TINAAS NI CHANDRIA ang hawak na baso at nagpakawala ng tila nahihibang na tawa. Walang ni isa sa mga taong na sa paligid ang pumansin sa kanya dahil tulad niya, lango na rin ang mga ito sa nakakalasing na alak at ang iba sa kanila ay umiindak na sa ritmo ng musika.
“Cheers for the fuck it and fuck that!” she chanted and raised her glass once again like she’s having a toast.
She’s been here after the wedding that ended at exact three in the afternoon. Hindi na nga niya naibigay ang kanyang speech para sa bagong kasal dahil hindi niya kayang makitang nakatali na ang natatanging taong pinapangarap niya sa malapit niyang kaibigang si Solene.
Tinunga ni Chandria ang alak at muling tinawag ang bartender para magpasalin ulit ng alak. Wala na sa isip niya na kailangan niya pang magmaneho pauwi. Wala na rin sa isip niya na baka magagalit ang mga magulang niya sa oras na umuwi siya dahil mahigpit nilang pinagbabawal ang pag-inom niya ng nakakalasing na inumin.
‘Hindi ba pwedeng kahit ngayon lang makalimutan ko siya sa pamamagitan ng paglasing sa sarili ko?’ tanong nito sa kanyang isipan.
Hindi matanggap ni Chandria ang nagawang pagpapakasal ni Solene kay Marco gayung alam nitong gustong-gusto niya ang binata. At kahit na labag sa kanyang kalooban ang pagsipot sa kanilang kasal kanina ay nagpunta pa rin siya. Para saan? Para ipamukha sa sarili niya na hinding-hindi na niya makukuha pa si Marco. Na kahit anong gawin niya, hinding-hindi na ito mapapasa kanya.
“Here’s your order, Miss.”
As soon as the bartender puts down the glass, she immediately pick it up. Walang kisap-mata niya itong tinunga at nang matapos ay mariin niyang pinikit ang kanyang mga mata dahil sa pait na gumuhit sa kanyang lalamunan. Naramdaman niyang may tumabi sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin.
“A glass of martini, please.”
Wala sa sariling naidilat ni Chandria ang mga mata at nilingon ang katabi. Ngumiwi pa siya dahil pakiramdam niya ay umikot ng three hundred sixty-degree ang buong paligid. Nanliit ang kanyang mga mata nang makilala niya ang binata.
“Teka, anong ginagawa mo rito?”
Sa kanyang tanong ay napabaling ang binata sa kanya. She then raised her brows. Namumukhaan niya ang binata ngunit hindi niya maalala ang pangalan nito. But then she doesn’t care who the hell this man is. Gusto niyang malaman ay kung ano ang ginagawa nito rito.
“Am I not allowed here?” wika nito sa matigas na ingles.
Wala sa sariling pinasadahan ng tingin ng dalaga ang binatang katabi niya. Hindi niya maiwasang mapangiwi. She must admit, he looks so handsome like hell. Ang kulay berde nitong mga mata ang mas lalong nagpapatingkad ng kanyang angking kagwapohan.
Her forehead knotted. “Hindi. May sinabi ba akong bawal ka? Tinatanong ko lang kung bakit ka nandito.”
Umismid ito. “Noisy woman.”
Matapos banggitin ‘yon ng binata ay saktong nilapag ng bartender ang Martini na order nito kaya naman hindi na siya pinansin ng binata matapos ‘yon. Wala sa sariling napanguso si Chandria at binaling na lang ang tingin sa dancefloor.
‘Sayang, gwapo pa naman sana. Masungit lang.’ sa isip-isip niya.
Muling nag-order si Chandria ng alak habang ang mga mata ay nakatingin sa dance floor. Sa tanang buhay niya, ngayon pa lamang siya nakapasok sa loob ng isang bar at uminom kaya naman bago pa sa kanya ang mga ganitong tanawin. And something inside her wants to dance. Pakiramdam niya ay kahit papano, kahit saglit ay makakalimutan niya ang dahilan kung bakit siya naglalasing ngayon.
