Dianne's POV"Mariedel?"Matalim ang mga mata nito habang nakatingala. Mula sa akin ay iginala niya ang paningin niya sa paligid bago umakyat sa hagdan."Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?""Iniwan mong bukas ang pinto n'yo. Tanga!""Kahit lagyan ko pa ng welcome sign sa labas, hindi ka pa rin dapat pumapasok sa bahay nang may bahay! Pero sabagay, ano bang aasahan ko mula sa kabit? Asawa ko nga, tinikman mo!"Tumawa ito. "Hindi lang tikim ang gagawin ko! Aangkinin ko pa siya!""Ang kapal talaga ng pagmumukha mo!""Kaysa naman sa iyo! Desperada! Ang nice naman! Ang lalaking matagal mo nang inaasam-asam, sa wakas, nakukuha mo na! Sulit na sulit ang pagpapabuntis mo, ano? Nabilog mo na ang utak ni Eros."Mariin akong pumikit at pilit na kinalma ang sarili ko. I can't engage in a catfight with her. Walang aawat sa amin at buntis pa ako."Umalis ka na.""Paano kung ayaw ko?" She raised an eyebrow."Pwes, tatawag ako ng pulis."Inilabas ko ang cellphone ko sa loob ng bulsa, pero bi
Dianne's POV"She's awake! Quick! Call Dra. Buenedez!"Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. Unang bumungad sa akin ang puting kisame. Naririnig kong nagsasalita ang nurse sa tabi ko. May tinatanong ito na hindi ko maitindihan dahil sa pagkahilo."Mrs. Lacsamana, are you awake? Can you hear me?"Muli akong pumikit. Hindi ko alam kung nakatulog ako ulit o baka gising pa rin dahil sa muli kong pagmulat, naroon pa rin ang doctor sa tabi ko kasama ang dalawang nurse.Wala akong maramdaman. I don't know but, I have this feeling of emptiness. Parang walang ganang kumilos ang katawan ko o makipag-usap man lang kahit kanino.Nang makaramdam ako ng pangangalay, sinubukan ko nang bumangon. The nurse helped me until I was comfortable sitting on the bed."Check her vital signs again. I think we need to have CT—""Doc."Natigilan sa pag-uusap ang nurse at ang babaeng doctor nang magsalita ako. They both turned their heads to me. May mga tinanong ang doctor na hindi ko binigyan ng pansin dahil ib
Dianne's POV"Mrs. Lacsamana, are you sure you want to get discharge today? Hindi pa maayos ang lagay mo. You need to stay in the hospital, so that—""I'm okay," putol ko sa sinasabi ng doctor.Maglilimang araw na akong nandito. Nag-iisa. Hindi na bumalik si Eros, at ni isa kina Mama ay walang nakakaalam sa situation ko. I was left alone.Bumuntonghininga ang doctor bago tumango sa akin. Kumuha ito ng papel sa desk niya at may isinulat."You need to drink these medicines and vitamins, para mabilis na bumalik ang lakas mo. Makakatulong din iyan para mabawasan ang stress na pinagdadanaan mo."I just nodded my head at her. Marahan akong tumayo at walang paalam na lumabas ng office niya. Matapos kong magbihis, ako na rin ang nagbayad sa hospital bills ko.Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa bahay. Sinalubong ako ng nag-aalalang mukha ng katulong namin. Marami itong sinabi at tinanong pero hindi ko siya binigyan ng pansin.I went to my room and locked myself inside. Pinatay ko rin ang ila
Eros' POVMATAGAL akong nakatitig sa mukha ng babaeng mapang-akit na sumasayaw sa gitna ng club habang pinalilibutan ng mga lalaki.Akala ko, namamalik-mata lang ako o baka epekto ito ng kalasingan ko. Pero nang mabunggo ako ng isang tao at muli akong napatingin sa gawi nila, there she was, still dancing wildly around men.Nabaling sa gawi ko ang paningin nito. I don't know, but for a split seconds, I wished it wasn't her. Nang magtama ang mga mata namin ay saglit itong natigilan, pero parang wala lang na nagpatuloy ito sa pagsasayaw.Damn it! Imposibleng maging siya ang babaeng tinitingnan ko ngayon. After what happened to her, ito ang gagawin niya? Ang magwala sa bar kasama ang iba't ibang mga lalaki?"Fuck!" I cursed under my breath when I saw the man hugged her from behind.Kumuyom ang mga kamao ko nang magsimulang maglakbay ang mga kamay ng lalaki sa katawan ni Dianne. Pero lalong uminit ang ulo ko nang makita na parang wala itong pakialam sa panghihipo sa kaniya ng lalaki.Hindi
