Eros' POV"Oh my God! How did this happen!"Tumingin sa akin si Mommy. Halata sa mga matang dismayado ito. Dahil doon ay kumuyom ang mga kamao ko nang muling balingan si Dianne."Are you happy now?"She smirked. "Hangga't hindi tayo naghihiwalay, hindi ako matatahimik.""Why do you have to do this? Hindi ka ba makapaghintay na ipangalandakan sa mundo kung gaano ka kakating babae!""Eros! Stop it!" Muling tumayo si Mommy at masamang tumingin sa akin. "You just lost your child, for Pete's sake! At namatayan ako ng apo! Paano mo nagagawang magsalita nang ganyan kay Dianne—sa sarili mong asawa!"Ibubuka ko pa lang ang bibig ko para magsalita, pero bigla akong nilampasan ni Dianne. Sandali itong tumigil para lumingon habang may makahulugang ngiti sa labi."Excuse me, may pupuntahan pa ako!" Dumiretso ito sa pinto at lumabas ng bahay.Hahabulin ko sana siya pero mabilis akong napigilan ni Mommy sa braso."Tell me, how did it happened! Paano nangyaring nawala ang apo ko? Paano!"I swallowed
Dianne's POVKUMIKIROT ang sintido ko nang magising ako kinahapunan. Pumunta ako sa kitchen at nagtimpla ng kape. Each throb gets worst and worst.Maya-maya, I received a text from a new number. Hindi ko maalala kung sino ito at kung namigay ba ako ng number ko kagabi, I just ignored it and continue sipping my coffee.Nang sumapit ang alas-sais ay naligo na ako para makapag-ayos. Ilang text pa ang natanggap ko mula sa mga hindi ko kilalang tao na nag-aayang mag-bar hopping mamaya.Sa dami nila, I just randomly replied to one of them and agreed since hindi ako puwedeng um-oo sa lahat.I wore a leather black shorts, black tube and a pair of black heeled boots to suit my outfit. Nag-apply ako nang heavy make up sa mukha, and I also curled my hair for a change of style.Nagwisik ako ng pabango ng isang branded na pangalan. Strawberry flavor ito at bago ko lang binili. I always wear this from time to time, si Strawberry kasi ang naaalala ko sa tuwing naaamoy ko ito.Pagsapit nang alas-otso
Eros' POVHindi ako nakapagsalita sa mga narinig. Ilang ulit akong lumunok habang nakatitig pa rin sa mukha niyang nakatingin sa akin.Inirapan niya ako bago kinuha ang lighter at ang pack ng cigarettes sa table. Padabog siyang tumayo para lumabas.Huminga ako nang malalim. Makailang ulit kong hinampas ang dibdib ko gamit ang nakakuyom na kamao. Hindi ko alam kung galit o ano ang dahilan, pero nahihirapan akong huminga.Tangina. Bakit ko ba ito nararamdaman?***"Mom, we're here."Mula sa malayo ay lumingon sa amin si Mommy. Mabilis na lumambot ang mukha nito nang makita si Dianne.Umiwas ako ng tingin nang lapitan niya ito nang may ngiti sa mga labi. Wala akong pakialam kung ano ang iniisip niya kay Dianne. Kung matatanggap niya ito sa kabila ng ginawa nito, I don't want to care, pero hindi ako. Hinding-hindi ko mapapatawad si Dianne sa kababuyan niya.***"Saan ka pupunta?"Paglabas namin ng gate, nilagpasan ni Dianne ang kotse ko at nagtuloy-tuloy sa paglalakad na parang walang nar
Eros' POV"She doesn't deserve a monster for a father!"Nakatayo pa rin ako sa gilid ng daan habang pinapanood maglakad palayo si Dianne. Galit, poot, pagkamuhi, ito lang ang tanging mga emosyon na dapat kong maramdaman para sa kaniya.Pero bakit nakakaramdam ako ng pagsisisi? Why does it fucking hurts seeing her walk away from me?Nababaliw na siguro ako para maramdaman ito. Hindi ako dapat masaktan o maawa. I don't know why my body started moving. Mabilis ko siyang sinundan at pinigilan sa kamay."Bitiwan mo ako!" She tried to slap me with her other hand, pero nagawa kong masalo ang kamay niyang iyon."Okay, bahala na sa iyo!" Marahas kong binitiwan ang mga kamay niya. "Gawin mo na ang gusto mo. Magkalat ka, magpakawala. Sirain mo ang sarili mo. Wala na akong pakialam! Pero uuwi ka sa bahay. Huwag mong uubusin ang pasensya ko kung ayaw mong maging kahihiyan ka pati sa mga Aragon!"Matalim ko siyang tiningnan bago tinalikuran. Bumalik ako sa kotse ko at mabilis itong pinatakbo palayo