Kaya naman dala ng natitira niyang lakas ay bumaba siya sa high stool na kinauupuan niya at pasuray-suray na naglakad patungong gitna ng dancefloor. May mga natatabig siya ngunit hindi man lang siya sinisita dahil tulad niya, lango na rin ito sa alak.
Saktong pagdating ni Chandria sa gitna ng dancefloor ay nagpalit ng musika ang DJ. Mas naging nakakaindak ang tugtog nito kaya naman tinaas na ni Chandria ang kamay niya at hinayaan ang sariling sumayaw sa ritmo ng musika habang na sa gitna ng mistulang dagat ng mga tao. But then just a few seconds of swaying her body, someone held her waist from behind and a voice whispered through her ears making her throat run dry.
IRITADONG HINUBAD ni Leon ang tux na suot at nagpalit agad ng putting t-shirt kung saan siya komportable. Kanina pa siya nangangating umalis dahil hindi siya ang tipo ng taong magsasayang ng oras para lang dumalo sa isang kasal. Ngunit bilang pagrespeto na rin sa pinsan niyang minsan na rin niyang naging matalik na kaibigan ay dumalo siya. At nang sa wakas na matapos ang kasal ay agad siyang umalis. Wala na siyang balak na magtungo sa reception dahil hindi siya interesado. As long as he sends a gift, that’s enough.
“Pantaleon, ano itong problemang naririnig ko?”
Nilingon niya ang kanyang ama na kakapasok pa lang at nakakunot ang noo. Leon sighed and shook his head. “Don’t worry, Don Leonardo. I’ll be leaving tomorrow night to troubleshoot everything happened in Davao.”
His father, Leonardo Farris, nodded his head. “That’s good to know.”
Tipid ding tumango si Leon at pinulot ang susi ng kanyang kotse na nakapatong sa mesa saka siya nagmamadaling lumabas ng kanyang silid. Saktong pagdating niya sa living room ay siyang pagdating ng kanyang nakababatang kapatid na si Pierce at kasama ang asawa nito.
“Where are you going? Akala ko na sa reception ka pa?” tanong ni Pierce at inalalayan si Crizel na maupo, ang asawa nito.
“I have more important business to deal with,” tipid na sagot ni Leon sa kapatid.
“Kaya ka hindi nagkakajowa, e. Puro ka trabaho,” sabat ni Crizel sa usapan. “Bigyan mo kaya ng oras ang sarili mo para maghanap ng babaeng mapapangasawa, ‘no? Malapit ka na mawala sa kalendaryo.”
Leon rolled his eyes in a very manly way. “Stop being so nosy, pregnant.”
Natawa na lang ang huli sa kanyang sinabi habang siya naman ay agad na nagpaalam. Kailangan niyang matungo sa opisina para makausap ang board directors tungkol sa pagsabog na naganap sa Davao kaninang umaga na ayon sa balita ay galing sa branch ng kanyang negosyo.
Ngunit bago pa man makaalis si Leon ay nahagip ng paningin niya ang wedding ring sa palasingsingan ni Crizel. That made him smile bitterly before walking out of the house. At katulad ng dati, naramdaman ni Leon ang pagguhit ng sakit sa kanyang dibdib na tila ba ay hinaplos ng matalim na kutsilyo ang kanyang puso.
Pagdating sa opisina ay doon binabad ni Fox ang sarili. Kabi-kabila ang meeting na kanyang dinaluhan at kabi-kabilang aberya sa negosyo ang kanyang narinig. But he’s not Pantaleon if he can’t fix anything… well, except for his broken heart.
Masyadong naging okupado si Leon na hindi na niya napansin pa ang oras. Nang muli niyang tignan ang orasan ay saktong alas otso na ng gabi kaya naman agad niyang sinara ang kanyang laptop at tinawagan ang kanyang secretary para ayusin ang lahat sa kanyang pag-alis bukas ng umaga.
Agad siyang bumaba sa unang palapag at binati naman siya ng guard na agad siyang nakilala. Hindi na niya ito pinansin at dumiretso na sa kanyang sasakyan. But then the moment his eyes landed on his passenger’s seat, he stilled.
