Eros' POVMARAHAS kong pinagbabato ang mga gamit sa paligid ko nang makauwi ng bahay."Damn you, Dianne!"Ginagawa niya talaga ang lahat nang ikagagalit ko! Sinasadya na niya ang lahat nang ito! Nagpakuha ako ng alak sa katulong. Taranta nitong dinala sa sala ang bote ng alcohol at baso na puno ng ice.Nakakaisang lagok pa lang ako, dumating bigla si Dianne. Padabog kong nilapag ang baso sa ibabaw ng mesa at masama siyang tiningnan na ikinatigil niya."At bakit mo ako tinititigan nang ganiyan?" mataray niyang tanong na lalong nagpainit sa ulo ko."Mabuti naman at umuwi ka pa.""Ayaw ko nga sana, e. Pero mas gusto kong makawala sa iyo kaya nandito ako!"Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. May kung ano sa loob-loob ko ang nasanggi sa mga salita niyang iyon."Nag-enjoy ka ba?"Paalis na siya nang sabihin ko iyon. Gusto kong gumanti sa sakit na pinaparamdam niya sa akin kaya bigla na lang iyon lumabas sa bibig ko."Ano?"Mahina akong tumawa. "Nag-enjoy ka bang magpagamit kay Santi de Dios
Eros' POV MABILIS kong sinundan si Dianne sa labas ng opisina ko, pero hindi ko na ito naabutan pa nang makasakay siya ng elevator.Malalim na hininga ang pinakawalan ko habang nakatayo roon. My employees started murmuring as Mariedel's loud voice was heard throughout the floor.Mabilis akong bumalik sa office ko at pabagsak na isinara ang pinto. Nakita kong umiiyak pa rin ito habang walang tigil na pinagmumura si Dianne."Will you shut your mouth? Nakakaabala ka na sa mga tao ko." Bumalik ako sa silya ko. Matalim ang mga matang sumunod siya sa akin."She needs to pay for what she did! Look at me, Eros! Hindi na ako mukhang tao!""Don't be so overdramatic. Buhok lang ang nawala sa iyo.""Lang? Lang! Importante sa akin ang buhok ko! This is my life! Kailangan niyang makulong! Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sa akin!"Pabagsak kong nilapag ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa na ikinapitlag niya. Natigilan siya nang balingan ko siya gamit ang matatalim na mga mata."Hindi ba
Dianne's POV UMALINGAWNGAW ang malakas na tugtog sa buong paligid. Nasa isang bar ako at walang ibang ginawa kundi uminom. Halos makaisang bote na nga ako ng alak, pero hindi pa rin namamanhid ang pakiramdam ko. Umiikot na ang mga mata ko pero ang sakit, nandito pa rin."Gagong lalaki iyon! Ako na nga ang nawalan ng anak, ako pa ang sinisisi sa lahat!"Tumawa ako bago tinungga ang alak na laman ng baso ko. I'm so wasted. Halos dumikit na ang mukha ko sa bar countertop dahil ni hindi ko na magawang i-angat ang ulo ko."Damn him! Damn you, Eros! Damn you!" Turo ako nang turo kung saan-saan. Na-i-imagine na nandito si Eros at kasama ko.Humingi ako ng isa pang bote ng alak sa bartender. Medyo natagalan pa ang dating ng order ko. Nagdalawang-isip siguro ang bartender na bigyan ako."Tingin mo ba, hindi ako magbabayad? I can pay you double if I want to! I have money, you know!"Naglabas ako ng pera at binagsak sa ibabaw ng countertop. Triple pa iyon sa halaga ng alak na naubos ko."Ikaw n