Dianne's POVNAGSASAYAW akong mag-isa sa gitna ng dance floor habang may hawak na margarita sa isang kamay. A lot of guys started hitting on me already, but I ignored them all.Gusto kong enjoy-in ang gabing ito nang walang lalaki. I want to fly solo just for tonight. Naiirita kasi ako sa mga lalaki dahil naaalala ko si Eros.Kaya naman nang may isang lumapit sa akin at lakas-loob agad na pinulupot ang mga braso sa baywang ko, binuhos ko sa pagmumukha nito ang laman ng glass ko."Do I look like I'm interested?""Huwag ka nang magpakipot!" inis nitong sabi habang nagpupunas ng mukha.Hindi ako nag-abalang itago ang pandidiri sa mukha ko habang nakatingin sa lalaki. Matangkad ito, medyo payat at moreno. Amoy na amoy ko ang kajologan nito sa suot niyang damit."Lumayo ka na kung ayaw mong magsisi. Wala akong interes sa mga mukhang aso na parang may TB.""Gago ka, ah!"Akmang hahawakan niya uli ako pero kinuha ko ang kamay niya, hinila siya papunta sa akin at tinuhod ang kaniyang hotdog a
Eros' POVPUMASOK ako sa sasakyan ko at tahimik na naupo sa loob. Ni hindi ko magawang buhayin ang makina at patakbuhin palayo ang kotse. I just feel so empty inside. Na parang may malaking bagay ang nawala sa akin.Napatingin ako sa gawi ng bar at nakitang nakatayo sa labas si Dianne—nakatingin sa akin.Damn it! I wanna go outside and ask her to stop seeing other men. O hindi kaya'y balian ko na lang siya ng isang paa para mapigilan sa ginagawa niya! Bakit ba kasi ako apektado sa isang bagay na hindi naman dapat!Pinilit kong bawiin ang paningin ko. I started the car engine and drove away quickly. Dumiretso ako sa opisina ko at doon nagpalipas ng gabi habang umiinom.Fuck! Fuck! Fuck! I went to the bar to have some drink. I didn't know Dianne would be there, ang mas hindi ko inaasahan ay ang lalaking kasama nito.Nagpakawala ako ng hangin habang nakaupo sa sectional sofa at sumisimsim ng alak. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Galit ako kay Dianne at gusto ko siyang magdusa sa
Eros' POVMARAHAS kong pinagbabato ang mga gamit sa paligid ko nang makauwi ng bahay."Damn you, Dianne!"Ginagawa niya talaga ang lahat nang ikagagalit ko! Sinasadya na niya ang lahat nang ito! Nagpakuha ako ng alak sa katulong. Taranta nitong dinala sa sala ang bote ng alcohol at baso na puno ng ice.Nakakaisang lagok pa lang ako, dumating bigla si Dianne. Padabog kong nilapag ang baso sa ibabaw ng mesa at masama siyang tiningnan na ikinatigil niya."At bakit mo ako tinititigan nang ganiyan?" mataray niyang tanong na lalong nagpainit sa ulo ko."Mabuti naman at umuwi ka pa.""Ayaw ko nga sana, e. Pero mas gusto kong makawala sa iyo kaya nandito ako!"Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. May kung ano sa loob-loob ko ang nasanggi sa mga salita niyang iyon."Nag-enjoy ka ba?"Paalis na siya nang sabihin ko iyon. Gusto kong gumanti sa sakit na pinaparamdam niya sa akin kaya bigla na lang iyon lumabas sa bibig ko."Ano?"Mahina akong tumawa. "Nag-enjoy ka bang magpagamit kay Santi de Dios
Eros' POV MABILIS kong sinundan si Dianne sa labas ng opisina ko, pero hindi ko na ito naabutan pa nang makasakay siya ng elevator.Malalim na hininga ang pinakawalan ko habang nakatayo roon. My employees started murmuring as Mariedel's loud voice was heard throughout the floor.Mabilis akong bumalik sa office ko at pabagsak na isinara ang pinto. Nakita kong umiiyak pa rin ito habang walang tigil na pinagmumura si Dianne."Will you shut your mouth? Nakakaabala ka na sa mga tao ko." Bumalik ako sa silya ko. Matalim ang mga matang sumunod siya sa akin."She needs to pay for what she did! Look at me, Eros! Hindi na ako mukhang tao!""Don't be so overdramatic. Buhok lang ang nawala sa iyo.""Lang? Lang! Importante sa akin ang buhok ko! This is my life! Kailangan niyang makulong! Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sa akin!"Pabagsak kong nilapag ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa na ikinapitlag niya. Natigilan siya nang balingan ko siya gamit ang matatalim na mga mata."Hindi ba