That seat used to be filled by someone… and that someone is his brother’s wife, Crizel Azarcona. Ang babaeng hanggang ngayon ay nagpapatibok ng kanyang dibdib. Kaya ganoon na lang ang pait sa labi ni Fox kanina nang makita ang wedding ring ni Crizel. It was a big slap to him, a very big one.
Dahil doon, natagpuan na lang ni Fox ang sarili na patungong isang bar para aliwin ang sarili. Binabad niya ang sarili sa maraming trabaho kaya naman hindi naman siguro masama kung iinom muna siya ng ilang shots, ‘di ba?
Pagdating niya sa loob ng bar ay agad siyang nag-order ng Martini. Hindi na sana niya papasinin ang katabi niyang babae nang bigla itong magsalita.
“Am I not allowed here?” tanong niya.
Ngayong nakatingin na sa kanya ang dalaga, ngayon niya pa lang na-realize na pamilyar ang mukha ng babaeng katabi niya. Ang mapungay na kulay asul nitong mga mata nakatingin sa kanya ang nagsasabi kay Leon kanina pa ito naglalasing.
Umismid ang dalaga sa kanya at bumaling ito sa dancefloor saka walang lingon na nag-order ng isa pang shot. Ngunit hindi pa man nakakarating ang order nito ay agad na itong bumaba sa stool at naglakad patungong dancefloor.
“Kilala niyo po ‘yon, Sir?” tanong ng bartender. “Kanina pa pong hapon siya rito. Panay ang order. Broken hearted yata.”
Hindi iniwan ng paningin ni Leon ang babaeng naglalakad patungong gitna ng mga taong nagsasayaw. Leon can’t help but wonder what happened? Sobrang lasing na nito na pati ang paglakad nito ay pasuray-suray na.
“Wala ba siyang kasama?” tanong ng binata sa bartender.
“Hindi po ako sigurado, Sir. Pero wala naman pong lumapit sa kanya rito o kasama niyang dumating. Mag-isa lang po siya,” sagot nito.
Leon nodded his head. Tinunga niya ang Martini na hawak at agad na nangunot ang kanyang noo nang makita kung paano magkumpulan ang mga kalalakihan sa dancefloor at hindi nakaligtas sa paningin ni Leon kung sino ang sinasayawan nila kaya naman pabalda niyang binagsak ang baso sa counter. Naglapag muna siya ng bayad sa inumin niya saka siya umalis sa stool at binaybay ang daan patungong dancefloor.
SHE CAN FEEL her whole body shivered the moment his lips landed on her ears. Napapikit si Chandria sa sensasyong hatid ng taong na sa kanyang likuran.
“Don’t you know dancing is forbidden?”
Hinarap niya ang lalaking nagsalita at hindi nagkamali si Chandria sa hula niyang ito ang lalaking katabi niya kanina. Bahagyang nahihilo si Chandria sa pagpapalit ng mga ilaw.
“Bakit? This is a freaking dancefloor, Sir. It’s normal for me to dance,” taas noong sagot ng dalaga. “Kailan pa naging bawal ang sumayaw ngayon?”
“When I’m around,” he replied.
Malakas na napasinghap si Chandria nang hapitin siya nito palapit at ilang dangkal na lang ang layo ng kanilang mga mukha. At ngayong malapit sila ay tuluyang napagtanto ni Chandria kung gaano kagwapo ang lalaking kaharap niya.
“What?” she breathlessly asked.
Umiling ito. “Why are you drinking tonight?”
Wala sa sariling bumaba ang tingin ni Chandria sa labi ng binata. Hindi niya alam kung ano ang sumapi sa kanya. She brushed her thumb through his bottom lip but then the man held her wrist.
“Answer me, woman. Stop tempting me.”
Napakurap-kurap si Chandria at napatingin sa mga mata ng binata. “What?”
“Why are you drinking?” pag-uulit nito sa kanyang tanong.