Eros' POVKANINA pa ako nakaupo sa tabi ng puntod ni Strawberry. After I went to my parent's house, I tried calling Dianne's phone but I can't reach her. Wala siya sa bahay, wala rin siya sa mga bar na madalas niyang puntahan. Hindi ko siya mahanap, kaya dito ako dinala ng mga paa ko."Natatakot ako. Paano kung akin ka? Paano kung ako nga ang ama mo?"Mabilis kong pinahid ang isang luhang tumakas sa pisngi ko. Hindi ko kaya. Mas gugustuhin ko pang malaman na anak ni Dianne sa ibang lalaki ang batang ito... kaysa maging akin."Please, don't be mine. Hindi ko kayang harapin ang totoo... na baka ako nga ang pumatay sa iyo. Please."Sumikat na ang araw pero hindi pa rin ako umaalis sa tabi ng puntod niya. Bago pumunta rito, ipinadala ko ang video sa kakilala kong eksperto sa ganoong bagay. Inaalisa pa nito kung totoo ang bidyo ni Dianne o hindi. Whatever the result is, tanggap ko na ang mga pagkakamali ko.Ako ang rason kung bakit nawalan ng anak si Dianne. Ako rin ang rason kung bakit ni
Eros' POV"Kumusta ka na, anak? It's been a week since the last time I came here. Sorry kung ngayon lang dumalaw si Papa."Nilapag ko ang isang plastic tupperware ng fresh strawberries na galing pa sa Baguio, kasama ang red wine bottle, wine glass at isang bilaong order ng gisadong bihon."I brought your mama's favorite gisadong bihon with a lot of atay ng manok, carrots and cabbage."Ngumiti pa ako habang binubuksan ang paper bag kung nasaan ang strawberry stuffed toy na gustong makuha noon ni Dianne sa isang claw machine."Kalahating taon ko itong trinabaho, anak." I placed the strawberry stuffed toy next to her grave.Nagsimula akong kumain ng bihon at uminom ng red wine. Araw-araw akong dumadalaw rito mula noong umalis si Dianne. Ngayon ko lang hindi nagawa dahil sa sobrang dami ng trabaho sa opisina.Alam kong wala akong karapatan na pumunta rito at dalawin ang anak namin. Ako mismo ang dahilan kung bakit nawala sa amin si Strawberry. Pero kung hindi ko gagawin ito, pakiramdam ko
Eros' POVABALA na sa pagkain sina Matthias at Dianne, pero ako, tulala pa rin sa babaeng nakangiti at malambing na nakikipag-usap sa matandang lalaking kasosyo ko sa negosyo.Hindi ko mapigilang hindi titigan ang maamong mukha ni Dianne. Ang laki na nang ipinagbago nito, maging ang paraan nang pagngiti niya ay ibang-iba na rin. But I can't help not to stare at her. God, she's gorgeous. Breathtakingly beautiful.And I missed her. I missed her so much."Is my fiancée too beautiful, Mr. Lacsamana? I can't help but notice that you keep staring at her."Nakuha ni Mr. de Dios ang attention ko sa sinabi nito, pero nang lingunin ako ni Dianne ay mabilis na natuon muli sa kaniya ang paningin ko.Ibang-iba na rin kung tumingin ang mga mata niya. Wala na ang galit at pagkasuklam sa mga iyon na nakikita ko noon bago siya umalis. Maging ang pagmamahal na unang sumisilip sa tuwing nagtatama ang mga mata namin ay naglaho na rin. I am now like a stranger in her eyes."Yeah, she's beautiful."Natigil
Dianne's POVPUMASOK ako sa malawak na dining room ng mansion ni Matthias. Naabutan ko siyang kumakain ng breakfast sa harap ng mahabang mesa.Humalik ako sa pisngi niya bago naupo sa katabi niyang silya. "Good morning, darling.""Bakit hindi ka umuwi kagabi? Where have you been?""I'm at the bar. Kasama ko si Pia. Nalasing kami pareho kaya doon na kami natulog."Pinitik nito ang dalawang daliri kaya mabilis na pumasok sa loob at lumapit sa amin ang isang katulong."Ipaghanda mo ng hangover soup ang darling ko. Ihanda n'yo rin ang paborito niyang pagkain."Napangiti ako sa narinig. "Thank you, darling. You're so sweet.""Anything for you."Nag-usap kami tungkol sa plano kong pagpapatayo nang ilan pang bar at sa binabalak ko na gawin si Pia bilang tagapamahala."Mas mabuti ngang siya ang pagkatiwalaan mo pagdating sa mga bar mo dito sa Pilipinas. Ang gusto ko, pagkatapos ng kasal natin, mananatili ka lang sa Greece."Natigilan ako sa pagkain dahil sa narinig. Napatingin ako kay Matthia
