EROSI SIGHED heavily as I started scanning the mountains of papers on my desk. I closed my eyes and began massaging my temple. Sa dami ng trabahong kailangan kong tapusin, gusto ko na lang iwan ang lahat at umuwi.Naisip kong wala ring mangyayari kung magrereklamo ako. Mas lalo lang akong matatagalan dito sa office at baka hindi pa makauwi sa oras na sinabi ko kay Dianne. I decided to open my laptop and started working.I was busy with work when I heard a knock on my door. "Come in."Bumukas ito at sumilip si Suzette, hindi pa siya nakakapagsalita nang biglang pumasok si Mariedel sa loob."Tabi nga diyan! Bakit mo ba ako pinagbabawalan, e girlfriend nga ako ng boss mo!"I shook my head in annoyance. "What do you want, Mariedel?""Mariedel? Mariedel lang? Honey naman, galit ka pa rin ba sa akin?"Mabilis niya akong nilapitan. Lumuhod siya sa paanan ko at nagsumamo, "Honey, maniwala ka naman sa akin, hindi ko pinagbantaan ang anak mo. Bakit ko naman gagawin iyon sa batang hindi pa nga
Dianne's POVMAHABANG buntonghininga ang pinakawalan ni Tita Elena habang nakaupo sa sofa at nakaharap sa akin. Hindi na agad maipinta ang mukha nito."Tita, may dala po ako, chocolate cake." Nilapag ko sa ibabaw ng table sa pagitan namin ang box ng cake.I tried to smile at her even though it's too obvious that she didn't want me here. Naiintindihan ko naman, pero umaasa ako na kagaya ni Eros, kapag nalaman niyang buntis ako ay baka gumaan din ang loob niya sa akin kahit kaunti lang."Gusto n'yo po bang ipag-slice ko kayo ng cake? Sandali lang ho. Ipagtitimpla ko na rin kayo ng juice—""Wala akong gana."Natigilan ako sa akmang pagtayo dahil sa sinabi niya."Ganoon po ba? May iba ba kayong gustong kainin, tita? Ihahanda ko po para sa inyo.""Bakit ka ba nandito?" Mula sa malayo ay bumaling siya sa akin.Ngumiti ako bago inipit ang ilang hibla ng buhok sa likuran ng tainga ko. Kinakabahan ako kaya kung ano-anong ginagawang kilos ng katawan ko."Heto po, tita." Kinuha ko mula sa loob n
Dianne's POVNILAPAG ni Eros ang isang bote ng beer at ang glass ng strawberry milkshake sa ibabaw ng dining table. Nandito kami sa loob ng dining at nagmi-midnight talk. Pareho kasi kaming hindi makatulog."Thank you," I said and started drinking the milkshake.Nagsimula na rin sa pag-inom ng beer si Eros. Ewan ko kung bakit bigla siyang nag-aya na uminom samantalang may trabaho pa siya bukas ng umaga. "May naiisip ka na bang pangalan para sa kaniya?" Itinuro niya ang tiyan ko kaya napangiti ako."Kapag naging babae siya, gusto kong Strawberry ang pangalan niya.""E, kung lalaki?""Hm? Ikaw? Anong gusto mo?"Sandali siyang nag-isip. "Aris Dane."Natigilan ako sa pangalang ibinigay niya. I can't help not to smile. Aris Dane? Mula ba iyon sa mga pangalan namin? Eros and Dianne? Hindi ko mapigilang hindi kiligin."Thank you, Eros. Kahit ang laki ng naging kasalanan ko sa iyo, mas pinili mong patawarin ako.""Hindi pa kita napapatawad."Natigilan ako sa narinig. Unti-unting nawala ang n