“To forget,” wala sa sariling sambit ni Chandria habang nakatitig sa mga mata ng binata.
“Why?”
Muling bumaba ang tingin ng dalaga sa labi ng binata. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit may kung anong meron sa kanya at gusto niyang halikan ang mapula nitong mga labi.
Kaya naman dala ng kalasingan ay hinayaan ni Chandria ang sariling gawin ang kanyang iniisip. Hindi nito sinagot ang tanong ng binata at parang nagkaroon ng sariling buhay ang kanyang mga kamay.
She wrapped her arms around his neck and pulled him close. At laking gulat ni Chandria na tila ba nabasa ng binata ang gusto niyang mangyari. He held her nape and pulled him, capturing her lips.
And he moved his lips against hers, Chandria totally forgot they’re in the middle of the crowd. And probably don’t care what will happen after this. Basta ang alam niya ay kahit saglit, kahit ngayon lang, nakalimutan niya ang sakit sa kanyang dinadala.
ISANG NAKAKASILAW NA liwanag ang dahilan kung bakit naalimpungatan si Chandria. Irita niyang tinakpan ang kanyang mga mata at sunod-sunod na nagmumura sa isipan.‘Who the hell left my window curtains open?!’ sa isip-isip niya.Umikot siya sa kabilang parte ng kama para talikuran ang bintana para matulog ulit. Niyakap niya ang kanyang unan at sumiksik dito. Hindi niya maintindihan kung bakit sobrang komportable sa pakiramdam ng unan niya ngayon. Medyo matigas ito at may init na hatid.‘Was it because the air condition was turned on? Or na?’ she asked inside her head.Ipagsasawalang bahala na sana ito ni Chandria ngunit sumagi sa isip niya ang mga pangyayari kahapon hanggang sa gumabi. Kaya naman wala sa sariling dinilat ni Chandria ang kanyang mga mata. At ganoon na lang ang gulat niya nang mabungaran ang isang malapad na dibdib.She lowly looked up and to her surprise, the person beside her was non other than the person she met last night, ang pinsan ng lalaking kinasal kahapon, ang b
Kabanata 2“Tulala ka na naman, bitch.”Napatingin si Chandria sa pinsan niyang parang kabute kung saan-saan sumusulpot. Inirapan niya na lang ito at muling dinilaan ang kanyang biniling dirty ice cream kanina nang dumaan ang mamang sorbetero sa parke kung saan siya nag-jo-jogging.“Umagang-umaga, ice cream pinapapak mo?” tanong ni Eris at naupo sa couch.“Umagang-umaga nandito ka?” pagtataray ng dalaga. “Ano na namang kailangan mo?”Eris sat on the couch and looked at her. “Hindi ba pwedeng magpunta ako rito? Sobrang boring sa bahay. At saka teka lang, dirty ice cream ba ‘yan? Kumakain ka na ng ganyan?”Wala sa sariling napatingin si Chandria sa kanyang kinakain na ice cream at binalik ang tingin kay Eris na nakatitig din sa kanya. Ngayon niya lamang napagtanto ang bagay na ‘yon. Ever since she was a kid, she hates dirty ice cream. Kahit ilang bata na ang nagsasabi sa kanya kung gaano kasarap ito ay hindi niya ito tinitikman.Who knows how they made it, right?Pero ngayon…“I don’t k
Nagising si Chandria sa hindi pamilyar na silid. Bumalik sa kanyang aalaala ang nangyari sa kanya noong nagising siya sa silid isang estranghero kaya naman kahit sobrang bigat ng kayang katawan ay pinilit niya ang sariling bumangon at hingal-hingal na inilibot ang paningin sa buong silid. Malakas siyang napagkawala ng malalim na hininga. She recognized the place. She’s in a hospital. Ngunit ang tanong na namayani sa isipan niya ngayon ay kung bakit siya nandito? Paano siya nakarating nito? At higit sa lahat, anong nangyari? At mukhang nasagot ang mga katanungan sa isipan ni Ria nang bumukas ang pinto at niluwa nito ang pinsan niyang si Eris na may dalang paperbag. Napatingin ito sa kanya at kita ang relief sa mukha ng pinsan. “You’re awake,” saad ni Eris at nilapag ang dala niya sa mesang na sa tabi ng kama na kinauupuan ni Ria. “Kumain ka muna.” “Anong ginagawa ko rito?” Iyon ang unang salitang lumabas sa bibig ni Ria. Litong-lito siya sa mga nangyayari. How did she end up here