Eros' POV"Oo!" Bigla niya akong nilingon at tinitigan gamit ang matatalim na mga mata. "Ito ang iniisip n'yo sa akin, di ba? Na marumi ako, malandi, at kung sino-sino ang lalaking sinasamahan? E, di sige! Ako na ang marumi! Ako na ang malandi! Pero kayong mga hayop kayo, mga demonyo kayo! Masunog sana kayo sa impyerno!"Nag-init bigla ang ulo ko sa mga narinig. Mabilis ko siyang nilapitan at hinila sa buhok. Hindi nagbago ang emosyon sa mukha niya. Buong tapang niyang sinalubong ang matalim kong paningin."Ulitin mo ang sinabi mo!" Nagbagting ang mga ngipin ko sa galit."Habang nasa hospital ako, nagdadalamhati sa pagkamatay ng anak natin, anong ginawa mo? Nasaan ka! Nasa kabit mo't nagpapakasasa sa maruming katawan niya! Wala kang kuwentang ama!"Damn it! Ang lakas ng loob niyang magsalita! I should be angry with her!"Ang kapal ng pagmumukha mo. Kahit basura ka, sinubukan kong tanggapin ka para sa batang iyon... na hindi naman pala akin!"Naningkit ang mga mata niya sa narinig. "Wh
Dianne's POVMATAGAL akong tinitigan sa mukha ni Eros bago niya ako inilingan. Nagtaka pa ako dahil doon kaya nalukot ang mukha ko."No.""No?" Salubong agad ang mga kilay ko sa narinig. "What do you mean, no?""Hindi tayo maghihiwalay."Ilang segundo akong natahimik sa sinabi niya. Ayaw niyang maghiwalay kami? Gusto kong matawa pero pinigilan ko ang sarili ko."Nagpapatawa ka ba? Do you think I'm joking right now?""No, and I'm serious. Hindi ako papayag sa gusto mo.""Ah, you want us to stay like this? Okay! Let's say, totoo nga ang sinasabi ng kabit mo, na may lalaki ako. You still wanna live with me?""Hindi ba't ayaw mo rin makipaghiwalay sa akin noon? You want to make me suffer, so you didn't sign the divorce papers. Kaya bakit kita pakakawalan ngayon?"Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya sa mukha. I wanna laugh so hard my stomach aches. Seryoso pa siyang nakatingin sa akin. Kalmado pero matalim ang mga mata."Hindi ako papayag na mag-divorce tayo, Dianne. Ikukulong kita sa p
Eros' POV"Oh my God! How did this happen!"Tumingin sa akin si Mommy. Halata sa mga matang dismayado ito. Dahil doon ay kumuyom ang mga kamao ko nang muling balingan si Dianne."Are you happy now?"She smirked. "Hangga't hindi tayo naghihiwalay, hindi ako matatahimik.""Why do you have to do this? Hindi ka ba makapaghintay na ipangalandakan sa mundo kung gaano ka kakating babae!""Eros! Stop it!" Muling tumayo si Mommy at masamang tumingin sa akin. "You just lost your child, for Pete's sake! At namatayan ako ng apo! Paano mo nagagawang magsalita nang ganyan kay Dianne—sa sarili mong asawa!"Ibubuka ko pa lang ang bibig ko para magsalita, pero bigla akong nilampasan ni Dianne. Sandali itong tumigil para lumingon habang may makahulugang ngiti sa labi."Excuse me, may pupuntahan pa ako!" Dumiretso ito sa pinto at lumabas ng bahay.Hahabulin ko sana siya pero mabilis akong napigilan ni Mommy sa braso."Tell me, how did it happened! Paano nangyaring nawala ang apo ko? Paano!"I swallowed
Dianne's POVKUMIKIROT ang sintido ko nang magising ako kinahapunan. Pumunta ako sa kitchen at nagtimpla ng kape. Each throb gets worst and worst.Maya-maya, I received a text from a new number. Hindi ko maalala kung sino ito at kung namigay ba ako ng number ko kagabi, I just ignored it and continue sipping my coffee.Nang sumapit ang alas-sais ay naligo na ako para makapag-ayos. Ilang text pa ang natanggap ko mula sa mga hindi ko kilalang tao na nag-aayang mag-bar hopping mamaya.Sa dami nila, I just randomly replied to one of them and agreed since hindi ako puwedeng um-oo sa lahat.I wore a leather black shorts, black tube and a pair of black heeled boots to suit my outfit. Nag-apply ako nang heavy make up sa mukha, and I also curled my hair for a change of style.Nagwisik ako ng pabango ng isang branded na pangalan. Strawberry flavor ito at bago ko lang binili. I always wear this from time to time, si Strawberry kasi ang naaalala ko sa tuwing naaamoy ko ito.Pagsapit nang alas-otso