Dianne's POVSIMULA noong ikasal kami, madalas ay dinadalhan ko ng lunch si Eros sa opisina niya. Pero dahil nga sa galit siya sa akin, dedma palagi ang mga luto ko. Kung kinakain niya naman, magagalit muna sa akin bago tikman."Hi!"Bigla siyang napatayo nang makita ang nakasilip kong ulo sa maliit na awang ng pintuan ng office niya."May dala akong lunch, para hindi ka na umuwi. Wanna eat together?" Pumasok na ako."Ikaw ang nagluto?"Tumango ako habang lumalapit sa desk niya. Bumalik siya sa pagkakaupo at nakangiting tiningnan ang lunch box na inilabas ko."Hindi ka dapat nagpapagod. Kaya nga ako umuuwi tuwing lunch.""Hindi naman ako napagod. Isa pa, nag-enjoy akong lutuin ang mga paborito mo." Inilabas ko isa-isa ang mga niluto kong ulam.Napangiti si Eros nang makita ang lahat nang hinanda ko. Doon na kami kumain sa desk niya. Mukhang maganda rin ang mood ni Eros dahil pumayag siyang saluhan ko. In fairness, hindi na nagsusungit.Abala kami sa pagkain at nagkukuwento rin siya tu
Dianne's POV"Are you sure about this?"I have a big smile on my face while nodding my head to Eros. "Huwag ka nang mag-alala. I'll be okay.""You're just stressing yourself. I told you, hindi basta-bastang nagbabago ang isip ni Mom.""Ganoon din ako. I won't give up that easily. Ngayon pa na okay na tayo."Mula sa daan ay nabaling sa akin ang paningin niya. Nginitian niya ako bago bumuntonghininga na para bang tinatanggap na ang pagkatalo niya."She might hurt your feelings again."Napatango ako. Expected ko nang hindi ako basta-bastang matatanggap ni Tita Elena, but I'll keep trying until she have a change of heart."Bata pa lang ako, maraming beses na akong nasaktan. But I learned that you just have to turn those pain into motivation. Hindi naman habang-buhay, nagdurusa lang tayo. Bilog ang mundo." Nakangiti ko siyang nilingon.Nakikita kong nag-aalala si Eros at halatang tutol din siya sa gusto ko, pero matigas talaga ang ulo ko. Isa pa, I'm not only doing this for myself. It's fo
Dianne's POVNAPASIMANGOT ako sa sinabi ni Eros habang nasa loob kami ng private office niya sa bahay. Seryoso ang mukha niya na parang nagbabanta."Pero Eros, hindi ko yata kayang gawin iyan.""I'm not telling you to cut ties with my mom, but I don't want you to visit her until you give birth.""Kung mayroon man tayong dapat na dalawin nang madalas, it's my parents and yours. They're the grandparents of our Strawberry. I don't think we should do that, Eros.""Bata pa ako, ganoon na siya. Kung lalo mong susuyuin, mas lalayo ang loob sa iyo. Let her be until she realizes her mistakes."Napangiti ako sa lahat nang sinabi ni Eros. Napaka-matured niyang mag-isip ngayon. Malayong-malayo sa Eros na nakasama ko nang isang taon."Gusto ko pa rin subukan. Ayaw kong isipin ni Tita na sinusukuan natin siya."Mula sa akin ay bumaling siya sa malayo. Parang nauubusan ng pasensya na nagpakawala siya ng hangin."Paano kung hindi ka pa rin niya tanggapin pagkatapos no'n? Paano kung pati ang bata, hin
Dianne's POVNANG makaalis si Tita Elena, excited kong pinulupot ang mga kamay ko sa braso ni Eros."Thank you!""Thank you for what?""For convincing your mom. She told me about what you did.""I didn't convince her, you did.""Pero dahil pa rin iyon sa iyo." Bumitiw ako sa braso niya at hinawakan siya sa kamay. "Eros?""Hm?""Can I... hug you?"Natigilan ito nang matagal. Nakatingin lang sa mukha ko. Nasa labas pa rin kami ng bahay at nakatayo sa mismong harap ng pinto."Okay lang kung ayaw mo." Napakagat labi ako. Medyo nahiya ako sa sinabi ko. Bakit ko ba nasabi iyon? I should've just hug him without asking for permission. Binitiwan ko ang kamay niya at papasok na sana, but he pulled me closer to him and gave me a quick kiss on the lips."I'm not used to these things. The kissing and hugging. Ginagawa ko lang ito noon kay Thalia. Hindi ako sanay gawin ito sa ibang babae, but I'll try with you."Nakanguso ko siyang tiningnan. "Ang dami mo kayang babaeng niyayakap at hinahalikan. M