“Are you for real?” tila hindi makapaniwalang tanong ng kanyang ina. “Iiwan mo na ba talaga kami?” After the virtual interview with the company that responded to her application, laking tuwa ni Ria nang tanggapin agad siya nito na walang pagdadalawang-isip. Hindi naman sa nagmamalaki pero dahil na rin sa mga record niya sa school at mga magagandang designs niya kaya agad siyang na-hire. Tinigil niya ang pag-iimpake at bumaling sa kanyang mommy. She smiled at her and held her hand. “Mommy, hindi ko naman talaga kayo iiwan, e. I need to go and spread my own wings. And besides, it’s my dream. Gusto kong may mapatunayan.” Well, that one was a white lie. Gusto niya naman talagang may mapatunayan. But the main reason is… she needs to hide. Hindi pwedeng malaman ng kanyang mga magulang na mayroon ng laman ang kanyang tiyan. “I understand,” her mother said and sighed. “You’re just like your father. Palaging gustong may mapatunayan.” Ria just smiled. Laking pasalamat niya at may oportunida
Hindi maalis sa isipan ni Ria ang naging usapan nila ng kanyang head. She wanted to decline the offer ngunit naunahan na niya itong sabihin na “looking forward to work with them” kaya naman nakakahiya ng bawiin ‘yon. Kahit nang makarating siya sa kanyang desk ay tulala pa rin siya. Kung hindi pa siya kinalabit ng kanyang kasamahang arkitekto ay hindi siya magigising sa reyalidad. “Are you alright? You looked like you’re spacing out. Did that witch fire you?” takang tanong ni Elsa, isa ring architect tulad niya. Tipid na ngumiti ang dalaga at umiling. “Oh, no. She didn’t.” “Then why is your expression like that?” kunot-noong tanong nito. “Nothing,” tipid na sagot ni Ria. Sinilip ni Ria ang kanyang pambisig na relo, oras na para umuwi. Agaran niyang niligpit ang kanyang laptop at inayos ang kanyang mga sketchpad at nilagay ito sa loob ng kanyang backpack. Nagpaalam na siya sa kanyang mga kaibigan doon saka siya naglakad palabas ng firm. Ang pinaka-main branch ng firm na pinagtatra
Terrified. Iyon ang unang naramdaman ni Ria nang makalabas siya ng eroplano. Kinakailangan niya pang ilibot ang paningin sa takot na baka ay may nakakakilala sa kanya o namumukhaan siya. Even though she’s wearing a facemask and sunglasses, she’s still conscious about her looks. Baka may makakilala sa kanya. “Are you okay?” Wala sa sarili siyang napatingin sa nagsalita at nakita si Eris na buhat-buhat ang anak niyang si Eros na kasalukuyang tulog ngayon. Pinilit ni Ria ang sariling ngumiti at tumango. “I am.” She cleared her throat. “May susundo ba sa ‘tin dito?” Eris nodded her head. Nauuna itong maglakad kaya naman sinundan na niya ito. Medyo nahihirapan siya sa bagahe na dala ngunit hindi pa man sila nakakalayo ay may lumapit sa kanila. Nakita niyang agad na binigay ng pinsan ang dala nitong bagahe kaya naman nang may lumapit din sa kanyang lalaking nakauniporme rin ay binigay niya rito ang bagahe. “Diretso ba tayo sa new condo niyo? Hindi niyo pa nalilinisan ‘yon, ‘di ba?” tan