Dianne's POVNAKAUPO pa rin ako sa deck chair at nagpapabilad sa araw nang lapitan ako ni Matthias. Hindi na ako nag-abalang bumangon nang umupo siya sa gilid ng silya at marahang kinuha ang isa kong paa.He looked at me with pure lust in his eyes. Like he saw something na matagal na niyang gustong makuha. Napangiti ako nang marahan niyang hinimas ang paa ko at sinimulan itong halikan patungo sa aking hita."Napakaganda mo, Dianne.""I know, darling."Natawa siya sa sagot ko. Maya-maya ay naglabas siya ng kahon mula sa likuran niya. Katamtaman ang laki no'n at mukhang mamahalin na naman ang laman.Pamilyar na ako sa ganitong eksena. Ito ang laging ginagawa ni Matthias kahit noon pa. He's been showering me with expensive gifts and flowers. Noong first monthsarry namin, he even bought me a white horse for a gift. Pinangalanan ko itong Bucket at iniwan sa Greece.Binuksan niya ang kahon at bumungad sa akin ang necklace na may malaking blue diamond heart pendant.Napangiti ako. "For me? O
Luci's POVNAKAUPO ako sa pinong buhangin habang pinanonood si Luna Marie na magtatakbo sa paligid. Kanina pa ito naglalaro sa front beach ng resort namin, parang hindi napapagod sa kakatakbo."Baby, dahan-dahan lang. Baka madapa ka na naman."Malakas na pagtawa ang itinugon nito sa akin. Dali-dali siyang lumapit sa tubig at nag-umpisang magtampisaw."Mama, ang lamig ng dagat! Ang sarap maligo!" Umahon ito at patakbong lumapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at pilit akong hinihila papunta sa tubig. "Mama, ligo tayo! Sige na!""Baby, hindi puwedeng mabasa si Mama. Ikaw na lang. Tapos mamaya, papaliguan kita.""E, wala akong kasama! Nasaan na kasi sina Tita Linda at Lolo Ernesto at Lola Guada?""Busy sa resort si Tita Linda mo, baby. Ang dami natin guest ngayong buwan.""Sina Lolo at Lola, busy rin?"Napangiti ako nang makitang sumimangot na ito. "Hindi sila busy, pero di ba, dinalaw nila si Tita Laura?""Ah, iyong kakambal mo?""Yes, baby ko!"Sumimangot ito lalo. "Paano iyan? Wala
Luci's POVUNTI-UNTING bumagsak sa lupa si Damon. Dinaig ko pa ang tinakasan ng malay sa nasasaksihan. Gising ako pero ayaw nang tumakbo nang maayos ng utak ko.Nakita ko kung paano umalis ang kotseng kinalululanan ng lalaking bumaril sa amin. Nang mawala ito sa paningin ko ay pabagsak akong lumuhod sa tabi ng mag-ama ko."D-Damon... ""L-lumayo na k-kayo... " Bigla siyang umubo ng dugo kaya lalong nagbagsakan ang mga luha ko. "Si Luna... take our b-baby... ""Damon, no! Please, stop talking!"Mahigpit kong niyakap ang baby namin habang hawak ang kamay ni Damon. Luminga ako sa paligid, umaasa na may makitang tao at mahingian ng tulong."Tulungan n'yo kami! Maawa kayo! Tulungan n'yo kami!"Nang muli kong tingnan si Damon, putlang-putla na ang mukha niya. Halos wala nang kulay."Oh, God! T-tulong! Please, maawa kayo sa amin!"Narinig kong tumunog ang cellphone ni Damon sa loob ng bulsa nito. Nanginginig ang kamay na kinuha ko iyon.I saw Nico's name on the screen. Agad ko itong sinagot,