Dianne's POV"What is he doing here?" Hinila ako ni Mama papunta sa kusina habang nasa labas ng bahay si Eros. Ayaw kasi itong papasukin ni Mama."Eros wants to talk to daddy.""Hindi puwede," matigas niyang sabi sabay balik sa ginagawang pagluluto."Pero mama, payagan n'yo nang magkausap sina Eros at daddy. Para magkaayos na sila, please?""Sa tingin mo ba, ako ang may ayaw na mag-usap ang dalawa? Hindi. Ang daddy mo. Kung hindi ko nga napigilan kanina, baka nasugod na niya ang lalaking iyan."Yumakap ako sa kaniya mula sa likuran at naglambing. Pinilit ko siyang pakiusapan si Daddy na harapin si Eros, pero mariin niya akong inilingan."I still can't forgive him for what he did to you. Ikaw ba, mapapatawad mo nang ganoon lang ang lalaking mananakit sa anak mo?"Napakagat labi ako nang mabaling ang paningin ko sa sarili kong tiyan. I understand mama but Eros is also trying. Nakikita kong pinipilit talaga nito ang magbago."Mama, kung Diyos nga, nagpapatawad. Ako pa ba?""Hey, huwag mo
Luci's POVNAKAUPO ako sa pinong buhangin habang pinanonood si Luna Marie na magtatakbo sa paligid. Kanina pa ito naglalaro sa front beach ng resort namin, parang hindi napapagod sa kakatakbo."Baby, dahan-dahan lang. Baka madapa ka na naman."Malakas na pagtawa ang itinugon nito sa akin. Dali-dali siyang lumapit sa tubig at nag-umpisang magtampisaw."Mama, ang lamig ng dagat! Ang sarap maligo!" Umahon ito at patakbong lumapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at pilit akong hinihila papunta sa tubig. "Mama, ligo tayo! Sige na!""Baby, hindi puwedeng mabasa si Mama. Ikaw na lang. Tapos mamaya, papaliguan kita.""E, wala akong kasama! Nasaan na kasi sina Tita Linda at Lolo Ernesto at Lola Guada?""Busy sa resort si Tita Linda mo, baby. Ang dami natin guest ngayong buwan.""Sina Lolo at Lola, busy rin?"Napangiti ako nang makitang sumimangot na ito. "Hindi sila busy, pero di ba, dinalaw nila si Tita Laura?""Ah, iyong kakambal mo?""Yes, baby ko!"Sumimangot ito lalo. "Paano iyan? Wala
Luci's POVUNTI-UNTING bumagsak sa lupa si Damon. Dinaig ko pa ang tinakasan ng malay sa nasasaksihan. Gising ako pero ayaw nang tumakbo nang maayos ng utak ko.Nakita ko kung paano umalis ang kotseng kinalululanan ng lalaking bumaril sa amin. Nang mawala ito sa paningin ko ay pabagsak akong lumuhod sa tabi ng mag-ama ko."D-Damon... ""L-lumayo na k-kayo... " Bigla siyang umubo ng dugo kaya lalong nagbagsakan ang mga luha ko. "Si Luna... take our b-baby... ""Damon, no! Please, stop talking!"Mahigpit kong niyakap ang baby namin habang hawak ang kamay ni Damon. Luminga ako sa paligid, umaasa na may makitang tao at mahingian ng tulong."Tulungan n'yo kami! Maawa kayo! Tulungan n'yo kami!"Nang muli kong tingnan si Damon, putlang-putla na ang mukha niya. Halos wala nang kulay."Oh, God! T-tulong! Please, maawa kayo sa amin!"Narinig kong tumunog ang cellphone ni Damon sa loob ng bulsa nito. Nanginginig ang kamay na kinuha ko iyon.I saw Nico's name on the screen. Agad ko itong sinagot,