“Kindly wait here for his arrival. He will be here in a minute or so,” masungit na saad ng secretary. If this was just another day for her as Chandria Montellana, baka tinarayan na rin niya ito. But then the two years of living independently has teach her some lesson na hindi niya natutunan nang na sa poder pa siya ng kanyang mga magulang. At iyon ay ang maghintay at habaan ang kanyang pasensya. She’s not good at it before, pero ngayon… well, people learn how to grow. And learning how to longer her patience is one of the growths she has. Sa trabaho, hindi maiiwasan ang mga masusungit na kliyente kaya naman wala kang ibang choice kundi ang magpakabanal at ngumiti kahit sa loob-loob mo ay gusto mo na silang tirisin nang pinong-pino. “Okay, thank you.” Tipid na ngumiti si Ria. Hindi na nagulat si Ria nang umalis ang sekretarya na hindi man lang nag-offer sa kanya ng kape o kaya ay tea habang naghihintay sa CEO ng kompanya. Yes, she’s about to meet the CEO of this builing─ more like t
Hinamig ni Ria ang sarili at bumuntong hininga. She keeps roaming her eyes all over the place. Hindi siya mapakali. Pakiramdam niya kasi ay may kulang at pakiramdam niya ay hindi safe ang lugar na ito.“This is the safest place, Ria. Calm down,” sambit ni Eris at naupo sa couch. “We’ll be fine here. May mga yaya na rin naman sila, e. Hindi mo na kailangan pang mag-aalala.”They’re here in Boracay right now. At binili ni Eris ang bahay na ito para sa kanila ng mga anak niya. Eris suggested na roon muna sila sa Maynila ngunit hindi kaya ng dalagang malayo sa kanyang mga anak. They’re her strength. Kung wala sila, hindi na niya alam kung ano pa ang paghuhugutan niya at kung ano ang magiging rason niya sa paggising sa umaga.“I know,” she replied. “Pero hindi ko maiwasang mag-aalala, Eris. And you can’t blame me about that.”Kasama kasi sa usapan nila ni Leon kahapon ang tungkol sa pagtitirhan niya. Hindi naman pwedeng tumanggi siya dahil paniguradong magtataka ito kung bakit kaya naman k
"Are you sure about this?” Binigyan niya ng malamig na tingin ang kanyang kasamahan. “Do I look like joking?” Ngumisi lang ito sa kanya at binuksan ang selda ng kanyang kapatid na si Lucas. Bahagya siyang napangiwi sa amoy ng paligid. Well, the cell is clean, okay? It’s just that, it smells so lewd. Or maybe he’s not just used to this kind of place. “What are you doing here? To tell me I’m the loser?” mahina ngunit nanunuyang sambit nito habang nakatingin sa kawalan. Inayos ni Leon ang kanyang tayo. “Why did you do that?” “Do what?” inosente nitong tanong at bumaling sa kanya. “Oh, you mean, surrendering myself? Submitting myself to the authorities and locking myself in this kind of dummy place?” Hindi siya umimik at muling naglibot ng tingin. May isang kama at mayroon ding isang unan at kumot, ngunit bukod doon, wala na. This is literally a jail. Nakaupo si Lucas sa malamig na sahig at nakatitig sa pader ng kanyang silid. “Because I love her.” Nakatitig lang siya rito. He was
“Who was it?” bungad niyang tanong kay Leon nang makapasok ito sa loob ng bahay. Bago pa man masagot ni Leon ang kanyang katanungan, isang dilag ang naglalakad papasok ng bahay. Nang makita siya nito ay tumakbo ito palapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Wala sa sarili siyang napatingin kay Leon dala ng gulat. “What happened?” wala sa sariling sambit niya at tinapik ang likod ni Solene. Yes, it was Solene. Humikbi ito sa kanyang balikat kaya naman mas lalong nangunot ang kanyang noo. Kasunod niyang pumasok sa loob ng bahay ay ang yaya at anak ni Solene. Bahagya niyang hinimas ang likod nito at hinayaan muna itong umiyak. “I’ll go and check the kitchen,” sambit ni Leon. She smiled at him and nodded her head as she mouthed, “Yes, please. Thank you.” Nang makaalis si Leon ay saka pa lamang kumalas sa yakapan nila si Solene. She’s busy wiping her tears while Chandria is staring at her in confused. Hindi niya alam kung ano ang una niyang itatanong sa dami ng tanong sa kanyang
