May Australian bang umaaligid sa 'yo roon?" Bigla na lang ako natawa nang maalala 'yong ginawa ng kambal. "Lah? Anong nangyari sa 'yo?" Umiling na lang ako saka kinewento 'yong nangyari dati n

  • Hiding the Engineer's Twins   Chapter 30

    Sa pagdaan ng mga araw ay maraming masasayang nangyari sa amin ng kambal. Katatapos lamang ng kanilang graduation noong nakaraang araw at parehas silang nasa top. Sobrang proud ako sa kanila kasi kahit na sa murang edad pa lang sila ay ang dami na nilang nakukuhang achievements.Next month na rin pala 'yong kasal ni Lina at may nahanap na rin si tita ng katulong niya sa shop. Maayos na rin 'yong flight namin next next week kaya wala na kaming poproblemahin pa."I'm so excited na, Linn!" Impit na sigaw ni Ainsley. "Me too! Super miss ko na sa Philippines eh." Segundo naman ni Aislinn. Napangiti naman ako sa kanilang dalawa habang gumagawa ako ng sandwich na meryenda nila. I'm sure hindi lang ang Pilipinas ang miss nila."Here's your sandwich na." Sabi ko sabay lapag ng pinggan sa harapan nila.Matamis naman silang ngumiti. "Thank you, mama!" Sabay nilang saad bago lantakan ang sandwich nila.Iniwan ko muna sila roon sa kusina at pumunta muna sa kuwarto. At saktong pagpasok ko ay naki

  • Hiding the Engineer's Twins   Chapter 29

    Two years later"Mama! Look, I got so many stars!" Tuwang-tuwang pinakita sa akin ni Ainsley ang braso niyang punong-puno ng stars na nakuha niya."Wow, good job! How about your sister?" Baling ko naman kay Aislinn na nasa likuran ni Ainsley. "She got stars too! Linn, show your stars to mama." Utos nito sa kapatid. Dahan-dahan namang lumapit sa akin si Aislinn at pinakita na rin sa akin ang brasong niyang punong-puno rin ng stars."Very good naman ang mga baby ko!" I said sabay pisil ng kanilang pisngi."Mama, we're not baby anymore!" Nakakunot ang noo'ng utas ni Ainsley. "Okay, okay. My angels na lang," ani ko."Punta na po kami sa kuwarto namin," ani Ainsley sabay halik sa akin. Ganoon din ang ginawa ni Aislinn. "Let's go, Linn. Let's do our homework na." Saad nito sa kapatid.Habang tumatagal ay napapansin kong mas lalong nagiging mahiyain si Aislinn. Simula noong dito na kami sa Australia tumira."Elara, are you okay? What's bothering you?" Nahinto ako sa iniisip ko nang magsa

  • Hiding the Engineer's Twins    Chapter 28

    Isang araw na ang lumipas simula noong maka-uwi kami. At sa loob ng isang araw na iyon ay wala man lang akong natanggap na text or tawag galing kay Xzavier. Pero hindi ko na inintindi 'yon.Marami na kaming ginagawa ngayon dahil last night na ni mama bukas. Ngayon na rin ang uwi noong panganay nilang kapatid na galing pang ibang bansa."Elara, ako na muna ang magbabantay sa mama mo, kumain ka na roon." Nilingon ko si tita."Iyong kambal po? Kumain na po ba sila?" Tanong ko, tumango naman siya."Kasabay nilang kumain sina Arnold at Lina kanina," sagot niya.Tipid naman akong napangiti. "Sige po, kayo na po muna ang bahala rito." Tumayo na ako at tumungo na sa kusina para kumain.Kaunti lang ang kinain ko dahil hindi naman ako gaanong gutom. "Mama!" Hingal na hingal na lumapit sa akin si Ainsley.Lumuhod ako upang magpantay kami at pinunasan ang pawis sa noo niya."Ano ba'ng ginawa mo at pawis na pawis ka?" Tanong ko rito."P'wede po kami sumama kay Tito Arnold?" Paalam niya at hindi

DMCA.com Protection Status