Luci's POV"Mama!"Hindi ko napigilan ang paglunok nang marinig ko siyang tawagin akong 'mama'. I never thought a single word from her would make me this happy."Luna Marie."Lumapit ako sa kaniya with open arms. Nagmamadali siyang bumaba mula sa kinauupuan niya at patakbong lumapit. Agad niyang itinaas ang dalawang kamay para sa akin."Mama!"I tried so hard not to cry, pero nanakit lang ang lalamunan ko sa pagpipigil ng luha.Luna Marie. Anak. Baby ko."Baby, I'm sorry, ngayon lang bumuti ang lagay ni Mama. Ngayon lang kita nabisita."Nakaluhod na ako sa sa sahig habang yakap siya. Oh, God, thanks for healing me. Thank you for keeping us safe all these years. Ngayon, yakap ko na ang anak ko. Her body is so tiny. Kumakain kaya siya nang maayos dito? Nakikipagkaibigan ba siya sa ibang bata?Ang dami kong gustong malaman. Ang dami ko rin gustong ibigay sa kaniya. At una na roon ang kaligtasan.Natuon ang paningin ko sa picture namin dalawa na nakadikit sa pader sa harap ng maliit na ta
Damon's POVNASA labas ako ng bahay ng mga Herrera, nakatanaw sa bintana ng kuwarto ni Luci. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga sinabi nito kanina. She wants us to divorce, she wants to leave me and she's planning on marrying Andrew.Isipin pa lang na hindi na siya akin at pag-aari na ng ibang lalaki, halos mabaliw na ako sa galit. Hindi ako makakapayag. Gagawin ko ang lahat para lang bumalik siya sa akin. Kahit idaan ko pa sa dahas.Sumakay ako ng kotse ko at nag-drive papunta sa pinakamalapit na bar. Kanina pa tawag nang tawag si Mama at maging si Nico, pero wala akong ganang sagutin ang tawag ng kahit na sino.Pagdating ko sa bar, sinalubong agad ako ng nakabibinging ingay ng tugtog, makakapal na usok, iba't ibang kulay at mga tao sa paligid. Wala akong pakialam sa paligid ko. Naupo ako sa isang metal stool at um-order ng alak.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bumalik nga si Luci, pero ngayong bumalik siya sa akin, tuluyan na niya akong iiwan."I should've treate
Luci's POV"Miss Luci!"Hindi ko pinansin ang boses na tumawag sa akin. Agad akong sumakay sa taxing huminto sa gilid ng daan at nagpahatid sa bahay namin.Isa-isang nagbagsakan ang mga luha ko habang iniisip ang gabi kung kailan iniwan ako ni Damon para sumama sa sekretarya niya.Pagod na pagod na akong maghabol sa taong walang balak na huminto o lumingon man lang sa akin. If he still loves my best friend, then I will let go of him.Hindi niya ako kailangan sampalin ng katotohanan na mas pipiliin pa niya ang ibang babae kaysa sa akin na asawa niya. I'm now ready to let go of this toxic love. Ang pag-ibig na unti-unting lumason sa akin dahilan para mamatay ako."L-Luci?"Parang nakakita ng multo si Daddy nang makapasok ako sa double wooden doors ng aming bahay. He stopped in front of the kitchen's door and stared at me for a long time."I'll explain everything later, daddy. Let me rest for now.""W-what? Explain everything?" Sinundan ako nito hanggang sa makapasok ako sa kuwarto ko.L
Damon's POV"False alarm, sir. Naliligaw lang pala ang mga lalaki kanina at hinahanap nila ang resort para mag-check-in."Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang sinabi ng bodyguard na iniwan ni Nico para kay Luci. Natagpuan ko ang dalawang lalaking tinutukoy nito sa lobby ng resort.Mataman kong tinitigan ang dalawa. Mga lalaking mukhang vlogger dahil parehong may bitbit na camera sa mga kamay at nagsasalita sa harap nito.Pinabalik ko na sa Maynila sina Nico at ang mga tao nito. Agad ko naman pinuntahan sa cottage ko si Luci. Naabutan ko itong nanonood ng cartoon habang nakahiga sa kama."I'm back.""Damon!" Napasinghap ito, malapad na ngumiti. Nagmamadali siyang bumangon at patakbong lumapit sa akin.Punong-puno ang puso ko nang mahigpit akong yakapin ni Luci. I hugged her back and rested my chin on the top of her head."Wife... " I hugged her forehead. "Siguradong-sigurado na ako, Luci. Akin ka. Ikaw ang asawa ko."Hindi umuwi sa kanila si Luci noong gabing iyon. Muli siyang n