“Why don’t you just ask him directly?” suhistyon ni Maia.Yes, she’s with Maia Revamonte right now. Matapos ng usapan nila sa restaurant kanina, they decided to spend their time here, in the roof top of Maia’s husband’s company. Tanaw na tanaw nila ang malawak na syudad ng Maynila sa baba.She forced a smile towards the woman and shook her head. “Kapag ayaw ni Leon, talagang hindi mo siya mapipilit.”“Well, may alam akong paraan kung paano natin sila mapapasunod sa gusto natin,” Maia said.Chandria looked at the woman and asked, “How?”Ngumisi ito sa kanya na para bang may naiisip itong kakaiba. Isa sa rason kung bakit mabilis na napalapit ang loob niya kay Maia ay dahil may pagkamakulit ito. Marami rin itong dalang kwento at katulad niya, naranasan niya na rin ang ma-kidnap.Siguro ganoon na ang nakatadhana sa kanilang ikakasal sa mga miyembro ng organisasyon nila ni Leon, ang ma-kidnap.Maia started suggesting her ideas and that made her chuckle. Nilingon nila ang kanilang asawa na
“Anong ginagawa mo rito? Who the hell gave you the permission to come here?!”“Lindsay, stop it.”Blankong nakatitig si Chandria sa dalagang nakaupo ngayon sa kama at masama ang tingin sa kanya. Looking at Lindsay now, she can’t help but feel sad for the woman. Malaking malaki ang pinagbago ni Lindsay kaysa sa huli nilang pagkikita.“It’s fine,” she said and smiled. “I’ll just outside so you guys can talk.”Bakas sa mukha ni Leon ang hindi pagsang-ayon ngunit hindi ito pinansin ni Chandria. Maingat siyang lumabas ng silid na ‘yon at nang maisarado niya ang pinto sa kanyang likuran ay parang doon niya pa lang naalalang huminga.Hindi pa man nakakaabot ng dalawang minuto ay kasunod niyang lumabas ang ama ni Lindsay. She immediately composed a smile. Mukhang binigyan nito ng oras si Leon at Lindsay sa loob.“I’m sorry for my daughter’s aggressive behavior,” he said and sighed. “She’s just a spoiled girl.”Napatango siya. “I understand.”“I’m really sorry,” sambit nito. “You’re Leon’s fia
They filled a case against Lucas and that made Chandria feel a little better. Bahagyang naibsan ang takot na kanyang nararamdaman para sa kanyang mga anak at para rin sa kanyang mga magulang.A week passed and her parents moved out of their house. Ang sabi ng kanyang ina ay kailangan ng mga itong umuwi dahil walang nagbabantay sa kanilang bahay at lahat ng mga gamit nito ay nandoon kaya naman hinayaan na lang ni Chandria na umuwi ang mga ito.At dahil alam ni Leon na hindi siya mapapanatag na umuwi ang kanyang mga magulang, he sent five men to guard the house and two guards to look after her parents during their work.In other words, Leon made her life easier and less stress. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niya noon para maging ganito ang lalaking makaakasama niya sa habang buhay.“Are you okay?”Wala sa sarili siyang nag-angat ng tingin sa kanyang pinsan nang magsalita ito para putulin ang kanyang malalim na pag-iisip. Tipid siyang ngumiti rito at tumango.“Oo naman. Bakit mo na