Luci's POV"Mama!"Hindi ko napigilan ang paglunok nang marinig ko siyang tawagin akong 'mama'. I never thought a single word from her would make me this happy."Luna Marie."Lumapit ako sa kaniya with open arms. Nagmamadali siyang bumaba mula sa kinauupuan niya at patakbong lumapit. Agad niyang itinaas ang dalawang kamay para sa akin."Mama!"I tried so hard not to cry, pero nanakit lang ang lalamunan ko sa pagpipigil ng luha.Luna Marie. Anak. Baby ko."Baby, I'm sorry, ngayon lang bumuti ang lagay ni Mama. Ngayon lang kita nabisita."Nakaluhod na ako sa sa sahig habang yakap siya. Oh, God, thanks for healing me. Thank you for keeping us safe all these years. Ngayon, yakap ko na ang anak ko. Her body is so tiny. Kumakain kaya siya nang maayos dito? Nakikipagkaibigan ba siya sa ibang bata?Ang dami kong gustong malaman. Ang dami ko rin gustong ibigay sa kaniya. At una na roon ang kaligtasan.Natuon ang paningin ko sa picture namin dalawa na nakadikit sa pader sa harap ng maliit na ta
Damon's POVNASA labas ako ng bahay ng mga Herrera, nakatanaw sa bintana ng kuwarto ni Luci. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga sinabi nito kanina. She wants us to divorce, she wants to leave me and she's planning on marrying Andrew.Isipin pa lang na hindi na siya akin at pag-aari na ng ibang lalaki, halos mabaliw na ako sa galit. Hindi ako makakapayag. Gagawin ko ang lahat para lang bumalik siya sa akin. Kahit idaan ko pa sa dahas.Sumakay ako ng kotse ko at nag-drive papunta sa pinakamalapit na bar. Kanina pa tawag nang tawag si Mama at maging si Nico, pero wala akong ganang sagutin ang tawag ng kahit na sino.Pagdating ko sa bar, sinalubong agad ako ng nakabibinging ingay ng tugtog, makakapal na usok, iba't ibang kulay at mga tao sa paligid. Wala akong pakialam sa paligid ko. Naupo ako sa isang metal stool at um-order ng alak.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bumalik nga si Luci, pero ngayong bumalik siya sa akin, tuluyan na niya akong iiwan."I should've treate
Luci's POV"Miss Luci!"Hindi ko pinansin ang boses na tumawag sa akin. Agad akong sumakay sa taxing huminto sa gilid ng daan at nagpahatid sa bahay namin.Isa-isang nagbagsakan ang mga luha ko habang iniisip ang gabi kung kailan iniwan ako ni Damon para sumama sa sekretarya niya.Pagod na pagod na akong maghabol sa taong walang balak na huminto o lumingon man lang sa akin. If he still loves my best friend, then I will let go of him.Hindi niya ako kailangan sampalin ng katotohanan na mas pipiliin pa niya ang ibang babae kaysa sa akin na asawa niya. I'm now ready to let go of this toxic love. Ang pag-ibig na unti-unting lumason sa akin dahilan para mamatay ako."L-Luci?"Parang nakakita ng multo si Daddy nang makapasok ako sa double wooden doors ng aming bahay. He stopped in front of the kitchen's door and stared at me for a long time."I'll explain everything later, daddy. Let me rest for now.""W-what? Explain everything?" Sinundan ako nito hanggang sa makapasok ako sa kuwarto ko.L
Damon's POV"False alarm, sir. Naliligaw lang pala ang mga lalaki kanina at hinahanap nila ang resort para mag-check-in."Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang sinabi ng bodyguard na iniwan ni Nico para kay Luci. Natagpuan ko ang dalawang lalaking tinutukoy nito sa lobby ng resort.Mataman kong tinitigan ang dalawa. Mga lalaking mukhang vlogger dahil parehong may bitbit na camera sa mga kamay at nagsasalita sa harap nito.Pinabalik ko na sa Maynila sina Nico at ang mga tao nito. Agad ko naman pinuntahan sa cottage ko si Luci. Naabutan ko itong nanonood ng cartoon habang nakahiga sa kama."I'm back.""Damon!" Napasinghap ito, malapad na ngumiti. Nagmamadali siyang bumangon at patakbong lumapit sa akin.Punong-puno ang puso ko nang mahigpit akong yakapin ni Luci. I hugged her back and rested my chin on the top of her head."Wife... " I hugged her forehead. "Siguradong-sigurado na ako, Luci. Akin ka. Ikaw ang asawa ko."Hindi umuwi sa kanila si Luci noong gabing iyon. Muli siyang n