Damon's POVUMIBIS ako ng sasakyan nang marating ang bahay namin ni Luci. Sandali akong pumasok para kunin ang toothbrush na gamit noon ng asawa ko."Dumiretso ka na sa hospital. I need to get the DNA test result today." Inabot ko sa kaniya ang panyo kung nasaan ang toothbrush at ang isang strand ng buhok ni Luci na palihim kong kinuha kanina."Yes, sir."Nang mawala na sa paningin ko ang kotse nito, agad akong bumalik sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa built-in closet namin at binuksan ang jewelry box ni Luci."It's still here."Kinuha ko ang kwintas nito na kapareho ng kay Laura. Magkatulad na magkatulad ang dalawa. Gintong kwintas na may initials at mga pangalan nila.***"What are you doing here! I thought I told you to never show your face again!"Lumabas mula sa wooden doors ng malaking bahay si Tito Tobias. Matalim ang mga mata nitong nakatingin sa akin."I need to talk to you.""Well, I don't wanna talk to you. Ang kapal ng mukha mo! Matapos mong patayin ang anak ko?""This is
Damon's POVMARAHAN kong hinahaplos ang buhok ni Luci habang nakaupo sa gilid ng kama sa tabi niya.Ngayon, sigurado na akong siya ang asawa ko. Hindi siya si Laura, siya si Luci. Ngayong may patunay na ako, babawiin ko na siya. Maraming bagay akong gustong ihingi ng tawad, maraming bagay rin ang gusto kong gawin para sa kaniya. Lahat ng pinagsisihan kong hindi nagawa noon, magagawa ko na ngayon. Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang gumalaw ito dahil sa pag-ihip ng malakas na hangin mula sa dagat. Unti-unting bumukas ang mga mata niya."Good morning." I smiled at her as I held her hand."D-Damon?""Yes? Are you hungry?"Nagtatakang bumangon ito kaya dumulas ang puting kumot mula sa hubad niyang katawan. I chuckled as I gave her my blue polo shirt. Pinasuot ko iyon sa kaniya at inakay siya papunta sa wooden table."Hindi ka galit?"Naupo ako sa silya at hinila siya paupo sa kandungan ko. "I'm sorry sa mga inasal. Wala ako sa sarili ko kahapon.""Hindi ka na g-galit?" Umiling siya
Damon's POVSA PANGALAWANG pagkakataon, para akong mababaliw nang isipin na wala na nga talaga si Luci. Na ito ang bangkay ng babaeng natagpuan namin noon at ito ang inilibing namin.Kung hindi... kung hindi ito si Luci, ano ang nakita ko kanina? Sigurado akong walang ganoong pilat ang asawa ko. At sapat nang patunay iyon para masabing ang babaeng palagi kong kasama ay ang anak nina Mang Ernesto at Aling Guada. Kahit sabihin pang taliwas ang nararamdaman ko.Siya si Laura, hindi ang aking asawa. Hindi ang Luci ko.***"Damon! Gising, Damon! Gising!"Naalimpungatan ako nang yugyugin ng kung sino ang balikat ko. Ang nakangiting mukha ni Luci ang bumungad sa akin."Luci?""Amoy alak!" Nagtakip ito ng ilong matapos ngumiwi.Matagal akong natigilan habang nakatitig sa mukha niya. Natawa ako kasabay nang pag-iling."Hindi nga pala ikaw si Luci. You're Laura."Tumango ito. "Ako Laura, hindi Luci."Tumayo ako at dumiretso sa shower. Buong gabi akong naglasing kagabi. Kung hindi pa ako ginisin