Tahimik lamang si Chandria sa tabi ni Leon na ang mga mata ay diretsong nakatingin sa kalsada. To be honest, she’s hurting. Sobrang bigat ng kanyang dibdib ngayon at nasasaktan siya. Hearing the phone call he had with Lindsay’s father is like slapping her with reality.Binaling ni Chandria ang kanyang paningin sa labas ng bintana ng sasakyan habang kagat ang ibabang labi. Alam niyang ramdam ni Leon na wala na siya sa mood. Ang tuwa niya kanina matapos ng pagmumuni nila ni Leon sa burol ay napalitan ng lungkot at sakit ngayon habang pauwi sila.It seems like Leon noticed that that phone call stirred her mood kaya naman ramdam niya ang panay pagsulyap nito sa kanyang pwesto na pilit niyang h’wag pansinin. Sa totoo lang ay hindi alam ni Chandria kung ano ang kanyang dapat na maramdaman.Should she feel mad? Sad? Broken? Hindi niya alam. Hindi niya rin alam kung may karapatan din siyang makaramdam ng galit dahil alam niya namang walang nararamdaman si Leon para sa babaeng ‘yon.But still…
Tahimik na nakatitig si Chandria sa kawalan na hinahayaan naman ni Leon. She’s happy and relieved at the same time that someone can read what’s going on inside her head. Gustong gusto niyang magpunta sa lugar kung saan malamig ang simoy ng hangin at malayo ang matatanaw.And it seems like Leon can understand her in some ways no one could. And she’ thankful. Thankful is an understatement for what Leon is doing right now. This actually saved her mental health.“If you don’t mind me asking, what did you guys talk about?” mahinang tanong ni Leon sa kanyang tabi.Mapait siyang napangiti sa tanong nito at kusang tumulo ang luha sa kanyang mga mata na agad niya namang pinuasan. “I can’t imagine someone like him existed.”Hanggang ngayon ay hindi maalis sa isipan ni Chandria kung paano ito nag-request na h’wag siyang ipakulong. How can he ask that kind of request in front of her face? Ngayon niya pa ba hindi ipapakulong? Kung kailan may mga ebidensya ng nakalatag?“What did he tell you?”“He
“I’m sorry,” sambit ni Lucas sa kanya. “I have loved you so much, Chandria. Mali ang iniisip mo noon na kaya kita ganoon kung protektahan ay dahil sa tinuturing kitang kapatid.”Tatahimik na nakikinig ni Chandria. Matapos ng ilang minutong pakiusap ni Chandria kay Leon na hayaan muna sila ni Lucas dito sa loob na mag-usap nang masinsinan ang half-brother nito. Hindi napapanatag si Leon kaya naman sinabi nitong sa labas muna siya mananatili.“I’m so sorry.” Tipid itong ngumiti sa kanya. “I’m sorry sa nagawa ko. I was blinded. Iniisip ko kasi na lahat na lang ng meron ako ay inaagaw ni Leon at ng kapatid niya.”“That’s why you think I am one of your possessions? Are you out of your mind?” nagpipigil luha niyang sambit. “I was waiting, I was waiting for that child, Lucas. Hindi mo alam kung paano ko… paano ko pinagkakaingatan ang pagbubuntis ko tapos…”Tinakpan ni Chandria ang kanyang mukha at humikbi. Hinding-hindi niya ito matatanggap. Kahit ilang sorry pa ang lumabas sa bibig ni Lucas
Pinasadahan ng tingin ni Chandria ang kabuoan ng labas ng building kung saan nila tatagpuin si Lucas. Hindi alam ng dalaga kung alam ba ni Lucas na nandito sila. But there’s only one’s thing for sure, she’s nervous.“Let’s get inside?”Wala sa sarili siyang napatingin kay Leon at hilaw na ngumiti. Gusto niyang mag-back out ngunit hindi na pwede. They’re already here. The only thing she can do right now is to calm down and control her emotions.Humawak siya sa braso ni Leon at sabay silang pumasok sa loob ng hotel. Yes, it’s a hotel. At sa totoo lang ay kinakabahan siya. After that incident she had in a hotel during the twin’s birthday, pakiramdam niya ay nagkaroon na siya ng trauma. Pakiramdam niya ay mauulit na naman ‘yon.Nagtaka siya nang tumingin sa binata nang bigla itong tumigil sa paglalakad. Leon faced her and said, “You’re trembling like crazy. Are you okay?”She roamed her eyes once again before looking at Leon. Buong pagtatapat siyang umiling dito at bumuntong hininga. “No,