Damon's POVUMIBIS ako ng sasakyan nang marating ang bahay namin ni Luci. Sandali akong pumasok para kunin ang toothbrush na gamit noon ng asawa ko."Dumiretso ka na sa hospital. I need to get the DNA test result today." Inabot ko sa kaniya ang panyo kung nasaan ang toothbrush at ang isang strand ng buhok ni Luci na palihim kong kinuha kanina."Yes, sir."Nang mawala na sa paningin ko ang kotse nito, agad akong bumalik sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa built-in closet namin at binuksan ang jewelry box ni Luci."It's still here."Kinuha ko ang kwintas nito na kapareho ng kay Laura. Magkatulad na magkatulad ang dalawa. Gintong kwintas na may initials at mga pangalan nila.***"What are you doing here! I thought I told you to never show your face again!"Lumabas mula sa wooden doors ng malaking bahay si Tito Tobias. Matalim ang mga mata nitong nakatingin sa akin."I need to talk to you.""Well, I don't wanna talk to you. Ang kapal ng mukha mo! Matapos mong patayin ang anak ko?""This is
Damon's POVMARAHAN kong hinahaplos ang buhok ni Luci habang nakaupo sa gilid ng kama sa tabi niya.Ngayon, sigurado na akong siya ang asawa ko. Hindi siya si Laura, siya si Luci. Ngayong may patunay na ako, babawiin ko na siya. Maraming bagay akong gustong ihingi ng tawad, maraming bagay rin ang gusto kong gawin para sa kaniya. Lahat ng pinagsisihan kong hindi nagawa noon, magagawa ko na ngayon. Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang gumalaw ito dahil sa pag-ihip ng malakas na hangin mula sa dagat. Unti-unting bumukas ang mga mata niya."Good morning." I smiled at her as I held her hand."D-Damon?""Yes? Are you hungry?"Nagtatakang bumangon ito kaya dumulas ang puting kumot mula sa hubad niyang katawan. I chuckled as I gave her my blue polo shirt. Pinasuot ko iyon sa kaniya at inakay siya papunta sa wooden table."Hindi ka galit?"Naupo ako sa silya at hinila siya paupo sa kandungan ko. "I'm sorry sa mga inasal. Wala ako sa sarili ko kahapon.""Hindi ka na g-galit?" Umiling siya
Damon's POVSA PANGALAWANG pagkakataon, para akong mababaliw nang isipin na wala na nga talaga si Luci. Na ito ang bangkay ng babaeng natagpuan namin noon at ito ang inilibing namin.Kung hindi... kung hindi ito si Luci, ano ang nakita ko kanina? Sigurado akong walang ganoong pilat ang asawa ko. At sapat nang patunay iyon para masabing ang babaeng palagi kong kasama ay ang anak nina Mang Ernesto at Aling Guada. Kahit sabihin pang taliwas ang nararamdaman ko.Siya si Laura, hindi ang aking asawa. Hindi ang Luci ko.***"Damon! Gising, Damon! Gising!"Naalimpungatan ako nang yugyugin ng kung sino ang balikat ko. Ang nakangiting mukha ni Luci ang bumungad sa akin."Luci?""Amoy alak!" Nagtakip ito ng ilong matapos ngumiwi.Matagal akong natigilan habang nakatitig sa mukha niya. Natawa ako kasabay nang pag-iling."Hindi nga pala ikaw si Luci. You're Laura."Tumango ito. "Ako Laura, hindi Luci."Tumayo ako at dumiretso sa shower. Buong gabi akong naglasing kagabi. Kung hindi pa ako ginisin